49
KOMUNIKASYON

Komunikasyon

Embed Size (px)

Citation preview

KOMUNIKASYON

KOMUNIKASYON- “communi atus” “ibinahagi”- ibinabahagi ng isang tao ang kanyang ideya

o mga impormasyong alam niya sa iba

SPEECH COMMUNICATION (SAUNDRA HYBELS)

- transmisyon ng signal na nanggaling sa isang tao patungo sa iba

- nagsasangkot ng tuwirang paggamit ng simbolo patungo sa isang layunin o hangarin

- proseso ng pagpapahiwatig ng mga mensahe na nagpapahayag ng mga kahulugang nakabalot at at nakapaloob sa isang sistema ng signifikasyon

- sistema ng pagpapahiwatig ay binubuo ng senyal (signifier) at ng kahulugan (signified)

- proseso rin ng pagpapahayag ng mensahe ang komunikasyon

URI NG KOMUNIKASYO

N

VERBAL- pasulat o pasalita

DI-VERBAL- kilos o galaw ng katawan- 93% ng mga mensaheng ipinahahatid ng tao ay nagmumula

sa di-verbal na komunikasyon (Albert Mehrabian, 1971)- isang detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat ngunit

nauunawaan ng lahat (E. Sapir)

IBA’T IBANG ANYO NG DI-VERBAL NA

KOMUNIKASYON

1. KINESIKA (KINESICS)- katawagag ginagamit sa pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan ---------------------------------------------------------------------------------------------------------

MGA GALAW NA GINAGAMIT SA DI-VERBAL NA KOMUNIKASYON

a.Ekspresyon ng Mukha- hindi pwedeng ipagwalang-bahala ang ekspresyon ng mukha sa paghahatid

ng mensaheng di-verbal- karaniwang nagpapakita ng emosyon (tuwa, inis, takot, poot, galit, at iba pa)

b. Galaw ng Mata- nangungusap ang ating mga mata- naipapakita ang pagtitiwala at katapatan ng isang tao

c. Kumpas- may iba’t ibang anyo ng kumpas sa pagpapahayag ng di-verbal na komunikasyon- may unibersal na kahulugan (pagtaas ng kamay, pagtikom ng kamao, at iba pa)- nakakatulong sa mabisang paghahatid ng mensahe

d. Tindig- ang tindig pa lang ng isang tao ay nakakapagbigay na ng hinuha kung anong

klaseng tao ang iyong kaharap o kausap

2. Proksemika (Proxemics)- pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo (Edward T. Hall,

1963, isang antropologo) halimbawa: pag-upo sa malayo

Maliban sa distansya, kabahagi din ng proksemika ang temporal o oras.

May dalawang aspekto ng komunikasyong pantao:Panahon o oras ng pangkulturaSikolohikal - pagtakda ng oras sa nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap

Tatlong Uri ng Kultural na Oras (Bruneau, 1895,1990)

1. Teknikal o siyentipikong oras- eksakto- ginagamit lamang sa laboratory- kaunti ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay2. Pormal na oras- tinutukoy kung paano binibigyang kahulugan at kung paano ito itinuturo halimbawa: segundo, minuto, oras, araw, lingo, buwan, at taon3. Impormal na oras- hindi eksakto halimbawa: magpakailanman, agad-agad, madaling panahon

3. Padama o paghawak (Haptics)- pinakaprimitibong anyo ng komunikasyon- nagpapahiwatig ng positibong emosyon- nangyayari sa mga taong malapit sa isa’t-isa halimbawa: pagyakap, paghaplos at iba pa

4. Paralanguage- tono ng tinig (pagtaas at pagbaba)- pagbigkas ng salita o bilis ng pagsasalita- pagsutsot, bunting-hininga, ungol at paghinto

5. Katahimikan/Hindi Pag-imik- maaring nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita/kapwa- ginagamit upang saktan ang iba- anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin

6. Kapaligiran- pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya,

seminar at iba pa- kaayusan ng lugar (pormal at di-pormal)

MELBA PADILLA MAGGAY (2003)- ang kaanyuang pisikal na taglay ng tagapagsalita ay maaring

makatulong sa mensaheng nais niyang iparating• kulot ang buhok – matigas ang ulo• malapad ang noo – marunong• magatla o malinyang noo – maraming suliranin• salubong ang kilay – galit; masungit; naiinis; matapang• malaking tainga – mahaba ang buhay• nunal sa labi – madaldal

MGA ANTAS NG KOMUNIKASYO

N

Komunikasyong Intrapersonal- komunikasyong nagaganap sa isipan ng tao- kasama rin dito ang konsepto ng panloob na pakikipagkomunikasyon,

pagpaplano ng komunikasyon, pagpipigil, pag-unawa, pakikinig at iba pang elemento

- pinag-aaralan ditto ang pamamaraan ng proseso ng komunikasyong nagaganap sa utak

- kabahagi rin ang panloob na pag-iisip at nararamdamang emosyon ng isang indibidwal bago niya isagawa ang pagkilos sa anumang bagay na pinag-isipan

Komunikasyong Interpersonal- pakikipagkomunikasyon sa ibang tao- nangyayari sa pagitan ng dalawang tao o maliit na grupo- komunikasyon sa pagitan ng dalawang taong nagkakilala na

Iba’t ibang tungkuling ginagampanan ang komunikasyong interpersonal.• Pagkuha ng impormasyon• Pagtulong upang maunawaan ang sinasabi ng isang tao• Pagtatag ng identidad o pagkakakilanlan

TATLONG PANGANGAILANGANG INTERPERSONAL

(WILLIAM SCHUTZ)1.Pagsama o pakikisalamuha- kailangan para mapatatag abg sariling identidad o pagkakakilanlan2. Pagpigil o pagkontrol- kailangan ito upang masanay mamuno at mapatunayan ang sariling

kakayahan sa pamumuno3. Pagmamahal- kailangan upang malinang o matutuhan ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao

Komunikasyong Pampubliko- hindi lamang pagtatalumpati o pagsasalita sa harap ng maraming tao- saklaw rin nito ang relasyong pampubliko, komunikasyong pampulitika,

panlipunang pamimili, pagtatag ng samahan at istratehikong pananaliksik

- mass media gaya ng telebisyon, radio, pahayagan at iba pa

-Ang sistema ng pagpapahiwatig ay binubuo ng senyal (signifier) at ng kahulugan (signified) nito. (Saussure)

-Arbitraryo ang ugnayan ng senyal at kahulugan.

-Maaring intensyonal o di-intensyonal ang pagpapahiwatig nito.

IntensyonalAng pagkaway ng isang tao ay direktang nagpapahayag ng pagbati sa taong dumating o umalis.Di-intensyonalKung hindi malay o di layunin ng isang tao ang naipahayag na mensahe o nakitang kilos/senyal mula sa kanya.

MGA ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYON

Ang proseso ng komunikasyon ay umiikot sa makrong kasanayan:•PAKIKINIG•PAGSASALITA•PAGBASA•PAGSULAT

Tagapagpadala/Pinanggalinganyag - taong pinagmulan ng mensahe halimbawa: kung nagtatalumpati ang isang tao, siya ang pinagmumulan ng mensahe.Midyum/Tsanel- instrumenting ginagamit para maipadala ang mensahe- kasama sa bahaging ito ang ipinahahayag na salita, galaw o

kilos, ekspresyon ng mukha, mga isinulat na ideya, balitang panghimpapawid, pelikula at iba pa- makabagong isntrumento na ginagamit ngayon sa

pagpapadala ng mensahe (cellphone, FAX macine, e-mail at iba pa)

Mensahe- tumutulong sa aktwal na komunikasyon na nais ipadala-maaring verbal o di-verbalTagatanggap- tumutukoy sa tao o mga taong pinapadalhan ng mensahePuna/Reaksyon- ang bahaging ito ay may dalawang sistema ng proseso.

Ito ay tinatawag na katugunan o kasagutan na binibigay.- ang tagumpay ng mensahe ay depende sa reaksyon o

puna ng tumatanggap ng mensahe

Ingay-sagabal sa pagpapadala ng mensahe-dahilan kung bakit hindi nakararating ang mensahe sa tagatanggap-maaring pisikal (mga bagay na teknikal)-maaring sikolohikal (nangyayari sa isipan) – mas madaling kontrolin kaysa sa pisikal na ingay

Proseso rin ng pagpapahayag ng mensahe. Maaring ang pokus ng komunikasyon ay ang pinagmulan (sender) o tagatanggap (receiver) ng mensahe.a.Pinagmulan ng mensahe ang pokus halimbawa: Sa pagbasa ng isang akda, hindi maiiwasang alamin ang intension, buhay at karanasan ng may-akda (sender) para maunawaan ang tekstong naisulat niya (mensahe). Isang paraan ito ng pag-unawa sa akda na nakapokus sa nagsulat.b. Tagatanggap ng mensahe ang pokus Sa kabilang dako, isinaalang-alang ng manunulat ang particular na target na mambabasa sa pagsulat niya ng anumang akda.

MGA MODELO NG

KOMUNIKASYON

- isang paraan upang mailahad ang mga teorya sa komunikasyon sa pamamagitan ng pagpapakita rito sa biswal na pamamaraan

- mga representasyon lamang ng isang pangyayaring inilalarawan

- magagamit ito upang higit na maipaliwanag at mabigyang-linaw ang proseso ng komunikasyon bukod sa literal na pamamaraan

MODELO NI ARISTOTLE

-klasikong modelo ni Aristotle mula sa kanyang aklat na Retorika

-nagpapakita ng linear na katangian ng komunikasyon

Tagapagsalita Argumento Pananalita Tagapakini

g

MODELO NINA SHANNON AT WEAVER

- binibigyang halaga ang panghihimasok ng mga tinatawag na ingay

- nagpapakita ng kaugnayan ng elementong ingay sa prosesong komunikasyon

- higit marami ang mga elementong pangkomunikasyon

Pinagmulan ng

impormasyon

Tagahatid Tsanel Tagaayos Destinasyon

(Ingay)Noise

Station

Mensahe

Signal Tumanggap ng signal

Mensahe

MODELO NI WILBUR SCHRAMM

Mensahe Tagatanggap----------------Interpreter

-----------------Tagadala/Tagahatid

Mensahe

Tagadala/Tagahatid

-------------------

Interpreter------------------

-Tagatanggap

- isa sa mga unang nagpakita sa siklong katangian ng komunikasyon

- isang paikot na modelo na pareho ang elementong taglay ng tagaunawa at tagasagisag

- binibigyang diin ang kahalagahan ng reaksyon mula sa magkabilang panig ng komunikasyon

SignalSaklaw ng karanasan

PinagmulanTagahatid/Tagadala

TagatanggapDestinasyon

- komunikasyong may kaugnayan sa kultura at karanasan ng nagpadala at tumanggap ng mensahe o senyas

- inilalahad ang kahalagahan ng karanasan upang lubos na maunawaan ng naglalahad at tumatanggap ang senyas at reaksyong ibinibigay

MODELO NI BERLO- nakabatay sa apat na payak na element ng pakikipagtalastasan:• pinagmulan ng mensahe (source)•mensahe (message)• pinagdaraanan ng mensahe

(channel)• tumatanggap ng mensahe (receiver)

S M C RSender

PINAGMULANMessageMENSAHE

ChannelTSANEL

ReceiverTAGATANGGAPkasanayang

pangkomunikasyon

saloobin

kaalaman

sistema ng lipunan

kultura

elemento

nilalaman

pakikitungo

istruktura

paningin

pandinig

pandamdam

pang-amoy

panlasa

kasanayangpangkomunika

syonsaloobin

kaalaman

sistema ng lipunan

kultura

MODELO NI DANCE- paikot na modelo- ang proseso ng komunikasyon ay isang pangyayaring dinamiko, nangangahulugang patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon

KONSIDERASYON SA MABISANG

KOMUNIKASYON

DELL HYMES (1972)Entonograpiya ng komunikasyon- batayan para maikategorya at maunawaan ang ibang sitwasyon at konteksto ng pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng mga tao (Slembrouck, 2003)“Entonograpiya”- sa antropolohiya, nangangahulugang personal na

paglahok, pagmamasid at pakikimuhay sa mga taong nasa ibang pamayanan- sa komunikasyon, kumakatawan bilang pakikilahok ng isa

o maraming tao sa isang sitwasyon ng pagdanas at pakikipag-ugnayan sa iba pang taong nasa ibang sitwasyon o pamayanan

SPEAKING(DELL

HYMES,1972)

“speaking” – kahingian sa isang maayos at mabisang komunikasyonPangkomunikatibong sitwasyon na maaring lahukan o pasimulan ng mga tao: basta’t may dalawa o higit pa rito na kalahok na nakikipagtalasatasan o nakikipag-ugnayan- halimbawa: misa sa simbahan, tsismisan sa

kalye, tawaran sa palengke, debate sa telebisyon, talumpati ng mga mambabatas sa Kongreso at marami pang iba.

Ang sitwasyong ito ay kumakatawan sa deskriptibong konteksto sa pag-uusap, na naglalaman pa ng mahahalagang salik batay sa paliwanag ni Dell Hymes tungkol sa akronim na SPEAKING;

S-etting – saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan ng mga tao?P-articipant – sinu-sino ang mge kalahok sa pakikipagtalastasan?E-nds – ano ang pakay o layunin ng pag-uusap?A-cts – paano ang takbo ng usapan?K-eys – ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o di-pormal?I-nstrumentalities – anong tsanel ang ginagamit? pasalita ba o pasulat?N-orms – ano ang paksa ng usapan?G-enre – ano ang diskursong ginagamit? nagsasalaysay ba o nakikipagtalo o nangangatwiran?

Halimbawa:May kumperensyang dinaluhan ang mga peryodistang mag-aaral sa Bulwagang San Pablo ng Faculty Center Conference Hall sa UP Diliman. Layunin ng kumperensyang ito na magkaroon ng karagdagang kaalaman sa pamamahayag at malutas ang mga usapin sa pahayagang pampaaralan. May programang sinusunod ang kumperensyang ito para hindi maging magulo ang talakayan.

S Saan ginanap ang kumperensya ng mga peryodistang mag-aaral?

Faculty Center Conference Hall sa UP Diliman

P Sinu-sino ang mga kalahok sa kumperensyang ito?

Mga delegadong estudyante na pawing mamamahayag o

peryodista na nanggaling sa iba’t ibang kolehiyo o pamantasan

E Ano ang pakay o layunin ng kumperensyang ito?

Magkaroon ng karagdagang kaalaman sa pamamahayag

batay sa mga karanasan ng mga batikang mamamahayag sa

bansa

A Paano ang takbo ng usapan? Maayos ang daloy ng talakayan dahil may sistemang sinusunod

at may tagapamagitan sa bahagi ng talakayan at tanungan

K Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ang talakayan sa kumperensya

I Pasalita ba o pasulat ang tsanel na ginamit?

Pasalita ang ginagamit na instrument sa talakayan

N Ano ang paksa ng usapan? Kasalukuyang isyu at usapin sa mga pahayagang pampaaralan

gaya ng karapatan ng mga peryodista at mga suliranin ng

pahayagang pangkampus

G Ano ang diskursong ginagamit? Gumagamit ditto ng pagsasalaysay, pangangatwiran

at pagpapaliwanag

MARAMING SALAMAT