78
1 Kagamitan ng Mag-aaral (Quarters 3 & 4) Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Learning materials / modules in Araling Panlipunan Quarter 3 and 4

Citation preview

Page 1: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

1

Kagamitan ng Mag-aaral

(Quarters 3 & 4)

Kagawaran ng Edukasyon

Republika ng Pilipinas

Page 2: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

1

Kagamitan ng Mag-aaral

(Quarters 3 & 4)

Kagawaran ng Edukasyon

Republika ng Pilipinas

PAG-AARI NG PAMAHALAAN

HINDI IPINAGBIBILI

INILAAN PARA SA

Distrito/ Paaralan: ____________________________________

Dibisyon: _____________________________________________

Unang Taon ng Paggamit: _______________________________

Pinagkunan ng Pondo (pati taon):________________________

Page 3: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

ii

Araling Panlipunan– Unang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral: Tagalog Unang Edisyon, 2012 ISBN: Tagalog Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapang kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. Quijano Kawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Office Address: 2nd

Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue,

Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072

E-mail Address: [email protected]

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Mga Consultant: Maria Serena I. Diokno, PhD. at Marie Yvette Concepcion-Alcazar

Mga Manunulat: Maria Vanessa P. Lusung-Oyzon at Czarina B. Agcaoili

Mga Tagasuri: Haydee Alipustain, Thea Joy G. Manalo, Rodel C. Sampang, Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas

Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Elvira E. Seguerra, Grace U. Salvatus

Gumuhit ng mga Larawan: Erica Villanueva, Eric S. de Guia, Erich D. Garcia, at Jayson R. Gaduena

Mga Naglayout: Allan R. Thomas, Ma.Theresa M. Castro

Encoder: Earl John V. Lee

Page 4: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

iii

TALAAN NG MGA NILALAMAN

YUNIT 3: Ang Aking Paaralan

Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking

Kinabibilangan…………………………………………… 2

Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa Aking Paaralan............. 3

Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng Paaralan sa

Aking Buhay…………………………………..…… 6

Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking Paaralan …………….. 9

Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Di Nagbago

sa Aking Paaralan ..................................... 10

Aralin 3: Ang mga Gawaing Dapat Kong Gawin Habang

nasa Paaralan ……………………………………...…… 13

Aralin 3.1: Ang Aking mga Gawain sa Paaralan…… 14

Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa Paaralan..... 17

Aralin 4: Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa Aking Silid-

Aralan........................................................................... 24

Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan… 25

Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa Aking Paaralan... 29

Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking Paaralan……… 30

YUNIT 4: Ako at ang Aking Kapaligiran

Aralin 1: Ako at ang Aking Tahanan at Paaralan ……… 38

Aralin 1.1: Ang Aking Pag-unawa sa Konsepto ng

Distansiya …………………………………………………. 39

Aralin 1.2: Ang Aking Pag-unawa sa Konsepto ng

Direksiyon ..................................................................... 43

Aralin 1.3: Ang Aking Nagawang Mapa…………… 47

Aralin 1.4: Ang Aking Dinaraanan Mula Bahay

Patungong Paaralan…………………………………… 55

Aralin 2: Pangangalaga ng Aking Kapaligiran ............. 62

Aralin 2.1: Mga Paraan sa Pagpapanatili ng Kalinisan sa

Aking Paaralan........................................................ 63

Aralin 2.2: Ang Aking Pagpapahalaga sa Pagpapanatili

ng Kalinisan ng Aking Paaralan........ 68

Page 5: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

1

Yunit 3: ANG AKING PAARALAN

Panimula

Mga Layunin:

Matapos ang pag-aaral ng Yunit 3, inaasahang

magagawa mo ang sumusunod:

1. naipakikilala ang iyong paaralan;

2. nailalarawan ang pisikal na kapaligiran ng

paaralan;

3. nasasabi ang mabuting nagagawa ng

paaralan para sa iyo;

4. nasasabi ang konsepto ng pagbabago at

pagpapatuloy batay sa kuwento ng paaralan;

5. nasasabi ang mga dapat gawin ng isang mag-

aaral;

6. nakatutupad sa mga alituntunin ng silid-aralan;

at

7. napahahalagahan ang iyong paaralan.

Page 6: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

2

Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking

Kinabibilangan

Panimula

Page 7: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

3

Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa Aking Paaralan

Pag-isipan

Anong mahahalagang impormasyon

ang masasabi mo sa iyong paaralan?

Gawain 1

Itanong sa inyong punong-guro ang sumusunod:

1. Ano ang pangalan ng ating paaralan?

2. Bakit ito ang pangalan ng ating paaralan?

3. Kailan itinayo ang ating paaralan?

4. Saan ito matatagpuan?

5. Sino-sino ang bumubuo sa ating paaralan?

Page 8: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

4

Gawain 2

Iguhit ang iyong paaralan sa loob ng kahon sa

ibaba. Gawing makulay ang iyong iginuhit.

Page 9: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

5

Tandaan:

Mahalagang makilala mo ang

paaralang iyong pinapasukan. Ito ang

nagsisilbing pangalawa mong tahanan.

Gawain 3

Buuin ang graphic organizer sa ibaba upang

maipakita ang mga batayang impormasyon

tungkol sa iyong paaralan.

Taon ng

Pagkakata- tag

Lokasyon ng Paaralan

Paaralan

Mga Taong Bumubuo sa Paaralan

Pangalan

ng

Paaralan

Page 10: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

6

Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng

Paaralan sa Aking Buhay

Pag-isipan

Ano ang mabuting nagagawa ng

paaralan para sa iyo?

Gawain 1

Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro na

pinamagatang “Celia Studious and Conrad Cat” ni

Regina S. Fernandez.

Saan pumupunta si Celia araw-araw?

Ano-ano ang ginagawa ni Conrad para

hikayatin si Celia na huwag nang pumasok sa

paaralan?

Bakit hindi nahihikayat ni Conrad si Celia na

lumiban sa pagpasok sa paaralan?

Page 11: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

7

Ano ang natuklasan ni Conrad sa paaralan ni

Celia?

Ano-ano ang masayang karanasan ni Celia sa

kaniyang paaralan?

Ano kaya ang naramdaman ni Conrad noong siya

ay napasama sa paaralan ni Celia? Bakit ito ang

kaniyang naramdaman?

Kung ikaw si Conrad, sasama ka pa ba kay Celia sa

paaralan? Bakit?

Gawain 2

Ano ang iyong masasayang karanasan

sa paaralan? Pumili ng tatlong masayang

karanasan at iguhit ito sa loob ng mga bilog.

Ang Masasayang Karanasan ko sa

Paaralan

Page 12: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

8

Gawain 3

Nakaguhit dito ang mga ginagawa at natutuhan ni

Celia sa paaralan. Subukin mong iguhit sa kabilang

kahon ang mga ginagawa at natututuhan mo sa

iyong paaralan.

Ang mga ginagawa at natututuhan

ni Celia sa paaralan

Ang mga ginagawa at

natututuhan ko sa aking

paaralan

Tandaan: Ang paaralan ay isang lugar na marami

kang makikilalang bagong kaibigan na

iyong makakalaro,

makakasama sa pagbabasa, pagsusulat, pagguhit, at

iba pang mga gawain para matuto.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng

paaralan sa iyong buhay.

Page 13: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

9

Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking Paaralan

Panimula

Page 14: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

10

Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Di

Nagbago sa Aking Paaralan

Pag-isipan

Ano ang mga bagay na nagbago at di

nagbago sa aking paaralan?

Gawain 1

Tanungin ang bisitang inanyayahan ng iyong guro

tungkol sa pinagmulan ng iyong paaralan.

Narito ang maaaring itanong sa inyong bisita:

Ano po ba ang hitsura ng aming paaralan noong

itinatag ito?

Nagbago po ba ang laki o sukat nito?

Mas marami po ba ang mga mag-aaral na unang

pumasok sa aming paaralan kung ikukumpara sa

bilang ng mga mag-aaral sa aming paaralan

ngayon?

May uniporme po ba sila?

Ano po ang mga itinuturo ng mga guro?

Ano-ano pa po ang nagbago rito?

Page 15: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

11

Gawain 2

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Subukin

ninyo ng iyong mga kapangkat na punan ng

impormasyon ang tsart na makikita sa ibaba.

Ngayon Noon

Pangalan ng

paaralan

Lokasyon ng

paaralan

Laki o lawak ng

paaralan

Mga kasapi ng

paaralan

Bilang ng mga

mag-aaral

Uniporme ng

mga mag-aaral

na pumapasok

sa paaralan

Mga itinuturo sa

paaralan

Batay sa mga impormasyong inyong nakuha at

naisulat, ano ang mga bagay na nagbago at di

nagbago.

Page 16: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

12

Gawain 3

Iguhit ang iyong paaralan noon at ngayon sa mga

kahong nasa ibaba.

Ang Aking Paaralan

Noon

Ang Aking Paaralan

Ngayon

Tandaan:

May mga bagay na nagbabago

at may mga bagay na nagpatuloy

o hindi nagbago sa iyong

paaralan.

Ang mga desiyon o pagpapasya ng mga

kasapi ng isang paaralan ang nagdudulot ng

mga pagbabago o pagpapatuloy.

Page 17: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

13

Aralin 3: Ang mga Gawaing Dapat Kong

Gawin Habang Nasa Paaralan

Panimula

Page 18: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

14

Aralin 3.1: Ang Aking mga Gawain sa Paaralan

Pag-isipan

Ano-ano ang iyong ginagawa sa

paaralan?

Gawain 1

Pagsunod-sunurin ang mga larawan ng mga gawain

ng mga mag-aaral sa paaralan. Isulat ang bilang 1

sa loob ng bilog para sa pinakaunang gawain at 5

naman sa pinakahuling gawain.

A. B. C.

D. E.

Page 19: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

15

Gawain 2

Gumawa ng timeline na nagpapakita ng iyong

gawain sa iyong paaralan sa loob ng isang araw.

Iguhit ang mga ito sa loob ng kahon. Kulayan ang

iyong ginawa.

Ang Aking mga Gawain sa Paaralan sa Loob ng Isang Araw

Bago

magsimula ang klase

Habang

nagtuturo

ang aking Guro

Oras ng

pagkain o recess

Bago

mag-

uwian ang

klase

Page 20: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

16

Gawain 3

Tingnan mo ang mga larawan. Kulayan ang mga

larawan na nagpapakita ng mga itinuturo ng iyong

guro at natututuhan mo sa iyong paaralan.

A. B. C.

D. E. F.

H.

G.

Maaari po

ba akong

makipaglaro

kay Laya

mamaya?

Page 21: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

17

Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa

Paaralan

Pag-isipan

Ano ang mga dapat mong gawin sa

paaralan bilang isang mag-aaral?

Gawain 1

Si Len ay isang mag-aaral sa Baitang 1.

Ano sa palagay mo ang mga dapat gawin ni Len sa

paaralang kaniyang pinapasukan.

Suriin ang mga larawan at bilugan ang nagpapakita

ng mga tungkulin o mga dapat gawin ni Len bilang

isang mag-aaral.

A. B.

C.

Magandang

umaga po

Bb. Pablo.

Page 22: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

18

A.

C.

B.

Bakit ito ang mga larawang iyong binilugan?

Ano ang mangyayari kapag ginawa ni Len ang mga

gawaing iyong binilugan?

Ano naman ang mangyayari kapag ginawa ni Len

ang mga gawaing hindi mo binilugan?

Page 23: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

19

Gawain 2

Makikita sa tsart ang iba’t ibang tungkulin ng mag-

aaral sa paaralan. Alin sa mga ito ang ginagawa mo

sa bawat araw? Lagyan ito ng tsek () .

Mga Tungkulin

ng Mag-aaral

Mga Araw na May Pasok

Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes

Pumapasok sa

paaralan sa

wastong oras

Nakikinig sa

guro habang

siya ay

nagtuturo

Tinatapos ang

mga gawaing

ipinagagawa

ng guro sa

klase

Page 24: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

20

Mga Tungkulin

ng Mag-aaral

Mga Araw na May Pasok Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes

Inililigpit ang

pinagkainan

matapos ang

recess

Itinatapon ang

basura sa

basurahan.

Ginagawa

ang takdang-

aralin

Marami ka bang nailagay na tsek sa tsart?

Ano ang iyong naramdaman matapos mong

malagyan ng tsek ang mga tungkuling nagagawa

mo bilang mag-aaral?

Sa iyong palagay, bakit mahalagang gawin mo ang

iyong mga tungkulin sa paaralan?

Page 25: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

21

Gawain 3

Tingnan at suriin ang mga larawan sa letrang A at

letrang B. Subukin mong iguhit sa loob ng kahon

kung ano ang posibleng mangyari sa huling bahagi

ng ipinakikitang sitwasyon.

A

1 2

3 4

Tahimik siyang

umupo sa

kaniyang upuan

at nakinig sa

kaniyang guro

habang

nagtuturo

Nagbigay ng

pagsusulit ang

kaniyang guro

Pumasok si Jun sa

kanilang silid-

aralan

Page 26: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

22

B

1 2

3 4

Oras ng recess

ng klase ni

Mimay.

Masayang

kumain si Mimay

kasama ng

kaniyang mga

kaibigan.

Nang

magsisimula na

muli ang klase,

itinapon nina

Mimay sa sahig

ang kanilang

pinagkainan

?

Page 27: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

23

Alin sa dalawang pangkat ng mga larawan ang

nagpapakita ng paggawa sa tungkulin ng isang

mag-aaral, letrang A o letrang B?

Bakit ang iyong iginuhit ang napili mong huling

pangyayari sa ipinakitang sitwasyon?

Bakit mahalagang gawin ng mga mag-aaral ang

kanilang mga tungkulin?

Tandaan:

Mayroon kang iba’t ibang

tungkulin sa paaralan.

Mahalagang gawin mo ang

iyong

mga tungkulin bilang mag-aaral upang

mapanatili ang kaayusan sa iyong

paaralan. Makatutulong din ito upang

mapabuti ang iyong pag-aaral.

Page 28: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

24

Aralin 4: Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa

Aking Silid-Aralan

Panimula

Page 29: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

25

Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking

Silid-Aralan

Pag-isipan

Anong mga alituntunin ang ipinatutupad

sa inyong silid-aralan?

Gawain 1

Bilang isang klase, bumuo ng isang graphic organizer

na nagpapakita ng iba’t ibang alituntunin na

ipinatutupad sa loob ng inyong silid-aralan.

Bago

magsimula

ang klase

Habang

nagkaklase

Tuwing

recess

Bago mag-

uwian

Gawain 2

Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ano kaya

ang mangyayari o magiging bunga kapag ginawa

mo ang mga ito? Isulat sa nakalaang bahagi ng

graphic organizer ang iyong sagot sa bawat

sitwasyon.

Page 30: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

26

B. Nakikipag-

kuwentuhan ka sa

iyong katabi habang

nagtuturo ang iyong

guro.

C.Isinisigaw mo ang

iyong sagot kahit

hindi ka pa

tinatawag ng iyong

guro para sumagot.

D. Pumipila nang

maayos

E. Hindi nagpapasa

ng takdang- aralin

sa

napagkasunduang

araw ng pasahan.

F. Tinatapos ang

gawaing

ipinagagawa ng

guro sa takdang

oras/araw ng

pasahan.

A. Tahimik na

hinihintay ang iyong

guro bago magsimula

ang klase.

Page 31: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

27

Gawain 3

Balikan ang inyong ginawang graphic organizer. Sa

iyong palagay, alin sa mga sitwasyon ang

nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntunin ng

inyong silid-aralan? Alin naman sa mga ito ang

nagpapakita ng hindi pagsunod sa mga alituntunin?

Isulat ang letra ng sitwasyon sa loob ng angkop na

kahon.

Ano ang nagiging bunga ng pagsunod sa

alituntunin?

Ano naman ang naging bunga ng hindi pagsunod

sa alituntunin?

Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang

mga alituntunin?

Pagsunod sa

Alituntunin

Hindi Pagsunod sa

Alituntunin

Page 32: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

28

May iba ka pa bang naiisip na alituntunin na

maipatutupad para sa ikabubuti ng inyong

samahan sa silid-aralan?

Tandaan:

May iba’t ibang alituntuning

ipinatutupad sa inyong silid-

aralan.

Mahalagang sumunod sa mga

alituntunin upang mapanatili ang

kaayusan at katahimikan sa paaralan.

Makabubuti rin ang mga ito sa

pagpapanatili ng mabuting samahan

ninyo ng iyong mga kamag-aral at ng

inyong guro.

Page 33: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

29

Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa

Aking Paaralan

Panimula

Page 34: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

30

Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking

Paaralan

Pag-isipan

Bakit mahalaga ang iyong paaralan?

Gawain 1

Sabay-sabay ninyong awitin o bigkasin ang “Bata pa

Ako” na sinulat ni Julia Abueva.

Bata Pa Ako

Di ka ba nagtataka

Ako'y nasa lansangan

At ikaw ay nasa sasakyan

Papuntang paaralan

Makatapos kaya ako

Kahit mga libro'y pinaglumaan mo

Pangarap lang ba

Pagka't mahirap lang ako

Pwede bang sumali sa inyong laro

Kahit kunwa-kunwaring nag-aaral din ako

Dala ba ng tadhana na tayo'y magkaiba

Sana balang araw maging tulad din kita

Page 35: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

31

Ano ang nararamdaman mo habang inaawit o

binibigkas ninyo ang nilalaman ng “Bata pa Ako”?

Ano sa iyong palagay ang karanasan ng bata sa

inyong inawit o binasa? Nag-aaral kaya siya?

Ano-ano kaya ang mayroon ka ngayon na wala

siya?

Ano kaya ang nagagawa mo ngayon na gusto rin

niyang magawa o maranasan?

Paano bang sumulat, magbasa ng gaya

mo

Bata alam mo ba, na bata rin ako?

Musmos pa rin ako,

Di lang napapansin

Magulang at kapatid,

Nakaasa sa akin

Bata sino ba

Ang nagtuturo't gumagabay sa'yo

May pag-asa pa bang

Maturuan din nya ako

Sa lahat ng inaasam

Isa ang pinakagusto

Na sana'y pagtanda natin

Wala ng batang tulad ko

Mula sa : http://www.elyrics.net/read/j/julia-abueva-lyrics/bata-pa-ako-lyrics.html

Page 36: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

32

Gawain 2

Ano kaya ang mangyayari sa isang bata sa

kaniyang pagtanda kung hindi man lamang siya

makapag-aral sa isang paaralan?

Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita ng

maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral?

Alin naman ang nagpapakita ng maaaring

mangyari sa mga taong hindi nakapag-aral?

Lagyan ng arrow ( ) papunta sa larawan ng

paaralan ang mga larawang nagpapakita ng

maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral.

Tingnan mo ang halimbawa.

Nilagyan ng arrow ang larawan ng guro papunta sa

larawan ng paaralan.

Page 37: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

33

Gawain 3

Sa loob ng kahon, gumuhit ng isang larawan na

nagpapakita ng kahalagahan ng iyong paaralan.

Sa tulong ng guro o magulang o tagapag-alaga,

punan ang patlang na nagpapahayag kung bakit

mahalaga sa iyo ang iyong paaralan.

Mahalaga ang aking paaralan dahil_________

______________________________________________

______________________________________________

Tandaan:

Mahalaga ang paaralan sa buhay

ng batang tulad mo. Sa tulong ng

paaralan,

mapapaunlad mo ang iyong mga angking

kakayahan at mga kaalaman.

Malaki ang pag-asa mong mapaunlad ang

iyong buhay kung pumapasok ka at nag-aaral

nang mabuti sa isang paaralan.

Page 38: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

34

Ang Aking mga Nagawa at Natutuhan

Panuto. Makinig sa babasahin ng guro.

Lagyan ng tsek(√ ) ang angkop na kahon sa iyong

sagot.

Nagamit ko ang mga kasanayang ito:

1. Nasunod ko ang mga panuto.

2. Nagamit ko ang aking mga

kasanayan sa sining.

3. Nagbahagi ako ng aking

kuwento sa aking kamag-aral.

4. Nakinig ako sa kuwento ng

aking guro.

5. Nakinig ako sa kuwento ng

aking kaklase.

6. Nasuri ko ang iba’t ibang

bagay.

7. Nakapaghambing ako ng iba’t

ibang bagay.

8. Natukoy ko ang mga bagay

na nanatili at nagbago sa

aking paaralan.

9. Nakapag-isip ako ng maaaring

mangyari sa isang sitwasyon .

10. Napahalagahan ko ang aking

paaralang kinabibilangan.

Mag-aaral Guro

Page 39: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

35

Nagawa ko ang mga bagay na ito:

1. Nasabi ko ang mga

batayang impormasyon

tungkol sa aking paaralan.

2. Natukoy ko ang iba’t ibang

kasapi ng paaralan.

3. Nakagawa ako ng isang

panayam.

4. Nakaguhit ako ng iba’t ibang

larawan.

5. Nakabuo ako ng timeline.

6. Nakagawa ako ng graphic

organizer.

7. Nakaawit ako ng isang awitin.

8. Nakabigkas ako ng isang tula.

9. Nasuri ko ang isang awit o

tula.

10. Naipagmalaki ko ang aking

paaralan.

Mag-aaral Guro

Page 40: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

36

Naipahahayag ko ang mga ito:

1. Natutuhan ko ang mga batayang

impormasyon tungkol sa aking

paaralan.

2. Natutuhan ko ang mga batayang

impormasyon tungkol sa aking

paaralan.

3. Natutuhan ko na may iba’t ibang

kasapi na bumubuo sa aking

paaralan .

4. Natutuhan ko na may mga bagay

na nanatili at nagbago sa aking

paaralan.

5. Natutuhan ko ang kahalagahan

ng mga alituntuning ipinatutupad

sa aking paaralan.

6. Natutuhan ko ang kahalagahan

ng pagtupad sa mga tungkulin

bilang mag-aaral.

7. Natutuhan kong pahalagahan ang

aking pag-aaral at paaralan.

Komento ng iyong guro

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

__________________________.

Mag-aaral Guro

Page 41: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

37

Yunit 4: AKO AT ANG UGNAYAN NG

AKING PAMILYA AT PAARALAN

Panimula

Mga Layunin:

Matapos ang pag-aaral ng Yunit 4, inaasahang

magagawa mo ang sumusunod:

1. natutukoy ang distansiyang katulad ng malapit

at malayo;

2. naituturo ang direksiyon tulad ng kanan at

kaliwa, likod at harapan, at iba pa;

3. natutukoy ang paraan ng pag-uugnayan at

pagtutulungan ng pamilya at paaralan para sa

kabutihan ng anak/mag-aaral; at

4. napahahalagahan ang ugnayan at

pagtutulungan ng pamilya at paaralan.

Page 42: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

38

Aralin 1: Ang Pisikal na Kapaligiran ng

Aking Tahanan at Paaralan

Panimula

Page 43: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

39

Aralin 1.1: Ang Aking Pag-unawa sa Konsepto

ng Distansiya

Pag-isipan

Ano ang distansiya?

Gawain 1

Bumuo ng pangkat na may tatlong kasapi.

Magtakda ng letra sa bawat kasapi. Halimbawa,

ang unang kasapi ay letrang A, ang ikalawa ay

letrang B at ang ikatlo ay letrang C. Pahawakan

ninyo sa kasapi A ang dalawang taling ibinigay ng

inyong guro. Ang kasapi B at kasapi C naman ang

hahawak sa dulo ng magkabilang tali. Hawak ang

dulo ng tali, sabihan ang kasapi B at kasapi C na

lumayo sa kasapi A hanggang sa maunat ito.

Kasapi A Ano ang napansin mong

pagkakaiba ng

dalawang tali?

Aling tali ang hawak ng

kasaping mas malayo?

Aling tali ang hawak ng

kasaping mas malapit?

Kasapi C

Kasapi B

Ang lapit o layo sa pagitan ng dalawang bagay ay

tumutukoy sa distansiya.

Page 44: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

40

Gawain 2

Tingnan at suriin mo ang mga larawang nasa ibaba.

Kulayan ang larawan na nagpapakita ng

distansiyang malapit.

A. Mula sa pisara, aling bagay ang mas malapit?

B. Mula sa bag, aling bagay ang mas malapit?

Page 45: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

41

C. Mula sa bola, aling bagay ang mas malapit?

D. Mula sa t-shirt, aling bagay ang mas malapit?

Page 46: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

42

Gawain 3

Subukin mong sukatin ang distansiya ng mga bagay

na nakatala sa ibaba. Isulat kung ilang hakbang ang

layo sa pagitan ng dalawang bagay.

Mga bagay

Ilang hakbang

ang layo sa

pagitan

ng

dalawang

bagay?

A. A. pisara at mesa ng

B. iyong guro

C. B. pisara at upuan

D. ng iyong guro

C. pisara at pintuan

E. D. pisara at iyong

F. upuan

Mula sa pisara, alin sa mga gamit ang nagpapakita

ng distansiyang malapit? Alin sa mga gamit ang

nagpapakita ng distansiyang malayo?

Tandaan:

Ang distansiya ay nagpapakita ng

lapit o layo sa pagitan ng dalawang bagay.

Page 47: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

43

Aralin 1.2: Ang Aking Pag-unawa sa

Konsepto ng Direksiyon

Pag-isipan

Nasaan ang iyong kanan, kaliwa, likod, at

harapan?

Gawain 1

Buksan ang iyong

kwaderno sa magkatapat

na malinis na pahina.

Bakatin ang iyong

kaliwang kamay sa unang

pahina at bakatin ang

iyong kanang kamay sa

kabilang pahina.

Gawain 2

Tingnan ang mga

larawan ng iba’t ibang

hayop sa ibaba. Itupi

ng pahalang ang isang

pahina ng iyong

kwaderno kagaya ng

nasa ibaba. Isulat ang

bilang ng mga hayop

na nakaharap sa

kaliwa sa unang hanay. Isulat ang bilang ng mga

hayop na nakaharap sa kanan sa ikalawang hanay.

Page 48: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

44

Gawain 3

Awitin ang kantang “Kumusta ka?” at sundin ang

kilos na gagawin ng iyong guro.

Kumusta ka?

Kumusta ka?

Halina’t magsaya

Pumalakpak, pumalakpak

Ituro ang paa

Padyak sa kanan

Padyak sa kaliwa

Umikot nang umikot

at humanap ng iba

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7. 8

.

Page 49: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

45

Gawain 4

Suriin ang larawan. Ano ang mga bagay na nasa

harapan ng bata? Bilugan ang mga ito. Ano naman

ang bagay na makikita sa kanyang likuran. Ikahon

ang mga bagay na ito.

Page 50: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

46

Gawain 5

Maglaro tayo.

Bumuo ng dalawang pangkat. Bawat pangkat ay

pipili ng kinatawan. Tatakpan ng inyong guro ang

mata ng kinatawan ng inyong pangkat.

Layunin ng laro na makuha ng bawat nakapiring na

kinatawan ng pangkat ang panyo na inilagay ng

inyong guro sa isang bahagi ng inyong silid-aralan.

Ang mga natitirang kasapi ang magbibigay ng

direksiyon---kanan, kaliwa, harap at likod--- upang

mapuntahan ng kinatawan ang kinalalagyan ng

panyo. Ang grupong kinabibilangan ng kinatawan

na pinakamabilis na makakakuha ng panyo ang

siyang panalo.

Tandaan:

May iba’t ibang direksiyon tulad

ng kanan, kaliwa, harapan, at

likod na magagamit sa pagtukoy

ng kinalalagyan ng mga bagay.

Page 51: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

47

Aralin 1.3: Ang Mapa ng Aming Bahay

Pag-isipan

Ano ang mapa?

Gawain 1

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Habang

nakaupo, ilatag ang mga gamit tulad ng isang lapis,

isang aklat, isang pangkulay, at isang pirasong papel

sa mesa o sahig.

Tumayo kayo at pagmasdang mabuti ang mga

bagay na inyong inilatag sa mesa o sahig. Ano ang

inyong nakikita?

Pag-aralan ang kinalalagyan ng bawat bagay.

Subuking ilarawan sa isang papel ang iyong

napagmasdan at napag-aralang kinalalagyan ng

mga bagay habang kayo ay nakatayo. Sa halip na

iguhit ang eksaktong anyo ng mga bagay, gumamit

ng iba’t ibang hugis na kakatawan sa mga ito.

Page 52: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

48

Halimbawa:

Kayo naman sa inyong grupo, ano ang inyong

iginuhit?

Ang inyong iginuhit ay isang halimbawa ng mapa.

Ang mapa ay isang larawang kumakatawan sa

kinalalagyan ng mga bagay o lugar. Ipinakikita nito

ang anyo ng bagay o lugar kung titingnan ito mula

sa itaas.

Idikit ang inyong ginawa sa isang bahagi

ng silid-aralan.

Page 53: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

49

Gawain 2

Balikan ang ipinakitang halimbawa ng mapa sa

Gawain 1. Ipinakita rito ang iba’t ibang bagay tulad

ng papel, lapis, aklat, at pangkulay.

Ang maliit na kahon na nasa kanan ng mapa na

naglalaman ng hugis na kumakatawan sa papel,

lapis, aklat, at pangkulay ay tinatawag na pananda.

Ang pananda ang nagsasabi kung ano ang

kinakatawang bagay o lugar ng bawat hugis o kulay

na ginamit sa mapa.

Balikan ang mapang ginawa ng inyong pangkat.

Subukin ninyong gumawa ng isang pananda ng

inyong ginawang mapa.

Pananda:

aklat

pambura

lapis bag

Page 54: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

50

Gawain 3

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Pag-

aralan ang itsura ng inyong silid-aralan at gumuhit ng

mapa nito. Lagyan ito ng pananda.

Ibahagi sa klase ang ginawa ninyong mapa.

Magkakapareho ba ang ginawa ninyong mapa?

Bakit o bakit hindi?

Page 55: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

51

Gawain 4

Ilarawan mo ang iyong paaralan. Aling bahagi ng

iyong paaralan ang paborito mo? Iguhit mo ito sa

loob ng picture frame na nasa ibaba.

Magpatulong sa guro o magulang upang sagutin

ang mga sumusunod batay sa nagawang mapa:

1. Anu-ano ang mga malalapit sa iyong silid-

aralan?

2. Anu-ano ang mga malalayo sa iyong silid-

aralan?

Page 56: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

52

Gawain 5

Ipinakikita sa ibaba ang mapa ng loob ng isang

bahay.

Ano-ano ang iyong nakikita? Subukin mong

gumawa ng mapa ng loob ng inyong bahay. Tiyakin

na lagyan ito ng pananda.

Page 57: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

53

Gawain 6

Aling bahagi ng inyong tahanan ang paborito mo?

Iguhit mo ito sa loob ng kahon at ipakita ang

sumusunod:

1. ang hugis ng bahagi ng bahay na paborito mo

2. ang pinto o bintana (kung mayroon)

3. mga kagamitang matatagpuan dito

4. iba pang mga detalye

Page 58: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

54

Sa tulong ng iyong guro o magulang o tagapag-

alaga, punan ang patlang sa ibaba.

Paborito ko ang bahaging ito ng aming bahay

dahil__________________________________________.

Magpatulong sa guro o magulang upang sagutin

ang mga sumusunod batay sa nagawang mapa:

1. Ano-ano ang mga bagay ang malapit sa pinto?

2. Ano-ano ang mga bagay ang malayo sa

bintana (kung mayroon)?

3. Ano-ano ang mga bagay ang magkakalapit?

4. Ano-ano ang mga bagay ang magkakalayo?

Tandaan:

Magagamit mo ang mapa sa

paghahanap ng kinalalagyan ng

isang bagay o lugar.

Makikita mo rin dito ang anyo ng bagay o

lugar at kung alin ang mga bagay na

magkakalapit o magkakalayo.

Page 59: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

55

Aralin 1.4: Ang Aking Dinaraanan Mula

Bahay Patungong Paaralan Pag-isipan

Ano- ano ang iyong nakikita mula sa

inyong bahay patungong paaralan?

Gawain 1

Sa loob ng bintana sa ibaba, iguhit ang iyong mga

nakikita sa paligid ng inyong tahanan. Gawing

makulay ang iyong gawain.

Page 60: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

56

Gawain 2

Malayo ba ang inyong bahay sa iyong paaralan?

Paano ka nakakarating sa iyong paaralan?

Kulayan ang mga larawang tumutukoy sa mga

paraan upang makarating ka sa iyong paaralan.

Page 61: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

57

Gawain 3

Ano-ano ang nakikita mo sa daan patungo sa iyong

paaralan?

Kulayan ang mga larawang nakikita mo sa iyong

dinaraanan tuwing pumupunta ka o pauwi mula sa

paaralan.

Pamilihan

Mga puno Palaisdaan

Simbahan

Sementeryo

Ospital

Page 62: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

58

Ibang paaralan Mga gusali

Bundok Ilog

Istasyon ng Bumbero Istasyon ng Pulis

Mga bahay

Page 63: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

59

Gawain 4

Pagmasdan mo ang mapa na nagpapakita ng

lokasyon ng bahay ni Mimi at ng kaniyang paaralan.

Ano-ano ang nadaraanan niya papunta sa

kaniyang paaralan?

Pananda:

Bahay ni Mimi

Bahay ng mga

kaklase ni Mimi

Simbahan

Puno

Page 64: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

60

Gawain 5

Gumawa ng mapa sa loob ng kahon na

nagpapakita ng lokasyon ng inyong bahay at

paaralan. Tiyaking maiguhit din ang mga nakikita sa

dinaraanan mo papunta sa paaralan. Maglagay ng

pananda. Gawing makulay ang iyong gawain.

Page 65: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

61

Tingnan ang ginawa mong mapa. Magpatulong sa

magulang o guro at sagutin ang mga sumusunod:

Saan matatagpuan ang iyong paaralan, sa kaliwa o

kanan ng inyong bahay?

Ano ang nasa harap at likuran ng iyong paaralan?

Malayo ba ang iyong bahay sa iyong paaralan?

Bakit mo nasabi ito?

Madali bang puntahan ang iyong paaralan?

Tandaan:

Nakatutulong ang mapa upang

malaman mo ang daan patungo

sa iyong mga

pinupuntahan. May iba’t ibang paraan ng

pagpunta mula sa isang lugar patungo sa iba

pang lokasyon.

Page 66: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

62

Aralin 2: Ang Pag-uugnayan at

Pagtutulungan ng Aking Pamilya at

Paaralan

Panimula

Page 67: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

63

Aralin 2.1: Ang Ugnayan ng Aking Pamilya

at Paaralan

Pag-isipan

Bakit mahalagang magkaroon ng

ugnayan ang aking pamilya at

paaralan?

Gawain 1

Pagmasdan ang dalawang larawan ng isang

paaralan sa ibaba. Aling paaralan ang nais mong

pasukan? Ipaliwanag sa iyong mga kaklase ang

iyong sagot.

Page 68: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

64

Gawain 2

Basahin ang sumusunod na sitwasyon at piliin ang

maaring mangyari. Isulat ang napiling pangungusap

sa iyong kwaderno.

1. Sa aming paaralan, bago mag-umpisa ang

klase…

a. Ang paligid ng aming paaralan ay malinis.

b. Ang paligid ng aming paaralan ay marumi.

Page 69: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

65

2. Nagpupulong ang mga mag-aaral upang

mapanatiling malinis ang paaralan.

a. Alam ng mga mag-aaral ang tamang

pagtapon ng basura.

b. Ang mga mag-aaral ay nagtatapon ng

basura kahit saan.

3. Naglalaro ang mga mag-aaral sa mga

halamanan ng paaralan.

a. Wala nang makikitang halamanan ang

paaralan.

b. Namumulaklak at malulusog ang mga

halaman sa halamanan ng paaralan.

Oo, para

mabawasan ang

kalat sa paaralan.

Mainam kung

magkaroon tayo ng

basurahan para sa

iba’t ibang uri ng

basura.

Page 70: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

66

Gawain 3

Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang

pagpapanatili ng kalinisan ng paaralan?

Alin ang mga larawan na ginagawa ng kasapi ng

paaralan na nagpapakita ng pagpapanatili ng

kalinisan ng kapaligiran? Tukuyin ang mga ito at

sabihin sa mga kaklase.

Page 71: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

67

Gawain 4

Pag-usapan ang mga pagkakataon na nagkaroon

ng sama-samang gawain ang mga kasapi ng iyong

paaralan sa pagpapanatili ng kalinisan sa inyong

kapaligiran. Paano ito nakapagpapaganda ng

inyong kapaligiran?

Tandaan:

Maraming paraan ng pagpapanatili

ng kalinisan ng paaralan. Mahalaga

ang mga gawaing tumutulong sa

pagpapanatili ng kalinisan ng bawat

isang mag-aaral.

Page 72: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

68

Aralin 2.2: Ang Aking Pagpapahalaga sa

Mabuting Ugnayan ng Aking Pamilya at

Paaralan

Pag-isipan

Paano mo maipakikita ang iyong

pagpapahalaga sa mabuting ugnayan

ng iyong pamilya at paaralan?

Gawain 1

Suriin ang iba’t ibang sitwasyon sa ibaba at iguhit

ang iyong pakiramdam sa bawat pangyayari. Isulat

ang iyong sagot sa iyong kwaderno o isang papel.

1. 2.

3. 4.

Page 73: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

69

Gawain 2

Pagmasdan at suriin ang mga larawan sa loob ng

kahon. Iguhit sa pinakahuling kahon ang maaaring

mangyari sa bawat sitwasyon.

1.

2.

3.

Page 74: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

70

Gawain 3

Bilang isang mag-aaral, magsulat ng tatlong maaari

mong gawin upang mapabuti pa ang ugnayan ng

iyong pamilya at paaralan?

1._________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

2._________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

3._________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

Tandaan:

Nakatutulong sa iyo ang

mabuting ugnayan ng iyong

pamilya at paaralan.

Mahalagang gampanan mo ang iyong

bahagi sa pagpapatatag at pagpapabuti

ng ugnayang ito.

Page 75: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

71

Ang Aking mga Nagawa at Natutuhan

Panuto. Makinig sa babasahin ng guro.

Lagyan ng tsek(√ ) ang angkop na kahon sa iyong

sagot.

Nagamit ko ang mga kasanayang ito:

1. Nasunod ko ang mga panuto.

2. Nagamit ko ang aking mga

kasanayan sa sining.

3. Nakapaghambing ako ng iba’t

ibang bagay.

4. Nagbahagi ako ng aking

kuwento sa aking kamag-aral.

5. Tumulong ako sa pangkatang

gawain.

6. Nakinig ako sa kuwento ng aking

guro.

7. Nakinig ako sa kuwento ng aking

kamag-aral.

8. Nasuri ko ang iba’t ibang bagay

9. Nakapag-isip ako ng maaaring

sumunod na mangyayari sa isang

sitwasyon.

Mag-aaral Guro

Page 76: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

72

Nagawa ko ang mga bagay na ito:

1. Naikumpara ko ang distansiyang

malayo at malapit.

2. Natukoy ko ang direksiyong

kaliwa, kanan, harap at likod.

3. Nakaguhit ako ng iba’t ibang

larawan.

4. Nakagawa ako ng mapa.

5. Naitala ko ang mga dahilan ng

ugnayan ng pamilya at paaralan.

10. Napahalagahan ko ang

ugnayan ng aking pamilya at

paaralan.

11. Nasabi ko ang iba’t ibang

pagkakataon na nagkaroon ng

ugnayan ang aking pamilya at

paaralan.

12. Natukoy ko ang iba’t ibang

gawaing nagtutulungan ang

aking pamilya at paaralan.

Mag-aaral Guro

Mag-aaral Guro

Page 77: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

73

Naipahahayag ko ang mga ito:

1. Natutuhan ko ang batayang

konsepto ng distansiya at direksiyon.

2. Natutuhan ko ang batayang

konsepto ng distansiya at direksiyon.

3. Natutuhan ko ang iba’t ibang

gawaing nagkakaroon ng ugnayan

ang aking pamilya at paaralan.

4. Natutuhan ko ang bahaging dapat

kong gampanan upang mapatatag

ang mabuting ugnayan g aking

pamilya at paaralan.

5. Natutuhan kong pahalagahan ang

mabuting ugnayan ng aking pamilya

at paaralan.

Komento ng iyong guro:

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________.

Mag-aaral Guro

Page 78: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)

ISBN: ___________

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o

tumawag sa:

DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum

Development Division

2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA)

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347

E-mail Address: [email protected],

[email protected]