8
Alvin August 16-22, 2012 Volume 2, No.31 CENTRAL LUZON SIMULA NG PAGBABAGO INILUNSAD NA SIMULA NG PAGBABAGO INILUNSAD NA KASONG PERJURY NI KAP MANALANG GUMUGULONG NA SA PISKALYA.. P.4 BLOWOUT NI ABC PRES.MANALANG SA PORACAY PINATUNAYAN NG MGA KABATAAN.. P.6

Banat august 3

Embed Size (px)

DESCRIPTION

COMMUNITY PAPER ONLINE

Citation preview

Page 1: Banat august 3

Alvin

August 16-22, 2012 Volume 2, No.31

CENTRAL LUZON

SIMULA NG PAGBABAGOINILUNSAD NASIMULA NG PAGBABAGOINILUNSAD NA

KASONG PERJURY NIKAP MANALANG

GUMUGULONG NA SAPISKALYA.. P.4

BLOWOUT NI ABCPRES.MANALANG SA PORACAY

PINATUNAYAN NG MGAKABATAAN.. P.6

Page 2: Banat august 3

Jess P. MalvarPublisher

Malou P. MalvarMarketing Manager

BANAT Newsmag is a Community NewsMagazine,Published in Taglish, circulated in Central Luzon

with Editorial Business Office @ Tarlac City.

For Subscription, Advertisement, Extra-JudicialPublication, etc. call or text 09302451167 or

email @ [email protected] /[email protected].

website http://clbanat.webs.com

2 CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG AUGUST 16-22, 2012

EDITORYALANG SERBISYO PUBLIKO

Charito ValenciaOffice Staff

Ruby BautistaMarcelo Candelaria

Ad Consultants

Mark Jessel MalvarLayout Artist

COA ADVERSEOPINION SA

TARLAC CITYFINANCIAL STATUS

CENTRAL LUZON

Atty. Edward RobeaAtty. Christopher Basilio

Legal Counsels

Sundan sa p.7

Hindi biro ang pumasok sa Public Service o serbisyo publiko.Ang ikaw ay maglingkod sa bayan o sa mga mamamayan aynapakahirap na landas ang iyong pagdaraanan. Una, kakandidatoka at mangangakong ibibigay ang husay at tapat na serbisyo.

Ang ibig sabihin, kung ikaw ay makasarili ay total reformang dapat mong gawin, upang maengganyo mo ang tao na bumotosa 'yo. Ang isang public servant o pulitiko ay mag-a-apply sacomelec para sa kanyang kandidatura, subalit ang mag-aaprobapa rin dito ay ang taong bayan, kung ikaw ba’y karapat-dapat saiyong napiling posisyon. Kaya ang sabi ni P-NOY "Kayo ang BossKo".

Kung hindi ka napipisil ng Boss tiyak na laglag ka na. Kaibaito sa mga eligible na nagtapos nang matataas na kurso o pinag-aralan na naipupuwesto dahil sa kanyang kakayahan at kakilalana may mataas na katungkulan sa gobyerno.

Kung ikaw ay pulitiko kahit wala kang pinag-aralan bastamay puso sa 'yo si Juan dela Cruz ay puwede kang mailagay sapinaka-mataas na tungkulin sa pamahalaan. Ito ang diwa ngdemokrasya sa ating bansa.

Pero ang mga nais pumasok sa pulitika ay dapat magingmaka-Diyos, maka-Kalikasan, at maka-Tao. Ano ba ang pagigingmaka-Diyos, hindi komo ipinapakita mo na ikaw ay nagsisimbaparati at nagpapakita ka sa maraming tao sa loob ng simbahanay maka-Diyos ka na.

Ang pagiging maka-Diyos ay isinasabuhay, nagsisimula satahanan, at makikita ito sa paraan nang pagpapalaki ng mgamagulang sa kanilang mga anak. May takot sa Diyos, at lahatng kilos ay naka-alay sa Poong Maykapal.

Ang pagiging maka-Kalikasan, dapat maging huwaran kangpulitiko, hindi ka dapat nagkakalat ng basura, nagbubuo atsumasama ka dapat sa mga maka-kalikasang proyekto atprograma.

Ang pagiging maka-Tao ay may personal na kalinga sakanyang kapwa, maraming paliwanag dito. Sa maikling salita,ikaw ay people’s darling at hindi puro pakitang tao lamang angiyong mga aksiyon, na sa bandang huli'y ika'y kinaiinisan nanang mga taong nasa paligid mo.

Sa mga baguhan na gustong pumasok sa pulitika, pag-isipann'yong mabuti kung kayo ba’y karapat-dapat? Sa mga incum-bent politicians, tigilan na ang pagkukunwari.. Magpaka-totoona po kayo, nagsasawa na ang taong bayan sa inyong mgakaplastikan..

Sa kabila nang panawagan ng mamamayan ng Tarlac City sa aksiyonni Pangulong Benigno Aquino III (P-NOY) sa mga iregularidad napamamahala sa siyudad, na lumitaw na sa COA report ay wala rin siyangaksiyon dito, dahil sabit umano sa mga katiwaliang ito ang kanyang mgakapartido sa Liberal Party na miyembro ng Sangguniang Panlungsod nasiyang nag-aaproba sa mga aksiyon ng alkalde.

Ito ang pagtitiyak nang ilang political observers sa Tarlac na di nakinilala pa. Ayon sa mga ito, sa mga kapalpakan ng City Government, nabinanggit ni COA Officer-In-Charge Natividad Caoile sa kanyang adverseopinion, ang kabuuang pag-aari umano ng siyudad na iniulat nang ManalangAdministration ay P2.095M hanggang Disyembre 31, 2011.

Sinabi ni Caoile na hindi umano tama ang ulat nang gobyerno sa mgakadahilanang; una, ang mga cash advances umano ay nanatilingunliquidated, maraming taon na ang nakalilipas; ikalawa, ang mganademolish na slaughterhouse at market building na umaabot ng P68Mpesos ay hindi dumaan sa COA bago ibenta, kaya nananatili pa rin sa bookof accounts ng siyudad; ikatlo, ang hindi nakulektang Real Property taxesna aabot sa P247M pesos ay hindi pa nailalagay sa book of accounts.

Ang mga market delinquents o di nakakabayad sa stalls na maykabuuang P29.8M ay hindi naitatala sa libro. Sinabi pa ni Caoile sa adverse

KALINGANG LAPEñA ANG NAIS NGMGA TARLAKENYO

Marami na rin ang naghahangad nang pagbabago sa ating pamahalaanglungsod, kaya sa pagsulpot nitong si Dr. Jerome Lapeña bigla nabuhayanng loob ang mga tao. Naging masigla ang mga supporters, pati mga kabataanay nakisabay sa pag-galaw, tanda nang masidhing pagnanasang makabangonang ating siyudad sa pagka-lugmok at pagkakabaon sa kahirapan.

Sa isang pagtitipon kamakailan, kasama ang mga SangguniangKabataan, na ginanap sa Huat Chan Restaurant, na dinaluhan nang mahigit50 SK Leaders, isa-isa silang nagsalita at nagpahayag ng suporta sa labanni Dr. Jerome Lapeña sa pagka-alkade.

Dito nararamdaman ng mga supporters ni Lapeña na maging ang mgakabataan ay nangungulila din ng totoong kalinga mula sa mga naka-upongleader ngayon, sila ma'y nagbubunyag na rin ng mga katiwalian na itinuturoumano sa kanilang hanay. Bata man sila'y naintindihan nila ang mgapinapagawang kabalbalan ng mga nanunungkulan. Kaya't hangad ng mgakabataang ito ay tunay na pagbabago at nakikita nila ito sa katauhan ni“Dr. J”, na kalingang Lapeña lang ang kailangan nila. Matindi ang paniwa

PITIK BULAG

Sundan sa p.6

Page 3: Banat august 3

CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG AUGUST 16-22, 2012 3

SIMULA NG PAGBABAGO INILUNSADInilunsad na ang "Simula nang Pagbabago" noong araw ng linggo

Agosto 19, 2012 na dinaluhan ng mga kabataan at ilang convenors upangmasimulan ang nasabing kilusan sa pangkalahatang pagbabago sa TarlacCity.

Layunin nang inilunsad nakilusan ang pagbabago tungo sakaunlaran, kalinisan atkapayapaan (KKK)sa Tarlac City.Dumalo ang majority ngSangguniang Kabataan (SK)President sa iba’t-ibang barangaysa lungsod at ilang mgavolunteers na nagkusang loob nasumama sa nasabing kilusan.

Ang paglunsad ng "Simulanang Pagbabago" ay maaaringmag-trigger ng isangpampulitikang kilusan namagsusulong kay Dr. JeromeLapeña bilang alkalde sa siyudad

ng Tarlac, ang "Dr. J Lapeña forMayor Movement".

Nakatakdang mag-resign sakanyang tungkulin si Lapeña sa citygovernment bilang city healthofficer sa katapusan ng buwan ngAgosto 2012 upang pagbigyan angkahilingan ng mga mamamayan natuluyang pagbabago sa liderato ngsiyudad.

Matatandaan na ilang buwannang kumukonsulta si Lapeña samga mamamayan sa iba’t-ibangbarangay sa Tarlac City at angkanilang sigaw at hiling kay Lapeña

Kasama ni Dr. Jerome Lapeña ang mga kabataan at ilang leaders sapaglunsad ng SIMULA NANG PAGBABAGO sa Tarlac City. Naroondin ang kanyang mga konsehal na sina Ed Aganon, Pits David, KapRomy Mallari at Nap Ferrer na sumaksi sa naturang event. Siyemprehindi rin mawawala sina Col. Eduardo at Zeny Robea na kasama saconvenors.

“ALAY SA KABATAAN”

Simula nang ... sundan sa p.6

Page 4: Banat august 3

4 CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG AUGUST 16-22, 2012

Ikinasa na ang preliminary investigation ng kasong Perjury sa Kapitanng Barangay San Pablo at tatlong (3) iba pa na natalang NPS Docket No.111-17-INV12H-00632 sa Setyembre 5, 2012 ganap na alas 2:30 ng haponsa tanggapan ni City Prosecutor Hermo A. Manglicmot.

Kinilala ang mga sinampahan ng Kaso na si Esteban Manalang,kasalukuyang umaaktong kapitan; at tatlong (3) iba pa na residente rin ngbarangay na kinilalang sina Carol Jane Tiamzon, Mary Jane Villafuerte atAlfredo Castro.

Ang nagsampa ng kasong perjury ay sina Angelito Ocampo, datingKapitan at Malou Malvar, Banat News Staff.

Matatandaan na idinismis na ng korte ang mga kasong isinampa niEsteban Manalang, kapatid ng alkalde na si Gelacio Manalang laban sailang opisyal ng barangay, media practitioners at mga observers mataposna ipatupad ang Temporary Restraining Order (TRO) Mula sa Komisyonng Halalan sa Metro, Manila.

Ang pitong (7) kinasuhan ni Manalang ay sina Angelito "Andy"Ocampo, Rodolfo Pangilinan, Marlin Pangilinan, Lito Peraliza, Paul Rigor,SPS, Jesus Malvar and Marilou Malvar, kapwa staff ng Banat NewsMagazine at Kagawad Elmer Lambanisio ng mga kasong Grave Coercionat Malicious Mischief. Ito ay matapos samahan ang noo'y Kapitan na siAndy Ocampo, upang ipatupad ang iniatas ng Comelec Manila na mulingbumalik sa puwesto sa bisa nang pinalabas na TRO.

Matatandaan na nanalo si Ocampo sa halalang pambarangay kungsaan lumamang siya ng 80 boto laban kay Manalang subalit nangmagprotesta itong si Esteban "Greg" Manalang sa City Court ay nabaligtadang resulta at lumamang na ito ng mahigit sa 70 boto laban kay Ocampo.

Naghain ng apela si Ocampo sa Comelec Manila para rebisahin angresulta ng desisyon ng lower court sa pamamagitan ng pag-file ng MotionFor Reconsideration (MR).

Matapos maglabas ng TRO ang Comelec na nagsasabing si Ocampopa rin ang naka-upo habang dinidinig pa ang kaso. Subalit nang ipatupadna ang TRO ay katakot-takot na pulis ang pinadala nang alkaldeng kapatidni Esteban "Greg" Manalang upang pigilan si Ocampo na muling maupobilang kapitan ng nasabing barangay.

Bukod sa mga pulis ay naghikayat pa si Manalang ng mga supportersna magbabantay sa barangay upang hindi na muling maipatupad ang TROmula sa Comelec.

Nakapasok nang mapayapa ang grupo ni Ocampo sa Barangay Hallmatapos na ibigay nang isang tanod ang susi, at muling naupong kapitanng ilang saglil si Andy.

Maraming pulis ang nakabantay, at mismong si Mayor Manalangay nagtungo doon at nagsalita, na gumamit pa ng sound system at pilit napinababa si Ocampo sa puwesto at iniupo ang kanyang kapatid kahit namay atas pa ang Comelec Manila.

Dahil sa matinding tensyon sa lugar, ay napilitan si ocampo na bumaba

KASONG PERJURY NI KAP MANALANG AT 3IBA PA GUMUGULONG NA SA PISKALYA

sa puwesto para sa kapakanan ng kanyang mga kabarangay at ng kanyapamilya na noo'y nahihirapan na sa pag-intindi sa kalagayan ni Kap Andy.

Matapos ang ilang araw na balitaktakan, isang City Councilor anghumikayat kay Kapitan Ocampo na ibigay na lamang ang kanyang posisyonupang hindi na lumala ang sigalot. Dahil sa kaliwa't kanang pakiusap,pinagbigyan na ni Ocampo ang mga ito. Naglagdaan sina Ocampo atManalang sa isang kasunduan na pinagtibay ng isang notaryo, nanagsasabing hindi na maghahabol si Ocampo para sa kapakanan at kaayusansa barangay, at wala umanong magsasampa ng kaso mula sa magkabilangpanig.

Subalit matapos na malagdaan ni Kapitan Ocampo ang nasabingkasunduan, sa pagtalikod nito ay agad na isinampa ang kaso laban kinaKapitan Andy Ocampo, Jess Malvar at anim na iba pa.

Hindi pa man uminit ang usapan ay nilabag na ni Esteban "Greg"Manalang ang kanilang kasunduan. Naghinala tuloy ang ilang residentenang San Pablo na hindi umano naintindihan ni Greg Manalang ang pinasokna kasunduan.

Isang taon din ang binuno ng nasabing kaso sa korte sa pamamagitanng isang summary proceedings.

Ang kasong Grave Coercion ay dinismis ng City Prosecutors Officesa dalawang pahinang resolusyon nito na may petsang March 21, 2012 nanilagdaan ni Assistant Provincial Prosecutor Mila Mae G. Montefalco atinaprobahan naman ni City Prosecutor Hermo A. Manglicmot.

Ang Malicious Mischief ay agad na dinala sa City Court para sasummary proceeding, subalit ito ay dinismis din ni Presiding Judge MarvinB. Mangino sa pinalabas nitong Order na may petsang June 8, 2012.

Sa desisyon ni Mangino sinasaad ang ganito, " After a carefulconsideration of the pieces of evidence attached in the records of this case, the court is convinced that the accused should not be held for trialconsidering that the obstruction in the performance of public functions asadvanced by the private complainant was really cause by the service of aTemporary Restraining Order (TRO). The damage done as alleged by theprivate complainant, being merely civil in nature, is recoverable by civilaction, WHEREFOR, premises considered, let this case be DISMISSED."

Sa nasabing kaso bukod kay Manalang ay may tatlo pang tumestigolaban sa pito, na sila ( Ocampo, Rigor, Malvar, Lambanicio at iba pa.)umano ang nanira ng padlock sa gate ng barangay hall at ng ibang gamit saloob nito. Subalit may inilabas na affidavit mula sa local na pulisya na maysakop ng nasabing barangay na nagsasabing tahimik ang pagpapatupad ngTRO at walang nasirang gamit. Dahil dito binalikan ng kontra demanda ngmga kinasuhan si Manalang at ang tatlong testigo nang pagsisinungaling operjury.

Bukod dito maaari pa umanong kasuhan si Manalang ng Breach ofContract sa di pagtupad sa naging kasunduan nila ni Ocampo matapos nilaitong panumpaan.

SIMULA NANG PAGBABAGOADD US ON FACEBOOK

Page 5: Banat august 3

CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG AUGUST 16-22, 2012 5

Sa mga minamahalkong kababayan dito saTarlac City, ako po si EdAganon ng barangay SanVicente, Tarlac City. Isa poakong Cer t i f ied Publ icAccountant o CPA, nagingleader ng union sa PLDT,kilala po ang aking angkandito sa ating siyudad dahilang i lan sa kani la 'ypulitiko ding tulad ko.

Ako po ay tatakbongCity Councilor sa daratingna halalang lokal, hinihingiko po ang inyong suporta saaking kandidatura. Sana poay maibigay ninyo angtiwala upang ako po aymaupong City Councilor sa2013.

Hindi ko po sasayanginang tiwalang ipagkakaloobninyo sa akin. Gagawin kopo ang lahat ng paraanupang maipaglaban ko anginyong mga karapatan sa

ED AGANON

City Council, hindi po akomagiging "YES MAYOR"dahil sa inyo po ako mayutang na loob kaya kayoang aking paglilingkuran.Hindi ko po kayo bibiguindahil ang laban ninyo'y,laban ko rin! Magkaisa potayo upang maipaglabanang ating mga karapatan nadapat ay pinapangalagaan ngating pamahalaan, at hindidapat binabalewala ang tinigng mga Tarlakenyo sakonseho.

ED AGANON

Handang handa na siKapitana Marciana Marti nalumaban sa pagka-City Coun-cilor sa 2013 kaya sa ngayon aynag-iikot na ito sa mga barangaysa siyudad ng Tarlac. Marami angnatuwa kay kapitana Marti dahilhindi ito mahirap kausap, maramina ang natulungan kahit ito'ykapitana lamang ng maliit nabarangay na walang sariling IRA,ito ay ang barangay Care. Ayonkay Marti "bentahe na nagingkapitana muna ako bago konaisipang lumaban sa pagka-konsehal ng siyudad dahil sangayon ay alam ko na kung anoang problema ng mga barangay.Ipinapangako ko naman nakapag ako ay mabigyan ngpagkakataong maupo satungkulin, tulad ng akingbarangay sa CARE ay hindi korin pababayaan ang ibangbarangay, upang maging modeloang ating siyudad sa lahat ngbayan. Gusto kong Makita angating siyudad na progresibo atmalinis tulad ng ibang bayan."

“Maraming bansa na angaking narating at pinanggalingankaya ang ilang magagandangidea na puwede kong i applydito ay gagawin ko upang hindi

AKO ANG MAGIGING TINIG

mapag-iwanan ang ating siyudadkung kaunlaran rin lang ang pag-uusapan.”

"Masaya ako sa ipinakitangsuporta ng aking mgakabarangay at kapwa mgakapitan sa aking kandidatura. Sakanila ako humuhugot ng lakasng loob, kaya sa bawat datnankong barangay sa aking pag-iikotsa siyudad ay malugod nila akongsinasalubong upang samahan saaking kampanya.

Sa inyo na mga kababayan kosa siyudad ng Tarlac.. Maramingsalamat sa ipinakita ninyongsuporta… makakaasa kayong tapat na panunungkulan.”I to ang madamdamingpahayag ni Kapitana Marti sapanayam ng Banat.

Kapitana MARTI

NINYO - KAPITANAMARCIANA "SWISS" MARTI

FB message onlineonlineonlineMarivic Hontiveros8 August 09:48Good Morning Po SIR, patulong po kami dito sa BARANGAY SAN NICOLASbakit po ganito ang ginawa ng nagtanggal ng manhole sa M.H.Del Pilar bakityung mga nakalkal nilang mga labak,pitak o burak galing sa drainage o imburnalbasta na lang pong iniwan, ayun tuloy po kumalat lang po ngayon ang maitim napitak o labak na kanilang hinukay?? papatulong po kami sa inyo d2 sa SANNICOLAS kung sinong kontratista dito sa project na ito, bakit pinabayaan nalang pong ganito?? nagresulta po nang pagkalat ng miitim na duming galing salabak o pitak, hindi lang po yun, hinayaan pang bukas ang mga manhole papaanopo kung may nahulog na bata kc hindi po ma-identify kung bukas ito, lalu pa’tlubog po sa tubig baha ang kahabaan ng M.H.Del Pilar Street d2 sa BARANGAYSAN NICOLAS pakiabisuhan po sa inyong Progaram SIR tulungan n’yo pokami na sana ibalik na ang mga manhole at linisin napo nila ang kanilang iniwangdumi, para po silang "BINABOY" na inutil!!! bato-bato sa langit kung sino manpo KONTRATISTA d2, hindi po nag ISIP ang KONTRATISTA d2 biruiin nyopo SIR kahaba ng SUMMER sa PANAHONG TAG-ULAN s’ya nagpahukaykung hindi po s’ya BOBO ta TANGA!!! SIR need po namin help n’yo, pakipasuyo po sa PUBLIC SERVICE po n’yo.. Kc MGA Barangay OFFICIAL po d2WALANG PAKIALAM. MARAMING SALAMAT PO SA INYO BOSS.

Isang pastor na Koreano angtinangay ng malakas na agos ngtubig hanggang sa mamatayhabang tumatawid sa ilog ngBarangay Labney, Mayantoc,Tarlac. Kinilala ng pulisya angbiktima na si Wonjun Cho, isangPastor ng Minister of KingswayFellowship InternationalPhilippines Inc.

Ang biktima ay residente ngCarmenville, Cut-Cut sa AngelesCity kasama ang isang guro nakinilalang si Arthur Onogon. Saimbestigasyon ng pulisya, inakit ni

PASTOR NA KOREANO TINANGAY NGAGOS SA ILOG PATAY

Onogon si Cho na tumawid sahanging bridge subalit tumanggiumano ang biktima at ipinasyangtawirin na lamang ang ilog at nag-usap na magkikita na lamang silasa simbahan sa barangay Labney.

Nang nasa simbahan naumano si Onogon, nabalitaan nalamang niya na tinangay na ngagos ng ilog ang pastor. Agad nanagsagawa ng pagliligtas ang mgamiyembro ng simbahan kasamaang mga barangay officials, subalitnakuha nila itong patay na sa maysitio Cadauyan, ayon sa ulat.

Ernesto GalangJess gud am. pakitanong naman sa brgy council ng maliwalo kung nasaan yongbarangay service na blue, mukhang iba na ang gumagamit e. at yong Welcomesign sa tapat ng NIA. Yong Welcome sign sa Sitio Maligaya sa San Jose naroonpero ‘yong sa tapat ng NIA nawawala e. Salamat. Mabuhay ka!!

Ernesto GalangJess gud am. may ginagawang drainage canal (construction daw) na nakapaskelsa gilid ng daan papuntang Masalasa creek o dalan matua road. ang worth ngproject is P2,895,000. parang ang laki para sa maliit na project.

Page 6: Banat august 3

6 CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG AUGUST 16-22, 2012

ng mga kabataan na kay Dr. Jerome may pag-asa ang ating siyudad naumunlad.

Ilang barangay leaders din ang dumating at nagsalita sa pagtitipongiyon na para sa kabataan lang sana, subalit marami ang dumating na panauhinupang masaksihan kung paano ipaglaban ng mga kabataang ito ang kanilangidolong si Dr. Lapeña.

Ilan sa nagsalita at nagpahayag ng suporta ay sina Col. Eduardo Robea,dating kapitan Rey Dimatulac, Kgd. Rosalina Flores, Rey Vitug, RicSangalang at marami pang iba. Dahil sa ipinakitang suporta ng mgakapanalig, buhay na buhay ang diwa ng pamilya ni Dr. Jerome Lapeña nalabis-labis ang pasasalamat.

BLOW-OUT SA PORACAY NI ABC MANCHOYMANALANG PINATUNAYAN NG MGA KABATAAN

Dahil mariing pinabulaanan ni ABC Manchoy Manalang na dinalanito sa Poracay ang mga SK Officials sa kabila nang matinding problemang siuyudad sa pananalapi, na marami pang Job Order ang hindi pasumasahod hanggang ngayon, na umaabot na naman umano sa 50 Millionang utang sa Tarlac Electric na hindi pa nababayaran, maging ang CalangitanLandfill ay hindi pa rin bayad, at inuna pa ang paglalakwatsa at extravagantna pag-gastos kaysa ayusin ang mga obligasyon ng siyudad. Masyadoumanong maluho ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan, na wala na salugar.

PITIK BULAG mula p.2 Tumayo at nanindigan ang ilang kabataan upang patunayan na silanga'y galing sa nasabing resort upang gutumin lang umano ang ilan. Dahilsa kasagsagan ng kasiyahan ng mga bata ay hindi na umano nagpakitaitong si Manchoy. Iniwan silang bitin at gutom.

Sa pag-alis ng mga kabataan ay umugong na ang balita, maramingmga empleyado ang halos ay mag-mura na, dahil sa hindi nila maintindihankung bakit kailangan pang i-blow-out ang mga SK sa birthday lang namannitong si Manchoy, gayong marami pang problema ang siyudad.

Ang sabi daw ni Manchoy, hindi naman daw pera ng pamahalaan angginastos sa kanyang birthday. Ang tanong? Saan ba nanggaling ang peranghawak niya at ginastos? Wala naman daw silang pera nang maupo sila sapamahalaan, pero kung gumastos ay parang walang katapusan. Kaliwa't-kanang pinamiling ari-arian, kahit ilang linggo pa lang silang nanungkulan.Hindi nga ba magtataka ang taong bayan?

Marami ang naisakripisyong serbisyo, tulad nang mga basura nanagkalat sa daan, sa Brgy. Maligay sa kalsada na mismo itinatapon ng mgaresidente ang mga basura dahil wala nang naghahakot at nangangamoy nasila, pina-kontrata ang paghahakot ng basura pero hindi nagagampanan ngkontraktor ang kanilang trabaho, bakit di ito maipakansela? Sino Ba angkontraktor? Hanggang ngayon ay nakatago pa ito sa publiko, pero dilat angmga mata ng taong bayan at nagmamasid lamang sa kilos ng mag-amangManalang.

Ang tawag nila sa CityHall “BAUTISTA MANALANGINCORPORATED”. Kontrolado umano ng mga ito ang lahat ngdepartamento.

SIMULA NG PAGBABAGO INILUNSAD...mula sa p.3na sana’y mabago na nang tuluyanang pamahalaang lungsod, dahilmarami na umanong nahihirapanlalu na yaong mga Job Order namatagal nang hindi sumasahod.

Sa ngayon ay patuloy angpagkalugi ng siyudad dahil samalaking cash deficit nito naumabot na sa 163.3 milyong pisobatay sa Commission On Audit(COA) findings.

Naapektuhan dito ang suweldong mga empleyado, scholars,benepisyo ng mga senior citizen,barangays, basura, serbisyo sakalusugan at mga bayaring dapatsana ay nababayaran kaagad. Ayonsa mga convenors ng "Simula nangPagbabago" matagal nang sakit itong mga namumuno sa lungsod atkailangang gamutin ito ng isangdoctor sa katauhan ni Dr. Lapeña namay karanasan nang mamuno, dahilnaging City Health Officer na ito ng14 years.

Sinabi pa ng mga Convenorsng "Simula nang Pagbabago"panahon na umano upang bigyanang Tarlac City ng 'KALINGANGLAPEñA' upang makatikim namanng pag-asa ang mga tarlakenyo sakabuuang pagbabago ng Tarlac Cityna hindi naibigay ng kasalukuyanat nakalipas na mga namuno dito.

Sa pag-resign ni Dr. Lapeñaay aarangkada na ang Dr. J.Lapeña for Mayor Movement na

magkakaroon ng lider sa bawatchapter nito sa 76 na barangays salungsod ng Tarlac. Maramingvolunteers ang nagbigay ng kanilangsuporta sa paglunsad nito, magingang mga nasa ibayong dagat na mgaTarlakenyo ay nangakong susuportaupang mapag-wagihan ang labantungo sa total reform ng Tarlac City.

Nagpahayag ng suporta sina Mr. Rey Vitug,Kgd. Rosalina Flores, Col. Eduardo Robea,Rey Dimatulac, Genesis Dayao at ang mgaSangguniang kabataan ng iba’t ibangbarangay.Ang mga nabanggit ay mga convenor din ng“Simula Ng Pagbabago.”Sa ngayon ay patuloy na lumalaganap angnasabing organization dahil marami na angnaghahangad ng tunay na pagbabago.

Page 7: Banat august 3

CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG AUGUST 16-22, 2012 7

THE MEMORY of formerSenator and Tarlac GovernorBenigno "Ninoy" Aquino Jr. liveson as Tarlaquenos celebrated thedemocratic icon's 29th deathanniversary in a simple ceremonyheld at the capitol grounds, August21.

Led by Governor Victor Yapand Aquino's cousin Benito Aquino-Gonzales, a wreath laying activityright at the wooden sculpture of themartyred father of PresidentBenigno Aquino III, was undertakenwith Vice Governor Pearl AngeliPacada, Tarlac Police Provincial[TPPO] Director S/Supt. AlfredCorpus and capitol departmentheads assisting.

In Yap's speech, he called onTarlaquenos to remember Ninoy'ssacrifices for the country.

"May we never forget theheroism of former Senator Ninoy

Tarlac commemoratesNinoy's death anniversary

opinion nito na, ang netbook valuena pag-aari ng siyudad na maykabuuang P1.9B pesos na siyangkumakatawan sa 95 porsiyento nangpag-aari ng siyudad ay hindi umanoreliable o walang sa katotohanandahil sa kakulangan ng PhysicalInventory, "Moreover, the net bookvalue of property, plant andequipment totaling P1.9 billion asof December 31, 2011 representing95% of total assets was not reliabledue to the absence count and theinadequacy of property recordswhich did not permit us to applyalternative auditing procedures."

Nanatili pa rin umanongMalabo ang Financial Statement ngTarlac City dahil hindi ito nai-prisinta nang maayos ng siyudad ngTarlac, marami umanong mali saginawang report at hindi itonakakasunod sa accounting

principles.Dahil umano sa adverse

opinion na ito ng COA, hinihinalang mga political observers namalaking bahagi ng pondo ngsiyudad ang nawawala, kaya maykinalaman umano ang mga local naopisyales, na karamihan sa mga itoay mga miyembro ng Liberal Partyna kaalyado nang Presidente ngbansa.

Dasal ng mga apektadongresidente ng Tarlac City na sana’ymaparusahan na ang mga taong maykinalaman dito, lalu na yaongnagpapayaman lamang gamit angpondo ng pamahalaan.

Kung totoo si P’Noy sakanyang mga sinasabi, dapat sigurounahin niyang linisin dito sakanyang bayan, at walang dapat nasinisino, kahit ang masagasaan aymga kaalyado pa nito.

OFF D’AIR mula p.2

who fought for the restoration of ourdemocracy, and may futuregenerations continue to hold hisexamples," the governor said.

Ninoy is Yap's baptismalGodfather.

Aquino's assassination in 1983sparked massive protests against theMarcos dictatorship that culminatedthree years later in the popularuprising known worldwide as thePeople Power Revolution of 1986that catapulted Aquino's wife, Coryto power.

"Tarlac has beencommemorating the deathanniversary of Ninoy since 1987 andwe will continue to do so," Yappointed-out.

On August 1, the provincelikewise observed the third deathanniversary of Cory in a simple ritealso at the capitol grounds.

Police elements from the

TPPO, capitol employees and theDepartment of Education choralealso attended the commemoration.

Yellow balloons were likewisereleased as a sign of continuedfreedom.---PIO Media Affairs

Page 8: Banat august 3

AS A TRIBUTE to the countless contributions of the late Jose Yapto the Tarlac State University [TSU], a three-storey library in his honorwas inaugurated last August 17 at the TSU-Lucinda campus.

TSU-LucindainauguratesJose Yap library

Named Hon. Jose V. YapLibrary, the inauguration wasattended by the late Governor andCongressman's children---TarlacGovernor Victor Yap and seconddistrict Representative Susan Yap,as well as TSU officials, led byPresident Priscilla Viuya, and themembers of the TSU board ofregents headed by Nona Ricafort.

The late Yap was instrumentalto the conversion of the formerTarlac College of Technology [TCT]into one of the premier universitiesin Central Luzon when in 1990, hesponsored and authored itsconversion.

He was likewise instrumentalin the construction of severalbuildings inside of the main TSUcampus and the sponsoring ofthousands of college scholars.

In Gov. Yap's speech, hethanked the board of regents andofficials of TSU to the honor theyhave bestowed to his father.

"This is an honor for our family

and we will cherish this forever," hesaid.

Rep. Yap, for her part, sharedher heartfelt gratitude to the entireTSU family.

"Isang malaking pasasalamatsa inyong lahat dahil sapamamagitan ng library na ito,mabubuhay muli at mananatilingbuhay ang pangalan ng aming amasa larangan ng edukasyon salalawigang Tarlac," she said.

Last year, TSU likewise gavehonor to the late Yap by unveilinghis life-size bust at the Heroes Parkinside of the TSU main campus.

Before the blessing of thelibrary, a mass, officiated by Fr.Elmer Gonzales, was celebrated.

A photo-documentary of thelate Yap presented by the Center forTarlaqueno Studies was alsounveiled at the second level of thelibrary that featured his personal lifeand political career.---ProvincialMedia Affairs

TARLAC CITY---An emotional Tarlac Governor Victor Yap has calledon all Tarlaquenos to pray for the eternal repose of Department of the Interiorand Local Government [DILG] Secretary Jesse Robredo after his body wasfound off the coast of Masbate city, morning of August 21.

Yap, Tarlaquenos mourndeath of DILG sec

Yap, who is a close friend ofthe former Naga City mayor, saidthat the country lost a very good andwell loved cabinet secretary.

"We lost a very good secretarywho has instituted positive changesfor the country," Yap said adding thatRobredo texted him twice during theheight of the monsoon rains thismonth asking him about thecondition of the province.

"He was deeply concernedabout the situation in the provinceduring the height of the monsoon

rains.Nakakapanghinayang siya," hesaid.

Robredo accompaniedPresident Benigno Aquino III inTarlac last August 10 and assistedin the distribution of relief good toaffected families in Paniqui andCapas towns.

On Saturday, a single-engine,six-seater Piper Seneca planecarrying Robredo en route to NagaCity from Cebu City crashed offMasbate after reports of enginetrouble.

An emotional DOTC SecretaryMar Roxas announced thedevelopment Tuesday morning. Henoted President Benigno "Noynoy"Aquino III personally calledRobredo's wife to convey the sadnews.

Roxas said divers saw Robredostill inside the plane, at sea depthsof 180-feet. He added the planefuselage was discovered 7:35 amTuesday, and Robredo's body wasretrieved 8:15 am.

The bodies of pilots CaptainJessup Bahinting and Nepaleseflight student Kshitiz Chand, werelikewise been recovered.

"Airplane was inverted. In thatconfiguration, two pilots are insidecockpit. Jess being a passenger, mas

madaling ma-access," said Roxas ina televised press conference.

He noted that Robredo'sremains are in "sensitive state",given that the body has beenunderwater for two days now.

Police Officer Don Abrazado,Robredo's aide, was the onlysurvivor of the crash.

Yap thanked the assistanceextended by Robredo to the provinceof Tarlac and extended hiscondolences to the secretary'sbereaved family.

"We will never forget thegoodness and the greatness ofSecretary Jess. May he rest inpeace," Yap said.

The governor also ordered thatall Philippine flags in the provincebe put on half mast.---PIO M/A