Upload
micah-enero
View
1.011
Download
36
Embed Size (px)
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
Preliminaring Pahina
Pamanahong Papel isang uri ng papel-pampananaliksik
na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko. Ito ay kadalasang kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa. Tinatawag din itong term paper.
FLY LEAF ang pinakaunang pahina ng
pamanahong papel. Walang nakasulat sa pahinang ito sa madaling salita blangkong papel ito.
PAHINA NG PAMAGAT ito ay nagpapakilala sa pamagat
ng pamanahong papel. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipnasa ang papel, kung saang asignatura ito pangagailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon.
DAHON NG PAGPAPATIBAY ang tawag sa pahinang
kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel.
DAHON NG PASASALAMAT inutukoy rito ang sinumang
nakatulong ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y nararapat na pasalamatan.
TALAAN NG NILALAMAN nakaayos ang
pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
TALAAN NG MGA TALAHANAYAN, GRAF
nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
IKALAWANG FLY LEAF isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.
ANG MGA PRELIMINARING PAPEL AY DI NILALAGYAN NG BILANG; KUNG MINSA, MATATAGPUAN DIN ANG
PAHINA NG PAG-AALAY NA MAAARING OPSYONAL. KANINO INIAALAY O INIHAHANDOG NG
MANANALIKSIK ANG PAPEL, ITO ANG NAKASULAT SA PAHINANG ITO NA
MAIKLI LAMANG NGUNI’T TUMUTUKOY SA KANYANG MGA
INSPIRASYON SA PAGSULAT.