11
Kahalagahan ng Pananaliksik

Kahalagahan ng Pananaliksik

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kahalagahan ng Pananaliksik

Kahalagahan ng Pananaliksik

Page 2: Kahalagahan ng Pananaliksik

Nagpapayaman ng kaisipan- Lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa walang humpay na pagbasa , nag-iisip, nanunuri at naglalahad o naglalapat ng interpretasyon.

Lumalawak ang karanasan- napapalawak ang eksperyensya ng isang manunulat sa mundo ng pananaliksik dahil sa marami siyang nakasalamuha sa pagkalap ng mahahalagang datos, pagbabasa, paggalugad sa mga kaugnay na literatura.

Nalilinang ang tiwala sa sarili- tumaas ang respeto at tiwala sa sarili kung maayos at matagumpay na naisakatuparan ang alinmang pag-aaral na isinagawa.

Nadaragdagan ang kaalaman- ang gawaing pananaliksik ay isang bagong kaalaman kaninuman dahil nahuhubog dito ang kanyang kamalayan sa larangan ng pananaliksik.

Page 3: Kahalagahan ng Pananaliksik

1. Makadiskubre ng bagong kaalaman.2. Maging solusyon sa suliranin3. Umunlad ang sariling kamalayan sa

paligid.4. Makita ang kabisaan ng ginagamit na

pamamaraan estratehiya.5. Mabatid ang lawak ng kaalaman sa

isang partikular na bagay.

LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Page 4: Kahalagahan ng Pananaliksik

1. Magkaroon ng panimulang kaalaman sa pagsasagawa ng isang pananaliksik.

2. Pumili ng napapanahong paksa.3. Bigyang kahulugan ang suliraninng

pananaliksik.4. Pumili ng mahahalagang datos/ impormasyon.5. Kumilala ng mga palagay o hinuhang

nagpapalinaw sa suliranin ng pananaliksik.6. Kakayahang lumikha ng makabuluhang

kongklusyon, palagay o hinuha.7. Katumpakan sa paghusga ng mga ginamit na

pamamaraan.

TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK

Page 5: Kahalagahan ng Pananaliksik

1. Pasundang pag-aaral (follow-up studies)- isinasagawa ito upang subukan ang resulta ng inyerbensyon para sa ebalwasyon ng tagumpay ng isang programa.

2. Pag-aaral na Kalakaran (trend studies)- inilalarawan ang bilis at direksyon ng mga pagbabago upang mahulaan ang mga sitwasyon.

3. Pangkasaysayang pananaliksik (historical research)- pangunahing layunin nito ang pagbuo ng nakaraan upang subukan ang isang hipotesis kaugnay nito.

4. Pagpapaunlad ng pag-aaral (developmental studies) - inilalarawan dito ang anyo ng pag-unlad o pagbabago sa takbo ng panahon.

ESTRATEHIYA NG PANANALIKSIK

Page 6: Kahalagahan ng Pananaliksik

5. Sarbey (survey)- isa itong malapitang pagsusuri ng phenomenon Na karaniwang batay sa instrumentong pampananaliksik na talatanungan.

6. Pangkalagayang pag-aaral (case study)- layunin nitong magbigay ng mahigpit ng paglalarawan ng partikular na yunit ng lipunan.

7. Panlabas na Pag-aaral (field study)- inilalarawan dito ang isang phenomenon sa kanyang natural na kapaligiran kung saan ito nagaganap.

Page 7: Kahalagahan ng Pananaliksik

1. Pumili at maglimita ng Paksa. > Kinawiwilihan, kapaki-pakinabang ang

paksa, at napapanahon. > Magkaroon ng sapat na sangguniang

pagbabasihan ng napiling paksa. > Pumili ng paksang hindi magiging

malawak at masaklaw. > Pumili ng paksang maaring lagyan ng

kongklusyon o pasya upang makapagbigay ng kuro-kuro matapos suriin at maglatag ng ebidensya o katibayan.

PROSESO SA PAGSASAGAWA NG SULATING PANANALIKSIK

Page 8: Kahalagahan ng Pananaliksik

2. Magsagawa ng pansamantalang balangkas.

3. Magtala ng mga Sanggunian o Bibliograpiya.

4. Mangalap/Mangolekta ng mga tala o datos.

5. Bumuo ng konseptong papel.6. Pagsasaayos ng dokumentasyon.7. Pagsulat ng Burador.8. Pagpapahayag ng resulta ng riserts.9. Pagrebisa at pagwawasto ng burador.10. Pagsulat ng pinal na papel.

Page 9: Kahalagahan ng Pananaliksik

1. Magbasa ng maraming babasahin. Ang iyong paksa ay malawak sa dahilang wala kang gaanong kaalaman dito. Kaya marahil ay kailangang magsarbey ka pa ng literatura. Halimbawa ang napili mong paksa ay tungkol sa interes

2. Bilang unang hakbang, -ibigay ang kahulugan sa ibat’ ibang

sanggunian. -matutong magtala at sumulat ng mga

kahulugan sa kard. - magbasa ng aklat na isinulat ng mga

banyaga, kumunsulta rin sa mga lokal na awtor.

PARAAN SA PAGLALAHAD NG SULIRANIN.

Page 10: Kahalagahan ng Pananaliksik

3. Ipagpatuloy ang pagbabasa ng literatura. Ano ang sinasabi ng mga awtor tungkol sa interes.?

4. Anong espesyal na aspekto ng interes ang iyong natipon?

> Maaari ka bang magbigay ng ilang baryabol?

> Ito bay interes sa mga laruan o sa mga babasahing iyong nakita? > Ang seks ba ay may kaugnayan sa

pagkakaiba ng interes? > Ang mga grupo ba ng iba’t ibang antas ng lipunan ay may pagkakaiba rin ng interes?

Page 11: Kahalagahan ng Pananaliksik

5. Magbasa ng mga pag-aaral na ginawa tungkol sa interes. Anu- ano ang mga resulta ng mga nasabing imbestigasyon? Anu-ano ang mga baryabol ang kanilang ginamit? Ang lahat ng mga resulta ay dapat isulat sa kard o kapirasong papel, isang mananaliksik sa bawat pahina.

Nagkaroon ka na ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang epekto ng interes, anong mga pagsisiyasat ang nagawa na at ano pa ang resulta nito?

6. Sa puntong ito madedelimitahan mo na ang malawak na suliranin. Maaaring handa ka ng pumili ng iyong mga baryabol. Isa o dalawa lamang. Dahil sa ikaw ay baguhan pa lamang.

7. Maaari mo nang ipahayag ang iyong mga suliranin. Pag-aralan ang iyong mga baryabol na napili, gayon din ang mga kalahok na iyong gagamitin. Ipahayag ang suliranin sa pormang patanong.