4
[Type the document title] [Pick the date] Banghay Aralin I. LAYUNIN Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nasusuri ang tayutay ayon sa mga uri nito. b. Nakapagbibigay ng mga halimbawa sa bawat uri ng tayutay batay sa kanilang sariling pang-unawa. c. Nakapagsasadula ng maikling sitwasyon gamit ang iba’t ibang uri ng tayutay. II. PAKSANG ARALIN A. “Tayutay at mga Uri nito” (Figure of Speech) B. Kagamitan - Video Presentataion - Powerpoint Presentation C. Sanggunian - Emily Marasigan et-al, Pluma (Wika aat Panitikan), pahina 63 - 64 III. PAMAMARAAN A. Pagsasagawa ng mga pangaraw-araw na gawain: - Pagbati at pagdarasal - Pagtatala ng mga lumiban - Pagpapaayos sa silid aralan B. Pagbabalik aral ukol sa Pandiwa at 3 aspekto nito C. Pagganyak Magpapanood sa mga mag-aaral ng isang video presentation na kung saan ito ay naglalaaman ng isang kilalang musika. Ipasusuri ng guro sa mga mag-aaral ang mga pahayag na nakalagay dito gamit ang mga katanungang nakatala: a. Ano ang napansin ninyo sa mga salitang bumubuo sa kanta? b. Kaaya – aya ba itong pakinggan? c. Kung ikaw ang tatanungin bilang isang Pilipinong mag-aaral, maganda bang gamitin ang mga salitang ito sa kasalukuyang panahon? IV. PAGPAPAKILALA SA ARALIN Paghahanda - Sa tulong ng isinagawang pangganyak ay maipakikilala na ng guro ang panibagong aralin, ang “Tayutay at mga uri nito”. V. PAGTALAKAY

129258246 Banghay Aralin Sa Tayutay

  • Upload
    frances

  • View
    976

  • Download
    47

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Banghay Aralin

Citation preview

Page 1: 129258246 Banghay Aralin Sa Tayutay

[Type the document title][Pick the date]

Banghay Aralin I. LAYUNIN

Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:a. Nasusuri ang tayutay ayon sa mga uri nito.b. Nakapagbibigay ng mga halimbawa sa bawat uri ng tayutay batay sa kanilang sariling

pang-unawa.c. Nakapagsasadula ng maikling sitwasyon gamit ang iba’t ibang uri ng tayutay.

II. PAKSANG ARALINA. “Tayutay at mga Uri nito” (Figure of Speech)B. Kagamitan

- Video Presentataion - Powerpoint PresentationC. Sanggunian

- Emily Marasigan et-al, Pluma (Wika aat Panitikan), pahina 63 - 64III. PAMAMARAAN

A. Pagsasagawa ng mga pangaraw-araw na gawain:- Pagbati at pagdarasal- Pagtatala ng mga lumiban- Pagpapaayos sa silid aralan

B. Pagbabalik aral ukol sa Pandiwa at 3 aspekto nitoC. Pagganyak

Magpapanood sa mga mag-aaral ng isang video presentation na kung saan ito ay naglalaaman ng isang kilalang musika. Ipasusuri ng guro sa mga mag-aaral ang mga pahayag na nakalagay dito gamit ang mga katanungang nakatala:

a. Ano ang napansin ninyo sa mga salitang bumubuo sa kanta?b. Kaaya – aya ba itong pakinggan?c. Kung ikaw ang tatanungin bilang isang Pilipinong mag-aaral, maganda bang gamitin ang

mga salitang ito sa kasalukuyang panahon? IV. PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Paghahanda- Sa tulong ng isinagawang pangganyak ay maipakikilala na ng guro ang panibagong aralin, ang

“Tayutay at mga uri nito”.V. PAGTALAKAY

“Tayutay”- ay nagbibigay ng makulay at mabisang pagpapakahulugan sa tulong ng patalinghagang

pagpapahayag na kaiba sa karaniwang paaralan. Layunin ng tayutay na mapaganda at magawang mabisa, masining, at kawili – wili ang paglalarawan.

Mga Uri ng MatalinhagangPagpapahayag (Mga Tayutay)1. Pagtutulad (simile)

- naghahambing sa 2 magkaibang bagay, tao, o pangyayari. Ginagamitan ito ng mga salita’t pariralang: tulad ng, gaya ng, animo’y, mistula, tila, wari atbp.

Hal: Sina Jenina at Eloisa ay tila mga rosas na namumukadkad sa hardin.

Page 2: 129258246 Banghay Aralin Sa Tayutay

[Type the document title][Pick the date]

2. Pagwawangis (metaphor)- isang tuwirang paghahambing. Hindi ginagamitan ng mga pariralang: tulad ng, kawangis ng

gaya ng, atbp.Hal: Para kay Joyce, si Ariel ay isang Adonis.

3. Pagsasatao(personification)- pagsasalin ng mga katangian ng tao sa isang bagay. Naipapahayag ito sa pamamagitan ng

paggamit ng pandiwa.Hal: Ang puno ay marahang isinasayaw ng hangin.

4. Eksaherasyon o Pagmamalabis - lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari

atbp. Hal: Nabasag ang bambam ng tainga ni Gina sa sobrang lakas ng sigaw ni Mary Ann.

5. Paghihimig- Ito ang paggamit na salita na kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.

Hal. Ang aw-aw ng aso ang nagpagising sa kabahayan6. Pag-uyam

- Isang ironya na madalas ipinahihiwatig ang mensahe sa huli. Madals itong makasakit ng damdamin.

Hal. Ang gnada naman ng damit mo parang Christmas tree.7. Pagpapalit-Saklaw

- Isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggitHal. Limang kamay ang nakahawak sa aking balikat.

8. Pagtawag (apostrophe)- kahawig nito ang pagsasatao. Dito’y ginagawa ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila

ba nakikipag-usap sa isang buhay na tao.Hal: Buwan na kay rikit tanglawaan mo ang aking pusong naaguguluhan.

9. Paglilipat-wika (transferred epithets)- pagpapahayag na naglilipat sa mga bagay na walang buhay ng mga katangian na ginagamit

lamang ng tao. Ginagamit ang mga pang-uri.Hal: Ang kaawa-awang tsinelas ni Argie ay tinangay ng aso.

VI. Paglalahat

Ano nga ulit ang Tayutay? Anu-ano ang mga uri ng Tayutay?

1. IntegrasyonA. Gawain/Laro

Kung talagang naunawaan n’yo na nang husto ang ating aralin, magkakaroon tayo ng laro.MEKANIKS: Mayroon akong inihandang walong pahayag at tutu-kuyin ninyo kung saang Tayutay ito nabibilang. Ang klase ay mahahati sa dalawang pangkat. Magkakaroon ng tig-isang kinatawan sa bawat pahayag. Paunahan ang mga kinatawan sa pagsulat ng tamang sagot sa iny. Matapos na maibigay ang tamang sagot, pipili ang nanalong kinata-wan ng isang lobo at papuputukin niya ito. Sa loob ng lobo nakalagay ang kanilang puntos at mayroon ding sorpresa para sa kaniya.

Page 3: 129258246 Banghay Aralin Sa Tayutay

[Type the document title][Pick the date]

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang mga sumu- sunod na pahayag._____1. Ang buhay ng tao ay tulad ng isang Bangka. _____2. Si Lorna ang pulot na nagpapatamis sa buhay ko._____3. Nakapapaso ang init ng kaniyang pagmamahal._____4. O, kabaliwan! Kailan mo ba ako lulubayan?_____5.Kumakaway ang umaga at nagsasabing ang lahat ay may pag-asa._____6. Napakabilis talaga niya. Daig pa niya ang pagong kung kumilos.

_____7. Ang kaniyang buhay ay tulad sa isang nobelang kapana-panabik ang bawat eksena.

_____8. Ang daigdig ay isang tanghalan.

.VII. PAGTATAYA

PANUTO: Suriin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa sumusunod na mga pahayag sa kabiang pahina.Ilagay ang kasagutan sa patlang. (10 puntos)

______________ 1. Ang kanyang pisngi ay talulot ng rosas na ibig kong hagkan.

______________ 2. Buhay! Maglawit ka ng awa upang makapanlimos ang mga kahabag-habag na nilalang na umamot ng konting pag – asa mula sa iyo.

______________ 3. Maging ang langit ay pumikit na yata sa kaawa – awing kalagayan ng pamilya.

______________ 4. Tila ito isang patalim na gumutay sa durog.

______________ 5. Ang pagsisipag ang tulay sa aking pagtatagumpay.

______________ 6. Ang kanilang tahanan ay animo’y palasyo sa sobrang kalakihan.

_______________ 7. O, Buwan! Sumikat ka’t ako’y aliwin sa aking kalumbayan.

______________ 8. Kinakailangan pang bumaha ng dugo bago matigil ang kanilang init ng ulo.

______________ 9. Ang kahabag-habag niyang bulsa ay walang pera.

______________ 10. Hinaplos ng malamig nah angina ang marikit niyang mukha.

VIII. TAKDANG ARALIN

Basahin ang tulang “Babang Luksa” ni Diosdado Macapagal sa pahina 68, Pluma at isulat sa isang buong papel ang sariling pakahulugan sa bawat sanong.