View
316
Download
2
Category
Preview:
DESCRIPTION
iugvb
Citation preview
V KKK Serye UPDATED EDITION 4
Gabay sa Pagtuturoat Pagkatuto Batay sa UbD
Kultura, Kasaysayanat Kabuhayan
Heograpiya, Kasaysayanat Sibika
Lydia N. Agno, Ed.D. Celinia E. Balonso, Ph.D. Frederick N. CastilloGrace Estela C. Mateo, Ph.D. Rosita D. Tadena, Ph.D.
Grace Estela C. Mateo, Ph.D. Editor-Konsultant
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
ii
V KULTURA, KASAYSAYAN AT KABUHAYAN SERYE 4
HEOGRAPIYA, KASAYSAYAN AT SIBIKA
Updated Edition
GABAY SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO BATAY SA UbD
ISBN 978-971-07-2704-9
Karapatang-ari © 2010 ng Vibal Publishing House, Inc. at nina Lydia N. Agno, Ed.D.; Celinia E. Balonso, Ph.D.; Frederick N. Castillo; Grace Estela C. Mateo, Ph.D.; at Rosita D. Tadena, Ph.D.
Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang pelikula, nang walang nakasulat na pahintulot ang Tagapaglathala at ang mga may-akda. Hindi sakop ng karapatang-ari ang suring-aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin.
Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Publishing House, Inc.
Main Offi ce:
1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City
Regional Offi ces:
Unit 202 Cebu Holdings Center, Cebu Business Park, Cardinal Rosales Avenue, Cebu City
Kalamansi St. cor. 1st Avenue, Juna Subdivision, Matina, Davao City
Bldg. A, Unit 4 Pride Rock Business Park, Gusa, Cagayan de Oro City
Kasapi: Philippine Educational Publishers’ Association; Book Development Association of the Philipines; Association of South East Asian Publishers; Graphics Arts Technical Foundation
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
iii
PAUNANG SALITA
I sang malaking hamon ang magturo ng Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HEKASI). Layunin ng ating asignatura na humubog ng mga
makabayang mag-aaral na may pagpapahalaga sa ating kasaysayan at kultura at maging responsableng mamamayan ng ating bansa. Nangangahulugan ito na tayo bilang mga guro ay dapat may sapat na kaalaman, kasanayan, at kahandaan sa pagtuturo upang makamit ng ating mga mag-aaral ang kinakailangang pagkatuto.
Upang maging patnubay sa inyong isang taong pagtuturo, handog namin sa inyo, mga guro ng HEKASI, ang Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto Batay sa UbD para sa Updated Edition ng serye ng Kultura, Kasaysayan at Kabuhayan (KKK). Ito ay isang napapanahong plano sa pagkatuto o sistema ng pag-aaral na nakaorganisa batay sa disenyong pangkurikulum na Understanding by Design o UbD nina Grant Wiggins at Jay McTighe.
Ang Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto Batay sa UbD ay dinisenyo upang inyong mahusay na maituro at epektibong matutuhan ng mag-aaral ang serye ng teksbuk na KKK. Nakaayon ito sa tatlong antas ng disenyong UbD. Ang tatlong antas na ito ay ang:
• Antas 1: Inaasahang Bunga/Resulta ng Pagkatuto
• Antas 2: Pagtataya
• Antas 3: Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto ng mga Aralin
Ang unang dalawang antas ay matatagpuan sa planong instruksyunal (instructional plan) ng bawat yunit o markahan. Apat ang planong intruksyunal sa gabay na ito na katumbas ng apat na yunit o markahan sa pagtuturo. Samantala, ang ikatlong antas ng UbD o ang Gabay sa Pagtuturo at Pagkatuto ng mga Aralin ang patnubay ng guro sa araw-araw niyang pagtuturo upang makamit ng mga mag-aaral ang inaasahang resulta o bunga ng pagkatuto.
Nakatuon ang mga Inaasahang Bunga/Resulta sa mahahalagang kaalaman (konsepto, malalaking ideya, prinsipyo, o isyu) at kasanayan (skills) na dapat matutuhan ng mag-aaral. Bilang bahagi ng unang antas ng UbD, nakalatag sa bawat planong instruksyunal ng yunit o markahan ang pamantayang pangnilalaman at pagganap (content
and performance standards) na dapat matutuhan at maipamalas ng mag-aaral sa pagtatapos ng yunit o markahan. Tinutukoy rin sa unang antas ang kakailanganing pag-unawa (essential understanding) upang matamo ng mag-aaral ang inaasahang resulta o bunga ng pagkatuto. Tinutukoy rin sa unang antas ang mga kakailanganin o mahalagang tanong (essential questions) na pupukaw sa kaisipan ng mag-aaral upang mag-isip siya at matamo ang kakailanganing pag-unawa.
Nakalatag din sa bawat planong instruksyunal ang ikalawang antas ng UbD, ang Pagtataya, na magsisilbing patunay at sukatan ng pagkatuto ng mag-aaral. Mayaman ang gabay na ito sa iba’t ibang uri ng tradisyunal na pagtataya. Subalit isang mahalagang aspekto ng gabay na ito ay ang tuon na ipinagkaloob nito sa pagbuo ng iba’t ibang halimbawa ng awtentikong pagtataya na may mga kaakibat na rubric kung saan nakatukoy ang mga krayterya (criteria) at indikador (indicator)ng pagganap. Isang malaking tulong sa mga guro ang awtentikong pagtataya na inihahain ng gabay na ito upang matamo ng mga mag-aaral ang higher order thinking skills (HOTS). Kaugnay sa UbD, nakalatag din sa aspekto ng Pagtataya ang Anim na Antas ng Pag-unawa (Six Facets of Understanding) na susukat at magpapakita ng kinakailangang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang ikatlong antas ng UbD ay inorganisa ayon sa isinusulong na hakbang ng pagtuturo ng Departamento ng Edukasyon. Bawat aralin o magkakaugnay na serye ng aralin ay may Gabay sa Pagtuturo. Layunin ng bawat gabay na tuklasin, linangin, at palalimin ang kaalaman at kasanayan ng mag-aaral at pagkatapos ay ilapat o isalin ang kaalaman at kasanayan sa iba pang konteksto ng kanyang pag-aaral.
Bukod sa pagiging naayon sa UbD, ang isa pang mahalagang katangian ng gabay na ito ay ang paggamit nito ng Filipinism/Makabayan CD-ROM bilang tulong sa pagtuturo (teaching aid) at upang maging higit na kaaya-aya ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Tinutukoy sa mga Gabay sa Pagtuturo ang kaakibat na aralin sa Filipinism/Makabayan CD-ROM na magagamit ng guro para sa mga dagdag kaalaman at gawain na maibabahagi sa mga mag-aaral. Kailangan ninyong gabayan ang mga mag-aaral sa paggamit ng Makabayan CD-ROM.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
iv
— i-click ang icon na ito para sa makabuluhang mga gawaing iniu-ugnay sa edukasyong pangkabuhayan
— i-click ang icon na ito upang mapanood ang video para sa isang aralin o paksa
— i-click ang icon na ito para sa kawili-wiling pagsasanay tungkol sa mga aralin
May iba pang navigation at control key ang CD-ROM na makatutulong sa mas madaling paggamit.
Paggamit ng Book Site
Maliban sa CD-ROM, gamitin din ang Internet para sa iba pang gawain at karagdagang impormasyon. Ipa-access sa iyong mga mag-aaral ang book support site ng KKK sa i-learn.vibalpublishing.com. Paano ito mapuntahan?
1. Mag log-on sa i-learn.vibal-publishing.com at i-click ang SOCIAL STUDIES sa subject tab.
2. Piliin ang aklat na gamit.
3. Piliin ang YUNIT at ARALIN.
May kalakip na Interactive CD-ROM ang bawat aklat ng KKK Serye Updated Edition. Ginawa ang mga CD-ROM na ito bilang tulong pangkaalaman at pangkasa-nayan sa mga aralin sa Heograpiya, Kasaysayan at Sibika.
Paggamit ng Interactive CD-ROM
Nagtataglay ng sumusunod na katangian ang bawat CD-ROM:
1. Ang nilalaman ng CD-ROM ay sa wikang Filipino at sa wikang English.
2. Nahahati sa apat na paksa ang CD-ROM. Makikita ang mga impor-masyon at gawain sa pamamagitan ng pag-click sa mga paksang ito.
3. Ang mga aralin sa CD-ROM ay maaaring slideshow o video ang format.
May mga icon na maaaring i-click para sa madaling paggamit.
— i-click ang icon na ito para ma-access ang slideshow tungkol sa isang aralin o paksa
— i-click ang icon na ito para makita ang mga larawang may kasa-mang audio
— i-click ang icon na ito para mabasa ang teksto ng isang slide
— i-click ang icon na ito sa itaas na kanang bahagi ng slide para sa karagdagang impormasyon
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
v
Bilang guro, marapat lamang na i-bookmark ang i-teach.vibalpublish-ing.com para sa agarang pag-access sa mga gawain at karagdagang impormasyon, kasama ang layunin o paraan ng pagtuturo para sa mga ito.
1. Mag log-on sa i-teach.vibalpublishing.com at i-click ang SOCIAL STUDIES sa subject tab.
2. Piliin ang aklat na gamit.
3. Piliin ang YUNIT at i-click ang ARALIN.
4. Maaari ding ma-access dito ang PDF ng Gabay sa Pagtuturo at Pagka -tuto Batay sa UbD.
Maisasakatuparan ang mga gawain sa CD-ROM at sa book site sa ilang paraan. Una, maaaring gumamit ng kompyuter na may CD-ROM drive, Internet access at LCD projector sa loob ng silid-aralan. Pangalawa, maaaring dalhin ang klase sa AVR (audiovisual room) o kaya ay sa computer laboratory. Maaari din namang ibigay na takdang-aralin para gawin ito sa bahay o Internet café.
Sa huli, hangad ng manwal na ito na tukuyin ang mahahalaga at kinakailangang kaalaman at kasanayan na dapat epektibong maituro ng mga guro at matutuhang pangmatagalan ng mga mag-aaral. Ito ang magiging pundasyon natin sa paghubog ng mga makabayang mag-aaral na Pilipino. Isang makabuluhan at matagumpay na pagtuturo ang hangad namin sa inyo.
Ang mga May-akda
2
3
3
2
4
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
vi
YUNIT I HEOGRAPIYANG PISIKAL NG PILIPINAS ........... 2
Aralin 1 Globo, Mapa, at mga Bahagi ng Mundo ......................... 4
Aralin 2 Mga Linya sa Globo at ang Grid ..................................... 4
Aralin 3 Ang Compass Rose, Iskala at mga Uri ng Mapa ............ 4
Aralin 4 Kaugnayan ng Klima sa Lokasyon at mga Salik Pangheograpiya ............................................................... 6
Aralin 5 Kaugnayan ng Klima at Panahon sa Pamumuhay ng mga Tao sa Pilipinas .................................................. 6
YUNIT II PAMBANSANG PAGKAKAISA .................................. 12
Aralin 6 Ang Paglikha sa mga Rehiyon ng Pilipinas ................... 15
Aralin 7 Mga Rehiyon sa Hilaga at Gitnang Luzon ..................... 17
Aralin 8 Ang Cordillera Administrative Region at National Capital Region ............................................. 17
Aralin 9 CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol ........................... 17
Aralin 10 Mga Rehiyon sa Visayas .................................................. 19
Aralin 11 Zamboanga Peninsula, Hilagang Mindanao, at Davao .. 21
Aralin 12 SOCCSKSARGEN, Caraga, at ARMM ........................... 21
Aralin 13 Pag-aasahan ng mga Rehiyon ......................................... 23
TALAAN NG NILALAMAN
YUNIT III KULTURANG PILIPINO: NOON AT NGAYON ....... 26
Aralin 14 Ang mga Unang Pilipino ................................................. 27
Aralin 15 Kultura ng mga Pilipino .................................................. 29
Aralin 16 Pakikipag-ugnayan ng mga Sinaunang Pilipino ........... 29
Aralin 17 Mga Pagbabago sa Kulturang Pilipino ........................... 31
Aralin 18 Mga Mahalagang Pangyayari Tungo sa Pagkamit ng Kalayaan ............................................... 32
YUNIT IV PAMBANSANG PAGKAKAKILANLAN ..................... 36
Aralin 19 Mga Batas at Programang Pangkultura ng Pamahalaan ................................................................. 39
Aralin 20 Karapatan at Tungkulin sa Pagpapaunlad ng Kultura ........................................................................ 41
Aralin 21 Mga Huwarang Pilipino ng Nakaraang Panahon .......... 44
Aralin 22 Mga Huwarang Pilipino ng Kasalukuyang Panahon ........................................................................... 44
Aralin 23 Tungkulin ng Mamamayan sa Pag-unlad ng Kultura ........................................................................ 46
Apendiks ........................................................................... 50
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
vii
Mga Kasanayan Bilang ng Kabanata
Pahina sa Aklat
Mga Batayang Kasanayan sa Pagkatuto sa HEOGRAPIYA, KASAYSAYAN AT SIBIKA 4
I. KINALALAGYAN AT KATANGIANG PISI-KAL NG PILIPINAS
Naipagmamalaki ang katangi-tanging kinalalagyan at katangiang pisikal ng Pili-pinas
A. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng globo at mapa sa pag-aaral ng heograpiya ng sariling bansa
1. Nakikilala ang mga bahagi ng mundo
2. Nakikilala ang Equator, Prime Meridian, at International Date Line bilang mga imaginary line na huma-hati sa mundo sa mga hatingglobo
3. Nasasabi ang mga katangian ng mga guhit latitude na kaagapay ng Equa-tor
a. Nakikilala ang mga espesyal na guhit latitude na kaagapay ng Equator tulad ng Tropic of Cancer at Tropic of Capricorn, Arctic Circle at Antarctic Circle
b. Nasasabi ang kahalagahan ng mga espesyal na guhit latitude
4. Nasasabi ang katangian ng mga guhit longitude
a. Nasasabi ang kahalagahan ng mga espesyal na guhit longitude tulad ng Prime Meridian at Interna-tional Date Line
5. Naipaliliwanag ang kahulugan ng grid
6. Nagagamit ang grid bilang pantulong sa paghanap ng isang lugar sa globo at mapa
7. Nasasabi na ang layo ng mga lugar sa mundo ay nasusukat sa degree
a. Nakikilala ang degree latitude bilang panukat ng layo ng lugar pahilaga at patimog mula sa Equator
b. Nakikilala ang degree longitude bilang panukat ng layo ng lugar pasilangan at pakanluran mula sa Prime Meridian
8. Nagagamit ang North Arrow/compass rose sa pagsasabi ng direksyon
9. Nagagamit ang pangunahin at pan-galawang direksyon sa pagsasabi ng kinalalagyan ng isang lugar batay sa lokasyon ng ibang lugar (relative location)
10. Nagagamit ang globo/mapa sa pagtu-koy ng tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas
11. Nagagamit ang iskala ng mapa sa pagsasabi ng sukat at layo ng isang lugar sa ibang lugar
1 2-3
2 16-18
1 4-10
2 19-20
2 19
2 20-21
2 20-21
2 19-20
3 25
3 25
1 2-3
3 27-29
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
viii
a. Nakikilala na ang malalaking bagay ay maaaring katawanin ng maliliit na bagay
b. Nakikilala na ang iskala ay ang kaugnayan ng sukat sa mapa sa sukat sa lupa
c. Nakikilala ang iba’t ibang paraan ng pagsulat ng iskala
12. Nasusukat ang layo ng isang lugar sa tulong ng iskala ng mapa
B. Naiuugnay ang lokasyon at ang iba pang salik na pangheograpiya sa klima ng isang lugar
1. Naipaliliwanag kung paanong ang pag-ikot ng mundo sa kanyang aksis ay nagiging dahilan ng araw at gabi
a. Nasasabi na ang mundo ay umiikot sa kanyang sariling aksis minsan sa loob ng 24 oras
b. Nasasabi ang dahilan ng pagka-kaiba ng temperatura sa araw at gabi
2. Naipaliliwanag kung paanong ang pagligid ng mundo sa araw ay nagiging dahilan ng pagkakaiba ng panahon at klima sa iba’t ibang bahagi ng mundo
a. Natutukoy na ang mundo ay lumi-ligid sa araw sa loob ng 365 1/4 na araw
b. Nasasabi na ang mundo ay naka-hilig sa kaniyang aksis ng 23 1/4
habang lumiligid sa araw
c. Natatalakay kung bakit ang iba’t ibang bahagi ng mundo ay tuma-tanggap ng iba’t ibang tindi ng sikat ng araw habang lumiligid sa mundo
d. Napaghahambing ang panahon sa iba’t ibang latitude ayon sa po-sisyon ng mundo habang lumiligid sa araw
3. Naiuugnay ang klima sa lokasyon ng bansa
a. Nailalarawan ang klima ng Pilipinas ayon sa lokasyon nito sa mundo
b. Nakikilala na ang Pilipinas ay isang bansang tropikal
4. Nasusuri ang epekto ng iba pang salik (temperatura, dami ng ulan) na may kinalaman sa klima ng bansa
a. Nagagamit ang mapang pang-klima sa paglalarawan ng klima sa iba’t ibang bahagi ng bansa
C. Naiuugnay ang klima sa uri ng mga pa-nanim at hayop sa bansa
1. Naiisa-isa ang uri ng pananim at hayop sa bansa
2. Naiuugnay ang uri ng pananim at hayop sa klima ng bansa
3. Naipaliliwanag ang kinalaman ng klima sa uri ng pananim sa bansa
4 43
3 28-29
4 43
4 46
4 46
5 53-55
5 53-55
5 53-55
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
ix
II. PAMBANSANG PAGKAKAISA
Napahahalagahan ang pagsisikap ng bawat rehiyon sa pagpapaunlad ng bansa
A. Natatalakay ang naging kontribusyon ng bawat rehiyon sa pag-unlad ng bansa1. Naipaliliwanag kung ano ang rehiyon2. Naiisa-isa ang 17 rehiyon ng bansa
a. Naituturo sa mapa ng Pilipinas ang iba’t ibang rehiyon at mga lalawigang bumubuo sa bawat isa
3. Nailalarawan ang katangiang pang-heograpiya ng bawat rehiyon
4. Napaghahambing ang mga rehiyon ayon sa katangiang pangheograpiya ng mga ito a. Nagagamit ang mga pananda sa
mapa sa paglalarawan ng kata-ngiang pisikal ng mga rehiyon
b. Nakagagawa ng payak na mapa ng sariling rehiyon na ginagamit ang mga sagisag
5. Natutukoy ang mga pangunahing likas na yaman at yamang tao ng bawat rehiyon
6. Naiuugnay ang pangunahing indus-triya, produkto, at hanapbuhay sa katangiang pangheograpiya ng rehi-yon
B. Nasusuri kung paano nakikiisa ang bawat rehiyon sa pag-unlad ng bansa1. Natutukoy ang paraan ng pag-aasahan
ng bawat rehiyon
2. Naipaliliwanag kung paano naka-tutulong sa pag-unlad ng bansa ang pagpapabuti ng produkto ng mga rehiyona. Nasasabi ang mga pagdiriwang
na idinaraos ng bawat lalawigan/rehiyon kaugnay ng mga pangu-nahing produkto nito
III. KULTURANG PILIPINO: NOON AT NGAYON
Napahahalagahan ang kulturang nagpa-pakilala ng ating pagka-Pilipino
A. Napatutunayan na ang mga Pilipino ay may sariling lupain at kultura bago pa man nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa ibang tao1. Natutukoy ang itinuturing na unang
Pilipino 2. Nasasabi ang pinanggalingan ng mga
unang Pilipino3. Natatalakay ang katangian ng ma-
teryal at di-materyal na bahagi ng kultura ng mga unang Pilipino
4. Nailalarawan ang uri ng panahanan ng mga unang Pilipino
5. Nasusuri ang katangian ng mga pa-nahanang ito
6. Nasasabi ang kaugnayan ng pana-hanan sa pamumuhay ng mga unang Pilipino
7. Nabibigyang-katwiran ang pag-aang-kop na ginawa ng mga unang Pilipino sa kanilang kapaligiran
6 62-63
6 66-122
6 66-122
6 66-122
6-12 67-122
13 126-131
14 137-140
13 126-131
14 137-140
15 145-146
15 144-154
15 145-146
15 145-146
15 145-147
6-12 67-122
13 128-131
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
x
8. Nabibigyang-katwiran ang mga pag-babago sa panahanan ng mga Pilipino sa pagdating ng mga dayuhan
B. Naipaliliwanag ang kaugnayan sa pagpapayaman ng kultura ng pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
1. Nakikilala ang mga unang dayuhang nakipag-ugnayan sa bansa
2. Nasasabi ang mga dahilan ng paki-kipag-ugnayan sa mga ninuno
3. Naipaliliwanag ang paraan ng paki-kipagkalakalan ng mga ninuno sa mga dayuhan
a. Natutukoy ang mga produkto at kalakal ng mga unang Pilipino
b. Nailalarawan ang paraan ng kalakalan ng mga unang Pilipino
c. Natatalunton sa mapa ang ruta ng kalakalan ng mga unang Pilipino
d. Nasasabi ang mga bansang naki-pagkalakalan sa Pilipinas at ang lokasyon ng mga ito
4. Naituturo sa mapa ang mga bansa sa Asya na unang nakipag-ugnayan sa Pilipinas
5. Nagagamit ang iskala sa pagsukat ng mga layo nito sa Pilipinas
C. Naipaliliwanag kung paanong ang kul-turang Pilipino ay nahaluan ng kultura ng iba’t ibang bansang nakipag-ugnayan dito
1. Nailalarawan ang naging kontri-busyon ng mga unang dayuhan sa katutubong kulturang Pilipino
2. Nailalarawan ang mga pangyayaring naging daan upang ang Pilipinas ay maging lupang sakop ng mga Español
3. Natatalakay ang mga naging pagba-bago sa kulturang Pilipino dulot ng pakikipag-ugnayan sa mga Español
a. Natatalunton/naituturo sa mapa ang mga lugar sa bansa na unang nag karoon ng pakikipag-ugnayan sa mga Español
b. Nasasabi ang mabuti at di-mabu-ting epekto sa kulturang Pilipino ng pananakop ng Español
4. Naipaliliwanag kung bakit di luma ganap ang Kristiyanismo sa kabun dukan
5. Naipaliliwanag ang mga pagbabago sa kulturang Pilipino sa panahon ng mga Amerikano
a. Naipaliliwanag ang mga pang-yayaring naging daan sa pagiging kolonyang Amerikano ng Pilipinas
b. Nakikilala ang ilang pagbabagong naganap sa kulturang Pilipino dahilan sa pagsakop ng mga Amerikano
c. Napipili ang mabuti at di-mabuting impluwensya ng mga Amerikano sa kulturang Pilipino
15 145-146
16 158-164
16 158-164
16 162, 167
16 158-164
16 167
17 168-170
17 170-173
17 171
17 175-178
16 158-164
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
xi
1. Natutukoy ang mga batas at programa ng pamahalaan sa pagpapanatili at pagpapaunlad sa sariling kultura
2. Natatalakay ang karapatan ng mga mamamayan sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng sariling kultura
3. Natatalakay ang tungkulin at pananagutan ng mamamayan sa pagpapanatili ng sariling kultura
4. Nahihinuha ang maaaring mangyari sa kultura ng bansa kung hindi gaga-win ng mga mamamayan ang kanilang tungkulin at pananagutan
5. Naisasagawa ang makakayanang tungkulin at pananagutan sa pagpa-panatili at pagpapaunlad ng kultura ng bansa
B. Naipagmamalaki ang mga Pilipino sa iba’t ibang panahon na nagpaunlad/nagpa-paunlad ng sariling kultura
1. Naiisa-isa ang mga Pilipinong nagpa-unlad/nagpapaunlad ng kultura
2. Natutukoy ang kanilang tanging nagawa para sa pagpapaunlad ng sariling kultura
3. Napahahalagahan ang mga Pilipi-nong nagpaunlad/nagpapaunlad sa sariling kultura
4. Naisasagawa ang makakayanan sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng sariling kultura
d. Natutukoy ang naging epekto sa kulturang Pilipino ng pananakop ng mga Hapones
D. Nabibigyang-halaga ang naging epekto sa kasalukuyang kultura ng mga natutuhan sa nakaraan
1. Nagagamit ang timeline sa pagkilala ng ilang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng bansa
a. Nakikilala ang timeline at ang gamit nito sa pag-aaral ng kasay-sayan
2. Natutukoy ang mga natutuhan sa mga pangyayari sa nakaraan na maaaring may kaugnayan sa kasalukuyan
3. Naiuugnay ang kasalukuyang kultura sa mga nakaraang pangyayari
4. Nagagamit ang magagandang natu-tuhan sa mga nakaraang pangyayari sa kasaysayan ng bansa upang mapabuti at maitaguyod ang kasa-lukuyang kultura
IV. PAMBANSANG KATAPATAN
Napahahalagahan ang pagpapanatili at pagpapaunlad ng mga Pilipino sa sariling kultura na makatutulong sa kabutihan ng bansa
A. Nasusuri ang mga batas at programa ng pamahalaan sa pagpapanatili at pag-papaunlad ng sariling kultura
20 219-226
18 185-196
19 203-207
21-22 230-251
18 196
18 158-164, 170-180, 185-196 18 196
20,23 219,226
20, 23 225-226
20, 23 219-226
21-22 230-251
21-22 230-251
23 256-261
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
xii
PANG-UNA/PANGHULING PAGSUSULIT
Piliin ang tamang sagot. Isulat lamang ang titik sa inyong sagutang papel.
1. Ang replika o kopya ng mundo ay ang __________.a. mapa c. planetab. globo* d. araw
2. Ang malalaking masa sa balat ng globo ay ang __________.a. kontinente* c. lawab. karagatan d. bundok
3. Ang pinakamalaking bilog na naghahati sa mundo ay tinatawag na __________.a. grid c. Equator*
b. meridian d. longitude
4. Ang pinakadulong hangganan ng pahilis na sinag ng araw sa Hilagang Hemispero ay ang __________.a. Arctic Circle* c. Prime Meridian
b. Tropic of Cancer d. South Pole
5. Ang instrumentong ginagamit sa paghahanap ng direksyon ay ang __________.a. compass* c. North Arrow
b. iskala d. mapa6. Ang mapang nagpapakita ng mga dibisyong panrehiyon ay
ang __________.a. mapang pangklima c. mapang pangkabuhayanb. mapang pulitikal* d. mapang pangkalsada
7. Ang isang kondisyon ng atmospera ay ang __________.a. klima* c. solstice
b. equinox d. amihan8. Ang mundo ay umiikot sa araw sa loob ng __________.
a. isang taon* c. isang arawb. isang buwan d. anim na buwan
9. Ang Pilipinas ay nasa rehiyong tropiko. Ito ay matatagpuan sa __________.a. Equator c. itaas ng Equator*b. ibaba ng Equator d. itaas ng Tropic of Cancer
10. Ang tipo ng panahong nakararanas ng ulan sa buong taon ay __________.a. Tipo 1 c. Tipo 3b. Tipo 2 d. Tipo 4*
11. Ang lungsod ng San Fernando sa Pampanga ay ang sentro ng __________.a. Rehiyon II c. Rehiyon III*b. Rehiyon I d. Rehiyon IV
12. Ang Gitnang Luzon ay kilala bilang __________ ng Pilipinas.a. rice granary* b. national parkc. sentro ng minahand. pangunahing prodyuser ng tabako
13. Ang lungsod ng Baguio ay matatagpuan sa __________. a. Caragab. National Capital Regionc. Cordillera Administrative Region*d. Autonomous Region in Muslim Mindanao
14. Ang Pambansang Punong Rehiyon ay kilala rin sa tawag na __________. a. MIMAROPA c. Kamaynilaanb. sentro ng kalakalan d. Metropolitan Manila*
15. Ang CALABARZON ay binubuo ng __________ na lalawigan. a. anim c. apat b. lima* d. pito
16. Ang pangunahing atraksyon sa Rehiyong Bicol ay ang __________. a. Tiwi Hot Spring c. Lawa ng Bulusanb. Bulkang Mayon* d. Simbahan sa Cagsawa
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
xiii
17. Ang Chocolate Hills ay matatagpuan sa __________.
a. Dumaguete c. Bohol*
b. Negros Oriental d. Iloilo
18. Ang Philippine Eagle Nature Center ay matatagpuan sa __________.
a. Lungsod ng Davao* c. Davao Oriental
b. Davao del Sur d. Compostela Valley
19. Ang Sulu ay matatagpuan sa __________.
a. ARMM* c. MIMAROPA
b. Caraga d. CALABARZON
20. Ang pagdiriwang ng Pahiyas ay ipinagdiriwang sa __________.
a. Pagbilao, Quezon c. Malolos, Bulacan
b. Lucban, Quezon* d. San Fernando, Pampanga
21. Ang pamayanan ng mga unang Pilipino ay ang __________.
a. barangay* c. bayan
b. pamayanan d. nayon
22. Ang tagapagbalita o tagasigaw sa barangay ay ang __________.
a. umalohokan* c. datu
b. maharlika d. sultan
23. Ang sistema ng pagsusulat ng mga unang Pilipino ay ang __________.
a simbolo b. baybayin*
c. pagguhit d. hieroglyphics
24. Ang larong sungka ay galing sa bansang __________.
a. China* c. Vietnam
b. Japan d. Malaysia
25. Ang unang misa sa Pilipinas ay ginanap sa __________.
a. Mactan, Cebu c. Tacloban, Leyte
b. Limasawa, Leyte* d. Lapulapu, Cebu
26. Ang gawaing magagawa ngayon na ipinagpabukas pa ay tinatawag na __________. a. bahala na c. ningas kugon b. sige na nga d. mañana habit*
27. Ang naging Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas ay si __________. a. Manuel Roxas c. Manuel Quezon b. Emilio Jacinto d. Emilio Aguinaldo*
28. Ang kalayaan ng Pilipinas ay ipinagkaloob ng United States noong __________.a. Hulyo 4, 1946* c. Hulyo 14, 1946b. Hulyo 4, 1896 d. Hulyo 24, 1896
29. Ang Death March ay naganap noong __________. a. Ikalawang Digmaang Pandaigdig*b. Digmaan ng mga Pilipino at Españolc. Digmaan ng mga Amerikano at Pilipinod. Digmaan ng mga Amerikano at Español
30. Ang pangunahing batas at pinakapundamental na batas sa Pili-pinas ay ang __________. a. Batas Militarb. Saligang Batas*c. Batas para sa Alagad ng Siningd. Batas para sa may Kapansanan
31. Ang kalayaang ipinagkaloob sa mga Pilipino na makapagsalita ng kanilang saloobin ay isang karapatan sa __________. a. pagsusulat c. pamamahayag*b. pagkatakot d pangangailangan
32. Ang naging tanyag sa pag-imprenta ng mga aklat ay si __________.a. Tomas Pinpin* c. Marcelo H. del Pilarb. Tomas Claudio d. Graciano Lopez Jaena
33. Ang pinakatanyag na pintor noon at ngayon ay si __________.a. Jose Palma c. Juan Luna*b. Julian Felipe d. Francisco Baltazar
1
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
2
HEOGRAPIYANG PISIKAL NG PILIPINASKabuuang bilang ng araw: 46I
Yunit
ANTAS 1: INAASAHANG BUNGA/RESULTA NG PAGKATUTO
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
1. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng globo at mapa sa pag-aaral ng mga bahagi ng mundo
2. Naiuugnay ng mag-aaral ang klima, lokasyon, at panahon sa pamumuhay ng mga tao sa Pilipinas
Naipamamalas ng mag-aaral ang:a. magaling na pakikipag-interaksyon
sa pangkatang gawain at talakayan ng aralin
b. mahusay na pananaliksik tungkol sa paksa o isyu na inulat
c. kasanayan sa paggamit ng globo at mapa sa paghanap ng mga lugar
d. mahusay na pagsulat ng maik-ling sanaysay at liham na may kaugnayan sa klima, panahon, at pamumuhay
Mga Kakailanganing Pag-unawa Mahahalagang Tanong
1. Sa paggamit ng mga globo at mapa, naisasagawa nang mahusay ang pag-aaral ng mga bahagi ng mundo.
2. Madaling natatalunton ang mga pangunahin at pangalawang direksyon sa mundo sa pama-magitan ng paggamit ng compass rose at natutukoy ang sukat at layo ng iba’t ibang lugar sa mundo sa pamamagitan ng paggamit ng iskala.
3. May malaking kaugnayan ang lokas -yon, klima, at panahon sa pamu-muhay ng mga tao sa Pilipinas.
1. Paano naisasagawa ang mahusay na pag-aaral ng mga bahagi ng mundo?
2. Paano madaling natatalunton ang mga pangunahin at pangalawang direksyon sa mundo at natutukoy ang sukat at layo ng iba’t ibang lugar sa mundo?
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang lokasyon, klima, at panahon ng Pilipinas?
ANTAS 2: PAGTATAYA
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng sumusunod na mga kasanayan:
A. Pagpapaliwanag
1. Naipapaliwanag ang paggamit ng mga linya at grid sa mapa sa pag-aaral ng heograpiya, partikular sa pag-aaral ng mga bahaging lupa at bahaging tubig ng globo
2. Nagagamit sa pag-aaral ang globo bilang replika o kopya ng mundo
3. Nagagamit ang compass rose at iskala sa paghahanap ng mga pangunahin at pangalawang direksyon ng mga lugar sa mundo
4. Naipapaliwanag na may kaugnayan ang lokasyon sa klima at panahon na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao
B. Pagpapakahulugan
1. Nabibigyan ng interpretasyon ang lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng paggamit ng mga linya at grid sa globo at mapa
2. Natutukoy ang direksyon, sukat, at layo ng lugar sa pamamagitan ng paggamit ng compass rose at iskala ng mapa
C. Paglalapat
1. Nahahanap sa mga mapa o globo ang alinmang bansa o lugar sa mundo sa paggamit ng mga kagamitan sa pag-aaral ng heograpiya
2. Natatalunton ang ruta ng paglalakbay sa paggamit ng globo o mapa at compass rose at iskala ng mapa
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
3
D. Perspektibo
1. Nasasabi ang pansariling pananaw sa madali at mahusay na pag-aaral ng heograpiya sa pamamagitan ng paggamit ng mga linya sa globo at mapa, gayundin ng compass rose at iskala
2. Napagtatanto na may mga lugar na higit na maunlad kaysa iba bunga ng klima, lokasyon, at panahon
E. Pagsasaalang-alang ng Damdamin ng Iba Napagninilay-nilayan kung paano ginagamit ng mga
manlalayag ang mga kagamitan sa heograpiya para makarating sa iba’t ibang lugar sa mundo
F. Pagkilala sa Sarili1. Nagagamit sa paghahanap ng lugar ang kaalaman at
kasanayan sa paggamit ng mga linya sa globo at mapa, pati na ng compass rose at iskala
2. Naibabahagi sa iba ang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng mga kagamitan sa heograpiya at sa pansariling pag-aaral ng heograpiya
Pagpapatibay sa Antas ng Pagganap
✏ Awtentikong Pagtataya
Ipagawa ang Gawin Natin sa pp. 14-15, 23, 37-39, 49, at 57 ng batayang aklat. Para sa pagtataya ng mga gawain ng mga mag-aaral, gamitin ang mga scoring rubric sa Apendiks.
✏ Tradisyunal na Pagtataya
A. Ipasagot ang Sagutin Natin sa pp. 11-13, 22-23, 34-36, 47-48, at 55-56 ng batayang aklat.
B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Maganda ang klima ng ating bansa dahil __________.
a. kabilang ito sa Asya
b. nasa gitna ito ng mundo c. napaliligiran ito ng kalupaan d. napaliligiran ito ng karagatan*
2. Ang batayan ng tipo ng panahon sa Pilipinas ay ang __________.a. init ng arawb. klima ng bansa c. lokasyon ng mga lalawigan d. dami ng ulan na bumubuhos sa iba’t ibang lugar*
3. Ang tipo ng panahon kung saan sagana ang ulan ay __________.a. Tipo 1 c. Tipo 3b. Tipo 2* d. Tipo 4
4. Sagana ang Pilipinas sa mga halaman at gulayan dahil _________.a. hindi maulan dito b. umuulan sa maraming lugar dito* c. masipag magtanim ang mga tao ritod. madaling tumutubo ang mga halaman dito
5. Pag-aalaga ng manok, kalabaw, at baka ang pangunahing tuon ng industriya ng ________.a. pagsasakab. pagtotroso c. paghahayupan*d. patatanim ng mga orchid
C. Ipaliwanag sa maikling pangungusap ang sumusunod na mga konsepto.1. meridian 6. summer solstice2. monsoon 7. iskalang graphic3. solar system 8. Tropic of Cancer4. compass rose 9. mapang pulitikal5. sona ng mundo 10. International Date Line
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
4
Antas 3: GABAY SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG MGA ARALIN
Aralin 1 Globo, Mapa, at mga Bahagi ng MundoAralin 2 Mga Linya sa Globo at GridAralin 3 Ang Compass Rose, Iskala, at mga Uri ng Mapa
MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
A. Pagtuklas1. Magpakita ng globo at mapa sa klase. Itanong ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng globo at mapa.2. Itanong sa klase ang kahalagahan ng mapa at globo sa pag-
aaral ng mundo.3. Hanapin sa globo at mapa ang mga linya na gamit sa
pag-aaral ng heograpiya ng mundo. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang alam nila tungkol sa mga espesyal na linya sa globo.
4. Magpakita sa klase ng larawan ng compass rose. Itanong din kung kailan ginagamit ang compass rose.
5. Ipasagot bilang pretest ang Sagutin Natin sa pp. 11-13, 22-23, at 34-36 ng batayang aklat.
6. Magsagawa ng talakayan sa klase batay sa sumusunod na mga mahalagang tanong sa Antas 1: a. Paano naisasagawa ang mahusay na pag-aaral ng mga
bahagi ng mundo?b. Paano madaling natatalunton ang pangunahin at
pangalawang direksyon sa mundo at natutukoy ang sukat at layo ng iba’t ibang lugar sa mundo?
B. PaglinangGlobo, Mapa, at mga Bahagi ng Mundo/Mga Linya sa Globo at Grid1. Magpakita muli sa klase ng globo at mapa. Itanong sa
klase:a. Ano ang hugis ng globo at mapa?
b. Ano ang makikita sa globo at mapa?c. Bakit mahalaga ang globo at mapa sa pag-aaral ng
mundo?d. Ano ang nabubuo kapag magkasamang ginuhit ang mga
likhang-isip na linya sa mapa?2. Ipabasa ang Aralin 1 at 2 sa pp. 4-21 ng batayang aklat.3. Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Bigyan ang bawat
pangkat ng paksang tatalakayin. Magpagawa ng karagdagang pananaliksik. Gabayan ang bawat pangkat sa pag-uulat sa klase. Maaaring gumamit ng iba’t ibang pamamaraan tulad ng paggawa ng poster at ilustrasyon, dayorama, replika ng globo, at iba pa. Pagamitin ang bawat pangkat ng graphic organizer kung kinakailangan. Hayaan ang klase na magtanong sa ulat ng bawat pangkat. Maaaring gamitin ang sumusunod na mga gabay na tanong sa pagsasagawa ng pag-uulat.a. Pangkat A: Ang Mundo, Araw, at Sistemang Solar
• Kailan pa nagmula ang mundo?• Maliban sa planetang mundo, ano pa ang ibang mga
planeta sa sistemang solar?• Bakit napakahalaga ng Araw sa sistemang solar, lalo
na sa mundo?b. Pangkat B: Ang Globo at ang Mapa
• Ipaliwanag kung ano ang globo. Ilarawan ang hugis nito.
• Bakit mahalaga ang globo sa pag-aaral ng heograpiya?
• Ano ang mapa? Ano ang kahalagahan nito? Ihambing ito sa globo.
c. Pangkat C: Ang Bahaging Lupa ng Mundo• Ano ang kontinente? Ano ang pagkakaiba ng
kontinente sa lunas ng karagatan?• Paano nahahati ang mga kontinente?
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
5
• Gaano kalawak ang sakop ng mga kontinente ng mundo?
d. Pangkat D:Ang Bahaging Tubig ng Mundo at ang Bahaging Atmospera• Gaano kalawak o kalaki ang sakop ng katubigan sa
mundo?• Ihambing ang tubig-alat sa tubig-tabang.• Gaano kalaki ang mga karagatan sa mundo?• Ano ang katangian ng bawat karagatan?• Ano ang atmospera? Ano ang mga bagay na
matatagpuan dito?e. Pangkat E: Ang Parallel o Guhit Latitude at ang Meridian
o Guhit Longitude• Ano ang ibang tawag sa parallel o guhit latitude? Ano
ang kaugnayan nito sa Ekwador?• Anong mga espesyal na parallel ang makikita sa
mapa?• Ano ang kaibahan ng meridian o guhit longitude sa
guhit latitude?• Ano ang kahalagahan ng Prime Meridian at International
Date Line?f. Pangkat F: Ang Longitude at Latitude at ang Grid
• Ano ang longitude at latitude? Ano ang kahalagahan ng mga ito?
• Ano ang grid? Paano at bakit ito nabubuo?• Paano nasasabi ang lokasyon ng isang bansa?
4. Pagkatapos ng pag-uulat ng bawat pangkat, magkaroon ng talakayan. Matapos ang huling pag-uulat, ipasagot ang Sagutin Natin sa pp. 11-13 at 22 ng batayang aklat.
5. Sanayin ang mga mag-aaral sa pagtukoy ng tamang lokasyon ng isang lugar sa tulong ng grid. Bisitahin ang website na nakatala sa pahina 21 ng batayang aklat. Ipagawa ang Map Game.
Ang Compass Rose, Iskala, at mga Uri ng Mapa1. Magpakita sa klase ng mapa ng Pilipinas, mapa ng Asya, at
mapa ng mundo. Hanapin sa tatlong mapa ang compass rose. Saan nakaturo ang compass rose? Mahalaga ba ito? Bakit?
2. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng paksang tatalakayin sa klase. Maaaring gamitin ang sumusunod na mga gabay na tanong sa talakayan. Magpagawa ng karagdagang pananaliksik para sa pag-uulat.a. Pangkat A: Ang Compass Rose
• Ano ang compass rose? Ano ang kahalagahan nito sa pag-aaral ng mapa?
• Paano dapat gamitin ang compass rose? Ipakita at ipaliwanag ito sa klase.
b. Pangkat B: Ang Iskala• Ano ang iskala?• Bakit kinakailangan ang iskala?• Ano ang iba’t ibang uri ng iskala?
c. Pangkat C: Mga Uri ng Mapa• Ipaliwanag ang iba’t ibang uri ng mapa. Magpakita
ng halimbawa ng bawat isa.• Paano nakatutulong ang mapa sa pag-aaral ng iba’t
ibang paksa sa Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika?• Paano binibigyan ng interpretasyon ang isang mapa?
3. Ipabasa ang Aralin 3: Ang Compass Rose, Iskala, at mga Uri ng Mapa sa pp. 24-33 ng batayang aklat.
Gabayan ang bawat pangkat sa pag-uulat sa klase. Gumamit ng graphic organizer kung kinakailangan. Hayaan ang klase na magtanong sa nag-uulat.
4. Ipasagot ang Sagutin Natin sa pp. 34-35 ng batayang aklat.5. Gamitin ang scoring rubric sa pp. 52-53 ng Apendiks
sa pagmamarka ng ulat ng mga pangkat.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
6
C. Pagpapalalim
1. Magbigay ng lecturette tungkol sa mga linya ng globo at iskala sa mapa na hindi gaanong natalakay sa mga ulat ng pangkat.
2. Ipabasa isa-isa sa klase ang pagbubuod para sa Aralin 1-3 sa pp. 15, 23, at 39 ng batayang aklat. Bumuo ng mga paglalahat para sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa una at ikalawang mahalagang tanong sa Antas 1.
D. Paglalapat
1. Ipagawa ang Gawin Natin sa pp. 14-15, 23, at 37 ng batayang aklat.
2. Ipahanap sa klase ang tiyak na lokasyon ng sumusunod na mga bansa. Isulat ang sagot sa talahanayan.
Bansa Kontinente
a. China
b. United States
c. Germany
d. Brazil
e. Spain
E. Pagpapahalaga
Ipasagot ang Pahalagahan Natin sa pp. 13-14, 23 at 37 ng batayang aklat.
✏ Mga Kagamitan
Batayang aklat; iba’t ibang uri ng mga mapa ng Pilipinas (pulitikal, pangkabuhayan, pampopulasyon at iba pa); globo, Makabayan CD-ROM 4
Aralin 4 Kaugnayan ng Klima sa Lokasyon at mga Salik Pangheograpiya
Aralin 5 Kaugnayan ng Klima at Panahon sa Pamumuhay ng mga Tao sa Pilipinas
MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
A. Pagtuklas 1. Talakayin ang weather chart. Pag-usapan ang iba’t ibang uri ng
panahon. Talakayin kung bakit nagbabago ang panahon. 2. Magpakita ng larawan ng mga lugar na nagkakaroon ng snow
sa daigdig. 3. Ipahanap ang Pilipinas sa globo. Ipahanap din ang mga lugar
sa mundo na nagkakaroon ng snow. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang pagkakaiba ng dalawang lugar ayon sa kanilang lokasyon sa mundo. Sabihin na ang lokasyon ng isang bansa ay nakaaapekto sa klima ng bansa.
4. Ipaliwanag na ang pag-ikot ng mundo ay isa ring dahilan ng pagbabago ng klima.
5. Magpakita ng iba’t ibang larawan ng mga halaman at hayop tulad ng mga orchid, cactus, pilandok (mouse deer), tamaraw, at iba pa. Itanong kung saang bansa makikita ang mga ito. Itanong kung anong panahon mayroon ang mga lugar na katatagpuan ng mga ito.
6. Pag-aralang mabuti ang lokasyon ng Pilipinas sa mapa. Ilarawan ang lokasyon nito at itanong:a. Ano ang mga karagatang nasa paligid ng Pilipinas?b. Ano ang epekto ng karagatan sa klima ng Pilipinas?
7. Ipapanood ang video tungkol sa topograpiya at klima ng Pilipinas sa Makabayan CD-ROM 4. May link din ito sa i-learn.vibalpublishing.com. Talakayin sa klase ang napanood na video.
8. Sa sinundang aralin, napag-aralan ang iba’t ibang uri ng mapa. Pag-aralan muli ang mapang pangklima.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
7
9. Ipakita ang mapang pangklima ng Pilipinas. Ipasagot ang sumusunod:a. Sa inyong palagay, aling lalawigan ang sagana sa ulan?b. Alin ang may mahabang tag-araw?
10. Ipabasa sa klase ang ikatlong mahalagang tanong sa Antas 1: Bakit mahalagang pag-aralan ang lokasyon, klima, at panahon ng Pilipinas? Ituon ang talakayan sa pagsagot sa tanong.
B. PaglinangKaugnayan ng Klima sa Lokasyon at mga Salik Pangheograpiya1. Gamit ang globo, ipakita kung paano umiikot ang mundo
sa Araw at sa aksis nito. Sundan ito ng sumusunod na mga tanong:a. Alin ang mabilis, ang pag-ikot ng mundo sa aksis nito
o ang pag-ikot nito sa Araw? b. Gaano katagal ang pag-ikot ng mundo sa aksis nito?
ang pagligid sa Araw?2. Bigyang-diin ang kahulugan ng sumusunod na mga salita.
Ipagamit ang bawat isa sa pangungusap.a. spring o vernal equinox d. summer solsticeb. fall o autumn equinox e. amihanc. habagat
3. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng paksa na kanilang tatalakayin. Magpagawa ng pananaliksik o karagdagang pagbabasa ukol sa itinakdang paksa.a. Pangkat A: Ang Klima at Panahon
• Paghambingin ang mga sona ng mundo.• Ipaliwanag ang iba’t ibang sona ng mundo.• Paghambingin ang mga klimang nararanasan sa mga
sona ng mundo.
b. Pangkat B: Mga Galaw ng Mundo
• Ipaliwanag at paghambingin ang dalawang galaw ng mundo.
• Ipaliwanag ang implikasyon ng galaw ng mundo sa panahong nagaganap sa kapaligiran.
c. Pangkat C: Mga Mahalagang Posisyon ng Mundo
• Ipaliwanag ang ibig sabihin ng equinox. Kailan nagkakaroon nito? Ano ang kahalagahan nito?
• Ipaliwanag kung ano ang solstice. Kailan nagaganap ito? Ano ang kahalagahan ng solstice sa pamumuhay ng tao?
• Paghambingin ang solstice at equinox.
• Bakit tinatawag ang Norway na Land of the Midnight Sun?
d. Pangkat D: Lokasyon at Klima
• Bakit nag-iiba-iba ang tindi ng sikat ng Araw na natatanggap ng iba’t ibang lugar o bansa sa mundo?
• Anong mga panahon ang nararanasan ng mga bansa na nasa Low Latitude, Middle Latitude, at High Latitude?
• Talakayin ang iba pang mga bagay na nakaaapekto sa klima maliban sa lokasyon.
4. Ipabasa ang Aralin 4: Kaugnayan ng Klima sa Lokasyon at mga Salik Pangheograpiya sa pp. 40-44 ng batayang aklat.
5. Gabayan ang bawat pangkat sa pag-uulat. Pagamitin ang bawat pangkat ng mga graphic organizer kung kinakailangan. Hayaan ang klase na magtanong tungkol sa mga inulat sa klase.
6. Ipasagot ang Sagutin Natin sa pp. 47-48 ng batayang aklat.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
8
Kaugnayan ng Klima at Panahon sa Pamumuhay ng mga Tao sa Pilipinas 1. Magpakita sa klase ng iba-ibang uri ng halaman: gulay,
palay, puno, pako, at iba pa. Itanong kung saang uri ng lugar tumutubo ang mga ito.
2. Magpakita sa klase ng iba-ibang uri ng hayop: kalabaw, baka, tamaraw, kambing, tupa, at iba pa. Itanong sa klase kung saang lugar karaniwang matatagpuan ang mga ito.
3. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng paksang pag-aaralan. Himukin ang mga mag-aaral na magsagawa ng karagdagang pananaliksik. Maaaring gamitin ang sumusunod na mga gabay na tanong sa talakayan ng bawat paksa. Gabayan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang estratehiya para sa kanilang presentasyon.a. Pangkat A: Ang Lokasyon ng Kapuluan ng Pilipinas
• Ipaliwanag kung bakit itinuturing na kabilang sa Tropical Region ang Pilipinas.
• Paghambingin ang lokasyong relative o lokasyong bisinal at lokasyong insular ng Pilipinas.
b. Pangkat B: Ang Klima ng Pilipinas• Paano napananatili ang kabuhayan sa mga lugar na
may maulang panahon sa buong taon?• Kung kayo ang papipiliin, alin sa apat na tipo ng
panahon ang pinakaangkop sa Pilipinas?c. Pangkat C: Kaugnayan ng Klima sa mga Halaman,
Kagubatan, at Pananim ng Pilipinas• Ipaliwanag ang mabuting naidudulot sa ating
kabuhayan ng mga halaman.• Anong uri ng klima ang akma sa ating mga halaman?
Ipaliwanag.d. Pangkat D: Iba’t Ibang Hayop sa Pilipinas
• Magbanggit ng iba pang mga hayop na karaniwang nakikita sa Pilipinas.
• Bakit sinasabing nakatutulong sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya ang paghahayupan? Ipaliwanag.
4. Ipabasa ang Aralin 5: Kaugnayan ng Klima at Panahon sa Pamumuhay ng mga Tao sa Pilipinas sa pp. 53-51 ng batayang aklat.
C. Pagpapalalim
1. Magbigay ng lecturette tungkol sa kaugnayan ng klima at panahon na inulat ng mga mag-aaral.
2. Gamitin ang Makabayan CD-ROM 4 upang payamanin ang kaalaman ng mga mag-aaral. Panoorin ang video tungkol sa topograpiya ng Pilipinas, gayundin ang slideshow tungkol sa mga halaman at hayop na matatagpuan sa Pilipinas.
3. Bumuo ng mga paglalahat para sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mahalagang tanong (Essential Question). Bigyang-diin ang kakailanganing pag-unawa (Essential Understanding).
4. Ipagawa ang Gawin Natin sa pp. 49 at 57 ng batayang aklat.
D. Paglalapat
1. Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan ng klima at panahon sa pamumuhay ng mga tao sa sumusunod na mga lugar:
a. lungsod
b. kapatagan
c. dalampasigan
d. bulubunduking lugar
2. Ipabasa ang sanaysay sa klase.
3. Magpasulat sa mga mag-aaral ng isang liham para sa kanilang kaibigan tungkol sa lagay ng klima at panahon sa kanilang pamayanan.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
9
E. Pagpapahalaga
Ipasagot ang Pahalagahan Natin sa pp. 13-14, 23, at 37 ng batayang aklat.
✏ Mga Kagamitan
Batayang aklat; mga larawan ng iba’t ibang uri ng halaman at hayop sa Pilipinas; mapang pangklima ng Pilipinas; Makabayan CD-ROM 4
PANGYUNIT NA PAGSUSULIT
A. Isulat sa sagutang papel kung ano ang tinutukoy ng bawat bilang. Piliin sa kahon ang tamang sagot.
pito Mercury
mapa tropikal
globo compass
iskala panahon
parallel Mababang Latitude
1. Planetang pinakamalapit sa Araw (Mercury)
2. Instrumento na nagpapakita ng direksyon (compass)
3. Pansamantalang kalagayan ng atmospera na nararanasan ng isang lugar sa bawat araw (panahon)
4. Rehiyon ng mundo kung saan matatagpuan ang Pilipinas (tropikal)
5. Replika o modelo ng mundo (globo)
6. Patag na paglalarawan ng mga bahagi ng ibabaw ng lupa (mapa)
7. Bilang ng kontinente sa mundo (pito)
8. Pahalang na paikot na guhit sa globo (parallel)
9. Bahagi ng mapa na nagpapakita ng ugnayan ng sukat at distansya sa mapa at ang katumbas nitong sukat at distansya sa mundo (iskala)
10. Isa pang tawag sa Rehiyong Tropikal (Mababang Latitude)
B. Piliin ang lugar o bagay na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
a. Antarctica f. compass k. latitude
b. Araw g. iskala l. mapa
c. Asya h. Equator m. meridian
d. Australia i. globo n. mundo
e. heograpiya j. hilaga o. Pacifi c Ocean
______ 1. Ang planeta na tahanan ng sangkatauhan
______ 2. Ang nagbibigay-buhay sa mundo
______ 3. Ang grapiko o patag na paglalarawan ng mga nakikita sa ibabaw ng lupa
______ 4. Ang pinakamalaking kontinente sa mundo
______ 5. Ang panlimang pinakamalaking kontinente sa mundo
______ 6. Ang pinakamaliit na kontinente sa mundo
______ 7. Ang pinakamalaki sa lahat ng karagatan
______ 8. Ang replika o kopya ng mundo
______ 9. Ang panggitnang bilog na guhit pahalang sa mundo
______ 10. Ang likhang -isip na linya na nagsisimula sa North Pole at humahantong sa South Pole
______ 11. Ang likhang –isip na linya na gamit sa pagbibigay ng lokasyon ng isang lugar sa direksyong pahilaga o patimog ng Equator
(n)
(b)
(l)
(c)
(a)
(d)
(o)
(i)
(h)
(m)
(k)
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
10
______ 12. Ang kagamitan na may magnetikong karayom na nagpapakita ng direksyon
______ 13. Ang direksyon kung saan laging nakaturo ang compass
______ 14. Terminolohiyang ang kahulugan ay “pagsulat o paglalarawan ng mundo”
______ 15. Bahagi ng mapa kung saan inilalarawan nito ang ugnayan ng sukat at distansya sa mapa at ang katumbas nitong sukat at distansya sa mundo
C. Isulat ang T sa patlang kung tama ang pangungusap. Kung mali, salungguhitan ang salitang nagpamali rito at isulat ang tamang sagot.
___________ 1. Umiikot ang mundo sa sariling aksis nito.
___________ 2. Ang pag-ikot ng mundo sa Araw ay tinatawag na rotation.
___________ 3. Ang pag-ikot ng mundo sa sarili nitong aksis ay katumbas ng 24 oras.
___________ 4. May panahong maulan at mainit sa Pilipinas.
___________ 5. Walang permanenteng naninirahan sa Africa dahil natatabunan ito ng makakapal na yelo.
D. Isulat ang K kung katotohanan ang sumusunod na mga pangungusap. Kung hindi katotohanan, isulat lamang ang K o HK sa patlang.
_______ 1. Umiikot ang mundo sa Araw.
_______ 2. Naiiba ang klima sa isang lugar kung ito ay mataas.
_______ 3. Ang pinanggagalingan ng hangin ay isang dahilan ng pagbabago ng klima.
_______ 4. Kapag umiikot ang mundo, lahat ng bahagi nito ay nasisikatan ng Araw.
_______ 5. May apat na uri ng klima sa mundo.
E. Isulat kung sa anong uri ng mapa makikita ang inilalarawan sa bawat bilang.
_____________________ 1. Bilang ng tao sa isang lugar
_____________________ 2. Uri ng industriya o negosyo na ginagawa ng mga tao sa isang lugar
_____________________ 3. Mga pangalan at kabisera ng mga lalawigan ng Pilipinas
_____________________ 4. Klimang umiiral sa isang bansa o lugar
_____________________ 5. Mga wikang ginagamit ng mga tao
_____________________ 6. Ruta ng tren sa Metro Manila
_____________________ 7. Yamang mineral ng mga rehiyon sa Pilipinas
_____________________ 8. Bilang ng mga babae at lalaki sa buong Pilipinas
_____________________ 9. Pangalan ng malalaking kalsada sa Metro Cebu
_____________________ 10. Rehiyunal na pagkakahati ng Pilipinas
F. Itala ang hinihingi sa bawat bilang. 1. Tatlong grupo ng pulo sa Oceania
a. (Melanesia)b. (Micronesia)c. (Polynesia)
(T)
(revolution)
(T)
(T)
(Antarctica)
(f)
(j)
(e)
(g)
(K)
(HK)
(HK)
(mapang pampopulasyon)
(mapang pangkabuhayan)
(mapang pulitikal)
(mapang pangklima)
(mapang pangwika)
(mapang pangkalsada)
(mapang pangkabuhayan)
(mapang pampopulasyon)
(mapang pangkalsada)
(mapang pulitikal)
(HK)
(K)
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
11
2. Tatlong pinakamalalim na bahagi ng karagatana. (Challenger Deep sa Marianas Trench)b. (Puerto Rico Trench)c. (Philippine Deep sa Philippine Trench)
3. Mga planetang terrestrial a. (Earth) b. (Mars) c. (Mercury) d. (Venus)
4. Tatlong bahagi ng mundoa. (bahaging lupa)b. (bahaging tubig)c. (bahaging atmospera)
5. Dalawang uri ng equinoxa. (spring o vernal equinox)b. (fall o autumnal equinox)
H. Hanapin sa hanay B ang konseptong inilalarawan sa hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
A____ 1. Pana-panahong hangin____ 2. Punto sa orbit ng mundo
na pinaka malayo saAraw____ 3. Nagaganap ang pinaka-
mahabang gabi at pinaka-maik ling araw tuwing Disyembre 21 o 22
____ 4. Lokasyong naka batay sa lugar na kinalalagyan ng kabisera ng bansa
____ 5. Tawag sa mga planetang solido at mabato
Ba. aphelionb. monsoonc. tiyak na lokasyond. winter solsticee. terrestrial
G. Hanapin sa hanay B ang lugar na inilalarawan sa hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
A____ 1. Pinakamahabang bulubun-
dukin sa buong mundo____ 2. May pinakamalawak na
basin ng ilog sa mundo____ 3. Pinakamataas na lawa sa
mundo____ 4. Pinakamahabang ilog sa
mundo____ 5. Pinakamalaking pulo sa
mundo____ 6. Tinatawag na Land of the
Midnight Sun____ 7. Hangganan ng Asya sa
hilaga____ 8. Kontinente kung saan
matatagpuan ang Atacama Desert
____ 9. Pinakamalaking kontinente sa mundo
____ 10. Rehiyon sa Pacifi c na may mahigit na 1,000 maliliit na pulo
Ba. Nile Riverb. Lake Titicacac. Amazon Riverd. Greenlande. Ural Mountainf. Andes Mountaing. Norwayh. South Americai. Asyaj. Oceania
I. Sumulat ng maikling talata tungkol sa epekto ng klima sa halaman at pananim sa Pilipinas.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
(f)
(c)
(b)
(a)
(d)
(g)
(e)
(h)
(i)
(j)(b)(a)
(d)
(c)
(e)
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
12
PAMBANSANG PAGKAKAISAKabuuang bilang ng araw: 59 II
Yunit
ANTAS 1: INAASAHANG BUNGA/RESULTA NG PAGKATUTO
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
1. Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng paglikha ng mga rehiyon sa Pilipinas
2. Nasusuri ng mga mag-aaral ang mga katangian ng bawat rehiyon at ang mga salik na dapat linangin upang maging matiwasay, maunlad, at sagana ang isang rehiyon
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayan sa paggawa ng:
a. pag-uulat ng mga datos na nasaliksik tungkol sa paksang naitakda sa pangkat
b. payak na mapa ng mga rehiyon gamit ang mga pananda o legend sa mapa
Kakailanganing Pag-unawa Mahalagang Tanong
Nilikha ang mga rehiyon sa Pilipinas dahil sa pisikal na heograpiya nito at upang epektibong matugunan ang mga pangangailangan ng bawat rehiyon.
Bakit nilikha ang mga rehiyon sa Pilipinas?
ANTAS 2: PAGTATAYA
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng sumusunod na mga kasanayan:
A. Pagpapaliwanag1. Naipapaliwanag kung ano ang rehiyon2. Natutukoy ang 17 rehiyon sa Pilipinas at naipapaliwanag
ang lokasyon nito sa kapuluan
3. Nailalarawan ang katangiang pangheograpiya ng bawat rehiyon sa Luzon, Visayas, Mindanao at ang paraan ng pag-aasahan ng bawat rehiyon
4. Nailalahad ang mga pangunahing likas na yaman at yamang tao (populasyon) sa bawat rehiyon
B. Pagpapakahulugan 1. Nasusuri ang sumusunod:
a. kung paano pinaparangalan at ipinagmamalaki ang mga produkto ng bawat rehiyon o lalawigan sa mga pagdaraos ng mga pagdiriwang o pista; at
b. ang kahalagahan ng mga pagdiriwang na idinaraos ng mga lalawigan sa rehiyon kaugnay ang mga pangunahing produkto nito
2. Naiuugnay ang mga pangunahing industriya, produkto, populasyon, at hanapbuhay sa katangiang pangheograpiya sa rehiyon
C. Paglalapat 1. Naituturo sa mapa ng Pilipinas ang iba’t ibang rehiyon at
mga lalawigang bumubuo rito2. Nakagagawa ng payak na mapa ng rehiyon gamit ang mga
pananda o legend 3. Nakalilikha ng mapa at mga proyekto (poster, organizer, comic
strip, dayorama, at iba pa) gamit ang iba’t ibang midyum tulad ng coloring pen, water color, molding clay, paper mosaic, at iba pa
4. Nakasusulat ng mga tula, sanaysay, paglalahat, at buod tungkol sa mga paksang napag-aralan
D. Perspektibo 1. Nasasabing ang maayos na paglinang ng mga likas na
yaman sa isang rehiyon ay makatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan nito
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
13
2. Napapatunayang ang mga pagdiriwang ng pagkilala sa mga pangunahing produkto ng bawat rehiyon ay nakatutulong sa paglinang ng bayanihan/pagtutulungan ng mga mamamayan sa isang rehiyon at pagtuklas din ng mga talino at pagkamalikhain ng mga tao sa rehiyon
3. Napaghahambing ang mga rehiyon sa Luzon, Visayas, at Mindanao
E. Pagsasaalang-alang ng Damdamin ng Iba
1. Nabibigyan ng kaukulang pagkilala ang mga taong namumuno, gayundin ang bawat kasapi na nagsisikap mapaunlad ang kani-kanilang rehiyon
2. Napupuri ang pagtutulungan ng mga tao sa isang rehiyon upang makilala ng buong bansa ang kani-kanilang mga pangunahing produkto sa pamamagitan ng taunang pag diriwang
F. Pagkilala sa Sarili
1. Napagtatanto na malaki ang bahaging ginagampanan ng mga namumuno at ng bawat kasapi ng rehiyon sa ikatatagumpay ng anumang proyekto o pagdiriwang sa rehiyon
2. Natataya ang maaaring gawin upang makatulong sa pagpapaunlad ng sariling pamilya, lugar na tinitirahan, at rehiyong kinabibilangan
3. Nauunawaan na may iba’t ibang salik na dapat isaalang-alang upang mapaunlad ang isang lugar o rehiyon
4. Napagtatanto na sagana pa rin sa likas na yaman ang Pilipinas kahit marami na ang napabayaan o nasira sa paglipas ng panahon
5. Nauunawaang dapat bago mahuli ang lahat, kailangang magtulungan ang bawat tao, sektor, o lahi para mabigyang- proteksyon ang mga likas na yaman hindi lamang ng ating bansa, kundi pati na ang ating mundo
Pagpapatibay sa Antas ng Pagganap
✏ Awtentikong Pagtataya
1. Ipagawa ang Gawin Natin sa pp. 65, 75, 85, 95, 105, 115, 125, at 133 ng batayang aklat. Gamitin ang mga angkop na scoring rubric para sa mga gawain. Matatagpuan ang mga scoring rubric sa Apendiks ng gabay na ito.
2. Patunayan na maganda ang kapuluan ng Pilipinas. Isaalang-alang ang sumusunod sa pagsulat ng sanaysay:
a. lokasyon
b. uri ng klima
c. anyong tubig at anyong lupa
d. mga mamamayan sa iba’t ibang rehiyon
✏ Tradisyunal na Pagtataya
A. Piliin ang titik na hindi kabilang sa bawat bilang. Isulat sa sariling papel ang sagot.
1. Mga lalawigang bumubuo sa Rehiyon V
a. Camarines Norte c. Leyte*
b. Camarines Sur d. Masbate
2. Mga kabisera ng mga lalawigang bumubuo sa SOCCSKSARGEN
a. Isulan c. Kidapawan
b. Marawi* d. General Santos
3. Mga rehiyon sa Luzon
a. MIMAROPA c. Caraga*
b. CALABARZON d. CAR
4. Mga lungsod sa NCR
a. Pateros* c. Pasay
b. Makati d. Maynila
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
14
5. Bahagi ng Rehiyon ng Ilocos
a. Ilocos Norte c. Tarlac*
b. Ilocos Sur d. Pangasinan
6. Mga pangunahing pangisdaan sa Caraga
a. Mainit Lake c. Agusan River
b. Mindanao Sea d. Sarangani Bay*
7. Mga pulo sa Visayas
a. Negros c. Bohol
b. Masbate* d. Cebu
8. Mga bulkan a t bundok na matatagpuan sa CALABARZON
a. Mt. Banahaw c. Mt. Makiling
b. Mt. Apo* d. Mt. Binangonan
9. Mga lugar na pinupuntahan ng mga turista sa Kabikulan
a. Hoyop-hoyopan Cave c. Tabon Cave*
b. Simbahan ng Cagsawa d. Mayon Volcano
10. Mga rehiyon ng Mindanao
a. SOCCSKSARGEN c. Caraga
b. Zamboanga Peninsula d. CALABARZON*
B. Isulat sa sariling papel ang L kung sa Luzon ginaganap ang sumusunod na mga pista; V kung sa Visayas; at M kung sa Mindanao.
1. Tinapahan Festival (L) 6. Tuna Festival (M)
2. Lanzones Festival (M) 7. Ubi Festival (V)
3. Bangus Festival (L) 8. Binirayan Festival (V)
4. Pineapple Festival (L) 9. Bawang Festival (L)
5. Panagbenga Festival (L) 10. Asinan Festival (V)
C. Isulat ang Tama sa patlang kung tama ang sumusunod na pangungusap. Kung mali, salungguhitan ang salita na nagpapamali rito at isulat ang tamang sagot sa patlang.
___________ 1. Naisakatuparan ang paglikha ng mga rehiyon upang mas mapadali ang paghahatid ng serbisyong pampubliko ng mga ahensya ng pamahalaan.
___________ 2. Sakop ng Rehiyong Ilocos ang lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Nueva Vizcaya at Pangasinan.
___________ 3. Matatagpuan sa Baguio City ang Philippine Military Academy, ang pangunahing paaralang militar sa Pilipinas.
___________ 4. Kabilang sa MIMAROPA ang Romblon na may tatlong pangunahing pulo — Tablas, Romblon, at Sibuyan.
___________ 5. Malawakang namimina naman sa Romblon ang ginto.
___________ 6. Bukod sa bulkan ng Bulusan, makikita rin sa rehiyon ng Bohol ang bulkan ng Isarog at Iriga, at ang tanyag na Mayon Volcano.
___________ 7. Isa sa mga bulkan sa Camiguin ay ang Mt. Hibok-Hibok.
___________ 8. Sa rehiyon ng Davao makikita ang Mt. Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.
___________ 9. Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, at Basilan ang mga lalawigang sumasaklaw sa ARMM.
___________ 10. Ang Moro Gulf, Illana Bay, at Sarangani Bay ay mga naglalakihang pangisdaan sa SOCCSKSARGEN.
(Tama)
(La Union)
(Tama)
(Tama)
(marmol)
(Bicol)
(Tama)
(Tama)
(Tama)
(Tama)
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
15
D. Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sariling papel.
(d)
(b)
(c)
(a)
(e)
ANTAS 3: GABAY SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG MGA ARALIN
Aralin 6 Ang Paglikha sa mga Rehiyon ng Pilipinas
MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
A. Pagtuklas
1. Itanong sa mga mag-aaral kung narinig na nila ang salitang “rehiyon.” Itanong din kung ano ang mga naiisip nila tungkol sa salitang ito.
2. Ipakita sa klase ang isang malaking mapang pulitikal ng Pilipinas. Itanong ang sumusunod:
a. Saang rehiyon kayo naninirahan?
b. Anong mga lalawigan ang bumubuo ng inyong rehiyon?
c. Ano ang mga karatig ninyong rehiyon?
3. Ipaturo sa mapa ang mga lalawigan na sakop ng rehiyon ng mga mag-aaral.
4. Pagtambalin ang mga salita sa hanay B at ang kahulugan ng bawat isa sa hanay A. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sariling papel. Gamitin ang mga salita sa hanay B sa pangungusap.
A
____ 1. R e h i y o n n a m a t a -tagpuan sa sentrong h e o g r a p i k a l n g Pilipinas
____ 2. Tawag sa rehiyon na binubuo ng Romblon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, at Palawan
____ 3. Rehiyon na kinikilala bilang Rice Granary of the Philippines
____ 4. Rehiyon kung saan makikita ang Banaue Rice Terraces
____ 5. Ika-79 na lalawigang nalikha sa Pilipinas
B
a. CAR
b. MIMAROPA
c. Gitnang Luzon
d. Gitnang Visayas
e. Compostela Valley
E. Ipaliwanag ang bawat isa sa sumusunod na mga paksa.
1. Bukod sa NCR, alin sa mga rehiyon ang sa iyong palagay ay mas napabibilis ang pag-unlad? Isaalang-alang ang mga hanapbuhay, industriya, produkto, at ang paraan ng pamumuhay ng mga tao sa rehiyon.
2. Magmungkahi ng mga hakbang na maaaring gawin ng pamahalaan upang lalong umunlad pa ang pamumuhay ng tao sa mga rehiyon.
A____ 1. Ang administratibong
lugar sa isang bansa____ 2. B a h a g i n g b a n s a n a
inihiwalay sa lungsod____ 3. Anyong lupa na malawak
at patag____ 4. Sasakyang pandagat____ 5. Ang mababang lupain
sa pagitan ng mga burol o bundok
Ba. lambak
b. kapatagan
c. rehiyon
d. lalawigan
e. daungan
(d)
(c)
(b)
(e)(a)
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
16
3. Itanong kung ano sa palagay nila ang mga suliraning kinahaharap ng bansa bunga ng pagiging kapuluan nito. Talakayin ang mga ito. Ipakita ito sa isang tree diagram.
5. Itanong sa mga mag-aaral ang lalawigan na kanilang tinitirahan. Sabihin kung ang kanilang lalawigan ay matatagpuan sa Luzon, Visayas, o Mindanao.
6. Itanong sa mga mag-aaral ang lalawigan kung saan nanggaling ang kanilang magulang. Hanapin ang lalawigan sa mapa ng Pilipinas.
7. Ibigay ang mahalagang tanong sa Antas 1: Bakit nilikha ang mga rehiyon sa Pilipinas? Ibigay na takdang-aralin sa mga mag-aaral ang pagbabasa ng Aralin 6.
8. Ipasagot ang Sagutin Natin sa pahina 64 ng batayang aklat.
B. Paglinang
1. Ipakita sa klase ang mapa ng Pilipinas. Itanong ang sumusunod:a. Ano ang malalaking pulo ng Pilipinas?b. Ano ang maliliit na pulo ng Pilipinas?c. Ilan ang pulo sa Pilipinas?d. Ano ang masasabi ninyo sa hugis ng Pilipinas?
2. Banggitin ang kasalukuyang populasyon ng Pilipinas. Ipakita ang ugnayan ng mga datos tungkol sa populasyon sa pamamagitan ng isang cluster map.
94 milyon ang popu-
lasyon
7,107 pulo
Pilipinas
hiwa-hiwalay na mga pulo
kapuluan
Suliranin ng Pagiging Kapuluan
4. Sabihing higit na makatutugon ang pamahalaan sa kailangan ng mga mamamayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung papangkatin ang magkakatulad na lalawigan at gagawing isang rehiyon.
5. Gumamit ng isa pang learning organizer at ipakita ang mga lungsod at nag-iisang bayan na bahagi ng National Capital Region (NCR).
6. Talakayin ang benepisyo o katangian ng NCR. Kabilang dito ang pagiging luklukan ng kapangyarihan (seat of government) kung kaya matatagpuan dito ang mga pangunahing ahensya na nagkaloob ng paglilingkod sa mga mamamayan; ang pagiging sentro ng kalakalan at pamilihan; pagkakaroon ng mga pangunahing paaralan at pagamutan, at iba pa.
7. Sabihin na maunlad ang NCR subalit may mga lugar na malalayo sa NCR na mabagal ang pag-unlad.
8. Sabihin na ang solusyon upang ang lahat ng lugar ay makaagapay sa pag-unlad ay ang pagbuo ng mga rehiyon.
C. Pagpapalalim
1. Ipaliwanag ang konsepto ng “rehiyon” at ang pagsasagawa ng rehiyonalisasyon.
Mabagal na pagdating ng serbisyong
pampamahalaan sa malalayong lugar
Mahirap pamahalaan
ng pamahalaang sentral ang
malalayong lugar
Matagal makarating sa pamahalaang sentral ang mga hinaing at pangangailangan ng
malalayong lugar
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
17
2. Hatiin ang klase sa pitong pangkat. Hayaang pag-usapan ng bawat pangkat kung ano ang batayan ng pagpili ng mga lalawigan na pagbubuklurin at gagawing isang rehiyon. Bigyan ng 15 minuto ang mga pangkat upang magsagawa ng brainstorming.
3. Matapos ang pagpapangkat, pumili ng isang kasapi ng pangkat na ibabahagi sa klase ang napag-usapan ng pangkat.
4. Lagumin ang mga datos na ibinahagi ng bawat pangkat. Bigyang-diin na ang batayan ng pagbuo ng rehiyon ay batay sa pagiging magkakalapit ng lalawigan, pagkakahalintulad ng wika at kultura, at iba pa.
5. Magbigay ng lecturette tungkol sa batas o patakaran na nagbigay-daan sa rehiyonalisasyon ng Pilipinas.
6. Ipapanood ang slideshow tungkol sa mga rehiyon ng Pilipinas sa Makabayan CD-ROM 4. Maaari ding makita ang link ng video na ito sa i-learn.vibalpublishing.com.
7. Magpalaro ng “Pinoy Henyo” tungkol sa mga rehiyon sa Pilipinas.
D. Paglalapat1. Ipasagot ang Sagutin Natin sa pahina 64 at Gawin Natin sa
pahina 65 ng batayang aklat.2. Gabayan ang mag-aaral sa pagbubuod. Ipakita sa kanila ang
sumusunod:a. Ang Pilipinas ay isang kapuluan.b. Nahahati ang Pilipinas sa 17 rehiyon.c. Katangiang pisikal at kultural ng mga lalawigan ang
naging batayan ng pagbubuo ng rehiyon.d. Sa pagkakapangkat ng mga lalawigan ng Pilipinas sa mga
rehiyon, naging madali ang pamamahala at paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan kahit sa malalayong rehiyon.
E. PagpapahalagaIpasagot ang Pahalagahan Natin sa pahina 64 ng batayang
aklat. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.
✏ Mga KagamitanBatayang aklat; mapang pulitikal ng Pilipinas; mga larawan
ng Kamaynilaan at ibang rehiyon; Makabayan CD-ROM 4
Aralin 7 Mga Rehiyon sa Hilaga at Gitnang Luzon
Aralin 8 Ang Cordillera Administrative Region at National Capital Region
Aralin 9 CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol
MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
A. Pagtuklas
1. Magbalik-aral kung ano ang rehiyon at ang batayan ng pagkabuo ng mga rehiyon.
2. Magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang bagay na matatagpuan sa Luzon tulad ng lutong pinakbet, ginataang laing, pili, pinya, at iba pa. Itanong kung saang lugar sa Luzon matatagpuan ang mga ito.
3. Itanong sa klase kung sino sa kanila ang nakapamasyal na sa iba’t ibang lugar sa Luzon. Itanong kung saang rehiyon ito matatagpuan. Itanong din kung anong mga bagay ang hindi nila makalilimutan sa pagpunta nila sa mga lugar na ito.
4. Sabihin sa klase na lalakbayin nila nang masinsinan ang buong Luzon sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa mga rehiyong ito. May mga pangkat na mamumuno sa pagtalakay ng bawat rehiyon sa Luzon.
5. Ipasagot ang Sagutin Natin sa pp. 73, 81-84, at 93-94 ng batayang aklat
6. Ipaalala sa mga mag-aaral na ang aktibo nilang partisipasyon sa klase at pag-aaral nang mabuti sa lahat ng paksang tatalakayin ang magbibigay sa kanila ng maraming kaalaman tungkol sa Luzon at sa ating bansa, dagdag pa ang kasiya-siyang marka na katumbas ng kanilang seryosong pag-aaral sa mga aralin.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
18
7. Sabihin sa mga mag-aaral ang rubric o pamantayan na gagamitin na batayan para sa pagmamarka ng mga pangkatang gawain.
B. Paglinang 1. Hatiin ang klase sa walong pangkat. Magpalabunutan
ang bawat pangkat ng rehiyong kanilang gagawan ng presentasyon sa klase pagkatapos na masaliksik nila ang sapat na impormasyon tungkol dito. Pumili ng lider at kalihim ng grupo. Gabayan ang klase sa kanilang paghahanda ng ulat.
2. Atasan ang klase na basahin ang mga impormasyon tungkol sa walong rehiyon sa Luzon. Pabigyang-pokus ang rehiyong iuulat. Matatagpuan ang babasahin sa sumusunod na mga pahina:a. Aralin 7: Mga Rehiyon sa Hilaga at Gitnang Luzon, pp.
66-75 ng batayang aklatb. Aralin 8: Ang Cordillera Administrative Region at
National Capital Region, pp. 76-85 ng batayang aklatc. Aralin 9: CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol, pp. 86-
95 ng batayang aklat3. Magpagawa ng pananaliksik ukol sa rehiyong paksa ng
bawat pangkat.4. Gabayan sa paghahanda ang mga pangkat ng kani-kanilang
ulat na itatanghal sa klase. Ang sumusunod na mga tanong ang gawing gabay sa pagsasaliksik ng mga impormasyong ibabahagi sa klase.a. Saang bahagi ng Luzon matatagpuan ang rehiyong
iuulat?b. Ano ang mga hangganan nito?c. Ano ang kabuuang sukat ng rehiyon?d. Anong mga lalawigan at lungsod ang sakop ng rehiyon?
Ano naman ang sentrong lungsod o bayan ng rehiyon?e. Paano mo ilalarawan ang topograpiya/kapaligirang
pisikal ng rehiyon?
f. Anong mga anyong lupa at anyong tubig ang matatagpuan sa rehiyon? Ano ang mga gamit nito sa pamumuhay ng mga tao sa rehiyon?
g. Ano ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa rehiyon?
h. Anong mga produkto mayroon ang rehiyon? May mga pagdiriwang bang idinaraos sa rehiyon upang ipakilala ang mga produkto nito?
i. Anong mga panturista o katangi-tanging lugar ang mayroon sa rehiyon?
5. Pagamitin ang mga mag-aaral ng iba’t ibang teknik at estratehiya sa pag-uulat/presentasyon/paglalahad ng kani-kanilang mga ulat tulad ng sumusunod:a. dioramab. balitaanc. lecturetted. paligsahane. paggamit ng mga aktwal
na bagay at mga replika
f. panel discussiong. paggamit ng videoh. interbyu/panayami. paggamit ng powerpoint
presentation
Ipaliwanag ang mga naturang estratehiya at mga teknik sa klase kung hindi pa alam ng mga mag-aaral ang mga ito.
6. Sa pag-uulat, kinakailangang iayon ito sa mga rehiyong natalakay ayon sa pagkakasunud-sunod nito sa Aralin 7, 8, at 9. Sa bawat pagtatapos ng bawat aralin ay may mga gawain na ipagagawa sa bahaging “Paglalapat.”
7. Iproseso ang mga ulat ng bawat pangkat.8. Hikayating magtanong ang mga mag-aaral sa mga nag-ulat
sa klase.
C. Pagpapalalim1. Ipapanood muli ang slideshow ukol sa mga “Mga Rehiyon
sa Pilipinas” sa Makabayan CD-ROM 4. May mga CD ring ipinamimigay ang Kagawaran ng Turismo na maaaring gamitin sa klase.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
19
2. Kung posible at sa tulong ng pamunuan ng paaralan/PTA, maaari ding mag-organisa ng isang lakbay-aral sa alinman sa mga lugar sa Luzon upang aktwal na makita ng mga mag-aaral ang ilang industriya, mga hanapbuhay, at mga produkto ng isang lugar.
3. Magkaroon ng paligsahan o laro tungkol sa kaalamang natutuhan sa aralin. Halimbawa ay ang pagdaraos ng “Luzon Henyo.”
D. Paglalapat1. Ipagawa ang Gawin Natin sa sumusunod na mga pahina
ng batayang aklat:a. Aralin 7, pahina 75
Note: Ipagawa ito pagkatapos ng pag-uulat ng Rehiyon 1, 2, at 3.
b. Aralin 8, pahina 85Note: Ipagawa ito pagkatapos ng pag-uulat tungkol
sa CAR at NCR.c. Aralin 9, pahina 95
Note: Ipagawa ito pagkatapos ng pag-uulat tungkol sa CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol.
2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng mga paglalahat at pagbubuod ng Aralin 7-9. Gawing gabay ang mga nakasulat sa Pagbubuod sa pp. 75, 85, at 95 ng batayang aklat.
E. PagpapahalagaIpasagot ang Pahalagahan Natin sa pp. 74, 84-85, at 94 ng
batayang aklat.
✏ Mga KagamitanBatayang aklat; mapa ng Pilipinas at ng bawat rehiyon sa
Luzon; mga larawan ng kapaligirang pisikal ng walong rehiyon sa Luzon, mga likas na yaman, pangunahing mga industriya at produkto ng mga rehiyon sa Luzon; Makabayan CD-ROM 4
Aralin 10 Mga Rehiyon sa Visayas
MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
A. Pagtuklas1. Ipasagot ang sumusunod na mga tanong bilang balik-aral:
a. Ano ang mga rehiyon sa Luzon?b. Ano ang mga sikat na produkto rito?c. Ano ang mga katangi-tanging bagay mayroon ang mga
rehiyon sa bandang hilaga ng Luzon na wala sa bandang timog nito?
d. Paghambingin ang NCR at CAR. Ano ang kanilang mga pagkakaiba at pagkakatulad?
2. Magpakita sa klase ng mga larawan ng mga lalawigan, industriya, at mga produkto sa Visayas. Hayaan ang mga mag-aaral na magtanong tungkol sa mga larawan.
3. Loop a Word. Isulat sa patlang ang salita na tinutukoy sa bawat aytem. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon. Bilugan ang salita.
X
O
C
L
N
L
B
O
E
O
M
U
M
L
T
B
N
X
E
U
U
D
L
B
R
L
O
A
A
I
K
K
M
S
S
A
O
B
Y
T
N
X
A
O
A
N
Y
K
N
X
P
N
Z
Y
Y
(lambak) a. Ang mababang lupain sa pagitan ng dalawang mataas na elebasyon
(turista) b. Ang indibidwal na namamasyal sa ibang lugar para sa kanyang kasiyahan
(elebasyon) c. Ang sukat ng mataas na lugar (bulkan) d. Ang bunganga o butas sa lupa na konektado
sa pinanggagalingan ng magma (bundok) e. Ang anyong lupa na umaabot sa 600 metro
ang taas
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
20
4. Itanong sa klase kung sino sa mga mag-aaral ang nakapunta na sa Kanlurang Visayas, Gitnang Visayas, o Silangang Visayas. Ipahanap ang mga lugar na ito sa mapa.
5. Itanong sa mga mag-aaral kung may kamag-anak sila na naninirahan sa Kanlurang Visayas, Gitnang Visayas, o Silangang Visayas.
6. Ipasagot ang Sagutin Natin sa pahina 103 ng batayang aklat.
B. Paglinang
1. Pangkatin ang klase sa tatlo. Bigyan ang bawat pangkat ng paksa na kanilang tatalakayin.
a. Pangkat A: Rehiyon VI: Kanlurang Visayas
b. Pangkat B: Rehiyon VII: Gitnang Visayas
c. Pangkat C: Rehiyon VIII: Silangang Visayas
2. Paghandain ang bawat pangkat ng kani-kanilang ulat tungkol sa paksa nila. Ipabasa ang Aralin 10: Mga Rehiyon sa Visayas sa pp. 96-105 ng batayang aklat. Magpagawa ng pananaliksik ukol sa paksa ng bawat pangkat.
3. Ipaskil sa pisara ang mapa ng Pilipinas. Ilahad sa klase ang mga pangunahing datos at katangian ng mga rehiyon sa Visayas.
a. lokasyon at natural na hangganan
b. kabuuang sukat ng bawat rehiyon
c. mga lalawigan at lungsod na sakop ng bawat rehiyon
d. sentrong lungsod o bayan ng rehiyon
4. Ipasagot sa bawat pangkat ang kanilang mga gabay na tanong. Gamitin ang sagot sa paghahanda sa ulat.
a. Pangkat A: Kanlurang Visayas
• Ilarawan ang katangiang pisikal ng mga lalawigang bumubuo sa Kanlurang Visayas.
• Ano ang mga pangunahing hanapbuhay at produkto sa Kanlurang Visayas?
• Saan matatagpuan ang pangunahing pangisdaaan sa Kanlurang Visayas? Ituro ang mga ito sa mapa.
b. Pangkat B: Gitnang Visayas• Ilarawan ang mga katangiang pisikal ng mga
lalawigan ng Gitnang Visayas.• Ano ang mga pangunahing hanapbuhay at produkto
sa rehiyon?• Anong magagandang lugar ang matatagpuan sa
Gitnang Visayas? Ilarawan ang mga ito.c. Pangkat C: Silangang Visayas
• Ilarawan ang mga katangiang pisikal ng rehiyon.• Ano ang mga pangunahing hanapbuhay at produkto
ng mga tao sa rehiyon? • Anong mga lugar sa rehiyon ang pinupuntahan ng
mga turista?5. Gamitin ang alinman sa sumusunod na mga estratehiya sa
pag-uulat sa klase.a. interview c. panel discussionb. socio-drama d. debate
6. Gumamit ng mga graphic organizer sa pag-uulat tulad ng sumusunod:a. concept map c. triangle webb. cluster map d. semantic web
7. Ibigay ang sumusunod na format na maaaring magamit ng bawat pangkat. Itulad ang format sa presentasyon ng ulat para sa Pangkat B at C.
Pangkat APaksa: Kanlurang VisayasPresentasyon: LecturetteTanong: Anong mga lalawigan ang bumubuo sa Kanlurang
Visayas?
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
21
8. Iproseso ang ulat ng bawat pangkat.9. Hikayatin ang mga mag-aaral na magtanong sa mga nagsi-
ulat sa klase tungkol sa mga paksang hindi nila masyadong naunawaan.
C. Pagpapalalim1. Mag-imbita ng isang resource person na galing sa Visayas.
Kapanayamin siya tungkol sa kanyang kaalaman sa mga rehiyon sa Visayas, mga hanapbuhay, produkto, at mga natatanging bagay na mayroon ang Visayas na wala sa Luzon at Mindanao. (Note: Kung ang gumagamit ng aklat na ito ay mag-aaral o paaralan na taga-Visayas, huwag ng isagawa ang bahaging ito.)
2. Maaari ding magbigay ng lecturette para sa paksang kailangan pa ng karagdagang impormasyon.
3. Ipapanood ang video tungkol sa Gitnang Visayas. Maaaring makita ang link nito sa i-learn.vibalpublishing.com.
D. Paglalapat1. Ipagawa ang Gawin Natin sa pahina 104 ng batayang aklat.2. Magpabigay ng halimbawa ng hinihingi ng bawat bilang.
a. mga produkto sa Visayas na nakararating sa iba’t ibang rehiyon ng bansa
b. mga hanapbuhay sa Visayas na tulad ng mga hanapbuhay sa ibang rehiyon
3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbubuo ng mga paglalahat. Tingnan sa Pagbubuod sa pahina 175 ng batayang aklat ang mga halimbawa nito.
E. PagpapahalagaIpasagot ang Pahalagahan Natin sa pahina 104 ng batayang
aklat. Iproseso ang mga sagot ng mag-aaral.
✏ Mga KagamitanBatayang aklat; mapa ng Pilipinas at ng tatlong rehiyon sa
Visayas; mga larawan ng mga produkto, hanapbuhay, at mga likas na yaman ng Visayas; Makabayan CD-ROM 4; mga babasahin at polyeto tungkol sa Visayas
Aralin 11 Zamboanga Peninsula, Hilagang Mindanao, at Davao
Aralin 12 SOCCSKSARGEN, Caraga, at ARMM
MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
A. Pagtuklas
1. Ipasagot ang sumusunod na mga tanong bilang balik-aral:a. Ano ang mga rehiyon sa Visayas?b. Anong mga lalawigan ang bumubuo sa Kanlurang
Visayas, Gitnang Visayas,at Silangang Visayas?c. Ano ang mga natatanging lugar sa Visayas?
2. Magpakita sa klase ng mga larawan ng Zamboanga Peninsula, Hilagang Mindanao, at Davao, pati na ang mga rehiyon ng SOCCSKSARGEN, Caraga, at ARMM. Pabilugan sa mapa ng Pilipinas ang kabuuan ng pangkat ng mga pulo ng Mindanao.
3. Ipagawa ang sumusunod na mga gawain:a. Salungguhitan ang salitang hindi nabibilang sa grupo
ng mga salita sa bawat aytem.• tangway, produkto, talampas, kapatagan
Aklan
Mga Lalawigan sa Kanlurang Visayas
Guimaras
Negros Occidental
Iloilo
Antique
Capiz
Graphic Organizer: Cluster map
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
22
• lalawigan, bayan, lungsod, silangan• hilaga, batayan, timog, kanluran• golpo, kipot, look, talampas• apoy, asbestos, abaka, chromite• pagsasaka, pagmimina, pagtotroso, pera• ginto, goma, bakal, tanso
b. Pagtambalin ang mga salita sa hanay A at ang kahulugan ng bawat isa sa hanay B. Isulat ang titik ng sagot sa patlang. A___ 1. agrikultural___ 2. produkto___ 3. basin___ 4. kapuluan___ 5. topograpiya
2. Paghandain ang bawat pangkat ng kani-kanilang ulat tungkol sa paksa nila. Ipabasa ang Aralin 11: Mga Rehiyon sa Mindanao sa pp. 106-115 at Aralin 12: Mga Rehiyon ng SOCCSKSARGEN, Caraga, ARMM sa pp. 116-125 ng batayang aklat.
3. Magpagawa ng karagdagang pagsasaliksik ukol sa naitakdang paksa sa pangkat.
4. Ipaskil sa pisara ang mapa ng Pilipinas. Bilugan ang kabuuan ng mga pangkat ng pulo na bumubuo sa Mindanao. Ilahad sa klase ang mga pangunahing datos at katangian ng Rehiyon IX, X, at XI, XII, XIII, at ARMM.
a. lokasyon at natural na hangganan
b. kabuuang sukat ng bawat rehiyon
c. mga lalawigan at lungsod na sakop ng bawat rehiyon
d. sentrong lungsod o bayan ng rehiyon
5. Ipasagot sa bawat pangkat ang sumusunod na mga gabay na tanong. Gamitin ang sagot sa paghahanda sa ulat.
a. Ilarawan ang kapaligirang pisikal ng rehiyon.
b. Ano ang mga pangunahing hanapbuhay at produkto ng rehiyon?
c. Anong mga lugar sa rehiyon ang pangunahing dinadalaw ng mga turista?
d. Ano pa ang ibang mga katangian ng rehiyon?
6. Pumili ng teknik sa presentasyon sa ulat. Gamitin ang alinman sa sumusunod:
a. lecturette c. socio-drama
b. panel discussion d. roundtable discussion
7. Pagamitin ang bawat pangkat ng graphic organizer tulad ng semantic web, Venn diagram, concept map, cluster map, at iba pa. Ibigay ang sumusunod na format na magagamit ng bawat pangkat.
Ba. lunasb. katangiang pisikalc. lugard. kalakale. arkipelagof. pansakahan
8. Ipaalala ang inaasahang aktibong partisipasyon ng bawat mag-aaral sa lahat ng gawaing ibibigay ng pangkat at ng guro upang maging masaya at matagumpay ang pag-aaral sa mga rehiyon sa Mindanao.
9. Ipasagot ang Sagutin Natin sa pp. 113-114 ng batayang aklat.
B. Paglinang1. Pangkatin ang klase sa anim. Bigyan ang bawat pangkat ng
paksang kanilang tatalakayin.a. Pangkat A: Rehiyon IX: Zamboanga Peninsula b. Pangkat B: Rehiyon X: Hilagang Mindanaoc. Pangkat C: Rehiyon XI: Davaod. Pangkat D: Rehiyon XII: SOCCSKSARGENe. Pangkat E: Rehiyon XIII: Caragaf. Pangkat F: Autonomous Region in Muslim Mindanao
(f)(d)(a)(e)(b)
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
23
Pangkat APaksa: Ang Rehiyon XII: SOCCSKSARGENPresentasyon: Roundtable discussionTanong: Saan matatagpuan ang mga pangunahing
sakahan at pangisdaan sa South Cotabato?Graphic Organizer: Venn diagram
8. Iproseso ang ulat ng bawat pangkat.9. Hikayatin ang klase na magtanong tungkol sa mga paksang
hindi nila gaanong naunawaan.
C. Pagpapalalim1. Magbigay ng lecturette sa klase tungkol sa paksa na hindi
gaanong natalakay sa pag-uulat.2. Mag-imbita ng isang ispiker na may malalim na kaalaman
tungkol sa mga rehiyong tinalakay.
D. Paglalapat
1. Ipagawa ang Gawin Natin sa pp. 115 at 125 ng batayang aklat.
2. Itanong ang sumusunod: a. May pagkakatulad ba o pagkakaiba ang inyong rehiyon
sa alinman sa mga rehiyon sa Mindanao? Ipaliwanag ang sagot.
b. Ano ang mga pinagkukunang-yaman sa inyong rehiyon na katulad ng mga pinagkukunang-yaman ng mga rehiyon sa Mindanao? Magbigay ng mga halimbawa.
E. Pagpapahalaga1. Ipasagot ang Pahalagahan Natin sa pp. 114 at 124 ng batayang
aklat.2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbubuod ng aralin.
Tingnan ang mga halimbawa sa Pagbubuod sa pp. 115 at 125 ng batayang aklat.
✏ Mga KagamitanBatayang aklat; mga larawan
Aralin 13 Pag-aasahan ng mga Rehiyon
MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
A. Pagtuklas
1. Magpakita ng mga larawan tungkol sa mga produkto ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. Hayaan ang mga mag-aaral na magtanong tungkol sa mga larawan.
2. Sagutin ng Oo o Hindi ang bawat bilang. Ipaliwanag ang sagot sa klase. ______ 1. Ang salat ba sa pinagkukunang-yaman ay sagana? ______ 2. Ang bantog ba ay kilala?______ 3. Ang produkto ba ay kalakal?______ 4. Ang iniluluwas ba ay itinatago?______ 5. Ang pandaigdigan ba ay pang-internasyonal?
Gamitin sa pangungusap ang mga salitang may salungguhit.
3. Itanong sa klase kung sino sa mga mag-aaral ang nakalahok o nakasaksi na sa pagdiriwang o pista sa mga rehiyon. Sabihin sa klase kung saan naganap ang pagdiriwang. Ilahad ang nasaksihan o naranasan.
1 Sakahan• Koronadal Valley• Allah Valley
3Pinagkuku-nang-yaman
2Pangisdaan
• Sarangani Bay• Celebes Sea• Sulu Sea
1 – Sakahan2 – Pangisdaan3 – Pagkakatulad
(Hindi)(Oo)(Oo)
(Hindi)(Oo)
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
24
4. Isulat ang mga pagdiriwang sa pisara.Halimbawa: Tuna Festival, Lanzones Festival, Pili Festival,
at iba paItanong kung saang mga lugar/rehiyon ito ipinag-
diriwang.5. Ipasagot ang Sagutin Natin A at B sa pp. 131-132 ng batayang
aklat.
B. Paglinang1. Itanong sa mga mag-aaral kung bakit sa tingin nila ay may
mga natatanging produkto ang bawat rehiyon.2. Bigyang-diin na ito ay dahil sa katangiang pisikal at
kapaligiran ng rehiyon. May mga produkto na akma lamang sa partikular na lupa o klima. May mga rehiyon din na ang produkto ay bunga ng pagiging sagana sa anyong tubig ng nasabing rehiyon.
3. Magpaskil ng manila paper kung saan nakatala ang rehiyon o lalawigan at ang mga natatanging produkto nito.
4. Itanong sa mga mag-aaral kung paano pinupunan ng bawat rehiyon ang kakulangan nila sa ilang mga pangangailangan tulad ng pagkain, produkto, o kagamitan.
5. Magbigay ng lecturette ukol sa kung paano natutustusan ng mga rehiyon ang pangangailangan ng bawat isa. Talakayin din kung paano nakatutulong ang bawat rehiyon sa pag-unlad ng bansa.
C. Pagpapalalim1. Ipabasa ang “Promosyon ng Produkto sa mga Rehiyon” sa
pp. 127-130 ng batayang aklat.2. Pagkatapos nito, hatiin ang klase sa 10 pangkat. Papiliin ang
bawat pangkat ng kapistahan o pagdiriwang na isinagawa ng isang lugar sa Pilipinas upang isulong ang kanilang produkto.
Halimbawa: Bangus Festival sa Dagupan; Tuna Festival sa South Cotabato; at Panagbenga Festival sa Baguio
3. Sabihing magsagawa ng karagdagang pananaliksik o pakikipanayam ang bawat pangkat ukol sa kanilang paksa. Maaari nilang bisitahin ang website ng Kagawaran ng Turismo ukol sa Wow Philippines upang mabasa ang iba’t ibang festival sa Pilipinas. Maaari ding bisitahin ang website ng pamahalaang lokal o lungsod kung saan isinasagawa ang festival upang makakalap ng karagdagang impormasyon.
4. Ipabasa ang artikulo ukol sa Tuna Festival sa General Santos City na makikita sa i-learn.vibalpublishing.com. Maaaring magsilbi itong gabay sa paghahanda ng presentasyon ng bawat pangkat.
5. Isagawa ang presentasyon ng bagong pangkat. Ang pinaka-angkop na pamamaraan ay sa pamamagitan ng 5-10 minutong dula-dulaan. Maaari ding gumawa ng ibang pamamaraan.
6. Matapos ang presentasyon, bigyang-diin ang kinakailangang pagtutulungan ng mga mamamayan, lokal na pamahalaan, mga lokal na negosyante, at mga samahan sa lugar na iyon upang maging matagumpay ang pagdiriwang at maisulong ang kanilang natatanging produkto.
7. Magbigay ng lecturette ukol sa pag-aasahan ng mga rehiyon sa produkto ng bawat isa.
D. Paglalapat
1. Ipagawa ang Gawin Natin sa pahina 133 ng batayang aklat.2. Ipasagot ang sumusunod na mga tanong:
a. Alin sa mga pistang natalakay sa aralin ang idinaraos sa inyong rehiyon?
b. May mga produkto ba sa inyong rehiyon na isinusulong ng Kagawaran ng Turismo? Magbigay ng mga halimbawa.
3. Hingan ng mungkahi ang mga mag-aaral kung paano pa maaaring isulong ang natatanging produkto ng isang lugar o rehiyon?
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
25
4. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbubuo ng paglalahat at pagbubuod. Tingnan sa pahina 133 ng batayang aklat ang halimbawa ng maaaring mabuong paglalahat.
E. PagpapahalagaIpasagot ang mga tanong sa Pahalagahan Natin sa pahina 132
ng batayang aklat.
✏ Mga KagamitanBatayang aklat; mga larawan ng mga pangunahing produkto
sa iba’t ibang rehiyon at mga pagdiriwang kaugnay ng produkto sa bansa; mapang pangkabuhayan ng Pilipinas; Makabayan CD-ROM 4
PANGYUNIT NA PAGSUSULIT
A. Pumili ng tatlo sa sumusunod na mga paksa. Sa maikling paliwanag, sagutin ang mga napiling paksa.
1. Bukod sa NCR, alin sa mga rehiyon ang sa iyong palagay ay mas napabibilis ang pag-unlad? Isaalang-alang ang mga hanapbuhay, industriya, produkto, at ang paraan ng pamumuhay ng mga tao sa rehiyon.
2. Kung ikaw ang papipiliin, alin sa mga rehiyon o lalawigan ang gusto mong pasyalan? Magbigay ng paliwanag
3. Kung ikaw ang papipiliin, alin sa mga rehiyon o lalawigan ang sa tingin mo ay angkop na tirahan ng iyong pamilya o ng batang tulad mo? Ibatay ang sagot sa uri ng klima, mga hanapbuhay at mga produkto, mga industriya sa rehiyon at lalawigan, pati na rin sa iyong pangunahing pangangailangan.
4. Magmungkahi ng mga hakbang na maaaring gawin ng pamahalaan upang lalong umunlad pa ang pamumuhay ng mga tao sa mga rehiyon.
5. Patunayan na maganda ang kapuluan ng Pilipinas. Isaalang-alang ang sumusunod sa pagsulat ng sanaysay:a. lokasyonb. uri ng klimac. anyong tubig at anyong lupad. mga mamamayan sa iba’t ibang rehiyon
B. Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa hanay A. Isulat angtitik ng tamang sagot sa sariling papel.
A____ 1. Bilang ng lalawigan na bumu-
buo sa Zamboanga Peninsula____ 2. Rehiyon na matatagpuan
sa sentrong heograpikal ng Pilipinas
____ 3. Tawag sa rehiyon na binubuo ng Romblon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, at Palawan
____ 4. Iba pang tawag sa NCR___ 5. Natural na hangganan ng
Rehiyon I sa kanluran____ 6. Bilang ng rehiyon ng Pilipinas
batay sa Presidential Decree No. 1
____ 7. Rehiyon na kinikilala bilang Rice Granary of the Philippines
____ 8. Rehiyon kung saan makikita ang Banaue Rice Terraces
____ 9. Sentrong lungsod ng Kanlurang Visayas
____ 10. Ika-79 na lalawigang nalikha sa Pilipinas
Ba. 11b. 13c. CARd. tatloe. Iloilo Cityf. MIMAROPAg. Gitnang
Luzonh. South China
Seai. Gitnang
Visayasj. Compostela
Valleyk. Metropolitan
Manila
(d)
(i)
(f)
(k)(h)
(a)
(g)
(c)
(e)
(j)
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
26
KULTURANG PILIPINO: NOON AT NGAYONKabuuang bilang ng araw: 45
III Yunit
ANTAS 1: INAASAHANG BUNGA/RESULTA NG PAGKATUTO
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
1. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pinagmulan ng mga unang Pilipino
2. Nasusuri ng mga mag-aaral ang mga materyal at di-materyal na kultura ng mga Pilipino at kung paano napayaman at nagbago ang mga ito sa pagdaan ng panahon
3. Nagagamit ng mga mag-aaral ang magagandang natutuhan sa mga naganap na pangyayari sa kasaysayan ng bansa upang mapabuti at maitaguyod ang kasalukuyang kultura
Mahusay na naka gaganap ang mga mag-aaral ng iba’t ibang gawain tulad ng;
a. pagsasaliksik
b. pagsulat ng sanaysay o editoryal
c. pagguhit
d. pakikipanayam
Mga Kakailanganing Pag-unawa Mahahalagang Tanong
1. Ang Taong Tabon ang unang tao sa Pilipinas samantalang ang kasalukuyang Pilipino ay nagmula sa mga nandayuhang Austronesian.
2. Mataas ang antas ng materyal at di-materyal na kultura ng mga Pilipino noong sinaunang panahon at ito ay pinayaman pa ng mga impluwensya ng mga Asyanong nakipagkalakalan sa kanila.
3. Nagbago ang kultura at lipunang Pilipino sa pagdating ng mga dayuhang mananakop sa Pilipinas.
1. S ino ang mga unang Pilipino?
2. Paano ilalarawan ang mga materyal at di-materyal na kultura ng mga sina -unang Pilipino? Paano pa ito napa yaman ng mga dayuhan?
3. Ano ang mga pagbabago sa kultura at lipunang Pilipino na dulot ng pananakop ng mga dayuhan?
ANTAS 2: PAGTATAYA
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng sumusunod na mga kasanayan:
A. Pagpapaliwanag 1. Naipapaliwanag ang pinagmulan ng kasalukuyang
Pilipino2. Naipapaliwanag ang paraan ng pagpapayaman ng kulturang
Pilipino3. Nailalarawan ang mga pagbabagong naganap sa kultura ng
mga Pilipino sa pagdaan ng panahon
B. Pagpapakahulugan 1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng ilang tradisyon at
kaugalian ng mga Pilipino2. Nabibigyang-katwiran ang mga pagbabago sa kultura at
lipunang Pilipino sa kasalukuyan
C. Paglalapat 1. Natutukoy ang mga kulturang nagmula sa mga dayuhan2. Nakapaglilista ng mga pagpapahalaga ng mga sinaunang
Pilipino na dapat tularan at pahalagahan
D. Perspektibo 1. Naibibigay ang opinyon o saloobin tungkol sa colonial
mentality ng ilang Pilipino kaugnay ng mga kulturang minana sa mga dayuhan
2. Nakatutulong sa pagtataguyod ng mga kulturang kinakailangang panatilihin dahil nagpapamalas ng pagkakakilanlan
3. Nasusuri ang mga mabuti at di-mabuting epekto ng mga impluwensyang dayuhan sa mga Pilipino
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
27
E. Pagsasaalang-alang ng Damdamin ng Iba
1. Nagpapakita ng paggalang sa mga tradisyon, kaugalian, at pagpapahalaga ng iba’t ibang pangkat etniko
2. Naipamamalas ang paggalang sa damdamin ng iba kaugnay ng mga pagbabagong nagaganap sa kanilang kapaligiran
F. Pagkilala sa Sarili
1. Naipagmamalaki ang pinagmulan ng lahing Pilipino2. Nakikilala ang mga pagpapahalagang nagpapakita ng
pagkakakilanlan ng mga Pilipino3. Nakalalahok sa mga programa ng pamahalaan sa pagta-
taguyod ng mga pagpapahalagang dapat isabuhay
Pagpapatibay sa Antas ng Pagganap
✏ Awtentikong Pagtataya
1. Magpasaliksik tungkol sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Negrito. Ipaguhit ito sa isang ½ na kartolina.
2. Magpasulat ng isang maikling sanaysay o editoryal tungkol sa isa sa sumusunod na mga paksa. Ipasulat ito sa isang buong papel.a. ang mga Homo Erectus ng Cagayan Valleyb. ang mga Taong Tabon sa Panahon ng Lumang Batoc. ang mga Austronesian ng Timog China
3. Magpasaliksik tungkol sa mga gawain ng datu noon at kapitan ng barangay ngayon. Ipaguhit sa isang kartolina ang halimbawa ng kanilang pagkakaiba at pagkakatulad.
4. Maglista ng mga pagpapahalaga na mula sa mga sinaunang Pilipino at mga pagpapahalaga mula sa mga dayuhan.Basahin sa klase bago ipasa sa guro.
5. Magpasaliksik ng isang resipe ng pagkain na galing sa mga Tsino, Indian, Hapones, o Arabe. Maaaring ipakita sa klase ang paraan ng pagluluto.
6. Papiliin ang mga mag-aaral ng isang impluwensya ng bawat dayuhan na gustung-gusto nila. Ipaguhit ang mga ito at kulayan.
7. Magpainterbyu ng ilang tao sa pamayanan na nakaranas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Itanong: Paano sila nabuhay noong panahong iyon? Paano sila nakaligtas sa mapanira o mapaminsalang digmaan? Ipasulat sa isang papel ang buod ng panayam.
8. Ipatuklas sa mga mag-aaral ang mga makasaysayang bayan sa kanilang lugar. Ipatanong sa mga senior citizen o iba pang tao na nakaaalam kung paano naging maka-saysayan ang lugar na iyon. Ipatala sa isang tsart ang bunga ng interbyu.
Gamitin ang mga scoring rubric sa Apendiks para sa pagmamarka ng mga gawain.
✏ Tradisyunal na Pagtataya
Ipasagot ang Sagutin Natin B at C sa pp.141-142; Sagutin Natin A at B sa pp. 155-156, 164-165, 181-182, at 197 ng batayang aklat
Antas 3: GABAY SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG MGA ARALIN
Aralin 14 Ang mga Unang Pilipino
MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
A. Pagtuklas
1. Bilang balik-aral, itanong sa klase kung ano ang mga pagdiriwang na may kaugnayan sa mga pangunahing produkto ng Pilipinas.
2. Ibigay bilang pang-unang pagsusulit ang Sagutin Natin-A sa pahina 141 ng batayang aklat.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
28
3. Magpagawa ng family tree sa mga mag-aaral. Magpakita ng isang modelo sa pisara.
B. Paglinang
1. Pangkatin ang klase sa lima. Papiliin ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin.a. ang Pilipinas bilang bahagi ng kalupaan ng Asyab. mga Unang Tao sa Pilipinasc. ang Taong Tabond. ang mga Negritoe. ang mga Austronesian
2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagtitipon ng datos, pag-aayos ng datos, at paggawa ng ulat na gagamitan ng mga graphic organizer.
3. Magkaroon ng pangklaseng talakayan pagkatapos ng pag-uulat.
C. Pagpapalalim
1. Hingin ang reaksyon ng mga mag-aaral tungkol sa iba’t ibang ulat. Maaari silang magtanong upang higit nilang maunawaan ang mga paksang iniulat.
2. Ipasagot ang mga kaugnay na tanong:a. Ano ang katibayang sumusuporta sa ideyang may mga
tulay na lupang nagdurugtong sa Pilipinas at Asya? b. Bakit mahalaga ang nahukay na labi ng tao sa kweba ng
Tabon?c. Paano namuhay ang mga Negrito sa Pilipinas sa Panahon
ng Lumang Bato?d. Paano ipinaliwanag ang kahalagahan ng nahukay na mga
kininis na bato at kabibeng kagamitan sa ilang lugar sa Pilipinas?
3. Magbigay ng isang lecturette tungkol sa mga Homo sapiens. Hayaang magtanong ang mga mag-aaral o magbigay ng kanilang reaksyon tungkol dito.
4. Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng mga paglalahat o konklusyon.
4. Ipaliwanag na ang mga Pilipino ay may pinagmulan din. Patingnan ang mapa sa pahina 136 ng batayang aklat. Ipasagot ang sumusunod na mga tanong:a. Ano ang nakikita ninyong nag-uugnay sa Pilipinas sa
mga karatig-lugar nito?b. Paano kaya nakarating ang mga unang tao sa Pilipinas
mula sa kalapit-bansa nito? Sa ngayon, magagawa pa ba ang pamamaraang ito? Bakit?
5. Ibigay ang unang mahalagang tanong sa Antas 1: Sino ang mga unang Pilipino?
6. Hayaang magbigay ang mga bata ng kanilang kuru-kuro tungkol sa pinagmulan ng mga unang tao sa Pilipinas. Maaaring gamitin ang K-W-L chart. Ipasulat sa mga bata ang nalalaman nila tungkol sa paksa sa hanay K o Know. Alamin ang gusto nilang malaman tungkol sa paksa. Isulat ito sa hanay W o Want. Balikan ang hanay L o Learn pagkatapos talakayin ang paksa.
Ruben Reyes Melissa Reyes Rosa Verde Jose Verde
Lito Reyes Vina Verde
Ben Lisa Aika
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
29
D. Paglalapat
1. Magpasaliksik tungkol sa mga tulay na lupa na nag-uugnay sa Pilipinas at iba pang panig ng Asya. Isulat ang mga tala sa isang kartolina at iulat ito sa klase.
2. Ipaguhit sa isang kartolina ang mga hayop na nabuhay sa Cagayan Valley. Ipapaliwanag sa klase ang ginawa.
E. Pagpapahalaga
1. Ipasagot ang sumusunod na mga tanong:
a. Bakit dapat pahalagahan ang ating pinagmulan?
b. Paano natin ipakikita ang pagpapahalaga sa ating mga ninuno?
2. Ipasagot ang Pahalagahan Natin sa pahina 143 ng batayang aklat.
✏ Mga Kagamitan
Batayang aklat; globo; mga larawan ng mga unang Pilipino; kartolina; lapis at pangkulay
Aralin 15 Kultura ng mga Pilipino
Aralin 16 Pakikipag-ugnayan ng mga Sinaunang Pilipino
MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
A. Pagtuklas
1. Bilang balik-aral, itanong sa klase kung paano nabuhay ang mga unang tao sa mga pulo na tinatawag ngayong Pilipinas.
2. Ipakita ang ilang iginuhit ng mga mag-aaral ukol sa kasalukuyang pamumuhay ng mga lahing Negrito. Tumawag din ng dalawang mag-aaral upang basahin ang kanilang maikling sanaysay o editoryal.
3. Ipasagot bilang pang-unang pagsusulit ang Sagutin Natin (A) sa pp. 155-156 at Sagutin Natin (B) sa pahina 165 ng batayang aklat.
4. Magpakita ng larawan ng iba’t ibang uri ng pananamit, panahanan, paraan ng pagsamba, kagamitan, at iba pa. Itanong: Anong malaking ideya o konsepto ang ipinakita sa mga larawan? Sagot: kultura
5. Isulat ito bilang paksa sa paggawa ng concept cluster. Talakayin ang nilalaman ng concept cluster sa pamamagitan ng sumusunod na mga tanong.
Halimbawa:
a. Alin ang mga nakikita/nahahawakan?
b. Alin ang hindi nakikita/nahahawakan? Magbigay ng iba pang halimbawa.
c. Sa paanong paraan mababago ang mga konsepto o ideyang ito?
6. Ipakita ang mapa ng Asya. Isulat sa pisara ang ilang bansa na nagkaroon ng kaugnayan sa Pilipinas at ipahanap ang mga ito sa mapa.
Halimbawa: China, Japan, India, Saudi Arabia, Indonesia, at Malaysia
7. Itanong kung alin sa palagay ng mga mag-aaral ang mga bansang may malaking impluwensya sa mga Pilipino.
8. Ibigay ang ikalawang mahalagang tanong sa Antas 1: Paano ilalarawan ang mga materyal at di-materyal na kultura ng mga sinaunang Pilipino? Paano pa napayaman ng mga dayuhan ang kulturang ito?
9. Ipaalam sa mga mag-aaral na ang pokus ng pag-aaral ay ang iba’t ibang aspekto ng materyal at di-materyal na kultura ng mga sinaunang Pilipino. Bibigyang-tuon din ang mga impluwensya ng mga dayuhang nakarating sa kapuluan ng Pilipinas.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
30
B. Paglinang1. Pangkatin ang klase sa anim. Bigyan ang bawat pangkat
ng paksang sasaliksikin. Ang lider ng bawat pangkat ay magtatakda ng paksa sa bawat kasapi. Mga paksa:a. mga materyal na kulturab. mga di-materyal na kulturac. impluwensya ng mga Tsinod. impluwensya ng mga Indiane. impluwensya ng mga Arabof. impluwensya ng mga Hapones
2. Gabayan ang bawat pangkat sa pagsaliksik at paglikom ng mga datos, pag-organisa ng mga datos, at paggawa ng ulat na gagamitan ng iba’t ibang teknik tulad ng mga graphic organizer, dula-dulaan, tula, poster, at iba pa. Ipaalala ang mga pamantayan sa pagmamarka ng pangkatang gawain.
3. Sa pag-uulat, maaaring magdala ang bawat pangkat ng mga awtentikong materyales na maipakikita sa klase tulad ng camisa chino, tsinelas, payong, saranggola, at iba pa.
4. Ipakita sa klase ang pinagsamang ulat ng ikatlo hanggang ikaanim na pangkat. Pagtutulungan ng apat na pangkat na buuin ang tsart na ito. Ipahambing ang mga impormasyon sa tsart.
ImpluwensyaMga Dayuhan
Tsino Arabe Indian Hapones
Produkto
Salita
Pagkain
Kaugalian
Laro
Sayaw
Relihiyon
5. Pagkatapos ng pag-uulat ng lahat ng pangkat, bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magbigay ng opinyon o karagdagang impormasyon tungkol sa paksa. Maaari din silang magtanong tungkol sa mga ulat.
6. Gamit ang Makabayan CD-ROM 4, ipapanood ang mga slideshow na “Materyal na Kultura at Di-Materyal na Kultura” sa ilalim ng “Pamanang Pangkultura ng Pilipino”. Talakayin ang napanood na slideshow.
C. Pagpapalalim
1. Talakayin ang mga kaugnay na tanong tungkol sa paksa:a. Paghambingin ang kagamitan ng mga sinaunang Pilipino
sa mga kagamitan sa kasalukuyang panahon.b. Gaano kahalaga ang kalikasan sa pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino?c. Paano pinahahalagahan ang kababaihan sa panahon ng
ating mga ninuno?d. May impluwensya ba ang mga Tsino sa kulturang Pilipino
na nais ninyong iwaksi sa kasalukuyang panahon? Ipaliwanag.
e. Bakit pinakamahalaga sa mga impluwensyang Arabic ang Islam?
2. Magbigay ng lecturette tungkol sa pamahalaang sultanato na impluwensya ng mga Arabe sa Pilipinas at iba pang bansa sa Asya. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol dito.
3. Ipapanood ang video tungkol sa “Islam sa Pilipinas” sa ilalim ng Pamanang Pangkultura ng Pilipinas sa Makabayan CD-ROM 4.
4. Itanong muli ang mahalagang tanong at hingan ng kasagutan ang mga mag-aaral. Gabayan ang talakayan upang marating ang kinakailangang pag-unawa. Dapat maunawaan ng mga mag-aaral na may mataas na antas ng materyal at di-materyal na kultura ang mga Pilipino noong sinaunang panahon at ito ay pinayaman pa ng mga impluwensya ng mga dayuhan.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
31
5. Tulungan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng mga paglalahat o konklusyon. Maaari ding ipabasa sa kanila ang mga pagbubuod sa pahina 157 ng batayang aklat.
6. Ipasagot bilang formative test ang Sagutin Natin sa pp. 155-156 at 164-165 ng batayang aklat.
D. Paglalapat1. Ipaguhit sa isang kartolina ang halimbawa ng kanilang
pagkakaiba at pagkakatulad ng mga gawain ng datu noon at kapitan ng barangay ngayon.
2. Magpasaliksik ng isang resipe ng pagkain galing sa mga Tsino, Indian, Hapones, o Arabe. Maaaring ipakita sa klase ang paraan ng pagluluto.
3. Ipagawa ang Gawin Natin-A sa pahina 157 at Gawin Natin 2-4 sa pahina 166 ng batayang aklat.
E. Pagpapahalaga1. Ipasagot sa klase ang sumusunod na mga tanong. Talakayin
ang sagot ng mga mag-aaral.a. Dapat bang panatilihin ang lahat ng mga paniniwala at
kaugalian ng mga unang Pilipino? Pangatwiranan ang sagot.
b. Bakit mahalaga ang mga impluwensyang dayuhan sa mga Pilipino?
c. Paano pahahalagahan ang mga impluwensyang makabuluhan para sa mga Pilipino?
2. Ipasagot ang Pahalagahan Natin sa pp. 165-166 ng batayang aklat.
✏ Mga KagamitanBatayang aklat; mga damit noong unang panahon; mga
larawan ng mga di-materyal na bagay tulad ng pagsamba ng mga sinaunang Pilipino; mga graphic organizer; Makabayan CD-ROM 4
Aralin 17 Mga Pagbabago sa Kulturang Pilipino
MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
A. Pagtuklas
1. Bilang balik-aral, itanong sa klase kung sinong mga dayuhan ang naka impluwensya sa kultura ng mga Pilipino. Magbigay ng mga halimbawa ng kanilang mga impluwensya na ginagamit o sinusunod pa sa kasalukuyan.
2. Ipabasa sa dalawang mag-aaral ang resipeng nasaliksik nila tungkol sa mga bansang nakaimpluwensya sa aspektong pagkain.
3. Ipasagot bilang pang-unang pagsusulit ang Sagutin Natin-A sa pahina 181 ng batayang aklat.
4. Magpakita ng larawan ni Ferdinand Magellan at mga bayaning Pilipino. Itanong: Ano ang naging papel nila sa kasaysayan ng Pilipinas?
5. Magpakita rin ng mga larawan noon at ngayon na nagpapakita ng pagbabago.
6. Ibigay ang ikatlong mahalagang tanong sa Antas 1: Ano ang mga pagbabago sa kultura at lipunang Pilipino na dulot ng pananakop ng mga dayuhan?
7. Ipaalam sa mga mag-aaral na ang tuon ng pag-aaral ay tungkol sa mga pagbabagong naganap sa mga Pilipino sa aspektong panlipunan, pampulitika, at pangkabuhayan.
B. Paglinang
1. Pangkatin ang klase sa apat. Bawat pangkat ay bibigyan ng paksang pag-aaralan tungkol sa mga pagbabagong nabanggit.
Mga paksa:
a. mga pagbabago sa kulturang Pilipino sa panahon ng mga Español
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
32
b. mga pagbabago sa panahon ng mga Amerikanoc. mga pagbabago sa panahon ng mga Haponesd. mga di-mabuting impluwensya ng mga dayuhan
2. Gabayan ang mga mag-aaral sa paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa kanilang paksa, pag-oorganisa ng mga datos, at paghahanda ng pangkatang pag-uulat. Maaari silang gumamit ng iba’t ibang teknik sa pag-uulat tulad ng paggamit ng mga graphic organizer, role playing, paggawa ng poster, at iba pa.
3. Iproseso ang mga ulat sa pamamagitan ng pangklaseng talakayan.
4. Ipapanood ang video tungkol sa sayaw na Cariñosa. Maaari din makita ang link ng video na ito sa i.learn.vibalpublishing.com.
C. Pagpapalalim1. Ipasagot ang sumusunod na mga kaugnay na tanong:
a. Ano ang pinakamahalagang impluwensya ng mga Español sa kulturang Pilipino? Bakit mo nasabi ito? Magbigay ng katibayan.
b. Ano ang pinakamahalagang pamana ng mga Amerikano sa mga Pilipino? Bakit mo nasabi ito? Magbigay ng katibayan.
c. Anong mga pag-uugali ng mga dayuhan ang may hindi kanais-nais na impluwensya o epekto sa mga Pilipino? Ipaliwanag.
2. Magbigay ng lecturette tungkol sa mga bayani ng himagsikang Pilipino. Magkaroon ng pangklaseng talakayan tungkol dito.
3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng mga paglalahat o konklusyon. Maaari ding ipabasa ang mga pagbubuod sa pahina 183 ng batayang aklat.
4. Ipasagot ang Sagutin Natin sa pp. 181-182 ng batayang aklat.
D. PaglalapatMagpagawa ng talaan ng mga impluwensyang Español,
Amerikano, at Hapones sa kulturang Pilipino. Mula sa talaan, papiliin ang mga mag-aaral ng pinakagusto nilang kontribusyon at gawan ito ng poster na may angkop na pamagat.
Gamitin ang scoring rubric sa pahina 51 ng Apendiks para sa pagmamarka ng poster.
E. Pagpapahalaga 1. Hingan ng reaksyon ang mga mag-aaral sa sumusunod na
mga sitwasyon. Alamin kung ano ang kanilang gagawin sa ganitong mga pagkakataon.a. Nahuli mong naglalaro ng cara y cruz ang iyong kapatid
sa halip na pumasok ng paaralan.b. Itinapon ng iyong kaibigan ang mga gamot na dapat
niyang inumin dahil sobrang malalaki at mapapait ang mga ito.
c. Maraming basura sa bakuran ng inyong kapitbahay kaya maraming langaw at lamok.
2. Ipasagot ang Pahalagahan Natin sa pp. 182-183 ng batayang aklat.
✏ Mga KagamitanBatayang aklat; larawan ni Ferdinand Magellan at mga
bayaning Pilipino; Makabayan CD-ROM 4
Aralin 18 Mga Mahalagang Pangyayari Tungo sa Pagkamit ng Kalayaan
MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
A. Pagtuklas
1. Bilang balik-aral, itanong sa klase kung ano ang mga pagbabagong naganap sa panahon ng mga Español, Amerikano, at Hapones.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
33
2. Ipabasa sa klase ang resulta ng panayam ng dalawa o tatlong mag-aaral sa mga nakaranas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
3. Ipasagot bilang pang-unang pagsusulit ang Sagutin Natin-B sa pahina 197 ng batayang aklat.
4. Tawagin ang pansin ng mga mag-aaral sa bulletin board kung saan nakapaskil ang mga larawan ng mga bayaning Pilipino, pangyayari, at makasaysayang pook na may kaugnayan sa kasaysayan ng Pilipinas. Pag-usapan ang mga nagawa ng ating mga bayani at ang mga kaganapan sa mga makasaysayang pook. Ipasagot ang sumusunod na mga tanong:a. Bakit kailangang pag-aralan ang mga pangyayari sa
kasaysayan ng Pilipinas? May kaugnayan ba ito sa pamumuhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan? Patunayan ang sagot.
b. May mga bayani bang namatay para sa ating bansa? Ano ang nais nilang patunayan?
5. Itanong: Anong mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ang nagpamalas ng nasyonalismong Pilipino?
6. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang tuon ng aralin – ang mga magandang natutuhan sa mga pangyayari sa kasaysayan na makatutulong sa pagpapabuti at pagtataguyod ng kasalukuyang kultura.
B. Paglinang 1. Pangkatin ang klase sa apat. Bigyan sila ng paksa at gabayan
sila sa pangkatang gawain. Mga paksa:a. pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino at pagkamit ng
kalayaanb. himagsikan laban sa mga Españolc. mga kaganapan sa pagdating ng mga Amerikano
d. pamahalaang Commonwealth at Ikalawang Digmaang Pandaigdig
2. Iproseso ang pangkatang pag-uulat sa pamamagitan ng talakayang pangklase. Maaaring hingan ng reaksyon o puna ang mga mag-aaral hinggil sa mga naiulat. Maaari din silang magbigay ng karagdagang impormasyon kung kinakailangan.
C. Pagpapalalim1. Ipasagot ang mga kaugnay na tanong:
a. Paano umusbong ang damdaming makabayan sa mga Pilipino?
b. Bakit naging mahirap para sa mga Pilipino na matamo ang kalayaan?
c. Ipaliwanag ang kahulugan ng Pilipinisasyon. Paano nakatulong ang patakarang ito ng mga Amerikano sa pagsasanay sa mga Pilipino na mamahala?
d. Anong mga pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ang nagpapakita ng pagkamakabayan?
2. Magbigay ng lecturette tungkol sa kahalagahan ng pamahalaang Commonwealth sa pagsasarili ng mga Pilipino. Masusi itong talakayin sa klase.
3. Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng mga paglalahat o konklusyon. Ipabasa rin ang pagbubuod sa pahina 199 ng batayang aklat. Maaaring ibigay ng mga mag-aaral ang mga paglalahat na kahalintulad ng mga pagbubuod.
4. Ipasagot ang Sagutin Natin A at B sa pahina 197 ng batayang aklat.
D. PaglalapatMagpalista ng kababaihang Pilipino na malaki ang papel na
ginampanan sa pagpapalaya ng Pilipinas. Ipaliwanag kung ano ang nagawa nila sa panahon ng himagsikan. Ipabahagi sa klase ang ginawa ng mga mag-aaral.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
34
E. Pagpapahalaga1. Ipabigay sa mga mag-aaral ang mga aral na natutuhan nila
mula sa pag-aaral ng kasaysayan. 2. Alamin kung ano ang gagawin o reaksyon ng mga mag-aaral
sa sumusunod na mga sitwasyon: a. Nagtatag ng isang fraternity si Mario sa kanilang paaralan.
Hindi pinahihintulutan ng paaralan ang samahang ito. Hinimok kang sumapi.
b. Sumalakay ang ilang kasapi ng New People’s Army sa himpilan ng pulisya ng inyong lugar. Malapit ang bahay ninyo sa pinangyarihan ng pagsalakay. Dinig na dinig ninyo ang mga palitan ng putok.Anong pagpapahalaga ang ipinakikita ng bawat
sitwasyon? 2. Ipasagot ang Pahalagahan Natin sa pahina 198 ng batayang
aklat.
✏ Mga KagamitanBatayang aklat; mga larawan ng mga bayaning Pilipino,
pangyayari, at makasaysayang pook
PANGYUNIT NA PAGSUSULIT
A. Sagutin kung Tama o Mali ang bawat bilang. Isulat sa sariling papel ang sagot.1. Sa Cagayan Valley natagpuan ang unang labi ng unang tao sa
Pilipinas. (Mali)2. Ang camisa ay isang uri ng kasuotan ng kababaihang Pilipino.
(Tama)3. Ang mga Tsino ay isa sa mga pangkat ng dayuhan na unang
nakipagkalakalan sa mga Pilipino. (Tama)4. Mga sundalong Arabe ang nagdala ng Islam sa kapuluan ng
Pilipinas. (Mali)
5. Si Andres Bonifacio ang isa sa mga nagtatag ng Katipunan. (Tama)
6. Tinawag na Tabon Man ang taong kauna-unahang nabuhay sa Pilipinas. (Tama)
7. Ang mga Austronesian ay nagmula sa hilagang bahagi ng China. (Mali)
8. Ang bahay kubo ay isang halimbawa ng materyal na kultura. (Tama)
9. Barter ang uri ng kalakalang ginawa ng mga sinaunang Pilipino. (Tama)
10. Sa Limasawa unang dumaong si Ferdinand Magellan noong 1521. (Mali)
B. Kilalanin kung sa aling pangkat ng mga dayuhan natutuhan ng mga Pilipino ang sumusunod na mga bagay o kaugalian. Gamiting gabay sa pagsagot ang sumusunod: I = Indian; T = Tsino; U = Amerikano; H = Hapones; E = Español; A = Arabe.1. Paggamit ng parasol (H)2. Pagsuot ng sarong (I) 3. Pagkain ng lugaw (T)4. Pananampalatayang Islam (A)5. Pagsulat gamit ang alpabetong Roman (E)6. Paggamit ng seda (H)7. Konsepto ng demokrasya (U)8. Edukasyong pampubliko (U)9. Pananampalatayang Kristiyano (E)
10. Paglaro ng sungka (T)11. Epikong Maranao tulad ng Maharadia Lawana (I)12. Paggamit ng katawagang ate, kuya, ingkong, ditse (T)13. Sayaw na singkil (A)14. Paggamit ng violin, piano, organ, fl ute, at iba pang instrumentong
pangmusika (E)15. Pagkatuto ng mga musikang jazz, rock and roll, boogie (U)
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
35
D. Piliin ang salitang hindi kabilang sa bawat bilang. Ipaliwanag kung bakit hindi kabilang ang salitang ito.1. Español, Amerikano, Hapones, Indonesian (Indonesian)2. maharlika, maginoo, ilustrado, timawa (ilustrado)3. Muhammad, Bathala, Gugurang, Laon (Muhammad)4. siopao, bathala, siomai, mami (bathala)5. basketball, saranggola, football, baseball (saranggola)6. Andres Bonifacio, Jose Rizal, Marcelo del Pilar, Graciano
Lopez Jaena (Andres Bonifacio)7. Mariano Gomes, Jacinto Zamora, Jose Burgos, Mariano
Zamora (Mariano Zamora)8. Digmaang Pilipino-Amerikano, deklarasyon ng kalayaan,
patakarang Pilipinisasyon, pagtatatag ng pamahalaang sibil (deklarasyon ng kalayaan)
9. pananamit, pagkain, kagamitan sa bahay, batas (batas)10. pamahalaan, lipunan, palakol, relihiyon (palakol)11. kangan, t-shirt, patadyong, bahag (t-shirt)12. datu, lakan, raha, pangulo (pangulo)13. kundiman, rap, uyayi, talindaw (rap)14. sungka, saranggola, sipa, mahjong (sipa)15. Tsino, Arabe, Amerikano, Indian (Amerikano)
E. Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.1. Nahukay ang mga labi ng Homo erectus sa (Cagayan Valley).2. Ang paraan ng pamumuhay ng isang grupo ay tinatawag na
(kultura).3. Ang mga nagawang batas sa barangay noong sinaunang
panahon ay ipinababatid ng (umalohokan) sa mga tao.4, Ang lider ispiritwal ng mga sinaunang Pilipino ay ang
(babaylan).5. Ang awit ng pag-ibig ay tinawag na (kundiman).
16. Pagtatatag ng MAKAPILI (H)17. Paggamit ng disenyong naga tulad ng sa sarimanok (I)18. Mga sayaw tulad ng curacha at Cariñosa (E)19. Pagsuot ng polo shirt at baseball cap (U)20. Paggamit ng mga salita mula sa wikang Sanskrit tulad
ng mutya, panday, anak, katha (I)
C. Hanapin sa kahon ang salitang tumutugma sa paglalarawan sa bawat bilang.
lakan umalohokanNegrito Bagumbayanilustrado continental shelfbalangay Sharif Kabungsuan$20 milyon Doctrina Christiana
1. Pangkat ng tao na katutubo sa Pilipinas (Negrito) 2. Isang uri ng sasakyang pandagat na ginamit ng mga pangkat
ng tao na nandayuhan sa kapuluan ng Pilipinas (balangay)3. Pinuno ng alyansa ng mga barangay (lakan)4. Nagpakilala ng Islam sa Mindanao (Sharif Kabungsuan)5. Tawag sa mga Pilipinong nakaririwasa noong panahon
ng mga Español na kabilang sa tinaguriang gitnang uri (ilustrado)
6. Lupa sa ilalim ng mababaw na bahagi ng dagat (continental shelf)
7. Tagapagbalita ng barangay noong sinaunang panahon (umalohokan)
8. Unang aklat na nalimbag sa Pilipinas (Doctrina Christiana)9. Halagang ibinayad ng Spain sa United States bilang
pagsuko nito sa Pilipinas ayon sa Kasunduan sa Paris ng 1898 ($20 milyon)
10. Lugar kung saan binaril si Jose Rizal noong 1896 (Bagumbayan)
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
36
PAMBANSANG PAGKAKAKILANLANKabuuang bilang ng araw: 50
IV Yunit
ANTAS 1: INAASAHANG BUNGA/RESULTA NG PAGKATUTO
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
1. Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng kultura at ang pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
2. Nauunawaan na may tungkulin ang pamahalaan at ang mga Pilipino na linangin at paunlarin ang kulturang Pilipino
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayan sa sumusunod na mga gawain:
a. mahusay na interaksyon sa mga pangkatang gawain, talakayan, at pagsusuri ng mga aralin
b. pananaliksik tungkol sa isang paksa o isyu
c. paggamit ng powerpoint presentation upang ilahad ang mga programa at batas ng pamahalaan ukol sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
d. pagsasadula ng mga maaaring gawin ng mga mamamayan upang makatulong sa pag-unlad ng kulturang Pilipino
e. paggawa ng scrapbook na naglalahad ng mga ambag ng mga huwarang Pilipino noon at sa kasalukuyan sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
Mga Kakailanganing Pag-unawa Mahahalagang Tanong
1. Nagtatakda ng mga batas at programa ang pamahalaan upang paunlarin ang kulturang Pilipino.
2. Ipinakita ng mga huwarang Pilipino noon at sa kasa lukuyan ang kanilang husay at talino sa iba’t ibang larangan ng sining upang mapaunlad ang kulturang Pilipino.
3. Makatutulong ang mga mama-mayan sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagtupad sa kanilang mga tungkulin sa lipunan.
1. Paano nakatutulong ang pama - halaan upang mapaunlad ang kulturang Pilipino?
2. Sa paanong paraan ipinakita ng mga huwarang Pilipino noon at sa kasalukuyan ang kanilang pagtulong upang mapaunlad ang kulturang Pilipino?
3. Paano makatutulong ang mga mama mayan sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino?
ANTAS 2: PAGTATAYA
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan
ng sumusunod na mga kasanayan:
A. Pagpapaliwanag
1. Naipapaliwanag ang kalikasan (nature) ng mga batas at programa ng pamahalaan ukol sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
2. Nailalahad ang mga ambag ng mga huwarang Pilipino noon at sa kasalukuyan upang mapaunlad ang kulturang Pilipino
3. Naipapaliwanag ang mga karapatan at tungkulin ng mga Pilipino ukol sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
37
B. PagpapakahuluganNahihinuha ang kahulugan at halaga ng mga batas at
programa ng pamahalaan ukol sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
C. Paglalapat 1. Nagagamit ang mga kaalamang natutuhan upang makatulong
sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino2. Nakagagawa ng scrapbook at tsart na naglalahad ng mga
ambag ng mga huwarang Pilipino noon at sa kasalukuyan sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
3. Nakapagmumungkahi ng mga paraan kung paano makatutulong ang isang mag-aaral sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
D. Perspektibo 1. Nakapagbibigay ng pananaw ukol sa kahalagahan ng
pagtupad ng tungkulin sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
2. Nasusuri ang mga epekto ng mga batas at programa ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
E. Pagsasaalang-alang ng Damdamin ng Iba 1. Napahahalagahan ang mga sakripisyo at ambag ng mga
huwarang Pilipino noon at sa kasalukuyan sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
2. Naisasaalang-alang ang mga pagpupunyagi ng pamahalaan at mga pinuno nito na mapanatili at mapaunlad ang kulturang Pilipino
F. Pagkilala sa Sarili 1. Napagtatanto na mahalagang maging bahagi ng pagpapaunlad
ng kulturang Pilipino2. Naibabahagi ang mga ambag ng mga huwarang Pilipino
noon at sa kasalukuyan sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
3. Naisasagawa ang mga tungkulin ukol sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
Pagpapatibay sa Antas ng Pagganap
✏ Awtentikong Pagtataya
1. Pagsasadula ng mga maaaring gawin ng mga mamamayan upang makatulong sa pag-unlad ng kulturang Pilipino
2. Paggawa ng scrapbook at tsart na naglalahad ng mga ambag ng mga huwarang Pilipino noon at sa kasalukuyan sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino
✏ Tradisyunal na Pagtataya
A. Pagtukoy sa mga Kaisipan. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang._____________ 1. Ang pangunahing institusyon na
naglilingkod upang maging matiwasay ang pamumuhay ng mga Pilipino (pamahalaan)
_____________ 2. Ang alituntuning ipinatutupad ng pamahalaan sa lipunan (batas)
_____________ 3. Mga bagay na maaaring gawin o taglayin ng isang tao na dapat igalang at hindi ipagkait (karapatan)
_____________ 4. Ang pagkaubos ng mga propesyonal at produktibong Pilipino na hindi nagagamit ang mga kasanayan sa sariling bansa (brain drain)
_____________ 5. Tumutukoy sa mga nakasulat na akda na tumatalakay sa iba’t ibang aspekto ng buhay ng tao (panitikan)
_____________ 6. Ang wikang higit na nabigyan ng pansin noong panahon ng pananakop sa Pilipinas ng mga Hapones (Tagalog)
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
38
_____________ 7. Pangkat na nagsusulong sa paggamit ng mga katutubong instrumentong pangmusika (Kontemporaryong Gamelang Pilipino)
_____________ 8. Panahon kung kailan umusbong sa Pilipinas ang panitikan sa wikang English (panahon ng mga Amerikano)
_____________ 9. Sa institusyong ito unang natututuhan ng mga bata ang konsepto ng tama at mali (pamilya)
_____________ 10. Pagtatanghal na nagtataglay ng mga temang tumutuligsa sa pamamalakad at pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas (seditious drama)
B. Pagkilala sa mga Personalidad. Kilalanin ang mga persona-lidad na tinutukoy sa bawat bilang. Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
Jose Rizal Ambeth OcampoJoey Ayala Eduardo CastrilloLea Salonga Napoleon AbuevaTomas Pinpin Patricia EvangelistaGraciano Lopez-Jaena Gloria Macapagal-Arroyo
_____________ 1. Lumagda sa kautusan na nagtatatag sa Presidential Commission on Values Formation (PCVF) (Gloria Macapagal-Arroyo)
_____________ 2. Sumulat ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo (Jose Rizal)
_____________ 3. Manunulat na higit na naging tanyag sa pag-imprenta ng mga aklat noong panahon ng mga Español (Tomas Pinpin)
_____________ 4. Pilipinong nakilala sa husay sa pagsusulat at pagtatalumpati (Graciano Lopez-Jaena)
_____________ 5. Historyador na nagsusulat ng mga kawili-wiling paksa sa kasaysayan (Ambeth Ocampo)
_____________ 6. Manlililok ng kasalukuyang panahon na ang tema ng mga ginagawa ay ukol sa relihiyon at makasaysayang kaganapan (Eduardo Castrillo)
_____________ 7. Ang uri ng kanyang musika ay pinag-halong makabago at tradisyunal (Joey Ayala)
_____________ 8. Manunulat na nagbibigay-pansin sa mga usapin na may kaugnayan sa kabataan (Patricia Evangelista)
_____________ 9. Tanyag na artista sa teatro at nakilala sa pagganap sa Miss Saigon (Lea Salonga)
_____________ 10. Pambansang Alagad ng Sining na gumagamit ng iba’t ibang metal at bato sa paglililok (Napoleon Abueva)
C. Tama o Mali. Isulat ang salitang Tama kung tama ang pahayag. Kung mali, palitan ang salita o mga salitang may guhit. Isulat ang sagot sa patlang.________ 1. Ang Saligang Batas ang pinakamataas at
pinakamahalagang batas sa bansa. (Tama)________ 2. Ang tungkulin ay ang mga bagay na dapat
gawin hindi lamang dahil ipinag-uutos ng batas kundi dahil ito ang tamang gawin. (Tama)
________ 3. Brain drain ang tawag sa karapatan ng isang tao sa isang ideya na hindi maaaring kunin o kopyahin ng ibang tao nang walang pahintulot ng may-ari. (intellectual property right)
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
39
________ 4. Si Nick Joaquin ay Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng panitikan. (Tama)
________ 5. Ang National Historical Institute (ngayon ay National Historical Commission of the Philippines) ang sentro ng mga inilimbag na aklat at iba pang babasahin ng mga Pilipino at dayuhang manunulat. (National Library)
________ 6. Ang intellectual property right ay tumutukoy sa kalayaang magpahayag ng mga saloobin. (freedom of speech)
________ 7. Tungkulin ng bawat Pilipino na mapalaganap at mapaunlad ang kulturang Pilipino. (Tama)
________ 8. Itinatag ni Graciano Lopez-Jaena ang pahayagang Diariong Tagalog. (Marcelo H. del Pilar)
________ 9. Umusbong ang panitikan sa wikang English sa panahon ng mga Amerikano. (Tama)
________ 10. Ang pamilya ang isa sa mahahalagang elemento ng kulturang Pilipino. (Tama)
ANTAS 3: GABAY SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG MGA ARALIN
Aralin 19 Mga Batas at Programang Pangkultura ng Pamahalaan
MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
A. Pagtuklas1. Isulat sa pisara ang salitang “kultura”. Itanong sa mga mag-
aaral ang sumusunod:a. Ano ang kahulugan ng kultura?b. Mayroon bang kultura ang mga Pilipino?c. Ano ang mga maituturing na bahagi ng isang kultura?d. Ilarawan ang kulturang Pilipino.
2. Ipakita sa klase ang mga larawan ng mga materyal at di-materyal na kultura ng mga Pilipino. Ipahinuha sa mga mag-aaral ang halaga ng mga nakalarawan. Itanong ang sumusunod:
a. Paano maiuugnay sa kultura ang mga nakalarawan?
b. Paano mapagyayaman at mapangangalagaan ang kulturang Pilipino?
c. Ano ang maaaring maiambag ng mga Pilipino upang maisulong ang materyal at di-materyal na kulturang Pilipino?
3. Sabihin na ang mga mamamayan, pribadong sektor, at pamahalaan ay nagtutulungan upang mapanatili at mapaunlad ang kulturang Pilipino. Sa tatlo, ang pamahalaan ang may tiyak na tungkulin sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.
4. Ipakilala at talakayin ang konsepto ng pamahalaan. Itanong ang sumusunod:
a. Ano ang pamahalaan?
b. Ano ang halaga ng isang pamahalaan sa lipunan at sa mga mamamayan?
c. Mula sa inyong kinabibilangang pamayanan, ano ang mga tungkulin at paglilingkod na isinasagawa ng pamahalaan?
d. Bukod sa mga nabanggit, ano pa ang ibang tungkulin at paglilingkod na ibinibigay ng pamahalaan?
5. Itanong ang unang mahalagang tanong sa Antas 1: Paano nakatutulong ang pamahalaan upang mapaunlad ang kulturang Pilipino?
6. Gamitin ang mga sagot sa mga tanong sa ikaapat at ikalimang bilang upang bigyang-diin na may tungkulin ang pamahalaan upang mapanatili at mapaunlad ang kulturang Pilipino.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
40
B. Paglinang
1. Magbalik-aral ukol sa konsepto ng pamahalaan at ang pagtupad nito ng kanyang tungkulin sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura. Itanong kung ano ang maaaring mangyari kung hindi magbibigay ng mga paglilingkod ang pamahalaan sa larangan ng kultura.
2. Ipabasa ang Aralin 19 upang higit na maunawaan ang aralin at makalahok ang mga mag-aaral sa talakayan.
3. Ipakita sa klase ang tsart na naglalahad sa mahahalagang kaisipan sa Aralin 19.
Programa ng Pamahalaan Paraan ng Pagsulong
Mga batas
Mga programa
Mga ahensya
Ipasuri ang mga batas, programa, at ahensya ng pamahalaan na may layuning isulong at paunlarin ang kulturang Pilipino. Talakayin kung paaano isinasagawa ng pamahalaan ang mga naturang layunin.
4. Ipatalakay ang paksang aralin sa pamamagitan ng mga graphic organizer. Itanong sa mga mag-aaral kung paano tumutugon ang pamahalaan sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.
5. Ipabalangkas at ipatalakay ang mga detalye ng iba’t ibang hakbang ng pamahalaan sa pagsusulong ng kulturang Pilipino. Gamiting halimbawa ang sumusunod:a. Mga batas sa pagpapaunlad ng kultura
• Artikulo 14 ng Saligang Batas ng 1987• Republic Act No. 7356• Proclamation No. 1001• Republic Act No. 7305
b. Mga programa ng pamahalaan• 2010 Secondary Education Curriculum
• National Artist Award
• Gawad Manlilikha ng Bayan
c. Mga ahensyang nagtataguyod
• National Commission for Culture and the Arts
• National Historical Institute (ngayon ay National Historical Commission of the Philippines)
• National Museum
6. Pangkatin ang klase sa tatlo. Bawat pangkat ay mag-uulat tungkol sa sumusunod na mga paksa ukol sa pagtataguyod ng kultura. Gabayan ang paksa at pokus ng kanilang ulat sa pamamagitan ng mga itinakdang gabay na tanong. Sabihing magsagawa ng karagdagang pananaliksik ukol sa paksa nila. Magbigay ng mga mungkahi kung paano malikhaing matatalakay ang kanilang mga paksa.
a. Pangkat A: Mga Batas ng Pamahalaan
• Bakit mahalaga ang paglikha ng mga batas para sa kultura ng bansa?
• Ano ang nakasaad sa Artikulo 14 ng Saligang Batas ng 1987 ukol sa kulturang Pilipino?
• Paano tumutulong ang pribadong sektor sa pamahalaan upang maisulong ang kulturang Pilipino?
b. Pangkat B: Mga Programa ng Pamahalaan
• Ano ang PCVF?
• Ano ang layunin nito? Bakit ito mahalaga?
• Magbigay ng isang huwarang Pilipino na ginawaran ng Gawad ng Manlilikha ng Bayan. Paano masasabing makabuluhan ang kanyang ambag sa kulturang Pilipino?
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
41
c. Pangkat C: Mga Ahensya ng Pamahalaan
• Bakit mahalaga ang mga ahensya ng pamahalaan sa layunin nitong maisulong ang kulturang Pilipino?
• Paano nakatutulong ang mga ahensya ng pamahalaan sa pagsulong ng kulturang Pilipino?
• Bilang mabuting mamamayan, paano ka makatutulong sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino?
C. Pagpapalalim
1. Pagkatapos ng talakayan o pag-uulat, ipapanood ang slideshow na pinamagatang, “Mga Ahensyang Pangkultura na Nasa Ilalim ng NCCA” at “Mga Grupong Pangkultura ng Pilipinas” sa Makabayan CD-ROM 4.
2. Pasubukin ang mga mag-aaral na gumawa ng sarili nilang programa o batas na makatutulong sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino. Bawat isa ay magbabanggit kung anong larangan ang nais niyang bigyan ng tulong.
3. Matapos makapag-isip, tumawag ng mga mag-aaral na boluntaryong magbabahagi ng kanilang mga kaisipan.
4. Gamitin ang mga isinaad ng mga mag-aaral upang mabigyan ng diin ang halaga ng pamahalaan sa pagtataguyod ng isang maipagmamalaking kultura.
5. Sa pamamagitan ng isang powerpoint presentation, magbigay ng iba pang batas, programa, at ahensya ng pamahalaan na hindi nabanggit sa talakayan na tumutulong sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.
6. Gabayan ang mga mag-aaral na makabuo ng paglalahat tungkol sa pinag-aralan.
D. Paglalapat1. Ipasagot ang Sagutin Natin sa pp. 216-217 ng batayang
aklat.
2. Ipasagot ang sumusunod na mga tanong:
a. Maaari bang mapaunlad ang kulturang Pilipino nang walang programa na isinasagawa ang pamahalaan? Ipaliwanag.
b. Sapat na ba ang ginagawa ng pamahalaan upang mapa -natili at mapaunlad ang kulturang Pilipino? Ipaliwanag.
c. Sa ano pang paraan maaaring makatulong ang pamahalaan sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino?
E. Pagpapahalaga
1. Ipagawa ang Pahalagahan Natin sa pahina 217 ng batayang aklat.
2. Ipasagot sa mga mag-aaral: Paano makatutulong ang isang karaniwang mamamayan upang mapaunlad ang kulturang Pilipino?
✏ Mga Kagamitan
Batayang aklat; graphic organizer; powerpoint presentation ng mga batas, programa, at ahensya ng pamahalaan; Makabayan CD-ROM 4
Aralin 20 Karapatan at Tungkulin sa Pagpapaunlad ng Kultura
MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
A. Pagtuklas
1. Bilang balik-aral, itanong sa klase kung paano tinutugunan ng pamahalaan ang pagpapanatili at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino. Tukuyin ang mga batas, programa, at ahensya ng pamahalaan na nakatutulong upang matupad ang layunin sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
42
2. Iugnay ang nakaraang aralin sa kasalukuyang aralin. Itanong: Pamahalaan lang ba ang may tungkulin na panatilihin at paunlarin ang kulturang Pilipino? Bilang mag-aaral at Pilipino, mayroon ka rin bang tungkulin na dapat gampanan sa pagpapaunlad ng kultura?
3. Gamitin ang mga sagot ng mga mag-aaral bilang paglulunsad sa bagong aralin. Ipakilala ang kaisipan na ang mga Pilipino ay may karapatan at tungkulin sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura.
4. Matapos ang maikling talakayan, pangkatin ang mga mag-aaral sa lima ayon sa sumusunod na mga paksa — Karapatan at Tungkulin sa larangan ng:a. Pangkat A: Edukasyonb. Pangkat B: Intellectual Property Rights (IPR)c. Pangkat C: Kulturang Materyald. Pangkat D: Pamamahayage. Pangkat E: Paglilibang
Bigyang-diin sa mga mag-aaral na bahagi ng kanilang pakikilahok sa talakayan ang isang malikhaing presentasyon ukol sa nabanggit na mga larangan.
5. Bilang takdang-aralin, ipabasa muli sa mga mag-aaral ang mga karapatan at tungkulin na nakasaad sa batayang aklat. Inaasahan din na magdaragdag sila ng pananaliksik at sariling pananaw ukol sa naturang paksa.
B. Paglinang1. Ilahad muli ang paksang tatalakayin at ang mahahalagang
detalye nito bilang paghahanda sa mga pagtatanghal.2. Gamitin ang sumusunod bilang mga gabay na tanong sa
pang-unang talakayan tungkol sa aralin:a. Ilarawan ang iba’t ibang larangan kung saan maaaring
makita ang karapatan at tungkulin ng mga Pilipino sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.
b. Ano ang mga karapatang tinatamasa ng mga Pilipino sa larangang ito? Ano naman ang mga kaukulang tungkulin ng mga Pilipino?
c. Sa inyong pananaw, paano pa maisusulong ang pagpapanatili at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino?
3. Tatalakayin ng mga mag-aaral ang iba’t ibang karapatan at tungkulin sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mga malikhaing presentasyon. Sa ganitong paraan, higit na magkakaroon ng ideya ang mga mag-aaral ukol sa maaaring isagawa para sa mga nabanggit na layunin. Bibigyan ng lima hanggang 10 minuto ang bawat pangkat para sa pagtatanghal.
4. Ipabasa muli ang mga tatalakayin sa batayang aklat. Linawin din ang sumusunod na mga gabay na tanong na gagamitin sa presentasyon:
a. Pangkat A: Edukasyon
• Ipaliwanag ang halaga ng edukasyon.
• Bilang isang mag-aaral, paano mo matutupad ang iyong tungkulin sa bayan?
• Sa iyong pananaw, ano ang dapat gawin ng pamahalaan upang may pagkakataong makapag-aral ang mga batang Pilipino?
b. Pangkat B: Intellectual Property Rights (IPR)
• Ipaliwanag ang kahulugan ng IPR.
• Anong mga programa ang ipinatutupad ng pamahalaan upang mapigilan ang paglabag sa IPR?
c. Pangkat C: Kulturang Materyal
• Magbigay ng iba’t ibang bahagi ng kulturang materyal ng Pilipinas.
• Bakit mahalaga na pangalagaan ang mga materyal na kultura ng bansa?
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
43
• Paano mo matutulungan ang pamahalaan sa pangangalaga ng materyal na kultura ng bansa?
d. Pangkat D: Pamamahayag• Bakit kailangang maging responsable ang mga
mamamayan sa pagpapahayag ng damdamin o saloobin?
• Kailan masasabing hindi na sakop ng karapatan sa pamamahayag ang isang binitiwang salita?
• Sa anong mga anyo o paraan nagagamit ang kara-patan sa pamamahayag?
e. Pangkat E: Paglilibang• Ano ang maaaring mangyari kung hindi nakapag-
lilibang ang isang tao? Gaano kahalaga ang paglilibang?
• Magbigay ng ilang mga kalakip na tungkulin sa paglilibang.
5. Gabayan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagdaragdag o paglilinaw ng mga kaisipan na hindi mababanggit sa pagtatanghal ng bawat pangkat.
C. Pagpapalalim1. Matapos ang talakayan, higit na palalimin ang interes ng mga
mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng paglalagom ng mahahalagang kaisipan na tinalakay. Bigyang-diin ang mga kaisipang bahagi ng Pagbubuod sa pahina 229 ng batayang aklat.
2. Talakayin ang mga Dagdag Kaalaman sa pahina 226 ng batayang aklat.
3. Mula sa mga pagtatanghal na isinagawa, magpasulat ng isang maikling sanaysay na tumatalakay sa isang karapatan at tungkulin na nais isulong ng mag-aaral. Matapos magsulat, pumili ng ilang magbabasa ng kanilang sanaysay sa klase. Gamitin ang scoring rubric sa pahina 55 ng Apendiks para sa pagmamarka ng sanaysay ng mga mag-aaral.
4. Mula sa mga isinulat, higit na palalimin ang kanilang natutuhan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang karagdagang kaalaman. Maaaring ito ay ukol sa batas o programa na nagsusulong ng karapatan at tungkulin ng mamamayan ukol sa kultura.
D. Paglalapat1. Matapos ang talakayan at ang mga pagtatanghal, bigyang-
diin sa mga mag-aaral ang halaga ng karapatan at tungkulin sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura. Ipaliwanag na hindi maaaring karapatan o tungkulin lamang ang bibigyang-halaga. Itanong: Ano ang maaaring mangyari kung karapatan lamang ang bibigyan ng pansin sa larangan ng kultura?
2. Magbigay ng iba pang halimbawa ng mga karapatan at tungkulin sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura. Magbanggit ng mga sitwasyon at ipasuri sa mga mag-aaral kung ang mga ito ay karapatan o tungkulin. Maaaring gumamit ng check list na tulad ng nasa ibaba.
Sitwasyon Karapatan Tungkulin
3. Ipasagot ang Sagutin Natin sa pp. 226-228 ng batayang aklat.
E. Pagpapahalaga1. Ipagawa ang Pahalagahan Natin sa pahina 229 ng batayang
aklat.2. Ipasagot sa mga mag-aaral: Bakit mahalagang gampanan
ng mga Pilipino ang kanilang tungkulin sa pagpapaunlad ng kultura?
✏ KagamitanBatayang aklat
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
44
Aralin 21 Mga Huwarang Pilipino ng Nakaraang Panahon
Aralin 22 Mga Huwarang Pilipino ng Kasalukuyang Panahon
MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
A. Pagtuklas
1. Bilang balik-aral, itanong sa klase kung bakit mahalaga ang mga karapatan at tungkulin sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.
2. Iugnay ang sagot ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasabi na noon at sa kasalukuyan, maraming Pilipino ang may ambag sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.
3. Bilang paglulunsad ng bagong aralin, isulat sa pisara ang mga salitang “Huwarang Pilipino”. Itanong: Sino sa inyong pananaw ang maituturing na mga huwarang Pilipino? Sa aling mga larangan nakapag-ambag ang mga ito sa kulturang Pilipino?
4. Ibigay ang ikalawang mahalagang tanong sa yunit: Sa paanong paraan ipinakita ng mga huwarang Pilipino noon at sa kasalukuyan ang kanilang pagtulong upang mapaunlad ang kulturang Pilipino?
5. Ipaliwanag na ang mga Pilipino noon at sa kasalukuyan ay nakapag-ambag sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa iba’t ibang larangan.
B. Paglinang
Mga Huwarang Pilipino ng Nakaraang Panahon1. Talakayin kung sinong mga Pilipino ang nakapag-ambag
sa pagsulong ng kultura noong nakaraang panahon. Banggitin ang kanilang mga nagawa at ang kahalagahan ng mga ito.
Itanong: Ano ang ipinahihiwatig ng mga naiambag ng mga huwarang Pilipino? Sa paanong paraan nakatulong ang mga ito sa pagsulong ng kulturang Pilipino?
2. Habang nagtatalakayan, makatutulong kung gagawa ang klase ng isang talahanayan na magpapakita ng mga naiambag ng mga huwarang Pilipino noon sa iba’t ibang larangan. Maaaring gamiting halimbawa ang talahanayan sa ibaba.
Larangan Mga Huwarang Pilipino Nagawa
Panitikan Francisco Balagtas Florante at Laura
Sining Biswal Juan Luna Spoliarium
Musika Julian Felipe Pambansang Awit ng Pilipinas
Arkitektura Guillermo Tolentino Oblation
3. Ipalagom ang mga natalakay sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na, “Paano tinatanggap ng kasalukuyang panahon ang mga naiambag sa kultura ng mga huwarang Pilipino noon?”
Mga Huwarang Pilipino ng Kasalukuyang Panahon
1. Talakayin ang mga huwarang Pilipino na nakapagpaunlad sa kulturang Pilipino sa kasalukuyang panahon. Maaaring gumuhit ng tsart tulad ng nasa itaas upang makatulong sa pagpapaliwanag at sa talakayan. Itanong ang sumusunod sa pagtalakay ng paksa:
a. May pagkakatulad o pagkakaiba ba ang mga nagawa ng mga kasalukuyang Pilipino sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino sa mga nagawa ng mga huwarang Pilipino noon? Saang mga larangan may pagkakatulad o pagkakaiba?
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
45
pelikulang Pilipino. Ipaliwanag kung bakit mo siya napili.
d. Pangkat D: Huwarang Pilipino sa Musika• Sa inyong pananaw, bakit madaling maimpluwen-
syahan ng musikang dayuhan ang mga Pilipino?• Magbanggit ng isang awiting Pilipino na sa inyong
palagay ay maaaring ipagmalaki. Maaari itong awitin o iparinig sa mga mag-aaral. Ipaliwanag kung bakit ito dapat ipagmalaki.
• Anong katangian ang dapat taglayin ng isang Pilipino upang maging huwaran sa larangan ng musika?
e. Pangkat E: Huwarang Pilipino sa Negosyo• Bumanggit ng isang huwarang negosyanteng
Pilipino. Sabihin sa klase ang kanyang negosyo at mga naiambag niya sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.
• Paano nakatutulong ang Ayala Museum at Ayala Foundation sa kulturang Pilipino?
• Ipaliwanag ang mga layunin ng Gawad Geny Lopez at SM Scholarship Foundation.
C. Pagpapalalim1. Matapos ang talakayan, higit na palalimin ang interes ng mga
mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng paglalagom ng mahahalagang kaisipan na tinalakay. Bigyang-diin ang mga kaisipang bahagi ng Pagbubuod sa pp. 243 at 255 ng batayang aklat.
2. Ipabasa ang artikulo tungkol sa nobelang Banaag at Sikat sa i-learn.vibalpublishing.com. Hayaan din tingnan ng mga mag-aaral ang video ng mga likha ni Ferdinand Amorsolo na nasa i-learn.vibalpublishing.com.
3. Talakayin ang mga Dagdag Kaalaman sa pp. 239 at 252 ng batayang aklat.
b. Sa inyong pananaw, may higit bang nakaaangat na pangkat sa mga naiambag nila sa kulturang Pilipino? Ipaliwanag.
5. Gamitin ang mga larawan sa pagsusuri ng mga naiambag ng mga huwarang Pilipino sa kasalukuyang panahon.
6. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ibigay ang sumusunod na mga tanong bilang gabay sa pag-uulat ng bawat pangkat.a. Pangkat A: Huwarang Pilipino sa Panitikan
• Sino ang mga huwarang Pilipino sa larangan ng panitikan? Ano ang kanilang mga naiambag?
• May pagkakaiba ba ang estilo ng kanilang pagsusulat sa estilo ng mga tanyag na manunulat sa nakaraang panahon?
• Ano ang estilo ng pagsusulat nina Jessica Zafra, Manuel Quezon III, Ambeth Ocampo, at Patricia Evangelista?
b. Pangkat B: Huwarang Pilipino sa Sining Biswal at Arkitektura• Magbigay ng mga pangalan ng mga huwarang
Pilipino sa larangan ng pagpipinta, paglililok, at arkitektura.
• Ano ang karaniwang paksa ng mga pinta ni Carlos “Botong” Francisco? Ano ang nais niyang ipahiwatig sa kanyang mga ipininta?
• Bakit higit na hinangaan si Napoleon Abueva sa paglililok? Ipaliwanag.
c. Pangkat C: Huwarang Pilipino sa Pelikula• Sa inyong pananaw, bakit malimit na tema ng pelikula
ang pulitika sa bansa?• Sa anong paraan nagkakaiba o nagkakatulad ang mga
pelikula noon at sa kasalukuyan?• Magbanggit ng iba pang direktor na sa tingin mo
ay nakapag-ambag ng magandang pagbabago sa
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
46
D. Paglalapat
1. Matapos ang talakayan, ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na mga tanong:
a. Sa iyong pananaw, sa aling larangan higit na masasalamin ang pagsulong ng kulturang Pilipino noon?
b. Sapat na ba ang naiambag ng mga Pilipino noon upang umunlad ang kulturang Pilipino? Ipaliwanag.
c. Sa iyong palagay, saang larangan higit na mapauunlad sa kasalukuyan ang kulturang Pilipino?
d. Masasabi bang mataas na ang antas ng kulturang Pilipino sa kasalukuyan? Ipaliwanag.
2. Ipasagot ang Sagutin Natin sa pp. 240-242 at 252-254 ng batayang aklat.
3. Subukin ang pagiging malikhain ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtulad sa mga ginawa ng mga huwarang Pilipino noon at sa kasalukuyan.
a. Sa pamamagitan ng pagguhit, pagsulat (tula, maikling kwento, o sanaysay), paglikha ng awitin, o pagguhit o disenyo ng isang gusali o bahay, alamin ang maaaring maiambag ng mga mag-aaral sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.
b. Pagkatapos ng gawain, ipatanghal ang mga ginawa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng isang munting eksibit. Maaaring isaayos ang silid-aralan upang magmistulang museo ito. Maaaring lumigid ang lahat upang matunghayan ang ginawa ng mga kamag-aral.
4. Bilang isang proyektong indibidwal (individual project), magpagawa sa mga mag-aaral ng isang scrapbook na nagpapakita ng mga ambag ng mga huwarang Pilipino noon at sa kasalukuyan sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino. Gamitin ang rubric sa pahina 54 ng Apendiks sa pagmamarka sa mga ginawa ng mga mag-aaral.
E. Pagpapahalaga1. Ipagawa ang Pahalagahan Natin sa pp. 242 at 255 ng batayang
aklat.2. Ipasagot sa mga mag-aaral: Paano mo matutularan ang
halimbawang ipinakita ng mga huwarang Pilipino noon at sa kasalukuyan sa pagpapaunald ng kulturang Pilipino?
✏ Mga Kagamitan
Batayang aklat; mga larawan para sa eksibit
Aralin 23 Tungkulin ng Mamamayan sa Pag-unlad ng Kultura
MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
A. Pagtuklas1. Magbalik-aral tungkol sa mga huwarang Pilipino noon at sa
kasalukuyan. Itanong: Bakit hinahangaan ang mga huwarang Pilipino? Ano ang ipinagkaiba ng kanilang mga nagawa sa mga ginagawa ng mga karaniwang mamamayan?
2. Magpakita sa klase ng mga larawan ng mga nagawa ng mga huwarang Pilipino. Ipalarawan sa mga mag-aaral ang kanilang mga nagawa. Ipaskil naman sa pisara ang mga larawan ng mga karaniwang Pilipinong nagsasagawa ng kanilang mga tungkulin sa iba’t ibang larangan. Itanong: Paano nagkakaiba ang dalawang pangkat ng mga larawan? Saan mabibilang ang iyong sarili? Ipaliwanag.
3. Ilunsad ang aralin sa pamamagitan ng pagpapaliwanag na maging ang mga karaniwang Pilipino ay may tungkulin sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.
4. Ibigay ang ikatlong mahalagang tanong sa Antas 1: Paano nakatutulong ang mga mamamayan sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino?
5. Tukuyin ang mga institusyon kung saan may ginagawang tungkulin ang mga Pilipino — pamilya, paaralan, pamayanan. Ipaliwanag ang katangian ng bawat larangan.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
47
6. Paghandain ang mga mag-aaral sa pangkatang pag-uulat. Pangkatin ang klase sa tatlo. Hayaan ang bawat pangkat na pumili ng pinuno. Bawat pangkat ay mag-uulat tungkol sa sumusunod na mga paksa:
a. Pangkat A: Tungkulin ng Mamamayan sa Pamilya
b. Pangkat B: Tungkulin ng Mamamayan sa Paaralan
c. Pangkat C: Tungkulin ng Mamamayan sa Pamayanan
B. Paglinang
1. Bilang simula, talakayin muli na may tungkuling ginagampanan ang mga karaniwang Pilipino sa pamilya, paaralan, at pamayanan.
2. Gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-uulat. Maaaring gawin ang ulat sa pamamagitan ng isang talahanayan. Habang nag-uulat ang pinuno, maaaring isulat ng ibang kasapi ang iba’t ibang tungkulin ng mga Pilipino. Lapatan ng mga angkop na larawan. Idikit ang mga ito sa pisara.
3. Ibigay sa mga pangkat ang mga gabay na tanong na gagamitin sa ulat:
a. Pangkat A: Tungkulin ng Mamamayan sa Pamilya
• Sino ang mga gumagabay sa mga anak sa bawat pamilyang Pilipino?
• Bakit nagiging bahagi ang pamahalaan sa paggawa ng paraan upang mapanatili ang pagbubuklod at mapatatag ang bawat pamilyang Pilipino?
• Ano ang tungkulin ng bawat kasapi upang mapanatiling matatag ang pamilya?
• Sa inyong pananaw, malaki ba ang epekto ng pamilya sa pagpapalaganap ng tungkulin sa paaralan at pamayanan? Ipaliwanag.
b. Pangkat B: Tungkulin ng Mamamayan sa Paaralan
• Malaki ba ang bahaging ginagampanan ng mga guro sa paglinang ng kaisipan ng mga mag-aaral?
• Ano ang mga tungkulin ng mga mag-aaral sa paaralan upang makatulong sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino?
• Bakit mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino?
• Paano maisusulong ang pagiging makabayan?
• Paano maimumulat sa bawat Pilipino ang kahalagahan ng nasyonalismo?
c. Pangkat C: Tungkulin ng Mamamayan sa Pamayanan
• Ipaliwanag ang katuturan ng pagdamay sa kapwa.
• Bakit kailangang gumawa ng mga batas? Ano ang halaga nito sa araw-araw na pamumuhay?
• Paano nakatutulong ang mamamayan sa mga programang pangkultura ng pamahalaan?
• Ipaliwanag ang halaga ng pagtangkilik sa sariling produkto. Ano ang mabuting naidudulot nito sa pamayanan at sa bansa?
4. Ipapaliwanag sa mga mag-uulat kung paano nila nasabi na ang kanilang isinulat ay mga tungkuling dapat gampanan sa mga nabanggit na institusyon.
5. Magdagdag ng iba pang tungkulin at kaisipan matapos makasagot ang mga mag-aaral.
C. Pagpapalalim
1. Matapos ang talakayan, higit na palalimin ang interes ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng paglalagom ng mahahalagang kaisipan na tinalakay. Bigyang-diin ang mga kaisipang bahagi ng Pagbubuod sa pahina 263 ng batayang aklat.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
48
2. Talakayin ang mga Dagdag Kaalaman sa pahina 261 ng batayang aklat.
D. Paglalapat1. Tanungin ang mga mag-aaral kung mayroon silang nakikitang
malaking pagbabago sa kanilang pamilya, paaralan, o pamayanan. Mayroon ba silang sinasang-ayunan? Mayroon ba silang nais na iwaksi? Magbigay ng paliwanag.
2. Tanungin ang mga mag-aaral kung mayroon silang naisip na batas na makatutulong sa pag-unlad ng pamayanan, paaralan, o pamilya.
3. Pumili ng ilang mag-aaral na magsasagawa ng role playing ukol sa mga tungkulin ng mga mamamayan sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kulturang Pilipino. Habang nagsasagawa ng role playing, itatala ng mga mag-aaral ang mga ugali o eksena na inakala nilang makatutulong sa pagsulong ng kulturang Pilipino. Gamitin ang scoring rubric sa pahina 54 ng Apendiks upang markahan ang pagganap ng mga kasali sa role playing.
4. Matapos ang pagtatanghal, susulat ng maikling review ang mag-aaral ukol sa kanilang napanood. Ang pagtutuunan nila ng pansin ay kung magiging epektibo o hindi sa tunay na buhay ang mga napanood nilang tungkulin.
5. Ipasagot ang Sagutin Natin sa pahina 262 ng batayang aklat.
E. Pagpapahalaga1. Ipasagot ang Pahalagahan Natin sa pahina 263 ng batayang
aklat.2. Ipasagot sa mga mag-aaral: Mahalaga ba ang pagtupad
sa tungkulin upang mapaunlad ang kulturang Pilipino? Ipaliwanag.
✏ Mga Kagamitan
Batayang aklat; mga larawan ng mga tungkulin ng Pilipino
PANGYUNIT NA PAGSUSULIT
A. Isulat ang T kung tama ang pahayag. Kung mali, palitan ang salitang may salungguhit upang maiwasto ang pahayag._____ 1. Ang batas ay alituntuning ipinatutupad ng
pamahalaan sa lipunan. (T)_____ 2. Ang GAMABA ay parangal na iginagawad ng
pamahalaan sa mga alagad ng sining tulad ng pagpipinta, paglililok, at musika. (Pambansang Alagad ng Sining)
_____ 3. Ang National Museum ang tanggapan ng pama-halaan na nangangalaga sa kulturang materyal ng bansa. (T)
_____ 4. Tumutukoy ang intellectual property sa eksklusibong karapatan ng isang tao sa kanyang inimbento, akda, o nilikha. (T)
_____ 5. Isinulat ni Marcelo H. del Pilar ang obrang Florante at Laura. (Francisco Balagtas)
_____ 6. Isinulat ni Apolinario Mabini ang Kartilya ng Katipunan. (Emilio Jacinto)
_____ 7. Nakilala si Carlos Francisco sa pagpipinta ng mga mural. (T)
_____ 8. Sa paaralan unang natututuhan ng mga mamamayan ang konsepto ng tama o mali. (pamilya)
_____ 9. Sa pamamagitan ng programang Alternative Learning System, nabibigyan ng pagkakataon ang kabataan na makapag-aral sa hindi tradisyunal na paaralan. (T)
_____10. Ang National Library ang sentro ng mga inilimbag na aklat at iba pang babasahin sa bansa. (T)
_____11. Ang pamahalaan ang pangunahing institusyon na naglilingkod upang maging matiwasay ang pamumuhay ng mga Pilipino. ((T)
_____12. Si Nick Joaquin ay Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng pelikula. (panitikan)
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
49
_____13. Ang tungkulin ay bagay na maaaring gawin o taglayin ng isang tao na dapat igalang at hindi ipagkait. (karapatan)
_____14. Tumutukoy ang brain drain sa pagkaubos ng mga propesyonal at produktibong Pilipino na hindi nagagamit ang kasanayan sa sariling bansa. (T)
_____15. Ang panitikan ay tumutukoy sa mga nakasulat na akda na tumatalakay sa iba’t ibang aspekto ng buhay ng tao. (T)
_____16. Si Graciano Lopez-Jaena ang nagtatag ng pahayagang Diariong Tagalog. (Marcelo H. del Pilar)
_____17. Binibigyang-pansin ng manunulat na si Patricia Evangelista ang mga usapin tungkol sa kabataan. (T)
_____18. Itinatag ni Joey Ayala ang pangkat na Kontempo-raryong Gamelang Pilipino. (Edru Abraham)
_____19. Umusbong ang panitikan sa wikang English sa panahon ng mga Hapones. (Amerikano)
_____20. Mahalagang elemento ng kulturang Pilipino ang pamilya. (T)
B. Isulat sa sagutang papel ang larangan kung saan napatanyag ang sumusunod na mga Pilipino.1. Eduardo Castrillo — sining biswal (paglililok)2. F. Sionil Jose — panitikan3. Jessica Zafra — panitikan4. Manuel Quezon III — panitikan5. Lino Brocka — pelikula6. Leandro Locsin — sining biswal (arkitektura)7. Edru Abraham — musika8. Ramon Orlina — sining biswal (paglililok)9. Rolando Tinio — panitikan
10. Cesar Legaspi — sining biswal (pagpipinta)
C. Suriin ang sumusunod na mga salita. Isulat kung sinong huwarang Pilipino ang tinutukoy ng mga ito.1. manlililok, Pambansang Alagad ng Sining, Oblation (Guillermo
Tolentino)2. historyador, kawili-wili ang mga paksa, manunulat (Ambeth
Ocampo)3. alagad ng sining, musika, naglapat ng musika sa Pambansang
Awit ng Pilipinas (Julian Felipe)4. direktor, independent film, Cannes Film Festival (Brillante
Mendoza)5. manunulat, panahon ng Español, higit na tanyag sa pag-
imprenta ng aklat (Tomas Pinpin)6. makata, Florante at Laura, pag-iibigan ng magkasintahan
(Francisco Balagtas)7. kompositor ng Kay Ganda ng Ating Musika, lumilikha ng mga
awit para sa mga commercial, pop music (Ryan Caybyab)8. manunulat, usapin tungkol sa kabataan (Patricia Evangelista)9. nagwagi ng Tony Award, Miss Saigon, alagad ng teatro (Lea
Salonga )10. pintor, Spoliarium, alagad ng sining (Juan Luna)
D. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. 1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Gawad Pambansang Alagad
ng Sining sa Gawad sa Manlilikha ng Bayan.2. Paano nakatutulong ang Saligang Batas upang matiyak na
ang mga Pilipino ay magkakaroon ng sapat na pagkakataon sa larangan ng edukasyon?
3. Ano ang tiyak na tungkuling kaakibat ng karapatan ng mga Pilipino na malayang makapagpahayag ng saloobin ukol sa iba’t ibang usapin?
4. Ipaliwanag kung paano nakaimpluwensya ang mga Amerikano sa kultura ng mga Pilipino.
5. Nakatutulong ba sa pagsulong ng kulturang Pilipino ang paggamit ng wikang Filipino? Ipaliwanag.
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
50
APENDIKS
RUBRIC PARA SA DRAWING/ART
Pamantayan Indikador 5 4 3 2 1
Mga Elemento ng Disenyo
• Ipinapakita ng drawing na walang katulad ang paglalapat ng mag-aaral sa mga prinsipyong napag-aralan sa klase.
Pagkamalikhain (Creativity)
• Ang gawa ng mag-aaral ay nagpapamalas ng walang katulad na lebel ng pagka-orihinal.
Pagsisikap (Effort)
• Ibinigay ng mag-aaral ang pagsisikap nang higit sa kinakailangan.
Kasanayan (Skill) • Superyor ang drawing at kakikitaan ng malaking pagtitiyaga.
Pagtugon (Responsiveness)
• Nagpakita ang mag-aaral ng positibong pagtugon sa lahat ng oras sa panahon ng pagdebelop ng drawing.
Kabuuan
RUBRIC PARA SA GRAPHIC ORGANIZER
Mga Indikador PuntosNatamong
Puntos
1. Naglalahad ng batayang impormasyon tungkol sa paksa; may konseptwal na disenyo; nagpapakita ng dahilan at epekto ng pangyayari
16-20
2. Naglalahad ng batayang impormasyon tungkol sa paksa; may konseptwal na disenyo; hindi malinaw ang ugnayang dahilan at kahihinatnan
11-16
3. Naglalahad ng batayang impormasyon tungkol sa paksa; hindi malinaw ang disenyo; at nakalilito ang ugnayan ng mga konsepto
6-10
4. Hindi gaanong naglalahad ng impormasyon tungkol sa paksa; hindi magaling ang disenyo; at walang ugnayan ang mga konsepto
1-5
Kabuuan
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
51
RUBRIC PARA SA PAGGAWA/PAGBAKAT NG MAPA
Pamantayan Indikador 5 4 3 2 1
Pamagat o Titulo • Nagsasabi ng layunin/nila -laman ng mapa, nakasulat sa malalaking titik at naka-limbag sa itaas ng mapa
Kalinisan ng Kulay at Linya
• Ginamitan ng ruler ang lahat ng tuwid na linya, malinis na iniwasto ang mga mali at kinulayan nang lubos ang lahat ng bahagi.
Pagbaybay/Paggamit ng Malalaking Titik
• Tama ang baybay ng 95-100% ng mga salita sa mapa gayundin ang paggamit ng malalaking titik.
Kalinawan at Kalinisan ng mga Leybel at Bahagi
• Madaling nababasa ang 90-100% ng mga leybel at bahagi.
Kabuuan
RUBRIC PARA SA POSTER
Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
Nilalaman • Naipakita at naipaliwanag nang maayos ang ugnayan ng lahat ng konsepto sa paggawa ng poster
21-25
Kaangkupan ng Konsepto
• Maliwanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan ng konsepto
16-20
Pagkamapanlikha (Originality)
• Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster
11-15
Kabuuang Presentasyon
• Malinis at maayos ang kabuuang presentasyon
6-10
Pagkamalikhain(Creativity)
• Gumamit ng tamang kombi -nasyon ng kulay upang maipahayag ang nilalaman, konsepto, at mensahe
1-5
Kabuuan
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
52
1. Nangangailangan ang ulat ng paliwanag
2. Mahirap maunawaan ang ulat kung minsan
3. Hindi gaanong tumitingin sa klase
4. Hindi magaling ang mga visual aid o kulay sa organisasyon
5. Kulang sa organisasyon
6-10
1. Hindi tinatalakay ng ulat ang paksa
2. Hindi marinig ang ulat
3. Hindi tumitingin sa klase
4. Walang mga visual aid na ginamit
5. Walang organisasyon
1-5
Kabuuan
RUBRIC PARA SA PAG-UULAT SA KLASE
Mga Indikador PuntosNatamong
Puntos
1. Malinaw ang paliwanag sa paksa
2. Katamtaman ang lakas ng boses sa pagsasalita
3. Madaling maunawaan ang ulat
4. Tumitingin sa lahat ng mga mag-aaral
5. Magaling sa paggamit ng mga visual aid
6. Organisadong-organisado
21-25
1. Magaling na tumatalakay sa paksa
2. Katamtaman ang lakas ng boses sa pagsasalita
3. Paminsan-minsan kung tumingin sa mga mag-aaral
4. Nakatutulong ang mga visual aid sa presentasyon
5. Magaling ang organisasyon
16-20
1. Magaling ang pagtalakay sa paksa
2. Erratic ang lakas ng boses sa pagsasalita
3. Binabasa ang notes; erratic ang pagtingin sa iba
4. Hindi nakatulong ang mga visual aid sa ulat
5. Napapalihis ang ulat sa paksa
11-15
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
53
RUBRIC PARA SA PANANALIKSIK
Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
Hangarin • Ang hangarin ng mananaliksik ay kaagad nau unawaan ng bumabasa.
26-30
Nilalaman • Balanse ang presen tasyon ng angkop na impormasyon na sumusuporta sa hangarin; nagpapakita ng malalim na pagsusuri sa isang paksa; nagkakaroon ang bumabasa ng magaling na pananaw.
21-25
Organisasyon • Nakaayos nang lohikal ang mga ideya para suportahan ang hangarin o argumento. Dumadaloy ito hanggang sa maiugnay sa ibang ideya. Nasusundan ng bumabasa ang daloy ng pangangatwiran.
16-20
Istruktura ng mga Pangungusap
• Magaling ang presentasyon; iba-iba ang haba at istruktura ng pangungusap. Dumadaloy ang pagkakasunud-sunod.
11-15
Gramatika, Baybay, Pagsulat, Mekaniks
• Ang isinulat ay walang mali o halos walang mali.
6-10
Paggamit ng Sanggunian
• Gumamit ng lehitimo at iba’t ibang uri ng pinagkukunan (sources).
1-5
Kabuuan
RUBRIC PARA SA TRAVELOGUE
Pamantayan Indikador 5 4 3 2 1
Saligan • Lahat ng component ay natugunan.
Nilalaman • Mala l im ang sak law ng paksa na detalyado at may kasamang mga halimbawa. Superyor ang kaalaman sa paksa.
Organisasyon • Organisadong-organisado a ng n i l a l a ma n n a gumagamit ng paksa o heading o listahan ng nakagrupong kaugnay na materyal.
Kinakailangan • Ang mga kinakailangan ay natugunang lahat at lumampas o humigit pa.
Kontribusyon • Karaniwang nagbibigay ng makabuluhang ideya kapag nakikilahok sa pangkatang talakayan a t s a p angk l a s eng talakayan.
Pasalaysay na Presentasyon
• Kalugud-lugod, pinag-aralang mabuti at may maayos na paglalahad na nakukuha ang atensyon ng tagapakinig.
Kabuuan
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
54
RUBRIC PARA SA DULA-DULAAN O ROLE PLAY
Mga Indikador 5 4 3 2 1
1. Malinaw na naipakita ang ilang paraan ng pagganap sa karakter.
2. Higit sa hinihingi ang impormasyong inilahad.
3. Akma ang mga props at costume na ginamit.
4. Malinaw ang boses at wasto ang bigkas sa mga salita.
RUBRIC PARA SA PAGGAWA NG SCRAPBOOK/ALBUM
Mga Indikador 5 4 3 2 1
1. Kaakit-akit ang pagkakagawa at organisado ang mga impormasyon
2. Angkop ang mga larawan sa teksto/paksa
3. Magaling ang pagkakaayos ng mga larawan
4. Wasto ang mga impormasyon
RUBRIC PARA SA SURVEY AT PANGANGALAP NG IMPORMASYON
Pamantayan Indikador 5 4 3 2 1
Pagdebelop ng Survey
• Pinag-isipang mabuti ang mga aytem ng survey at isinama ang lahat ng maha-halagang aytem tungkol sa paksa
Organisasyon at Mekaniks
• Lohikal at pinag-isipang mabuti ang pagkakasunud-sunod ng mga tanong na masusundan ng mga suma-sagot. Walang mali sa baybay o sa gramatika
Pormat • Tama ang pormat. Angkop ang pamagat. Walang mali sa pag-encode.
Pagsasaliksik at Paglikom ng Impormasyon
• Nakalikom ng maraming impormasyon na nauugnay lahat sa paksa
Kabuuan
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
55
RUBRIC PARA SA BRAINSTORMING
Mga Indikador PuntosNatamong
Puntos
1. Malinaw na nailahad ang isyu o aralin 5
2. Magaling ang ibinigay na mungkahi para sa solusyon
5
3. Tinatanggap ang lahat ng mga sagot ng mga kamag-aral
5
4. Magaling na naisusulat sa pisara ang sagot 5
5. Natatalakay ang mga ibinahaging ideya sa ilan
5
Kabuuan
RUBRIC PARA SA SANAYSAY
Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
Nilalaman • Maayos ang paglalahad ng ideya; namumukod-tangi ang mga detalye; lahat ng ideya ay lohikal na sumusuporta sa nailahad na paksa
21-30
Organisasyon • Organisado ang mga ideya sa kabuuan; ibinatay ang presentasyon ng datos sa iba’t ibang mga kaalaman (halimbawa: karanasan at pananaliksik); ang p i na g s a ma - s a ma ng ideya ay malinaw na naipahayag
11-20
Mekaniks • Ang pangungusap ay nailahad sa lohikal na pamamaraan; ang mga salita ay malinaw at madaling maunawaan; maayos ang gramatika at may istilong kakaiba
1-10
Kabuuan
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
56
RUBRIC PARA SA PAGSULAT NG EDITORYAL
Pamantayan 5 4 3 2 1
1. Naipaliwanag sa unang dalawa o tatlong talata ang sitwasyon o problema.
2. Malinaw ang posisyon ng sumulat sa unang ilang talata.
3. Sinusuportahan ng sumulat ang kanyang posis -yon sa pagbibigay ng mga tiyak na halimbawa.
4. Pinasisinungalingan ng sumulat ang oposisyon sa pamamagitan ng mga tiyak na halimbawa.
5. Nagbibigay ang sumulat ng lohikal na solusyon o konklusyon.
RUBRIC PARA SA TULA
Pamantayan Indikador Katumbas na Marka
Paksa/Tema/Nilalaman
• Kahanga-hanga ang mga ideya sapagkat tumutukoy ito nang lubusan sa paksa/tema ng pinag-usapan
21-30
Kaugnayan ng mga Salita sa Saknong
• May bigat/diin/kahulugan ang mga grupo ng salita sa bawat saknong
11-20
Gramatika • Tama ang baybay ng mga salita at may wastong bantas sa bawat saknong
1-10
Kabuuan
RUBRIC PARA SA SOCIO-DRAMA
Indikador Puntod NatamongPuntos
1. Malinaw na nailahad ang mga paksa. 5
2. Napili ang karapat-dapat na magsisiganap. 5
3. Naunawaan kaagad ang bahaging dapat gampanan.
5
4. Nasusunod ang pamantayan sa pakikinig 5
5. Naisasadula ang mensahe ng ulat 5
6. Magaling na natalakay ang isyu 5
7. Magaling ang pagtatanghal ng socio-drama 5
Kabuuan
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
57
RUBRIC PARA SA PANEL DISCUSSION
Pamantayan Pinakamahusay (4)
Mahusay (3)
Hindi Mahusay (2)
Kailangan pa ang Pag-unlad
1. Pandalubhasang Presentasyon
Nagpakita ng kahusayan at kaayusan sa paksang tatalakayin
Limitado ang paksa sa kabila ng pagiging
aktibo ng bawat kasapi
Bahagyang naiakma subalit natuon lang sa
panahong isyu
Malayo ang paksa at hindi gaanong malawak
ang isyu
2. Paraan ng Pakiki -tungo sa Taga-pakinig
Mainit na pagtanggap sa paglahok sa
talakayan
Magaling subalit hindi kinakitaan ng agresibong sagot sa
mga kasapi
Iilan lamang ang nagsalita at hindi
naging makatotohanan
Kulang sa pokus ang mga panauhin kailangan pa ang
paglahok
3. Pamamaraan sa Paggamit ng Salita
Naging malikhain at malinaw ang mga salitang ginamit
May kalinawan ang kaisipan subalit
may katagalan sa pagpapaliwanag
Hindi gaanong naiakma sa katotohanan ng
mga isyu
Walang kaugnayan ang mga ginamit na
kaisipan
4. Kaalaman sa Paksa Nagpakita ng kahandaan at lawak ng
kaalaman
Gumamit ng limitadong puntos at gamit na
akma sa paksa
Limitado ang pokus sa isang aspeto ng paksa
Mababaw lamang ang mga naihayag na
opinyon
5. Kahandaan ng mga Kasapi
Mabisang naiugnay at nagpakita ng kahusayan at
kahandaan sa paksa
Magaling subalit hindi gaanong
nakatawag ng pansin sa mga tagapakinig
Mabagal ang mga kasapi sa pagsasalita at tila naghahanap
ng salita
Hindi gaanong mahusay at hindi angkop ang mga ginamit sa paksa
Mula sa rubric na inihanda ni Eva O. Arceo, Master Teacher ng Tondo High School
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
58
RUBRIC PARA SA PAGGAWA NG DAYORAMA
Pamantayan 4 3 2 1
Pagiging Malikhain Panay recycled at murang kagamitan
ang ginamit
Maraming recycled at murang kagamitan
ang ginamit
Kaunti lamang ang recycled at murang
kagamitan ang ginamit
Hindi gumamit ng recycled at murang
kagamitan ang ginamit
Pagkakaayos Lubhang maayos ang pagkakaayos ng mga bagay sa dayorama
May ilang mga bagay na hindi nakalagay ng maayos sa dayorama
Di-gaanong maayos ang pagkakalagay ng
mga gamit sa dayorama
Hindi maayos ang mga bagay na nakikita
sa dayorama
Mensahe Lubhang malinaw at epektibo ang mensahe
Malinaw at epektibo ang mensahe
Malinaw ngunit hindi epektibo ang mensahe
Hindi malinaw at hindi epektibo ang mensahe
Kalinisan Napakalinis ng pagkakabuo ng
dayorama
Di-gaanong malinis ang pagkakabuo
ng dayorama
Marumi ang pagkakabuo ng
dayorama
Nilalaman Maraming impormasyon tungkol sa pagbabago ng kapaligiran dahil sa
industriyalisasyon
Kaunti lamang ang impormasyon tungkol
sa pagbabago sa kapaligiran dahil sa industriyalisasyon
Kulang na kulang ang impormasyon tungkol
sa pagbabago sa kapaligiran dahil sa industriyalisasyon
Mula sa rubric na inihanda ni Marietta P. Ramos, Master Teacher ng Soliman High School
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
59
RUBRIC PARA SA PAGGAWA NG PANAYAM
Pamantayan 1 2 3 4
Kaanyuan 20%
Ang kabuuang kaanyuan ay hindi
kaya-aya
Ang kabuuang kaanyuan ay hindi gaanong kaaya-aya
Ang kabuuang kaanyuan ay malinis at
kaaya-aya
Ang kabuuang kaanyuan ay lubhang malinis at kaaya-aya
Panimulang Pagbati 10%
Ang pambungad na pagbati ay walang kinalaman sa paksa
at gawi ng gagawing panayam
Ang pambungad na pagbati ay
ginagamitan ng gawing hindi kaaya-aya at taliwas sa paksa ng
panayam
Ang pambungad na pagbati ay katanggap-tanggap, maayos, at naaayon sa paksa ng
talakayan na gagamitin sa panayam
Ang pambungad na pagbati ay lubhang katanggap-tanggap,
maayos, at naaayon sa paksa
Paraan ng Pakikipanayam
20%
Ang paraan ng pakikipanayam ay
walang kaugnayan sa paksang tinatalakay
Ang paraan ng pakikipanayam ay hindi sapat na tumutugon sa paksang pinag-uusapan
Ang paraan ng pakikipanayam ay maayos, sapat, at
tumutugon sa paksang pinag-uusapan
Ang paraan ng pakikipanayam ay lubhang maayos,
sapat, at tumutugon sa paksang pinag-uusapan
Kilos at Galaw ng Katawan
5%
Kakikitaan ng manerismo (magalaw) ang pangangatawan
Magalaw ang pangangatawan
Kakikitaan ng paminsan-minsan ng
manerismo
Kakikitaan ng maayos at kampanteng galaw
Paraan ng Pagsagot sa Tanong
20%
Walang kaayusan ang naging kasagutan sa mga inilahad na
tanong
Di gaanong malinaw ang naging kasagutan
sa mga inilahad na tanong
Malinaw ang naging kasagutan sa mga
nailahad na tanong
Lubhang malinaw, maayos, at kumpleto
ang kasagutan
Paraan ng Pagtatanong 20%
Walang katanungang nailahad
Ang mga tanong ay hindi naaayon sa paksa
Nakapagtatanong ng naaangkop sa paksa
Higit na nakapagta -tanong ng mahaha -
lagang tanong sa paksa
Mula sa rubric na inihanda ni Marietta P. Ramos, Master Teacher ng Soliman High School
Ang Manwal na ito ay para lamang sa gurong gumagamit ng Vibal CTLP. © 2010 Karapatang ari ng Vibal Publishing House, Inc. HINDI IPINAGBIBILI.
Recommended