19
Ipalaot ni Luna L. Sicat Ulat ni: Bb. Maria Myrma B. Reyes

Bago mo ako ipalaot

Embed Size (px)

Citation preview

Bago Mo Ako Ipalaot ni Luna L. Sicat

Bago Mo Ako Ipalaotni Luna L. SicatUlat ni: Bb. Maria Myrma B. Reyes

Luna L. SicatKapanganakan: Enero 29, 1967Natapos na kurso: AB (1990) and MA (1999)Trabaho: Propesor sa U.P. sa Departamentong Filipino at Literaturang FilipinoNakatapos ng Doctoral Degree sa Malikhaing PagsulatParangal: Maraming akda niya katulad ng maikling kwento, sanaysay, tula at mga kwento ay nagkamit ng mga parangal sa Carlos Palanca Award.1996- Bago Mo Ako Ipalot Isang mahusay na manunulat. Bata pa lamang siya ay namulat na ang kanyang isipan sa paglikha ng isang akda. Ang kanyang magulang ay parehas magaling na manunulat. Ang kanyang ama ay si Rogelio Sicat. Ang kanyang ina ay si Ellen Sicat.Kailan ba siya nawiling magsulat ng akda?Natapos ang dula. Naalala ko ang palakpakan. Masayang masaya ang ngiti ng tatay ko. Masaya rin ang mukha ng nanay ko. Nang lumabas kami sa Little Theater, alam kong may nagbago sa akin. Gusto kong makasulat, gusto kong magsulat. Nabuklat ang interes ko sa teatro, umuwi akong punong-puno ng pangarap na balang araw ay susulat din ako. Bukod sa pagsusulat, mahilig din ako noong magpinta. Gusto ko maging pintor noon, kaya lang hindi ko na itinuloy. Ayaw ni Papa, ang sabi niya, Kung hindi ka talaga sigurado sa talento mong yan sa drowing, huwag mo nang ituloy. (Salaysay ni Luna Sicat)mula sa aklat na Sarilaysay (Tinig ng 20 Babae sa Sariling Danas Bilang Manunulat pahina 323-336)

Gabay na tanong:

Ano ang mensaheng nais iparating ng awitin?May kaugnayan ba ang tema ng awit sa ating susuriing tula? Pangatwiranan.

Pagbasa:Pangkat I: Basahin nang may damdamin ang taludtod bilang 1-6Pangkat II: Basahin nang may damdamin ang taludtod bilang 7-15

Pangkat I:1. Hayaan mo muna akong magpaalam2. Sinindihan mo na ang aking mitsa3. Kayat titigan mo, hayaan mong4. Kawayan ka ng naglalagablab kong kulay5. At saka mo na ako ialay6. Hindi ako manlalaban sa alon

Pangkat II:7. Paminsan minsan dadalhin ako ng ihip8. Patungo sa gilid at maaari mo9. Na akong itulak papalayo10. Kung nagliliyab ang aking kalamnan11. Titigan mo na lang ang papalayong12. Buntot ng kwitis na langit13. At isipin mo na sa gabing ito14. Ang liwanag at ang taludtod 15. Ay maligayang pinagsanib

Tula

Ang pagsulat ng tula ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat dito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig at paghahanap ng magkakatugmang mga salita upang maipadama ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat.

Elemento ng tulaSaknong- Ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod)a. Sukat- Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.a. Sesura- hati sa bawat taludtodb. Tugma- Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.b. Tono/ Indayog- diwa at tunog sa pagbigkas ng tula.

2. Talinghaga- Tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita at tayutay.Tayutay- paggamit ng pagwawangis, pagtutulad at pagsasatao upang ilantad ang talinghaga sa tula.3. Persona- tumutukoy sa nagsasalita sa tula.4. Simbolismo- Ito ay tumutukoy sa mga imahe sa tula. 5. KariktanKailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Pagsusuri:1. SaknongSukatAng manunulat ay gumamit ng malayang taludturan.Sesura-walang ginamit na sesura sapagkat iba-iba ang sukat ng bawat taludtod.

2. b. Tugma- Narito ang mga tugmaang makikita sa tula.taludtod 1- magpaalam---------ataludtod 2-mitsa--------ataludtod 3- mong--------o taludtod 4- kulay--------a taludtod 5- ialay--------a taludtod 6-alon--------o taludtod 7-ihip--------i taludtod 8-mo--------o taludtod 9-papalayo--------o taludtod 10- kalamnan--------a taludtod 11- papalayong--------o taludtod 12-langit--------i taludtod 13-ito--------o taludtod 14-taludtod--------o taludtod 15-magsanib--------i

2. Talinghaganaglalagablabnagliliyabtaludtoda. Tayutay-Kayat titigan mo at hayaan mong Kawayan ka ng naglalagablab kong kulay -At saka mo na ako ialay Hindi ako manlalaban sa alon -Kung nagliliyab ang aking kalamnan(Pagmamalabis)

Paminsan-minsan dadalhin ako ng ihipPatungo sa gilid at maaari mona akong itulak papalayo

Titigan mo na lang ang papalayong Buntot ng kwitis sa langit

(Pagsasatao)

3. PersonaTaong nagmahal na gusto ng kumalas o bumitaw sa isang relasyon.Taong lumisan na o yumao at kinakausap ang mga iniwang pamilya o minamahal sa buhay.4. Simbolismomitsa, alon, buntot ng kwitis, liwanag at taludtod, ihip ng hangin

5. KariktanAng manunulat ay gumamit ng mga matatalinghagang pahayag at maririkit ng salita upang mapukaw ang kawilihan o interes ng mga mambabasa. Ang angking ganda ng tula ay mapapalutang sa paggamit ng piling at magagandang salita.

Mensahe:Hindi lahat ng paghihiwalayNakukuha sa kamatayan May paghihiwalay na Sanhi ng sariling pagpapasya

Uri ng tula-malayang taludturan

Anyo ng tula-tuluyan (prosa)

Aral:

Ang mga iniwang alaala ng taong minahal mo at nagmahal sa iyo ay mananatili kailanman.

null324987.16