24
Mga Teoryang Pampanitikan

Teoryang pampanitikan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Teoryang pampanitikan

Citation preview

Mga Teoryang Pampanitikan

Teoryang Bayograpikal Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang

karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Teoryang Historikal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Teoryang Romantisismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

Teoryang Sosoyolohikal Sa pananaw Sosyolohikal, hindi ang akda o teksto ang

pinagtutuunan ng pansin kundi ang konteksto nito at ang impluwensya na nagbibigay hugis dito – halimbawa, ang talambuhay ng may-akda, ang kalagayang politikal nang maisulat ang akda, maging ang mga tradisyon na maaring nakaimpluwensya dito, at iba pa.

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

Sa pag-aanalisa ng isang akdang pampanitkan, ang mga kritiko ay gumagamit ng mga kategorya mula sa sosyolohiya tulad ng uri ng kinabibilangan, sekswalidad, istrukturang panlipunan, sosyalisasyon, at iba pa. May kalayaan ang kritiko na sakupin ang lalong malawak na larangang kontekswal ng akda. Maisasangkot niya ang buong lipunan – politika, etika, kultura, ekonomiya, pilosopiya, at iba pa upang lubos na maunawaan ang akda, dahil ang mga ito rin naman ang nagbibigay hugis sa kabuuan ng akda.

Pananaw Arketipal

Ang arketipal o mitolohikal na pagdulog ay nahahawig sa pananaw Sikolohikal, na nakatuon ang atensyon sa paraan ng paglikha at ang epekto nito sa mambabasa. Ngunit higit na malawak ang sinasaklaw ng pananaw Arketipal, dahil ang buong kalipunan ng mga sagisag o simbolo at imahen na lumilitaw sa teksto ng pandaigdigang kultura ang masusing pinagtutuunan nito ng pansin.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.

Hindi lamang ang proseso ng paglikha ang sinusuri sa pananaw Arketipal, kundi maging ang mismong ugat ng panitikan hanggang sa kailaliman ng kamalayan.

Mapapansin sa mga akdang kababakasan ng pananaw Arketipal ang sumusunod ayon kay Soledad S. Reyes(kinikilalang kritiko sa panitikan):

Ang tauhan na humahamon sa kapangyarihan ng makapangyarihang mga diyos ay pundamental na elemento ng maraming akda.

Ang konsepto ng isang escape goat bilang sakripisyo para sa kapakanan ng iba o nakararami.

Pananaw Feminsmo

Pinagtutuunan ng pananaw Feminismo ang kalagayan o representasyon ng kababaihan sa isang akda. Layunin nito na baguhin ang mga de-kahong imahen o paglalarawan sa kababaihan sa anumang uri ng panitikan.

Layunin ng pananaw na ito na masuri ang mga akdang pampanitikan sa paningin o perspektiba ng babae. Dahil sa matagal na panahon, halos mga lalaki ang nagsusuri kung kaya hindi man maka-lalaki ang pananaw, ay nagtatanghal lamang ng mga nagawa ng kalalakihan.

Kapansin-pansin sa mga akdang mulat sa Feminismo, na ang tauhang babae ay aktibong nakikilahok sa mahahalagang pangyayari sa kwento, may sariling pananaw, at higit sa lahat, may paninindigan bilang tao. Hindi tagasunod lamang, kundi tagapanguna ng isang pagbabago.

Teoryang Kultural

Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

Pananaw Sikolohikal

Sa pananaw Sikolohikal, ang pinagtutuunan ng pansin ng kritiko ay ang proseso ng paglikha at ang ugnayan ng may-akda at ng kanyang akda. Sinisikap masagot ng pananaw Sikolohikal ang mga tanong na: Paano nagsisimula ang sining? Sino ang pinanggagalingan nito? Ano ang papel at katangian ng may-akda.

Maraming aspekto ang pananaw Sikolohikal. Ang mismong akda ay maaring suriin ng isang kritiko, maging ang mga tauhan sa loob ng akda, ang mga motibasyon nito, ang epekto ng nakaraan sa kanila, at maging ang relasyon nila sa isa’t isa. Bukod dito, maari rin namang maging tuon ng isang kritiko sa pagsusuri – na may sapat na kaalaman sa siyensya ng sikolohiya at psychiatry – ang mga simbolismo, sagisag, o imahen na matatagpuan sa mismong akda.

Pagdulog na Moralistiko

Sa akdang pampanitikan nakapaloob ang pagtalakay sa kaasalan, kaisipan at damdamin ng tao. Ayon kay Ruskin (1965) “itaas ang ating pagpapasya o panlasa upang makaabot sa kinikilalang matapat at tumpak sa tunay na buhay,bigyan tayo ng pagkakataong makisalamuha ng mga lalong marunong na kapwa diwa natin sa lahat ng panahon at sa lahat ng bayan, bagamat tayo’y dukha at di-kilala at tumulong sa pagpapahatid ng malinaw na layunin sa lalong nalalayong pook…” Tinatalakay ang immoral at moral na isyo sa akda. Ngunit bigyang pansin ang kultura, pamumuhay, paniniwala, batas, tradisyon, pamantayan ng isang bansa.

Pananaw Eksistensiyalismo

Sa pananaw Eksistensiyalismo, dapat igalang ang kalayaan, pagka-responsable, at indibidwalismo ng bawat tao – ng manunulat o ng mambabasa. Walang maaaring magsabi kung alin ang tama o mali, ang totoo o malikmaata, importante o walang silbi, maliban lamang sa mismong taong nakaranas nito.

Sa madaling-salita, ang pananaw Eksistensiyalismo, bilang isang teorya ng panitikan ay hindi teorya kundi isang paniniwala – paniniwalang hindi tunay o totoo ang buhay kung ito ay nakakulong sa isang sistema ng paniniwala.

Sa teoryang Eksistensiyalismo, ang bawat tao ay may kalayaang pumili sa kanyang sarili. Dahil sa kalayaang ito, ang tao ay responsible sa anumang maaaring kahinatnan o maging resulta ng kanyang ginawang pagpili.

Sa mga akdang pampanitikan, tulad ng nobela, ang Eksistensiyalismo ay nakikita sa mga tauhan o karakter na may kalayaang pumili para sa kanilang sarili. Taglay ng mga tauhang ito ang katatagan o kung minsan ay kahinaan, upang hamunin o tanggapin ang resulta ng kanilang kalayaang pinili.

Teoryang Realismo Sa teoryang realismo, higit na mahalaga ang

katotohanan kaysa kagandahan. Hangad ng Realismo ang makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan, at alin pa mang pwedeng mapatunayan sa pamamagitan ng pag-iisip ng tao.

Higit na binibigyang-pansin ng Realismo ang paraan ng paglalarawan at hindi ang uri ng paksa ng isang akda. Kahit na ang paksa ay buhay ng mababa o pangkaraniwang tao at hindi ng mayayamang tao (gaya ng Klasismo), tanggap pa rin ito sa panitikan. Ang tunay na mahalaga ay ang pagiging obhetibo ng awtor.

Para sa realista, walang tigil ang pagbabago. Ang tauhan ng isang akda ay dapat na maipakitang nagbabago nang walang tigil, kung hindi man sa kanyang pisikal na anyo, ay sa kanyang sikolohikal, intelektwal, ispiritwal,o emosyonal na katauhan. Ang kalikasan at ang ugnayan ng mga tao sa isa’t isa ay mahahalagang salik sa pagbabago at pag-unlad ng tao mismo.

Isa sa mga simulain ng mga realista ay maipakita ang mahahalagang papel ng kapaligiran, hindi lamang ang mga detalye ng pook at panahon, kundi maging ang mga pwersang panlipunan na nagtatakda sa kilos, gawi, at pag-iisip ng tao.

Teoryang Humanismo

Sa teoryang humanismo, ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin ang naging pangunahing paksa sa pananaw na ito. Ito ang nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, at dahil dito ay ginawang panukatan o pamantayan para sa lahat ng tao.

Pananaw Marxismo (Karl Marx at Freidrich Engels) Sa pananaw Marxismo, binibigyang-diin

ang tunggalian at ang labis na pagkakaiba ng mga uri sa lipunan. Nagbibigay rin ito ng malawakang solusyon sa kawalan ng katarungan sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga programang magpapalaya sa mga manggagawa. Ang panitikan sa ganitong pananaw ay instrumento ng pagbabago o behikulo upang gisingin ang kamalayan ng tao sa kanilang kalagayang api.

Mga Katangian ng Akdang Kababakasan ng Pananaw Marxismo:

Hindi maihihwalay ng kritiko ang akda sa konteksto nito sa lipunan at sa panahong naisulat ito.

Maaring maihiwalay ang laman (content) at anyo (form) ng akda sa pagsusuri.

Mahalagang kilalanin ang manunulat ng akda, ang uring kanyang kinabibilangan, at ang mga impluwensya sa kamalayan niya.

Teoryang Dekonstruksyon

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

Teoryang Arketipo ipakita ang mga mahahalagang

bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo

na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa.

Kailanganan ng tagapagsuri ang kaalamang sikolohikal, pangkasaysayan, moral, antropolohikal (agham ng tao), gayundin ang mga disiplina ng panitikan at pilosopiya.- kultura

Sanggunian:

Ortiz, Allan et.al. 2003, 2005. Lipi III. Hope Publication, Inc. Las Pinas City.

Ortiz. Allan, Gonzalvo, Romeo. 2010. Salitikan III. Hope Publication, Inc. Las Pinas City

http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html

http://allanortiz.webs.com/handoutsandlessons.htm