Upload
scps
View
3.559
Download
146
Embed Size (px)
Citation preview
Tekstong Naratibo
•Magsalaysay ng mga simpleng pangyayaring naganap kanina bago ka pumasok kanina.
•Ikwento ang mga naganap sa iyo buong araw kahapon.
Ang Tesktong Naratibo
Ang tekstong naratibo o pasalaysay ay tumutukoy sa
tekstong naglalahad ng katotohanan o impormasyon tungkol sa mga pangyayaring
naganap, nagaganap o magaganap pa lamang
Ang Tesktong Naratibo
Ang tekstong naratibo ay karaniwang kronolohikal o
nakabatay sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, bagamat sa
tekstong literi, madalas naman ang paggamit ng flashback
Ang Tesktong Naratibo
Bagamat karaniwa’y katotohonan at impormasyon ang nilalaman ng
tekstong naratibo, maari rin naman sumulat ng tekstong naratibo
nagsasalaysay ng mga pangyayaring pawing kathang-isip lamang
Ang Tesktong Naratibo
Ang tekstong naratibo ay ginagamit din sa mga ulat na naglalahad ng mga aktibidad ng isang kumpanya o organisasyon, testimonya ng saksi sa isang krimen o pangyayari, tala o record ng mga obserbasyon ng isang doctor, puna o mungkahi ng guro sa report card ng estudyante, at iba pang katulad nito
Mga Paksa sa Pagbuo ng Naratibong
Komposisyon
Ito ay panawang pansin ng pasulat na narasyon, kung hindi mabuti ang pamagat niyon, malamang na walang magkakainteres na basahin yon. Samakatuwid, upang maging mabuti ang pamagat, kailangang taglayin niyon ang mga sumusunod na katangian:a.Maiklib.Kawili-wili o kapana-panaikc.Nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng wakas
d. Orihinal o hindi palasake. Hindi katawa tawa, kung ang komposisyon ay wala naming layunin ng magpatawa f. May kaugnayan o naaangkop sa paksang diwa ng komposisyon
Kung gaano kahalaga ang isang naratibong diskurso, gayundin naman ang paksa niyon. Tandaang ang isang akdang nauukol sa isang walang kuwetong paksa ay nagiging walang kwentang akda. Nasa orihinalidad ang buhay ng isang narasyon.
ibat-ibang ayos ng pagkakasunod-sunod ng isang narasyon:
Simula --- Gitna --- WakasGitna o dakong wakas ---- Simula --- WakasWakas --- Simula --- tunay na wakas
Bukod sa pamagat,ito ay ang pang akit din sa mga mambabasa. Nagsisilbi itong pwersang tumutulak sa mga mambabasa upang ipagpatuloy ang pagbabasa. Ito rin ay nararapat lamang ng maging tiyak at
tuwiran. “Magsimula sa simula” ang payo ng maraming manunulat. Aksyon agad ika
nga.
Hindi na kailangan ng palioy ligoy sa na introduksyon tulad ng noong unang
panahon, isang araw, habang, minsan, may isang at ang kwentong
ito ay tungkol sa. Ang ganitong simula ay paso/laos na.
Dapat maging kawili-wili upang makintal ang ang bias ng narasyon.
Iwasan ang prediktabol na wakas. (Mas mabuti kung) lagyan ng twist na
makatwiran ang narasyon. Iwasan ang paligoy ligoy. Isunod agad
ang wakas pagkatpos ng kasukdulan. Iwasan ang pangangaral sa wakas.