10
Teoryang Pampanitikan 1.Teoryang Realismo Sa teoryang realismo, higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan. Hangad ng Realismo ang makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan, at alin pa mang pwedeng mapatunayan sa pamamagitan ng pag-iisip ng tao. Higit na binibigyang-pansin ng Realismo ang paraan ng paglalarawan at hindi ang uri ng paksa ng isang akda. Kahit na ang paksa ay buhay ng mababa o pangkaraniwang tao at hindi ng mayayamang tao (gaya ng Klasismo), tanggap pa rin ito sa panitikan. Ang tunay na mahalaga ay ang pagiging obhetibo ng awtor. Para sa realista, walang tigil ang pagbabago. Ang tauhan ng isang akda ay dapat na maipakitang nagbabago nang walang tigil, kung hindi man sa kanyang pisikal na anyo, ay sa kanyang sikolohikal, intelektwal, ispiritwal,o emosyonal na katauhan. Ang kalikasan at ang ugnayan ng mga tao sa isa’t isa ay mahahalagang salik sa pagbabago at pag-unlad ng tao mismo. Isa sa mga simulain ng mga realista ay maipakita ang mahahalagang papel ng kapaligiran, hindi lamang ang mga detalye ng pook at panahon, kundi maging ang mga pwersang panlipunan na nagtatakda sa kilos, gawi, at pag-iisip ng tao. 2. Teoryang Dekonstruksyon Sa teoryang Dekonstruksyon, binibigyang-diin ang kamalayan ng manunulat at ng mambabasa bilang mga produkto ng social discourse na nakasulat. Ang akda ay nagsisilbing produkto ng isang may-akda na tagapagdala o kaya tagapag-ingat ng isang tradisyong pang-intelektwal at pampanitikan.

Teoryang pampanitikan handout 2

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Teoryang pampanitikan

Citation preview

Page 1: Teoryang pampanitikan handout 2

Teoryang Pampanitikan

1.Teoryang Realismo

Sa teoryang realismo, higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan. Hangad ng Realismo ang makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan, at alin pa mang pwedeng mapatunayan sa pamamagitan ng pag-iisip ng tao.

Higit na binibigyang-pansin ng Realismo ang paraan ng paglalarawan at hindi ang uri ng paksa ng isang akda. Kahit na ang paksa ay buhay ng mababa o pangkaraniwang tao at hindi ng mayayamang tao (gaya ng Klasismo), tanggap pa rin ito sa panitikan. Ang tunay na mahalaga ay ang pagiging obhetibo ng awtor.

Para sa realista, walang tigil ang pagbabago. Ang tauhan ng isang akda ay dapat na maipakitang nagbabago nang walang tigil, kung hindi man sa kanyang pisikal na anyo, ay sa kanyang sikolohikal, intelektwal, ispiritwal,o emosyonal na katauhan. Ang kalikasan at ang ugnayan ng mga tao sa isa’t isa ay mahahalagang salik sa pagbabago at pag-unlad ng tao mismo.

Isa sa mga simulain ng mga realista ay maipakita ang mahahalagang papel ng kapaligiran, hindi lamang ang mga detalye ng pook at panahon, kundi maging ang mga pwersang panlipunan na nagtatakda sa kilos, gawi, at pag-iisip ng tao.

2. Teoryang Dekonstruksyon

Sa teoryang Dekonstruksyon, binibigyang-diin ang kamalayan ng manunulat at ng mambabasa bilang mga produkto ng social discourse na nakasulat. Ang akda ay nagsisilbing produkto ng isang may-akda na tagapagdala o kaya tagapag-ingat ng isang tradisyong pang-intelektwal at pampanitikan.

Ang dekonstruksyon ay tinatawag ding Post-istrakturalismo. Ibig sabihin nito, hindi lamang wika ang binubusisi, kundi pati na rin ang teorya ng realidad o pilosopiya at kung paanong hinuhubog nito ang kamalayang panlipunan. Sinasabing ang maingat na paggamit ng Istrukturalismo ay halos walang pinagkaibahan sa Dekontruksyon dahil sa wika rin pinapanday ang kamalayang pansarili at panlipunan.

Iba pang simulain ng teoryang Dekonstruksyon:a) Ang kahulugan ng akda ay nasa kamalayan ng

gumagamit nito at wala sa akda mismo. Habang isinusulat ang akda, ang kahulugan nito ay nasa kamalayan ng may-akda o manunulat. Ngunit oras na ang akda ay nasa kamay na ng mababasa, ang kahulugan ng akda ay nasa mambabasa na.

Page 2: Teoryang pampanitikan handout 2

b) Maaring maraming maging kahulugan ang isang akda.c) Ang akda ay may tiyak na kahulugan dahil sa

katiyakang likha ito ng tao.

3. Pananaw Arketipal

Ang arketipal o mitolohikal na pagdulog ay nahahawig sa pananaw Sikolohikal, na nakatuon ang atensyon sa paraan ng paglikha at ang epekto nito sa mambabasa. Ngunit higit na malawak ang sinasaklaw ng pananaw Arketipal, dahil ang buong kalipunan ng mga sagisag o simbolo at imahen na lumilitaw sa teksto ng pandaigdigang kultura ang masusing pinagtutuunan nito ng pansin.

Sa pananaw Arkitipal, matatagpuan sa akda ang mga huwaran o pardon at kaayusan ng buhay na makikita rin sa halos lahat ng uri ng tao sa daigdig. Halimbawa ng arketipong tauhan ay ang bayani sa mga epiko, na matipunong lalaki at may pambihirang kapangyarihan na kayang iligtas ang sambayanan sa kapahamakan. At bilang gantimpala sa kanyang katapangan, mapapangasawa niya ang pinakamagandang dilag sa kanilang lugar.

Hindi lamang ang proseso ng paglikha ang sinusuri sa pananaw Arketipal, kundi maging ang mismong ugat ng panitikan hanggang sa kailaliman ng kamalayan.

Mapapansin sa mga akdang kababakasan ng pananaw Arketipal ang sumusunod ayon kay Soledad S. Reyes(kinikilalang kritiko sa panitikan):

a) Ang tauhan na humahamon sa kapangyarihan ng makapangyarihang mga diyos ay pundamental na elemento ng maraming akda.

b) Ang konsepto ng isang escape goat bilang sakripisyo para sa kapakanan ng iba o nakararami.

4. Pananaw Sosyolohikal

Sa pananaw Sosyolohikal, hindi ang akda o teksto ang pinagtutuunan ng pansin kundi ang konteksto nito at ang impluwensya na nagbibigay hugis dito – halimbawa, ang talambuhay ng may-akda, ang kalagayang politikal nang maisulat ang akda, maging ang mga tradisyon na maaring nakaimpluwensya dito, at iba pa.

Sa pag-aanalisa ng isang akdang pampanitkan, ang mga kritiko ay gumagamit ng mga kategorya mula sa sosyolohiya tulad ng uri ng kinabibilangan, sekswalidad, istrukturang panlipunan, sosyalisasyon, at iba pa. May kalayaan ang kritiko na sakupin ang lalong malawak na larangang kontekswal ng akda. Maisasangkot niya ang buong lipunan – politika, etika, kultura, ekonomiya, pilosopiya, at iba pa upang lubos na maunawaan ang akda, dahil ang mga ito rin naman ang nagbibigay hugis sa kabuuan ng akda.

Page 3: Teoryang pampanitikan handout 2

5. Pananaw Feminsmo

Pinagtutuunan ng pananaw Feminismo ang kalagayan o representasyon ng kababaihan sa isang akda. Layunin nito na baguhin ang mga de-kahong imahen o paglalarawan sa kababaihan sa anumang uri ng panitikan.

Layunin ng pananaw na ito na masuri ang mga akdang pampanitikan sa paningin o perspektiba ng babae. Dahil sa matagal na panahon, halos mga lalaki ang nagsusuri kung kaya hindi man maka-lalaki ang pananaw, ay nagtatanghal lamang ng mga nagawa ng kalalakihan.

Kapansin-pansin sa mga akdang mulat sa Feminismo, na ang tauhang babae ay aktibong nakikilahok sa mahahalagang pangyayari sa kwento, may sariling pananaw, at higit sa lahat, may paninindigan bilang tao. Hindi tagasunod lamang, kundi tagapanguna ng isang pagbabago.

6. Pananaw Sikolohikal

Sa pananaw Sikolohikal, ang pinagtutuunan ng pansin ng kritiko ay ang proseso ng paglikha at ang ugnayan ng may-akda at ng kanyang akda. Sinisikap masagot ng pananaw Sikolohikal ang mga tanong na: Paano nagsisimula ang sining? Sino ang pinanggagalingan nito? Ano ang papel at katangian ng may-akda.

Maraming aspekto ang pananaw Sikolohikal. Ang mismong akda ay maaring suriin ng isang kritiko, maging ang mga tauhan sa loob ng akda, ang mga motibasyon nito, ang epekto ng nakaraan sa kanila, at maging ang relasyon nila sa isa’t isa. Bukod dito, maari rin namang maging tuon ng isang kritiko sa pagsusuri – na may sapat na kaalaman sa siyensya ng sikolohiya at psychiatry – ang mga simbolismo, sagisag, o imahen na matatagpuan sa mismong akda.

7. Pananaw Marxismo (Karl Marx at Freidrich Engels)

Sa pananaw Marxismo, binibigyang-diin ang tunggalian at ang labis na pagkakaiba ng mga uri sa lipunan. Nagbibigay rin ito ng malawakang solusyon sa kawalan ng katarungan sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga programang magpapalaya sa mga manggagawa. Ang panitikan sa ganitong pananaw ay instrumento ng pagbabago o behikulo upang gisingin ang kamalayan ng tao sa kanilang kalagayang api.

Mga Katangian ng Akdang Kababakasan ng Pananaw Marxismo:

a) Hindi maihihwalay ng kritiko ang akda sa konteksto nito sa lipunan at sa panahong naisulat ito.

b) Maaring maihiwalay ang laman (content) at anyo (form) ng akda sa pagsusuri.

Page 4: Teoryang pampanitikan handout 2

c) Mahalagang kilalanin ang manunulat ng akda, ang uring kanyang kinabibilangan, at ang mga impluwensya sa kamalayan niya.

8. Pananaw Eksistensiyalismo Sa pananaw Eksistensiyalismo, dapat igalang ang kalayaan,

pagka-responsable, at indibidwalismo ng bawat tao – ng manunulat o ng mambabasa. Walang maaaring magsabi kung alin ang tama o mali, ang totoo o malikmaata, importante o walang silbi, maliban lamang sa mismong taong nakaranas nito.

Sa madaling-salita, ang pananaw Eksistensiyalismo, bilang isang teorya ng panitikan ay hindi teorya kundi isang paniniwala – paniniwalang hindi tunay o totoo ang buhay kung ito ay nakakulong sa isang sistema ng paniniwala.

Sa teoryang Eksistensiyalismo, ang bawat tao ay may kalayaang pumili sa kanyang sarili. Dahil sa kalayaang ito, ang tao ay responsible sa anumang maaaring kahinatnan o maging resulta ng kanyang ginawang pagpili.

Sa mga akdang pampanitikan, tulad ng nobela, ang Eksistensiyalismo ay nakikita sa mga tauhan o karakter na may kalayaang pumili para sa kanilang sarili. Taglay ng mga tauhang ito ang katatagan o kung minsan ay kahinaan, upang hamunin o tanggapin ang resulta ng kanilang kalayaang pinili.

9. Pagdulog na MoralistikoSa akdang pampanitikan nakapaloob ang pagtalakay sa

kaasalan, kaisipan at damdamin ng tao. Ayon kay Ruskin (1965) “itaas an gating pagpapasya o panlasa upang makaabot sa kinikilalang matapat at tumpak sa tunay na buhay,bigyan tayo ng pagkakataong makisalamuha ng mga lalong marunong na kapwa diwa natin sa lahat ng panahon at sa lahat ng bayan, bagamat tayo’y dukha at di-kilala at tumulong sa pagpapahatid ng malinaw na layunin sa lalong nalalayong pook…” Tinatalakay ang immoral at moral na isyo sa akda. Ngunit bigyang pansin ang kultura, pamumuhay, paniniwala, pamantayan ng isang bansa.

10. Pagdulog na Istaylistiko o PangkaanyuanIto ay pagsusuri sa istilo at pamamaraang ginamit ng

may-akda. Maaring suriin ang wikang ginamit, paningin, paraan ng paglalarawan ng tauhan at pangyayari. Ang istilo ba ay tradisyunal o di-kumbensyunal na ginagamitan ng flashback, dialogue o stream of consciousness at foreshadowing.

Karagdagang Teorya at Impormasyon

Page 5: Teoryang pampanitikan handout 2

Mga Teoryang PampanitikanTeoryang Klasismo/Klasisismo

v Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng

estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,

matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

Teoryang Humanismo

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon

ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

Teoryang Imahismo

v Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga

damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na

madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na

paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong

kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

Teoryang Realismo

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa

kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi

tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo

ng kanyang sinulat.

Teoryang Feminismo

v Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at

iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang

panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay

ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

Teoryang Arkitaypal

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa

pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo

sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan

sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang

lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa

mga mambabasa.

Teoryang Formalismo/Formalistiko

v Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang

kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa

kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at

walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t

pang-unawa.

Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal

v Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig

(factor) sa pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa

isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o

nagkakaroon ng panibagong behaviordahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

Teoryang Eksistensyalismo

Page 6: Teoryang pampanitikan handout 2

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon

para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human

existence).

Teoryang Romantisismo

v Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa

tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.

Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang

maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

Teoryang Markismo/Marxismo

v Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling

kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at

suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan

sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Teoryang Sosyolohikal

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang

kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo

sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa

magpuksa sa mga katulad na suliranin.

Teoryang Moralistiko

v Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad

ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o

proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa

pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay

napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

Teoryang Bayograpikal

v Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-

akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-

akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga

“pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa

mundo.

Teoryang Queer

v Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa

mga homosexual. Kung ang mga babae ay mayfeminismo ang mga homosexual naman

ay queer.

Teoryang Historikal

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang

masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita

na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Teoryang Kultural

v Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam.

Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa

mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

Teoryang Feminismo-Markismo

Page 7: Teoryang pampanitikan handout 2

v Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa

suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon

bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng

lipunan.

Teoryang Dekonstruksyon

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

P O S T E D B Y K A D I P A N

Mga Sanggunian

 

Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular: piling sanaysay, 1976-1996

          Soledad S. Reyes

          ADMU Press, Quezon City, Philippines, 1997

 

Panunuring Pampanitikan (Teorya at Pagsasanay)

          Patronicio V. Villafuerte

          Mutya Publishing House, Valenzuela City, Philippines, 2000

 

PLUMA III: Wika at panitikan para sa mataas na paaralan

          Ailene G. Basa, Mary Grace C. del Mundo, Nestor S. Lontoc at Alona M. Dayag

          Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City, Philippines, 2004

http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html