27
CASE STUDY SA PAGKATUTO NG BATA SA WIKA Inihanda nina: Clifford Marollano Glenjan Cervantes

Case Study sa Pagkatuto ng Bata sa Wika1

Embed Size (px)

Citation preview

CASE STUDY SA PAGKATUTO NG BATA SA WIKAInihanda nina:Clifford MarollanoGlenjan Cervantes

A. IntroduksyonSa pag-aaral sa pagkatuto ng bata sa

wika, ang binibigyang-diin dito ay ang pagkakaroon ng maunlad na monolingual ng bata. Sa pag-hahanap ng mga paliwanag sa ganitong debelopment ng bata, ang mga mananaliksik ay patuloy pa ring nakabayubay sa nagsasalit-salitang linggwistik na pag-aaral, nakadukmo sa pagkukumpara sa ibang batang isa ring monolingual upang matalastas ang kaibahan ng kani-kanilang wika.

Ang mga ganitong magkakasalungat na pag-aaral, tulad ng karamihan na mga panana-liksik, ay nagkakapareho pa rin at nauugnay ng kahalagahan ng tinatawag na language-universal vs language-specific na salik o dahilan ng akwisisyon. Gayunpaman, maaari pa ring mapagtalunan na ang paghahambing sa dalawang batang monolingual upang mala-man ang kanilang magkaibang wika ay hindi isang ideyal na basehang maoobserbahan para matugunan ang isyung ito. Sa kabila ng lahat,

dahil sa ilang paghahambing na ito, karamihan sa mga psycho-sosyal na pag-aaral ay walang katiyakan sa kung anuman ang tumpak na dahilan ng pagkakapareho at pagkakaiba ng bawat nakikita sa mga patern na pang-akwisisyon ng batang natututo ng magkaibang wika. Dahil ito sa walang patutunguhan ng wi-ka ng bata na hindi lumaki sa matatag na pundasyon ng monolingual. Sabi nga nila, ang batang lumaki sa isang wika ay hingit na may kakanyahan sa pagsasalita kaysa sa batang na-

sanay nga sa dalawang wika pero hindi naman bihasa na gamitin kapwa ang mga ito sa pakikipagkomunikasyon. Ang isang batang lumaki na may dalawang wika mula sa kapanganakan, sa kabilang banda, ay nanga-ngailangan ng isang natatanging pagkakataon para siyasatin ang pangkalahatang isyung pangteorya sa larangan ng akwisisyon ng wika. Dahil dito, ang bilang ng mga posibleng maimpluwensiyang pag-aaral ukol sa pagkatuto ng wika ay nababawasan na, kung kaya’t ginawa

namin ang case study na ito na naglalalyong malaman ang yugto ng pagkatuto ng wika ng isang bata.

B. KliyentePangalan: Ezekiel

Karl LegaspiTirahan:

Bascaran, Daraga, Albay

Edad: 4 na taong gulang

Magulang: Edilberto Legaspi, Charito Legaspi

C. Presentasyon

D. EbalwasyonKognitib Debelopment

Ayon sa pag-aaral ni Feldman (2007), ang kognitib debelopment ay isang paraan na kung saan ang paglago at pagbabago sa intelektwal na kapabilidad ng isang bata ay nakaiimpluwensya sa aspektong beha-vioral nito. Sa aming natuklasan kay Ezekiel, masasabi namin na na ang kayang kognitib debelopment ay normal para sa kanyang edad at walang komplikasyon sa

paraan ng kanyang pagsasalita. Nag-umpisa siyang magsalita noong siya ay mga labing-isang (11) buwan na at ang kanyang pinakaunng salita na nasambit ay “mi”. Ayon sa kanyang ina, hini niya tiyak kung ano ang gustong sabihin ng kanyang anak sa salitang ito: maaari raw na humihingi ang kanyang anak ng “mimi” (meme/dede) o maaari rin na “mommy”. Mula noon, dagdag pa niya, ay unti-unti pang natuto si Ezekiel ng mga bagong salita tulad ng “dada” at ”papa” pero naluwat bago siya nakapagbigkas ng salitang

“mama”. Sinabi rin ni Feldman na ang mga bata raw ay kadalasang natututong maka-pagbigkas ng kanilang unang salita sa pagitan ng sampu (10) at labing-apat (14) na buwan. Batay sa pag-aaral niyang ito, masasabi namin na si Ezekiel ay malapit sa Sensorimotor Stage ni Piaget. Nangangahulugan ito na maayos niyang nauunawaan nang paunti-unti ang mga bagay sa kanyang paligid at ang kanyang debelopment sa wika ay mabilis na yuma-yabong. Gaya sa karamihan na bata, ginagamit

ni Ezekiel ang kanyang mga salita upang makapagpahayag ng kanyang mga gusto. Halimbawa na lamang sa paglalaro namin ng rubber bands, natuwa kami dahil pinapasunod niya kami na ihiwa-hiwalay o uri-uriin ang rubber bands batay sa kulay nito. Isipin ninyo na lang na ng isang apat (4) na taong gulang na bata ay marunong nang kumilala ng kulay kahit hindi niya alam kung ano ang tawag o pangalan nito. Malimit din siyang magtanong at spartan, ika nga, kung magsalita. Tinanong

niya ako kung kailan ako aalis sa kanila at kung kailan naman ako babalik. Mahilig din niyang banggitin kung ano ang ginagawa niya at tatanungin ka naman niya kung ano ang iyong ginagawa dahil nasa kagustuhan niya na malaman ito. Wala ring suliranin sa kanya kapag tinatanong mo siya ng mga tanong na sinasagot ng Oo at Hindi. Tulad sa natuklasan namin, si Ezekiel ay nasa Substage 6 ng Sensorimotor Stage ni Piaget. Naobserbahan namin sa kanya nakaya rin niyang makipaglaro

sa kanyang saliri ng baril-barilan. Ini-imagine lamang niya na may mga kalaban siya at kung sinuman ang makita niyang tao ay papupu-tukan niya ito ng kanyang laruang baril. Napansin din namin sa kanya na kung may makita siyang bagong mapaglalaruan, kahit hindi pa siya matagal na naglalaro sa kanyang naunang laro, ay agad-agad na nawawala ang kanyang atensyon dito at ibabaling ang interes sa ibang laro.

Emosyonal at Sosyal DebelopmentSa aming taya, si Ezekiel ay nagtataglay ng nor-

mal na debelopment na pang-emosyonal. Ang kanyang tampo, na hindi maiiwasan sa mga bata, o galit man ay dinadaan na lamang niya sa kalungkutan. Pinag-aaralan lamang muna niya ang mga bagay-bagay bago siya gumawa ng reaksyon sa mga ito. Ayon sa kanyang ina na si Gng. Charito, si Ezekiel ay mahilig makisalamuha sa iba at gustong-gusto, hindi man kinukusa, ang mga tao.

Sa unang oras ng aming pag-oobserba sa kan-

ya, tinanong niya kaagad kami kung sino ang hinahanap namin bago pa man kami papasu-kin sa bahay ng kanyang Tita. Sa mura niyang edad, nakaranas na rin siya ng maikling pana-hon na pagkakahiwalay sa kanyang ina na ikinalulungkot namna niya. Nagkaroon din siya ng yaya na kinasanayan niyang pinapahayagan ng kanyang mga saloobin. Dumating sa punto na nahiya siya at nag-alangang makipag-usap sa kanyang mga magulang dahil sa ilang panahon na pagkakawalay niya sa mga ito. Pe-

ro iyon ay kagyat lamang, ngayon ay nagagawa na niya ulit na makipagkulitan sa kanyang mga magulang.

Kung pagbabatayan naman ang ilang debelop-ment tseklist, pinapanuod muna ni Ezekiel ang ibang bata sa paglalaro. Nagaganyak siya mula sa panonood sa ibang naglalaro. Nakukuha muna niyang panuorin ang ginagawa ng iba at saka naman niya ito gagayahin. Gayunpaman, may mga pagkakataon sin na nakararanas siya ng tinatawag na “parallel play” sa piling ng i-

bang bata. Nabanggit ni Feldman na sa estado ng parallel play ay sabay-sabay na nagalalaro ng parehong laruan ang dalawa (2) o higit pang mga bata pero hindi sila nag-uusap sa isa’t isa.

E. KongklusyonSa pagbabalik-tanaw namin sa naging

karana-san namin sa bahay ng Tita ni Ezekiel kung saan namin sila ng kanyang ina kinapanayam, malaki ang pasasalamat namin sa kanila par sa lahat ng natutuhan at oportunidad na nakuha namin habang nakikipag-usap sa kanila. Nagkaroon kami ng pagkakataon na maobserbahan ang isang batang nasa apat (4) na taong gulang pa lamang. Dahil sa kanya ay naranasan na-

min ang mga bagay-bagay na naaaninag sa mga mata ng isang bata, parang bumalik ulit sa pagkabata. Sa kanyang murang edad ay nakakanta na rin niya ang isang awiting pang-matanda. Tinanong namin siya kung paano siya natutong kumanta. Sabi niya ay napanood lang daw niya iyon sa TV at naririnig niya sa kanyang mga kapatid. Ibig niyang sabihin ay mga theme song sa mga teleserye ang napapanood at napapakinggan niya.

Batay sa aming mga natuklasan, ang unang wika ni Ezekiel ay Filipino. Hindi naman iyon

nakapagtataka dahil Manilenyo ang kanyang ama at mahigit sampung taon namang nagtrabaho at nanirahan sa Maynila ang kanyang ina. Sa kanilang bahay ay puro Filipino ang ginagamit nilang wika. Sa mga pinsan lamang ni Ezekiel nakaririnig siya ng mga salitang Bikol.

Si Ezekiel ay apat (4) na taong gulang pa la-mang kaya ang mga kaedad niya ay kadalasang napapabilang sa Yugto ng Ekspansyon at Deli-

mitasyon pero taliwas ito sa aming natuklasan. Kung susuriin siyang mabuti, masasabi na ma-aaring maihanay din siya sa Kamalayang Is-truktural, Otomatik, at Malikhain na kadalasan ay yugto ng mga nasa anim (6) na taong gu-lang pataas. Hindi maikakailang nakaimplu-wensiya rito ang pagkakaroon ni Ezekiel ng matatan-dang kasamahan sa kanilang bahay.

F. RekomendasyonMalugod naming iminumungkahi ang mga

su-musunod upang mas mapagbuti pa ang pagsa-salita o pagkatuto ng bata sa wika:

Nararapat lamang na ipakita natin sa bata na interesado tayo sa kanyang gustong sabihin/sinasabi, at hindi sa kung paano niya ito sabihin. Mas mabuti kung pananatilihin natin ang natural na eye-contact kahit nahihirapan siyang ipahayag ang kanyang sasabihin.

Huwag din nating tapusin ang kanyang pagku-kwento, manapa’y gabayan pa. kung baga ay suportahan pa natin sila sa pagsasalita. Maaa-ring tugunan natin ang kanilang hirap sa pagsasalita, kung mayroon man, sa parehong paraan kung paano natin punan ang kakulangan o ibang pangangailangan nila.

Kapag nakikipag-usap din sa bata, nararpat din na dahan-dahanin natin ang bilis ng ating pagsasalita kung mabilis man para sa kanila upang mas maunawaan nila ang ating sinasa-

bi. Hindi nakatutulong sa kanila kung sasa-bihin natin sa kanila na dahan-dahan lamang sa pagsasalita, magsimula kang muli, o hinga ka muna nang malalim; kundi dapat tayo ang humihinto ng ilang segundo bago magsimu-lang magsalita muli nang sa ganun ay hindi nila maramdaman na minamadali natin sila.

Hikayatin din natin sila na huwag mag-alangan kapag nahihirapang magsalita. Maaaring sabi-hin natin na, “Huwag kang mag-alala, ang pagsasalita ay nakakapagod din kung minsan

kapag nag-aaral ka pa lamang.” kaugnay nito, kailangan din nating bawasan ang pagta-tanong o bilang ng mga tanong kung kinakaila-ngan. Mas mabuti kung bibigyan natin sila ng sapat na panahong masagot ang ating mga tanong bago natin sila tanungin muli. Iwasan din natin ang pagtatanong ng mahahaba, kai-langang mga simple lamang at sa halip na magtanong ay magkomento na lamang sa sinabi ng bata. Sa ganitong paraan ay tiwala ang loob ng bata na nakikinig tayo sa kanila.

Maraming salamat po. . .