Pangangalaga sa
Teritoryo at mga Likas na Yaman
Mrs. Carolina D. Mojica
Villamor Air Base
Elementary School
HEKASI VI Teacher
Alamin ang Kahulugan?
Lisensya- Katibayan ng pagpapahintulot o permiso
Balanse- Pantay, Magkatimbang
Puspusan- Walang tigil sa paggawa upang matapos ang
gawain
Masugpo- Mapigilan o mapatigil
Mga Batas sa Pangangalaga ng Teritoryo at Likas na yaman ng
Bansa Mahalagang pangalagaan ang ating teritoryo at mga Likas na Yaman sapagkat
nakasalalay dito ang ating pamumuhay.
Sa pagpapatupad ng batas, programa o kilusan, ang ating pamahalaan ang may
sinusunod na patakaran upang makatuon ang mga likas na yaman sa pangangailangn ng mga mamamayang Pilipino ngayon, pati
na sa susunod na henerasyon.
Anu-ano nga ba ang mga batas na ipinapatupad upang mapangalagaan ang
ating teritoryo at likas na yaman.
Mga Batas sa Pangangalaga ng Teritoryo at Likas na yaman ng
Bansa Artikulo XII Seksyon II ng Sanligang Batas- isinasaad ng artikulo na dapat pangalagaan ng Estado ang mga yamang likas na pag-aari ng bansa. Narito ang iilan sa mga nilalaman
ng nasabing probisyon.
“Ang lahat ng mga lupain ari ng bayan, mga tubig, ang mineral, karbon, petrolyo at iba pang mga langis mineral,
lahat ng mga lakas na magagamit na enerhiya, mga pangisdaan, mga kagubatan o mga kahuyan, buhay-ilang,
halaman at hayop, at iba pang mga likas na kayamanan ay ari ng Estado. Hindi maaaring ilipat kanino man ang lahat ng iba
pang mga likas na kayamanan maliban sa mga lupaing pansakahan. Dapat sumailalim sa ganap na kontrol at
superbisyon ng Estado ang paggalugad, pagpapaunlad, at pagsasagamit ng mga likas na kayamanan…”
Mga Batas sa Pangangalaga ng Teritoryo at Likas na yaman ng
Bansa Isinasaad pa din na…“Dapat pangalagaan ng Estado ang yamang-dagat ng bansa
sa mga karagatang pangkapuluan, dagat teritoryal at eksklusibong sonang pangkabuhayan nito, at dapat ilaan ang
eksklusibong paggamit at pagtatamasa nito sa mga mamamayang Pilipino…”
Dahil sa sinasabing ito ng sanligang batas, gumawa ang pamahalaan ng mga
batas at patakarang ipinapatupad upang mapangalagaan ang likas na
yaman.
Kinakailangan ng pakikibahagi ng mamamayan para maabot ang layuning
ito.
Batas sa Pangangalaga ng Yamang-Tubig
Atas ng Pangulo Blg. 1058- Ipinag babawala ng paggamit ng
dinamita, lason, kuryente, at bangkang de motor sa
pangingisda.
May parusang dalawampu’t hanggang habang buhay na pagka
bilanggo ang sinumang mangingisda sa pamamagitan ng
maling pamamaraan. Proklamasyon Blg 152- Nagdedeklara ng ilang pook
latian bilang mga pook-ilang kaya bawal ang anumang uri ng gawain doon.
Batas sa Pangangalaga ng Yamang-Tubig
Kautusan Blg. 155 (Pangangasiwa sa Pangisdaan) - Bawal ang gumamit
ng pinung lambat sa pangingisda sapagkat nahuhuli nito ang maliliit na
isda na dapat ay lalaki pa.
Mga Atas ng Pangulo Blg. 1219 at 1688- Nagbabawal sa pagbebenta at
pagluluwas ng karaniwan at matataas na uri ng korales.
Batas sa Pangangalaga ng Yamang-Tubig
At ang batas “Philippine Clean Water Act of 2004- Ipinagbabawal ng batas na ito ang mga sumusunod na
gawain: Paglalagay o pagtatapon ng anumang magiging sanhi ng poluusyon at sagabal sa malayang pagdaloy ng tubig.
Pagdadala, pagtatambak, o pagtatapon ng mga ipinagbabawal na chemical substances.
Pagtatapon ng mga sasakyang pandagat
sa kanilang mga medical
Waste sa karagatan.
Batas at Tuntunin sa Pangangalaga ng yamang
Gubat at Lupa Pagbabawal ng mga pagputol ng punong kahoy sa mga piling lugar
kung saan labis pang maliliit ang mga puno at wala pang kapalit ang puno
na pinutol
Ipinagbawal ang mga mangangahoy na pumutol ng puno ng walang
pahintulot ng “Forest Management Bureau “
Batas at Tuntunin sa Pangangalaga ng yamang
Gubat at Lupa Mahigpit na ipinagbabawal ang pagputol ng mga puno sa lugar na dapat magkaroon ng proteksyon laban sa bagyo at
baha.
Ipinagbabawal ang paluluwas ng troso sa bansa.
Batas at Tuntunin sa Pangangalaga ng yamang
Gubat at Lupa Hindi pahihintulutang
pumutol ng kahoy ang alin mang industriyang gumagawa
ng mga produktong kahoy kung walang lisensya.
Ipinagbabawal ng ating konstitusyon na magmay-ari ng lupain o mangalkal ang mga dayuhan,sukdulang hawiin ang ating kagubatan at dumihan ang mga
katubigan.
Department of Environment and Natural Resources(Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman)
Ang kagawarang ito ay ang punong ahensya ng pamahalaan na nangangalaga at nag iingat ng Likas na Yaman.
Nasa Ilalim ng kapangyaruhang ito ang kawanihang may tiyak na tungkulin sa ikabubuti ng ating likas na yaman.
ito ang mga sumusunod:
- Kawanihan ng Pamahalaan sa kapaligiran - Kawanihan ng Pamahalaan sa Kagubatab - Kawanihan ng mga Minahan at heo-Siyensya - kawanihan ng Pinag- iingatang Pook - Kawanihan ng Pamahalaan sa Kalupaan
Department of Environment and Natural Resources
(Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman) Kawanihan ng Pamahalaan sa
Kapaligiran / Bureau of Environment Management
Nangangasiwa ito sa wastong pamamahala sa kapaligiran
May mga tanggapan itong binubuo para sa pamamahala ng pagpapabuti ng hanging nilalanghap ng mga tao, na mga tubig na mapapakinabangan, wastong pagsasaayos ng mga basura
at iba pang mga nakakalasong kemikal.
Department of Environment and Natural Resources
(Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman)
Kawanihan ng Pamamahala sa Kagubatan / Forest Management
Bureau
Layunin nitong mapamahalaan ang kagubatanng mabuti. Nang sa ganon
ay maging balanse at wasti ang paggamit natin sa mga Yaman na likas
ng kagubatan.
Department of Environment and Natural Resources
(Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman) Kawanihan ng Minahan at
Heo-Siyensya / Bureau of Mines and geo-Sciences
Pinagsisikapan ng kawanihan na ito na maitaguyod ang
Yamang Mineral ng bansa sa pagpapataas ng Ekonomiya.
Katuwang nito gumagawa sila ng paraan para sa pagsasaayos, at pagpapabuti ng minahan dito
sa ating bansa.
Department of Environment and Natural Resources
(Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman) Kawanihan ng Pinag I-ingatang
Pook at Buhay-Ilang / Protected Areas and Wildlife Bureau
Tungkulin ng kawanihan na ito na panatilihing maayos, malinis, at di magagalaw ninuman ang
nasabing lugar na protektado ng batas.
Kasama sa tungkulin nila rito ang pag-aalaga ng mga hayop na
nanganganib nang maubos.
Department of Environment and Natural Resources
(Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman)
Kawanihan ng Pamamahala sa Kapuluan / Land management
Bureau
Tungkulin nito na mangasiwa at mamahala sa mga kalupaan ng
bansa.
Kasama ang pamamahagi ng lupa upang ito ay malinang nang
mabuti at mapagkinabangan.
Department of Agriculture(Kagawaran ng Agricultura)
Ang Kagawarang ito ay ang punong ahensya ng
pamahalaan na nagpapatupad ng mga kaukulang hakban sa
pagpapabuti ng larangan ng Pang-Agrikultura ng bansa
na may kinalaman sa Pangingisda at Pagsasaka.
Department of Agriculture(Kagawaran ng Agricultura)
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources / Kawanihan ng pangisdaan at Yamang Tubig
Tungkulin na manaliksik at magpatupad ng batas kaugnay
sa pangingisda .
Tamang pag linang ng Yamang Tubig ang una sa kanilang
ipinapatupad.
Recommended