17
PANAHONG KONTEMPORARYO (Maikling-kwento) Iniulat ni: Baloro, Nessa B. BSED FL 3-1N

Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

PANAHONG KONTEMPORARYO (Maikling-kwento)

Iniulat ni:Baloro, Nessa B.BSED FL 3-1N

Page 2: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

Kontemporaryo – kasalukuyan; napapanahon

• Enero 17,1981- Pag-alis ng Batas-Militar• -Pagsilang ng Bagong Republika• "Isang Bansa, Isang Diwa"• Agosto 21, 1983- pagpaslang kay dating Senador

Benigno "Ninoy" Aquino.• Paglikha ng mga akdang pampuna at nagpapakita

ng tunay na larawan ng lipunang noon ay namamayani

• Nagpatuloy ang liwayway sa paglalathala ng mga akdang likha ng ating manunulat

Page 3: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

Pedro Cruz Reyes Jr. • Mas kilala bilang

Amang Jun Cruz Reyes• Isa sa mga

natatanging muhon ng wikang Filipino

• Assistant Professor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Unibersidad ng Pilipinas (1993-2004)

• Most Outstanding Faculty sa PUP noong 2003

Tondo, Maynila (Hulyo 27, 1974)-makata, priksyon, pintor

Page 4: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

• May libreng workshop sa pagsulat sa Bulacan (kanilang bayan)

• Nasa Creative Writing Center ng PUP• ‘Utos ng Hari’ (1981 ngunit inilathala muli ng U.P.

Press noong 2002)• “Huwag kayong humingi ng respeto at papuri sa

inyong mga akda kung hindi niyo naman ito pinaghirapan,” ani Reyes

Page 5: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

Pagsusuri sa akdang Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes:Mahalaga ang magiging papel ng pagsusuring ito bilang mga guro sa hinaharap sapagkat malalaman natin sa akdang ito ang saloobin ng isang mag-aaral at minsanang halimbawa ng mga estratehiya na ginagamit ng ibang mga guro na ginagawa pa rin sa kasalukuyan. Makikita rin ang unti-unting pagbabago ng paraan ng pagsulat ng Maikling-kwento. Ang ginamit na mga pananalita sa akda ay walang pagtitimpi. Ang Utos ng Hari ay isang uri ng akdang Realismo sapagkat ito ay nagtataglay ng pagiging makakatotohanan sa isang sistema ng isang institusyon. Tunghayan ang suring-kwento:

Page 6: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

SURING-KWENTO: Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes Buhay-estudyante ang tuon ng kwento ni Jun Cruz Reyes.

Sa mga karansan, kaisipan at saloobin ng pangunahing tauhan na si Jojo umikot ang kwento.

 Naipakilala ni Reyes ang pangunahing tauhan bilang isang

estudyante na pasaway sa mata ng mga guro. Malinaw na sinasabi sa kwento na siya ay may pagkamatigas:

 “Only he is stubborn.Papasok ‘yan sa klase ko nang nakainom,para pang nang-iinis na lalapitan ka. Ipaaamoy sa iyo ang

hininga.”

Page 7: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

Bukod dun, si Jojo ay mahilig din mang-inis at manubok sa kakayahan ng guro:

 “Hindi lang ‘yan, minsan gusto pa mandin akong kulitin sa

klasena akala mo’y mahuhuli niya akong

hindi prepared sa lesson ko.Tambakan ko nga ngresearch work, di atras siya.” At kadalasan, lumiliban siya sa klase: “And he is always absent.Sometimes I don’t want to give him an excuse slip

anymore.”

Page 8: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

Sinasalamin ni Jojo ang mga estudyanteng nakakulong sa konsepto ng mapaniil na patakaran ng isang institusyon. Isa siya sa mga estudyante na maraming gustong sabihin pero walang karapatan para isatinig ito kaya napipilitin na lang na itago sa sarili. Maraming oras na gusto niyang isambulat ang kanyang nararamdaman pero hindi maaari kasi alam naman niya na hindi siya pakikinggan. Kung pakikinggan man siya, alam pa rin niya na mababalewala lang din ito.

Page 9: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

Nang araw na yun, sinabihan siya ni Mrs. Moral Character na pumunta sa kanyang cubicle pagkatapos mananghalian. Kinausap siya nito tungkol sa kanyang attitude. Kahit na naiinis na siya, pinilit pa rin niya na ngumiti dahil alam niyang hindi siya mananalo sa guro. Malinaw na isinalaysay sa kwento na bagamat pasaway na estudyante si Jojo, nakukuha pa rin niya ang makinig at ibigay ang respeto nito sa kanyang guro kahit papano.

 Bukas ang isip ni Jojo. Marahil, dala na rin ng kanyanag

pagiging teenager. Nasa antas siya ng pagtatanong-tanong at pagtuklas sa mundo. Masasabi kong matalino siyang estudyante dahil nagagawa niyang tuligsain ang kanyang mga guro.

Page 10: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

Bukod dito, masasabi ko na malawak ang kanyang pag-iisip dahil nagagawa niyang bumuo ng mga diskuro sa isip niya na may kinalaman sa pagtuklas.

Mahirap nga namang mag-aral. Marami kang kailangang ipasang proyekto, papel at kung ano-ano pa para makumpleto ang mga kahingian sa eskwelahan. Hindi pa kasama doon ang paggugol mo ng panahon para pagtiyagaan ang mga guro mong terror at nagteterror-terroran lang. Ang nakaiiritang mga kamag-aral na nagtatali-talinuhan at nagdudunung-dunungan. Sa madaling salita, pakikisama.

Page 11: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

Mahirap makisama sa isang mundo na taliwas sa mundong gusto mong kalagyan. Marahil ito ang naging problema ni Jojo. Marami siyang gustong gawin sa buhay niya. Marami siyang gustong patunayan sa sarili niya maging sa mga taong nasa paligid niya. Subalit hindi niya alam kung saan magsisimula. Hindi niya alam kung paano magsisimula. Dahil alam niya na hindi tatanggapin ng mundong kinalalagyan niya ang mga galaw na gusto niyang gawin.

Page 12: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

Bukod kay Jojo, binigyang-buhay rin sa kwento ang isang Mrs. Moral Character. Guro siya ni Jojo.

 Makikita sa kwento, sa pagsasalaysay ni Reyes, ang

iba’t ibang mukha ng guro: Ang pagiging perfectionist sa bawat detalye, ang pagiging moralist, at ang pagiging intruder nito sa personal na buhay ni Jojo.

Perfectionist. Bilang isa Mrs. Moral Character na nagtuturo ng social science, gusto niya na laging tama at may batayan ang sinasagot ng kanyang mga estudyante sa oras ng kanilang diskusyon:

Page 13: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

Moralist. Walang duda. Kaya siya tinawag na Mrs. Moral Character dahil lagi siyang nangangaral kaya nasasabihang maraming alam.

At higit sa lahat, isang intruder. Pakialemera sa buhay ng may buhay, lalo na sa mga personal na bagay, itong si Mrs. Moral Character nang bigla nitong sabihin kay Jojo na:

“They saw you in the chapel…”

Page 14: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

Bagamat ganoon ang pagbibigay-suri sa guro na nasa kwento, hindi ko naman sinasabi na  ang mga guro ay isang malaking “antagonist” sa kwento. Oo. Maraming pagkakataon na perfectionist ang mga guro. Dahil gusto nilang matuto ang kanilang mga estudyante. Mula sa pananaliksik hanggang sa kung paano mo ilalatag ito sa klase. Gusto nila na tinatahak mo ang sinasabi ni PNoy na tuwid na landas kaya lagi silang nagpapaalala sa mga tama at kagandahang asal. Pero ang tanong, pati nga ba ang personal na buhay ay kailangan nilang panghimasukan?

Page 15: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

Ang Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes ay nagpapakita ng realidad sa buhay-eskwela. Ang buhay ng isang pasaway na estudyante na may pasaway ring tropa. Ang pasaway na estudyante na kahit bata pa ay may kasintahan na. Ang pasaway na estudyante na may pasaway ring mga guro, tunay na makikita ang kasalukuyang kalakaran sa eskwelahan. Bagamat limitado ang galaw ng bawat tauhan sa kwento, nabigyang hustisya ni Reyes ang pagpapakita ng realismo sa kanyang akda.

Page 16: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

Ako, bilang estudyante, ramdam ko ang nararamdaman ni Jojo. Isang estudyante na gustong kumawala sa pagkakagapos sa tradisyunal na sistema ng edukasyon. Gustong maging malaya. Masabi ang lahat ng hinaing na hindi lang basta-basta pinakikinggan kundi malugod na natatanggap at nabibigyang-tugon.

Ako, bilang isang guro, nauunawaan ko rin ang gustong ipahiwatig ng mga gurong tauhan sa kwento. Na tayong mga guro, ang nais lang sa mga estudyante ay ang matuto sila at maisabuhay lahat ng kaalamang naibibigay natin sa kanila.

Page 17: Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes

http://varsitarian.net/filipino/paghirapan_ang_akda  

http://www.panitikan.com.ph/content/jun-cruz-reyes

http://jigjanemverlen.tripod.com/new_page_5.html.htm

 http://kislapdiwa.blogspot.com/2012/09/suring-

kwento-utos-ng-hari-ni-jun-cruz.html