42

K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Learning materials / modules in MUSIC Grade 1 Quarter 3 and 4

Citation preview

Page 1: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
Page 2: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

iv

TALAAN NG MGA NILALAMAN

(Quarters 3 & 4)

MUSIKA

YUNIT 3:

Modyul 9: Ritmo................................ 1

Gawain 1: Twinkle, Twinkle Little Star……….… 1

Gawain 2: Gawin ang 4-time Meter…………… 3

Gawain 3: Halina’t Maglakbay sa 3-time

Meter at 4-time Meter………………………… 3

Modyul 10: Anyo ………………….…………….…. 6

Gawain 1: Daloy ng Phrase………………..… 6

Gawain 2: Magkatulad at Magkaiba……… 7

Gawain 3: Are You Sleeping…………………… 8

Gawain 4: Isang Hamon sa Kalesa……………. 9

Modyul 11: Himig…………………….. 11

Gawain 1: Ang Una Kong Komposisyon…….… 12

Gawain 2: Talbog Pataas………………..…….. 13

Gawain 3: Ang Paglalakbay sa Buwan……… 14

Gawain 4: Pagguhit ng Mataas at Mababang

Tunog………………………………………….... 17

Modyul 12: Balik-aral ng Ikatlong Kuwarter……. 19

Gawain 1: …………………………………..…… 20

Gawain 2: …………………………………..….... 21

Gawain 3: ……………………………………….. 22

Gawain 4: ……………………………………..….... 23

Page 3: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

v

YUNIT 4:

Modyul 13: Himig …….……………………..………. 25

Gawain 1: Mataas at Mababang Puzzle…… 26

Gawain 2: Rocky Mountain High……………... 27

Gawain 3: Mataas, Mababa ……………….… 28

Modyul 14: Telstura o Texture …………………….. 30

Gawain 1: Pakikinig at Pagsasaya.................. 31

Gawain 2: Haomn sa Pakikinig………………… 33

Modyul 15: Balik-aral sa mga Elemento…… 35

Gawain 1: Isang Malaki at Masayang Pamilya.. 35

Gawain 2: Balik-aral sa mga Elemento ……….. 36

Modyul 16: Ebalwasyon …………………………. 37

Gawain 1: Magdaraos Kami ng Isang

Konsiyerto……………………………………. 37

Gawain 2: Ebalwasyon ng Gawain…………… 38

Gawain 3: Ebalwasyon ng Sarili sa Ikaapat na

Kuwarter ………………………………………….. 39

Page 4: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

1

Musika 1 - Modyul 9: Ritmo

I. Awit / Ritmo

a. “Twinkle, Twinkle Little Star”- Awiting Pambata

b. “Pan de Sal” (translation of “Hot Cross Buns”) ni

D. De Vera)- Awiting Pambata

c. “Pong Pong Piyangaw”- Awiting Pambata ni

Miriam Factora

II. Mga Gawain

Twinkle, Twinkle Little Star

Panuto: Narito ang mga kumpas ng awiting

“Twinkle, Twinkle Little Star”. Gumuhit ng sa

ilalim ng MALAKAS na kumpas. Tingnan ang

halimbawa.

I I I I I I I I

I I I I I I I I

I I I I I I I I

Sukat

Gawain 1

Page 5: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

2

I I I I I I I I

I I I I I I I I

I I I I I I I I Pagkatapos mong lagyan ng bituin ang

malakas na kumpas ng awit, gumuhit ng bar lines

sa unahan ng bawat malakas na kumpas upang

makagawa ng bars. Bilangin kung ilang kumpas

ang nasa bawat bar. Isulat ang sukat sa linya na

nasa unahan ng awit.

Tandaan: Dalawang bar lines ang inilalagay sa

katapusan ng awit. Ito ay tinatawag na Double

Bar Ipinakikita nito na tapos na ang awit.

Gumuhit ng double bar sa huling kumpas ng awit

na “Twinkle, Twinkle Little Star.”

Ano ang meter ng awit?

Ang awit ay nasa_________ time meter.

Page 6: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

3

4

Gawin ang 4-time Meter

Panuto: Pumili ng kilos na aangkop sa malakas na

kumpas at mahinang kumpas ng awiting “Twinkle,

Twinkle Little Star”. Muling awitin ito habang

ipinakikita ang kilos na napili mo para sa malakas

at mahina na kumpas. Maaari mong gawing

batayan ang iyong sagot sa Gawain 1.

Halina’t Maglakbay sa 3-Time Meter at

4-Time Meter!

Panuto: Ito ay mga halimbawa ng bars na nasa 4-

time meter at 3-time meter. Kung matatandaan sa

nakaraang kuwarter, ang malakas na kumpas ay

ang laging unang kumpas sa bar. Lagyan nang

tamang bilang ang bawat kumpas. Tingnan ang

halimbawa.

I I I I I I I I

1 2 3 4

Gawain 2

Gawain 3

Page 7: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

4

I I I I I I I I I

Pumili ng mga tunog gamit ang katawan o

pagkilos para sa malakas at mahinang kumpas.

Ipakita ang pagkilos na naaayon sa 3-time meter

at 4-time meter habang inaawit ang mga awiting

natutuhan sa ikalawang kuwarter.

III. Pagtatasa

Ipakita kung gaano mo natutuhan ang mga

aralin sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek

( ) sa kahon.

Kasanayan

Kayang

Gawin

Hindi

pa

kaya

1. Nakaririnig at nakasusunod sa

kumpas

2. Nakasusunod sa mga kumpas

na malakas at mahina

3. Nakasusunod sa kumpas nang

may pagkilos

4. Nakakikilala ng palakumpasan

ng isang kilalang awit

1 2 3 3

Page 8: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

5

5. Nakakikilos nang wasto ayon sa

tiyempo sa mga awiting nasa 2

meter, 3 meter, at 4 meter time.

IV. Pagbubuo

Natutuhan natin sa modyul na ito na ang mga

kumpas ay maaaring pangkatin ng apatan (4-

time meter).

Upang makilala ang kumpas ng isang awit,

kailangang bilangin ang _______ na

matatagpuan sa bawat bar.

Magbigay ng isang halimbawa ng awiting

pambata o kaya’y isang katutubong awit na

nasa 4-time meter.

Pamagat:

______________________________________________

Page 9: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

6

Musika 1 - Modyul 10 : Anyo

I. Laro/ Mga Tugma

a. “Aso, aso” - Awiting Pambata ni K. Forrai

b. “Pan de Sal” (salin ng “Hot Cross Buns” ni D. De Vera)

c. “Are You Sleeping” - Awiting Pambata

d. “Kalesa” - Awit ni E. Cuenco

II. Mga Gawain

Ang musika ay binubuo ng maliliit na bahagi na

tinatawag na Phrases. Awitin ang mga Phrase ng

isang awit upang malaman kung ang mga ito ay

magkakatulad o magkakaiba.

Daloy ng Phrase

Panuto: Awitin ang “Aso, aso” at sundan ang kilos

ng braso ng guro habang ipinakikita ang simula at

katapusan ng isang phrase. Gumuhit ng linyang

pahilis (/) sa dulo ng huling salita ng bawat phrase

upang ipakita na tapos na ito. Tingnan ang

halimbawa.

Gawain 1

Page 10: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

7

“Aso, Aso”

(Doggie, Doggie)

(Awit na Pambata ni K. Forrai)

Aso, aso nasaan ang iyong buto? May

kumuha nito. (Doggie, doggie where’s your bone?) (Someone has it in

her/his home.)

Sino ang kumuha? Nasa akin ang buto. (Who has the bone?) (I have the bone.)

Ilang phrase ang makikita sa awit? Ito ay may

________ na phrase.

Muling kantahin ang awit habang iginagalaw

ang braso mula kaliwa pakanan tulad ng

pagguhit ng bahaghari upang maipakita kung

saan nagsisimula at nagtatapos ang iba’t ibang

phrase.

Magkatulad at Magkaiba

Panuto: Narito ang mga salita sa awiting “Pan de

Sal”. Gamit ang iba’t ibang hugis sa ibaba, kilalanin

ang mga phrase na may mga katulad at

magkaibang tono. Iguhit sa ibabaw ng linya ang

wastong hugis para rito. Maaaring gamitin ang

at . Tingnan ang halimbawa.

Gawain 2

Page 11: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

8

Pan de Sal

_________ Pan de Sal

_________ ’Tig Singkwenta,tig mamiso

_________ Pan de Sal

Matapos iwasto ang gawain, pakinggang muli

ang awit ng guro. Pumalakpak kapag narinig ang

bahaging may . Kung marinig naman ang

bahaging may , tapikin ang inyong balikat.

Are You Sleeping?

Panuto: Narito ang awiting “Are You Sleeping?”

Alamin kung aling phrase ang magkakatulad at

magkakaiba. Markahan ng , , o

kaya’y .

____ Are you sleeping,

____ Are you sleeping?

____ Brother John?

____ Brother John?

____ Morning bells are ringing,

____ Morning bells are ringing,

____ Ding ding dong,

____ Ding ding dong

Gawain 3

Page 12: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

9

Isang Hamon sa Kalesa

Panuto: Pakinggang mabuti ang awiting “Kalesa”.

Magmartsa sa sariling lugar kasabay ng kumpas

kapag sinimulan ang pag-awit. Sa tuwing

magbabago ang bahagi ng awit, ibahin din ang

pagkilos upang maipakita ang panibagong

bahagi ng awit.

Ang mga bahagi ng awit ay maaaring ulitin.

Dapat tandaan ang mga kilos na ginawa sa una

at ikalawang bahagi. Kapag narinig na naulit ang

isang bahagi, baguhin ang pagkilos ayon sa

naunang ginawa.

Tandaan: Maging handa!

III. Pagtatasa

Ipakita kung gaano mo natutuhan ang aralin sa

pamamagitan ng paglalagay ng tsek () sa

kahon. Gawin ito sa inyong kuwaderno.

Kasanayan Kayang

Gawin

Hindi

pa

kaya

1. Nakaririnig at nakakikilala ng

isang karaniwang tono.

Gawain 4

Page 13: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

10

2. Nakasusunod sa

magkakatulad at

magkakaibang hugis tulad ng

tatsulok o bilog upang

maipakita ang anyo o form ng

isang awit.

3. Nakikilala kung kalian

nababago ang tono ng awit

4. Nakasusunod sa phrase ng

isang awit sa pamamagitan

ng paggalaw ng braso.

IV. Pagbubuo

Ang musika ay binubuo ng maliliit na bahagi na

tinatawag na phrase. Ang mga phrase na ito ay

maaaring magkakatulad o magkakaiba

habang tumutugtog ang isang awitin.

Kapag ang pagkakatulad at pagkakaiba ng

mga phrase ay namarkahan na gamit ang iba’t

ibang hugis, tinatawag ang mga itong form ng

isang awit. Ibig sabihin, ang form ng awiting

“Pan de Sal” ay .

Ano ang form ng awiting, “Are You Sleeping”?

______________________________

Ano ang tawag sa maliliit na bahagi na

bumubuo sa isang awit?

_____________________________

Page 14: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

11

Musika 1 - Modyul 11: Himig

Buuin ang pangungusap:

Upang makilala ang anyo o form ng isang awit,

kailangang itong pakinggang mabuti at lagyan

ng tanda ang _______________ at

_______________ ng phrase na matatagpuan sa

awit.

I. Awit/ Tugma

a. “Talbog Pataas” (Bounce High)- Awiting

Pambata

b. “Duyan” (See Saw)- Awiting Pambata

c. “Piko Piko Angking” - awit ni Miriam Factora

d. “Ang Paglalakbay sa Buwan” (The Journey to

the Moon)- kuwento ni C. Mirandilla

II. Mga Gawain

Gumagamit ang musika ng iba’t ibang

kombinasyon ng mga tunog. Tingnan natin ang

linya sa ibaba.

Aa

h

Page 15: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

12

Pumili ng isang pantig at panimulang pitch na

susundan ng iyong tinig. Sa simula, maaari mong

gamitin ang ibinigay na pantig. Sundan ang mga

linya habang itinuturo ito ng guro. Gumamit ng

ibang pantig at sikaping may pagtaas at

pagbaba ng linya na maririnig din sa iyong tinig.

Ang Una Kong Komposisyon

Panuto: Gumawa ng sariling linya ng komposisyon

at pumili ng isang pantig na nais mong gamitin

para rito.

___________

(pantig)

Subukan ang una mong komposisyon at

pakinggan ang tunog nito. Pakinggan din ang

komposisyon ng iyong kamag-aral at

pagsamahin ninyo ang inyong ginawa.

Bilugan ang bahaging mataas at mababa

ng iyong komposisyon. Isulat kung ang bahagi

ay mataas o mababa.

Gawain 1

Page 16: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

13

“Talbog Pataas”

(Bounce High, Bounce Low)

Panuto:

1. Muling awitin ang “Talbog Pataas, Talbog

Pababa” at magkunwaring nagpapatalbog ng

bola pataas kapag ang awit ay may mataas na

tunog at pababa naman kung ito ay may

mababang tunog.

“Talbog Pataas, Talbog Pababa”

(Bounce High)

Talbog pataas, talbog pababa

(Bounce high, Bounce low)

Ipasa ang bola kay Rita!

(Bounce the ball to Rita!)

2. Humarap sa kamag-aral at pumalakpak kapag

narinig ang malakas na kumpas.

3. Kapag umawit ka ng may mataas na tunog, itaas

ang iyong kamay at ipalakpak ito.

4. Kung mababa naman ang tunog, ilagay ang

kamay sa may beywang at ipalakpak ito.

Gawain 2

Page 17: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

14

Ang Paglalakbay sa Buwan

(The Journey to the Moon)

Panuto: Ito ay kuwento ng isang batang babaeng

si Issa at ang kanyang kapatid na lalaking si

Gabby na naglakbay sa buwan upang humanap

ng lunas sa sakit ng kanilang nanay. Ito ay isang

natatanging kuwento sapagkat ang bawat

tauhan at pangyayari ay may sariling tunog.

Subukin nating alamin ang tunog ng bawat

tauhan at pangyayari sa kuwento.

Gabby Sa itaas ng mga

puno/langit at

bituin

Issa

Sa ibaba ng

mga bituin/langit

at puno

Nanay Sa ibabaw ng

bundok

Manggamot Sa ibaba ng

lambak

Si Bahin

Gawain 3

Page 18: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

15

Pakinggan natin ang kuwento. Tandaang dapat

gawin ang mga tunog na nakalaan sa bawat

tauhan at pangyayari sa kuwento. Hintayin ang

hudyat ng guro bago magbigay ng angkop na

tunog.

“Ang Paglalakbay sa Buwan”

(The Journey To the Moon)

ni C.Mirandilla

Noong unang panahon, may isang

mabait na batang ang pangalan ay Issa. May

kapatid siyang batang lalaki na Gabby ang

pangalan. Nakatira sila sa isang kubo kasama

ang kanilang tatay at nanay. Isang araw,

nagkasakit ang kanilang nanay. Nagsimula ito

sa pagbahin, at pagbahin at pagbahin.

Dahil sa mahirap humanap ng gamot sa

kanilang lugar, pinaalalahanan ng mga tao sina

Issa at Gabby na humanap ng manggagamot

na makapagpapagaling sa kanilang nanay.

Subalit, ang manggagamot na ito ay sinasabing

nakatira sa buwan.

Nang marinig ito nina Issa at Gabby,

agad silang naglakbay papunta sa buwan.

Umaasa sila na mabibigyan sila ng

manggagamot ng lunas para sa kanilang

nanay.

Umakyat sina Issa at Gabby sa itaas ng

mga puno.

Page 19: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

16

Umakyat din sila sa ibabaw ng mga

bundok.

Umakyat sila sa langit.

Umakyat din sila sa mga bituin.

At sa wakas, narating din nila ang buwan

kung saan nakatira ang manggagamot.

Sa una, ayaw ng manggagamot sa

kanyang mga panauhin ngunit nang

maipaliwanag nina Issa at Gabby ang kanilang

problema at ang layo ng kanilang nilakbay,

unti-unti nang ngumiti ang manggagamot at

naging mabait na sa kanila. Humanga kina Issa

at Gabby ang manggagamot dahil sa kanilang

pagmamahal sa kanilang nanay. Agad na

ibinigay ng manggagamot ang kailangan nina

Issa at Gabby.

Nang matanggap nila ang gamot ay dali-dali

na silang nagpasalamat sa manggagamot at

agad na umalis pabalik sa kanilang nanay.

Patakbo silang bumaba sa mga bituin.

Patakbo rin silang bumaba sa langit.

Patakbo silang bumaba sa mga bundok

at sa mga puno hanggang sa marating nila ang

kanilang tahanan.

Pinainom kaagad nina Issa at Gabby ng

gamot ang kanilang nanay. Nawalang bigla

ang bahin ng kanilang nanay. Niyakap ng

nanay sina Issa at Gabby dahil sa napawi ng

gamot ang kanyang pagbahin, pagbahin at

pagbahin.

Page 20: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

17

Sa musika, gumagamit ang mga musikero ng

simbolo na tinatawag nilang nota o NOTES

upang maipakita ang mataas at mababang

tunog. Ang mga notang ito ay nakalagay sa

pangkat ng linya na tinatawag na STAFF upang

maipakita kung ang nota ay mataas o

mababa.

Bago mo iguhit ang mga nota ng awiting

“Duyan” (See-Saw) sa STAFF, awitin muli natin at

pakinggang mabuti ang tunog nito. Kung sa iyong

palagay ay mataas ang tunog ng pag-awit,

hawakan mo ng dalawang kamay ang iyong ulo.

Kung mababa naman ang tunog ng iyong

inaawit, hawakan mo ang iyong balikat.

Pagguhit ng Mataas at Mababang Tunog

Panuto: Ito ay mga halimbawa ng 2-line staff na

nagpapakita ng unang phrase ng awiting “See-

Saw.” Buuin ang awit sa pamamagitan ng

paglalagay ng nota sa 2-line staff. Tingnan ang

halimbawa.

LINYA 1

LINYA 2

See – saw up and down.

LINYA 1

Gawain 4

Page 21: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

18

LINYA 2

In the sky and on the ground.

Ilang linyang mataas mayroon sa awiting “See-

Saw?”__________

Ilang mababang linya mayroon sa awiting “See-

Saw?”__________

III. Pagtatasa

Ipakita kung gaano ka kahusay sa mga

gawain sa modyul na ito sa pamamagitan ng

paglalagay ng tsek ( ) sa kahon.

Kasanayan Kayang

Gawin

Hindi

pa

kaya

1. Nakapagtutugma ng tonong

ibinigay ng guro.

2. Nakasusunod sa mataas at

mababang tunog gamit ang voice

picture cards

Kasanayan Kayang

Gawin

Hindi

pa

kaya

3. Nakakikilala ng pagkakaiba ng

mataas sa mababang tunog

4. Nakaaawit nang mataas at

mababang tunog sa 2-line staff

5. Nakaaawit ng isang maganda at

kawili-wiling tunog

Page 22: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

19

Musika 1 - Modyul 12: Balik-aral ng Ikatlong

Kuwarter

IV. Pagbubuo

Natutuhan sa modyul na ito na ang musika ay

binubuo ng mataas at mababang tunog. Ang

mga tunog na ito ay kinakatawan ng mga

simbolo na tinatawag na NOTES ng mga

musikero. Isinusulat ng mga musikero ang NOTES

sa pangkat ng linya na kung tawagin ay STAFF.

Sa pamamagitan nito, naipakikita nila kung ang

tunog na nais nilang iparinig ay malakas o

mahinang tunog.

Gamit ang 2-line staff, sa aling linya mo

iginuhit ang mataas na tono? ang

mababang tono?

Nasiyahan ka ba sa mga gawain sa modyul

na ito?

Kung papipiliin ka sa mga gawain, alin ang nais

mong gawin at bakit?

I. Awit/ Tugma

“Piko-Piko Angking”

a. “Are You Sleeping?”

b. Pagtataya at Talaan ng Pagkatuto sa

Musika

Page 23: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

20

II. Mga Gawain

Alam mo ba ang larong “Sawsaw Suka?”

Kumuha ng kapareha at laruin ito.

Ang susunod na awit ay isang maikling laro

mula sa Maguindanao, isang lalawigan sa

Mindanao. Ang katumbas nito ay ang ating

“Sawsaw Suka. Pag-aralan natin at alamin ang

anyo o form ng awit na ito.

Piko-Piko Angking

Piko-piko angking.

Salageta angking.

Di kalubayan na tapsing.

Guiam - ban, bo-te-te!

Panuto: Ang maikli at mahabang mga linya sa

ibaba ay kumakatawan sa maikli at mahabang

tunog sa awit na “Piko-Piko Angking”. Pag-aralan

ang mahaba at maikling tunog na matatagpuan sa

bawat phrase ng awit na ito, gumuhit ng mga hugis

sa patlang na nagpapakita ng mahaba at maiikling

tunog. Makatatanggap ng gantimpala ang

sinumang makapagbibigay ng anyo o form ng awit

sa hulihan nito.

Gawain 1

Page 24: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

21

________

hugis

Pi - ko, pi - ko ang - king

_______

hugis Sa - la - ge - ta ang - king.

_______

hugis Di ka - lu - ba - yan na tap –sing.

______

hugis Guiam - ban bo - te - te

GANTIMPALA: Ano ang anyo o form ng buong

awit?

______ ______ ______ ______

Panuto: Ilagay ang nawawalang mataas at

mababang tunog ng “Piko-Piko Angking” gamit ang

mga hugis para sa mahaba at maikling tunog na

ginawa sa unang gawain. Gawin sa inyong

kuwaderno. Tingnan ang halimbawa.

Pi - ko, pi - ko ang - king

Gawain 2

Page 25: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

22

? ?

Sa - la - ge - ta ang - king.

? ?

Di ka - lu - ba - yan na tap - sing.

? X X X

Guiam - ban bo - te - te!

Paalala: Ang huling 3 Xs ay nangangahulugan

na ang mga tunog nito’y pabigkas at hindi

paawit. Ibig sabihin, walang mataas at

mababang tunog dito.

Panuto: Sundin ang mga panuto.

Magpangkat-pangkat kayo na tig-10.

Pumili ng isang awit mula sa listahan:

Are You Sleeping?

Piko-Piko Angking

Pan de Sal

Twinkle, Twinkle Little Star

Maghanda ng isang awitin na magpapakita ng

lahat ng iyong natutuhan sa Pangatlong

Kuwarter tulad ng:

Gawain 3

Page 26: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

23

Pagkilala at pagpapakita ng pagkakatulad

at pagkakaiba ng iba’t ibang bahagi ng

isang awit sa pamamagitan ng kilos

Pag-awit ng pitch ng isang awit

Pagkilala sa mataas at mababang tunog

Pagpapakita ng mataas at mababang tunog

sa pamamagitan ng pagkilos ng katawan o

galaw ng kamay

Ito ay isang panapos na gawain para sa

Ikatlong Kuwarter.

Pagtataya

Pagtataya Nakita

May

Ipinakitang

Pag-unlad

1. Ang anyo o form ng isang

awit ay wastong naipakita

sa pamamagitan ng

pagkilos ng katawan.

2. Ang himig o melody ay

malinaw at nasa tamang

pitch sa simula hanggang

sa katapusan ng awit.

3. Ang galaw na ginawa ng

pangkat ay malinaw na

nakapagpakita ng bawat

bahagi ng anyo o form, at

ng bahaging mataas at

mababang tunog ng

napiling awit.

Gawain 4

Page 27: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

24

Pansariling Pagtataya

sa Ikatlong Kuwarter

Panuto: Gumuhit ng sa kahon upang ipakita

kung gaano mo natutuhan ang mga aralin sa

kuwarter na ito. Gawin sa inyong kuwaderno.

Pansariling Pagtataya Kayang

Gawin

Halos

Nagaga

wa

Mga kasanayang pangmusika:

1. Nakakikilala ng magkatulad at

magkaibang himig o melody

sa pamamagitan ng

paggamit ng mga hugis.

2. Nakakikilala at

nakapagpapakita ng pagtaas

at pagbaba ng himig sa

pamamagitan ng pagguhit ng

melodic contours sa hangin.

3. Nakagagawa ng kilos na

nagpapakita ng mga bahagi

o phrase ng isang awit na

napakinggan.

4. Nakagagamit ng boses o tinig

upang maipakita ang iba’t

ibang direksyon ng isang

himig.

5. Nakapakikinig at nakasusunod

sa mga panuto at tuntunin,

wastong pagsisikap, pakikiisa,

paggalang, at

pagkamamamayan.

Page 28: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

25

Musika 1 - Modyul 13: HImig

I. Awit / Tugma

a. “BitinBItin 2” – Philipppine Children’s Songs,

Spoken Rhymes and Games for Teaching by

MiriamFactora

b. “Si Nanay at si Tatay” – Creative Music

Teaching at the Elementary Level by Miriam

Factora

c. “Rocky Mountain” – Southern Folk Song

II. Mga Gawain

Pag-aralan natin ang isa pang laro ng ating

mga kapatid mula sa lalawigan ng Sagada.

Hanapin ang lokasyon ng Sagada sa mapa ng

Pilipinas (Mountain Province) at ang kanilang

ikinabubuhay(Pagsasaka at Paghahabi).

Banggitin na ang Sagada ay nasa rehiyong

kinaroroonan ng tanyag na Banaue Rice Terraces

(a UNESCO World Heritage Site).

BitinBitin 2 Sagada, Mountain Province

Bitinbitin,

Si kawali’tsikapat

Binting ken salaumat

Silat!

Page 29: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

26

Bi - tin, bi -tin

Si ka - wa -li’tsika - pat

Bin – ting ken sa - la u - mat. Si - lat!

Panuto: Ang nasa ibaba ay ilang MATAAS at

MABABANG tunog ng awit na “BitinBitin”.

Kumpletuhin ang mga parirala sa pamamagitan

ng paglalagay ng nawawalang nota.

Mula sa mga bundok ng Sagada, maglalakbay

naman tayo sa mga bundok ng United States of

America. Narito ang isang tanyag na awiting-

bayan na tungkol sa kanilang mga bundok mula

sa ating mga kapatid na Amerikano.

Gawain 1: Mataas at Mababang Puzzle

x x

Page 30: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

27

Rocky Mountain

AdaptedChildren’s Song

Rocky Mountain, Rocky Mountain,

Rocky Mountain high.

When you’re on that rocky mountain,

Look up to the sky.

Do, do, do, do, do remember me.

Do, do, do, do, do remember me.

Panuto: Gumuhit ng isang larawan ng galaw ng

melody kasabay ng lyrics ng awit na “Rocky

Mountain”.

Ipinakikita sa ibaba ang halimbawa.

Gawain 2: Rocky Mountain High

Rocky mountain

Rocky mountain high

When you’re on that

Look up to the sky.

Page 31: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

28

A.

B.

C.

Panuto: Sa ibaba ay nga halimbawa ng pattern

na MATAAS at MABABA. Makinig sa guro habang

inaawit ang bawat pattern. Isulat ang letra ng

pattern na inyong narinig sa patlang. Gawin ito

sa inyong kuwaderno.

1.___

2.___

3.___

Gawain 3: Mataas, Mababa

Page 32: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

29

E.

D.

4.___

5.___

III. Pagtataya:

Ipakita kung kaya mo nang kilalanin at awitin

ang MATAAS at MABABANG tunog ng awit sa

pamamagitan ng pagkukulay sa bituin ng DILAW-

para sa PINAKAMAHUSAY, PULA – para sa mas

mahusay at BERDE – para sa Makakaya na. Gawin

sa kuwaderno.

1. Awitin ang pitch ng buong awit.

2. Iangkop ang pitch ng isang melodic phrase na

narinig.

3. Pakinggan at sabihin kung pataas o pababa

ang melody.

4. Hanapin ang MAHABA at MAIKSING TUNOG sa

awit nang hindi nagpapatulong sa guro.

IV. Sintesis

Sa modyul na ito, natutuhan nating gumawa,

lumikha, at tumugon sa MATAAS at MABABANG

tunog ng isang MELODY.

Page 33: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

30

Ano ang magiging tunog ng isang awit kung

sa buong awit ay MATATAAS na tunog

lamang ang ginagamit nito?

Ano ang magiging tunog ng isang awit kung

sa buong awit ay MABABABANG tunog

lamang ang ginagamit?

Kumpletuhin ang pangungusap:

Mahalagang pagsamahin ang MATAAS at

MABABANG tunog sa isang awit sapagkat

__________________________________________

__________________________________________ .

I. Awit/ Tugma

a.“Are You Sleeping Brother John?” - Nursery

Rhyme

b. “Row, Row, Row Your Boat”- Nursery Rhyme

II. Mga Gawain

Ang thickness ng tunog ng Musika ay batay sa

bilang ng linya na magkakasabay; samantalang

ang thinness ng tunog ng Musika ay batay sa

isang linyang musikal. Ang elementong ito ng

musika na tumutukoy sa thickness at thinness ng

musika ay tinatawag na Texture.

Musika 1 - Modyul 14: Tekstura 0 Texture

Page 34: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

31

Pagbalik-aralan natin ang awit na “Are You

Sleeping Brother John?” Una, awitin ito nang

pangkatan. Pagkatapos, awitin ito nang

dalawahan o tatluhang pangkat na bawat

pangkat ay magsisimula nang hindi magkasabay

ngunit tatapusin ang awit.

Hihintayin ng bawat pangkat ang hudyat ng

guro kung kailan sisimulan ang awit.

Are You Sleeping,Brother John?

Are you sleeping? Are you sleeping?

Brother John? Brother John?

Morning Bells are ringing,

Morning bells are ringing

Ding-dong, ding.Ding-dong, ding.

Ano ang inyong napansin nang umaawit kayo

bilang isang pangkat; nang umaawit kayo bilang

dalawa o tatlong pangkat na hindi sabay-sabay

ang umpisa? Kailan thin ang tunog ng musika?

Kailan thick?

Panuto: Bilang isang klase, gumawa ng isang

payak na Ostinato na binubuo ng Maiksi at

Mahabang tunog. Isulat sa inyong kuwaderno ang

Ostinato at sanayin ang paulit-ulit na

pagpalakpak nito. Pagkatapos, pumili ng

Gawain 1: Pakikinig at Pagsasaya

Page 35: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

32

instrumento sa silid-aralan upang gawin ang

napiling Ostinato. Hatiin sa dalawang pangkat

ang klase. Ang unang pangkat ang gaganap ng

Ostinato. Ang pangalawang pangkat ang

gaganap ng kaparehong Ostinato sa isang tiyak

na bahagi na kahawig ng sa awit na “Are You

Sleeping, Brother John?”.

Upang maging higit na kawili-wili ang Ostinato,

pumili ng isang particular na galaw ng katawan

para sa mga tinig na MAHABA at isa pang galaw

ng katawan para sa mga tunog na MAIKSI. Gawin

ang mga galaw na ito sa pagsasakilos ng

OSTINATO ng inyong pangkat.

Napansin ba ninyo ang pagkakaiba sa tunog

nang patugtugin ng unang pangkat ang

OSTINATO at ang tunog nang idagdag ng ibang

pangkat ang kaparehong OSTINATO na sinimulan

sa ibang pagkakataon? Anong pagkakaiba ang

inyong napansin?

Ang tunog ban g musika ay thicker o thinner?

Bakit?

Kapag may idinagdag na instrumento o tinigt sa

isang pattern o melody, sinasabi ng mga musikero

na ang tunog ng musika ay nagiging thicker.

OSTINATO:

Page 36: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

33

Gayundin naman, kung ang isang pattern o

melody ay tinugtog o inawit nang walang

kasabay, sinasabi ng mga musikero na ang

Texture ng musi9ka ay thin.

Panuto: Ang nasa ibaba ay apat na set(A, B, C,

D,) na may dalawang larawan bawat isa. Kung

ang narinig ninyo ay isang linya ng musika,

kulayan lamang ang unang larawan. Ngunit kung

ang naririnig ninyo ay dalawa o mahigit pang linya

ng musika na pinatutugtog o inaawit, kulayan ang

dalawang larawan. Pakinggang mabuti ang mga

halimbawa.

.

Ano ang kailangan mong tandaan upang

makilala Textures ng tunog ng Musika?

Gawain 2: Hamon sa Pakikinig

1

A B

C D

2 1 2

1 2 1 2

Page 37: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

34

Pagtataya

Ipakita kung natutuhan ninyo ang aralin sa

pamamagitan ng paglalagay ng tsek () sa isa

swa mga kahon sa ibaba. Gawin sa inyong

kuwaderno.

MGA KASANAYAN Oo Hindi

pa

1. Nakaririnig at nakakikilala ng isang

linyang musical.

2. Nakapagpapakita ng iba’t ibang

textures sa pamamagitan ng mga

galaw ng katawan.

3. Nakagagawa ng mga simpleng

pattern na gagawin kasama ng

ibinigay na apattern sa istilo ng isang

bilog.

4. Nakagagawa ng pattern sa istilo ng

isang bilog.

III. Sintesis

Natutuhan natin sa modyul na ito na ang tunog

ng Musika ay maaaring Thick depende sa bilang

ng linya musika na sabay-sabay na inaawit o

tinutugtog. Ang tunog ng musika ay maaaring

THIN na may isa lamang linya ng musika.

Kumpletuhin ang mga pangungusap sa ibaba.

Gawin sa inyong kuwaderno:

Page 38: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

35

Musika 1 - Modyul 15: Balik-aral sa mga

Elemento

Dapat nating pakinggang mabuti ang ______

musical na nangyayari sa musika, nag-iisa man, o

mahigit sa isa na nangyayari nang ____________.

Masasabi lamang nating ang Texture ng musika

ay _______ o _______ kapag narinig nating mabuti

ang musika.

I. Awit / Tugma

a.Lahat ng awit / tugma na ginamit sa mga

nakaraang modyul

II. Mga Gawain:

ISANG MALAKI AT MASAYANG PAMILYA

Panuto: Magbalik-aral sa mga natutuhang awit,

laro, at mga gawaing napapaloob sa elemento

ng musika.

Balik-aralan din ang mga gawain o pagsasanay

na ginawa sa bawat modyul.

ELEMENT/ ELEMENTO GAWAIN/AWIT

DYNAMICS – Lakas at Hina ng

Tunog “Ang Susi Nakatago”

TEMPO – Bilis ng tugtog (FAST

and SLOW) “Leron,Leron, Sinta”

Gawain 1

Page 39: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

36

TIMBRE- Mga tunog sa paligid

Tinig at kagamitang may tunog

“Aso,Aso”

FORM- Pagkakatulad at

Pagkakaiba ng buong bahagi

ng musika.

“Kalesa”

MELODY – Taas at Baba ng

tunog

“Piko-Piko

Angking”/”Rocky

Mountain”

“Maliliit na Gagamba”

TEXTURE – Kapal at Nipis ng

Tugtog

“Are You Sleeping

Brother John?”

RHYTHM – ayos ng tunog at

katahimikan sa tamang

tiyempo

- kumpas at ostinato

- mabagal at malakas na

kumpas

( 2-time meter, 3-time meter &

4-time meter)

“Pan de Sal”

“Chimpoy Champoy”

“Talbog Pataas , Talbog

Pababa”/Pedro

Penduko”

“Twinkle, Twinkle”

“Sawsaw Suka”

BALIK-ARAL SA MGA ELEMENTO

Panuto: Bilang paghahanda sa ibibigay na

panapos na pagsusulit, ang bawat pangkat ay

pipili ng isang elemento ng musika na napag-

aralan na. Ipapakita ng grupo ang kasanayang

napapaloob sa elemento gamit ang modyul na

natalakay na.

Gawain 2

Page 40: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

37

III. Pagtatasa

1. Sa minsanang pagsubaybay ng guro, ang

inyong pangkat ay magsasagawa ng

pagsasanay tungkol sa ipapakitang

kasanayan at awit ayon sa elemento na

natutuhan. Gawing gabay ang modyul.

IV.Pagbubuo

Pagkatapos suriin sa modyul ang elemento,

awit, laro, at kuwento ng musika, sagutin ang

tanong na “Paano naghanda/nagsanay ang

inyong pangkat?

Nahirapan ba o nadalian kayo sa ginawa

ninyong pagsasanay? Bakit?

I. Mga Gawain

Panuto: May pitong pangkat – bawat isa ay

kumakatawan sa isang ELEMENT ng Musika –

DYNAMICS, RHYTHM, MELODY, TEMPO, TIMBRE,

FORM, at TEXTURE. Tatawagin ng guro ang bawat

pangkat upang magpakita ng kanilang mga

talento at ng lahat nilang natutuhan sa kanilang

Modyul 16: Ebalwasyon

Gawain 1: Magdaraos Kami ng Isang

Konsiyerto

Page 41: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

38

partikular na ELEMENT at hihikayatin ang bawat isa

na panoorin ang pagpapakita ng bawat

pangkat.

Nasiyahan ba kayo sa konsiyerto ng klase? Aling

pangkat ang pinakamahusay? Bakit?

Panuto: Ipakita kung gaano kahusay isinagawa

ng inyong pangkat ang gawain sa pamamagitan

ng paglalagay ng tsek sa isa sa mga kahon sa

ibaba. Gawin sa inyong kuwaderno.

Ebalwasyon 2 Katibayan Nahahasa

1. Malinaw ang elementong

Musikal mula sa umpisa

hanggang sa katapusan ng

awit.

2. Ipinakita ng pangkat ang

mga kailangang

KASANAYAN na kailangan

ng elementong musikal.

3. Ang galaw na pinili ng

pangkat ay malinaw na

nagpapakita at

naglalarawan ng ELEMENT.

4. Ang pagkaganap ay

mahusay at puno ng sigla.

Gawain 2: Ebalwasyon ng Gawain

Page 42: K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)

39

Panuto: Ipakita ang inyong natutuhan sa kuwarter na ito

sa pamamagitan ng pagguhit ng nakangiting mukha sa

kahon na nagsasaad ng inyong kaalaman. Gawin sa

inyong kuwaderno.

Ebalwasyon ng Sarili Magagawa

Makakaya

nang

gawin

1. Makagagawa at

makapagpapakita ng

lahat ng kasanayang

musika na inaasahan sa

akin sa Baitang 1.

2. Magagawa ko nang

mahusay ang lahat ng

kasanayang musikal na

inaasahan sa akin.

3. Nakikinig ako at sinusunod

ang mga panuto at

tuntunin; nagpapakita ng

angkop na pagsisikap

tuwina. Nagpapakita ng

kooperasyon, pagtitimpi sa

sarili, paggalang sa iba at

pagkamamamayan.

Gawain 3: Ebalwasyon ng Sarili sa Ikaapat na

Kuwarter