Upload
happy-nezza-bolongaita
View
20
Download
7
Embed Size (px)
Citation preview
John Marco C. Bajana Mahan Bernadette A. Lagadia Stephen Nap P. Saroca Eianna Faye V. Tagalog Happy Nezza B. Aranjuez Jenella Mae P. Todoc
Shaica S. Cordez 10 – Einstein
Lumaki ako sa pook na kailan man ay di natuyo ang mga halaman kung saan mayabong ang mga punong luntian
mabulaklak at maberde ang kapaligiran kailan ma'y hindi kami nakaranas ng lupang tigang
ngunit habang ako'y tumatanda't nagkakaisip
unti-unti kong nabatid ang palagiang pagdilim ng paligid ang sabi ng mga magulang ko'y natural na iyon natural nang magkaroon ng sigwa at daluyong
hindi raw mapipigilan ang bawat unos
hindi ko na inalintana ang kanilang mga sinabi pagkat alam kong ako’y buhay pa at nasa mabuting kalagayan,
alam kong di ko kailangang pangambahan ang ulan ang ulang naghatid sa amin ng buhay at nagsilbing kanlungan
ngunit sa paglipas ng mga panahon
napagtanto kong hindi na pangkaraniwan ang nilalandas at lakas ng ihip ng hangin biglang nag-iba, lumihis ang tinatahak
ng dating payapa at malamig na simoy ng hangin
kaya't ako'y nagtaka at ako rin ay nasabik nang lumusong ako sa ulan isang gabi
kahit ang mapamasong ginaw ng ihip ay kumapit
di ito inalintana ng braso kong sa lamig ay namimilipit
habang binabagtas ko ang daan sa ilalim ng mapaminsalang ulan biglang pumasok sa aking isipan
ang kanilang sinambit ba noon ay pawang mga kasinungalingan? sadyang hindi makatotohanan
na ang unos na ito'y pangkaraniwan marami na ang naaapektuhan
ito'y di ko na kayang pagdaanan
lumakas ang kulog at kidlat ngayon lang sa ganitong pangyayari ang mata ko’y namulat
dumating ang bagyong kailanma’y di ko inasahan bumaha at napuno ng tubig ang kapaligiran
madilim, mahangin, malamig napakadilim, napakamahangin, napakalamig napakabagsik, napakalakas, napakalupit
napakabagsik ng katotohanan masyadong malakas at di ko matakasan
ang malupit na trahedya na nasa aking harapan
may magagawa pa ba ang kanilang mga payo? May maitutulong ba ang payong na hawak ko? Upang hindi malunod sa bahang hain ng bagyo
At nang magawa ko pang umahon mula sa siphayo?
Tingin ko’y ito na ang dapat kong kasadlakan Malagim man ay ito ang katotohanan
Ang realidad na nararanasan ng lipunan Ay ang bagyong nagsimula sa simpleng ulan