15
PRE-EMPLOYMENT ORIENTATION SEMINAR (PEOS ONLINE) MODULE 6: GET COUNTRY COZY AMERICAS AND EUROPE

Filipino^module 6 country cozy-americas and europe

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino^module 6   country cozy-americas and europe

PRE-EMPLOYMENT ORIENTATION SEMINAR (PEOS ONLINE)

MODULE 6: GET COUNTRY COZY

AMERICAS AND EUROPE

Page 2: Filipino^module 6   country cozy-americas and europe

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country? 

Get Country Cozy!

Alamin ang mga pangunahing impormasyon sa bansang gusto mong puntahan, gaya ng:

Visa FeeMedical Examination FeePamasaheKlimaPagkainPananamitKultura at kaugalianOrasRelihiyonPananalapiImmigration and labor laws Philippine Embassy or Philippine Overseas Labor Office (POLO)

Page 3: Filipino^module 6   country cozy-americas and europe

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country? 

EuropeMadalas puntahan ng mga temporary at seasonal workers ang United Kingdom at kung saan may mga trabaho para sa mga bars at restaurants.  Pero mas madalas pa ding puntahan ng mga Pilipino sa Europa ang Italy.

28 bansa sa Europa ang katangi-tanging pinagbuklod sa larangan ng ekonomiya at politika na siyang bumubuo sa European Union. Euro ang tawag sa kanilang pananalapi na siyang ginagamit ng mga bansang miyembro nito. Samantala ang United Kingdom ay gumagamit ng kanilang sariling pananalapi, ang UK Pound.

Ang Switzerland at UK ay ilan lamang sa mga bansang may magastos na pamumuhay sa buong mundo.

Ang mga dayuhang nagnanais magtrabaho ay kailangang kumuha ng work permit. Kung sakaling mahuli na illegal na nagtatrabaho ay maaring magmulta, madeport o tuluyan ng mahadlangan sa pagpasok sa bansa.

Page 4: Filipino^module 6   country cozy-americas and europe

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country? 

EuropeITALY

Ang Italy ay isa sa mga destinasyon o madalas na pinupuntahan ng mga Overseas Filipino Workers para magtrabaho. Ang kapital nito ay Rome at Euro ang tawag sa kanilang pananalapi. Umaabot ng 21 na oras ang biyahe papuntang Italy galing sa Pilipinas.

May apat na klima ang Italy ito ay ang katamtaman init at mahalumigmig na panahon, malamig at may nyebe sa matataas na lugar at lambak.

Ang pinakamalaking relihiyon sa Italy ay Roman Catholicism.

Karne, isda, pasta at tinapay ang pang karaniwan nilang pagkain.

Mahirap makahanap ng trabaho sa Italy sa kadahilanang mataas ang porsyento ng walang trabaho . Malaking kalamangan sa paghahanap ng trabaho kung mas marunong sa pagsasalita ng Italian at Ingles.

*For more details, visit www.owwa.gov.ph

Page 5: Filipino^module 6   country cozy-americas and europe

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country? 

EuropeUNITED KINGDOM

1£=US$1.711US$=PHP43.66(as of July 2014)

Ating alamin kung magkano ang maaring maging take home pay kung ikaw ay isang OFW na nagtatrabaho sa UK

Page 6: Filipino^module 6   country cozy-americas and europe

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country? 

North America

Ang Estados Unidos at Canada ay nasa kontinente ng North America

Umaabot ng kabuuang 12 oras ang biyahe patungong Los Angeles at Vancouver Canada subalit umaabot naman ng 15 oras kapag diretsong Pilipinas patungong Vancouver at karagdagang 4 na oras kung tutungo pa ng Toronto.

Parehong may apat na klima ang Estados Unidos at Canada subalit mas malala ang taglamig sa Canada.

Malayang pinahihintulutan ang pananampalataya at liberal na pamumuhay dito. Ingles ang opisyal na lenggwahe na ginagamit ngunit may ibang pa rin probinsya na gumagamit ng French na kanilang sariling wika lalo na sa probinsya ng Quebec.

Page 7: Filipino^module 6   country cozy-americas and europe

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country? 

North AmericaAng tawag sa pananalapi ng Estados Unidos ay US dollar at Canadian Dollar naman sa Canada.

Karne at isda ang pang karaniwan pagkain sa mga bansang ito.

Ang Canada ay may dalawang Philippine Overseas Labor Offices (POLO):

POLO-Vancouver na sumasakop sa mga probinsya ng British Columbia, Alberta, Northwest Territory and Yukon

POLO-Toronto na sumasakop sa mga probinsya ng Ontario, Manitoba, Saskatchewan, Nova Scotia, Newfoundland at Labrador, New Brunswick, Prince Edward Island, Quebec at Nunavut.

*For more details, visit www.owwa.gov.ph

Page 8: Filipino^module 6   country cozy-americas and europe

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country? 

North AmericaNewfoundland & Labrador, CANADA

1 CAD = US$ 0.9216051 CAD = PHP 40.1809

(as of July 2014)

Ating alamin kung magkano ang maaring maging take home pay kung ikaw ay isang OFW na nagtatrabaho sa Canada.

Page 9: Filipino^module 6   country cozy-americas and europe

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country? 

North America

Ontario, CANADA

1 CAD = US$ 0.9216051 CAD = PHP 40.1809

(as of July 2014)

Ating alamin kung magkano ang maaring maging take home pay kung ikaw ay isang OFW na nagtatrabaho sa Canada.

Page 10: Filipino^module 6   country cozy-americas and europe

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country? 

North AmericaSaskatchewan, CANADA

1 CAD = US$ 0.9216051 CAD = PHP 40.1809(as of July 2014)

Ating alamin kung magkano ang maaring maging take home pay kung ikaw ay isang OFW na nagtatrabaho sa Canada.

Page 11: Filipino^module 6   country cozy-americas and europe

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country? 

North AmericaToronto, CANADA

1 CAD = US$ 0.9216051 CAD = PHP 40.1809

(as of July 2014)

Ating alamin kung magkano ang maaring maging take home pay kung ikaw ay isang OFW na nagtatrabaho sa Canada.

Page 12: Filipino^module 6   country cozy-americas and europe

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country? 

Sa kasalukuyang panahon, mas napapadali na ang pakikipagkomunikasyon sa kani-kanilang pamilya at kamag-anak dahil sa mga bagong teknolohiya tulad na lamang ng paggamit ng text messaging, email, video calling gamit ang skype at viber. Sa pamamagitan ng mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter at Instagram maari nang maka pagbahagi ng mga litrato at dokumento.

PANUNTUNAN SA PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA

May iilang bansa ang may mahigpit na panuntunan sa paggamit ng internet at may karampatang parusa ang sinumang lumabag dito. Ang mga nasabing paglabag tulad ng paggamit ng mga pornographic sites, paninira ng reputasyon ng ibang tao gamit ang internet at makakasira sa pangkalahatang siguridad.

Page 13: Filipino^module 6   country cozy-americas and europe

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country? 

PANUNTUNAN SA PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA

May ibang tao na hindi iniisip ang maaring maging negatibong resulta ng sobrang paglalahad ng kanilang personal na impormasyon, saloobin at mga litrato sa internet, maari itong magdulot ng paninira sa kanilang reputasyon, pagnanakaw sa kanilang pagkakakilanlan o mas malala pa ay mawalan sila ng trabaho. Maaring matanggal sa trabaho ang sinumang manggagawa ang magpost sa internet kontra sa lahi at relihiyon ng ibang bansa. Nangangahulugan ito ng paglabag sa batas at regulasyon ng ibang bansa.

Tandaan na kapag magtatrabaho sa ibang bansa dapat sundin ang mga batas, regulasyon,kultura at relihiyon na pinaniniwalan nila bilang pagbibigay respeto sa bansang iyong pupuntahan.

Page 14: Filipino^module 6   country cozy-americas and europe

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country? 

Suriin at alamin ang mga sumusunod na paalala bago magpost sa internet o sa online media:

1) Isaalang-alang ang limitasyon at seguridad ng iyong social network account, kung maari ay kaibigan o malalapit at mapagkakatiwalan na kakilala lamang ang makakaalam nito.

2) Iwasan i-aacept o i-follow ang iyong amo sa mga social networking sites. At kung maari ay ihiwalay ang personal na buhay sa iyong trabaho.

3) Kung magrereport ka ng paglabag sa kontrata o pang aabuso ng iyong amo ay huwag gamitin ang social media para magreklamo sa iyong trabaho. Sa halip ay gamitin ang tamang proseso sa pagrereport tungkol sa paglabag sa karapatan at kontrata.

4) Huwag punahin o siraan ang kultura o tradisyon, paniniwalang panrelihiyon, mga kaugalian at katangian ng mga taong nakakasalamuha mo.

5) Huwag mag upload ng mga malalaswa, labag sa batas at malisyosong larawan ng ibang tao.

6) Huwag sumali sa mga debate o diskusyon tungkol sa mga usaping pulitikal man o pangrelihiyon.

PANUNTUNAN SA PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA

Page 15: Filipino^module 6   country cozy-americas and europe

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 6: GET COUNTRY COZY-- What do I need to know about my overseas employer’s country? 

- END OF MODULE 6 -