13
Stem Cells at Cloning Inihandog ni: Kat Aquino

Stem Cell

  • Upload
    laducla

  • View
    534

  • Download
    6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Stem Cell

Stem Cells at CloningInihandog ni: Kat Aquino

Page 2: Stem Cell

Ano ang mga stem cell?

Sa araling biyolohiya, ang mga stem cell ay isang klaseng selulo na wala pang kadalubhasaan. Kung baga hindi pa ito nabubuo ng espesipikong selulo halimbawa para sa bituka, atay, puso, at iba pang mga organo. Parang ito ay ang saligang istruktura ng isang selulo bago ito maging isang espesipikong selulo. Depende sa pinangalingan ng stem cell, ito ay puwedeng lumaki para maging anumang klaseng selulo ng ating katawan.

http://www.newscientist.com/blogs/shortsharpscience/2011/10/18/Embryonic_stem_cells.jpg

Page 3: Stem Cell

Para saan ang mga stem cell?

Dahil sa natatangi kakayahan at napakaespesyal na kakayahan ng stem cell, ito ay ginagamit sa paggamot ng leukemia at ng mga iba pang sakit sa dugo at utak ng buto.

Sa leukemia, na isang sakit na kanser, kailangang sunugin ang masamang selulo ng kanser. Itong proseso ay tinatawag na “chemotherapy.” Pagkatapos nito, kailangan ng pasyente ng mga malulusog na pulang selulo ng dugo at dito ay importante ang paggamit ng stem cells para paramihin ang pulang selulo ng dugo.

Ito pa lang ang kasulukuyang paggagamitan ng stem cells para sa paggamot ng sakit.

http://theycallmebetty.files.wordpress.com/2013/11/leukemia.jpg

Page 4: Stem Cell

Pananaliksik para sa kinabukasan

May iba’t ibang taong nagsasaliksik kung paano gamitin ang mga stem cells kagaya sa pagpapalaki ng mga organo ng katawan para sa mga nangangailangan ng “transplant,” na talagang makakatulong sa sangkatauhan. Hindi pa ito nagagawa sa ngayon, pero kapag na-clone na natin ang ating organo (at ito ay talagang posible sa harap) ano pa kaya ang puwede nating i-clone?

http://cloningbasicsforkids.files.wordpress.com/2011/01/stemcell.png

Page 5: Stem Cell

Ang problema sa paggamit ng mga

stem cell Sa puntong etikal at moral,

puwede ba nating i-clone ang mga hayop? Ang tao kaya?

Hindi ito mabuti para sa ating lipunan. Tignan na natin kung bakit.

http://listcrux.com/wp-content/uploads/2014/01/cloning.jpg

Page 6: Stem Cell

Una1. Hindi etikal ang pagkokopya ng isang tao

na eksaktong kapareha ng pinagkopyahan. Halimbawa, kapag kaya natin itong gawin, puwede ba nating gamitin ang isang clone bilang kopya ng ating organo kung sakaling kailangan ng isang tao para sa pagta-transplant ng mga sariling organo? At kung pinatay natin ang clone, kapag hindi na natin kailangan, pagpatay ng tao ba yun? Talagang tao ba ang isang clone?

Page 7: Stem Cell

Ikalawa2. Hindi ito natural. Ipinanganganak ang tao,

hindi nililikha sa laboratoryo.

Pero paano yung “in-vitro?” Hindi naman eksaktong kopya ng tao ang paggamit ng “in-vitro.” Ginagamit ang isang itlog ng babae at ang tamod ng lalaki para gumawa ng “fertilized embryo.” Ang kaibahan ay hindi ito nangyayari sa loob ng babae, kundi sa laboratoryo. Kapag ito ay nagtagumpay, ipinapasok din sa matres o “uterus” ng babae.

Page 8: Stem Cell

Ikatlo3. Kapag sinabi natin na talagang tao ang

isang clone, kailangan ng buong mundo na gumawa ng batas para pareho ang ating pagtrato sa mga clone. Malamang, hindi ito susundin ng ibang tao na may masamang balak, at magiging isang problema ito.

Hal. Pang-aalipin o “slavery”

Page 9: Stem Cell

Ikaapat4. Magiging problema ang populasyon ng

mundo. Hindi husto para sa lumalaking populasyon ang mga mapagkukunan ng mga pangangailangan sa ating mundo.

Eofdreams.com

Page 10: Stem Cell

Ang posibilidad na mag-clone ng isang tao ay nagsimula lang sa pangangailangan ng organo para palitan ang mga organo na hindi na gumagana. Imbes na i-clone ang mga organo, may ibang paraan na posible.

Page 11: Stem Cell

Solusyon May ibang paraan na paglikha ng

malusog na organo para sa pagta-transplant sa mga nangangailangan nito sa halip ng pagko-clone.

Ang saligang ideya ay ito: kukunin ang organo galing sa baboy at aalisin ang mga selulo hanggang makakuha ng organo na magagamit ng katawan ng tao. Itong organo ay puwedeng pasukan ng dugo ng tao at magiging isang gumaganang organo na puwedeng gamitin o i-transplant sa pasyente.

http://www.cleveland.com/healthfit/index.ssf/2012/08/ghost_heart_a_framework_for_gr.html

Page 12: Stem Cell

Katapusan Marami ang magagawang kabutihan para sa

kalusugan ng tao. Pero ang posibilidad na mag-clone ng isang tao galing sa mga stem cells ay nagbabadya ng malaking suliranin sa lipunan at sangkatauhan sa punto ng moralidad.