View
6.325
Download
68
Category
Preview:
Citation preview
Layunin:1. Masuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan, at kagandahang-asal.2. Masuri ang nilalaman, elemento, at kakanyahan ng binasang parabula gamit ang mga ibibigay na tanong.3. Mahinuha at maiugnay ang nilalaman, elemento, at kakanyahan ng pinanood na pelikula sa kasalukuyang panahon.4. Makasulat nang may maayos na paliwanag tungkol sa mga collage na may kaugnayan sa paksa.
Talasalitaan:1. Tinanggap ng dalaga ang panunuyo ng binata.2. Naghintay ang dalaga sa pagdatal ng kanyang
mangingibig.3. Pinag-usapan na rin ang tungkol sa ipagkakaloob na
dote ng pamilya ng binata sa pamilya ng dalaga.4. Sa tahanan ng binata ay idaraos ang maringal na
kasalan.5. Ang limang hangal na dalaga ay hindi nakapasok sa
kasayahan.
Limang (5) Matatalinong Dalaga-> ang mga matitiyagang naghintay sa lalaking ikakasal kaya nakadalo sa kasayahan at piging
Mga Tauhan
Limang (5) Hangal na Dalaga-> ang mga hindi nakapaghanda sa pagdating ng lalaking ikakasal kaya hindi PINAPASOK sa pagdiriwang
Mga Tauhan
Lalaking Ikakasal-> kilala sa bayan, ninais na makadalo ang lahat ng tao sa kanyang kasal
Mga Tauhan
Ito ay sapagkat sila na mga mangmang, pagkakuha ng
kanilang mga ilawan, ay hindi nagdala ng langis. Ang mga
matalino ay nagdala ng langis sa kanilang lalagyan kasama ng
kanilang mga ilawan.
Ngunit natagalan ang lalaking ikakasal.
Silang lahat ay inantok at nakatulog.
Ngunit mayroong sumigaw sa kalagitnaan na ng gabi. Kaniyang sinabi: Narito, dumarating na
ang lalaking ikakasal! Lumabas kayo at salubungin siya.
Bumangon ang lahat ng mga dalagang birhen at inihanda ang kanilang mga ilawan. Sinabi ng mga
mangmang na mga birhen sa mga matalino: Bigyan ninyo kami ng mga langis sapagkat mamamatay na
ang aming ilawan.
Sumagot ang matatalinong birhen:
Hindi maaari. Baka hindi ito maging sapat
para sa inyo at sa amin. Pumunta na
lang kayo roon sa mga nagtitinda at bumili kayo para sa inyong
sarili.
Ngunit nang sila ay umalis upang bumili, ang lalaking ikakasal ay dumating. Silang mga nakahanda ay pumasok na kasama ang lalaking ikakasal sa piging ng kasalan at ang pinto ay isinara.Maya-maya ay dumating ang ibang mga dalagang birhen. Sinabi nila: Panginoon, Panginoon, pagbuksan mo kami.Ngunit sumagot siya: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hindi ko kayo nakikilala.Magbantay nga kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras ng pagdating ng Anak ng Tao.
Mga Simbolismo:•Mga Birhen•Limang Matatalinong Dalaga at Limang Hangal na Dalaga•Lalaking Ikakasal•Kasal•Hatinggabi
•Apoy sa Lampara o Ilawan•Langis•Sisidlan ng Langis•Pagpinid ng Pinto
Gawain: Suriing mabuti ang mga sumusunod na collage at sagutin ang mga tanong na ibibigay ng guro
pagkatapos.Larawan 1: Mga opisyal na nakapayong at nakabota. Umuulan. Pinapayuhan ang mga tao na magsilikas na.Larawan 2: Pinagsasarhan ng pinto ang mga opisyales.Larawan 3: Mga taong nasa bubong at humihingi ng tulong.
Larawan 1: Mga opisyal na nakapayong at nakabota. Umuulan. Pinapayuhan ang mga tao na magsilikas na.Larawan 2: Sumama ang mag-anak sa opisyales.Larawan 3: Mga taong nasa evacuation center, ligtas, at humihigop ng sabaw.
Recommended