Upload
jemimah-maddox
View
408
Download
1
Embed Size (px)
Citation preview
7/30/2019 Ang Aking Huling Paalam
1/5
ANG AKING HULING PAALAM
Originally written in Spanish, thisTagalog translation of the famed poem written by the
Philippine National Hero Dr. Jose Rizal's "Mi UltimoAdios" was done by the revolutionary hero Andres
Bonifacio.
Paalam, sinta kong Lupang TinubuanBayang sinagana ng sikat ng araw
Marikit na mutya ng dagat silangan
Edeng maligayang sa ami'y pumanaw.
Sa iyo'y handog ko ng ganap na tuwaMalungkot kong buhay na lanta at ab
Naging dakila man, boong pagnanasangIhahandog ko rin sa iyong paglaya.
Ang nangasa digmang dumog sa paglaban
Alay din sa iyo ang kanilang buhayHirap ay d pansn at d agam agamAng pagkaparool o pagtatagumpay.
Bibitaya't dusang linikh ng bangisO pakikibakang lubhang mapanganibWalang kailangan kung ito ang nais
ng bayan at madlang pinakaiibig.
Mamamatay ako, ngayong namamalasAng bukang liwayay na nanganganinag
ng minimith kong araw na ssikatSa likod ng dilm na kagulat gulat.
Kung ang kulay pula'y kinakailangan
http://kathangpinoy.blogspot.com/2011/07/mi-ultimo-adios-by-dr-jose-rizal.htmlhttp://kathangpinoy.blogspot.com/2011/07/mi-ultimo-adios-by-dr-jose-rizal.htmlhttp://kathangpinoy.blogspot.com/2011/07/mi-ultimo-adios-by-dr-jose-rizal.htmlhttp://kathangpinoy.blogspot.com/2011/07/mi-ultimo-adios-by-dr-jose-rizal.html7/30/2019 Ang Aking Huling Paalam
2/5
Upang itina mo sa iyong liwaywayDug ko'y ibub pangiti kong alay
Nang iyang sinag mo ay lalong dumingal.
Lagi kong pangarap mulang magkaisipMagpahangga ngayong maganap ang bait
Ay mapanood kang hiyas na marikitNang dagat silangang dito'y lumiligid.
Mata mong marikit sana'y lumigayaWalang bakas luha't puspos na ng sigla
Tingal ang noo, balisa'y wal na
Walang bahid poot wal nang pangamba.
Pangarap ng buhay! Marubdob kong nais,Ikaw ay lumusog, hiyaw ng pagibigng kalulwa kong gayak sa pagalis
Upang lumaya ka, buhay ay lumawig.
Kay tams malugmok, matanghal ka lamangMamatay ng upang mabigyan kang buhay
Mamatay sa silong ng langit mong mahalMalibing sa lupang puspos karikitan.
Kung sakasakaling sa aba kong libingMayuming bulaklak ay iyong mapansingSumilang sa gitn ng damong mahinhn
Hagka't ang halk mo'y aking tatanggapin.
Sa noo kong hap na doo'y ninidlpSa libingang hukay na lupang malamigAy tatanggapn ko ang iyong pagibigInit ng pagiliw ng nnintang dibdib.
Bayaan mong ako'y malasin ng buwan
7/30/2019 Ang Aking Huling Paalam
3/5
Nang kanyang liwanag na lubhang malamlamBayaang ihatd sa aking libingan
Mahinahong sinat ng kanyang liwayway.
Bayaang humibik ang simoy ng hanginAt kung may dumap sa Tanda ng libing
Na ano mang ibon, bayaang awitinng huning matimyas ang payapang aliw.
Bayaang ang araw na lubhang maningasUlan ay tuyuin, singaw ay itaas
Maging panganuri't dalisay na ulap
Kalangkap ang hibik ng aking pagliyag.
Bayaang ang aking maagang pagpanawItangis ng isang tapat na magmahal
Kung payapang hapon sa aki'y magalayng isang dalangin, ako'y patungkulan.
Idalangin mo rin ang kinapos paladNa nangamatay na, yaong nangaghirap
Sa tanang pasakit, at ang lumalangapNaming mga ina ng luhang masaklap.
Iyong idalangin ang bawa't ulilaAng nangapipit na nangagdurusa,Iyong idalangin sana'y matubos ka
Sa pagkaaliping laong binabata.
Kung nababalot na ang mga libinganng sapot ng gabing payak kadiliman
Kung wala ng tanod kund pawang bangkay,Huwag gambalain ang katahimikan.
Pakimatyagan mo ang hiwagang lihim
7/30/2019 Ang Aking Huling Paalam
4/5
At mapapakingan lungkot ng tagintingng isang kudyapi, ito ay ako rin
Inaawitan ka ng boong paggiliw.
Kung ang libingan ko'y limot na ng madlaAt wala ng kuros ni bato mang tanda
Sa nangagllinang ay ipaubayangBungkali't isabog ang natimping lupa.
Ang mga abo ko bago pailanlang Mauw sa wala na pinanggalingan
Ay makalat ulng parang kapupunan
ng iyong alabok sa lupang tuntungan.
Sa gayo'y wala nang ano man sa akingAko'y limutin mo, aking lilibutin
Yaong himpapawid, kaparanga't hanginAt ako sa iyo'y magiging taginting.
Bango, tingig, higing, awit na masayaLiwanag at kulay na lugod ng mata,
Uulit ulitin sa tuwtuw naAng kataimtiman ng aking pagsamba.
Sintang Pilipinas, Lupang TinubuanSakit ng sakit ko, ngayon ay pakingan
Ang hulng habilin: Sa iyo'y iwanAng lahat ng lalong inirog sa buhay.
Ako ay ttungo sa bayang payapaNa walang alipi't punong mapangaba
Doo'y di nanatay ang paniniwalaAt ang naghahari'y yaong si Bathala.
Paalam na ako, magulang, kapatd,
7/30/2019 Ang Aking Huling Paalam
5/5
Bahagi ng puso't unang nakanig,Ipagpasalamat na ako'y malingd
Sa buhay na itong puspos ng ligalig.
Paalam irog kong Banyagang hirangAking sinisinta, aking kasayahan.
Paalam sa inyo mga minamahal Mamatay ay ganap na katahimikan.