3
KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG PAKIKIPAGKASUNDO I. SITWASYON NG BUHAY: 1. Naranasan n’yo na ba ang mapagalitan ng inyong mga magulang? 2. Ano ang dahilan kung bakit kayo napapagalitan? 3. Nakaranas na ba kayo na humingi ng paumanhin o tawad sa iyong mga magulang o kaaway? 4. Ito’y ba’y mahirap o madali? Tayong lahat ay nakakaranas na mapagalitan o mapagsabihan ng ating mga magulang, sa kadahilanang hindi natin pagsunod sa kanilang mga ipinag-uutos, sa pagiging matigas ng ating mga ulo, sa paggawa natin ng mga hindi magaganda,( kuhain ang sagot ng mga bata). Pagkatapos nito tayo ay humihingi ng paumanhin sa kanila dahil tayo’y kanilang mahal pinatatawad nila tayo at sinasabihan na huwag ng ulitin ang mga iyon. Tunay na napakahirap humingi ng tawad sa ating mga kaaway, o sa mga mahalaga sa atin.(maaring dagdagan ) Ngayon ay ating pakinggan ang ang isang kwento na nagmula sa Banal na Kasulatan. ii. SALITA NG DIYOS: Lukas 15:11-32 Ang mapagmahal na Ama (Kwewento ng Katekista ang Talinghaga) 1. Sinu-sino ang pangunahing tauhan sa Kwento? 2. Ano ang ginawa ng Bunsong Anak? 3. Pagkatapos ibigay ng Ama ang mana ano ang kanyang ginawa? 4. Ano ang nangyari sa kanya matapos maubos ang salapi? 5. Anong naisip niya ng maghirap siya? 6. Ano ang reaksyon ng Ama ng Makitang dumarating ang bunsong Anak? 7. Ano ang ginawa ng bunsong Anak ng nilapitan siya ng kanyang Ama? 8. Tanda ng pagapapatawad anong ginawa ng Ama? 9. Anong naging reaksyon ng panganay na anak ng malaman niya na pinaghanda ng kanyang Ama ang kanyang kapatid? 10. Ano naman ang ginawa ng Ama? PAGBUBUO: Ayon sa ating Panginoon Hesukristo , ang AMA sa kwento ay larawan ng Diyos. Ang Diyos na handang magpatawad sa mga taong nagkakasala’t nagbabalik-loob. Ang Diyos na lagging nag-aantay sa ating pagbabalik-looob at punong-puno ng awa at pagmamahal. Ang BUNSONG ANAK naman ay larawan nating lahat. Lumalayo tayo at pinuputol natin ang ating ugnayan o relasyon sa Diyos Ama sa pamamagitan ng pagsuway sa kanya, ang paggawa ng di mabuti. ANG PAGLAYONG ITO SA Ama at pagputol ng ating pakikipag-ugnayansa kanya ay tinatawag na kasalanan. Ang pagbabalik ng Anak at paghingi ng tawad ay larawan ng ating pagsisisi sa tuwing tayo’y nagkakasala.

Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo

KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG PAKIKIPAGKASUNDO

I. SITWASYON NG BUHAY:

1. Naranasan n’yo na ba ang mapagalitan ng inyong mga magulang?2. Ano ang dahilan kung bakit kayo napapagalitan?3. Nakaranas na ba kayo na humingi ng paumanhin o tawad sa iyong mga magulang o kaaway?4. Ito’y ba’y mahirap o madali?

Tayong lahat ay nakakaranas na mapagalitan o mapagsabihan ng ating mga magulang, sa kadahilanang hindi natin pagsunod sa kanilang mga ipinag-uutos, sa pagiging matigas ng ating mga ulo, sa paggawa natin ng mga hindi magaganda,( kuhain ang sagot ng mga bata). Pagkatapos nito tayo ay humihingi ng paumanhin sa kanila dahil tayo’y kanilang mahal pinatatawad nila tayo at sinasabihan na huwag ng ulitin ang mga iyon. Tunay na napakahirap humingi ng tawad sa ating mga kaaway, o sa mga mahalaga sa atin.(maaring dagdagan )

Ngayon ay ating pakinggan ang ang isang kwento na nagmula sa Banal na Kasulatan.

ii. SALITA NG DIYOS: Lukas 15:11-32 Ang mapagmahal na Ama(Kwewento ng Katekista ang Talinghaga)

1. Sinu-sino ang pangunahing tauhan sa Kwento?2. Ano ang ginawa ng Bunsong Anak?3. Pagkatapos ibigay ng Ama ang mana ano ang kanyang ginawa?4. Ano ang nangyari sa kanya matapos maubos ang salapi?5. Anong naisip niya ng maghirap siya?6. Ano ang reaksyon ng Ama ng Makitang dumarating ang bunsong Anak?7. Ano ang ginawa ng bunsong Anak ng nilapitan siya ng kanyang Ama?8. Tanda ng pagapapatawad anong ginawa ng Ama? 9. Anong naging reaksyon ng panganay na anak ng malaman niya na pinaghanda ng kanyang Ama

ang kanyang kapatid?10. Ano naman ang ginawa ng Ama?

PAGBUBUO:

Ayon sa ating Panginoon Hesukristo , ang AMA sa kwento ay larawan ng Diyos. Ang Diyos na handang magpatawad sa mga taong nagkakasala’t nagbabalik-loob. Ang Diyos na lagging nag-aantay sa ating pagbabalik-looob at punong-puno ng awa at pagmamahal.

Ang BUNSONG ANAK naman ay larawan nating lahat. Lumalayo tayo at pinuputol natin ang ating ugnayan o relasyon sa Diyos Ama sa pamamagitan ng pagsuway sa kanya, ang paggawa ng di mabuti. ANG PAGLAYONG ITO SA Ama at pagputol ng ating pakikipag-ugnayansa kanya ay tinatawag na kasalanan. Ang pagbabalik ng Anak at paghingi ng tawad ay larawan ng ating pagsisisi sa tuwing tayo’y nagkakasala.

Ang PANGANAY NA ANAK naman ay larawandin nating lahat sa tuwing tayo’y ayaw magpatawad sa mga taomg nagkakasala sa atin at ang tingin natin sa sarili’y mas mabuti kaysa iba.

INTERPLAY:

Paminsan-minsan o kadalasan tayo ay sumusuway sa ating mga magulang at nakatatanda sa atin tulad ng di pagsunod sa kanilang ipinag-uutos at pagbalewalasa kanilang mga pangaral kung kaya’t tayo ay napapagalitano napagsasabihan, Gumagawa tayo ng mga bagay na makakasira ng relasyon natin sa ating mga kaklase o kaibigan tulad ng pakikipag-away,pangangantiyaw at iba (maaaring mgbigay pa ng ibang halimbawa)..Ang mga bagay na ito ay nakakasira ng ating ugnayan o relasyon sa Diyos. Samantalang ang ating mga magulang ay tayo’y kanilang minamahal sa kabila ng ating kasamaan o di mabuti, ganun din ang ating Amang nasa langit siya ang Ama na pinakilala ni Hesus sa Kwento, Ang Ama na mapagpatawad, puno ng awa at mapamahal. Ang Ama sa kabila ng ating pagsuway at pagtalikod sa kanyang pag-ibig ay laging nakatingin at nag-aantay sa ating pagbabalik.

Page 2: Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo

Patuloy siyang nag-aanyaya sa atin na tularan ang bunsong Anak na maglakas-loob na humingi ng tawad sa mga nagawang pagkakamali.

Paano tayo hihingi ng TAWAD SA Diyos?II. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA:

Sa Sakramento ng pakikipagkasundo tayo ay pinapatawad ng Diyos sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Pari

Tunay na pinapatawad tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan sa tulong ng Pari na kanyang pnili, siya ang naggagawadng kapatawaransa ngalan ni Kristo. Sila ang binigyan ng kapangyarihan ni Hesus na magpatawad ng ating mga kasalalan pagkatapos na siya’y mabuhay na magmuli “Ang patawrin ninyo sa kanilang kasalanan ay pinapatawad na nga, ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinapatawad”.Nagkakasala tayo sa Diyos sa ating mga ginagawang di magaganda at ito ang ating sinasabi sa Pari.

Bunga ng ating kahinaan o kagustuhan tayo ay gumagawa ng mga bagay na di kanais-nais at tayo ay tumatalikod sa Diyos at tayo’y nagkakasala dahil sa ating mga ginagawa na di maganda ito ay ang Ksalanan. Ito ang ating mga ihihingi ng tawad sa Diyos na kung saan ito’y sasabihin nati sa Pari.

(MAGBIGAY NG MGA KONGRETONG HALIMBAWA NG KASALANAN)Ang Diyos Ama na mapagmahal ay lagging nag-aantay at handang magpatawad.

Sa kabila ng ating pagsuway at di pagsunod may isang Ama na ang-aantay sa ating pagbabalik-loob o paghingi ng tawadsa ating mga nagawang ksalanansapagkat siya ay punong-puno ng pag-ibig at pagpapatawad walang iba ang ating Diyos Ama na nagpapatwad sa ating mga kasalanan.

Paano tayo magiging Handa sa pagtanggap ng Sakramento ng Pakikipagkasundo?1. Ang panahimik na pagdarasal- Hingin natin ang tulong ng Espiritu Santo upamng bigyan tayo

ng lakas na Makita, aminin, at tanggapinang ating kasalanang nagawa.2. PAGSISISI- Pagsisisihan natin ang ating mga nagawang kasalanan at pangakong hindi na

magkakaksala muli.3. Pangako na magbabago- Ang pagbabago ay isa sa mga bunga ng tunay na pagsisisi ( Hal:

Kung dating parakupit sisisikaping mabgo, magbigay pa ng halimbawa)4. Pangungumpisal- Ito ang paglapit sa pari at pagsabi ng kasalanan.

a) Lalapit sa Parib) Luluhod o uupo sa harapan ng Pari at mag-aantanda ng Krus () c) Sasabihin sa Pari “Padre, Bendisyunan mo po ako sapagkat ako’y nagkasala” ang huli ko

pong kumpisal ay noong (sasabihin kung kalian ang huling pangungumpisal)d) Ito po ang aking mga Kasalanan(SASABIHIN NA ANG MGA NAGAWANG

KASALANAN)e) Hintayin ang sasabihin ng PARI at sundin itomaging ito ay payo, pagdarasal o may

ipagagawang hakbang upang tunay na makipagbalikang-loob sa kapwa higit sa Diyosf) Hintayin ang paggawad ng kapatawaran o absolusyon ng Parig) Mag-antada ng Krus bago umalis sa harapan ng Pari.

Dasal na pagsisisis

O Panginoong Hesuristo ako ay nagkasala laban sa iyong kabutihang walang hanggan ako’y nagsisis at nangangakong di na muling magkakasala sa tulong ng iyong Mahal na grasya.Amen

Tugon ng Pananampalataya:

1. Ano ang gagawin ninyo kapag kayo’y nagkakasala?

2. Bakit tayo nangungumpisal?

Prepared by: joemervaragon020811