42
7 Dul a Faycan, Joy F. Mabanta, Rosemarie Gaile C. Tapuro Jharmagne Maria Amor B.

Dula Ppt(Lesson Plan)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

7DulaFaycan, Joy F.

Mabanta, Rosemarie Gaile C.

Tapuro Jharmagne Maria Amor B.

Introduksyon ng Aralin at Talakayan sa kahulugan ng dula.

Kahulugan ng dula

Kasaysayan ng dula

Elemento ng dula

Sangkap ng dula

Uri ng dula

Sangkap sa pagsusuri ng dula

Kahulugan ng Dula

Arthur Casanova

Ruth E. Mabanglo

Veneranda Lachica

Rubel

Edmund Burke

Schiller at Madame De Staele

Balmaceda

Consolacion Sauco

Kasaysayan ng Dula

Panahon ng Katutubo

Panahon ng Kastila

Panahon ng Hapon

Panahon ng Amerikano

Panahon ng Bagong Republika hanggang sa Kasalukuyan

Elemento ng Dula

Iskrip o nakasulat na dula

Gumaganap o aktor

Tanghalan

Tagadirehe o Direktor

Manonood

Sangkap ng Dula

Tagpuan

Tauhan

Kwento ng Dula

Aspekto:

Diyalogo at Kilos

Banghay

Uri ng Dula

1. Parsa

2. Komedya

3. Melodrama

4. Trahedya

5. Saynete

Sangkap sa pagsusuri ng Dula

A. TEMA at PAKSA

B. TAUHAN

C. BANGHAY

D. KAISIPAN o PILOSOPIYA MULA SA DIYALOGO

Workshop sa paggawa ng skrip ng Dula

Faycan, Joy F.

B.S.Ed- Fil. IIIContact #: 09073015388Email: [email protected]

Mabanta, Rosemarie Gaile C.

B.S.Ed-Fil 3Contact #: 09077128845Email: [email protected]

Tapuro, Jharmagne Maria Amor B.

B.S.Ed-Fil 3Contact #:09302280579Email: [email protected]

Arthur Casanova

Isa sa mga anyo ng panitikang naglalarawan ng mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan ng bayan.

Ruth E. Mabanglo

Isang paglalarawan ng buhay, isang pangagagad sa buhay na binubuo ng mga tauhan

Veneranda Lachica

Isang uri ng akdang inilalarawan ng mga artista sa ibabaw ng tanghalan o entablado ang kaisipan at damdamin ng may-akda.

Rubel

Isa sa maraming paraan ng pagkukwento. Ito’y may tawag na hango sa salitang Griyego—Drama– nangangahulugang gawin o ikilos.

Edmund Burke

Siyang katotohanang maipalalagay na pinakarepublika ng isang buhay ng panitikan at an kanyang kasaysayan ay siyang kasaysayan ng kanyang bansa.

Schiller at Madame De Staele

Isang uri ng akdang may malaking bisa sa diwa at ugali ng isang bayan. Parang buhay na inilalarawan dito sa atin ang buti at sama ng isang bayan; ang mabuti ay upang pulutin at masama ay upang iwasan at di gawin.

Balmaceda

Isang mahalagang hiyas ng alinmang wika at katulong sa marahas ng pagbibigay ng uri at kislap ng alinmang panitikan.

Consolacion Sauco

Isang larawan ng buhay na sinasangkap ng wika, damdamin at sining. Ito’y sinusulat hindi upang sulatin at basahin lamang. Hinahabi ito upang itanghal, makaaliw, umantig ng damdamin at makapaghatid ng isa o higit pang mensahe.

Iskrip o nakasulat na dula

Pinakakaluluwa ng isang dula;

lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip;

walang dula kapag walang iskrip

Gumaganap o Aktor

Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip,

sila ang nagbibigkas ng dayalogo

sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin

sila ang pinanonood na tuhan sa dula.

Tanghalan

Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan.

Ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula

Ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.

Tagadirehe o Direktor

ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip

Siya ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.

Manood

Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hind ito napanood ng ibang tao.

Hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o manood.

Tagpuan Sumasaklaw sa panahon at lugar/

pook na pinagyarihan ng aksyon

Kadalasan inilalarawan ito ng manunulat upang makatulong sa produksyon.

Ang kaligiran ay mahalaga upang makita ng mambabasa ang pinagganapan ng kuwento.

Halimbawa ng Tagpuan:

Pamagat: Hiblang Abo ni Ruel Aguila

Isang abuhing silid; semento ang inaamag na dingding. Busalsal ang pagkapalitada. May sapat na kamang kalawangin ang plehe; sa tabi ng bawat isa, may munting kabinet na kupas ang barnis. Sa umpisa ng dula, nakatiklop ang gapok ng kutson sa tatlong kama; bakanteng tatlong higaan. May tatlong bakante sa institusyon ng mga abandonadang matanda.

Sa kanan, ibaba, may isang mesang kainan at apat na silya. Kupas at nagsisimula nang mabakbak ang pintura.

Tauhan Sila ang gumaganap

Sa buhay nila umiinig ang mga pangyayari sa kuwento

Sila ang nagsasagawa ng kilos na ipinahihiwatig ng kanilang mga dayalogo.

Sa kanilang pagsasalita lumilitaw ang mga butil ng kaisipang ibig palutangin ng sumulat at sa kanilang mga kilos naipadarama ang damdamin at saloobin.

Inuuri ang mga tauhan ng dula bilang pangunahing tauhan o protagonist na siyang may suliranin sa dula.

Halimbawa ng tauhan:

Pamagat: Hiblang Abo ni Ruel Aguila

Mga tauhan:

Huse– mananalaysay, 70

Sotero– dating magsasaka, 75

Blas– dating manggagawa, 70

Pedro– dating magsasaka

Kwento ng Dula Maaaring bungang isip lamang o

hango sa totoong karanasan.

Sa kasalukuyan, maaaring pagbatayan ang isang maikling katha o kaya ay nobela.

Mayroon din namang pagkakataon na ang orihinal na dula, maikling kwento o kaya ang nobela ay nagiging batayan ng pelikula o kaya’y dulang pantelibisyon.

a. Diyalogo at Kilos Ang dramatikong diyalogo ay masining, pil at

pinatindi batay sa sitwayon.

Di dapat kaligtaan ang pagiging natural sa pagsasalita.

Ang pagsasalita ay may sariling katangian—tiig, bigkas, diin, bilis, lawak.

Ang galaw ng kalamnan ng mukha, ng mga bisig, balikat, kamay at katawan hanggang paa mula pagpasok hanggang paglabas ng tanghalan ay mahalaga.

May mga pagkakataong imiinumungkahi ng manunulat ang mga galaw sa bawat mahahalagang dayalog na higit na makapagpapalutang ng mensaheng nais ihatid.

b. Banghay Basehan ng kayarian

Pinapanood ang mga kilos o aksyon na sadyang pinag-ugnay-ugnay upang mabuo ito.

Masining na pagkakasunud-sunod ng magkakaugnay na pangyayari.

Hinahati-hati ang buong banghay sa mga yugto o bahagi at ang bawat yugto ay sa mga tagpo o eksena.

Gaano man kahaba o kaikli ang isang dula, dapat itong magtaglay ng paglalahad, suliranin, gusot at ang kawakasan.

Ang suliranin o ang gusot ay ang pagtaas na ng aksyon na kinakailangan malutas sa pagtutunggalian ng mga tauhan.

Ang huling bahagi ng dula ay ang resolusyon at wakas na bunga ng tunggalian ng mga tauhan o pwersa sa kapaligiran.

1. ParsaKatangian:

a. Nagdudulot ng katatwanan sa mga tagapanood

b. Gumagamit ng eksaheradong pantomina, pagbobobo(clowning), mga nakakatawa, nakatutuwa, komikong pagsasalita na karaniwang isinasagawa sa mabilisan at di akmang layunin at si pagkakaunawaan.

c. Ang mga sitwasyon ay di makabuluhan.

d. Nagbibigay o nagpapakita sa ugali ng tao na walang kontrol.

2. KomedyaKatangian:

a. Naglalahad ng isang banghay sa sitwasyong nakahihigit kaysa parsa, higit na seryoso at kapani-paniwala, ngunit hindi naman sobra.

b. Ang mga tauhan ay makikita sa lipunan ng mga indibidwal; maaaring sila’y pagtawanan o makitawa sa kanila na may pansin sa kanilang kalagayan o suliranin.

c. Isang dramatikong epekto na humihikayat sa pagbabago ng lipunan, sapagkat ito ay tunay na salaming sosoyal.

3. MelodramaKatangian:

a. Tumutukoy hindi lamang sa kawili-wiling misteryo, ngunit maging sa mga dulang may mapuwersang emosyon o damdamin na puno ng mga simpatetikong mga tauhan.

b. Karaniwang gumagamit ng poetikong katarungan at humihikayat ng pagkaawa para sa mga propagandista at pagkamuhi para sa mga antagonista.

c. Ito’y umaabot at sumasaklaw sa seryosong drama o dula na tinatawag na “drama” sa Ingles at sa tinatawag na dulang suliranin (problem play) na patungo sa trahedya.

4. TrahedyaKatangian:

a. Kumakatawan sa mga tauhan na ang lakas n isip ay nakatuon sa kanilang kalikasan ng sariling moralidad at sila’y nagagapi sa mga puwersa o laban sa kanila.

b. Ayon kay Aristotle, ang ganap na trahedya ay dapat gumagad sa mga kilos na nagkakaroon ng awa at takot.

c. Ang pagkagapi ng trahikong protagonista ay di maiiwasan, di matatanggap, at nagkakabunga ng masakit na pagtanggi sa moral na imperpeksyon o kaya sa poetikong kawalang katarungan sa daidig.

5. SayneteKatangian:

a. Ang layunin ay magpatawa ngunit ang mga pangyayari ay karaniwan lamang.

b. Ang mga gumaganap ay tau-tauhan at nasa likod ng telon ang mga taong nagsasalita.

c. Ito’y mayroon ding awitin.

A. Tema at Paksa Paksa- kung ano ang inilalahad sa dula

halimbawa:

Pag-ibig, panibugho, ambisyon

Tema- namamayaning pangkalahatang kaisipan sa dula.

halimbawa:

pag-ibig- maaaring magdulot ng kasawian sa mga taong nagmamahalan.

panibugho- nagtutulak sa taong mawalan ng katinuan.

B. TauhanMga Paraan:

1. maaaring paghambi-hambingin ang mga tauhan.

2. maaaring maitulad sa tauhan n iba pang dula.

3. maaari rin sa pamamagitan ng kilos at pagsasalita ng tauhan sa loob ng dula.

4. maaaring ang pagiging makatotohanan ng mga tauhan.

C. BanghayTao laban sa kanyang sarili

Tao laban sa kapwa tao

Tao laban sa kalikasan

Tao laban sa kanyang Lumikha

D. Kaisipan o Pilosopiya mula sa diyalogo

Tinig

Maaring maging sarkastiko, masaya, malungkot, atbp.

Joy

Gaile

Amor