37
BATAS MILITAR: Hamon Sa Demokrasya

Modyul 15 batas militar

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Modyul 15 batas militar

BATAS MILITAR:

Hamon Sa Demokrasya

Page 2: Modyul 15 batas militar

Batas Militar

Ang Batas Militar ay isang sistema ng mga patakaran na nagkakaroon ng bisa kapag ang mga militar  ang nag-kontrol sa karaniwang pamamahala ng katarungan.

Page 3: Modyul 15 batas militar

FERDINAND MARCOS Profile ni Ferdinand

Marcos Ika-10 Pangulo ng Pilipinas

Panahon ng PanunungkulanDisyembre 30 1965 - Pebrero 25,1986

KapanganakanSetyembre 11, 1917 Sarrat, Ilocos Norte

Paaralan: Unibersidad ng Pilipinas Kurso: Abogasya

Kamatayan 28 September 1989 Honolulu, Hawaii

Asawa Imelda Marcos

Mga Magulang Mariano Marcos Josefa Edralin

Page 4: Modyul 15 batas militar

Maraming humanga na mga Pilipino sa katalinuhan ni Ferdinand Marcos dahil dito naihalal siya bilang ika-sampung pangulo ng Pilipinas noong 1965 at tanging naging pangulo na muling naihalal noong taong 1965. Sa ilalim ng kanyang unang pamumuno unti-unting nakaranas ang bansa ng pagunlad sa ekonomiya, edukasyon, at pag-angat sa kalidad ng buhay ng mga mamamayan.

Page 5: Modyul 15 batas militar

ILAN SA MGA PROGRAMA NI MARCOS SA KANIYANG

PANUNUNGKULAN Green

RevolutionPangunahing programa upang upang pataasin ang produksiyon ng bigas. Itinatag naman ang International Rice Institute upang palaganapin ang Miracle rice at noong 1968 ay nakapagluwas ng bigas ang Pilipinas kung saan kumita ang bansa ng 7 milyong dolyar.

Page 6: Modyul 15 batas militar

Land Bank of the Philippines

Itinatag ang LBP upang makatulong sa mga magsasaka na karamihan ay kasama (nakikisaka lamang sa panginoong may lupa). Sa pamamagitan ng pagpapautang , natulungan ng LBP ang mga magsasaka na tuluyang ariin ang mga lupaing ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan dahil sa repormang pang-agraryo.

Page 7: Modyul 15 batas militar

Inatasan ni pangulong Marcos ang NEDA upang bumuo ng mga plano at programang pangkaunlaran para sa bansa . tungkulin din NEDA na tiyaking naipatutupad nang maayos ang mga programa . Isa ang NEDA sa mga dahilan ng pag-unlad ng Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ni Marcos.

National Economic And Development Authority

Page 8: Modyul 15 batas militar

Population Commission

POP COM layunin ng POPCOM na patatagin at palaganapin ang mga programa sa pagpaplano ng pamilya ng pamahalaan.

Page 9: Modyul 15 batas militar

Mga Proyektong Imprastraktura

Page 10: Modyul 15 batas militar

Kabilang sa mga proyektong pang imprastruktura ay ang pagpapagawa ng mga tulay at kalsada. Nakatulong ito sa pagpapabilis ng transportasyon at komunikasyon gayundin sa pakikipagkalakalan . nagpatayo rin si Marcos ng 58,785 silid –aralan at 28, 705 gusaling pampaaralan mula 1965 hanggang 1968—pinakamarami kung ihahambing sa naipagawa ng mga nagdaang pangulo.

Page 11: Modyul 15 batas militar

“Maaaring Muling Maging Dakila Ang Bansa” ang islogan ni marcos sa kanyang kampanya .

Sa iyong palagay naging dakila ba muling ang Pilipinas sa panahon ng panunungkulan ni pangulong Marcos? Ipaliwanag.

Tanong:

Page 12: Modyul 15 batas militar

Ngunit sa kanyang ikalawang termino nagsimula bumaba ang popularidad ni Marcos naging masalimuot ang kalagayan ng lipunan na dulot ng problemang politikal, sosyal at ekonomiko , malaking salik ang isyu ng katiwalian at pandaraya noong halalan noong 1969.

1969 Presidential Inauguration of Ferdinand E. Marcos

Page 13: Modyul 15 batas militar

Tumindi ang mga demonstrasyong pinamumunuan ng mga lider ng mga manggagawa laban sa katiwalian at pagmamalabis ng mga awtoridad sa kanilang kapangyarihan.(First Quarter Storm)

Page 14: Modyul 15 batas militar

Ayon kay Marcos kina-kailangang iproklama ang Batas Militar sa Pilipinas dahilan sa mga sumusunod na kadahilanan.1.Lumalalang suliranin sa rebelyon

2. Laganap na kaguluhan sa lungsod dahil sa sunod –sunod na pagpapasabog.

3.Banta sa seguridad at pamahalaan

4. Pagbomba sa Plaza Miranda habang nagdaraos ang partidong liberal para sa halalan.

Pagbomba sa Plaza Miranda

Page 15: Modyul 15 batas militar

Dumating ang nakapanlulumong pangyayari ng ideklara ni Marcos ang proklamasyong -- 889 o pagsususpinde ng Writ of Habeas Corpus Aug 21, 1970 dahil sa patuloy na kaguluhan .

Page 16: Modyul 15 batas militar

Ang writ of habeas corpus ay isang salitang nangangahulugang atas o utos ng hukuman sa kinauukulan na dalhin sa korte ang isang tao upang ipaliwanag kung bakit ipinipiit ang isang tao. Isa sa mga karapatan ng isang tao ang makahingi ng tinatawag na "kasulatan ng utos ng hukuman o kinauukulan," ang writ of habeas corpus sa Ingles, bilang pananggalang laban sa ilegal o hindi makatarungang pagkakakulong sa bilangguan. Kaya, sa larangan ng Batas, isang kasulatan ang habeas corpus na nag-uutos sa isang opisyal upang maipakita ang dahilan kung bakit ipiniit ang isang tao.

Page 17: Modyul 15 batas militar

Grupo ng Lakasdiwa nagsagawa ng rally laban sa suspensyon ng writ of habeas corpus, Setyembre 1971.

Page 18: Modyul 15 batas militar

Mga karahasan mula Marso 15.1972- Setyembre 12,1972

Ayon sa Official Gazette http://www.gov.ph/martial-law-40th-anniversary/Timeline

Upang patibayin ang deklarasyon ng Batas Militar

Page 19: Modyul 15 batas militar

Violence escalates in Manila and its surrounding environs with a series of bombings

· March 15: Bombing of the Arca Building in Taft Avenue· April 23: Bombing of the boardroom of Filipinas Orient Airways· June 23: Bombing of the Court of Industrial Relations· June 24: Bombing of the Philippine Trust Company office branch in Cubao· July 3: Explosion at the Phil-Am Life Building on United Nations Avenue· July 18: Bomb was discovered at the Senate Publications Division office

Page 20: Modyul 15 batas militar

•August 15: Bombing of the Philippine Long Distance Telephone Exchange office; bombing of the Philippine Sugar Institute•August 17: Bombing of the Department of Social Welfare•August 19: Bombing in Quezon City•August 30: Bombing of the Phil-Am Life Building; bombing in front of the Philippine Banking Corporation; bomb was discovered at the Department of Foreign Affairs building

Page 21: Modyul 15 batas militar

September 5: Bomb explosion inside Joe's Department Store kills one and injures 41 othersSeptember 7: Homemade bomb was discovered at the Good Earth Emporium· September 9: Bomb explosion inside the Manila City Hall. September 11: 3 power company substations were hit, causing widespread blackouts September 12: Bomb destroyed main pipe of the Manila sewage system, leaving thousands of homes in the southern section of Manila and adjacent suburbs without waterFrom: Aquino vs. Marcos: The Grand Collision by Manuel F. Martinez

Page 22: Modyul 15 batas militar

DEKLARASYON NG BATAS MILITAR SETYEMBRE 23,1972Dahil sa patuloy na

karahasan ,protesta at pagiging aktibo ng grupong komunista “nanganib daw ang ang Republika” ayon kay Pangulong Marcos, maraming nagsasabi na gagawa lamang ito ni Pangulong Marcos halimbawa ang “pagtambang” sa kotse ni Minister Juan Ponce Enrile ng Tanggulang Bansa. na siyang nagtulak upang ipataw ang Batas Militar.

Page 23: Modyul 15 batas militar

Ayon sa Saligang Batas 1935 Art. VII Sek. 10 par.2 ng 1935 Saligang Batas

ng Pilipinas:”Ang pangulo ay magiging Commander-in-Chief sa lahat ng sandatahang lakas ng Pilipinas... kapag kakailanganin, maaari niyang tawagin ang sandatahang lakas upang sugpuin ang karahasan, pananalakay, o rebelyon. Sa kaso ng pananalakay, insureksyon, o rebelyon, o napipintong mga pagganap nito, kapag kakailanganin ang kaligtasan ng publiko, maaari niyang isuspinde ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus, o ilagay ang Pilipinas o anumang bahagi ng Pilipinas sa ilalim ng batas militar.”

Page 24: Modyul 15 batas militar

Alinsunod sa proklamasyong 1081 na nagkabisa noong Setyembre 21, 1972 at napasailalim ang Pilipinas sa Batas Militar. Ayon sa ulat nilagdaan ang kautusan Setyembre 17,1972 pa lamang ng taon iyon at inihayag lamang sa radyo at telebisyon noong Setyembre 23,1972.Ayon sa nakasaad sa Official Gazette http://www.gov.ph/featured/declaration-of-martial-law/

“The anniversary of the declaration of martial law is on September 23 (not

September 21)”.

Page 25: Modyul 15 batas militar

Ang mga sumusunod na tala ay halaw sa talaarawan ni dating pangulong Marcos. Isinalaysay niya ang mga pangyayari at saloobin tungkol sa deklarasyon ng batas militar sa Pilipinas.

Pinagkuhanan: http://philippinediaryproject.wordpress.

Page 26: Modyul 15 batas militar

Sept. 21, 1972ThursdayMalacañan PalaceManila

Delayed by the hurried visit of Joe Aspiras and Meling Barbero who came from the Northern bloc of congressmen and senators who want to know if there is going to be Martial Law  in 48 hours as predicted by Ninoy Aquino. Of course Imelda and I denied it.But Johnny Ponce Enrile, Gen. Paz, Gen Nanadiego, Kits Tatad and I with Piciong Tagmani doing the typing finished all the papers, (the proclamation and the orders) today at 8.00PM.Talaarawan Ni Pangulong Marcos

SETYEMBRE 21,1972

Page 27: Modyul 15 batas militar

Si Senador Ninoy Aquino habang isinalaysay ang kanyang huling “privilege speech” sa senado tungkol sa “Oplan Sagittarius” isinawalat niya ang pagdedeklara ng batas militar ni Pangulong Marcos matapos ang 48 na oras.

Page 28: Modyul 15 batas militar

At noong Setyembre 22, 1972 tinambangan di umano si Minister Juan Ponce Enrile mga 8:00 n.g nang maganap ang pananambang malapit sa mga kalyeng Notre Dame at Harvard sa likod ng Wack Wack Golf And Country Club

Ayon sa Philippine Diary project Sept. 22, 1972, Friday, 9:55 p.m.

Page 29: Modyul 15 batas militar

9.50 PMSept. 22, 1972FridayMalacañan Palace

Sec. Juan Ponce Enrile was ambushed near Wack-Wack at about 8:00 pm tonight. It was a good thing he was riding in his security car as a protective measure. His first car which he usually uses was the one riddled by bullets from a car parked in ambush.

He is now at his DND office.  I have advised him to stay there. And I have doubled the security of Imelda in the Nayon Pilipino where she is giving dinner to the UPI and AP as well as other wire services.

This makes the martial law proclamation a necessity. Imelda arrived at 11:35 PM in my Electra bullet proof car to be told that Johnny had been ambushed, it is all over the radio.

Talaarawan Ni Pangulong MarcosSETYEMBRE 22,1972

Page 30: Modyul 15 batas militar
Page 31: Modyul 15 batas militar

ANG DEKLARASYON NG BATAS MILITAR

Page 32: Modyul 15 batas militar

BISA NG PROKLAMASYONG 1081 Labis-labis at nakakatakot ang kapangyarihan ng pangulo , narito ang ilang ginawa ni pangulong marcos sa panahon ng batas militar.

1. Pagsara at pagkontrol sa sa mga paaralan,palimbagan,istasyon ng telebisyon at radio at ipinailalim ang mahigpit na censorship ang mga pahayagan.

2.Pag-aresto sa mga hinihinalang kasama o kasabwat sa grupong pabagsakin ang pamahalaan

3.Inaresto sina Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jose Diokno, Ramon Mitra At Salvador Laurel.

Page 33: Modyul 15 batas militar

4. Paggawad sa parusang kamatayan sinu mana ang may dalang baril ng walang pahintulot mula sa AFP .

5. Pagbawal sa pagdaraos ng rali ng mga mag-aaral.pagwelga ng mga manggawa at pampublikong pagpulong.

6. Paghigpit sa superbisyon ng PLDT,MERALCO at iba pang kompanya.

7. Pansamantalang pasuspinde ng sa angingibang bansa nga mga Pilipino , maliban sa pamahalaaang misyon.

8. Pagtatalaga ng curfew mula ika-12 ng hatinggabi hanggang ika -4 ng umaga.

Page 34: Modyul 15 batas militar

Ang Bagong LipunanAyon kay pangulong marcos , isa

pang layunin pagdeklara ng batas militar ang pagbagong –anyo ng lipunan para maging isang sosyedad na mapayapa, may disiplina at maayos . Upang maisulong ito, itinatag ang Bagong Lipunan na may pitong Layunin:

1.Peace and Order2.Land Reforms3.Educational Reforms4.Labor Reforms5.Government Reorganization6.Economic Reforms7.Social Services

Page 35: Modyul 15 batas militar

EPEKTO NG BATAS MILITARMabuting epekto ng Batas Militar

Disiplinadong mamamayan

Malinis na daan

Mababang kriminalidad

Masamang epekto ng Batas

Militar Pang-aabuso ng militar

sa kapangyarihan. Nasisiil ang karapatang

pantao ng ilang mamamayan.

Kawalan ng kalayaang magpahayag (kailangan ay laging naaayon sa kagustuhan at pahintulot ng pamahalaan.

Page 36: Modyul 15 batas militar

Bakit nga ba ipinatupad ni pangulong Marcos ang batas militar?May karapatan ba si Marcos na ipatupad ang Batas Militar?

Ano ang legal na batayan sa pagdeklara nito?

Makatwiran ba ang pagdedeklara ni pangulong Marcos ? Oo o hindi ? Ipaliwanag.

Tanong?

Page 37: Modyul 15 batas militar

“There are many things we do not want about the world. Let us not just mourn them. Let us change them.”

--- Ferdinand Marcos10th President of

Republic of The Philippines1965-1986