Aralin 1
Layuning Panlipunan: Kabutihang PanlahatInihanda ni: ARNEL O. RIVERAAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos.
Panimula:• “Walang sinumang ang nabubuhay
para sa sarili lamang”.
• Kinakailangan ng taong makibahagi
at mamuhay sa LIPUNAN.
• Ang buhay ng tao ay panlipunan
(Manuel Dy Jr ,1994).
• Ang ating pagiging kasamang-
kapwa ay isang pagpapahalaga na
nagbibigay ng tunay na kaganapan
sa ating pagkatao.
Ano ang LIPUNAN?
• Nagmula sa salitang ugat na “lipon” na
nangangahulugang pangkat.
• Ang mga tao ay mayroong kinabibilangang pangkat na
mayroong iisang tunguhin o layunin.
• Kolektibo ang pagtingin sa bawat kasapi nito ngunit hindi
naman nito binubura ang indibidwalidad o pagiging
katang-tangi ng mga kasapi.
Ano naman ang komunidad?
• Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin
na communis na nangangahulugang common o
nagkakapareho.
• Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal
na nagkakapareho ng mga interes, ugali o
pagpapahalaga na bahagi ng isang partikular na
lugar.
Bakit likas sa TAO ang mamuhay sa LIPUNAN?
• Dahil sa katotohanang ang
TAO ay nilikhang HINDI
perpekto at likas sa ating
magbahagi sa kapwa ng
kaalaman at pagmamahal.
Jacques Maritain: The
Person and the Common
Good (1966)
Bakit likas sa TAO ang mamuhay sa LIPUNAN?
• Dahil sa ating
pangangailangan o
kakulangan mula sa
materyal na kalikasan.
• Hindi makakamit ng tao ang
kanyang kaganapan kung
hindi matutugunan ng
lipunan ang kanyang mga
pangangailangan.Jacques Maritain: The
Person and the Common
Good (1966)
Ayon kay St. Thomas Aquinas…
• “Sa pamamagitan lamang ng lipunan
makakamit ng tao ang layunin ng
kanyang pagkakalikha.”
• Malaki ang magagawa ng lipunan sa
paghubog ng iyong pagkatao. Mayroon
itong impluwensiya sa paraan ng iyong
pag-iisip at pagkilos.
• Lahat ng iyong iniisip, nararamdaman,
sinasabi at ginagawa ay
naiimpluwensiyahan ng lipunan na
iyong kinabibilangan.
Binubuo ng TAO ang
LIPUNAN.
Binubuo ng LIPUNAN
ang TAO.
Dr. Manuel Dy Jr.Philosophy Professor
Ateneo de Manila
University
• Sa lipunan, nagkakaroon ang
tao ng pagkakataong maipakita
ang pagmamalasakit, ang
tumulong at matulungan sa
panahon ng pangangailangan.
• Dahil dito,umuusbong ang
pagtitiwala sa kapwa na siyang
dahilan ng sama-samang
pagkilos tungo sa isang mithiin.
Ano ang Kabutihang Panlahat?
• Ito ay ang kabutihan para sa bawat isang
indibidwal na nasa Lipunan.
• Ito ang pangkalahatang kondisyong pantay
na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng
lahat ng kasapi ng isang lipunan.
• Tumutukoy sa kabutihang naaayon sa
moralidad ng tao, sa Likas na Batas Moral.
Ano ang Kabutihang Panlahat?
• Ang tunay na layunin ng lipunan ay ang
kabutihan ng komunidad na nararapat na
bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi
nito.
• Hindi kalayaan o pagkakapantay-pantay ang
nararapat na manaig kundi ang panlipunan
at sibil na pagkakaibigan, na palaging
nangangailangan ng katarungan.
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat
• Ang paggalang sa indibidwal na tao
(Human Rights). Upang maging
makatarungan ang isang lipunan,
kailangang nasisiguro ng namumuno dito na
ang karapatan ng bawat indibidwal ay
kinikilala, iginagalang, pinoprotektahan at
pinahahalagahan.
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat
• Ang tawag ng katarungan o kapakanang
panlipunan ng pangkat (Social Justice).
Mahalagang may mamagitan upang
masigurong nakakayanan at nararating ang
mga ito ng bawat isa sa lipunan. Kapag
nangyayari ito, natutugunan ang tawag ng
katarungan o kapakanang panlipunan ng
pangkat.
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat
• Kapayapaan (Peace). Ang kapayapaan ay
resulta ng pagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan at kawalang ng kaguluhan.
Mayroong kapayapaan kapag iginagalang
ang bawat indibidwal at umiiral ang
katarungan.
• Ang kapayapaan ay indikasyon ng
pagkakaroon ng kabutihang panlahat, ang
katatagan at seguridad ng makatarungang
kaayusan.
MGA HADLANG SA PAGKAMIT NG
KABUTIHANG PANLAHAT1. Nakikinabang lamang sa benepisyong
hatid ng kabutihang panlahat
2. Indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng
kaniyang personal na naisin
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan
o mas malaki ang naiaambag niya kaysa
sa nagagawa ng iba.
Mga Kondisyon sa Pagkamit sa
Kabutihang Panlahat1. Ang lahat ng tao ay dapat na
mabigyan ng pagkakataong
makakilos nang malaya gabay ang
diyalogo, pagmamahal at
katarungan.
2. Ang pangunahing karapatang
pantao ay nararapat na
mapangalagaan.
3. Ang bawat indibidwal ay nararapat
na mapa-unlad patungo sa
kanyang kaganapan.
Hindi namiili ng edad o antas sa
buhay ang pagtiyak na mananaig
ang kabutihang panlahat. Ito ay
nakabatay sa iyong puso at
pagmamalasakit sa iyong kapwa.
TANDAAN:
“Huwag mong itanong kung
ano ang magagawa ng
iyong bansa para sa iyo,
kundi itanong mo kung ano
ang magagawa mo para sa
iyong bansa.”
Pres. John F. Kennedy
• Paano ka makakatulong upang
makakamit at mapananatili ang
kabutihang lahat? Bakit ba mahalagang
ito ay makamit at mapanatili?.
PAGPAPAHALAGA
TAKDA:
References:
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• Modyul 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
ni Bb. Jo Marie Nel C. Garcia Retrived 02 May 2017
from https://www.slideshare.net/jomarienel/modyul-1-
kabutihang-panlahat-51411051?from_action=save
• LAYUNIN NG LIPUNAN: KABUTIHANG PANLAHAT
by Ian Mayaan Retrived 02 May 2017 from
https://www.slideshare.net/justinemayaanpatricio/esp
-9-m1-kabutihang-panlahat-44916606
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.
NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.
1. Mga taong na kinabibilangang sa isang
pangkat na mayroong iisang tunguhin o
layunin.
2. Ang isang _______ ay binubuo ng mga
indibidwal na nagkakapareho ng mga
interes, ugali o pagpapahalaga.
3. Ito ang pangkalahatang kondisyong pantay
na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng
lahat.
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.
NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.
4. Resulta ng pagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan at kawalang ng kaguluhan.
5. May akda ng aklat na The Person and the
Common Good (1966) .
SAGOT:
1. Lipunan
2. Komunidad
3. Kabutihang Panlahat
4. Kapayapaan / Peace
5. Jacques Maritain
Recommended