13
Aralin 10: Pangangasiwa ng mga Gawain sa Tahanan

Epp 6 he aralin 10- pangangasiwa ng mga gawain sa tahanan

Embed Size (px)

Citation preview

Aralin 10:Pangangasiwa ng mga Gawain

sa Tahanan

Ang bawat kasapi ng mag-anak ay dapat tumulong upang maisaayos at mapadali ang pagtupad ng mga gawain sa tahanan. Dapat magpulong upang talakayin ang pagtupad sa mga ito. Bago maghati-hati, kailangan munang itala ang gawaing dapat tapusin sa loob ng tahanan at uriin ito ayon sa dalas ng paggawa nito.

Mga Gawaing ginagawa sa araw-araw:- Pagluluto- Paglilinis ng bahay- Paghuhugas ng pinggan- Pagliligpit ng higaan- Pagtatapon ng basura

Mga Gawaing ginagawa ng Lingguhan:- Paglalaba- Pamamalantsa- Paglalagay ng floorwax- Pag-aayos ng mga kagamitan

Mga Gawaing ginagawa ng Buwanan:- Pagpapalit ng kurtina- Pagbabago ng ayos ng mga

kagamitan- Pagkukumpuni ng mga sirang

kagamitan

Sa paghati-hati ng mga Gawain dapat ang oras o panahon ng paggawa ng bawat kasapi ng mag-anak ay angkop o bagay sa kanilang gawain sa labas ng tahanan o sa paaralan. Higit na magiging mabisa ang pagtupad sa tungkulin ng bawat isa kung may talatakdaan ng gawaing susundin ang mag-anak.

Talatakdaan - talaan ng mga gawaing dapat gawin o isakatuparan sa takdang oras at panahon. Ito ay nagsisilbing tagapag-aalala sa isang gumagawa na siya ay may dapat sundin sa paggawa at pagkilos upang matapos ang mga Gawain sa takdang panahon.

Ang paggawa at pagsunod sa talatakdaan ay magpapagaan sa mga gawain, makatutulong din sa pagtitipid ng oras, lakas, at panahon sapagkat ang mga Gawain ay pinaghati-hati at pinagsunod-sunod ayon sa bigat ng gawain at hinihingi ng pagkakataon.

Uri ng Talatakdaan:1. Pansariling talatakdaan - tumutulong sa mga gawaing gagawin ng bawat kasapi ng mag-anak sa takdang oras at araw.

2. Talatakdaang pangmag-anak - ay pinaghati-hating Gawain sa lahat ng kasapi ng mag-anak para magampanan sa takdang oras.

Ang isang kasapi ay maaaring gumawa ng kanyang sariling talatakdaan. Ang talatakdaang pangmag-anak ay maaaring gawin ng ina sa tulong ng buong mag-anak.

ORAS MINUTO TALATAKDAAN

5:00 - 5:15 NU 15

5:15 - 5:35 NU 20

5:35 – 5:50 NU 15

5:50 – 6:00 NU 10

6:00 – 12:00 NU 60

12:00 – 12:15 NT 15

12:15 – 12:30 NT 15

Pansariling Talatakdaan:

12:30 – 1:00 NT 30

1:00 – 2:00 NH 60

2:00 – 3:00 NH 60

3:00 – 5:00 NH 120

5:00 – 6:00 NG 60

6:00 – 6:15 NG 15

6:15 – 6:45 NG 30

ORAS MINUTO TALATAKDAAN

6: 45 – 7:15 NG 30

7:15- 8:35 NG 80

8:35 – 8:45 NG 10

8:45 – 9:00 NG 15

9:00 ------

Pansariling Talatakdaan: