16
MAIKLING KWENTO Inihanda ni: Angel D. Torres

Maikling Kwento

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Maikling Kwento

MAIKLING KWENTOInihanda ni: Angel D. Torres

Page 2: Maikling Kwento

KAHULUGAN NG MAIKLING KWENTO

Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.

Page 3: Maikling Kwento

Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.

May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan.

Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.

Page 4: Maikling Kwento

URI NG MAIKLING KWENTO1. Kuwento ng tauhan - inilalarawan ang mga pangyayaring

pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

2. Kuwentong Katutubong Kulay - binibigyang-diin ang kapaligiran at mga

pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

Page 5: Maikling Kwento

3. Kuwentong Sikolohiko - ipinadarama sa mga mambabasa ang

damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

4. Kuwento ng Katatakutan - ito ay mga pangyayaring kasindak-

sindak.

Page 6: Maikling Kwento

5. Kuwentong bayan - nilalahad ang mga kuwentong pinag-

uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

6. Kuwento ng Kababalaghan - pinag-uusapan ang mga salaysaying

hindi kapanipaniwala. 7. Madulang Pangyayari - binibigyang diin ang kapanapanabik

at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

Page 7: Maikling Kwento

8. Kuwentong Pakikipagsapalarang - nasa balangkas ng pangyayari ang

interes ng kuwento.9. kuwento ng katatawanan - nagbibigay-aliw at nagpapasaya

naman sa mambabasa.10.Kuwento ng pag-ibig - tungkol sa pag iibigan ng dalawang

tao

Page 8: Maikling Kwento

ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO

Panimula - Dito nakasalalay ang kawilihan ng

mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.

Saglit na Kasiglahan - Naglalahad ng panandaliang

pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

Page 9: Maikling Kwento

Suliranin - Problemang haharapin ng tauhan. Tunggalian - May apat na uri: tao laban sa tao, tao

laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.

Kasukdulan - Makakamtan ng pangunahing tauhan

ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Page 10: Maikling Kwento

Kakalasan - Tulay sa wakas Wakas - Ito ang resolusyon o ang

kahihinatnan ng kuwento. Tagpuan - Nakasaad ang lugar na

pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.

Page 11: Maikling Kwento

Paksang Diwa - pinaka kaluluwa ng maikling

kuwento. Kaisipan - mensahe ng kuwento. Banghay - pagkakasunod ng pangyayari sa

kuwento.

Page 12: Maikling Kwento

MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO

Simula - ang bahagi ng suliranin ang siyang

kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

Page 13: Maikling Kwento

Gitna Npaloob sa gitna ang saglit na

kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.

Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

Page 14: Maikling Kwento

Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.

Ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Page 15: Maikling Kwento

Wakas Binubuo ang wakas ng kakalasan at

katapusan. Ang kakalasan ang bahaging

nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.

Ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Page 16: Maikling Kwento

Wakas !