Upload
tine-lachica
View
95
Download
25
Embed Size (px)
Citation preview
Bionote
Bionote-maikling paglalarawan ng manunulat gamit ang ikatlong panauhan na madalas ay inilalakip sa kaniyang mga naisulat
-impormatibong talata na naglalahad ng mga kalipikasyon ng awtor at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyonal
-inilalahad dito ang iba pang impormasyon tungkol sa awtor na may kaugnayan sa paksang tinalakay sa papel o sa trabahong ibig pasukan
Bakit nagsusulat ng Bionote?● upang ipaalam sa iba hindi lamang ang karakter kundi maging ang kredibilidad sa larangang kinabibilangan
● ito'y isang paraan upang maipakilala ang sarili sa mga mambabasa
Mahalagang Ideya
Ang bionote ay maituturing na isang marketing tool.
Ginagamit ito upang itanghal ang mga pagkilala
at mga natamo ng indibidwal.
Mga Katangian ng Mahusay na Bionote
● Maikli ang nilalaman● Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
● Kinikilala ang mambabasa
● Gumagamit ng baligtad na tatsulok● Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
● Binabanggit ang degree kung kailangan
● Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
Mahalagang PagkatutoAng bionote ay isang maikling impormatibong sulatin(karaniwang isang talata lamang) na naglalahad ng mga kalipikasyon ng isang indibidwal at ng kaniyang mga natamo na nagsasabing siya ay maalam at may
awtoridad sa larangang kinabibilangan niya. Sa kabuuan, ang kahusayan ng bionote ay nakasalalay
sa pagsasalubong ng nais iparating ng sumulat atkung ano ang gustong malaman ng mambabasa
tungkol sa kanya.
Mga Dapat Lamanin ng Bionote● Personal na impormasyon (pinagmulan, edad, buhay kabataan-kasalukuyan)
● Kaligirang pang-edukasyon (paaralan, digri, at karangalan)
● Ambag sa larangang kinabibilangan ( kontribusyon at adbokasiya)