16

Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Parabula ng Sampung Dalaga
Page 2: Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Layunin:1. Masuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan, at kagandahang-asal.2. Masuri ang nilalaman, elemento, at kakanyahan ng binasang parabula gamit ang mga ibibigay na tanong.3. Mahinuha at maiugnay ang nilalaman, elemento, at kakanyahan ng pinanood na pelikula sa kasalukuyang panahon.4. Makasulat nang may maayos na paliwanag tungkol sa mga collage na may kaugnayan sa paksa.

Page 3: Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Talasalitaan:1. Tinanggap ng dalaga ang panunuyo ng binata.2. Naghintay ang dalaga sa pagdatal ng kanyang

mangingibig.3. Pinag-usapan na rin ang tungkol sa ipagkakaloob na

dote ng pamilya ng binata sa pamilya ng dalaga.4. Sa tahanan ng binata ay idaraos ang maringal na

kasalan.5. Ang limang hangal na dalaga ay hindi nakapasok sa

kasayahan.

Page 4: Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Limang (5) Matatalinong Dalaga-> ang mga matitiyagang naghintay sa lalaking ikakasal kaya nakadalo sa kasayahan at piging

Mga Tauhan

Page 5: Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Limang (5) Hangal na Dalaga-> ang mga hindi nakapaghanda sa pagdating ng lalaking ikakasal kaya hindi PINAPASOK sa pagdiriwang

Mga Tauhan

Page 6: Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Lalaking Ikakasal-> kilala sa bayan, ninais na makadalo ang lahat ng tao sa kanyang kasal

Mga Tauhan

Page 7: Ang Parabula ng Sampung Dalaga
Page 8: Ang Parabula ng Sampung Dalaga
Page 9: Ang Parabula ng Sampung Dalaga
Page 10: Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Ito ay sapagkat sila na mga mangmang, pagkakuha ng

kanilang mga ilawan, ay hindi nagdala ng langis. Ang mga

matalino ay nagdala ng langis sa kanilang lalagyan kasama ng

kanilang mga ilawan.

Ngunit natagalan ang lalaking ikakasal.

Silang lahat ay inantok at nakatulog.

Page 11: Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Ngunit mayroong sumigaw sa kalagitnaan na ng gabi. Kaniyang sinabi: Narito, dumarating na

ang lalaking ikakasal! Lumabas kayo at salubungin siya.

Page 12: Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Bumangon ang lahat ng mga dalagang birhen at inihanda ang kanilang mga ilawan. Sinabi ng mga

mangmang na mga birhen sa mga matalino: Bigyan ninyo kami ng mga langis sapagkat mamamatay na

ang aming ilawan.

Page 13: Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Sumagot ang matatalinong birhen:

Hindi maaari. Baka hindi ito maging sapat

para sa inyo at sa amin. Pumunta na

lang kayo roon sa mga nagtitinda at bumili kayo para sa inyong

sarili.

Page 14: Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Ngunit nang sila ay umalis upang bumili, ang lalaking ikakasal ay dumating. Silang mga nakahanda ay pumasok na kasama ang lalaking ikakasal sa piging ng kasalan at ang pinto ay isinara.Maya-maya ay dumating ang ibang mga dalagang birhen. Sinabi nila: Panginoon, Panginoon, pagbuksan mo kami.Ngunit sumagot siya: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hindi ko kayo nakikilala.Magbantay nga kayo sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras ng pagdating ng Anak ng Tao.

Page 15: Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Mga Simbolismo:•Mga Birhen•Limang Matatalinong Dalaga at Limang Hangal na Dalaga•Lalaking Ikakasal•Kasal•Hatinggabi

•Apoy sa Lampara o Ilawan•Langis•Sisidlan ng Langis•Pagpinid ng Pinto

Page 16: Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Gawain: Suriing mabuti ang mga sumusunod na collage at sagutin ang mga tanong na ibibigay ng guro

pagkatapos.Larawan 1: Mga opisyal na nakapayong at nakabota. Umuulan. Pinapayuhan ang mga tao na magsilikas na.Larawan 2: Pinagsasarhan ng pinto ang mga opisyales.Larawan 3: Mga taong nasa bubong at humihingi ng tulong.

Larawan 1: Mga opisyal na nakapayong at nakabota. Umuulan. Pinapayuhan ang mga tao na magsilikas na.Larawan 2: Sumama ang mag-anak sa opisyales.Larawan 3: Mga taong nasa evacuation center, ligtas, at humihigop ng sabaw.