23

Click here to load reader

Aking powerpoint

Embed Size (px)

Citation preview

  • 1. Brylle Luigi NuquiBSED II-F

2. Ipinanganak noong Agosto 29 1632 atnamatay noong Oktubre 28 1704. Siya aykilala bilang Ama ng Liberalismo. Bukod dito siya rin ay isang pilosopo atmanggagamot. 3. Angkanyang mga sulatin ay nakaimpluwensiya kina Voltaire at Rosseau, at marami sa mga tagapag isip ng panahon ng Kamulatang Eskoses at rebolusyonaryong Amerikano. 4. Ayon sa isang forum sa internet, sinasabing si Locke ang nagpasimula ng ideya ng karapatang pantao, karapatang sibil, karapatan ng pagmamay ari na siyang basehan ng Konstitusyon ng Amerika. 5. Angkanya ring mga sulatin ay naging malakas na impluwensiya sa Rebolusyong Amerikano, patunay nito ang pagbanggit sa kanyang ngalan sa Pagpapahayag ng Kalayaan ng Amerika at sa konstitusyon nito. 6. Angmga teoriya ni Locke ay karaniwang tungkol sa katauhan at sarili. Inisip ni Locke na ang mga tao ay ipinanganak na walang kaisipan, sa halip ang kaalaman ay natutukoy lamang ng karanasan. 7. Ayon sa paniniwala ni Locke, ang lahat ng ating nalalaman ay nakukuha natin sa pamamagitan ng karanasan sa mga bagay bagay at patuloy itong nadadagdagan ayon na rin sa paglawig ng ating karanasan. 8. Kanyang binigyang kahulugan ang konsepto ng sarili sa lipunan. Ang mga historyador tulad nila Charles Taylor at Jerrold Seigel ay nagdebate ukol sa usapin na ang akda ni Locke na An Essay Concerning Human Understanding ang syang nagpasimula ng modernong kanluraning konsepto ng sarili. 9. Ang kanyang sulatin na Letters Concerning Toleration ay nalikha matapos ang digmaang panrelihiyon sa Europa. Ito ang nagkonsepto ng klasikong konsepto ng relihiosong pagtitimpi. 10. Una, ang estado at mga mamamayan aydi maaaring diktahan ang puntongpanrelihiyon. Pangalawa, kahit na kaya nila na diktahanito, ang isang relihiyon ay di sasapat dahilang paniniwala ay di babagay sakarahasan. Ikatlo, ang pagkakapare pareho ng mgarelihiyon ay magbubunga lamang ng gulosa estado at pagkakahiwa hiwalay. 11. Sa ikalimang kabanata ng kanyang Second Treatise, kanyang sinambit na ang karapatang mag may ari ay sinusuportahan ng pagod at hirap na kaakibat nito at kung makakatulong ba ito sa lipunang kinagagalawan ng indibidwal. 12. Kanyangnilathala ang dalawang kahalagahan ng pera sa lipunan, una para masukat ang halaga at pangalawa upang magamit sa pagkakaroon ng pag aari. 13. Itoay nailathala noong 1689 sa sulating Latin. Ito ay nagpapakita ng pagkatakot na ang Katolisismo ay maaring masakop ang buong Inglatera. Bilang solusyon sa problemang ito iminungkahi ang relihiyosong paglilimita o pagtitimpi. 14. Ang likhang ito ni Locke ay nailathala noong 1689. Ang una sa edisyon ng mga sulatin na ito ay sumasalungat sa patriarkong pamamahala, at ang nasabing sulatin ay tumutukoy naman sa teoryang pampolitikal batay sa natural na mga karapatan. 15. Inilathala noong 1689 na nagpapakita na ang utak na tao s pagkasilang nito ay maihahalintulad sa isang blankong papel o tinatawag na tabula-rasa. Isinasaad din ng sulatin na nakukuha ang kaalaman sa karanasan. 16. Ipinapaliwanag kung paano mapaglalawig ang kaalaman ng ating isip gamit ang tatlong paraan, una pagkakaroon ng malusog na katawan, ikalawa ang pagkakaroon ng magandang karakter at ikatlo ang pagkakaroon ng magandang kurikulum. 17. www.constitution.org en.wikipedia.org Books.google.com Suite101.com Librivox.org