Upload
anne-jasmin-padilla
View
928
Download
18
Embed Size (px)
Citation preview
“Ang Alamat ng Pako “
Nilikha ni:
Anne Jasmin S. Padilla
BEEd 3-1N
Bakit nga ba may salitang “PAKO”?
Paano nga ba nagkaroon ng Pako?
Saan nga ba ito nagmula?
Tara at Halina’t tuklasin natin ang mahiwagang
misteryo kung paano nagkaroon ng Pako! ☺
Noong unang panahon, sa
isang hindi kalayuang baryo ng
Bulakan ay may Pamilyang
naninirahan doon. Ang mag asawang sina Pacing at
Abiong ay may sapat na kakayahan sa kanilang baryo.
Sila ay biniyayaan ng tatlong anak na nagngangalang
sina Pilar ang panganay na anak, si Ambrocio na ubod
ng sipag at ang kanilang bunso na si Kody.
Isang araw sa kalagitnaan ng
tanghalian ay tinawag na ni Picing ang
kanyang mga anak sa paglalaro upang
kumain na ng hinanda nitong tanghalian.
“Pilar! Halina kayo dito ng mga kapatid mo
at tayo’y kakain na.” agad namang kuripas
ng takbo ang tatlong magkakapatid na
gutom na gutom na dahil sa paglalaro ng
mga ito.
“Oh Ambrocio ikaw na ang mag-umpisa ng panalangin” aniya
ni Abiong. Pagkatapos magdasal ay kumain na ang mga ito.
Napansin ni Picing na kumakain ng nakakamay si Kody na hindi
man lang hinugasan ang mga kamay nito. “Kody! Bakit kumakain
ka na naman ng nakakamay nang hindi pa naghuhugas ng
kamay?” pansin na sabi ng Ina na si Picing.
“eh inay, gutom na gutom na
ako kaya hindi ko na inatubili
na maghugas pa ng kamay” tugon ni Kody sa kanyang
ina. “ilang beses ko na bang pinaalala sayo na bago kayo kumain
ay maghuhugas muna kayo ng kamay, Bakit ang mga kapatid mo
hindi nila nakakaligtaan ang paalala kong iyon?” at umoo na
lamang si Kody sa mga Sermon ng kanyang Ina.
Pagkalipas ng ilang araw, kakauwi lang ng
magkakapatid galing sa eskwelahan nang “Kody ano ka ba
naman, di’ ba sabi ni itay ay ilagay ang sapatos sa lalagyan
nito pagkatapos gamitin? Eh bakit nandyan sa labas yung
sayo?” wika ni Pilar. “oo nga Kody, maaaring manakaw pa yang
ng mga gangster at jejemon dyang sa labas kung iiwan mo
iyan at wala tayong Surveillance Camera sa labas ng bahay
natin.” sabat ni Ambrocio.
“Eh wala pa naman sina itay at inay eh.
Malay ba nila saka Ate at Kuya, ngayon lang naman
ulit eh. Sige na at pagod na ako eh.” sagot ni Kody sa
kanyang mga nakatatandang kapatid. At napailing na
lamang ang magkapatid sa katwiran nito. Makalipas
ang ilang oras, dumating na sina Abiong at Pacing
galing sa palengke. Muntik ng matalisod si Abiong
dahil sa sapatos na nakakalat sa pinto.
“Kody! Nasaan ka?” Pasigaw na sabi ni Abiong. “nandito pa ako
itay, Bakit ho ninyo ako tinatawag?” sagot ni Kody. “Aba! Kody
ilang ulit ko bang sinabi sayo na pagkagaling ninyo sa
eskwelahan ay ilagay mo ang iyong sapatos sa dapat kalagyan
nito. Alam mo bang muntik na akong
matumba dahil sa sapatos mo.”
paalala na sabi ni Abiong. At muli
ay umoo na lamang si Kody sa mga
sinabi ng kanyang itay na wari’y
naiintindihan niya.
Dumaan ang ilang linggo, nang magulat na lamang ang
magkakapatid na may kasamang matandang gusgusin
ang kanilang magulang. “Inay, Itay, Sino po siya?”
tanong ni Pilar. “mga anak siya si Lola Yuganda, nakita
namin siyang natumba sa daan. Kaya napagdesisyon
namin na dito muna siya mamamalagi pansamantala.”
paliwanag ni Abiong sa kanyang mga anak.
Sinamahan na ni Picing si
Lola Yuganda sa tutulugan nito. Habang
nagpapahinga ito, nagtipon ang
pamilya sa kanilang sala upang pag
usapan ang pag alaga at skedyul sa
klinika para kay lola Yuganda. “Mga
anak, kailangan nating maipatinggin si
lola yuganda sa klinika linggo-linggo
para gumaan ang pakiramdam nito.”
wika ni Abiong.
“Pacing, ikaw ang unang sasama kay lola yuganda sa
klinika okay. At ikay naman ang susunod na sasama
Ambrocio, maliwanag? At sa huling tsek-up nito ay si Kody
naman ang sasama. Nakuha niyo?” Utos at paalala ni
Abiong sa kanyang mga anak. “Opo” Sabay na sagot ng
magkakapatid. “Siguraduhin niyong hindi niyo ito
makakalimutan dahil ito ay importante at ayoko
mapahamak si lola yuganda niyo.” paalalang sabi ni Pacing.
Dumating ang mga araw at nagawa ng maayos ang bilin ni
Abiong kay Pilar at Ambrocio na samahan sila lola yuganda sa
klinika ara sa check-up nito. Nang si Kody na ang nakatoka,
umalis ito saglit at nagpaalam. “Lola Yuganda may bibilhin po
muna ako sa labas bago tayo umalis. Babalik po ako kaagad”
paalam ni Kody. “Oh siya sige, dalian mo lang ha para hindi
tayo ma-late sa klinika.” sagot ni lola Yuganda.
“Opo lola Yuganda,
pangako po” sambit ni Kody.
Pagkatapos ay dali dali itong
pumunta sa tindahan upang bumili ng pagkain nang may
napansin itong bagong Arcadedan sa tabi ng tindahan. Agad
itong pumnta at naglaro ng Tekken 6 sa Arcadedan. At doon ay
nakalimutan na nitong samahan si Lola yuganda sa klinika para
magpacheck-up.
Nakita ni Picing na nanghihina
at nakahiga na sa sahig si Lola
Yuganda. Agad naman niya itong
dinala sa klinika para pagtignan ang kalagayan nito.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay napagalitan na naman
si Kody dahil sa kapabayaan nito kay Lola Yuganda. At dahil
dun, si lola Yuagan ay isa palang Diwata.
“Akoy pinadala ni Bathala upang ika’y
subaybayan kung ika’y magbabago pa ngunit sa
mga ipinakita mo ay mukhang kailangan kang
bigyan ng leksyon. Ikaw ay magiging isang bagay
na kailangang pukpukin upang maipasok o
lumubog ito sa isang bagay at ito ay tatawagin
kong Pako dahil Hindi mo isinasapuso at ginagawa
ang lahat ng Paalala sayo Kody. Nawa itong
pagsubok na ito ay maging isang leksyon sayo.”
Parusang sabi ni Diwatang Lola Yuganda.
Hindi na muling nakapagsalita si Kody
dahil ito ay naging isa ng Pako na may
matulis sa hulihan ay may ulo sa sa
unahan. Simula noon si Pako ay nakapako
sa pinto na may nakalagay na karatulang
“Paalala kay Kody”. Na hindi kalaunan ito
ay naging PAKO.