Upload
scps
View
1.861
Download
117
Embed Size (px)
Citation preview
Ang Tekstong Persweysib
Ano ang pinakapaborito
mong tv commercial sa kasalukuyan?
Iba’t ibang uri ng Mga
Propaganda Device
Name Calling- pagbibigay ng hindi
magandang taguri sa isang produkto o
katunggali upang hindi tangkilikin.
Glittering Generalities- ang magaganda at
nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga
paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
Transfer- paggamit ng isang
sikat na personalidad upang mailipat sa isang
produkto o tao ang kasikatan.
Testimonial- kapag ang isang sikat
na tao ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o
produkto.
Plain Folks- mga kilala o tanyag
na tao ay pinapalabas na ordinaryong tao na
nanghihikayat sa produkto o serbisyo.
Card stacking- ipinakikita ang lahat ng magagandang
katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit
ang hindi magandang katangian.
Bandwagon- hinihimok ang lahat
na gamitin ang isang produkto o sumali sa
isang pangkat dahil lahat ay sumali na.
-layunin na manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.
- isinusulat upang mabago ang takbo ng pag-iisip ng mambabasa at makumbinsi ito sa punto ng manunulat at hindi sa iba, siya ang tama.
- may subhetibong tono sapagkat malayang ipinapahayag ng manunulat ang kanyang opinyon at paniniwala ukol sa isyu.
- ginagamit sa mga iskrip ng patalastas, propaganda sa eleksyon, pagrerecruit para sa networking, editoryal at mga artikulo.
Tatlong Paraan ng Panghihikayat ayon
kay Aristotle
Ethostumutukoy sa
kredibilidad ng manunulat.
- dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na malawak ang kanyang kaalaman at karanasan sa isinusulat.
- ang estilo ng pagsulat ay mahalaga upang magkaroon
ng kredibilidad. Dapat maisulat nang malinaw at
wasto ang mga impormasyon upang lumabas na hitik sa kaalaman at mahusay ang
sumulat.
PathosGamit ng emosyon o
damdamin upang mahikayat ang mambabasa.
- Ayon kay Aristotle karamihan sa mga
mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon.
Ang paggamit ng kanilang paniniwala at pagpapahalaga ay isang epektibong paraan
sa pangungumbinsi.
LogosTumutukoy sa paggamit
ng lohika upang makumbinsi ang
mambabasa.
- Kailangan mapatunayan ng manunulat sa mga
mambabasa na batay sa impormasyon at datos na
kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto
de vista ang dapat paniwalaan.
- Gayunpaman madalas na pagkakamali ng mga
manunulat ang paggamit ng ad hominem fallacy, kung
saan ang manunulat ay sumasalungat sa personalidad
ng katunggali at hindi sa pinaniniwalaan niro.
Elemento ng Tekstong Persweysib
Malalim na Pananaliksik. - alam ng isang manunulat ang
pasikot sikot ng isyung tatalakayin sa pamamagitan ng pananaliksik tungkol
dito.
Elemento ng Tekstong Persweysib
Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa.
- kailangang mulat at maalam ang manunulat sa iba’t ibang laganap na persepsyon at paniniwala tungkol sa
isyu at simulan ang argumento mula sa paniniwalang ito.
Elemento ng Tekstong Persweysib
Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu.
- upang epektibong masagot ang laganap na paniniwala ng mga
mambabasa.