MAIKLING KWENTOInihanda ni: Angel D. Torres
KAHULUGAN NG MAIKLING KWENTO
Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.
Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan.
Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.
URI NG MAIKLING KWENTO1. Kuwento ng tauhan - inilalarawan ang mga pangyayaring
pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Kuwentong Katutubong Kulay - binibigyang-diin ang kapaligiran at mga
pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
3. Kuwentong Sikolohiko - ipinadarama sa mga mambabasa ang
damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
4. Kuwento ng Katatakutan - ito ay mga pangyayaring kasindak-
sindak.
5. Kuwentong bayan - nilalahad ang mga kuwentong pinag-
uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
6. Kuwento ng Kababalaghan - pinag-uusapan ang mga salaysaying
hindi kapanipaniwala. 7. Madulang Pangyayari - binibigyang diin ang kapanapanabik
at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
8. Kuwentong Pakikipagsapalarang - nasa balangkas ng pangyayari ang
interes ng kuwento.9. kuwento ng katatawanan - nagbibigay-aliw at nagpapasaya
naman sa mambabasa.10.Kuwento ng pag-ibig - tungkol sa pag iibigan ng dalawang
tao
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
Panimula - Dito nakasalalay ang kawilihan ng
mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
Saglit na Kasiglahan - Naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Suliranin - Problemang haharapin ng tauhan. Tunggalian - May apat na uri: tao laban sa tao, tao
laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
Kasukdulan - Makakamtan ng pangunahing tauhan
ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan - Tulay sa wakas Wakas - Ito ang resolusyon o ang
kahihinatnan ng kuwento. Tagpuan - Nakasaad ang lugar na
pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
Paksang Diwa - pinaka kaluluwa ng maikling
kuwento. Kaisipan - mensahe ng kuwento. Banghay - pagkakasunod ng pangyayari sa
kuwento.
MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO
Simula - ang bahagi ng suliranin ang siyang
kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
Gitna Npaloob sa gitna ang saglit na
kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.
Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
Ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Wakas Binubuo ang wakas ng kakalasan at
katapusan. Ang kakalasan ang bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
Ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Wakas !