25
Aralin 3 Kagustuhan at Pangangailangan Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos! www.slideshare.net/ sirarnelPHhistory

K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Aralin 3Kagustuhan at PangangailanganInihanda ni: ARNEL O. RIVERAAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!

www.slideshare.net/sirarnelPHhistory

Page 2: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Balik-aral:

Ang ekonomiks ay nakatuon sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.

Ano ang pagkakaiba ng kagustuhan sa pangangailangan?

Page 3: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Break muna!

Kung ikaw ay binigyan ng isang libong piso, paano mo ito gagastusin?

Ano ang iyong naging batayan sa pagpili?

Page 4: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

PANIMULA

Araw-araw, ang tao ay nahaharap sa iba’t ibang uri ng pagpapasya.

Dahil sa kakapusan sa salapi, dapat na maging matalino sa pagpili ng mga kalakal o serbisyo na bibilhin.

Page 5: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Ano ang pagkakaiba ng Pangangailangan sa Kagustuhan?

Pangangailangan Kagustuhan

• Mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay

• Mga bagay na ginusto lamang ng tao at maari itong mabuhay kahit wala ito.

• Kung ipagkakait ito, magdudulot ito ng sakit o kamatayan.

• Ang pagnanais na tugunan ito ay bunga lamang ng layaw ng tao.

Page 6: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Pangangailangan Kagustuhan

Page 7: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Pass Muna! Sagutin ang mga sumusunod?

Page 8: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Teorya ng Pangangailangan

Ayon kay Abraham Harold Maslow, ang pangangailangan ng tao ay mailalagay sa isang hirarkiya.

Kailangan munang matugunan ng tao ang mga pangunahing pangangailangan bago umusbong ang panibagong pangangailangan.

Page 9: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Hirarkiya ng Pangangailangan

Actualization

Self-Esteem

Social

Safety

Physiological

Page 10: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Physiological Needs

Kabilang ang mga biyolohikal na pangangailangan tulad ng pagkain, tubig at hangin.

Ang kakulangan sa antas na ito ay maaring maging sanhi upang siya ay makaranas ng karamdaman at panghihina ng katawan.

Page 11: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Safety Needs

Kabilang dito ang mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan ng buhay gaya ng hanapbuhay, pinagkukunang-yaman at seguridad para sa sarili at pamilya.

Page 12: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Social Needs

Ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan.Hangad ng isang tao na siya ay matanggap at

mapasama sa iba’t ibang uri ng pangkat at pamilya. Ang kawalan nito ay maaring magdulot sa kanya ng

kalungkutan at pagkaligalig.

Page 13: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Self-Esteem

Ito ay nauukol sa mga pangangailangan sa pagkakamit ng respeto sa sarili at sa kapwa.

Hangad ng tao na makilala at magkaroon ng ambag sa lipunan.

Ang kakulangan nito ay magdudulot sa mababa o kawalan ng tiwala sa sarili.

Page 14: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Actualization

Hangad ng tao na magamit nang husto ang kanyang kakayahan upang makamit ang kahusayan sa iba’t ibang larangan. Tanggap ng taong ito ang katotohanan ng buhay.

Page 15: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Ayon kay A.H.Maslow:

Habang patuloy na natutugunan ng mga tao ang kanilang batayang pangangailangan (basic needs), sila ay naghahangad ng mas mataas na pangangailangan (higher needs) ayon sa pagkakasunod-sunod ng herarkiya.

Ang paghangad ng mas mataas na antas ay tinatawag na growth force samantalang ang paghangad ng mas mababang antas ay tinatawag na regressive force.

Page 16: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

ANG AKING PAMANTAYAN SA PAGPILI NG PANGANGAILANGAN

Bumuo ng sariling pamantayan sa pagpili ng mga pangangailangan batay sa herarkiya ng mga pangangailangan. Ilahad ang iyong pamantayan sa pamamagitan ng isang sanaysay. Isulat din kung paano mo makakamit ang kaganapan ng iyong pagkatao.

Pamprosesong Tanong: 1. Paano mo maisasakatuparan ang iyong

pamantayan? 2. Sa iyong palagay, nasaan ka sa mga baitang na

ito? Bakit?

Page 17: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan
Page 18: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan

EdadAntas ng

EdukasyonKatayuan sa

LipunanPanlasa

Page 19: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan

Edad. Ang pangangailangan at kagustuhan ay nagbabago ayon sa edad ng tao. Ang mga kabataan ay nasisiyahang kumain basta’t naaayon ito sa kaniyang panlasa. Ngunit sa pagtanda ng tao, kailangan na niyang piliin ang kaniyang maaaring kainin upang manatiling malusog ang pangangatawan.

Page 20: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Antas ng Edukasyon. Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba rin batay sa antas ng pinag-aralan. Ang taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas malaki ang posibilidad na maging mas mapanuri sa kanyang pangangailangan at kagustuhan.

Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan

Page 21: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Katayuan sa Lipunan. Ang katayuan ng tao sa kaniyang pamayanan at pinagtatrabahuhan ay nakakaapekto rin sa kaniyang pangangailangan at kagustuhan. Maaaring ang taong nasa mataas na posisyon sa kaniyang trabaho ay maghangad ng sasakyan sapagkat malaki ang maitutulong nito upang lalo siyang maging produktibo sa kaniyang mga obligasyon at gawain.

Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan

Page 22: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

Panlasa. Isa pa sa mga salik na nakapagpapabago sa mga pangangailangan ay ang panlasa. Ang panlasa sa istilo ng pananamit at gupit ng buhok ng mga kabataan ay ibang-iba sa istilo ng mga nakatatanda.

Mga Salik na Nakakaimpluwensiya sa Pangangailangan at Kagustuhan

Page 23: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan
Page 24: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

• Anu-ano ang dapat isaalang-alang ng tao upang

magkaroon ng matalinong pagpapasya sa pagtamo ng

kanyang pangangailangan at kagustuhan?

PAGPAPAHALAGA

Page 25: K-12 Aralin 3 kagustuhan at pangangailangan

References:

Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House

Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI

De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI