Ang Pancasila at ang Indonesia ng Makabagong Panahon
Ang nangungunang pilosopiya sa pamumuno at pamumuhay ng
bansang Indonesia ay ang Pancasila. Ang Pancasila, sinusulat rin na
Pantjasila, ay nagmula sa dalawang salita: panca, na ang ibig sabihin ay
lima, at sila, na nangangahulugang prinsipiyo. Ang Pancasila ay
nagsasalaman ng limang prinsipyo na sinasabing hindi maipapaghiwalay at
may relasyon sa isa’t isa. Ang sumusunod ang nakalahad sa Pancasila:
1. Ang paniniwala at pananampalataya sa isa, at isa lamang, na Diyos
(Ketuhanan Yang Maha Esa).
2. Makatarungan at sibilisadong sangkatauhan (Kemanusiaan Yang Adil
dan Beradab).
3. Pagkakaisa ng Indonesia (Persatuan Indonesia).
4. Demokrasyang ginabayan ng kadakilaan sa walang dudang pag-angat
ng deliberasyon sa pagitan ng mga representante (Kerakyatan Yang
Dipimpin oleh Hikmat Kebijaksanaan, Dalam Permusyawaratan dan
Perwakilan)
5. Katarungang panlipunan para sa lahat ng mamamayan ng Indonesia
(Keadilan Sosial bagi seluruh Rakyat Indonesia)
Ang limang prinsipiyong ito, magmula noon, ang naging basehan ng
bayan ng Indonesia. Sa konstitusiyon ng republika ng Indonesia na isinulat
noong 1945, inilista ang limang prinsipyo sa naiibang kaayusan at
natatanging mga salita: ang pagkonsulta sa paniniwala at hustisiyang
panlipunan para sa mamamayan ng Indonesia. Para mas maintindihan ang
pilosopiyang bumubuo sa Indonesia, kailangan nating balikan ang kanilang
kasaysayan para tunay na maunawaan ito.
Ang Indonesia bago ang Pancasila
Masasabing kalahating milyon na ang kasasayan ng Indonesia dahil
iyon ang petsa na umaayon sa hominid fossils na natagpuan noong 1809 ni
Eugene Dubois malapit sa Trinil Village, kanluran ng Java. Malaki at malalim
ang epekto ng dagat sa kasaysayan ng Indonesia. Ang malawakang paglikas
ng mga tao ay nagsimula noon pang 3000BK at nagpatuloy sa mahalagang
bahagi ng tatlong libong taon. Hindi malaman ang eksaktong pinagmulan ng
mga taong ito, kung sa Timog Tsina ba o sa mga isla sa Pasipiko. Dinala nila
kasama nila ang kanilang wika, Awstronisiyano, subalit dahil dumating sila sa
maliliit na grupo at nagtaguyod ng mga matitirhan sa paligid ng
dalampasigan na kung minsan ay nakikipamuhay sa malayong ninuno ng
taong Java, ang wikang ito ay mabilis lumago na ngayon ay mayroon nang
dalawang daang iba't ibang dayalekto, lahat ng ito ay mula sa
Awstronisiyano na ginagamit sa loob ng Indonesia. Ngunit, ang pambansang
wika sa Indonesia ay ang Bahasa Indonesia o sa alam ng maraming dayuhan,
Bahasa.
Ang Bahasa Indonesia ay ginagamit sa pormal na pakikipagusap at
naiintindihan ng sinuman sa buong kapuluan. Kasabay ng paglikas ng mga
tao patungong Indonesia, ang mga naunang nanirahan ay lumayag papunta
sa ibang bahagi ng mundo upang makipagkalakalan. Ang mga naunang tala
nito marahil ay ang mga gawa ni Pliny Elder na ang Historia Naturalis ay
mistulang tumutukoy sa kalakalan sa pagitan ng mga tao mula sa Indonesia
at mga kultura sa silangang Africa. Sa panahong ito dumating ang Hinduismo
sa Indonesia kaakibat ng pagdating ng mga mangangalakal ng India. Sa
kabila nito, ang tunay na halaga ng Hinduismo ay pumunta sa Indonesia sa
mas huling panahon pa para sa gawain ng misyonerong Brahman. Siguro sa
ikalimang siglo, sa swerte ng pagkakataon, ilan sa mga simpleng alituntunin
ng Hinduismo ay maganda ang pagkakaayon sa mga nalalabing sumasamba
sa bundok na Indonesian at ang natatangi't kakaibang pagkakahalo ng
relihiyon ay nabuo. Sa panahong ito, ang Tsina ang pangunahing kalakaran
ng Indonesia. Dahil dito, ang impluwensyang Budhismo ay sumali sa
kwento.
Hanggang marahil sa huli ng ikapitong siglo, ang mga tao ng Indonesia
ay nanatili bilang maraming maliliit na komunidad, nangangalakal at kung
minsan ay nakikipaglaban sa isa’t isa. Ngunit magmula noon, isang malaking
kaharian ng Budhismo, ang Sriwijaya, ay itinaguyod ang sarili sa kanyang
gitna siguro sa kanluran lamang ng Palembang, sa Sumatra. Mistulang ang
mga pinuno ng Srivijaya ay mayroong maraming kayamanan bunga ng
malawakang kalakalan at dakilang industirya sa rehiyon. Sa dulo ng
ikapitong siglo umusad ang kaharian upang sakupin ang lahat ng maliliit na
komunidad sa paligid ng hilagang dalampasigan ng Sumatra at kumupit ng
monopolyo ng malagong kalakalan ng Tsina. Ang mga Maharajah ay gumawa
ng maraming kasunduan sa mga tao sa maliliit na isla sa rehiyon nang sa
gayon hindi mapano ng mga barkong pangkalakal. Sa ganitong paraan
nabuhay ang kaharian hanggang ikasampung siglo. Naging maluwag para sa
mga Intsik para makipag kalakal sa sentro lamang, subalit ang mga Instik ay
nagsimulang makipagkalakal sa local na produksyong sentro sa ibang lugar
sa rehiyon at maliit lamang ang magagawa ng Sriwijaya upang pigilan sila.
Maaaring ang kaharian ay nadala hanggang ika-14 na siglo ngunit sa
panahong ito ang kapangyarihan nila ay mukhang balewala.
Sa kabilang dako, mula sa ikawalong siglo, pinamunuan ang sentro ng
Java ng prinsesa ng Sailendra. Ang kanilang maliit na kaharian ay mayaman
sa agrikultura at kaya nilang magpasasa sa monumentong pangrelihiyon.
Ang malawak na sanktuwaryo at gusali ni Borobodur ay ginawa limampung
taon na ang nakalilipas mula sa katapusan ng ikawalong siglo. Ang templo
para kay Siva sa Prambanan ay sinimulang gawin noong parehong panahon
sa pagawa ng Borobodur ngunit ang mga manggagawa para dito ay hindi
ang mga Sailendras. May nangyari marahil noong ikasampung siglo dahil
biglang natilig ang produksyon ng mga monumento, kasulatan at iba pang
makasaysayang bagay sa sentro ng Java.
Noong 1268, ang hari ng Java na si Haring Kertanagara ay napunta sa
trono at sa loob ng ilang taon, pinalawak nya ang kanyang kaharian
hanggang sa timog Sumatra, kaharian ng Malayu. Pinatapon at pinatay
noong 1292 pero hindi bago ang kanyang pagkakamali na pinadala niya ang
mensahero ni Kublai Khan pauwi kasama na dito ang putol niyang ilong at
ang “no” na tato sa kanyang noo. Nang dumating ang ekspedisyong Mongol
sa Java, dinispatya ng manugang ni Kertanagara na si Kertarajasa ang hari.
Gumamit siya ng diskarte upang pigilian ang banta mula sa ibayong dagat at
pagkatapos nito, inayos niya ang kanyang bagong kapitolyo sa Majapahit. Si
Kertarajasa at ang kanyang mga tagasunod ay dahan-dahang nagpalaganap
ng kapangyarihan sa karamihan ng Indonesia maging sa ilang bahagi ng
Malaysia.
Noong ika-11 siglo, dinala na mga mangangalakal ang Islam sa
kapuluan. Nang tanggapin ng mga Indonesian ang naunang Budhismo sa
kanilang pangangailangan at paniniwala, tinanggap din nila ang Islam ng
lubusan sa kanilang sariling termino. Subalit walang sentro ang Islam sa
kulturang Indonesia. Ang impluwensiyang kalat na ito ay nagdulot ng
matinding kahinaan noong dumating mga Dutch.
Hindi ang mga Dutch ang mga unang Europeo na umokupa sa
Indonesia. Ang mga Portuges at mga Briton ay nauna na bago sila, subalit
konting epekto lamang ang naidulot ng mga ito. Mula 1602 hanggang 1799,
ang bansa ay pinamumunuan ng Dutch East India Company. Sa dulo ng
taon, ang naghihingalong kumpanya ay napalala ng gobyernong Dutch. Ang
mga pondo nito ay mabilis na nabawasan dahil ang Indonesia ngayon ay
kaya nang tumakbo sa sarili niyang paa at halos hindi na magpapaamo sa
kolonyalismo. Nagtaguyod na sila ng daang pang kalakalan upang malihis
ang Dutch East India Company. Kahit na may mga rebelyon, ang Indonesia
ay nanatiling kolonya ng mga Dutch hanggang 1942. Sinakop ng mga Hapon
ang kapuluan noong 1942 – 1945 bago bumalik ang Dutch at inako ang
kanilang kolonya. Sa dulo ng 1949, inatras ng Dutch ang kanilang
pamumuno sa buong Indonesia maliban sa Kanlurang Irian. Noong 1956,
ang mga nalalabing alyansa sa Netherlands ay nahinto.
Noong 1956, pinakilala ni Sukarno ang konsepto ng Guided
Democracy, na nagsasabing itaboy ang anumang may kinalaman sa
Kanluran. Isa sa mga pinakamalalang bunga ay ang mabilis na pagbaba ng
ekonomiya. Sumapi ang Irian Jaya sa Indonesia noong 1963. Isang balak na
coup noong 1965 ay natapos ng marahas, isang kampanya ng pagsira na
nagpatuloy ng higit na mas bayolente ng mga awtoridad ng rehimen ni
Heneral Raden Suharto na siyang nagpalaglag kay Sukarno noong 1966.
Dito dineklara niya ang kanyang pammumuno bilang Orde Baru, o New
Order. Tinapos ni Suharto ang kumprontasyon sa Malaysia na nagpursigi
noong panahon ni Sukarno. Dinala niya ang Indonesia pabalik sa United
Nations. Nakipagalyansa sila sa Papua New Guinea at noong 1975 sinakop
nila ang Silangang Timor. Ang okupasiyong ito ay nagdulot ng maraming
kawalag ng buhay at hanggang ngayon hindi pa rin kinikilala ng United
Nations ang rehiyong Silangan Timor bilang parte ng Indonesia.
Noong 1975, humarap ang Indonesia sa isang malaking problema
kaugnay ang kanilang langis. Nabaon sa halos $10.5 bilyon na pagkakautang
ang bansa. Upang masolusyunan ang problemang ito, humingi ng tulong ang
Indonesia sa Amerika at iba pang kanluraning bansa. Limang taon
pagkatapaos, unti-unti nang nakabawi ang Indonesia sa pamamaraan din ng
pagtanggap ng mga dayuhang kapitalista. Dahil sa bagong polisiyang ito ni
Suharto ay umunlad muli ang Indonesia. Ngunit, nagkaroon ng hindi patas na
distribusyon ng kayamanan. Tila unti-unting yumayaman ang mga
nakatataas at kabaliktaran naman ang nangyari sa mga nakabababa.
Maraming nagalit at hindi sumang-ayon sa polisiya ni Suharto, lalo na
ang mga Islamikong radical at mga estudyante ng mga unibersidad.
Nagkaroon ng malawakang demonstrasyon noong 1978 na nagresulta sa
pagtigil ng programa sa mga unibersidad.
Noong kalagitnaan ng 1997, isa nanamang pagsubok na pang-ekonomiya
ang ikinaharap ni Suharto. Bumaba ang halaga ng pera ng Indonesia na
nagresulta sa pagmahal ng mga bilihin ng mga mga tao sa araw-araw.
Noong Marso 1998, nang mahalal para sa ikapitong beses si Suharto ay
nagkaroon ng maraming protesta laban sa gobyerno. Nagkaroon ng mga
ingkwentro kung saan daan-daang tao ang pinatay ng mga militar.
Pagkatapos nito, napababa din sa pagiging presidente si Suharto noong
Mayo 21. Pinalitan siya ng kanyang bise-presidente na si Bucharuddin Jusuf
Habibie.
Ang Pancasila
Gaya ng lahat ng bansang napasailalim sa banyagang kapangyarihan
at naging isang kolonya, iisa lamang ang pangarap ng Indonesia: kasarinlan.
Ngunit ‘di katulad ng Pilipinas na dumaan pa sa sistema ng Commonwealth
bilang “paghahanda para sa kasarinlan”, ang Indonesia ay hindi nagkaroon
ng isang gobyernong transisyunal. Sa halip nito, noong taong 1945, itinatag
ni Lt. Gen. Kumakichi Harada ng 16th Army ang Badan Penyelidik Usaha
Persiapan Kemerdekaan Indonesia o ang Body to Investigate Efforts for
Preparing [Indonesian] Independence (BPUPKI) upang mamahala at
maggabay sa mga hakbang nila patungo sa isang bansang may soberanya1.
Sa mga talumpati at diskusyon sa mga pagpupulong nito lumabas ang
Pancasila: isang idelohiya at pilosopiya; limang prinsipiyo na gumabay sa
pagbuo ng Indonesia sa kung ano ito ngayon.
Ang Pancasila ay isang kagamitang political at higit pa, ito’y lubhang
dinamiko. Makikita natin sa mga sumusunod na bahagi na mula sa unang
paglitaw niya hanggang sa kasalukuyan nitong anyo, nagkaroon ito ng mga
ilang pagbabago at bukod pa rito, ang paraan ng paggamit nito bilang
instrumento ng pamamahala ay nag-iiba din ayon sa nasa kapangyarihan.
A. Ang Pancasila ni Sukarno
Hindi lubusang klaro kung sino talaga ang lumikha ng Pancasila.
Mismong si Sukarno, ang kinikilalang gumawa ng Pancasila ay nagsasabing
ito’y naka-ugat sa mga tradisyunal na kaisipang Indonesian at sa kanyang
salita, siya mismo’y "tagatuklas ng mga turo ng Pancasila" ("…discoverer
[excavator] of the Pancasila teaching") lamang.2 Sinuman ang lumikha nito,
unang opisyal na naiprisenta sa publiko ang Pancasila sa talumpati ni
Sukarno noong Hunyo 1, 1945 (“The Birth of Pancasila Address” ang
karaniwang tinatawag sa talumpating ito). Bilang isang bansang nasa harap
na ng pintuan ng kasarinlan, lubos na mahalaga na mayroon silang bagay o
ideya na makakapitan at magsisilbing gabay patungo sa soberanya. Sa
1 Ang mga gawain ng BPUPKI ay nailipat sa Panitia Persiapan Kemerdekaan Indonesia o Committee for Indonesian Independence Preparation (PPKI) sa pamumuno ni Sukarno noong Agosto nang taong iyon.
2 "Piagam Jakarta 22 Juni 1945 [The Jakarta Charter of June 22, 1945], under paragraph 1: The Shaping of Soekarno's Pancasila," p. 21. (Prawiranegara, 1984)
kanyang talumpati, hiniram ni Sukarno ang mga Alemnyang terminong
philosofische grondslag (pundasyonal na pilosopiya) at Weltanschauung
(Pandaigdigang pagtingin o worldview). Ayon sa kanya, nangangailangan sila
ng ganoon na kanilang mapagkakasunduan upang maitatag nila ang
estadong Indonesian (Prawiranegara, 1984); at ang magsisilbing
pangkalahatang haligi nila ang Pancasila3. Iniugat ni Sukarno ang Pancasila
sa “tradisyonal” na pamamaraan ng pamamalakad na makikita raw sa mga
nayon ng Indonesia.
Ang pangalan ng pilosopiyang ito na tuluyang magsisilbing
ideolohiyang pambansa ng estado, ay mula sa dalawang salita, Panca na ang
ibig sabihin ay lima, at Sila, na ang ibig sabihin naman ay basehan o
pundasyon. Noong Agosto 17, 1945, opisyal na idineklara ni Sukarno at ni
Hatta ang kasarinlan ng bansa4; ang una ay nagsilbing presidente habang
ang pangalawa ay nagsilbing bise presidente. Matapos nito, inilabas ang
Konstitusyon ng Indonesia noong 19455 na ginagabayan ng pilosopiyang
Pancasila at kung saan, sa mismong Preamble nito, nakasaad ang 5
prinsipyo.
Mga Pormulasyon ng Pancasila
3 Trankripsyon ng Talumpati ni Sukarno noong Hunyo 1, 1945, "20 Tahun Merdeka" [Twenty Years of Independence] R.I. Department of Information edition, 1965. (Prawiranegara, 1984)
4 Subalit ilan bahagi ng teritoryo ng postwar Indonesia ay nakuha lamang nila mula sa mga Olandes noong 1950.
5 Ang konstitusyong 1945 ay pinalitan ng konstitusyong Federal ng 1949 at ng konstitusyong Probisyonal ng 1950. Bumuo ng isang Constitutional Assembly noong 1955 upang makagawa ng tiyak na konstitusyon ngunit ito ay humarap sa maraming problema; dinisolba ito ni Sukarno at ibinalik niya noong 1959 ang konstitusyong 1945. Mula noon, ito na ang ginamit na konstitusyon ng Indonesia subalit dumaan ito sa ilang amendments sa ilalim ni Suharto at ang mga sumunod sa kanya.
Ang sumusunod ay ang pormulasyon at pagsasaayos ng Pancasila
ayon sa talumpati ni Sukarno noong Hunyo 1, 1945 (Salin ni Prawiranegara
sa Ingles, 1984):
1. Nasyonalismo
2. Internationalism o humanitarianism
3. Konsutasyon, o demokrasya
4. Kabutihang panlipunan
5. Paniniwala sa iisang diyos
Matapos ang ilang konsultasyon at pag-uusap, naiba ang
pagkakasunod-sunod ng mga prinsipiyo pati na rin ang paraan kung paano
sila isina-pangungusap:
1. Paniniwala sa isang Diyos, at ang obligasyon para sa mga tagasunod
na sundin ang batas Shari'a ng Islam
(Belief in God, with the obligation for its adherents of abiding by the
Shari'a [laws] of Islam)
2. Makatarungan at sibilisadong sangkatauhan (Righteous and civilized
humanity)
3. Pagkakaisa ng Indonesia (Unity of Indonesia)
4. Demokrasyang ginabayan ng kadakilaan sa walang dudang pag-angat
ng deliberasyon sa pagitan ng mga representante (Democracy guided
by wisdom in the consultations of [the people's] representatives)
5. Katarungang panlipunan para sa lahat ng mamamayan ng Indonesia
(Social Justice for all the people of Indonesia)
Nang ito’y inilagay sa Preamble ng kanilang konstitusyon, tinanggal
mula sa unang sila ang tungkol sa batas ng Islam at tuhan ang ginamit na
salita para sa Diyos bilang ito’y nagsisilbing mas pangkalahatang termino.
Ang Pancasila na lumabas sa Preamble ang gagamitin para sa papel na ito6.
Sila Ketuhanan yang Maha Esa - Paniniwala sa nag-iisang
makapangyarihan o kataas-taasang nilalang. Makikita dito na inilalagay sa
una ang pagpapahalaga sa paniniwala sa isang diyos. Sa unang tingin, ang
pagamit ng Kethuanan, na maaring isalin bilang “one God” ay pumapapel
bilang isang pangkalahatan at neutral na termino. Samu’t sari ang mga
relihyion sa Indonesia; nawa’y ipinapakita ng sila na ito na ang estado
ay “hindi pumapabor” sa iisang pananampalataya lamang7.
Sila Kemanusian yang Adil dan Beradab- Paninindigan sa
pagpapanatili ng humanitarianism. Bilang ang tao ay tao na likha ng kataas-
taasan, hindi dapat pinapayagan ang kahit anong paglabag sa katauhan ng
isang indibidwal gaya ng abusong pisikal at spiritwal o pagsasamantala ng
sinuman. Ito dapat ay tinatamasa ng mga mamamayan ng Indonesia pati na
rin ng mga banyaga sa loob ng bansa. Makikita na malinaw na
binabantayan ng sila na ito ang ilang karapatan pantao ng mga taga-
Indonesia.
Sila Persatuan Indonesia- Paninindigan sa pagkakaisa ng Indonesia.
6 Para sa diskusyon, ipapakita ang mga sila sa orihinal nitong wika at katabi nito ang pagsasalin. Ito’y sa dahilan na ayon sa batis, mayroon nawawala o hindi talaga nakukuha kung ang salin lamang ang ipinakita (Morfit, 1981)
7 Ngunit kung sisiyasatin natin, ang pagkakaroon ng “…nag-iisang…” ay nagpapakita ng isang bias para sa monoteismo. Sa lahat ng sila, ito ang pinakatinututulan ng mga Muslim na pundamental sa dahilan na pinaniniwalaan nilang Islam dapat ang pananampalataya ng estado.
Gaya ng Pilipinas, ang Indonesia ay isang kapuluan na binubuo ng mga iba’t
ibang kapuluaan. Sa loob ng mga ito ay naninirahan at nabubuhay ang
napakaraming iba-ibang pangkat-etniko, relihyon, paniniwala at iba pa. Sa
ilalim ng sila na ito, idinidiin ang pangangailangan ng pagkakaisa, na dapat
patas ang pagtingin at pagtrato sa bawat indibidwal anuman ang
pinanggagalingan nito. Makikita na ito’y paraan upang magbuklod ang mga
hiwa-hiwalay at watak-watak na grupo ng Indonesia. Ito ang nagsisilbing
“gabay” para sa nasyonalismo ng Indonesia.
Sila Kerakyatan yang Dipimpin oleh Hikmat Kebijaksanaan
dalam Permusyawaratan/Perwakilan- Wastong pamamalakad ng
gobyerno sa pamamagitan ng konsultasyon (musyawarah) at pagdating sa
nagkakaisang pinagkasunduan (mufakat). Ang mahalagang tingnan dito ay
hindi lamang ito “majority wins” o kapakanan ng nakararami, idinidiin dito
ang lubusan at matinding pagsisiyasat hanggang makarating sa
pinakamabuting katapusan at sa pagkuha ng konsenso.
Sila Keadilan Sosial bagi Seluruh Rakyat Indonesia- Paninindigan
sa pagpapanatili ng kaayusan at katarungang panlipunan. Sa madaling
salita, ito ay nagsasabing dapat natatamasa ang pagkapantay-pantay sa
pagtanggap sa mga panlipunang kayamanan, serbisyo, at pagkakataon.
Bukod pa dito, ang lahat ng gawain ay dapat para sa ikabubuti ng bansa.
(Ayon sa salin ng Morfit, 1981)
B. Pancasila sa panahon ng Rebolusyon, Demokrasyang Parlyamentaryo at
Guided Democracy
Sa mga naunang taon ng pagdeklara ng kasarinlan ng Indonesia,
nakapagtatag sila ng isang republika sa bansa at tuluyang ipinaglaban ang
kanilang rebulusyon upang kilalanin ng mga Olandes ang kanilang
kasarinlan. Bilang isang figurehead ng rebolusyon para sa kasarinlan,
ginamit ni Sukarno ang mga prinsipyo ng Pancasila tila parang bandera ng
kilusan, isang paraan na “mapagbuklod-buklod at mapagkaisa” ang
Indonesia bilang iisang bansa. Bandang 1950’s, nang umalis na ang mga
Olandes, nagkaroon ang Indonesia ng isang liberal na parlyamentong
demokrasya. Nakalikha ng bagong konstitusyon, ang konstitusyong
probisyonal ng 1950, nagkaroon ng House of Representatives kung saan
nagkaroon ng pagkakataon ang mga iba’t-ibang partido na makilahok dito.
Sa panahong ito, medyo naitulak papalikod ang Pancasila at mismong ang
kapangyarihan ni Sukarno ay nabawasan kumpara sa kapangyarihan na
taglay niya sa panahon ng 1945 konstitusyon.
Inilabas ni Sukarno ang kanyang mga kritisismo at hinanakit ukol sa
kasalukuyang uri ng gobyerno. Noong panahong iyon, maraming hindi
pagkakasundo sa pagitan ng mga partidong pulitikal pati na rin mga pag-
aalsa at rebelyon sa mga iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa taong 1957,
indneklara ni Sukarno ang martial law sa Indonesia at pinaiiral ang tinatawag
niyang Guided Democracy kung saan lumakas ang kanyang kapangyarihan
(bilang autocrat). Sa porma nito ng gobyerno, nagkaroon ng isang National
Council kung saan ang mga pangunahing partido lamang ang makikilahok.
Kasunod ng pagdeklara ng Guided Democracy, ibinalik ni Sukarno ang 1945
konstitusyon, ang konstitusyong nakakapit sa Pancasila. Bukod pa rito, msa
paglalarawan ni Sukarno sa kayang pinapaiiral na demokrasya, isang
demokrasyang naghahalo ang nasyonalismo, relihyon at komunismo,
makikita na ito ay nakabatay sa mga pundamental na ideya ng Pancasila.
Ngunit sa panahong ito, mukhang sa papel lamang, o bilang ideya o
konsepto lamang maganda ang Pancasila. Lubusang nahirapan ang
pagpapapataw nito sa mga kongkreto at mabisang paraan at polisiya. Sa
kaguluhan na sumunod, unti-unting hindi na naramdaman ang Pancasila;
muli itong naibalik ng napunta ang kapangyarihan kay Suharto at
ipinalaganap niya ang Pancasila Democracy.
Oposisyon sa Pancasila
Ang mga Muslim ang isa sa mga bumabatikos sa konsepto ng
Pancasila. Para sa kanila, inaatake nito ang pundasyon ng kanilang
pagkakakilanlan, partikular na ang konsepto ng pluralismo, kung saan
tinatanggap ang ibat-ibang ideolohiyang pangrelihiyon. Ang unang prinsipyo
ng Pancasila ay ang pananampalataya sa iisang diyos (Maha Esa), subalit
hindi nakasaad kung sa aling relihiyon ito nakabase. Sinasalooban ng
ideolohiyang ito hindi lang ang Islam, kundi pati na rin ang ibang mga
prominenteng relihiyon tulad ng Kristiyanismo, Buddhismo at Hinduismo, ay
namamayani sa Indonesia. Sa panahon ng pamahalaang Suharto, mariing
tinutulan ng mga konserbatibong Muslim ang Pancasila dahil ayon sa kanila,
ang Pancasila ay sumasailalim sa Islam, at hindi ang kabaliktaran; nilalagay
raw nila ang Pancasila sa mataas na kapangyarihan kaysa sa Qur'an. Ayon
din sa kanila, pinaghihiwalay nito ang relihiyoso at ang politikal na aspeto ng
Islam, o ang pagiging sekular. Para naman sa mga pulitikong Muslim,
hadlang din raw ito sa kanilang napagkasunduan sa Jakarta Charter, kung
saan ang mga Muslim na umayon dito ay obligadong ipatupad ang Shari'ah,
o ang batas ng Islam; sinsira raw ng Pancasila ag obligasyong ito. Dahil sa
opposisyong ito, nagkaroon ng mga mapayapa at madugong pagprotesta
laban dito: Ibinasura ang Jakarta Charter, pati na rin ang kaatasan na ang ulo
ng republika ay dapat Muslim. Mula 1948 hanggang sa unang bahagi ng
dekada '50, nagrebelde ang Darul Islam sa paghahangad na magkaroon ng
theokrasyang Islam at pagkakatatag ng isang estadong pang-Muslim.
Nabuwag naman ang Constituent Assembly noong 1959. Ngunit sa huli,
nabigo ang mga pagtatangkang ito. Sa pagkakatatag ng New Order, itinatag
din ang Pancasila bilang ang kaisa-isang ideolohiya na dapat sundin, at
maski ang PPP, ang partidong pulitikal ng mga Muslim, ay sumailalim dito.
Subalit hanggang ngayon ay mga mga grupo parin na kumukontra rito. Isa
na rito ay ang Jemaah Islamiyah, na siyang nagpatuloy sa mga naiwan ng
Darul Islam.
Para naman sa mga banyagang iskolar at mga dalubhasa, hadlang ang
Pancasila, lalo na ang unang prinsipyo nito, sapagkat di-umano'y hindi ito
sakop ang mga taong may polytiyestikong paniniwala, at pati na rin ang mga
agnostiko at ateyista. Ayon sa mga ateyista, ang kanilang karapatan ay
nalalabag ng saligang batas, na nagsasabi na ang estado ay dapat na
manampalataya sa iisang natatanging panginoon. Nagkakaroon ng kalabuan
dahil nakasaad din rito na lahat ng tao ay may pantay-pantay na karapatan
sa pananampalataya. sa loob naman ng Indonesia, maliban sa nilalaman ng
Pancasila, kanila ring binatikos ang sistema ng pagpapatupad nito, partikular
kay Suharto. Noong 5 Mayo 1980, ipinasa ang Petisi 50, isang petisyon na
pinirmahan ng limampu sa mga pinakaprominenteng tao sa Indonesia na
naglalaman ng pagprotesta kay Suharto dahil umano sa paggamit nya sa
Pancasila laban sa kanyang mga kalaban sa pulitika. Nagbunga ang petisyon
na ito dahil sa kanilang mga pangamba sa mga pahayag ni Suharto noon.
Ayon sa kanila, inilagay ni Suharto ang kanyang sarili bilang sagisag ng
Pancasila. Kumbaga, ang pagbatikos kay Suharto ay para na ring pagbatikos
sa Pancasila. narito ang naturang dokumento:
EXPRESSION OF CONCERN
With the blessings of Almighty God, we the undersigned, who are
a group of voters in the last general elections, express the deep
concern of the people over the remarks of President Suharto in his
speeches before a meeting of the Armed Forces commanders in
Pekanbaru on 27 March 1980 and at the anniversary of the
Koppassandha in Cijantung on 16 April 1980. We are concerned about
President Suharto's speech states that:
a) Express the presumption that among our people who are working
hard to develop although they are under an increasingly heavy burden,
there is a polarization between those who want to "preserve Pancasila"
on one side and those who want to "replace Pancasila" on the other,
such that there are concerns that new conflicts could arise between
elements of society;
b) Misinterpret Pancasila such that it can be used as a threat against
political opponents. In fact Pancasila was intended by the founders of
the Republic of Indonesia as a means to unite the Nation;
c) Justify non-praiseworthy actions by the authorities to make plans to
suspend the 1945 Constitution using the Seven Articles [Armed Forced
Oath] and the Soldier's Oath as an excuse, despite the fact that it is not
possible for these oaths to be above the 1945 Constitution;
d) Persuading the Armed Forces to take sides, not standing above all
societal groups, but choosing their friends and enemies based on the
based assessment of the authorities;
e) Give the impression that he is the personification of Pancasila such
that any rumor about him is interpreted as being anti-Pancasila;
f) Make accusations there are efforts to take up arms, subvert, infiltrate
or other evil efforts against the forthcoming general election
Given the thoughts contained in these speeches of President Suharto
are an inseparable element of the implementation of governing the
nation and of the forthcoming general election, we urge the
representatives in the House of Representatives and People's
Consultative Assembly to respond to the president's speeches on 27
March and 16 April 1980.
Jakarta, 5 May 1980
Konklusyon
Hindi na kaila na sa isang bansa, maliit man o malaki, at binubuo ng
iba’t ibang komunidad, kailangang pahalagahan ang pagkakaroon ng
pagkakaisa sa loob ng bansa. Sa ibang bansa, may posibilidad na bilang
pagtugon sa pangangailangang ito ay gumawa sila ng proyekto o bagong
paraan na ipakikilala sa mga mamamayan. Bilang mga namumuno ng bansa,
natural na isipin nila sa kanilang pagdesisyon ang pinakamabuti, alinsunod
naman na kailangang kumilos ang mga mamamayan bilang pagsuporta sa
mga pagsubok o pagbabago na magaganap. Mabuti na sa isang bansa tulad
ng Indonesia, naisip ng mga namumuno na hindi basta-basta ang
pagkakaroon ng pagkakaisa, lalo na kung hindi magiging alinsunod ang
kultura na magiging pangkalahatan sa nakagawian na.
Ang “Pancasila” bilang ideolohiya na binubuo ng limang prinsipyo
“Ketuhanan o monoteismo,” “Kemanusiaan o unibersal na sibilisadong
sangkatauhan,” “Kebangsaan o nasyonalismo,” “Kerakyatan o kinatawang
demokratikong gobyerno” at “Keadilan Sosial o social justice” ay halimbawa
na ng ganitong kaparaanan na ibinase ang sinusunod na ideolohiya sa
nakagawian na.
Sa Indonesia, Islam ang pinakalaganap na relihiyon. Ngunit, tulad ng
ibang bansa, hindi lamang ito ang nag-iisa dahil hati-hati rin ang espiritwal
na paniniwala ng mga taga Indonesia. Nariyan ang Hinduismo, Budismo at
Kristiyanismo, dahilan na kung bakit sa Pancasila naging sekular na
monoteismo ang Ketuhanan. Nagpapahiwatig ito ng pagkakakilanlan ng
Indonesia bilang isang bansa na may “diverse society.”
Sa Kemanusiaan, naipapakita ang pagpapahalaga ng mga
mamamayan ng Indonesia sa dignidad ng isang tao. Ayaw nilang naaabuso
ang isang tao, pisikal man o ispiritwal. Diba nga’t kaya naging secular na
monetismo ang Ketuhanan ay dahil na rin dito?
Sa Kebangsaan, nariyan ang pagtanggap sa “Bahasa Indonesia” na
kanila ngayong pambansang wika.
Ang Keadilan Sosial ay tumutukoy sa pagbahagi ng paggamit ng likas
na yaman ng Indonesia para sa pinakaproduktibong resulta.
Ang Indonesia, tulad ng ibang bansa ay gusto ring umunlad. Tulad rin
ng ibang bansa, sinusunod ng estado ang isang napagkasunduang ideolohiya
upang matugunan ang hangad na kapayapaan at kabutihan ng mga
mamamayan. Hindi man laging payapa dahil hindi rin naman kaila ang mga
kontrobersyal na diskusyon at argyumento ukol sa Pancasila, sinusubukan pa
rin ng estado na mapabisa ang kaayusan.
Bilang konklusyon, bagamat sinusunod ng estado ang kasalukuyang
Pancasila, maraming kaganapan ang kanilang kinahaharap at isa sa mga
posibleng maging desisyon ng bansa ang pagbabago sa Pancasila. Kung
matuloy na magkaroon ng pagbabago rito, magiging iba rin ang
pagkakakilanlan ng Indonesia.
Di lamang sa Indonesia kung hindi sa ibang bansa direktang tumutukoy
sa pagkakakilanlan ng bansa ang estado. At dahil ang Pancasila ang
sinusunod na pilosopikal na ideolohiya ng estado ng Indonesia, natural
lamang na isa itong primaryang elemento sa pagkakakilanlan ng bansa.
Mga Sanggunian
"History of Indonesia." REGIT. Web. 25 May 2011.
<http://www.regit.com/regitour/indonesi/about/history.htm>.
"Indonesia-Pancasila: The State Ideology." Mongabay.com. Web. 25 May
2011.
<http://www.mongabay.com/history/indonesia/indonesia-
pancasila_the_state_ideology.html>.
"National Identity and Development in the Plural Society of Indonesia." Indira
Gandhi National Centre for the Arts - Indira Gandhi Rashtriya Kala Kendra
- इं�दि�रा� गाँ�धी� रा�ष्ट्री�य कला� क� द्र . Web. 25 May 2011.
<http://www.ignca.nic.in/ls_03015.htm>.
"Pancasila (Indonesian Political Philosophy) -- Britannica Online
Encyclopedia." Encyclopedia - Britannica Online Encyclopedia. Web. 25
May 2011. <http://www.britannica.com/EBchecked/topic/440932/Pancasila>.
"Pancasila." Everything2. Web. 25 May 2011.
<http://everything2.com/title/Pancasila>.
Asvi Warman, Adam. “Insight: Four stages of Pancasila.” The Jakarta
Post 6 January 2010. 2 May 2011
<http://www.thejakartapost.com/news/2010/06/01/four-stages-
pancasila.html>
"The New Order and Post New Order Era - Indonesian History." Indonesia
Fascination. Web. 26 May 2011. <http://indonesia-
fascination.blogspot.com/2009/03/new- order-and-post-new-order-
era.html>.
Frederick, William, and Robert Worden. "Indonesia: A Country Study." Country
Studies. Federal Research Division of the Library of Congress, USA,
1993. Web. 2 May 2011. <http://countrystudies.us/indonesia/>.
Morfit, Michael. "Pancasila: The Indonesian State Ideology According to the
New Order Government."Asian Survey 21.8 (1981): 838-851. Web. 26 April
2011. <http://www.jstor.org/stable/2643886>.
Prawiranegara, Sjafruddin. "Pancasila as the Sole Foundation." Indonesia 38.
(1984): 74- 83. Web. 26 April 2011. <http://www.jstor.org/stable/3350846>.
van der Kroef, Justus. "Sukarno's Indonesia State Ideology According to the
New Order Government."Pacific Affairs 46.2 (1973): 269-288. Web. 2 May
2011. <http://www.jstor.org/stable/2756173 >.