Upload
zheet
View
3.259
Download
12
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Citation preview
Ang Alamat
ng Panyo
NiZuesette O. Esacala
Beed3-1n
MAY ISANG BAYAN SA PAANAN NG BUNDOK APO
Napangangalagaan nilaang kanilang likas na yaman at nagkakaisa ang bawat mamayan sa bayang iyon.
Ito ay ang bayan ng Roro
Sa kabila ng kagandahan at kaayusan ng
bayang iyon ay nagtatago ang kahinaan ng bawat isa
tuwing may unos na dadaan sa
kanilang bayan ay madali silang matinag at sumuko.
Si Oyo ay magiting at mabuting pinuno ng bayan ng Roro , takbuhan ng mga mamamayang nawawalan n ng pag-asa at sandigan ng kanyang nasasakupan. Sya ay nahirang upang mamuno ng kanyang bayan dahil na rin sa kanyang kahusayan sa pag papayo at paghahanap ng solusyon sa lahat ng problema.
Sa tuwing sya ay nag bibigay payo ay nag
bibigay din sya ng bahagi ng kanyang kasuotan upang lalong lumakas
ang loob ng taong humihingi sa kanya ng payo. “aking mahal na
mamamayan tanggapin mo ang kapirasong telang ito na syang tutulong sau upang
tumatag ka at malabanan mo ang iyong labis na
kalung kutan.”
Ang kapirasong telang iyon ay doon lumuluha ang mga tao ng panandalian at pagkatapos ay susunugin na upang mawala ng tuluyan ang kanilang mga pangamba.
Ngunit isang araw ay may dumating na mga dayuhan galing sa bundok ng Tralala, nais nilang masakop at makapag ipon ng maraming luha upang ito ay mapuno sa kanilang mahiwagang “jar” at sa oras na mapuno ito ng mga luhang may takot at pangamba ay muling mabubuhay si Haring Trala. Ang sisira at mananakop ng lahat ng bayan sa buong daigdig
“sakupin at lipulin ang lahat ng bayan at buhayin akong
muli sa pamamagitan ng mga luha ng mga duwag at mahihina ang loob bwahahahaha!”
sabi ng tinig na nagmula sa mahiwagang “jar”. “RRRHHHAAAWWRRR!”
paghuhumiyaw ng mga kampon ni haring Trala.
Dahil sa pagnanais ni pinunong Oyo na maligtas
ang kanyang bayan y sinira nito ang lahat ng kanyang kasuotan at ibinahagi sa
lahat ng mamayang luhaan at nawawalan na ng pag-
asa
Pinipigilan ni pinunong Oyo na mapuno ang mahiwagang “jar”. Na bubuhay kay haring Trala
nalaman nga ng mga kampon ni haring Trala ang ginagawa ni
pinunong Oyo ay pinahuli sya at pinapatay sa pamamagitan ng
Paglublob sa kanya sa ilalim ng
ilog Timpi hanggang sa
sya ay mawalang ng malay at
pinabagsakan sya ng troso sa kanyang
katawan
Dahil sa nagyari ay nalumbay at naghiganti at pinatay ng dyosa
ng kagubatan ang mga kampon ni Trala maging ang mahiwagang “jar”
ay kanya ding winasak .
“ dahil sa ginawa nyo sa aking bayan at aking pinaka tapat na alipin
ay parurusahan ko kayo!” at noon ay naglaho nalamang silang parang bula.
Samantala ang ilang mamamayan ng Roro ay binabantayan ang nakaratay nilang
pinuno . “Pinuno! Wag mo kaming iiwan ipangako mo.”
sambit ng kanilang babaylan. Ngunit bago pa man malagutan ng hininga si pinunong Oyo ay nag bilin
ito ng napakahalagang bagay “ aking mahal na nasasakupan nais kong laging ninyong itaninm sa inyong isipan ang aking kaisaisang payo na ugaliin nyong pahiran ng mga kapirasong tela ang inyong
mga mata sa tuwing kayo ay tatangis pagkat naniniwala ako na magbabalik at mabubuhay na ngang muli si haring Trala oras na mapuno ang
mahiwagang “jar” “ at noon nga ay nalagutan ng hininga si pinunong Oyo at lumitaw ang diwata ng kagubatan upang kunin ang mga labi ng pinuno at nagsambit na “pangalagaan nyo sana ang bayang ito at pakatandaana ang payo ng aking tapat na alipin”, at naglahong kasama ng diwata ang mga
labi ni pinunong Oyo.
Mula noon ay inalala na ng mga tao ang kaisa isang
payo ni pinunong Oyo
ang pagpapahid ng luha ng
mamamayan ng Roro
at tinawag nilang payo ni
Oyo ang kapirasong
telang ipinapahid nila
sa kanilang mga mata na di naglaon ay
naging “panyo”
Aral laging magpakatatag sa lahat ng bagay dahil ang sarili nating kahinaan ang magdadala ng mga bagay na makakapag pahirap pa sa ating kalooban na magreresulta sa lalong pagbigat ng ating problema.
WAKAS…