37
Jevie ”JEBONG” de Guzman http://www.facebook.com/groups/jebong4reform /

Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Our six points reform program is a framework for urgent social, economic and political change in our beloved town of Malasiqui, Pangasinan. For several decades, we remain victims of a rotten social and political system in our town, continuously perpetuated by the TRAPO and political dynasty. BUT there is hope; it is in us, the people - in our unity and collective action. JOIN US! NOW! It’s time to make a change in Malasiqui!

Citation preview

Page 1: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

Jevie ”JEBONG” de Guzmanhttp://www.facebook.com/groups/jebong4reform/

Page 2: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

PAMBUNGADMahal natin ang bayan ng Malasiqui. Hindi na dapat ipagpaliban pa ang nais nating reporma at tunay na pagbabago.  

Nagbigkis tayo sa ating kilusan para sa reporma at pagbabago at tiyakin na ang susunod na henerasyon sa ating bayan ay makapamuhay sa isang bayan na tunay na maunlad at may pagmamalasakit sa bayan at mamamayan.  

Gawin nating makabuluhan at makasaysayan ang okasyon ng nalalapit na halalang 2013, para tapusin at wakasan ang pagha-hariharian ng kasalukuyang lokal na administrasyon na kilala sa katiwalian, pag-abuso sa kapangyarihan at pamumunong paurong at walang direksiyon.  

Ngunit higit pa sa pagpapalit sa kasalukuyang bulok na administrasyon ang nais natin. Mas mahalaga ang kinakailangang reporma at makabuluhang pagbabago sa kasalukuyang pampulitikang sistemang kinakikitaan ng malawakang kahirapan, pulitika ng pangungurakot, at kultura ng pagkamakasarili. Kailangan natin ang pagbabagong nagdadala ng komprehensibong pampulitika, pang-ekonomiya at maka-kalikasang programa para sa mamamayan ng Malasiqui. 

Ang pagmamahal natin sa bayan sa kasalukuyang panahon ay maipapamalas sa pagtataguyod sa mga aspirasyon at adhikain ng mamamayan na nakapaloob sa ating sumusunod na 6 Points Reform Program for Change: 

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Page 3: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

JOB CREATIONREPORMANG PANG-KABUHAYAN!

HANAP-BUHAY PARA SA MAMAMAYAN!

1. Likhain ang MALASIQUI ECONOMIC DEVELOPMENT PROGRAM - Kumilos para sa paglikha ng hanap-buhay at maiangat ang kabuhayan ng mga Malasiquiño.

2. Likhain ang Malasiqui Investment Code – Lubos na proteksyon at insentibo sa mga investors, kabilang ang mga Entrepreneurs, Agri-business at Kooperatiba.

3. Likhain ang tunay na Peace and Order situation para higit na maakit ang mga mamumuhunan mula sa ibang bayan at ibayong-dagat.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Page 4: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

REPORMANG PANG-KABUHAYAN1. MALASIQUI ECONOMIC DEVELOPMENT PROGRAM:

1.1. ”Malasiqui Economic Development Program” (MEDP)-Likhain ang MEDP para sa komprehensibong Economic Development Blueprint ng ating bayan. Hikayatin ang mga mamumuhunan mula sa ibang bayan at ibayong-dagat. Itayo ang mga negosyo sa ating bayan kabilang ang ”manufacturing and processing plant” ng ating produktong agrikultural, tulad ng palay, mais, mani, mangga at iba pa.

1.2. 70-30 Policy – Bigyan ng mataas na prayoridad at oportunidad ang mga Malasiquiño sa pagbibigay ng hanap-buhay. Ibigay sa mga kababayan natin ang 70 porsiyento (70%) o higit pa ng lakas-paggawa (labor force) sa lahat ng mga malilikhang trabaho, kabilang ang konstruksiyon ng mga gusali, kalsada at iba pa, publiko man o pribado. Ang natitirang 30 porsiyento (30%) naman ng lakas-paggawa ay ibukas na mula sa ibang bayan.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Page 5: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

1.3. Buksan ang mga oportunidad sa agri-business at Eko-Turismo at hikayatin ang mga entrepreneurs, OFW’s at mga kooperatiba para likhain ang mga negosyo at hanap-buhay para sa ating mga kababayan kabilang ang pag-proseso (pabrika) ng dried mango; peanut butter; dairy products, meat processing; cornik, at marami pang iba.

1.4. Malasiqui Public Employment Service Office (MPESO) – Likhain ang MPESO at i-debelop ang data base ng iba’t-ibang skilled labor. Makipag-MOA sa DOLE (Department of Labor and Employment) para sa proramang Skills Registry System (SRS) para sa job opportunities ng mamamayan.

Ang SRS ay isang sistemang ‘live’ electronic register of skills para sa job matching at magsilbing gabay ng mga employer sa paghahanap ng manpower at desisyon sa investment.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

REPORMANG PANG-KABUHAYAN

Page 6: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

2. MALASIQUI INVESTMENT CODE:

Likhain ang Malasiqui Investment Code alinsunod sa Local Government Code of 1991 at Omnibus Investments Code (Executive Order no. 226), para hikayatin ang mga lokal at dayuhang investors sa ating bayan.

Bigyan ng lubos na proteksiyon at diskwento sa buwis at iba pang insentibo ang mga investors, kabilang ang mga lokal na negosyo (small and medium enterprise)/ entrepreneurs, kooperatiba at OFW’s.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

REPORMANG PANG-KABUHAYAN

Page 7: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

3. TUNAY NA PEACE & ODER SITUATION:

Likhain ang mga batayan sa Malasiqui bilang isang ”Business-friendly Municipality”.

3.1 Itayo sa bawat barangay ang ”community-based crime prevention center” para sugpuin ang operasyon ng mga elementong kriminal, sindikato, at gawaing anti-sosyal, kabilang ang pagsugpo sa pagnanakaw ng mga alagang hayop ng mga magsasaka at pagsugpo sa pagpapalaganap ng ipinagbabawal na gamot;

3.2. Maglagay ng mga CCTV sa mga eryang komersiyal at bawat barangay bilang bahagi ng preventive measure laban sa kriminalidad.

3.3. Centralized Terminal ng mga tricycle (with CCTV)– pagtatayo ng sentralisadong terminal ng mga tricycle at sistematisasyon sa daloy ng trapiko sa kabayanan.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

REPORMANG PANG-KABUHAYAN

Page 8: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

ENVIRONMENTGREEN REFORM

Lumikha ng komprehensibong programa na tumutugon sa mga suliraning pangkalikasan at alternatibong enerhiya(green energy) – na nakatuon sa kagalingan ng mamamayan.

Sa panimula, ang malilikhang green energy ay para sa sariling konsumo sa kuryente ng munisipyo, pampublikong ospital, palengke, ilaw sa plaza/parke, mga street lights at iba pa.

Ang halagang matitipid sa bill ng kuryente ng lokal na pamahalaan ay masinop na ilalaan at idadagdag para sa serbisyo sa mamamayan, partikular sa edukasyon at kalusugan.

ALTERNATIVE ENERGY! Abutin ang status ng Malasiqui bilang Green Municipality.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Page 9: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

1. Waste-to-Energy (Green energy)

Ang waste-to-energy (biomass) ay ang teknolohiya at prosesong lumilikha ng ”green electricity” mula sa lahat ng klase ng basura: domestic, agricultural at commercial, kabilang ang basura mula sa palengke at slaughter house.

Itayo ang GREEN-ENERGY RESEARCH AND DEVELOPMENT CENTER (GRDC) para sa mga programa sa alternatibong enerhiya at proteksiyon sa kalikasan:

Benefits:

- No more Landfills- No Effluent Stream- No Leachate

- No Methane- Produces pelletized carbon neutral non fossil fuel (RDF)- Livelihood Creation

- Self sustaining- Produces recyclable commodities- Zero carbon footprint

GREEN REFORM

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Page 10: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

2. E-trike/e-bike

Promosyon ng alternatibong transportasyong pampubliko at pribado, kabilang ang e-trike at e-bike.

Mahikayat ang mga small at medium scale enterprises para sapagmanupaktura nito sa ating bayan.

E-trike Service sa bawat Barangay

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

GREEN REFORM

Page 11: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

No Air Pollution! No Noise!No Gas!

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

GREEN REFORM

Page 12: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

3. Green Barangay

Likhain ang community-based resource center para sa gawaing green advocacy na magsisilbing daluyan at sentro ng partisipasyon ng mamamayan (venue for catalyzing citizens' participation and action);

Ilunsad ang proyektong Greenterprise sa Barangay - idebelop at ipalaganap ang mga posibleng eco-livelihood sa bawat Barangay, tungo sa pagtamo at pag-debelop ng Green Barangay, kabilang ang organic fertilizer production.

Itangahal sa bawat taon ang GREENEST BARANGAY bilang friendly-competition sa pagitan ng bawat barangay at maglaan ng dagdag na insentibo ay pabuya sa mananalo.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

GREEN REFORM

Page 13: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

BASIC SERVICES

Tiyakin ang maagap, mabilis at seryosong pagtugon sa mga serbisyong pambayan, hindi ningas-kogon, artipisyal at pakitang-tao lamang.

REPORMA para sa TUNAY na SERBISYO

TUNAY NA SERBISYO, HINDI PAKITANG-TAO!

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Page 14: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

A. SERBISYO SA KABATAAN AT OUT-OF-SCHOOL YOUTH (OSY)

Bigyan ng pinakamataas na atensiyon at interbensiyon ang edukasyon at magandang kinabukasan ng mga kabataan:

SA PORMAL NA EDUKASYON:

1. College Scholarship – ipatupad ang programang ”isang iskolar bawat maralitang pamilya”;

2. Study Now-Pay Later para sa mga Out-of-School Youth (OSY);

3. Libreng Bayarin sa lahat ng mga mga pampublikong paaralan, mula sa primarya hanggang sekundaryang antas.

4. Pre-school - Pagtatayo ng iskwelahan ng Pre-School sa bawat Barangay.

5. Insentibo sa bawat gurong pampubliko.

REPORMA para sa TUNAY na SERBISYO: Kabataan at OSY

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Page 15: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

SA SKILLS & SPORTS DEVELOPMENT:

1. Itayo ang ”TESDA accredited Skills and Training facilities” sa mga pangunahing Barangay.

2. Itayo ang Sports Development Program sa antas bayan at sa bawat Barangay.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

REPORMA para sa TUNAY na SERBISYO: Kabataan at OSY

Page 16: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

B. KALUSUGAN NG MAMAMAYAN:

Pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan

Mga hakbang:

1. Malasiqui Health Insurance Program –Ilunsad ang Health Insurance Program para tugunan ang pangangailangan ng maralita at mamamayan sa quality health care services.

2. Outpatient consultation and diagnostic Benefit (OPB) Package - Makipag-MOA (Memorandum of Agreement) ang Munisipyo sa Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) para makakuha ng OPB para sa mamamayan.

REPORMA para sa TUNAY na SERBISYO: KALUSUGAN

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Page 17: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

3. Indigent Enrollment Program – Katuwang ang Barangay Health Workers at ang Municipal Social Workers, tukuyin ang mga indigents at kanilang dependents na kwalipikado sa programa, kabilang ang mga barangay-tanod, sa pamamagitan ng Community Based Information System Minimum Basic Needs Approach.

4. Magpasa ng Ordinansa para sa Philhealth Capitation Fund. Magtakda ng alokasyon ang munisipyo bilang Counterpart Fund para sa regular na bayad sa insurance premiums ng mga indigent-beneficiaries.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

REPORMA para sa TUNAY na SERBISYO: KALUSUGAN

Page 18: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

A. Primary Preventive Services

1. Health consultation2. Visual inspection with acetic acid3. Regular BP measurements4. Breastfeeding program education5. Periodic clinical breast examinations6. Counseling for lifestyle modification7. Counseling for smoking cessation8. Body measurements9. Digital Rectal Examination

B. Diagnostic Examinations

1. Complete Blood Count (CBQ)2. Urinalysis3. Fecalysis4. Sputum microscopy5. Fasting Blood Sugar6. Lipid profile7. Chest x-ray

C. Drugs and medicine:

1. Asthma including nebulisation services2. Acute Gastroenteritis (AGE) with no or mild dehydration3. Upper Respiratory Tract Infection (URTI)/Pneumonia (minimal mad low risk)4. Urinary Tract Infection (UTI)

5. Itaas ang antas ng kakayahan ng ating Municipal Hospital, kabilang ang dagdag na suweldo at training ng karagdagang health personnel na mag-duty ng 24 oras. Kamtin ang mga sumusunod na serbisyo:

REPORMA para sa TUNAY na SERBISYO: KALUSUGAN

Page 19: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

REPORMA para sa TUNAY na SERBISYO: KALUSUGAN

6. TRADITIONAL AND ALTERNATIVE HEALTH CARE PROGRAM:

6.1. Preventive Health Care system - Buuin ang angkop at komprehensibong programa at muling paggamit ng mga tradisyunal at alternatibong paraan ng paggagamot, alinsunod sa RA No. 8423 o "Traditional and Alternative Medicine Act (TAMA) of 1997“ ;

6.2. Community-based health service - Ipalaganap sa bawat barangay ang ”Herbal Plantation”;

Ilunsad ang mga gawain sa edukasyon at pagsasanay ng mga barangay health workers sa acupuncture, massage/hilot therapy at mga katulad na ligtas na paraan ng preventive health care practices.

Page 20: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

Ang Malasiqui ay bayang agrikultural. Malaking mayorya ang sektor ng mga magsasaka sa ating bayan. Umaabot sa sitenta’y singko porsiyento (75%) ang bilang ng magsasaka mula sa kabuuang 122,820 na populasyon ng Malasiqui (NSO, 2010 survey).

Kung gayon, ang suliranin ng magsasaka ay suliranin ng bayan.

Nararapat nating tugunan at lutasin ang lumalaking suliranin sa agrikultura, kabilang ang mataas na presyo sa mga gamit sa produksiyon tulad ng binhi, sentitikong pestisidyo’t abono; suliranin sa patuloy na pagiging asidiko ng lupaing agrikultural at suliranin sa mga barat na middlemen/ negosyante at ganid na kartel na namimili ng produktong agrikultural.

REPORMA para sa TUNAY na SERBISYO: MGA PANGUNAHING SEKTOR

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

K. Serbisyo sa mga pangunahing sektor ng bayan - mga MAGSASAKA at OFW’s:

1. PARA SA SEKTOR NG MAGSASAKA/AGRIKULTURA

Page 21: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

MGA HAKBANG AT TUGON:1. GAWING ORGANIC FARMING CAPITAL ANG MALASIQUI SA BUONG

PANGASINAN

Ang tanging paraan para lutasin ang mataas na gastos sa tradisyunal na pagsasaka at malikha ang sustainable food production ay bumalik sa natural at organic farming. - SUBSIDYONG ORGANIC FERTILIZER para sa lahat ng mga magsasakalang

yumayakap sa pagbabalik sa natural na kalikasan ng lupa, bukirin at organic farming (bilang panimulang hakbang).

2. MALASIQUI BIO-ORGANIC RESEARCH & DEVELOPMENT CENTER (MBRDC)

Itayo ang MBRDC bilang hakbang para sa institusyunalisasyon, debelopment at sentro ng promosyon ng organic agriculture sa Malasiqui, batay sa Philippine Organic Agriculture Act (Republic Act No. 10068). Maglaan ng sapat na taunang pondo para dito.

3. ”BACK TO BASICS, GO ORGANIC”

Ilunsad ang isang kilusang-bayan, ”Back to Basics, Go Organic” – isang empowerment campaign na nakadiin sa gawaing edukasyon/training, impormasyon, pag-oorganisa at pagpapakilos sa sektor ng magsasaka at mamamayan.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

REPORMA para sa TUNAY na SERBISYO: MGA PANGUNAHING SEKTOR

Page 22: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

4. ORGANIC TRADING CENTER

Itayo sa Malasiqui ang sentral na bagsakan ng lahat na mga produktong organiko bilang trading center. Magkatuwang na pamamahalaan ito ng lokal na pamahalaan at kooperatiba ng mga magsasaka.

5. ITAYO ANG MGA ORGANISASYON AT KOOPERATIBA

Itayo at palakasin ang mga organisasyon, pederasyon at kooperatiba ng mga magsasaka bilang mga pundasyon ng kilusang-bayan na ”Back to Basic, Go Organic”, mula sa antas bayan hangang sa antas barangay.

6. ECO-PRODUCTS AT ORGANIC FERTILIZER PRODUCTION

Lumikha ng iba’t-ibang eco-agricultural products kabilang ang poultry at piggery. Itayo at i-debelop sa bawat barangay ang mga ”Organic Fertilizer Production and Processing Plant” tungo sa pagiging self-reliance.

7. GREENCENTIVE (Green Incentive) – Gumawa ng kinakailangang ordinansa para tukuyin ang mga insentibo (libreng buwis at value added tax) sa mga magsasakang gumagamit ng organic farming kabilang ang fertilizer production at iba pang produktong eco-friendly.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

REPORMA para sa TUNAY na SERBISYO: MAGSASAKA

Page 23: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

Sa bilang na humigit-kumulang na 75,000 na labor force ng Malasiqui, 22% nito ang OFW. Isa sa pinakamalaking konsentrasyon ng OFW sa Pilipinas. Batay dito, nararapat suklian ang mga itinuturing na ”buhay na bayani” sa kanilang kontribusyong pang-ekonomiya sa bansa at sa ating bayan.

Kung kaya’t, nararapat itayo ang OFW Welfare Center para sa kagalingan ng mga kababayan nating OFW’s at kanilang pamilya.

Ang OFW Welfare Center ay magsisilbing One-Stop Processing Service Center (OPSC), para sa serbisyo sa pagproseso ng: authenticated NSO-birth and marriage certificates; Police/NBI clearance; passport processing at katulad na dokumento para sa pagtatrabaho sa abroad.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

2. PARA SA PAMILYA NG MGA OFW’s:

REPORMA para sa TUNAY na SERBISYO: OFW’s

Page 24: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

Iba pang serbisyo ng OFW Welfare Center:

1. WORK-ABROAD, PAY-LATER PROGRAM

Pautang ng walang interest para sa mga kababayang kwalipikado na sa pag-abroad.

2. LIVELIHOOD and TRAINING ASSISTANCE

Pautang ng walang interest para sa mga pamilya ng OFW sa kanilang livelihood at income generating projects. Kabilang ang pagbibigay ng libreng enterpreneurial training.

3. HEROES BURIAL

Pagbibigay ng karampatang parangal, katumbas ng ”heroes burial” sa mga kababayang OFW na sumakabilang-buhay. Bigyan ng pagkilala bilang ”modern heroes” at pagbibigay ng watawat ng Pilipinas sa mga namatayan.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

REPORMA para sa TUNAY na SERBISYO: OFW’s

Page 25: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

OPENNESS/TransparencyREPORMA PARA SA BUKAS NA PAMAMAHALA

Ang bukas at walang ikinukubling pamamahala ang susi sa mga reporma laban sa korupsiyon.

Ang bawat sentimo na napupunta sa kurapsiyon ay halagang ninakaw ng mga corrupt na pulitiko mula sa edukasyon, serbisyong panlipunan, paglikha ng hanap-buhay at poverty reduction.

BUKAS AT WALANG IKINUKUBLING PAMAMAHALA!

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Page 26: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

Openness/ Transparency:

Ipatupad ang FULL DISCLOSURE POLICY - Isapubliko ang dokumento ng mga pampublikong kontrata at kasunduan, taunang gastos at kita, kabilang ang taunang statement of assets, liabilities at net worth (SALN) ng lahat ng mga pampublikong upisyal (Article XI Section 17, Philippine Constitution).

Tiyakin ang pag-iral ng katapatan ng lahat ng kawani ng gubyerno, halal man o appointed.

Gumawa ng kaukulang ordinansa kaugnay sa karapatan sa impormasyon ng madla laban sa pribilehiyong ehekutibo.

Ang lahat ng mga dokumentong publiko at taunang ulat sa bawat sentimong ginastos at kinita ng lokal na pamahalan, ay nararapat isapubliko sa pamamagitan ng municipal website alinsunod sa Local Government Code (Section 352, Republic Act No. 7160).

REPORMA Para sa BUKAS na PAMAMAHALA

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Page 27: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

Transparency sa Sangguniang-Bayan:

1. Ibukas sa publiko ang bawat sesyon ng Sangguniang-Bayan bilang mga aktibong obserber.

2. Ipatupad ang ONLINE at LIVE coverage (real-time) ng bawat sesyon ng Sangguniang Pambayan, upang mapanood ng mga mamamayan ang mga proseso sa pagbubuo ng mga ordinansa’t resolusyon ng konseho.

Ang bawat naka-rekord na sesyon ng konseho ay maagap na i-upload sa opisyal na website ng pamahalaang bayan ng Malasiqui bilang reference ng publiko, kabilang ang mga kababayan na OFW.

3. Ilunsad ang sesyon ng Sangguniang-Bayan sa bawat barangay, isang beses bawat buwan upang lubos na maobserbahan at matuto ng mamamayan sa proseso ng gawaing lehislasyon.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

REPORMA Para sa BUKAS na PAMAMAHALA

Page 28: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

NEW LEADERSHIPfor change

Ang pinaka-demokratiko at wastong paraan ng pamumuno ay ang paglahok ng mamamayan sa lokal na pamamahala.

DEMOKRATIKONG PAMUMUNO PARA SA PAGBABAGO!

Reporma sa Pamumuno at Pulitika ng Pagbabago!

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Good governance is easily achieved if its responsibilities are shared by the people. A system of partnership between the governor and the governed gives impetus to the time-honored principle that, indeed, "Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them. (Article II, Section 1, Philippine constitution).

Page 29: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

Susing sangkap ng isang tunay na demokratikong pamumuno ang:

1. People’s Participation

Ang kurapsiyon ay mababawasan lamang kung mayroong aktibong partisipasyon ang mga ordinaryong mamamayan sa paggu-gobyerno, kabilang ang pagdinig sa kanilang pasya kung saan at paano gugugulin ang pondong publiko. 

Tiyakin ang mga demokratikong public hearing bago planuhin at ipatupad ang mga proyektong makakaapekto sa mamamayan.

Gawing institusyon ang paglahok ng mga People’s Organizations (POs) at Non-Governmental Organizations (NGOs) sa lahat ng antas ng pamamahala – mula munisipyo hanggang barangay.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Reporma sa Pamumuno at Pulitika ng Pagbabago

Page 30: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

2. Itayo ang MALASIQUI PEOPLE’S COUNCIL!

Ang Malasiqui People’s Council o MPC, ay magsisilbing independiyenteng sentrong organisasyon ng mamamayan ng Malasiqui para sa pagtataguyod ng demokratikong karapatan at kagalingan batay sa Local Government Code of 1991.

Ang MPC ay isang multi-sektoral na organisasyon ng mamamayan mula sa hanay ng mga magsasaka, kabataan, kababaihan, guro at iba pang propesyunal, senior citizen, entrepreneurs, kooperatiba, grupong sibiko at mga katulad na organisasyon sa Malasiqui.

Ang MPC ay tatayo din bilang ka-partner ng lokal na pamahalaan sa local governance, reporma at tunay na pagbabago sa ating bayan.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Reporma sa Pamumuno at Pulitika ng Pagbabago

Page 31: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

3. Itayo ang Tunay na Development Councils:

Ipatupad ang demokratikong representasyon ng mga sektor sa Municipal and Barangay Development Councils, kabilang ang sektor ng magsasaka, manggagawa, kababaihan, kabataan, senior citizen at iba pa alinsunod sa Local Government Code OF 1991:

A. Ipatupad ang mga demokratikong mekanismo sa antas munisipyo at barangay para sa tuwirang paglahok ng mamamayan sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga ordinansa, patakaran at programa, lalo sa sa mga usaping direktang apektado ang mamamayan;

B. Ito ang mga panimulang hakbang sa pagsasa-kapangyarihan ng mamamayan (People Empowerment) - ang pag-oorganisa sa mga batayang sektor, at paglikha ng mga pamamaraan para sa kanilang makabuluhang partisipasyon sa paggu-gobyerno (governance).

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Reporma sa Pamumuno at Pulitika ng Pagbabago

Page 32: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

GOOD GOVERNANCEREPORMA Para Sa MABUTING PAMAMAHALA!

Ipatupad ang mabuting pamamahala at responsableng pangangalaga sa kabang yaman at rekursong pampubliko.

Itatatag ang mas epektibong mga mekanismong nagtitiyak ng katapatan at pananagutan ng mga upisyal. Bibigyan natin ng mataas na pagpapahalaga ang integridad, kakayahan, kasipagan, katapatan at kahusayan ng mga nasa serbisyong pampubliko.

TUNAY NA MABUTING PAMAMAHALA, NGAYON NA!

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Page 33: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

ISAKATUPARAN ang PULITIKA NG PAGBABAGO at tunay na paglilingkod sa mamamayan:  

1. Pulitikang nakabase sa prinsipyo at mga isyu ng mamamayan, hindi sa popularidad ng indibidwal at pamumudmod ng pabuya sa botante;

2. Pulitika ng pananagutan (accountability) - Nararapat ang pananagutan sa bayan at serbisyo publiko, hindi ng pansariling kapakanan at pangangamkam sa kaban ng bayan. Batay sa saligang batas ng Pilipinas, (Article XI, Section 1) - “Public office is a public trust. Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and justice, and lead modest lives”

3. Pulitikang nagbibigay ng tunay na kapangyarihan sa mamamayan, hindi ng panlilinlang at hungkag na pangako ng mga tradisyunal at lumang pulitiko;

Reporma para sa Mabuting Pamamahala

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Page 34: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

4. Pulitikang nagtataguyod sa tunay na good governance.

Masusukat ang tunay na Good Governance kung integral na umiiral ang mga sumusunod na mga prinsipyo sa pamamahala:

- Transparency (bukas at walang ikinukubli); - Accountability (may pananagutan); at - People’s participation (partisipasyon ng mamamayan)

Kung di umiiral at wala ang isa man sa tatlong prinsipyo – huwad ang sinasabi nilang good governance.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Reporma para sa Mabuting Pamamahala

Page 35: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

5. Pulitika laban sa bureaucratic red-tape

Electronic Governance (e-Governance)

Sa pagsugpo ng bureaucratic red-tape kaugnay sa mga transaksiyon ng mamamayan sa munisipyo at barangay, nararapat ipatupad ang full computerization at automation sa buong munisipyo at mga pangunahing barangay, alinsunod sa pambansa at internasyunal na pamantayan.

Sa ganitong sistema, ang mamamayan ng Malasiqui ay maaaring gumawa ng transaksiyon ONLINE para kumuha at mag-renew ng permit, rehistro, lisensiya sa negosyo at iba pang serbisyo ng lokal na pamahalaan nang hindi na kailangan pang kunin ang pirma ng iba’t-ibang otoridad.

Samantala, ipatutupad ang epektibong Citizen’s Charter para sa mamamayang di pa makagamit ng kompyuter/online para sa mabilis na proseso (3-5 minutes release) at serbisyo.

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Reporma para sa Mabuting Pamamahala

Page 36: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

PANAWAGAN NG BAYAN:

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com

Page 37: Six Points Reform Program for Change - Jebong de Guzman

http://www.facebook.com/groups/jebong4reform/ Website:http://jebong4reformmovement.weebly.com