55
Patuloy ang pagdating PAPALAPIT SA IYO at hindi mo na ito kayang iwasan! Lesson 8

Lesson 8 Papalapit Sa'yo

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

Patuloy ang pagdating

PAPALAPIT SA IYO at hindi mo na

ito kayang iwasan!

Lesson 8

Page 2: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

1. Babalik ba si

Jesus dito sa lupa

sa pangalawang

pagkakataon?

Makasisiguro ba

tayo?

Page 3: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

• “Si Cristo… sa ikalawa’y pakikita.“

Hebreo 9:28.

• “At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda

ng kalalagyan, ay muling paririto ako.”

Juan 14:3

Page 4: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

2. Sa anong

paraan ang

pagbabalik ni

Jesus sa

pangalawang

pagkakataon?

Page 5: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

• “Nang siya’y tinitingnan nila, ay dinala siya sa taas, at siya’y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin. At samantalang tinitigan nila ang langit habang siya’y lumalayo, narito ang dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit; Na nangagsabi naman,

Page 6: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? Itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.”

Gawa 1:9-11.

Page 7: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

3. Ang pangalawang pagparito ba

ni Cristo ay lantad sa paningin

ng lahat ng tao o sa mga

piniling grupo lamang?

Page 8: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

• “Narito, siya’y pumaritong

nasasa mga alapaap; at

makikita siya ng bawa’t mata.”

Apocalipsis 1:7

• “Sapagka’t gaya ng kidlat na

kumikidlat sa silangan, at

nakikita hanggang sa kanluran;

gayon din naman ang pagparito

ng Anak ng tao.”

Mateo 24:27

Page 9: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

4. Sinong makakasama ni Jesus

sa kaniyang pangalawang

pagdating at bakit?

Page 10: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

“Datapuwat pagparito ng Anak

ng tao na nasa kaniyang

kaluwalhatian, na kasama

niya ang lahat ng mga anghel,

kung magkagayo’y luluklok

siya sa luklukan ng kaniyang

kaluwalhatian.”

Mateo 25:31

Page 11: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

5. Ano ang layunin ng pangalawang

pagdating ni Jesus dito sa lupa?

Page 12: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

“Narito, ako’y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa.

Apocalipsis 22:12

Page 13: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

• “Ay muling paririto ako, at

kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili,

upang kung saan ako

naroroon, kayo naman ay dumoon.”Juan 14:3

Page 14: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

“At upang kaniyang suguin ang

Cristo…Na siya’y kinakailangang tanggapin

ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay.”

Gawa 3:20, 21

Page 15: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

6. Ano ang mangyayari sa mga

matutuwid kung si Jesus ay babalik sa

pangalawang pagkakataon?

Page 16: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

“Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit… at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: At sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.” 1 Tesalonica 4:16,17

Page 17: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

“Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit… at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay na nangatitia, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: At sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.”

1 Tesalonica 4:16,17

Page 18: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

• “Tayong lahat ay babaguhin,… at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasarian. Sapagka’t…itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.” 1 Corinto 15:51-53

• Mula doon ay hinihintay naman natin…and Panginoong Jesucristo! Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian.” Filipos 3:20,21

Page 19: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

7. Ano ang mangyayari sa mga makasalanan

kung si Jesus ay muling darating?

Page 20: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

“At ng hinga ng kaniyang mga labi ay

kaniyang papatayin ang masama.”

Isaias 11:4

“At ang mapapatay ng Panginoon sa

araw ng yao’y magiging mula sa isang

dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo

ng lupa.” Jeremias 25:33

Page 21: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

8. Paano maaapektuhan ng

pangalawang pagdating ni Cristo

ang lupa?

Page 22: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

“At nagkaroon ng malakas na lindol, na di

nangyari kailanman mula nang magkatao sa

lupa, isang lindol na lubhang malakas,

lubhang kakilakilabot. At tumakas ang

bawa’t pulo, at ang bundok ay hindi

nangasumpungan.”

Apocalipsis 16:18,20

Page 23: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

“Narito, pinawawalan ng

laman ng Panginoon ang lupa atsinisira.”

“Ang lupa ay lubos na mawawalan ng aman.”

Isaias 24:1,3

Page 24: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

9. Ang Biblia ba

ay mayroong

tiyak na

impormasyon

ukol sa

napipintong

muling pagdating

ni Cristo?

Page 25: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

A. ANG PAGKAWASAK NG JERUSALEM

Hula: “Dito’y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak.”

“Kung magkagayo’y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea.”

Mateo 24:2,16

Page 26: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

B. ISANG MATINDING PAG-UUSIG, O KAPIGHATIAN

Hula: Magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo’y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng

sanglibutan.”

Mateo 24:21

Page 27: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

C. ANG ARAW AY NAGDILIM

Hula: “Datapwa’t karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay

magdidilim ang araw.”

Mateo 24:29

Page 28: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

D. ANG BUWAN AY NAGMISTULANG DUGO

Hula: “Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.”

Joel 2:31

Page 29: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

PAGBAGSAK NG MGA BITUIN MULA SA LANGIT

Hula: “At mangangalaglag ang mga bituin mula sa langit”

Mateo 24:29

Page 30: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

SI JESUS AY DARATING SA MGA ALAPAAP

Hula: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit; At kung magkagayo’y

magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa. At mangakikita nila ang Anak ng tao na

napaparitong sumama sa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.”

Mateo 24:30

Page 31: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

10. Paano natin malalaman na narating na

natin ang dulo ng mga araw ng kasaysayan

ng mundo? Maliwanag bang inilarawan ng

Bibliya ang sanglibutan at ang mga tao sa

huling hererasyon?

Page 32: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

A. MGA ALITAN SA KAPITAL AT TRABAHO

“Ang kaupahan ng mga manggagawa na nagsiani sa inyong mga bukid, na iniring ninyo sa pamamagitan ng daya, ay humihibik: at ang mga hibik ng mga nagsiani ay nagsipasok sa mga pakinig ng Panginoon.” Mangagtiis din naman Kayo,… Sapagka’t ang pagparito ng Panginoon ay malapit na.”

Santiago 5:4,8

Page 33: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

B. MGA DIGMAAN AT KAGULUHAN

“Ang kaupahan ng mga manggagawa na nagsiani sa inyong mga bukid, na iniring ninyo sa pamamagitan ng daya, ay humihibik: at ang mga hibik ng mga nagsiani ay nagsipasok sa mga pakinig ng Panginoon.” Mangagtiis din naman Kayo,… Sapagka’t ang pagparito ng Panginoon ay malapit na.”

Santiago 5:4,8

Page 34: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

C. TAKOT, KAWALAN NG KATAHIMIKAN AT KASALATAN

“At magkakaroon ng … sa lupa’y magkakaroong kasalatan sa mga bansa, na matitilihan;…magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihitay sa mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan.”

Lukas 21: 25,26

Page 35: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

D. ANG PAGLAWAK NG KARUNUNGAN

“Hanggang sa panahon ng kawakasan… ang kaalaman ay lalago.”

Daniel 12:4

Page 36: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

E. ANG MGA MANUNUYA AT MGA RELIHIYOSONG SEPTIKO NA TUMALIKOD SA KATOTOHANANG MULA SA BIBLIYA

“Na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya.”

2 Pedro 3:3

Page 37: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

Na hindi nila titiisin ang magaling na aral,…At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga

tainga, at mga ibabaling sa katha.”

2 Timoteo 4:3,4

Page 38: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

F. ANG PAGBAGSAK NG MORALIDAD –PAGBABA NG ESPIRITUWALIDAD

“Sa mga huling araw…ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili,…Walang katutubong pag-

ibig,…mga walang pagpipigil sa sarili,… hindi mga maibigin sa mabuti,… Na may anyo ng kabanalan,

datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito.”

2 Timoteo3:1,5

Page 39: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

G. PAGKAHUMALING SA KALAYAWAN

“Sa mga huling araw,…. ang mga tao’y magiging….mga maibigan sa kalayawan kay sa

mga maibigin sa Dios.”

2 Timoteo 3:1,4

Page 40: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

H. PAGTAAS NG KAGULUHAN, PAGDANAK NG DUGO, KRIMEN AT DAHAS

“Sa pagsagana ng katampalasanan.” Mateo 24:12

“Ang masasamang tao at mga mandaraya ay lalong sasama ng sasama.” 2 Timeteo 3:13

Page 41: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

“Ang lupain ay puno ng mga sala sa pagbububo ng dugo, at ang bayan ay puno ng pangdadahas.”

Ezekiel 7:23

Page 42: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

I. MAPANIRANG LINDOL, BAGYO, AT MGA KAGUTOM

“At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa ibat-ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot.”

Lukas 21:11

Page 43: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

J. ISANG MAHALAGANG PABALITA SA SANGLIBUTAN SA MGA HULING ARAW

“At ipangangaral ang ebangeliong ito sa kaharian sa buong sanglibutan, sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo’y darating ang wakas.” Mateo 24:14

Page 44: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

K. PAGLINGON SA ESPIRITISMO

“Sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat.”

1Timoteo 4:1

“Sila’y mga espiritu ng mga demonyo.”

Apocalipsis 16:14

Page 45: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

11. Gaano

kalapit ang

pangalawang

pagdating ni

Cristo?

Page 46: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

“Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga:pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw; Gayon din naman kayo, pagka nakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya’y malapit na, nasa mga pintuan nga. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas and lahing ito, hanggang sa magaganap ang lahat ng mga bagay na ito.”

Mateo 24:32-34

Page 47: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

12. Si Satanas ay

nagsasabi ng maraming

kasinungalingan tungkol

sa pangalawang

pagdating ni Cristo at,

mga huwad na

kababalaghan at hiwaga,

ay nakapanlinlang sa

milyun-milyon. Paano

ako makasisigurong hindi

ako madadaya?

Page 48: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

• “Sila’y mga espiritu ng demonyo na nagsisigaw ng mga tanda.”

Apocalipsis 16:14

• “At mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ang mga hirang.”

Mateo 24:24

• Sa kautusan at sa patotoo! Kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.”

Isaias 8:20

Page 49: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

13. Paano ako

makakasiguro na

ako’y handa sa

muling pagdating ni

Jesus?

Page 50: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

• “At ang lumalapit sa akin anomang paraan ay hindi ko itataboy.” Juan 6:37

• Datapuwa’t ang lahat ng sa kaniya’y nagsitanggap, ay pinakakalooban niya sila ng karapatang maging mga anak

ng Dios.” Juan 1:12

Page 51: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

• “Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip. At sa kanilang mga puso’y isusulat ang mga

ito.” Hebreo 8:10

• “Salamat sa Dios, na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong

JesuKristo.” 1 Corinto 15:17

Page 52: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

14. Anong malaking panganib ang

mataimtim na babala ni Cristo?

Page 53: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

“Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.”

Mateo 24:44

Page 54: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

“Datapuwat mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at dumating na bigla sa inyo ang araw ng yaon na gaya ng silo.”

Lukas 21:34

“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.”

Mateo 24:37

Page 55: Lesson 8 Papalapit Sa'yo

Para sa karagdagang pag-aaral,

paglilinaw o mga katanungan,

Magpost lamang sa group

timeline at bibigyan po namin

kayo ng kasagutan.