Ang mga salita o pariralang ito ay naglalarawan kung paano, saan o kailan ginawa ang kilos. Tinatawag na ang mga salitang ito.
pang-abay
Ang bus ay bumangga sa isang kotse.Ang mga bata ay naligo sa sapa.
Malubhang nasaktan ang nagmamaneho ng kotse.Matagal silang naligo sa sapa.
Nagkaroon ng banggan ng sasakyan kanina.Naligo ang mga bata sa sapa noong Sabado.
_______________
__________
______
______
_________
Ang pang-abay ay mga salitang nagsasaad kung paano, saan at kailan ginawa ang kilos.
Ang mga pang-abay ay naglalarawan ng pandiwa.Basahin ang halimbawa.
Hal: Mabilis tumakbo ang kabayo ni Mang Bert. Masarap kumain sa tabing-dagat.
Ang mga pang-abay ay naglalarawan ng pang-uri.Basahin ang halimbawa.
Hal: Lubhang malinis ang kanyang silid. Lalong mataas ang kapatid niya kaysa
kanya.
Ang mga pang-abay ay naglalarawan din ng kapwa pang-abay.
Hal:Lubhang mabilis tumakbo ang manlalaro.Totoong lubhang nagulat siya sa iyong balita.
Nagiging lalong makulay ang ating pagsasalaysay sa paggamit ng mga pang-abay. Ang pang-abay ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o iba pang pang-abay. Halimbawa: Malayang namumuhay ang mga mamamayan. (pandiwa)
Halos kasintaas ko na siya. (pang-uri)
Totoong mahilig magbasa ang kapatid ko. (pang-abay)
Tandaan

Gawin:
Narito ang ilang mga pangungusap. Itala sa sagutang papel ang pang-abay at ang salitang inilalarawan nito.
Halimbawa: Pang-abay
Salitang
Inilalarawan
Natutulog sa kuna ang sanggol. sa kuna natutulog
1. Maliksing kinuha ni Rey ang timba. _______________ ____________
2. Agad sinabuyan ng tubig ang nagliliyab na siga. _____________ ___________
3. Mabilis na sumaklolo ang mga bumbero. _____________ ___________
4. Nasusunog ang tindahan sa palengke. _____________ ___________
5. Patakbong lumapit ang mga bumbero. _____________ ___________
6. Ika-10 ng Disyembre noon nang magkagulo ang mga tao. _____________ ___________
7. Nagtakbuhan ang mga tao sa labas ng sinehan. _____________
___________ 8. Maagap na naapula ang apoy. _____________
___________9. Kinabukasan, nagsimba ang mga tao bilang pasasalamat sa pagkaligtas sa sunog. _____________ ___________ 10. Araw-araw ay pinaaalahanan ang mga bata na mag-ingat _____________ ___________
Maliksing kinuha
Agad sinabuyan
Mabilis sumaklolo
sa palengke tindahanPatakbong lumapitIka-10 ng Disyembre
Nang magkagulo
Sa labas ng sinehan
nagtakbuhan
Maagap naapula
Kinabukasan
nagsimba
Araw-arawpinaaalalahana
n
Basahin an mga sumusunod na mga salaysay. Piliin ang mga pang-abay na ginamit
1. May isang batang mahilig manira ng mga sapot ng gagamba. Sa mga puno at mga halaman ay lagi niyang sinusundot at winawalis ang mga sapot. Isang araw ay nanaginip siya. Sa panaginip ay nakita niya ang isang inang gagamba na umiiyak. Namatay ang mga anak nito dahil sinira ng bata ang kanyang sapot. Naawa ang bata sa gagamba at nangako siya sa inang gagamba na hindi na niya gagawin ang paninira ng mga sapot ng gagamba.
2. Malungkot si Antonio. Puputulin na ng kanyang tatay ang puno ng atis na itinanim niya. Hindi raw ito namumunga at sumisira pa sa bakod nila. Umiiyak nakiusap siya sa ama na huwag na itong putulin. Sinabi ng ama niya na kung sa loob ng isang linggo at mamulaklak ito, hindi na niya ito puputulin. Pagkaraan ng ilang araw ay namulaklak ang puno ng kaya hindi na ito pinutol ng kanyang tatay.
_____ _________________
_______ _______
____ ____
______________
Diola Pag-asa. Ito ang pangalan ng isang agila na kumakain ng unggoy na natagpuan sa kagubatan ng Pilipinas. Si Diola ay nahuli sa panahon ng kanyang pangingitlog. Namatay siya sa sakit sa puso. Naiwan niya ang kanyang dalawang anak na sina
Pag-asa at Pagkakaisa. Si Pag-asa ay ipinanganak noong Enero 1992, samantalang si Pagkakaisa ay noong Oktubre 1992. Ang mga agilang sisiw na ito ay naipanganak sa pamamagitan ng artificial insemination. Dito lang sa ating bansa makikita ang mga agilang tulad nito. Ang mga uri ng ibong ito ay nanganganib nang mawala. Mayroon na lang 54 na nabubuhay sa buong bansa. Ang 36 ay naninirahan sa kalawakan ng ating kagubatan. Ito ang uri ng ibon na gustung-gustong manirahan sa kakapalan ng ating kagubatan. Ang ating pamahalaan ay dapat na kumilos nang maaga para mapangalagaan pa ang mga natitirang ibong agila sa ating bansa. Maaring maging extinct o mawala na ang lahi ng mga ibong ito.
Ang bus ay bumangga sa isang kotse.Ang mga bata ay naligo sa sapa.
Malubhang nasaktan ang nagmamaneho ng kotse.Matagal silang naligo sa sapa.
Nagkaroon ng banggan ng sasakyan kanina.Naligo ang mga bata sa sapa noong Sabado.
_______________
__________
______
______
_________
Ang pang-abay ay mga salitang nagsasaad kung paano, saan at kailan ginawa ang kilos.
natagpuan sa kagubatan ng Pilipinasnatitirang ibong agila sa ating bansa
Pang-abay na Panlunan
nahuli sa panahon ng pangingitlogipinanganak noong Oktubre 1992
Pang-abay na Pamanahon
kumilos nang maagagustung-gustong manirahan
Pang-abay na Pamaraan
Mga Uri ng Pang-abayPamanahon -- nagsasaad kung kailan ginawa ang kilosHalimbawa:
Tuwing gabi ay nagbabasa kami ng asawa ko ng Bibliya.
Panlunan -- nagsasaad pook na pinangyarihan ng kilosHalimbawa:
Itinuturo sa paaralan ang kagandahang-asal.
Pamaraan -- nagsasaad ng paraan ng pagkakaganap ng kilosHalimbawa:
Maliwanag magsalita ang aming guro.
Tandaan
Tukuyin kung ang mga naka-salungguhit na pang-abay ay Panlunan, Pamanahon o Pamaraan.
___________________1. Nagtungo kami sa Canada dalawang taon na ang nakaraan
___________________ 2. Umalis siya nang hindi nagpaalam.___________________ 3. Nagkita kami sa may daungan ng bapor.___________________ 4. Buong puso kong tinanggap ang kanyang
paghingi ng tawad.___________________ 5. Gagawin namin ang proyekto sa loob ng
dalawang araw.___________________ 6. Ayokong dumaan sa mga lugar na madilim.___________________ 7. Pumasok siya sa paaralan nang umiiyak.___________________ 8. Naging mabait at masipag ako noong
nakaraang taon.___________________ 9. Sumunod siya sa sinabi ng guro na parang
isang anghel.___________________10. Umuwi siya ng bahay nang hatinggabi na
kung kaya’t alalang-alala ang kanyang mga magulang.
Pamanahon
Pamaraan Panlunan Pamaraan
Pamanahon
Panlunan Pamaraan
Pamanahon
Pamaraan
Panlunan
Tukuyin kung ang mga naka-salungguhit na pang-abay ay Panlunan, Pamanahon o Pamaraan.
___________________11. Tiklop-tuhod siyang humingi ng tawad.___________________ 12. Pumunta ka sa palengke, Alma. ___________________ 13. Naghuhulog siya ng pera sa bangko
buwan-bawan. ___________________ 14. Magalang niyang tinanggap ang mga panauhin.___________________ 15. Nagbabakasyon kami sa probinsya
tuwing Abril. ___________________ 16. Si Maria ay mahusay sumayaw.___________________ 17. Kakain ka ba rito mamayang hapon?
___________________ 18. Si kuya ay darating sa Lunes. ___________________ 19. Nakatira sa gubat ang mababangis na hayop.___________________ 20. Malalakas kumain ang matabang bata.

Panlunan Pamanahon
Pamaraan
Pamanahon
Pamaraan Pamanahon
Pamanahon
Panlunan
Pamaraan
Takdang-Aralin Pumili ng isang sitwasyon o paksa sa mga sumusunod. Isalaysay ang naging karanasan mo kaugnay nito. Gumamit ng pang-abay.
1. Pagpunta sa isang lugar2. Pagsakay sa tren o eroplano3. Pagsali sa isang paligsahan 4. Pagkakita ng isang aksidente5. Pagdaraos ng iyong kaarawan
Salamat po!!!