47
Ang Panitikang Filipino Bago Dumating ang mga Kastila (Bago mag ika-16 na siglo)

Ang Panitikang Filipino Bago Dumating

Embed Size (px)

DESCRIPTION

filipino

Citation preview

Ang Panitikang Filipino Bago

Dumating ang mga Kastila

(Bago mag ika-16 na siglo)

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Noon

•Alibata/Baybayin

Kastila

•Alpabetong RomanoLope K.

Santos

• Balarila ng Wikang Pambansa

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Ang The Ancient Filipino Writing ni Mahistrado Ignacio Villamor ay inilahad ang mga kuru-kuro na ang ating abakadang Filipino ay nagbuhat sa matandang abakadang Malayo, at ayon sa ilang palagay ay sumusulat buhat sa kaliwa pakanan.

Mga Kagamitan sa Pagsulat

Sariwang

kawayan

Palapa ng

niyog

Dahon ng

sagingMatalim na bagay

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Ayon kay Lascasas (1943), ang mga Kastila ay maraming nakuhang manuskrito o akda na itinuring nilang pawang gawa ng mga diyablo . Ang mga akdang ito ay sinunog ng mga Kastila upang malimutan ng mga Pilipino ang katutubing pananampalataya sapagkat layunin ng mga Kastila sa pagsakop sa Pilipinas ay mapalaganap ang Kristiyano.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Ayon kay Dr. Alejandro (1949), ang nalabing matandang panitikang Filipino ay nahahati sa tatlong uri:

Mga Kwentong BayanMga Karunungang-BayanMga Awiting-Bayan

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Ilang patunay na may panitikan na noong dumating ang mga kastila:

•Sinabi ni Padre Chirino na may 33 manuskritong sinunog sa Balayan Batangas.•Sinabi ni Sinilbaldo de Mas na sila ay may dinatnang tulang Tagalog ngunit ito ay hindi mataas ang uri.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Ilang patunay na may panitikan na noong dumating ang mga kastila:

•Ayon naman kay Padre Colin, noong unang panahon ay may mga Pilipinong mang-aawit na nagsasaulo ng mga awiting nagsasalaysay ng kasaysayan ng mga ginagawa ng kanilang Diyos.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Ilang patunay na may panitikan na noong dumating ang mga kastila:•Ayon kay Epifanio de los Santos, talagang may panitikang Tagalog dito na mapag-aalinlanganan.•Sina Morga, Titanes, Bravo, Blancas de San Jose, at Placencia ay nagsisipagsabing “ Sa mga Indio ay likas at katutubo ang tula at pagtula.”

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Mga Alamat at Mitonaging mga sangkap ng

sinaunang panitikan ng alinmang lahi. Ang mga pangyayari sa kalikasan ay binibigyan nila ng mga paliwanag sa pamamagitan ng malikhaing guniguni.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Ang mga ss. ay ilang halimbawa ng alamat at mito:

•Ang Pinagmulan ng Lahi (Bisaya)•Banahaw (Tagalog)•Si Malakas at Si Maganda (Tagalog)

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Mga Epiko- Higit nating makikilala ang

ating pagka-Pilipino sa ating mga epiko. Nasasalamin dito ang maraming pangarap ng lahing kayumanggi.

• Alim - isinalaysay dito ang pagpapakasal ng

magkapatid na Bugan at Wigan na siyang pinagmulan ng pag-aaway at pagpapatayan ng mga tao sa daigdig bilang sumpa ng Bathhala ng mga ipugaw na si Makanungan.

“ Kasaysayang Halaw sa Alim”

Panitikan bago Dumating ang mga KastilaEpiko ng mga Bisaya

• HudHud - ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ni aliguyon, ang bayani ng lahing Ipugaw, at ang kadakilaan at kaluwalhatian ng kasaysayan ng kanilang lahi.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

• Haraya- ito ay kalipunan ng mga tuntunin ng

kagandahang asal• Hinilawod

- nagsasalaysay ng pag-iibigan ng mga Bathala ng unang manirahan sa Ilo-ilo, Antique, at Aklan• Maragtas

- ito ay kasaysayan ng sampung datung Malay na tumakas mula sa Borneo sa pamumuno ni Datu Puti at ng mga unang araw nila sa Panay, ang islang kanilang binili kay Haring Marikudo ng mga Ita.

Panitikan bago Dumating ang mga KastilaEpiko ng mga Bisaya

• Lagda- ito ay kalipunan ng mga

kautusan tulad ng Kodigo ni kalintiyaw.

• Hari sa Bukid- tungkol sa isang haring hindi

nakikita ngunit naging tanyag dahil sa pagbibigay-biyaya at pagpaparusa.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

• Darangan- ang isa sa pinakamatanda at

pinakamahabang epiko ng Pilipino.

“ Indarapata at Sulayman ”“ Prinsepe Bantugan ”“ Bidasari ”

Panitikan bago Dumating ang mga KastilaEpiko ng mga Muslim

• Kumintang- ito ay kasaysayan ng

pakikipagdigma nina Datu Dumangsil ng Taal, Datu Balkasusa ng Tayabas, at Bani ng Talim.

Epiko ng mga Tagalog

Panitikan bago Dumating ang mga kastila

• Biag ni Lam-ang- ito ay akda ni Pedro Bukaneg

tungkol sa isang bayani at ang kanyang matapat na mga alaga, isang puting tandang na manok, at isang aso

Epiko ng mga Iloko

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

• Ibalon- ito ay tungkol sa bayaning si

Baltog, ang unang unang nakarating sa Bikol mula sa kaharian ng Samar. Kasama ng Ama, tinuruan nila ang mga mamamayan ng wastong pamumuhay at mga industriya. Itinuro rin nila ang mahusay na pagpapasunuran ng panginoon at alipin.

Epiko ng mga Bikol

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Kodigo ni Kalantiaw

Artikulo IHuwag papatay, magnanakaw, huwag

sasaktan ang mga matatanda, hindi malayo ang kamatayan. Sinumang sumuway sa kautusang ito ay papatayin sa pamamagitan ng paglunod sa ilog o kaya’y sa kumukulong tubig.

Ang Kodigo ni Kalantiaw ang pangalawang pinakamatandang kodigo sa Pilipinas. Ang una ay ang Kodogo ni Maragtas noong 1250 A.D. Narito ang Kodigo ni Kalantiaw.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Artikulo IISumunod: bayaran ang mga pagkakautang sa

mga nakataataas sa oras. Ang sinumang hindi sumunod sa unang pagkakataon ay makatatanggap ng isandaang hampas. Kung ang pagkakautang ay malaki, siya ay parurusahan sa pamamagitan ng paglagay ng kamay sa kumukulong tubig nang tatlong ulit.

Artikulo IIISumunod: huwag hahayaang magkaroon ng

asawang napakabata o kaya ay hindi mo mabubuhay; o kaya ay bigyan mo ng sobrang kahalayan.

Sinumang hindi gumawa, sumunod at tumingin sa kautusang ito ay palalanguyin nang talong oras sa unang pagkakamali at sa pangalawa ay hahampasin ng mga tinik hanggang mamatay;ang pangatlo ay gayon din.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Artikulo IVSumunod: huwag mag-iingay sa libingan.

Kung dumaraan sa kuweba at mga puno kung saan naroon ang mga diwata, magbigay-galang. Sinumang sumuway sa kautusang ito ay papatayin ng mga kagat ng langgam o kaya’y hahampasin ng mga tinik hanggang mamatay.

ArtikuloVSumunod: sinumang makipagpalit ng

pagkain, bayaan siya ayon sa kanyang salita. Sinumang sumuway ay parurusahan ng isang oras at kung ito’y umulit, siya’y ipakakagat sa langgam ng isang araw.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Artikulo VIBigyang-galang ang mga puno at mga

iba pa. Sinumang sumuway ay magbabayad ng isang buwang trabaho.

Artikulo VIIPapatayin: sinumang magpatay ng

puno na magandang tubo; sinumang magpana tuwing gabi sa matandang lalaki o babae; sinumang pumasok sa tahanan ng mga nakatataas nang walang pahintulot; sinumang pumatay ng pating.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Artikulo VIIIPagiging alipin sa kaunting panahon ang

kaparusahan: Sinumang umagaw sa asawa ng mga nakatataas; sinumang magsunog ng bukirin ng iba.

Artikulo IXLahat ay parurrusahan nang dalawang

araw: sinumang kumanta sa gabi; pumatay ng ibong Manaul; punitin ang mga dokumento ng mga nakatataas: mga hindi nagsasabi ng totoo; o kaya ay pagtawanan ang patay.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Artikulo XDapat maging obligasyon: turuan ng ina ang anak

na babae ng lahat tungkol sa kabuhayan;ihanda sa pagdadalaga;huwag bayaang masama sa lalaki sa anak na babae o kaya ay parurusahan ito kung mahiling pumatay. Sinumang sumuway sa kautusang ito ay dudurugin ang katawan o kaya ay itatapon sa kuweba.

Artikulo XISusunugin: sinumang gumamit ng lakas upang

makatakas sa kaparusahan; sinumang pumatay ng batang lalaki; o kaya’y umagaw ng asawa ng taong-bundok.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Artikulo XIILulunurin: sinumang humadlang sa

mga nakatataas o sa kanyang pinagsisilbihan; sinumang umabuso sa kahalayan; sinumang magnakaw na nakatakas gaano mang kaliit ang nakuha.

Artikulo XIIISila ay gagawing alila habambuhay;

sinumang may magandang anak na ikaila sa nakatataas at itago sa mga ito.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Artikulo XIVPaparusahan: sinumang kumain ng sirang

karne ng hayop na binibgyang-galang; sinumang pumatay o manakit sa maliliit na Manaul o ang puting unggoy.

Artikulo XVPuputulin ang mga daliri: sinumang sumira ng

mga templo; sinumang sumira ng mga gamit sa pagpatay ng baboy; o sinumang sumira ng inuman ng baboy.

Artikulo XVIPapatayin ang sinumang hindi magbigay-galang

kung saan naroon ang mga diwata at libingan ng mga nakatataas. Sinumang sumuway ay susunugin.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Artikulo XVIISinumang kumilos o di- sumunod sa mga

kautusang ito: kung sila ay mga nakatataas, sila ay papatayin;kung sila ay mga taong-bundok, sila ay itatapon sa karagatan upang kainin ng mga pating.

Artikulo XVIIIIpakakagat sa langgam ng kalahating

araw: sinumang pumatay ng pusang itim sa panahon ng bagong buwan; sinumang magnanakaw kahit hindi mahalaga sa kanilang hari at nakatataas.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

- ito ay kwentong pinagsalin-salin sa bibig ng marami at hindi na alam kung saan nagmula. Ang mga ito ay maihahambing sa mga kwentong bayan ng mga taga-Hilaga, Europa, Rusya at marami pang ibang bansa sa Asya.

Halimbawa : “Bakit Maliwanag ang Araw Kaysa Buwan”

Mga Kwento ng Bayan

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Ang mga tao noon ay marunong sumulat at magsaulo ng tula. Sa uri ng tula ay nangingibabaw ang awit. Ang mga awiting ito ay galing sa iba’t ibang pook ng mga taong hindi nakapag-aral, mga magingisda at mga taga-bukid, itinuturing na hamak datapwa’t may puso at kaluluwa.

Ang Mga Awiting-Bayan

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Ang mga awit na ito ay mauuri gaya ngsumusunod:• Mga awitin sa iba’t ibang gawain gaya ng

talindaw, tambiling at suliranin• Mga awitin sa digmaan gaya ng tikam at

tagumpay• Mga awitin sa paghehele gaya ng tinatawag na

oyayi• Mga awitin sa pag-ibig gaya ng diona at

kundiman• Mga awiting may magandang aral• Mga awiting nakaktawa o may kahambugan• Mga awitin sa pagdiriwang

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

MGA ANYO NG AWITING-BAYAN

• Oyayi Matulog ka na bunsoAng ina mo ay malayoAt hindi ko masundoPagkat walang magturo

• Maluway Isa, dalawa, tatloSabay-sabay ang hilaUpang hindi ka matumbatatagan ang mga paa

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

• Talindaw Sagwan, sagwan, sagwanAng buong lakas ay ibigayNang hindi tayo abutanUlan sa karagatan

• Suliranin

Hala na, gaod, pagod ay tiisanAng anumang hirap ay dapat bathinKahit na malayo kung ating ibiginTiyak na lalapit kung ating gugustuhin

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

• KundimanAng Tamuneneng ko’y pumunta sa bundokKasabay ng taghoy ng luha’t himutokLuha’y naging dagat, along sumasalpokAng Tamuneneng ko’y sadyang napalaotMaka isang araw, humampas ang hanginDito sa dibdib ko na nahihilahilKaya pala gayon ay si Tamuneneng Nasa aking puso’t humuhimbing

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

• KumintangHalika nga at usiginAng aliktiya, mga halingIpagtanggol ang bukirinAt ang mga anak natinTayo naman ay may patalimDugo’t buhay puhunanin

Ang tirahang maligayaPati anak at asawaMananaghoy, magdurusa,Kaya ngani at tayo naAt ang buhay ay ipara

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

MGA ANYO NG MGA AWITING-BAYAN

• SALAWIKAIN- ito ay nasusulat na may sukat at tugma,

patalinghaga at kinapapalooban ng mabubuting payo tungkol sa kagandahang asal.

Ang taong gipit Ang taong walang kibo Sa patalim kumakapit Nasa loob ang kulo

Walang matimtimang Birhen Sa matiyagang manalangin

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

• BUGTONG- ito ay anyong patula, binubuo ng

dalawang taludtod na may sukat at tugma. Taglay nito ang paglalarong patula.Hal. 1. Batok pare Paa’y lagare – tipaklong 2. Maliit pa si kapatid Marunong ng umawit – kuliglig 3. Isang munti kong kumpare Naaakyat kahit kahoy na malaki - langgam

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Panudyo- patula ang pagkakabuo ng

panudyo. Bigkasin maging ng mga bata at matanda.

Tutubi, tutubiHuwag kang papahuliSa batang mapanghi.Bata batutaNagsuot sa lunggahinabol ng palaka

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Tugmang Halos Walang Diwa- Ito ay mga tugmang halos

walang diwangunit may kapilyuhan o paglalaro sa dila.

Ako’y nandiliwariw sa pinandiliwariwanAyaw kong pandiliwariwinNgunit ako’y nandiliwariw rin.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Kasabihan- Payak ang kahulugan at hindi

gumagamit ng talinghaga. Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan.

Ubos-ubos biyayaMaya-maya nakatunganga.Hampas sa kalabawSa kabayo ang latay

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Bulong- Sa pang-engkanto, sa

pangkukulam, sa panunumpa, sa paggalang sa mga anito, at mga di-mabubuting espiritu, o sa pagpapagaling sa may sakit.

Makikiraan po apo, baka kayo mabunggo.Dagang malaki, dagang maliitHeto ang ngipin kong sira at pangitBigyan mo ng magandang kapalit

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Sawikain- Ang sawikain ay may mga

patalinghagang salita. Ito ay isang paraan ng pagpukaw at paghasa ng isipan ng tao.

1. Hulog ng langit - biyaya, swerte 2. Maluwag ang turnilyo - luko-luko 3. Matigas ang ulo - mahirap pasunurin 4. Kutong lupa - paslit, maliit na bata 5. Maitim ang gilagid - masama ang ugali

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

Palaisipan- Ito ay isang paraan ng pagpukaw

at paghasa ng isipan ng tao.

Si Juan na drayber ay kasalukuyang nagmamaneho. Itinigil niya ang dyip at may sumakay na tatlong pasahero. Pagliko niya sa kaliwa, bumaba ang dalawang pasahero. Nang pinandar na niya ang dyip ay biglang may pumara uli na dalawang pasahero

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

MGA UNANG DULATATLONG BAHAGI NG DULA :1. Yugto - ito ay bahaging ipinanghahati sa dula.

2. Tanghal - ito ay ipinanghahati sa yugto kung kailangang baguhin ang ayos ng tanghalan.

3. Tagpo - iton ang paglabas-masok sa .tanghalan ng mga tauhang gumanap sa dula.

Panitikan bago Dumating ang mga Kastila

END OF REPORT

REPORTED BY: Jerline Ganaba Catrina Tenorio Jerissa Bonilla Angelica Casabal Lorna Siman Oliva Aguila