14
ANG PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN

Ang pangangailangan at kagustuhan 10

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang pangangailangan at kagustuhan 10

ANG

PANGANGAILANGAN AT

KAGUSTUHAN

Page 2: Ang pangangailangan at kagustuhan 10

Ang bawat tao ay may mga pangangailangan at

kagustuhan.

Ang pangangailangan ay mga bagay na dapat

mayroon ang tao sapagkat kailangan niya nito sa

kaniyang pang-araw-araw na gawain.

Ang pagkain, damit, at tirahan ay mga batayang

pangangailangan sapagkat hindi mabubuhay ang

tao kung wala ang mga ito.

Page 3: Ang pangangailangan at kagustuhan 10

Samantala, hindi sapat na may damit, tirahan, at

pagkain lang ang tao. Gusto niyang mabuhay nang

marangal at maayos sa lipunan kaya siya ay

naghahangad ng mas mataas sa kaniyang mga

batayang pangangailangan.

Tinatawag na kagustuhan ang paghahangad na ito

ng tao. Ang pagkakaroon ng bahay sa isang sikat

na pamayanan, pagkakaroon ng masasarap na

pagkain araw-araw, at pagsusuot ng mamahaling

damit ay mga halimbawa ng kagustuhan.

Hinahangad ito ng mga tao sapagkat nagdudulot ito

ng higit na kasiyahan.

Page 4: Ang pangangailangan at kagustuhan 10

Ayon kina McConnel, Brue, at Barbiero (2001) sakanilang aklat na Microeconomics,“ Angkagustuhan ng tao ay nagbabago at maaaringmadagdagan dahilan sa paglabas ng mga bagongprodukto. “Ang kagustuhan ng tao sa isang bagayay magdudulot ng mas mataas na antas ngkagustuhan sa paglipas ng panahon. Subalit samaraming pagkakataon, ang kagustuhan ng isangtao ay maaaring pangangailangan ng iba at angpangangailangan mo ay kagustuhan lamang parasa iba. Ang pagbili ng cellphone halimbawa, parasa isang negosyante ay isang pangangailangan. Subalit para sa iba, ang cellphone ay maaaringkagustuhan lamang.

Page 5: Ang pangangailangan at kagustuhan 10

PERSONAL NA KAGUSTUHAN AT

PANGANGAILANGAN

Si Mat at Tam ay kambal, pareho silang pumapasok sa paaralan at gusto nilang bumili ng bagong sapatos sa susunod na taon. Subalit binibigyanlamang sila ng Php50 na baon araw-araw ng kanilang magulang. Upangmatupad ang kaniyang kagustuhan, si Mat ay gumigising nang maaga at naglalakad papunta sa paaralan. Si Tam naman ay sumasakay upanghindi mahuli sa pagpasok. Naglalaro rin siya ng video game tuwingtanghali at gumagastos ng halos Php30 ng kaniyang baon sa araw-araw, samantalang si Mat ay iniipon ang kaniyang pera.

Natapos ang taong aralan, nadiskubre ni Tam na gumastos siya ng halos Php4,000 para sa video game at pamasahe, kaunti lamang ang naiponniyang pera pambili ng bagong sapatos. Samantalang si Mat ay may bago ng sapatos gamit ang naipon at may natitira pa siyang pera para saiba pa niyang pangangailangan.

Ang pagtugon sa personal na kagustuhan at pangangailangan ay nakasalalay sa kung paano pamamahalaan ng tao ang kakapusangnararanasan nila. Sa kaso nina Mat at Tam, mayroon lamang silangbaon na Php50 araw-araw at isang taon na pag-iipon. Kasabay nito ay kailangan din nilang gastusan ang pang-araw-araw nilangpangangailangan sa pag-aaral.

Page 6: Ang pangangailangan at kagustuhan 10

TEORYA NG PANGANGAILANGAN NI MASLOW

Bawat tao ay magkakaiba ang pangangailangan at

kagustuhan. Sa “Theory of Human Motivation” ni

Abraham Harold Maslow (1908-1970), ipinanukala

niya ang teorya ng ‘Herarkiya ng Pangangailangan.’

Ayon sa kaniya, habang patuloy na napupunan ng

tao ang kaniyang batayang pangangailangan,

umuusbong ang mas mataas na antas ng

pangangailangan (higher needs).

Page 7: Ang pangangailangan at kagustuhan 10

Pangangailangang Pisyolohikal. Nakapaloob dito angpangangailangan ng tao sa pagkain, tubig, hangin, pagtulog, kasuotan, at tirahan. Kapag nagkulang ang mgapangangailangan sa antas na ito ay maaaring magdulot ngsakit o humantong sa pagkamatay.

Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan. Magkakaroon ng pangangailangang ito kapag natugunan naang naunang pangangailangan. Kabilang dito angkasiguruhan sa hanapbuhay, kaligtasan mula sa karahasan, katiyakang moral at pisyolohikal, seguridad sa pamilya, at seguridad sa kalusugan.

Pangangailangang Panlipunan. Kabilang dito angpangangailangan na magkaroon ng kaibigan, kasintahan, pamilya at ng anak, at pakikilahok sa mga gawaing sibiko. Kailangan ng tao na makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa at makisalamuha sapagkat mayroon siyang pangangailangan nahindi niya kayang tugunan na mag-isa. Maaaring magdulot ngkalungkutan at pagkaligalig ang sinumang hindi makatutugonsa pangangailangang ito.

Page 8: Ang pangangailangan at kagustuhan 10

Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang tao. Kailangan ng tao na maramdaman ang kanyang halaga salahat ng pagkakataon. Ang respeto ng ibang tao at tiwala sasarili ay nagpapataas ng kanyang dignidad bilang tao. Angmga kakulangan sa antas na ito ay maaaring magdulot sakanya ng mababang moralidad at tiwala sa sarili na maaaringnagmula sa pagkapahiya, pagkabigo, at pagkatalo.

Kaganapan ng Pagkatao. Ito ang pinakamataas na antas ngpangangailangan ng tao. Sinabi ni Maslow na ang taongnakarating sa antas na ito ay nagbibigay ng mas mataas napagtingin sa kasagutan sa halip na katanungan. Hindi siyanatatakot mag-isa at gumawa kasama ang ibang tao. Angmga taong nasa ganitong kalagayan ay hindi mapagkunwariat totoo sa kanyang sarili. May kababaang loob at may respeto sa ibang tao.

Page 9: Ang pangangailangan at kagustuhan 10

Ipinapaliwanag sa teorya ni Maslow na nasa susunod

na pahina na walang katapusan ang kagustuhan ng

tao. Ang pagkakaroon ng pangangailangan ay

nakabatay sa matagumpay na pagtuon sa mga

naunang antas ng pangangailangan. Kung kaya,

nararapat lamang na ilagay at iayos ang

pangangailangan ng tao ayon sa kahalagahan nito.

Makikita sa pigura ng pyramid ang mga positibong

katangian na maaaring makakamit ng indibidwal sa

kaniyang pag-akyat sa susunod na antas ng kaniyang

pangangailangan. Nasa kanang bahagi naman nito

ang maaaring negatibong epekto sa pagkabigo ng tao

na makaakyat sa susunod na antas.

Page 10: Ang pangangailangan at kagustuhan 10
Page 11: Ang pangangailangan at kagustuhan 10

MGA SALIK NA

NAKAIIMPLUWENSIYA SA

PANGANGAILANGAN AT

KAGUSTUHAN

Page 12: Ang pangangailangan at kagustuhan 10

Edad. Ang pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago ayon sa edad ng tao. Ang mga kabataan ay nasisiyahang kumain basta’t naaayon ito sa kaniyangpanlasa. Ngunit sa pagtanda ng tao, kailangan naniyang piliin ang kaniyang maaaring kainin upangmanatiling malusog ang pangangatawan.

Antas ng Edukasyon. Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay sa antas ng pinag-aralan. Angtaong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang masmalaki ang posibilidad na maging mas mapanuri sakanyang pangangailangan at kagustuhan.

Katayuan sa Lipunan. Ang katayuan ng tao sakaniyang pamayanan at pinagtatrabahuhan ay nakakaapekto rin sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan. Maaaring ang taong nasa mataas naposisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad ngsasakyan sapagkat malaki ang maitutulong nito upanglalo siyang maging produktibo sa kaniyang mgaobligasyon at gawain.

Page 13: Ang pangangailangan at kagustuhan 10

Panlasa. Isa pa sa mga salik na nakapagpapabago sa mgapangangailangan ay ang panlasa. Ang panlasa sa istilo ngpananamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay ibang-ibasa istilo ng mga nakatatanda.

Kita. Malaki ang kinalaman ng kita sa pagtugon ng tao sakaniyang pangangailangan at kagustuhan. Kapag maliit angkita ng tao, malimit na nagkakasya na lamang siya sa mgapangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at pagkakaroon ng bahay. Samantala, naghahangad ng malalakiat modernong bahay ang mga taong may malaking kita. Kung mas malaki ang kita mas madalas na malaki rin ang konsumo, hindi lamang sa pagkain kundi sa mga bagay na itinuturing nakagustuhan.

Kapaligiran at Klima. Ang kapaligirang pisikal ay nakaaapekto sa pangangailangan ng tao. Kung malapit sadagat ang isang lugar, kalimitan ng hanapbuhay ng mga taorito ay pangingisda, kaya malaki ang pangangailangan samga produktong pangisda. Kung malamig naman ang lugaray maaaring maghangad ang tao ng mga produktongmakatutulong upang malabanan ang matinding lamig, tuladng heater. Samantala ang electric fan, aircondition unit, at ibapang mga kahalintulad nito ang pangangailangan sa lugar namay mainit na klima.

Page 14: Ang pangangailangan at kagustuhan 10

PANGKAT KANDI (10-BENIN)

PALAPAL

NARDO

GAL

HIPOLITO

BANAN

RAPIS

GAMBA , K

GOLOSINO

OBIAS

VIAJE

REGERO

TAYAO