50
Si Kristo ay Muling Nabuhay!

Christ is Risen & Will Come Again

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Christ is Risen & Will Come Again

Si Kristo ay Muling Nabuhay!

Page 2: Christ is Risen & Will Come Again

Si Kristo ay Nabuhay at Muling Magbabalik

Ika-9 na Panayam

Page 3: Christ is Risen & Will Come Again

(I)Ang Kahalagahan at Katangiang-Likas ng Muling Pagkabuhay

Page 4: Christ is Risen & Will Come Again

A. Kahalagahan ng Pagliligtas

• Sinabi ni San Pablo: “Kung hindi binuhay si Kristo… walang katuturan ang inyong pananampalataya” (1 Corinto 15:15).

Page 5: Christ is Risen & Will Come Again

Unang Kahalagahan

• Pinatotohanan ng muling pagkabuhay ang lahat ng ginawa at itinuro ni Kristo.

Page 6: Christ is Risen & Will Come Again

Ikalawang Kahalagahan

• Tinupad ni Kristo ang mga hula sa Matandang Tipan na nangangako ng isang Tagapagligtas para sa buong sanlibutan.

Page 7: Christ is Risen & Will Come Again

Ikatlong Kahalagahan

• Pinatotohanan ng muling pagkabuhay ang pagka-Diyos ni Hesus.

Page 8: Christ is Risen & Will Come Again

Ikapat na Kahulugan

• Ang muling pagkabuhay ni Kristo ay nagdulot sa atin ng pakikibahagi sa bagong buhay ng mga inampong anak ng Ama.

Page 9: Christ is Risen & Will Come Again

Ikalimang Kahalagahan

• Si Kristong muling nabuhay ang katibayan ng ating muling pagkabuhay sa hinaharap.

Page 10: Christ is Risen & Will Come Again

(B) Katangiang-Likas ng Muling Pagkabuhay

Page 11: Christ is Risen & Will Come Again

Unang Katangian

• Bilang isang pangyayari, ang muling pagkabuhay ni Kristo ay parehong makasaysayan at lampas-sa-kasaysayan.

Page 12: Christ is Risen & Will Come Again

Ikalawang Katangian

• Ang maluwalhating kalagayan ng Kristong muling nabuhay ay parehong katulad at hindi katulad sa makasaysayan at makalupang si Hesus.

Page 13: Christ is Risen & Will Come Again

Ikatlong Katangian

• Bilang bunsod ng Banal na Santatlo, ang muling pagkabuhay ay kumakatawan sa tiyakang pamamagitan ng Banal na Santatlo sa nagnilikha at sa kasaysayan ng tao.

Page 14: Christ is Risen & Will Come Again

(II)Ang Saksi ng Bagong Tipan

sa Muling Pagkabuhay

Page 15: Christ is Risen & Will Come Again

A. Ang Muling Pagkabuhay Bilang Kerigma

“Kerigma” = salitang Griyego, ang kahulugan ay “pagpapahayag”

Ang muling pagkabuhay ang pinaka mahalagang pahayag para sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiano.

Sa muling pagkabuhay ni Kristo, isang tunay na pagbabagong-anyo ng sangnilikha ang pinagbunga ng Diyos.

Page 16: Christ is Risen & Will Come Again

B. Ang Muling Pagkabuhay Bilang Presensiya ni Jesus

Si Kristong muling nabuhay ay palaging inilalarawan bilang “makita,” “nahipo,” o “niyakap.”

“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at paa, ako nga ito. Hipuin ninyo ako at pagmasdan. Ang multo ay walang laman at buto, ngunit ako ay mayroon tulad ng nakikita ninyo” (Lukas 24:39).

Page 17: Christ is Risen & Will Come Again

Tatlong Mahalagang Katangian ng Pagpapakita ni

Kristong Muling Nabuhay

Page 18: Christ is Risen & Will Come Again

Unang Katangian

• Nagpakita si Kristong muling nabuhay bilang lumalampas sa pangkaraniwang hangganan ng panahon at puwang.

Page 19: Christ is Risen & Will Come Again

Ikalawang Katangian

• Maliban kay Pablo, nagpakita lamang si Kristong muling nabuhay doon sa mga nakakilala sa kanya bilang Hesus na makalupa at makasaysayan.

Page 20: Christ is Risen & Will Come Again

Ikatlong Katangian

• Ang pagpapakita ni Kristong muling nabuhay ay hindi pumawi sa lahat ng mga pag-aalinlangan.• Hindi pa rin lahat ng nakakita ay

naniwala na siya nga si Kristo.

Page 21: Christ is Risen & Will Come Again

Ang Presensiya ni Kristong muling nabuhay ay hindi lamang sa

kanyang mga pagpapakita, kundi sa pagdating ng Espiritu Santo sa

mga unang Kristiano.

Page 22: Christ is Risen & Will Come Again

Ang Presensiya ni Jesus sa Tatlong Larangan

1. Doktrina2. Buhay-Moral3. Pagsamba

Page 23: Christ is Risen & Will Come Again

Sa Doktrina

Isinugo ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi, “Humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa… at turuan sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo” (Mateo 28:19-20).

Nag-iwan si Hesus sa kanyang Iglesia ng mga aral at katuruan at ito ay kanyang ipinagkatiwala sa kanyang mga alagad.

Page 24: Christ is Risen & Will Come Again

Sa Pamumuhay na Moral

• Ayon kay Pablo, “Kung nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang bumuhay kay Kristo, ang Diyos ding iyan ang magbibigay ng buhay sa inyong mga katawang mamamatay, sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo. Mga kapatid, hindi na tayo alipin ng likas na hilig ng laman, kaya hindi na tayo dapat mamuhay ayon sa laman” (Roma 8:11-12).

Page 25: Christ is Risen & Will Come Again

Sa Gawaing Pagsamba• Ayon kay Pablo, ang Misterio

Paskuwal ni Kristo ay namamalagi sa Eukaristiya: “Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa sarong ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa muling pagparito niya” (1 Corinto 11:26).

Page 26: Christ is Risen & Will Come Again

The Empty Tomb

Page 27: Christ is Risen & Will Come Again

K. Ang Libingang Walang Laman

Nagpunta sa libingan si Maria Magdalena, pati na sina Pedro at Juan, at nakita nilang wala ng laman ang libingan.

Ang libingan ay para lamang sa mga patay. Si Kristo ay muling nabuhay.

Hindi totoong ang bangkay ni Hesus ay ninakaw, ayon sa ipinagsasabi ng mga kaaway na Pariseo.

Page 28: Christ is Risen & Will Come Again

Pag-akyat sa Langit

Page 29: Christ is Risen & Will Come Again

(III)Ang Pag-akyat sa

Langit ni Kristo

Page 30: Christ is Risen & Will Come Again

Mahalagang bahagi ng misterio paskuwal ni Kristo ang

kanyang pag-akyat sa langit.

• Sinabi ni Kristong muling nabuhay kay Maria Magdalena, “Aakyat ako sa aming Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos” (Juan 20:17).

Page 31: Christ is Risen & Will Come Again

Ang Nagdurusang Lingkod

• Ayon kay Propeta Isaias, “Ang lingkod ko ay magtatagumpay sa kanyang gawain, mababantog siya at dadakilain” (Isaias 52:13).

Page 32: Christ is Risen & Will Come Again

Ayon sa Gawa 5:30-31

“Ang Diyos ng ating mga ninuno ang muling bumuhay kay Hesus na pinatay ninyo nang inyong ipabitay sa krus. Iniakyat siya ng Diyos sa kanyang kanan bilang Tagapanguna at Tagapagligtas, upang bigyan ng pagkakataon ang mga Israelita na magsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan, at sa gayon, sila ay patawarin.”

Page 33: Christ is Risen & Will Come Again

Pagtataas o Pag-akyat sa Langit

• Ito ang pinakamataas na pagdakila kay Kristo bilang Tagapamahala at pinaka-makapangyarihan sa sangkinapal, at sa buong kasaysayan.

Page 34: Christ is Risen & Will Come Again

Ako ay si “Ako Nga”

“Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng Tao, malalaman ninyong ‘Ako ay si Ako nga’” (Juan 8:28).“Ako Nga” ang pangalang ipinahayag ng Diyos kay Moises sa Exodo 3:14 na ginamit sa Ebanghelyo ni Juan upang ipakilala ang pagka-diyos ni Hesus.

Page 35: Christ is Risen & Will Come Again

Kailangang Mangyari

“Ang pag-alis ko ay sa ikabubuti ninyo… Kung aalis ako, susuguin ko ang Patnubay sa inyo” (Juan 16:7).Ang pag-akyat ni Hesus sa Ama ay hindi nangangahulugan na inabandona niya ang kanyang mga alagad, kundi lalo pa ngang tumindi ang kanyang presensiya.

Page 36: Christ is Risen & Will Come Again

Ang Pag-akyat sa Langit ni Kristo ay Saligang Katotohanan

ng ating Pananampalatayang Kristiyano

Page 37: Christ is Risen & Will Come Again

Unang Katotohanan

• Ang pag-akyat sa langit ay palatandaan ng pagdakila kay Kristo sa makalangit na kaharian ng kanyang Ama.

Page 38: Christ is Risen & Will Come Again

Ikalawang Katotohanan

• Sa pag-akyat sa langit ni Kristo, hindi ito nangangahulugan ng paghiwalay ni Kristo, sapagkat pinangako niya mula sa langit na “ilalapit ko sa akin ang lahat ng tao” (Juan 12:32).

Page 39: Christ is Risen & Will Come Again

Ikatlong Katotohanan

Sapagkat “Si Hesus ay nabubuhay magpakailanman upang mamagitan,” naipagpapatuloy ni Kristo ang kanyang pagkapari simula noong siya ay pumasok sa langit. “At ngayon ay nasa harapan siya ng Diyos at namamagitan para sa atin” (Hebreo 7:25; 9:24).

Page 40: Christ is Risen & Will Come Again

Ikapat na Katotohanan

• Si Kristong umakyat sa langit bilang Ulo ng Simbahan ay nagbibigay pag-asa sa atin – mga bahagi ng Kanyang katawan – na darating ang araw makapapasok din tayo sa langit kasama niya.

Page 41: Christ is Risen & Will Come Again

Ang Pagbabalik ni Kristo

Page 42: Christ is Risen & Will Come Again

(IV)Si Kristo ay Muling Babalik

Page 43: Christ is Risen & Will Come Again

Tayo ay Sumasampalataya

Mula sa Kredo, na “si Kristo ay muling babalik upang maghukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.”

Sa Banal na Misa, sa misterio ng ating pananampalataya, “Si Kristo ay namatay, si Kristo ay muling nabuhay, si Kristo ay magbabalik sa wakas ng panahon.”

Page 44: Christ is Risen & Will Come Again

Ang Pagbabalik (“Parousia”)

“Darating ang Anak ng Tao na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama na kasama ang kanyang mga anghel. Sa panahong yaon ay gagantihin niya ang bawat tao ayon sa kanyang ginawa” (Mateo 16:27).

Page 45: Christ is Risen & Will Come Again

Saligang Katotohanan ng “Parousia”

Page 46: Christ is Risen & Will Come Again

Unang Katotohanan• Si Kristong muling nabuhay bilang Anak

ng Tao “ang hahatol sa mga buhay at mga patay” (2 Timoteo 4:1).

• “Kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trompeta ng Diyos, bababa ang Panginoon mula sa langit. Bubuhayin muna ang mga namatay na nananalig kay Kristo” (1 Tesalonica 4:16).

Page 47: Christ is Risen & Will Come Again

Ikalawang Katotohanan

• Ang ikalawang pagbabalik ni Kristo ay hindi maipagkakamali sapagkat ito ay may kasabay na walang katulad na mga palatandaan sa langit at lupa.

• “Kung gaano kabilis gumuhit ang kidlat mula sa silangan hanggang sa kanluran, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng Tao” (Mateo 24:27).

Page 48: Christ is Risen & Will Come Again

Ikatlong Katotohanan

• Kailan magaganap ang Parousia?“Walang nakaaalam ng araw at oras ng pagsapit niyon, kahit ang mga anghel sa langit, o ang Anak man – ang Ama lamang ang nakaaalam nito” (Mateo 24:36).

Page 49: Christ is Risen & Will Come Again

Ikapat na Katotohanan• Dahil ang Parosia ay darating na

hindi inaasahan, “katulad ng pagdating ng magnanakaw” (1 Tesalonica 5:2), kailangan “mag-ingat kayo at maging handa sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ito mangyayari” (Marcos 13:33).

Page 50: Christ is Risen & Will Come Again

Ikalimang Katotohanan

Ang paghahari ng Diyos ay narito na subalit hindi pa lubos. Ibinigay na sa atin ang Espiritu ng Diyos kaya nasa atin na ang panahon ng pagliligtas.

Ito ay nangyayari na sa atin sa pamamagitan ng ating araw-araw na pagkilos batay sa isang pamantayan: “Nang gawin ninyo ito sa pinaka-hamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa” (Mateo 25:31,41).