Upload
pwede-sa-puso-mo-ge-na
View
141
Download
3
Embed Size (px)
DESCRIPTION
biography fliptop
Citation preview
Bouncing baby girl!
Kahit hindi tumambling
Ang cute like curl!
Kahit di naman ako kulot “feeling”
Ipinanganak sa Morong Bataan
June 29 1994 bandang hapon
Inulawal ni Francisca –nanay ko
Sa ospital itinakbo ni Jerry-tatay ko
Nagtatalo kung sa ospital o sa bahay “ mag asawa yan”
Nadala sa ospital nang mailabas tuwang tuwa akala mo first baby ? “pangatlo na yan”
Di daw sya si Gina may pagkabulol men! –Karen
Mapayat na panganay , maputla and always sick- anemic
Sumunod sa kanya ay astiging may saltik- Jeric
Nagtatanggol sa amin kapag may namimitik – warfreak
Geraldine Lanuza Perez ang sumunod, study hard pag may time – Einstein
Nakakatawa ang mukha na di kagandahan – Frankenstein
Si Gerald pogi na pang-apat:feeling tatay – parenthood
Tagapaghanap ng ulam pag walang pera kasing astig ni robinhood
Softball player at tigasin sya – Trisha
B I R T H
F A M I L Y
Feeling solong anak panay gusto mag-isa –adik sya
Eto pang anim laging matapang pa kunyare – loko pre
Francine Joyce ang real name nagtataka ako san nakuha yung tawag sakanya – Marie
Last but not the list ang pinaka pasaway - bunso
Kapag di nakatingin ang nga ate at kuya nagunguha nang ulam nang may ulam – abusado
Kapag sinita mo sya pa magagalit –boss: amo?
Kapag di ako nakapagpigil babatukan ko tong si Aiza na to! - kaso patay ako sa nanay ko
S C H O O L
Palaging tampulan nang tukso – o tukso layuan mo ako
Sa sobrang kawawa ko nagiging superman na ang kuya ko
Panay nagaguidance – kasalanan ko
Sya ang tagapagtanggol sa kakalaseng kong mga bully -may pagka astig to!
Medyo Masaya ang buhay elementary – kasama ko mga katropa ko at kaklase
Medyo malayo ang bahay sa school kaya may bonding kami
Maghahanap ng mangga na babatuhin yung marami
Sabay kakaripas nang takbo habang kinakain yung mangga – nangranger lang kami
Kapag tag- ulan oh my gosh!
Parang beauty queen yung may sash
Maganda naman - kaso nababash
Yun bang nababasha nang ulan sabay madudulash!
Medyo mahirap ang buhay-pero keri
Di man lang naranasan makasakay sa wheel -yung perris
Tapos medyo kakahiya pag Christmas party- yung merry
Kasi pinang reregalo ko kakaiba at matindi - puro kendi
Meron pang mas grabe tipong batas military
Pag party party yung may confetti na Christmas party
May law , martial law na matindi
Bawal magregalo nang picture frame kung ayaw mong sa exchange gift di ka masali
Ako ay gumraduate nang high school -2010
Ang nagtrabaho agad para cool - layas na sa amin
Napunta sa abucay naging baby sitter for two months din
Tapos nakilala si mrs. Pizarro tumulong magpaenroll sa akin
Nakapag enroll sa college- ang saya saya
Sa pagkakatira sa kanilang bahay puso ko’y nagka damage – abusado naman sila
Lumugar ka ,! Di ka bagay dito- ika nang anak na pangalawa
Nakitira sa kabuddy sa rotc –lumayas ako sa kanila
2nd year college nang ako’y mahinto- walang pera
Tapos nadagdagan nang akoy magkasakit pa
Kaya nang gumaling agad naghanap pagkakakitaan na
17 years old palang ako kaya babay sit na muna
Makalipas nag dalawang buwan, olongapo’y nilisan ko
Sapagkat asawa nang kapatid nang boss ko ay tarantado
Gusto mang sa pulis sya’s isuplong ko
Ngunit mas nanaig na lisanin ko na lamang nang matapos na ito
Napunta sa morong – nagkatulong sa isang guro
Dalawang buwan mababait sila-totoo
Pero mas malaking kita ang hanap ko
Kaya sila ay nilisan ko
Napunta sa mga Calimbas
Kabaitan walang katumas
Dahil kahit na ako ay pasaway at pagkakamali’y madalas
Ako’y pinag aral, nagkaroon ang liwanag ang bukas
Ika-apat na taon ko sa bpsu
Di ko pa nagagawang sa kanila’y mag thank you
Pero sa loob na dalawang taon mahigit na sa kanila’y paninirahan ko
Lubos na pasasalamat sa puso ang babaunin ko
L E A R N
Matuto sa mga pagkakamali
Dyan dapat bumawi
Kahit na minsa’y sawi
Isipin na maganda kahit hindi – tiyak bawi!
Think positive! And negative!
Dahil walang kasiguraduhan ang buhay – I believe
Kahit na minsan kalungkutan puso mo’y tigib
May pag-asa sa bawat lugar na pupuntahan kahit pa sa liblib
-------the end------