View
935
Download
41
Category
Preview:
DESCRIPTION
Our Case study is all about Estratehiyang ginamit ng mga magaaral sakurosng agrikultura sa pagbabadyet.
Citation preview
ESTRATEHIYANG GINAGAMIT NG MGA MAG-AARAL SA KURSONG AGRIKULTURA SA PAGBABADYET
Isang Pamanahong PapelNa Iniharap sa
Mga Kaguruan ng Kagawaran ng FilipinoKolehiyo ng mga Sining at Agham
Pamantasan ng XavierLungsod ng Cagayan de Oro
Bilang Bahaging KatuparanSa mga Pangangailangan ng
Asignaturang Filipino 33Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
NinaBonbon, Mae AnnCornilla, ThreshaEmata, TimothyEdusma, GirlyTiu, Daleton
Vecalares, ChloeValesco, RhonaViado, Alyssa
Marso 2014
TALAAN NGA NILALAMAN
PAHINA
DAHON NG PAGPAPATIBAY
ABSTRAK
PASASALAMAT
PAGHAHANDOG
TALAAN NG MGA TALAHANAYAN
KABANATA
1 ANG SULIRANIN
Panimula
Balangkas Konseptwal
Paglalahad ng Suliranin
Saklwa at Limitasyon
Kahalagahan ng Pag-aaral
Depinisyon ng mga Terminolohiya
2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
3 METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Disenyo ng Pananaliksik
Kinalalagyan ng Pag-aaral
Instrumento ng Pananaliksik
Baliditi
Pangangalap ng Datos
Pamaraan ng Pagmamarka
Pang-istatistikang Pagsusuri ng mga Datos
4 PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN
NG MGA DATOS
SULIRANIN 1
SULIRANIN 2
SULIRANIN 3
5 BUOD MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON
AT REKOMENDASYON
Buod
Mga Natuklasan
Kongklusyon
Mga Rekomendasyon
MGA SANGGUNIAN
MGA APENDIKS
A Konseptong Papel
B Sarbey Kwestyoner
CURRICULUM VITAE
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Ang Pamanahong Papel na ito ay pinamagatangESTRATEHIYANG
GINAGAMIT NG MGA MAG-AARAL SA KURSONG AGRIKULTURA SA
PAGBABADYET, inihanda nina MAE ANN BONBON, THRESHA CORNILLA,
TIMOTHY EMATA, GIRLY EDUSMA, DALETON TIU, CHLOE VACALARES,
KRISTINE VALESCO, AT ALYSSA VIADO. Bilang Bahaging Katuparan sa mga
Pangangailangan ng ASIGNATURANG FILIPINO 33: PAGBASA AT PAGSULAT
TUNGO SA PANANALIKSIK.
Pinagtibay ng Pagsusulit na Pasalita at Binigyan ng markingPUMASA.
GNG. ERNA A. SALASPropesor
MARSO 7, 2014 Petsa
ABSTRAK
Ang pag-aaral ay tungkol sa Estratehiyang Ginagamit sa Pagbabadyet. Ang
mag-aaral ng Kursong Agrikultura ng Xavier ang mga respondente at sa pagpili ng mga
respondente, gumamit ng selective random sampling o kahit sinong estudyante ng
Kursong Agrikultura tungkol sa pahayag o saloobin nila sa Pagbabadyet. Sa kabuuan,
tatlumpong (30) mag-aaral ang mga respondenteng na siyang mga pangunahing
pinanggalingan ng datos ng pag-aaral. Tatlong tiyak na suliranin ang sinasagot; ang
propayl batay sa kasarian, edad, kurso, tipo ng allowance halaga ng allowance;
estratehiyang ginagamit; at makabuluhang kaibahan sa estratehiyang ginamit sa
pagbabadyet kung isaalang-alang ang propayl nito.
Natuklasan ng grupo na higit sa kalahati ang mga respondent ay mga lalaki.
Karamihan sa kanila ay nanggaling sa kursong Development Communicationna
kasalukuyang nag-aaral sa Pamantasan ng Xavier. Sa pangkalahatang pagtaya sa
estratehiyang ginagamit ng pagbabadyet sa kursong Agrikultura ng Xavier, natanto na
may iba’t-ibang estratehiyang ginagamit ng mga mag-aaral sa Kursong Agrikultura ng
Xavier. Nangangagulugan na iba’t-ibang estratehiya ang ginagamit ng mga
respondante ukol sa paksang tinatalakay.
Sa paglalahat, idiniing karamihan ng mga mag-aaral ng Kursong Agrikultura ng
Xavier na iba’t-iba ang estratehiya ang ginagamit nila. Bilang rekomendasyon, may
kanya-kanyang talagang estratehiya ang ginagamit sa pagbabadyet ng mga mag-aaral
sa kursong Agrikultura ng Xavier.
PASASALAMAT
Ang mga mananaliksik ay nagpapaabot ng kani-kanilang pasasalamat sa mga
tao at pangkat sa kanilang tulong, suporta at/o kontribusyon tungo sa matagumpay na
reyalisasyon ng pamanahong papel na ito.
Sa aming pinakamamahal na propesor Gng. Erna A. Salas, na siyang gumabay
at nagturo sa amin kung paano simulan at gawin ang papel na ito. Sa kanyang tulong
sa istatitika na bahagi.
Sa mga mag-aaral ng Kursong Agrikultura sa Xavier na nagbigay ng kanilang
oras upang tugunan ang mga tanong sa aming sarbey-kwestyoner.
Sa aming mga magulang. Sa suportang moral at pinansyal; gayundin sa
kanilang pag-unawa habang isinasagawa ang pamanahong-papel na ito.
Sa aming mga kaibigan, na nagbibigay ng kani-kanilang oras at pagsisikap sa
pagtulong sa amin para sa katuparan ng kahingiang ito. Lubos kaming nagagalak sa
inyong walang sawang suporta.
Higit sa lahat sa Poong Maykapal. Sa pagdinig ng aming mga dalangin lalong-
lalo na sa mga sandaling kami ay nahaharap sa mga pagsubok para sa katuparan ng
papel na ito. Sa pagbibigay Niya ng lakas ng loob at malawak ng pag-iisip habang binuo
ang dakilang Gawain sa ito.
Maraming-maraming salamat po!
Isang handog para sa aming
Mga mahal na mga magulang,
Kapatid,
Kamag-anak
At mga kaibigan
Bilang mga unang tagahanga….
Mga mananaliksik
TALAAN NGA MGA TALAHANAYAN
PAHINA
TALAHANAYAN
1 Distribusyon ng mga respondanteng mag-aaral
ayon sa kanilang katangian (n=30)
2 Distribusyon ng mga respondante sa mga
Estratehiyang ginamit (n=30)
3 Makabuluhang distribusyon kaibahan sa estratehiya ng
Pagbabadyet (n=30)
KABANATA I
Ang Suliranin
Panimula
Sa panahon ngayon, ang ating mundo ay nananalasa sa tinatawag nating crisis.
Kung saan halos lahat ng bilihinay tumaasang presyo, pati matrikula para sa mga mag-
aaral, ang singil sa kuryenti at tubig ay unti-unti ng tumataas. Pero sa mga kaukulang
ito, ginagamit pa ba din natin ang ating mga utak upang malimitahan ang ating mga
sarili sa paggamit ng pera?
Upang matugunan natin ang pagreresolba sa kinasasangkutan nating problema
kailangan ay gumawa tayo ng mga estratehiya na makakatulong sa atin upang
masolusyunan ang nasabing suliranin.
Pagbabadyet ang tawag sa matalinong paghahati-hati ng salapi o kita ng mag-anak.
Balangkas Konseptuwal
Ang pagbabadyet ay isang pamamahala na proseso kung saan ang isang
indibiduwal ay nagplaplano kung saan niya ilalaan ang kanyang pera at paano siya
makakatipid. Ito ay ang sistemang allocation ng pera sa mga kailangan o needs,
tinatabi nito ang mga kagustohan o wants. Sa pagbabadyet, binibigyan natin ng
limitasyon ang ating sariling mga luho. Ito ay nakakatulong upang ang isang tao ay
magkaroon ng sistema sa paglilimita ng kanyang mga gastusin at resources. Ang taong
nagbabadyet ay kadalasan kontrolado niya ang kanyang salapi, nakakaiwas din siya sa
mga utang at nagagamit niya ito sa panahon na kailangan na talaga.o emergency. Sa
madaling salita, nakakatulong ito upang mamuhay ang isang tao nang nasa loob ng
kanyang pampinansyal na kakayahan.
Paglalahad ng Suliranin
Layunin ng pag-aaral na matukoy ang “Estratehiyang ginagamit ng mga mag-
aaral sa kursong Agrikultura sa pagbabadyet ngayong Pebrero 2014”. Sinagot sa pag-
aaral ang mga sumusunod na mga tiyak na suliranin.
1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa:
1.1 Kasarian
1.2 Edad
1.3 Kurso
1.4 Tipo ng Allowance
1.5 Halaga ng Allowance
2. Ano-ano ang estratehiyang ginagamit ng mga respondente sa pagbabadyet?
3. Mayroon bang makabuluhang kaibahan sa estratehiya ng pagbabadyet kung
isaalang-alang ang propayl ng mga respondente?
Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa estratehiya ng mga mag-aaral sa
Unibersidad ng Xavier ukol sa wastong pagbabadyet ng kani-kanilang allowance.
Saklaw nito ang tatlumpong estudyante mula sa kursong Agrikultura, na hindi nag-
babase sa antas ng taon. Sa kasalukuyang pag-aaral nailalahad ang ilang tiyak na
estratehiya na sinagot bilang kaukulang limitasyon ng pag-aaral.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral sa isang pananaliksik ay nagbibigay halaga. Ito ay payak na kaalaman
na maaaring gamitin ng sinumang may nais malaman ang persepsyon ng mga mag-
aaral ng Xavier University sa Estratehiyang ginagamit ng mga mag-aaral sa Kursong
Agrikultura sa pagbabadyet. Ang pag-aaral na ito ay may layuning maipahayag ang
mga karagdagang impormasyon sa lahat ng makikinabang gayundin sa iba pang
pangkat at taong mkakabasa nito.
Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral upang
mahikayat sila na maging mas mainam sa paggamit ng pera, na dapat ay gamitin lang
ito sa mabuting paraan at may magandang patutunguhan ang magagastos nilang pera.
Sa mga magulang. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga magulang upang
malimitahan din nila ang pagbibigay pera sa kanilang mga anak dahil may mga
panahon din naman na meron pang natitira nap era ang mga mag-aaral pagkatapos ng
klase nila.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Pera- Ang pera ay kahit anong bagay or record, na karaniwang tinatanggap
bilang isang kabayaran para sa merkansiya o serbisyo at kabayaran para sa
mga pautang sa isang bansa o isang socio-economic na konteksto. Ang
pangunahing silbi ng pera ay: isang kasangkapan nang palitan, isang unit of
account, isang store of value, at karaniwan, isang standard of deferred payment.
Kahit anong bagay na may patunay na record ay pwedeng magsilbi bilang isang
pera.
Pagbabadyet- Matalinong paghahati-hati ng salapi o kita ng mag-anak.
Estratehiya- Stratehiya ay ang maingat o masusing pagplaplano ng mga
maaksyong bagay para makamit ang nais na mangyari (goal).
KABANATA II
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ang pamanahong papel na ito ay naglalahad ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral
kaugnay ng mga pag-aaral na ginawa ng ibang mga mananaliksik sa lokal man o sa mga banyagang
lugar. Ang mga pag-aaral na ito ay may kinalaman sa pananaw ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng
Xavier, mga estratehiya ng pagbabadyet ang pagbigay ng background, insightsat direksyon
kinakailangan sa pag-aaral nito.
Mga Pangunahing Gastusin
Ang pagkain ang may pinakamalaking pangangailangan sa gastusin. Ibig sabihin nito
aymalaking porsiyento ng kanilang baon o kita (kung may negosyo o trabaho) ay napupunta sapagbili
ng pagkain. Isang dahilan kung bakit ay dahil ang pagkain ay mahalaga at nararapatlamang para sa
kalusugan natin. Maaaring isa sa mga dahilan kung bakit malaking bahagi ngpera ang napupunta rito
ay ang kamahalan ng pagkain at bilihin ngayon. Alam naman natinglahat na ang mga presyo ng bilihin
ay patuloy na tumataas dulot ng krisis. Isa pa sa mgamaaaring dahilan ay ang kakulangan sa
pagkontrol sa sarili. Minsan ay hindi natin mapigilangbumili ng mga pagkaing masasarap o matagal na
nating hindi natitikaman. Pangalawang pangunahing gastusin ay ang transportasyon o pamasahe.
Maramingestudyante ang bumabiyahe pa araw-araw mula sa malalayong lugar upang pumasok sa
klase.Kahit may student discounts, malaki pa rin ang perang napupunta rito.Ikatlo ang gastusin sa
paaralan. Nabibilang dito ang gastos sa pagpapapakopya ng mgahandout mula sa mga
propesor.Sumusunod sa listahan ang internet o kompyuter, hilig o gusto (gadgets), at sakasintahan.
Mga Pamamaraan sa Pagbadyet at Pag-ipon
Ngayon alam na natin ang mga hakbang sa pagbabadyet, nararapat din malaman natin ang
mga hakbang sa pagbabadyet tungo sa mabisa at epektibong pagbabadyet. Kailangan alam natin
angmga pamamaraan upang lalo pa tayong maka-ipon o kumita ng pera.
Ayon kay June Walbert,dahil karamihan sa mga estudyante sa kolehiyo ay walang sapat na karanasan sa paghawak ngpera, responsibilidad ng mga magulang na ipaalam sa kanilang mga anak ang kahalagahan ngpaggastos ng pera sa wastong paraan.
Isa sa mga pamamaraan ay bigyang limitasyon ang mga gastusin. Ayon sa Young MoneyMagazine,
magagawang limitahin ang gastusin sa pagkain sa pamamagitan ng pagbili ngpagkaing hindi mabilis
maubos at mabulok tulad ng instant noodles, embutido, longganisa,tocino at iba pang mga ready-to-
cook na pagkain. Pumili rin ng pagkaing madaling lutuin ogawin. Sabi naman sa artikulong Epektibong
Pagbabadyet ni Jonathan Poblacion, hangga’tmaaari, magbaon na lamang ng pagkain sa
paaralan at iwasang bumili sa mga restaurant o fastfood chains. Kung lalabas naman o may
pupuntahang lakad kasama ang mga kaibigan, magdalalamang ng sapat na perang gagastusin. Kung
malaking halaga ng pera ang dala, malaki rin angposibilidad na mapagastos sa mga bagay na hindi
naman talaga kailangan.Sa pagbili naman ng kagamitan tulad ng mga damit, sapatos at alahas, mas
epektibo angpaglilimita ng gastusin kung maghahanap ng murang tatak subalit maganda rin naman
angkalidad. Mag-ikot muna sa iba’t ibang tindahan upang mapagkumparaang mga presyo
ng iyongbibilhin. Kadalasan, ang ibang tindahan o tindero/tindera ay mas mababa sumingil kumpara
saibang tindahan o tindero/tindera. Pairalin din ang pagiging malikhain at resourceful.
Hangga’tmaaari, matutuong magresiklo ng mga bagay-bagay. Nakatipid ka na, nakatulong ka pa
sakalikasan.Kung may sarili namang sasakyan, nararapat na gamitin lamang ito kung
talagangkailangan. Kung malapit lang naman ang iyong pupuntahan, mas makabubuti kung
maglakad nalamang o gumamit ng bisikleta. Maari ring mag-carpool kasama ang mga iyong kaibigan
upangmakatipid sa gas.Maging pamilyar rin sa mga diskwento na ibinibigay ng unibersidad. Kalimitan
aynagsasagawa pa sila ng libreng mga konsyerto para sa ikalilibang ng mga estudyante nito.Kung
nakatira naman sa dormitoryo o apartment, bayaran ang mga bayarin sa tamangoras. Huwag nang
hintaying magpatong-patong ang mga ito. Mabisa rin ang pagkakaroon ngsavings account o joint
accounts sa mga magulang upang masubaybayan ang paggastos atmakasigurong nababayaran ang
mga bayarin.Mabisang paraan din ang pagtatabi agad ng pera sa oras na ito ay nakuha o
natanggap.Maaaring itabi ang 5-10% ng baon o kita para siguradong may ipon. Kung hindi
namanmasyadong nahihirapan sa paaralan at kung may sapat na oras, maaaring magkaroon ng
negosyoo sideline. Mabisa rin ito dahil bukod sa iyong baong pera, may dagdag kita ka. Dahil
rito,dadami pa ang iyong ipon.
Alawans ng mga nagre-renta ng BOARDING.
Ang layunin ng alawans ng mga nagrerenta ay upang makatipid sa pamasahe kungmagmumula sa
isang malyong lugar ang mag-aaral. Ang paaralan ay mas malapit na sa paaralan.Ang "malayo-mula
sa-post" na edukasyon allowance ay maaaring gamitin upang magbayad parasa pagtuturo, kuwarto at
board, walang kasama hangin bagahe at panaka-nakang transportasyonsa pagitan ng mga post at
ang mga hinirang na paaralan ng boarding.
Alawans ng mga nag-byabyahe.
Ang alawans na ito, pinapahintulutan ng isang buweltahan taun-taon sa pagitan ng isangpaaralan na
pumasok at ang banyagang post ng pagtatalaga. Ang pakinabang na ito ay lalo nainilaan upang
pagsamahing muli ang isang full-time na post-sekundaryong mag-aaral napumapasok sa kolehiyo
(kabilang ang mga post-baccalaureate antas), teknikal o bokasyonal napaaralan sa mga empleyado /
magulang paghahatid sa US pamahalaan sa ibang lugar.Gayunpaman, ang pang-edukasyon na
paglalakbay ay maaaring bayaran para sa isang bata sasekundaryong paaralan (grado 9 sa
pamamagitan ng 12) sa halip ng edukasyon ng allowance nainilarawan sa itaas.Pang-edukasyon sa
paglalakbay ay hindi maaaring bayaran sa parehong oras bilang angalawans ng edukasyon at hindi
dapat malito sa transportasyon bahagi ng ang "malayo-mula sa-post" na edukasyon alawans.
Educational travel can commence from either the school or the post, but only one
round trip between school and post is allowed annually.
Pang-edukasyonpaglalakbay ay maaaring pasimulan mula sa alinman sa paaralan o sa mga post,
ngunit lamangng isang buweltahan sa pagitan ng paaralan at pagkatapos ay pinapayagan taun-taon.
Based on achange in law, the DSSR changed effective July 22, 2007 eliminating the
restriction that theschool attended full-time had to be in the United States.
Batay sa isang pagbabago sa batas, angDSSR ang nagbago epektibo Hulyo 22, 2007 aalis ang
paghihigpit na pumasok ng paaralan ngfull-time na nagkaroon na maging sa Estados Unidos.
KABANATA III
Metodolohiya ng Pananaliksik
Tinatalakay sa kabanatang ito ang mga pamaraan at metodolohiyang ginamit sa
pag-aaral. Kabilang dito ang mga sumusunod disenyo ng pananaliksik, kinalalagyan ng
pag-aaral, mga respondent ng pag-aaral, baliditi, kredibilidad, instrument ng
pananaliksik, pangangalap ng datos, pamamaraan sa pagmamarka, estratehiya ng
pananaliksik at istatistikang ginamit sa pagtalakay.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo ng pananaliksik ay ang deskriptibong uri ng pananaliksik na
ginagamit sa pamanahunang-papel. Maituturing itong pinakaangkop sa pag-aaral ng
nga sitwasyon na nangyari. Ito ay ang mga kondisyon o mga relasyon na nagaganap,
mga gawaing nangingibabaw, mga paniwala, proseso na kasalukyang nagaganap,
epekto na nararanasan at mga kalakarang nalilinang. Ito ay isang prosesong higit pa sa
pangangalap at pagtabyula ng mga datos. Ito ay kinabibilangan ng pag-aanalisa, pag-
iinterpreta ng mensahe o kahalagahan kung anoo ang inilalarawan. Karaniwan itong
pagsasama-sama ng paghahambing o pagtutulad at mga pagsusulat kaugnay ng
istatistikal na tritment (Best, 2003)
Kinalalagyan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral ay ginanap sa pamantasan ng Xavier, Lungsod ng Cagayan de
Oro. Ito ay matatagpuan sa sentro ng atraktura sa lungsod. Itinatag ito noong 1933 ng
mga misyonaryong paring Heswita sa pangunguna ni Fr. James TG Hayes SJ bilang
hayskul na Ateneo. Noong 1958, naitatag ang paaralan bilang Unibersidad at pinalitan
ang pangalan ng paaralan na kasulukuyang ginagamit sa panagahong ito. Ang Xavier
University ay ipinangalan mula sa isang Heswitang pari na si St. Francis Xavier, SJ. Na
nakilala sa kanyang madamdaming pamimintuho sa grupo at sa Diyos.
Mga Respondente ng Pag-aaral
Tatlumpong (30) mga mag-aaralang kalahok ng pag-aaral kung saan ay sampu (10) ang mga lalaki at dalawampu’t (20) naman ang babae. Iba-ibang grupo ng estudyante ng Pamantasan ng Xavier sa kursong Agrikultura ang randomng kinuhang sampol.
Instrumento ng Pananaliksik
Isang talatanungan ang ginawa ng mga mananaliksik ang ginagamit para makalap ang mga datos. Nagtataglay ito ng tatlo na bahagi. Ang unang bahagi nito ay nakapokus sa kanilang propayl saklaw ang kanilang kasarian, edad, kurso, tipo ng allowance at halaga ng allowance. Ang ikalawang bahagi naman nito ay nakapokus sa estratehiyang ginagamit ng mga respondente sa pagbabadyet. Habang ang ikatlong bahagi naman ay nakapokus sa makabuluhang kaibahan sa estratehiya ng pagbabadyet kung isaalang-alang ang propayl ng mga respondent.
Baliditi
Para masukat ang baliditi ng talatanungan, ipinakita ito sa grupo ng mga kasamahan at guro sa Filipino 33 upang maedit ang kaukulang kamalian sa pag-aaral na ito.
Pangangalap ng Datos
Personal na pumunta sa mga silid-aralan ang mga mananaliksik upang makalap ang mga datos. Sa loob ng lima hanggang sampung minute ay tinugunan ng mga napiling respondent ang mga talatanungan. Kaagad naman itong kinuha matapos isinagawa ang pagko-codenito para maisakatuparan ang istatistikal na kaparaanan. Ginana[ ang pangangalap ng datos sa ika-13 at ika- 14 ng Pebrero taong kasalukuyan.
Paraan ng Pagmamarka
Ang pag-aaral ay gumamit ng apat (4) na puntong sukatan/iskala sa estratehiya ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Xavier sa kursong Agrikultura sa epektibiti nito. Para sa pagbabalido ng mga tugon, isinasaalang-alang ang mga sumusunod na panuntunan:
Para sa Estratehiya ng pagbabadyet
TUGON INTERBAL Deskripsyon
Sa lahat ng Panahon 4.00 Lubhang Positibo
Madalas 3.00-3.99 Katamtamang Positibo
Minsan 2.00-2.99 Bahagyang Positibo
Hindi 1.00-1.99 Negatibo
Pang-isatistikang Pagsusuri ng mga Datos/Tritment ng mga Datos
Simpleng deskriptibong istatistikang ginagamit gaya ng mga mean, kalimitan at bahagdan ang ginamit upang mainterpreta ang mga nakalap na datos ukol sa estratehiya sa pagbabadyet, gayundin sa epektibiti nito.
Talahanayan 1 Distribusyon ng mga respondanteng mag-aaral
ayon sa kanilang katangian (n=30)
Talahanayan 1 ang propayl ng mga respondente
KATANGIAN KALIMITAN BAHAGDAN (%)A. KASARIANLalake 10 33.33Babae 20 66.67B. KURSOBS Development Communication (BSDC) 16 53.33BS Agriculture (BSA) 5 16.67BS Agribusiness (BS AgriBus) 9 30C. EDAD16 2 6.6717 5 16.6718 9 3019 6 20Iba pa 8 26.67D. TIPO NG ALLOWANCEArawan 17 56.67Lingguhan 13 43.33Buwanan 0 0E. HALAGA NG ALLOWANCEa. Arawan50 – 100 10 33.33101 – 150 5 16.67151 pataas 2 6.67b. Lingguhan400 – 500 1 3.33501 - 1,000 5 16.671,001 pataas 7 23.33c. Buwanan4,000 - 5,000 0 05,001 - 10,000 0 010,001 pataas 0 0
Mas maraming babae ang kumuha ng sebrey meron silang animnapu’t anim punto animnapu’t pito (66.67%) bahagdan habang ang mga lalaki naman ay meron lang tatlongpu’t tatlo punto tatlongpu’t tatlo (33.33%) bahagddan. Karamihan din sa kumuha ng mga serbey ay nag mula sa kursong BS Development Communication na may limangpu’t anim punto animnapu’t pito (56.67%) bahagdan. Tatlumpu (30%) bahagdan na may edad na labing walo (18) ng mga respondent ang kumuha ng mga serbey. Karamihan sa mga respondent ay nabibigyan ng arawan na allowance, may limangpu’t anim punto animnapu’t pito (56.67%) bahagdan ito sa serbey, at marami sa kanila ay nabibigyan ng limangpu hanggang isang daan (50-100) sa isang araw. May roon itong tatlongpu’t tatlo punto tatlongpu’t tatlo (33.33%).
Batay sa nakuhang datos mas kumampi ang ginawang pag seserbey sa mga babae dahil mas maraming ang kumuha nito. Marahil ay mas maraming babae ang nag babadyat ng maayos sa kanilang pang araw-araw na allowance.
Talahanayan 2 Ang estratehiyang ginagamit ng mga respondente sa pagbabadyet
Mga Indikaytor
1. Pinaghahati-hati ko ang aking allowance upang matiyak akong pagkakasya nito.
AGWAT DESKRIPSYON KALIMITAN BAHAGDAN (%)
4.00 Sa lahat ng panahon 8 26.67
3.00-3.99 Madalas 10 33.33
2.00-2.99 Minsan 10 33.33
1.00-1.99 Hindi 2 6.67
KABUUAN 30 100
2. Malaking halaga ang inilalaan ko sa pagkain.
AGWAT DESKRIPSYON KALIMITAN BAHAGDAN (%)
4.00 Sa lahat ng panahon 16 53.33
3.00-3.99 Madalas 11 36.67
2.00-2.99 Minsan 3 10
1.00-1.99 Hindi 0 0
KABUUAN 30 100
3. Hindi ako naglalaan ng pera sa mga walang kabuluhang bagay.
AGWAT DESKRIPSYON KALIMITAN BAHAGDAN (%)
4.00 Sa lahat ng panahon 4 13.33
3.00-3.99 Madalas 8 26.67
2.00-2.99 Minsan 17 56.67
1.00-1.99 Hindi 1 3.33
KABUUAN 30 100
4. Naglalakad ako upang pagkasyahin ang perang baon sa loob ng isang araw/linggo.
AGWAT DESKRIPSYON KALIMITAN BAHAGDAN (%)
4.00 Sa lahat ng panahon 6 20
3.00-3.99 Madalas 6 20
2.00-2.99 Minsan 9 30
1.00-1.99 Hindi 9 30
KABUUAN 30 100
5. Pinagkaitan ko ang aking sarili na manuod ng sine para magkasya ang aking allowance.
AGWAT DESKRIPSYON KALIMITAN BAHAGDAN (%)
4.00 Sa lahat ng panahon 1 3.33
3.00-3.99 Madalas 5 16.67
2.00-2.99 Minsan 9 30
1.00-1.99 Hindi 15 50
KABUUAN 30 100
Batay sa mga nakuhang datos, makikita natin na may iba’t-ibang paraan ang mga respondente sa pag babadyet ng kanilang pagaraw-araw na gastos. Sa unang idekaytor, mas madalas na pinagkakasya ng mga respondente ang kanilang mga allowance. Sa pangalawang indekaytor, karamihan ng kumuha ng serbey ay naglalaan ng malaking halaga para sa pagkain. Minsan naman ay hindi nag lalaan ng pera ang mga respondent para sa mga walang kabuluhan na mga bagay ayon sa ikatlong indikaytor. Sa ikaapat na indikaytor, minsan o kadalasan ay hindi sila nag lalakad pauwi upang makatipid ng pera. Sa panghuling indikaytor, madalas ay ipinagkakait nila ang kanilang mga sarili na manood ng sine para mas makatipid ng pera.
Talahanayan 3 Makabuluhang kaibahan sa estratehiya ng pagbabadyet kung isaalang-alang ang propayl ng mga respondente
Mga Indikaytor1. Ginagamit ko ang pera ko sa tamang paraan.
2. Marunong ako kung paano ibadget ang pero ko. 3. Ginagastos ko ang pera ko ayon sa kagustuhan ko.4. Naglalaan din ako ng pera para sa proyekto ng organisasyon.
Ang mga indekaytor na aming ginamit ay hindi sapat na ebidensya upang maisalang-alang ang propayl ng mga repondente. Mas mainam kung nagkaroon pa kami ng mas maraming mga katanungan tungkol sa relasyon ng propayl ng repondente at kung paano sila nag babadyet ng kanilang mga allowance. Ngunit kung pag babasihan namin ang aming mga indekaytor na ginamit, mas marunong mag badyet ang mga babae at mas masinop ang mga babae pagdating sa pagbabadyet ng kani-kanilang mga pera.
Kabanata 5
BUOD, MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Buod
Ang pag-aaral ay naglalayong malaman ang mga estratehiyang ginagamit sa
pagbabadyet ng mga mag-aaral sa Kursong Agrikultura. Mga mag-aaral na may iba’t-
ibang kurso ang mga ginawang respondent ng pag-aaral gamit ang deskriptibong uri ng
pananaliksik at selective random sampling proceduresa pagpili ng mga kalahok sa pag-
aaral. Sa kabuuan, tatlumpung (30) mag-aaral ang mga respondenteng mag-aaral na
siyang pangunahing pinanggalingan ng datos ng pag-aaral. Dalawa na tiyak ng
suliranin ang sinasagot, una ang pagtukoy sa kanilang propayl na batay sa kasarian,
edad, kurso, tipo ng allowance at halaga ng allowance; at ang ikalawa ay tungkol sa
estratehiyang ginagamit.
Mga natuklasan
1. Natuklasang higit sa kalahati sa mga respondente ay mga babae samantalang karamihan naman ay kumukuha ng kursong Development Communication. Karamihan naman sa kanila ay nasa unang taon pa ng kolehiyo, karamihan din sa kanila ay nasa edad na labing-walo (18).
2. Sa pangkalahatang pagtaya sa estratehiyang ginagamit sa pagbabadyet ng Pamantasan ng Xavier, natanto ang makikita natin na may iba’t-ibang paraan ang mga respondente sa pag babadyet ng kanilang pagaraw-araw na gastos.
3. Natuklasan din na nagtamo ang mga indekaytor na aming ginamit ay hindi sapat na ebidensya upang maisalang-alang ang propayl ng mga repondente. Mas mainam kung nagkaroon pa kami ng mas maraming mga katanungan tungkol sa relasyon ng propayl ng repondente at kung paano sila nag babadyet ng kanilang mga allowance.
Kongklusyon
Batay sa mga natuklasan, nabuo ang mga sumusunod ng kongklusyon:
Para sa mga mag-aaral, may iba’t-ibang estratehiyang ginagamit ng mga respondenet sa ukol sa pagbabadyet. Nakalaan din namin na ang mga estudyanteng Agrikultura ay maayos sila magbabadyet at karamihan ginagasto nila sa pagkain at mas
masinop ang mga babae pagdating sa pagbabadyet ng kani-kanilang mga pera dahil sila naman mas nagsagot sa serbey naming.
Mga Rekomendasyon
1. Para sa estudyante ng Agrikultura na mapaayos ang pagbabadyet sa kanilang allowance at magagamit nila ito sa tamang paraan.
2. Para sa mga magulang, ibadyet ang kanilang pagbibigay ng allowance sa kanilang mga anak at alamin nila kung ano ang kanilang pinag gagastuhan.
3. Para naman sa sumusunod na mananaliksik na sana madagdagan nila ang mga respondente sa kanilang pananaliksik sa kinabukasan at mapalawak ang kanilang kaalam ukol sa pagbabadyet ng mga estudyante.
MGA SANGGUNIAN
Maluntag, Meliza. 2011. http://www.remate.ph/2011/09/dagdag-alokasyon-sa-mga-estudyante-igigiit/
http://pinoyweekly.org/new/2011/08/2012-badyet-sa-edukasyon-kaltas-sa-sucs-at- kakapusan-sa-deped/
http://akademikofilipino.blogspot.com/2010/03/isang-pag-aaral-tungkol-sa-epekto ng.html
http://translate.google.com.ph/translate?hl=tl&langpair=en|tl&u=http://pisdtv.pisd.edu/communi cations/
features/qP2tJ8dYObYZQ_XJWUZp
http://tl.answers.com/Q/Ano_sa_Filipino_ang_benefit
http://www.msnbc.msn.com/id/94028721
http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm
http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm
http://www.youngmoney.com/aboutus/press/040824 http://www.msnbc.msn.com/id/94028721
http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htmhttp://
studentbudgetingustnursing.blogspot.com
(http://tl.wikipedia.org/wiki/Pera_(ekonomiya)
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahulugan_ng_badyet
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_istratehiya
APENDIKS A
KONSEPTONG PAPEL
Larangan: Agrikultura
Tiyak na Paksa: Estratehiyang ginagamit ng mga Mag-aaral sa Kursong Agrikultura sa Pagbabadyet
Rasyunal: Sa panahon ngayon, ang ating mundo ay nananalasa sa tinatawag
nating crisis. Kung saan halos lahat ng bilihinay tumaasang presyo, pati
matrikula para sa mga mag-aaral, ang singil sa kuryenti at tubig ay unti-
unti ng tumataas. Pero sa mga kaukulang ito, ginagamit pa ba din natin
ang ating mga utak upang malimitahan ang ating mga sarili sa paggamit
ng pera?
Suliranin:
A. Ano ang propayl ng mga respondent?
B. Ano-ano ang estratehiyang ginagamit ng mga respondente sa
pagbabadyet?
C. Mayroon bang makabuluhang kaibahan sa estratehiya ng
pagbabadyet kung isaalang-alang ang propayl ng mga
respondente?
Panimulang Haka
A. Maaaring ang mga respondent nito ay halos mga lalaki kaysa babae.
B. Ang estratehiyang resulta ng mga respondente sa pagbabadyet ay sa
bahagyang positibo na resulta.
C. Hindi magkakatulad ang mga estratehiyang ginagamit ng mga respondente
dahil sa iba’t-ibang gastuhin at batay din sa propaly ng mga respondente.
METODOLOHIYA
Upang makapangalap ng tiyak at validna mga datos na kakailanganin at luos na
makakatulang upang maisakatuparan ang pamanahong papel na ito, ang mga
mananaliksik ay nagkaisang mangalap ng mga datos sa pamamagitan ng paghahanap
ng mga artikulong nauugnay sa paksa sa internetat lalong-lalo na sa mga silid-aklatan.
Napagpasyahan din ng grupo na mamahagi ng mga talatanungan o
questionnaire sa mga estratehiyang ginamit sa pagbabadyet.
APENDIKS B
SARBEY KWESTYONER
Mahal naming Respondante,
Maalab na pagbati!
Kami po ay mga mag-aaral ng Filipino 33 na sa ngayon ay nangangalap ng mga datos para sa aming pamanahong-papel na ang pamagat ay “Estratehiyang ginagamit ng mga Mag-aaral sa Kursong Agrikultura sa Pagbabadyet”
Kung gayon, mangyari po lamang na sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming maging kumpidensyal na impormasyon ang iyong mga kasagutan.
Maraming salamat po!
-Mga Mananaliksik
____________________________________________________________________________________
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang mga kahon na tumutugma sa iyong sagot.
I.Propayl ng mga respondante
Kasarian: Babae Lalake
Edad: 16 17 18 19 Kung wala sa lista, paki-sulat ng edad:
Kurso: ____________________________
Tipo ng Allowance: Arawan Lingguhan Buwanan
Halaga ng Allowance:
Arawan Lingguhan Buwanan
50-100 400-500 4000-5000
101-150 501-1000 5001-10000
151-200 1001-1500 10000+
II. Estratehiya
A. Pinaghahati-hati ko ang aking allowance upang matiyak akong pagkakasya nito.Sa lahat ng panahon
MadalasMinsanHindi
B. Ginagamit ko ang pera ko sa tamang paraan.Sa lahat ng panahonMadalasMinsanHindi
C. Marunong ako kung paano ibadget ang pera ko.Sa lahat ng panahonMadalasMinsanHindi
D. Ginagastos ko ang pera ko ayon sa kagustuhan ko.Sa lahat ng panahonMadalasMinsanHindi
E. Malaking halaga ang inilalaan ko sa pagkain.Sa lahat ng panahonMadalasMinsanHindi
F. Hindi ako maglalaan ng pera sa mga walang kabuluhang bagay.Sa lahat ng panahonMadalasMinsanHindi
G. Naglalaan din ako ng pera para sa proyekto ng organisasyon.Sa lahat ng panahonMadalasMinsanHindi
H. Naglalakad ako upang pagkasyahin ang perang baon sa loob ng isang araw/linggo.Sa lahat ng panahonMadalasMinsanHindi
I. Pinagkaitan ko ang aking sarili na manuod ng sine para magkasya ang aking allowance.Sa lahat ng panahonMadalasMinsanHindi
CURRICULUM VITAE
PANGALAN CHLOE C. VACALARES
PERSONAL NA DATOS
Nasyonalidad FILIPINO
Petsa ng Kapanganakan Disyembre 9, 1996
Lugar ng Kapanganakan Cagayan de Oro City
Tirahan Block 25 Lot 1 Kisanlu Subdivision, Iponan
EDUKASYONG NATAMO
Tersyarya Bachelor of Science in Accountancy2013 – KasalukuyanPamantasan ng Xavier, Ateneo de CagayanLungsod ng Cagayan de Oro
Sekundarya Sacred Heart of Jesus Montessori School833 C.M. Recto Avenue, Cagayan de Oro CityMarso 2013
Elementarya Merry Child SchoolZone 7, Bulua, Cagayan de Oro CityMarso 2009
KASABIHAN “Kung lahat ng makakaya mo ay iyong ibinigay, tagumpay mo’y walang kapantay.”
PANGALAN GIRLY B. EDUSMA
PERSONAL NA DATOS
Nasyonalidad FILIPINO
Petsa ng Kapanganakan Oktubre 18, 1996
Lugar ng Kapanganakan Cagayan de Oro City
Tirahan Looc Villanueva, Misamis Oriental
EDUKASYONG NATAMO
Tersyarya Batsilyer sa Agham ng Accountancy 2013- Kasalukuyan Pamantasan ng Xavier-Ateneo de Cagayan Lungsod ng Cagayan de Oro
Sekundarya St. Mary’s Academy of Tagoloan Tagoloan, Misamis Oriental Marso 2013
Elementarya Liberty Christian School Villanueva, Misamis Oriental Marso 2009
KASABIHAN “Walang mahirap na gawa 'pag dinaan sa tiyaga.”
PANGALAN MAE ANN B. BONBON
PERSONAL NA DATOS
Nasyonalidad FILIPINO
Petsa ng Kapanganakan Hulyo 6, 1996
Lugar ng Kapanganakan Cagayan de Oro City
Tirahan 21-23 St. Nazareth CDO
EDUKASYONG NATAMO
Tersyarya Batsilyer sa Agham ng Accountancy2013-KasalukuyanPamantasan ng Xavier-Ateneo de
Cagayan Lungsod ng Cagayan de Oro
Sekundarya Noahs Ark Christian SchoolPurok 1-A Narra St. CDOMarso 2013
Elementarya Noahs Ark Christian SchoolPurok 1-A Narra St. CDOMarso 2009
KASABIHAN “Life is like a coin, you can only spend it once so spend it wisely”
PANGALAN DALETON D. TIU
PERSONAL NA DATOS
Nasyonalidad FILIPINO
Petsa ng Kapanganakan OKTUBRE 17, 1995
Lugar ng Kapanganakan SURIGAO CITY
Tirahan CAGAYAN DE ORO CITY
EDUKASYONG NATAMO
Tersyarya Batsilyer sa Agham ng Komunikasyong Pagpaunlad
2013-Kasalukuyan
Pamantasan ng Xavier-Ateneo de Cagayan
Lungsod ng Cagayan de Oro
Sekundarya CARAGA Regional Science High School
Brgy. San Juan, Surigao City
Elementarya Children’s Garden Learning Center
Diez St., Surigao City
KASABIHAN “Bawat hakbang ay may kanya-kanyang direksyon”
PANGALAN THRESHA AMOR CORNILLA
PERSONAL NA DATOS
Nasyonalidad FILIPINO
Petsa ng kapanganakan ABRIL 3, 1996
Lugar ng kapanganakan: Cagayan de oro City
Tirahan Buena Oro, Aluba, Cagayan de Oro City
EDUKASYONG NATAMO
Tersyarya Batsilyer sa Agham ng Komunikasyong Pagpaunlad
2013-kasalukuyan
Pamantasan ng Xavier University-Ateneo De Cagayan
Lungsod ng Cagayan De Oro City
Sekundarya XavierUniversity HighSchool
Pueblo de Oro, Cagayan de Oro City
Hunyo 2009-Marso 2013
Elementary Xavier University Grade School
Macasandig, Cagayan de Oro City
Hunyo 2003-Marso 2009
KASABIHAN: “Masaya dapat ang lahat.”
PANGALAN: ALYSSA MICHELLE R. VIADO
PERSONAL NA DATOS
Nasyonalidad FILIPINO
Petsa ng Kapanganakan MAYO 31, 1996
Lugar ng Kapanganakan CEBU CITY
Tirahan APOVEL SUBDIVISION, PATAG, CAGAYAN DE ORO CITY
EDUKASYONG NATAMO
Tersyarya Batsilyer sa Agham ng Komunikasyong Pagpaunlad 2013 – Kasalukuyan
Pamantasan ng Xavier – Ateneo de Cagayan
Lungsod ng Cagayan de Oro
Sekundarya Xavier University High School – Ateneo de Cagyan
Pueblo de Oro, Cagayan de Oro City
Elementarya Kong Hua School
Kauswagan, Cagayan de Oro City
Kasabihan “Minsan, kailangan natin gamitin ang utak natin, hindi ang puso para gumawa ng desisyon sa buhay.”
PANGALAN: TIMOTHY JUSTIN B. EMATA
PERSONAL NA DATOS
Nasyonalidad FILIPINO
Petsa ng Kapanganakan DISYEMBRE
30, 1996
Lugar ng Kapanganakan ILOILO CITY
Tirahan MORNING
MIST VILLAGE, CAGAYAN DE ORO CITY
EDUKASYONG NATAMO
Tersyarya Batsilyer sa Agham ng Komunikasyong Pagpaunlad
2013 – Kasalukuyan
Pamantasan ng Xavier – Ateneo de Cagayan
Lungsod ng Cagayan de Oro
Sekundarya Xavier University High School – Ateneo de Cagyan
Pueblo de Oro, Cagayan de Oro City
Elementarya Xavier University Grade School – Ateneo de Cagayan
Pueblo de Oro, Cagayan de Oro City
Kasabihan “Find yourself and be free”
PANGALAN Rhona Kristine L. Valesco
PERSONAL NA DATOS
Nasyonalidad FILIPINO
Petsa ng Kapanganakan August 21, 1996
Lugar ng Kapanganakan Intramuros, Manila
Tirahan Agusan, Cagayan De Oro City
EDUKASYONG NATAMO
Tersarya Bachelor of Science in Chemical Engineering 2013-Kasalukuyan
Pamantasan ng Xavier-Ateneo de Cagayan Lungsod ng Cagayan de Oro
Sekundarya Shekinah Glory Christian Academy Cagayan de Oro City
Marso, 2013
Elementarya Shekinah Glory Christian Academy Cagayan de Oro City
Marso, 2009
Recommended