Ang Matsing at ang Pagong
(Ang Pagpapatawad)
Nagtatawanan sina Matsing at Pagong kapag naaalala nila ang kanilang pag-
aaway. Matindi ang naramdaman nilang poot para sa isa’t isa noon.
“Ang takaw mo kasi. Hindi mo na ako binigyan ng hinog na saging nang matikman mo ito!” ang kunyaring pagalit na paalala ni Pagong kay
Matsing.
“Oo, inamin ko naman ang kasalanan ko. Biglang nawala akjo sa sarili nang
matikman ko ang napakatamis na saging mula sa iyong tanim,” kumpisal
ni Matsing.
“Pero hindi ko malilimutan ang sakit na naramdaman ko mang matusok ako ng
tinik na inilagay mo sa katawan ng saging pagbaba ko rito.
Hindi ka pa nasiyahan doon nagtago ka pa sa bao para kagatin ang buntot ko
nang maupo ako rito upang magpahinga. Ang tindi mong gumamit,
kaibigan!” natatawang kwento ni Matsing.
“Ikaw ba naman ang magutom nang matindi sa kahihintay sa ihahagis mong saging e, gagawin mo talaga ang mga
iyon. Idagdag pa nating ako ang nagpakahirapna alagaan iyon hangang
mamunga ng prutas, ano?
Tapos sa isang saging hindi mo ako binigyan! Pero naisahan pa ulit kita, di ba? Nang mahuli mo ako ay gaganda
ang kulay ko kung iihaw moako; na dadami ako kung tatadtarin mo ako;
at magmakaawa ako sa iyo nahuwag mo akong ihagis sa ilog kasi malulunod
ako roon. Hindi mo pala alam na sa tubig ako nabubuhay?” ang sunod-
sunod na paggunita ni Pagong.
“Ha-ha-ha!” muling nagtawanan ang dalawa.
Dahil matalik ngang magkaibigan sina Pagong at matsing ay hindi nila natiis
na hindi pansinin ang isa’t isa. Masiyado silang nagulila sa isa’t isa
kaya’t nagkabati rin sila. Ganito rawang nangyari sa kanilang muling
pagkakasundo.
Sa tuwing nagpapalipat-lipat si Matsing sa puno at naglalaro sa mga baging
nito ay palagi siyang palihim na sinisilip ni Pagong.
“Hay, mahirap ang mawalan ng kaibigan. Sabik na akong makalaro
siyang muli,” ang pabulong na usal ni Pagong sa sarili.
Lingid sa kaalaman ni pagong ay halos pareho lamang silang damdamin mi
Matsing. Tulad niya si Matsing ay nalungkot din. Sising-sisi ito sa kanyang
ginawang panlalamang sa kaibigan.
Palihim din niyang tinatanaw si pagong kapag lumalangoy ito sa ilog na mag-
isa habang nakatago siya sa mga dahon ng punong kaniyang nilalambitinan.
“Hay, bakit ko ba kasi nagawa ang lamangan ang aking kaibigan.
Kung maibabalik ko lang ang panahon, hindi sana ako mag-iisangayon.
Napakahirap nang walang kaibigan.”
Isang araw na papasikat ang araw ay naisipan ni Matsing na muling balikan ang dating punong saging na itinanim
nila ni Pagong noon. Marami nang mga puno ang diton ay namumunga.
Tanaw na tanaw ito sa kanyang kinaroroonan.
Ngunit ang hindi niya alam ay naroon din din si pagong sa lugar na
iyon. Ipinagpatuloypala nito ang pagpaparami ng saging kaya biglang
dami ang puno ng saging nanamunga sa tabi ng kanilang
naunang itinanim.
Paalis n asana si Pagong nang bigla niyang nakit si Matsing. Nabanaag niya
ang kalungkutan sa mata nito. Damang-dama niyang nagsisisi na ang
dating kaibigan.
Habang tinitignan ni pagong si Matsing ay di sinasadyang
mapabaling ito sa kinalalagyan niya. Nagtama ang kanilang mga
paningin.
Sa sobrang pangungulila marahil sa isa’t isa ay mga nahihiytangngiti
ang sumilay sa kanilang mga labi. Ginamit niMatsingang pagkakatong ito at lakas-loob siyang lumapit sa
kaibigang si pagong.
“Kaibigang Pagong, patawarin mo ako! Hindi kokayang mawalan ng
isang mabuting kaibigang tulad mo. Gusto kong maging magkaibigan ulit
tayo. Sigurado akong wala nang makasisira sa ating samahan!” ang madamdaming pakiusap ni Matsing
kay pagong.
Hindi pa naman tapos magsalita si matsing ay buong pagmamahal na
tinalunan niya ang kaibigan na parati nilang ginagawa noong
kapag sila ay naglalaro.
“Kalimutan na natin iyo, kaibigang Matsing. Magsimula tayong muli bilang magkaibigan.Kung anuman
ang nangyari sa nakaraan ay maging aral na lang sa atin at huwag na
anting ulitin.
Hindi tayo nagiong magandang halimbawa sa ating mga kaibigang
hayop. Halos nalaman pala ng buong kagubatan ang nangyaring pag-aaway
natin. Palagi tuloy tayong napagkukwentuhan,” sabay tawang
malakas ni Pagong.
“Nabalitaan mo rin pala yun. Hindi bale nagyon kapag nakita taong iba
pang hayop na magkasama ay siguradong mabbago na ang
kanilang kwentuhan hinggil sa atin.
Masasabi nilang ang tunay na magkaibigan ay hindi
mapaghihiwalay ng anumang uri ng alitan. Maraming salamat sa iyo ha, kaibigang pagong,” Nagagalak
na paliwanag ni Matsing.
Simulanganoon ay hindina muling nagkagalit ang dalawang matalik na magkaibigan. Pinarami nila ng pinarami angmga puno ng saging na kanilang inalagaan sa tabi ng
ilog.
Kapag hinog na ang mga ito ay si Matsing ang nangunguha.Kapag
hinog na ang mga ito ay si Matsing ang nangunguha. Lahat ng saging
na kanyang inaani ay pinaghahatian nila ni Pagong.
Sabay nilang kakaininang mga ito. Dahil sobra-sobra pa ang kanilang
nakukuhang prutasay nakapamimigay pasila sa ibang mga
hayop sa tabing-ilog at sa kagubatan.
Wakas