32

Click here to load reader

Ang Gateways Final

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Gateways Final

SAES Pangalawa Sa NAT

Nabalot ng galak ang unang buwan ng pasukan sapagkat isang karangalan ang hatid nito Pangalawa ang San Antonio Elementary School sa Distrito ng San Pedro sa kinalabasan ng pagsusulit sa NAT o National Achievement Test na ginanap noong Marso 5. Ang 233 batang mag-aaral sa ika anim na baitangsa taong panuruan 2009 – 2010 ay nagkamit ng kabuuang mean na 55.74 sa limang asignatura tulad ng Filipino 70.11, Hekasi 60.46, Math 59.52, English 45.20 at Science 43.40. Laking pasasalamat sa Poong Maykapal ng mga mag – aaral, guro at pamunuan ng paaralan sa nakamit na tagumpay. Ang lahat ay utang sa mga guro ng ika- apat , ika- lima at ika- anim na baitang; na isinakripisyo ang araw ng Sabado upang masinsinang magbalik – aral sa mga nabanggit na Aralin. Layunin ng bawat guro na manatili ang SAES sa puwesto kaya ngayon pa lamang puspusan na ang pagtutok sa mga mag – aaral sa ika – anim na baitang. Ito ay iniuukol sa balik – aral para sa NAT na ibibigay sa Marso sa susunod na taon. Ang NAT ay taunang pagsusulit na ibinibigay sa lahat ng mag aaral sa ika – anim na baitang sa buong Pilipinas. Layunin ng NAT na sukatin ang kakayahan ng mga bata sa pag – unawa at kaalaman sa iba’t – ibang aralin na dapat matutunan ng isang bata sa elementary at pagtukoy na rin sa kahandaan ng mga nito para sa panibagong hakbang ng edukasyon ang sekundarya.

Gateway staffers, Humataw sa Pamamahayag Lahat ng mamamahayag ng Gateway English at Filipino ay kabilang sa delegado ng San Pedro para sa nalalapit na Pansangay na kumperensya sa Oktubre 7-9, na gaganapin sa San Pedro Central School.. Ambag ng bawat isa ang tagumpay dahil sa ipinakitang kakaibang husay at galing sa pagsulat at maging sa pag – uulat sa ginanap na District Press Conference on Campus Journalism na inilunsad sa Paaralang Sentral ng San Pedro noong Setyembre 9 – 11.Nakamit ni Jayson Uy ang unang puwesto para sa feature writing (English), Ikalawang puwesto sila Clarisse Delos Santos News writing(English) , Virginia Herrera Editorial Cartoning(English) at si John Veil Ambayec para sa Sports Writing ( Filipino ) , nakuha din nina Edelyn Valdez para sa Copy Reading at Headline Writing (English) at Kim Sarel Corona ng Sports Writing (English)ang ikalimang puwesto at ang pang - anim na puwesto naman si Jamie Palo para sa News writing ( Filipino ) , Ika – walong puwesto nakuha nila Ayla Marie Pena , Editorial Cartooning ( Filipino ), John Nichol Allayban, Copy Reading and Headline Writing ( Filipino)Photo Journalism , Christine Cecy Lizarda ( Filipino ),at Dan Ismeralda De Leon (English). Ika – syam na puwesto si Marjorie Angob para sa Editorial writing{ Filipino )at Maureen Balalilhi para sa feature ( Filipino ) na nasa ika – sampung puwesto, at para sa Broad Casting nasungkit ni Christopher Mendoza ang “Best Anchor” at pangalawang puwesto rin ang grupo nito sa broadcasting. Sa kabuuan nakamit ng San Antonio Elementary School ang ikatlong puwesto.

Page 2: Ang Gateways Final

Bagong Pamunuan ng GPTCA, Hinirang Nagkaroon ng GPTCA ( General Parents Teacher Community Association ) meeting sa SAES nitong ika- 20 ng Hulyo. Nagsimula ang pagpupulong sa ganap na ika 4: 00 ng hapon.Sa panguguna ni Gng. Dolores P. Ante na kasalukuyang OIC ng paaralan. Nahalal na mamumuno ng samahan ng GPTCA PANGULO : Geraldine Valdez PANGALAWANG PANGULO: Noel AducalKALIHIM: Bernadeth C. CalaminosINGAT YAMAN: Aurora VillateTAGASURI: Shernon De Jesus Sr. BOARD OF DIRECTORS: Ruel O. Dayapan, Rhea L. Panopio, Ma. Fe D. Carpio, Elizabeth M. Licop, para sa samahan ng mga guro. Cecilia Papa, Rubina Custodio, Dionisio Custudio, Melinda Flores Armida

Ang Gateway Staffers , Itinalaga

Ang Gateway, ang opisyal na pahayagan pampaaralan ng San Antonio nag talaga ng bagong pamunuan noong Hunyo 18.Sa kadahilanang halos lahat ng miyembro ay nagtapos na at pawang mga bago ang natira , pati na rin ang tagapayo na si Gng. Emma G. Honrada.Ito ang mga batang manunulat na magpatuloy sa pangangalap at magpapalaganap ng isyu sa loob at labas ng paaralan.Si John Nichole Allayban ang Patnugot, Marjorie Angob, Ikalawang Patnugot, Mga tagasulat ng balita Jamee Marie Palo, Cherry Joy Cortez at Patricia Bismar, lathalain Maureen Balalilhi, balitang isports John Viel Ambayec , editoryal Kartuning AylaMariePeňa pagkuha ng larawan Christine Cecy Lizarda at Neil Patrick Abergas.Umpisa pa lamang ng pasukan tinipon at sinanay na ni Gng. Honrada ang mga mamahayag bilang paghahanda para sa pagsisimula ng bagong lawak sa pahayagang pampaaralan.

Catechetical Awareness Day, Dinaluhan “Catechesis by the family for the family” Ito ang temang tampok sa naturang pagdiriwang ng San Pedro Parish sa inilunsad na Catechetical Awareness Day noong ika- 25 ng Setyembre, na ginanap sa San Pedro Central Elementary School. Ang okasyong ito ay dinaluhan ng mga mag – aaral na nasa ika- lima at ika- anin na baitang ng San Antonio Elementary School at marami rin ang nakiisa. Sinimulan ito ng isang parada sa loob ng Paaralan ng Sentral at kasunod ang banal na misa , na pinamumunuan ni Reverend Father Michael Brosas. Nagkaroon ng ibat- ibang palaro tulad ng Poetry Reading , Drawing at Pinoy Henyo, na sinalihan ng mag- aaral ng San Antonio. Layunin ng programang ito ay maibabahagi ang mabubuting asal na gawin ang nararapat pagmamahal kay Hesus. “Masaya kami na isa sa mga sumali dito ay ang San Antonio “sabi ni Sister Antonia. Sister Antonia Tercero ang isa sa mga catechista ng San Antonio.

Gurong Tagapag- ugnay Dumalo sa Regional NEPP

Gng. Lailyn Vinzon tagapayo ng ika – limang baitang dumalo sa National English Proficiency Program na ginanap sa Tagaytay noong Setymbre 12- 18. Ang programang ito ay inilunsad para maka tulong sa pagpapaunlad ng Edukasyon sa bansa. Sa pitong araw na pamamalagi nila sa Tgaytay, nagbalik - aral sila tungkol sa ibat- ibang prong sa pagtuturo ng wika at iba’t – ibang pamamaraan o istratihiya , teknik sa pagtuturo ng English. dalawa sa mga naging tagapagsalita sa nasabing programa ay sina Dr. Paraluman Giron, Director of Dep Ed Region IV, Agnes Rolle , Regional Supervisor.

Page 3: Ang Gateways Final

Bagong Pamunuan ng GPTCA, Hinirang Nagkaroon ng GPTCA ( General Parents Teacher Community Association ) meeting sa SAES nitong ika- 20 ng Hulyo. Nagsimula ang pagpupulong 4: 00 ng hapon.Sa panguguna ni Gng. Dolores P. Ante kasalukuyang OIC ng paaralan. Nahalal na mamumuno ng samahan ng GPTCA PANGULO : Geraldine Valdez PANGALAWANG PANGULO: Noel AducalKALIHIM: Bernadeth C. CalaminosINGAT YAMAN: Aurora VillateTAGASURI: Shernon De Jesus Sr. BOARD OF DIRECTORS: Ruel O. Dayapan, Rhea L. Panopio, Ma. Fe D. Carpio, Elizabeth M. Licop, para sa samahan ng mga guro. Cecilia Papa, Rubina Custodio, Dionisio Custudio, Melinda Flores Armida Pingco Romano Lamano para sa naman sa samahan ng mga magulang. Buwan ng Nutrisyon, Ipinagdiriwang,

Nagdiwang ng taunang programa para sa buwan ng Nutrisyon noong ika- 30 ng Hulyo .Inumpisahan ito sa pamamagitan ng isang parada ng mag – aaral, baitang 1-6 kabilang ang kinder.Alinsunod sa programang ito ay nagkaroon ng paligsahan, sa essay writing, slogan, poster making at pinakatampok sa lahat ay ang 1- child.Ang mga nagwagi sa timpalak ay sina Angela Abion (essay writing ), Virgina Herrera ( poster making ), Jamine Rabanal ( slogan ). Kier Sillon (Mr. A- 1 child ) na nasa ika – anim na baitang, at Grace Holaon ( Miss A- 1 child) na nasa kinder.Ang tema ng programang ito ay Sa Pagkaing Tama at Sapat Wastong Timbang ni Baby ang Katapat.Layunin nito na mahikayat ang lahat ng mag – aaral na kumain ng masusustansyang pagkain.

SAES, Hindi Nagpahuli sa Ibat- ibang PaligsahanNakilahok sa Science at Mathematics Olympiad ang mga mag – aaral ng San Antonio Elem.Sch.Kabilang sa mga nakilahok ay sina Angela Abion, Jhonviel Ambayec at Jhon Nichole Allayban na pawang nasa ika – anim na baitang. Steven Palivino naman na nasa ika- limang baitang.Nasungkit ni Steven Palivino ang pangalawang parangal para sa Mathematics. Pangatlong puwesto naman si Jhon Veil Ambayec para sa Sci. Dama.

Bismar at Herrera Nakipagtagisan sa STEP SkillsNakipagtagisan ng husay at galing sina Patricia Bismar para sa Flower Arrangement at Virgina Herrera naman sa Fabric Painting . Kapwa nakamit ang unang puwesto sa ginanap na Steps Skills kumpetisyon noong Agosto 27, sa Paaralang Sentral ng San Pedro.Napiling kalahok din sila para sa pang - yunit na paligsahan na ginanap sa Cabuyao Central noong Setyembre 9. Muling nagpakita ng kahanga – hangang likha ang dalawa, kaya nasungkit ng ikalawang puwesto.Mathematicians Humakot ng ParangalMuling namayagpag ang mga mathematicians ng San Antonio dahil sa nakamit na mga parangal sa “Math Quest” na ginanap sa San Pedro Central noong Agosto 20. Mula baitang I hanggang baitang VI at pati na rin mga guro humakot ng parangal sa patimpalak na ito . Ang mga nanalo ay ang mga sumusunod Baitang - I , Rodnick Delos Reyes ( Math Quiz Bee)1st place, Baitang - II Al Vincent Balalilhi ( Mathrathon ) 1st place at ( Speed and Accuracy) 2nd place, Baitang – III Ivan Timbang ( Mathrathon ) 3rd place at Phatrix Nicole Ponce ( Math Quiz Bee) 1st place district at division contest, Baitang –IV Cristyl Cortez ( Math Quiz Bee )1st place at Ayla Marie Peňa ( Mathrathon) 3rd place, Baitang –V Jennyveyb Balalilhi ( Math Quiz Bee) 3rd place , Baitang –VI Maureen Balalilhi (SUDOKU) 2nd place at Clarrise Delos Santos , John Viel Ambayec at Dante Guerrero ( Math Investigation ) 1st place, at para sa mga guro nakuha nina Candy Pearl Cabag , Emlyn Gazzingan at Normilyn Aracan ( Math Investigation ) 3rd place at 4th place si Mr. Anthony Diu para sa SUDOKU , pati na rin ang Mr. Geometry First Runner up ng Mr. Mathematics. Nang dahil sa mga karangalang ito, dito sumiklab ang usap – usapan na “ Math Country “ ng San Pedro. Bakas sa mukha ang tuwa ng bawat isa sa mga naiuwing tagumpay.

Page 4: Ang Gateways Final

Mathematicians masayang – masaya sa mga samu’t – saring parangal na nakamit sa Math Quest, Agosto 20.

Weekend Homework Memo, Pinalagan ng mga Guro

Patuloy na hindi nakakasundo ni Department of Education ( Dep Ed ) Secretary Bro. Armin Luistro ang mga empleyado at guro ng ahensya dahil sa hindi pagsasaguni sa mga ito makaraang palagan ng mga huli ang bagong memorandum na inilabas ng una na nagbabawal sa pagbibigay ng takdang - aralin sa mag - aaral tuwing Biyernes .Sinabi ng teacher Dignity Coalition ( TDC ) na hindi nanaman nagkaroon ng kunsultasyon si Luistro at opisyales nito sa mga guro bago inilabas ang naturang memorandum.Sinabi ni Emmalyn Policarpio na importante na malaman rin ang kanilang opinion dahil sa silang nakakaalam ng tunay na sitwasyon ng mga mag – aaral. Ayon pa dito hindi umano tama na tuluyang ipag- bawal ang pagbibigay ng asignatura sa mga mag- aaral tuwing Byirnes, na ikinatuwiran nina Luistro ay upang makapag bonding ang mga magulang sa mga anak at makapaglaro ang mag – aaral.Sinabi ni Policarpio na isang uring bonding ang pagtuturo ng magulang sa kanilang mga anak sa kanilang asignatura. Idinagdag pa nito natanging Sabado at Linggo lamang may panahon ang mga magulang sa kanilang anak upang turuan ang mga ito ng mahaba sapag aaral kaysa sa regular na mga araw kung saan marami sa mga ina at ama ay nasa trabaho at pagod na pagod na pag – uuwi ng kanilang tirahan. Mas makakabuti kung isinunod na lamang sa memorandum order 392 na bawasan ang pagbibigay ng mahabang mga asignatura at mga gagastusan ng mga magulang habang dapat bawasan ang asignatura tuwing Lunes at Martes. Nasaklawan rin umano nito ang kanilang Academic Freedom sa pagtuturo sa mga estudyante at magugulo rin umano ang iskedyul ng kanilang sinusunod na kurikulum dahil sanaturang kautusan.

Ipinapakilala : Mga Bagong Guro sa SAES Mula sa Grade I – 8 ( Paterno ). Si Bb. Joy O. Balota ay ipinanganak sa Bukal, Cavinti, Laguna noong Agosto 30, 1985.Nagtapos sa Laguna State

Polytechnic College sa kursong BSED. Anak nina Gilmore T. Balota at Josefina B. Oliveros. Itinanong ko kung , Masaya siya dito. Ito ang sagot niya, Isang karangalan ang mapabilang sa paralang ito. Ang motto niya sa buhay ay, Well done is better than well said.

Ang kasunod ay isang bagong mommy ng isang malusog na baby boy siya ay si Gng. Heidy T. Viterbo mula sa Balagtas, Pila Laguna, tagapayo ng Baitang II-6 (Santan). Nagtapos sa New Era University sa kursong BEED, anak nina Entiquio at Jessie Trinidad, isinilang noong January 2, 1979 sa Santa Cruz, Laguna.

Ito ang kanyang pahayag tungkol sa ating paaralan, isang kahanga – hangang paaralan kung saan maraming bagay ang matutunan ng mga mag aaral at malinanangin ang kanilang talento. Mahuhubog ang tiwala sa sarili upang hanapin ang mga pagsubok sa buhay sa pamamagitan ng mga mahuhusay at masisipag na mga guro. Ang magandang samahan ng mga guro dito.

Gng. Gemma Pena ang bagong tagapayo ng Baitang III – 7 ( Amenity ). Nagtapos ng AB Political Science major of Arts sa Catanduanes States College noong 1989.Kumuha ng units ng BEED sa Central Lyceum Of

Page 5: Ang Gateways Final

Catanduanes para maging isang ganap guro.Isinilang noong Mayo 24, 1968 sa Bato, Catanduanes.

Isang mabuting maybahay ni G. Jose Pena at sa tatlo nitong anak. Kontento at Masaya na siya sa kanyang pagtuturo.

Stand for Truth and Righteouness ang motto ni Gng. Emma G. Honrada, tagapayo ng Baitang IV – 2 ( St. Joseph). Nakatira sa Pacita Complex I. Isinilang noong ika- 17 ng Oktobre 1980, sa Bacolod City. Nagtapos ng kursong BEED sa University of Negros Occidental Recoletos. Tatlong taon nagtrabaho sa Dubai ngunit bumalik sa Pilipinas, dahil ang pagtuturo ang gusto niya sa buhay. Siya ang bagong tagapayo ng “Ang Gateways” pahayagan ng San Antonians.

Nagmula sa Bayanbang , Pangasinan si Redilyn D. Lavarias gurong tagapayo ng Baitang IV – 4 ( St. Peregrine ). Pang walong anak nina Reno G. Lavarias at Angelita Lavarias. Isinilang noong ika 3 ng Mayo, 1985 ,nagtapos sa kursong BECE. Paboritong assignatura niya ay Mathematica, sapagkat pinapangarap niya n asana mging accountant. Tungkol naman sa

mga kapwa ko guro sila ay may pag galang sa karapatang pantao.SAES ang isang lugar na kung saan ng mga mag – aaral ay maaari ng magpahayag o magpakita ng kanya – kanyang mga talento. Ang sabi ni Bb. Lavarias.

Math at Literature ang paboritong assignatura ni Candy Pearl N. Cabag ang batang – batang guro. Anak nina Felix at Leah Cabag. Isinilang noong Pebrero 26, 1987 sa Cebu City.Nagtapos siya sa Philippine Normal University, Manila sa kursong BEED.Ang SAES ay isa sa masipag ng Distrito ng San Pedro dahil nakikitaan ng mga potensyal ang mag – aaral maging sa iba’t – ibang assignatura,lalo’t higit sa Mathematika dahil sa tinaguriang “Math Country” ng San Pedro ito, buong siglang sinabi ni Bb. Cabag.

Mensahe ng Tagapamatnubay

Malugod ko kayong binabati sa inyong walang sawang pagbibigay impormasyon tungkol sa mga kaganapan sa ating paaralan. Kahit wala pa ang ating punongguro, hindi tayo nagpapabaya sa ating tungkulin at responsibilidad. Sa katunayan humakot ng maraming parangal ang ating paaralan sa ibat- ibang asignatura tulad ng English, Filipino, Science, Hekasi, EPP at Math na kung saan binansangan tayong Math County ng San Pedro at hindi lang ‘yan hindi rin tayo nagpapahuli sa larangan ng Journalism. Lahat ng mga batang sumali ay may kanya – kanyang puwesto. Yan ang pinatutunayan niyo na may” K” tayo. Kaya, muli maraming salamat sa pakiki – isa , Nawa’y malayo pa ang marating ninyo. Mabuhay kayong Lahat.Dolores P. Ante Tagapamatnubay / OIC

SAMPAGUITA ni: Ian Clark YbaňesBulaklak na puti,Sagisag ng gating lahi:Maganda na’y mabango pa.Tunay na kaaya- aya

Halina’t iyong pitasinAt isa- isang tuhugin:Kapag ito’y kuwintas na,Isabit sa leeg ng dalaga.

Page 6: Ang Gateways Final

ULAN, ULANni: Julius Cezar SabadoUlan, o ulanIkaw ay pumatakIbig ng uminomNg mga bulaklak;

Kapag nagtagal ka’tDi dumating agad,Lanta ng talulotAy mangalalagas.

DUNONGni: Jessa MalolesAng dunong ay isang kayamanan na di mabibili kahit saan man:Di katumbas ng ginto’t pilak Di mananakaw ng sinumang sukab.Sino mang marunong sa lupaAy taas ang noo sa pakikibaka;Di kinakapos ng isip at dila.Kahi’t na sino’y hindi maalipustaAng taong mahirap sa balat ng lupa kung wala pang dunong ay tutoong aba;Kaya kabataan, tayo’y magsumikap Hangaring dumunong kahit walang pilak.

Isang Paaralanni : Frances Anne Claire ReyesSa murang kaisipan dulot mo’y buhayBinibigyang tanglaw , isip, binubuksan Diwa’y ginigising at ang walang malayDunong ay handog mo sa kanilang laan,Mgandang ugali’t kabutihang asal, Mahusay na kilos at mga pangaral Laging naririnig sa labi’y nunuhalKami’y hinuhubog sampu nitong dangal,

Salamat, salamat Inang PaaralanSa iyong kalinga , aming nasumpunganAng pagmamahal mo’y walang alinlanganTunay na malasap ang kaligayahan.

Ang Ama ni: Mike Leo OsmenaAng Ama ang siyang gabay sa tahanan,Sa ginhawa’t hirap, katuwang ni Inang;Katungkulan niyang laging subaybayan,At bigyan ng payo ang anak na hirang.

Mahalin si Amang tulad din ni Ina,Pagka’t magkatimbang ang halaga nila,Sa puso ng anak sila ay iisa,Kambal na bituin na ating ligaya. Ang Inani: Christine CasacopIna’y mapagmahal, Ina’y mahabaginIna’y mapagpala, Ina’y matiisin,

Page 7: Ang Gateways Final

Ang buhay man niya’y kanyang ihahain,Lumigaya lamang ang bunsong giliw.

Ina’y nararapat nating pag – uukulan,Ng mga pagsuyo’t mga pagmamahal,Kung siya’y mawala at tayo’y iwanan,Magiging ka’wawa aba nating ligaya.

Mga Liham sa Patnugot

Dear Editor, Kapansin- pansin ang mga batang naglalaro ng sipa tuwing tanghali, kahit sinasaway na naming hindi parin tumitigil hindi pinapansin ang tindi ng init, minsan pag may dumaan walang paki alam tuloy pa rin sa pag lalaro ‘di man lang tinitingnan kung may matatamaan o wala. Nawa’y mabigyan niyo po ng pansin ang ganitong problema. Lubos na gumagalang,Annabelle at Marjorie VI- Magalang Annabelle at Marjorie,

Kapansin- pansin nga ang ginawa ng mga batang ito, kaya ipinagbigay alam na ito sa ating guidance counselor at nagtalaga siya ng mga mag- aaral na mangungumpisaka ng mga laruang sipa at ang sinumang mahuli ay ipadadala sa kanyang tanggapan upang doon magpaliwanag. Maaari niyo ring isumbong sa inyong mga tagapayo, guro, maging sa pamunuan o miyembro ng patnugutan.Sisikapin din naming lahat ng aming makakaya upang matugunan ang anumang problema. EditorMahal naming Editor, Kami po ay lubos na nag pasasalamat sa nagkaloob ng sabon mula sa tanggapan ng DepEd malaking tulong po ang naibigay nito sa amin, na mga mag- aaral sapagkat may nagagamit kami araw- araw dahil dito, napapanatili naming malinis ang aming mga kamay at maging ligtas sa sakit. V- Kamagong Mga Mag- aaral ng V- Kamagong ,Kami rin ay nakiki isa sa inyong pasasalamat sa programang kaloob ng Dep Ed sapagkat maraming mag- aaral ang nabibigyan nito. Sana patuloy na suportahan at pagkalooban pa ng maraming biyaya ang ating paaralan.

Editor

Sang – ayon ka ba sa pag daragdag ng dalawang taon sa Elementarya?Ibat – ibang reaksyon ang gumuhit sa isipan ng bawat mag – aaral.Hindi ako sumasang – ayon, Ang una kong dahilan ay kakulangan sa pondo sa pagpatayo ng mga bagong kwarto o silid aralan, kung ngayon nga na hanggang – ika – anim na baitang lang, eh kulang pa sa klasrum ang ibang paaralan, paano , pa kaya kung madaragdagan pa ito ng dalawang baiatang Pangalawa, ang kahirapan sa buhay ng mga magulang at mga mag – aaral imbes na pambili na ng pagkain, ipampabaon at pambili pa ng proyekto. Sana hindi na ipatupad ito dahil nakakasira lang ito ng badget ng pamilya. Jaypee Valdez V- NarraSang – ayon ako, Sapagkat maganda rin naman ang dulot nito sa atin dahil madaragdagan ang ating kaalaman at karanasan. Cristyl M. Cortez IV- St. Anthony

Sa tingin ko hindi ito ang solusyon sa problema ng edukasyon dahil hindi lamang academya ang bumubuhay sa bansa kundi ang character ng mga tao paano sila dumidiskarte upang umunlad ang pamumuhay kung tamad sila walang mangyayari kung masipag naman tiyak hindi magugutom ang pamilya. Kaya hindi ako papayag.

Ang GATEWAYS Patnugutan- TP 2010 - 2011Punong Patnugot : John Nichole Allayban

Mga Patnugutan sa PahinaBalita Jamee Marie Palo Patricia Bismar

Page 8: Ang Gateways Final

Pangalawang Patnugot : Marjorie Angob John Viel AmbayecCherry Joy CortezTagapangasiwa : Patricia Bismar Neil Patrick AbergasTagapayo : Gng. Emma HonradaKonsultant : Gng. Suzette Bitoon Bb. Wilma LuyunTagapamatnubay / OIC : Gng. Dolores AnteTagamasid Pampurok: Natividad C. Aniceta Ed. D.

Lathalain Maureen BalalilhiIsports John Viel Ambayec Neil Patrick AbergasEditoryal Marjorie AngobKartunist Ayla Marie Peňa Jomar ObcenaLarawan Cristine Cecy Lizarda Faith Ann BalajadjaTagawasto ng Sipi John Nichole Allayban

Emily Frando VI- Mayumi

Lahat ng Bata ay Matalino Sa isang bagaySabi nila kapag mababa ang IQ ng bata,Hindi raw ito matalino.Hindi ito totoo. Sabi ni Howard Gardener, isang Kilalang guro sa America, iba- iba raw ang katalinuhan ng mga bata.May bata raw na magaling sa Math, mayroon daw magaling sa wika ,agham , o kaya ay sa pagdo- drowing. Pwede raw na magaling din ang bata sa musika o kaya ay sa simpleng pakikipag kaibigan.

Masayang Pag- aaral Inaantok ka ba sa klase? Sabi ni Henry Tenedero pwedeng maging madali at Masaya ang pag- aaral ng mga bata. Si Henry ay isang guro na naghahanap ng mga bagong paraan ng pagtuturo. Ayon sa kanya mas , madaling matuto ang maliliit na bata kung isasama ng guro ang pag lalaro sa pag- aaral. Dahil dito, kailangang pag – aralan ng mga guro ang mga bagong paraan sa pagtuturo. Sabi ni Henry. Maaring tinatamad ang isang batang mag- aaral dahil hindi kaya ng guro kunin ang kanilang interes at hindi dahil wala siyang ganang matuto. Makukuha ng isang guro ang interes ng mag- aaral kung ituturo niya ang leksyon sa naiiba at nakakatuwang paraan.

Pagdala ng Backpack Maaaring MakapinsalaHango sa Pilipino Star Ngayon

Dalawang linggo na lamang at pasukan na. Abala ang mga magulang sa paghahanda ng mga kailangan sa eskwelahan ng kanilang mga anak lalo na iyong mga batang nasa grade sch. Bukod sa mga libro,inihahanda rin ang mga lapis,papel,krayola at iba pang gamit ng bata. Sa mga magulang,guro at mag-aaral ay naririto ang isang importanteng bagay na pagalaman. Isang pag-aaral sa US ang nagbabala sa pagdadala o pagbubuhat ng backpack.Batay sa ginawang study ng mga teachers ng Siamond College sa Massachusetts dapat na huwag umasang magbuhat ang bata ng bagpack na mas mabigat ng 15 percent ng kanilang timbang o body weight. Sa 345 na kabataan nasa grade 5 hanggang 8 na sinuri,nalalaman na 1/3 ng nagsabing bilang ng mga estudyante ang nagrereklamo na masakit ang kanilang likod. Bunga nito sila’y hindi pumapasok sa klase at hindi na rin nakakasali sa mga palaro ng kanilang eskwelahan. Sinabi ni Shelley Goodgold associate professor of physical therapy sa Simmone, ang mabigat na bag ay nakakapinsala sa kalusugan ng bata na ang katawan ay nasa proseso ng paglaki. Ayon sa U.S Consumer Product Safety Commission mahigit sa 800 kadataon ang ginagamot sa mga ospital dahil sa backpack related injuries. Dito sa Pilipinas lalo na sa mga private school makikita ang paghihirap ng mga bata na buhatin, hilain at hatakin ang mga school bags nila na naglalaman ng maraming mabibigat na libro na kadalasan ay hindi naman ginagamit sa lahat araw- araw na leksyon nila. Dapat pag – uukulan din ito ng pansin ng mga opisyal ng DepEd, Culture and Sports. ( DECS ).

Weekend Homework Memo, Pinalagan ng mga Guro

Page 9: Ang Gateways Final

ni: Danilo Garcia ( Pilipino Star Ngayon )

Manila, Philippines – Patuloy na hindi nakakasundo ni Department of Education ( Dep Ed ) Secretary Bro. Armin Kuistro ang mga empleyado at guro ng ahensya dahil sa hindi pagsasaguni sa mga ito makaraang palagan ng mga huli ang bagong memorandum na inilabas ng una na nagbaba – wal sa pagbibigay ng takdang - aralin sa mag aaral tuwing Biyernes .Sinabi ng teacher Dignity Coalition ( TDC ) na hindi nanaman nagkaroon ng kunsultasyon si Luistro at opisyales nito sa mga guro bago inilabas ang naturang memorandum.Sinabi ni Emmalyn Policarpio na importante na malaman rin ang kanilang opinion dahil sa silang nakakaalamng tunay na sitwasyon ng mga mag – aaral. Ayon pa dito hindi umano tama na tuluyang ipag- bawal ang pagbibigay ng asignatura sa mga mag- aaral tuwing Byirnes, na ikinatuwiran nina Luistro ay upang makapag bonding ang mga magulang sa mga anak at makapaglaro ang mag – aaral.Sinabi ni Policarpio na isang uring bonding ang pagtuturo ng magulang sa kanilang mga anak sa kanilang asignatura. Idinagdag pa nito matanging Sabado at Linggo lamang may panahon ang mga magulang sa kanilang anak upang turuan ang mga ito ng mahaba sapag aaral kaysa sa regular na mga araw kung saan marami sa mga ina at ama ay nasa trabaho at pagod na pagod na pag – uuwi ng kanilang tirahan. Mas makakabuti kung isinunod na lamang sa memorandum order 392 na bawasan ang pagbibigay ng mahabang mga asignatura at mga gagastusan ng mga magulang habang dapat bawasan ang asignatura tuwing Lunes at Martes. Nasaklawan rin umano nito ang kanilang Academic Freedom sa pagtuturo sa mga estudyante at magugulo rin umano ang iskedyul ng kanilang sinusunod na kurikulum dahil sanaturang kautusan.

Editoryal: Basurang PlasticHango sa : w.w.w. googles.com Nang dumaong ang USS George Washington sa Manila Bay noong nakaraang buwan at magbabaan ang kanilang opisyal at tauhan, hindi pala pagpapasarap at pagliliwalis ang sadya rito, tumulong sila sa paglilinis ng mga basura. Hindi lamang basta basura ang kanilang nilinis makapal na basura na nakasiksik sa daanan ng mga tubig purong plastic ang kanilang hinakot sa mga estero. Hindi marahil makapaniwala ang mga Navy personnel na ganito karami ang basura sa mga daanan ng tubig. At siguradong naitanong ng mga ito sa sarili kung bakit hinayaan ng gobyerno na dumihan ng mga tao ang ilog at estero. At siguro’y naitanong din kung bakit pinahihintulutan na gumamit ng mga plastic bag gayung ang mga ito ay numero unong nagpapabara ng mga daanan ng tubig. Sa halos lahat ng estado sa US, ban na ang paggamit ng plastic bag. Supot na papel na ang pinaglalagyan ng groceries. Nang bumaha noong nakaraang taon dahil sa pananalasa ni Ondoy ang mga basurang plastic ang itinurong dahilan kung magkaroon nang malaking baha. Sa dami ng mga basurang plastic na nakaharang, hindi kinaya ng ilog kaya umapaw. Giniba ang mga pader ng mga bahay at marami ang humantong sa kanilang bubungan. Mayroon umanong isang bahay sa Marikina purong supot ng plastic ang nakuha sa loob. Iba’t- ibang kulay ng plastic bags ang nakita. Nagkatotoo na, ang anumang itapon ay babalik din at mas marami pa.Noong isang araw ang grupo ng sikat na actor at environmentalist na si Roy Alvarez ay nagpanukala na dapat nang huwag gumamit ng plastic bags ang mamamayan.Bukod sa grupo ni Alvarez, may iba pang grupo na nananawagan supot na papel sa halip na plastic ang paglalagyan ng mga paninda. Sa Nagcarlan, Laguna, ang Mercury Drug branch doon ay supot na papel o brown paper ang ginagamit sa halip na plastic bag. Nararapat nang ipagbawal ang paggamit ng supot o bag o plastic. Napatunayan na ang mga plastic ang dahilan kaya may mga pagbaha. Hindi natutunaw ang mga plastic at kahit na ibaon sa lupa ay buo pa rin. Patay na ang tao pero ang plastic ay buhay pa rin. Panahon na para lubusang mawala sa mundo ang mga plastic.

Kulayan ng asul ang titik B at Z, Isulat sa patlang ang sagot. -------------------------------------------------------------.

B P H A Z Z T R I X

Page 10: Ang Gateways Final

Z N I B Z C O B L EB Z Z B B R Z Z B ZB Z Z P O N C E B Z

Siya ang batang nagwagi ng First Place sa Mathematic’s Quiz Bee, Division Level.

Intrams , Matagumapay na NaidaosNaging matagumapay ang idinaos na Palarong Pampaaralan noong Agosto 20, Layunin nito na makapili ng mga manlalaro na kakatawan sa Paaralan para sa darating na Palarong Pang Area o Area Meet. Nakapasok sa paligsahan ng volleyball girls, ilan sa mga ito ay nasa ika- anim na baitang. Kabilang na rito ay sina Emily Frando, Virgina Herrera, Camelle Guarte, Rachelle Cruz, Erlyn Galanza, Clarissa Santos at Grace Aguilar. Volleyball boys naman ay sina J- Lourd Alico, Neil Patrick Abergas, Rommel Kenneth Pedriňa, Ian Clark Ybaňez, at iba pa. Bukod sa volleyball , nagsagawa rin ng palaro sa Badminton, Sepak at Chess. Nasungkit naman nila John Paul Aragon at Erlyn Galanza ang titulong Mr. At Miss Intramurals 2010.

Ang mga baitang 1- 3 ay naglaro naman ng indoor games para makaranas din sila na makipaglaro sa kapwa bata , noong araw ding ‘yon. Maipakita nila ang pagiging isport. Naipakita o naipahayag ng bawat mag – aaral ang kanilang kakayahan sa isports.

Sports Editoryal :

Laro ng Lahi : Limot na nga ba? Mapapansin natin sa kasalukuyan na lubos na kinahihiligan ng mga kabataan ang volleyball, basket ball, table tennis, at badminton. Bihira na ang makikita mong naglalaro ng taguan, kadang,- kadang, luksong tinik at palosebo. Mga larong ating kinagisnan at sadyang laro ng lahi na masasabi nating sariling atin.Ilan sa mga kabataan ngayon ang may alam sa mga ito, isa, dalawa, o wala na. Hindi bang mas maganda kung sama- sama tayong magpapaunlad sa mga larong ito? Kayo limot niyo na ba ang larong ito?

Laro ng lahi, Binuhay Muling binuhay ng mag- aaral, guro at pamunuan ng SAES ang mga laro na pansamantalang naisantabi na dahil sa makabagong teknolohiya. Ang mga laro ng piko, patintero, tiyakad, kadang- kadang, luksong tinik, luksong lubid hatakang lubid at tumbang preso ay ilan lamang sa mga isinagawa ng mga mag- aaral ng San Antonio noong Palarong Pampaaralan, Agosto 20. Layunin nito upang muling manumbalik ang larong kinamulatan nating lahat. Dito nagpamalas ng kakaibang sigla ang mga mag – aaral maging ang mga guro ay naki- isa sa nasabing mga laro. Kita sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan .

Sports Personality:Ni: Jaypee Valdez

JOHN VIEL AMBAYEC Ipinagmamalaki at tinaguriang Chess Master ng San Antonio dahil sa kanyang husay at galing sa larong Chess. Bata pa lamang ako , malimit na akong manood ng mga naglalaro ng

chess hangGang unti- unti akong natuto,sabi ni Viel, Nung minsa’y tinanong ko siya. Kalimitan sa

Page 11: Ang Gateways Final

mga nakakalaro ko ay mas matanda pa sa akin, dito nahahasa ang aking kakayahan, diskarte at talas ng pag-isip kung paano ko mapapataob ang aking katunggali, dagdag pa niya. Dahil sa tibay ng loob, determinasyon at teknik pinasakit niya ang ulo ng mga nakalaban niya sa Palarong Pang – Area at Pandistritong Palaro, ito ang nagtulak sa kanya upang mapabilang sa mga delegado ng San Pedro para sa nalalapit na Palarong Yunit. Si Viel ay pangalawang anak nina, Virgilio at Arminda Ambayec. Ipinanganak noong, Oktubre 9,1998 at nasa ika- anim na baitang sa kasalukuyan, Si Gng. Analisa Reyes ang gurong tagapayo niya.

Pacqui ao vs Margarito ngayong Nobyembre 14 Sino kaya ang magwawagi?

Pacquiao syempre, tiyak magbibigay na naman ito ng karangalan sa ating bansa dahil sa kakaibang kilos na ipinakikita niya tuwing nag - eensayo parang tigre sa bagsik kung sumuntok malamang, pagtumama sapol. Ayon kay, Christopher Mendoza

Sa tingin ko matinding bakbakan na naman an gating aabangan dahil kapwa bigatin sa larangan ng boksing ang maglalaban, ngunit panatag akoong makukuha pa rin ni Pacquiao ang panalo dahil sa determinasyon at pananalig sa Diyos na siyang puhunan niya upang magtagumpay.

Ayon ky, Jeleo PullarcaHindi nagpapakita ng kumpiyansa si Pacman sa katunayan ngayon pa lang pinaghahandaan

na niya si Margarito at pinag- aaralan ang mga kilos nito, ngunit marirap manghusga sapagkat pareho silang magalin.

Ayon kay, Steven PalovinoPacquiao na naman, ang magwawagi sapagkat seryoso siya sa kanyang training kahit lagpas

na sa oras hindi ito nagrereklamo, gaano man kahirap ang pinagdadaanan niya hindi makikitaan ng pagkapagod dahil pilit pa ring magpatawa at magbiro. Iba talaga angadrenalin niya di sobrang alerto at bilis, tiyak na ang panalo nito.

Ayon kay, Jean Carlo Piraman

Patintero

Ang larong patintero ay kailangan ng bilis, liksi at taktika sa paglalaro upang manalo ang koponang iyong kinabibilangan.Anim na manlalaro ang aktuwal na kailangan, na pipilitin makapasok at makalabas sa buong dayagram na pinaglalaruan nang hindi nagiging taya upang makagawa ng puntos.

Paraan ng Pagsasagawa1.Magmanuhan kung aling koponan ang taya at kung alin ang aatake.2. Tumayo sa kaukulang posisyon ang mga tagahatol.3. Ang mga taya ay tatayo rin sa kani- kaniyang guhit.4.Ang mga aatake ay humanda sa pagpasok sa dayagram.

Page 12: Ang Gateways Final

5. Sa hudyat ng punong – tagahatol magsimulang pumasok sa mga kulong na kahon.6. Ang mga puntos na magagawa sa pagpasok sa mga hati ng dayagram.7. Ang paglipat sa katabing kulong na kahon ay walang puntos.8. May 2 minuto ang bawat koponan sa bawat inning upang isagawa ang pag- aatake.9. Kapag natapos ang dalawang minute, titingnan ang hating kinalalagyan ng naunang manlalaro ng koponan at dito lamang ibabatay ang puntos na nagawa ng buong koponan.10. Kapag hindi pa tapos ang dalawang minute, sila ay magtatala ng 20 puntos at muling aatake hanggang matapos ang takdang sandal.11. Pagkaraan ng 2 minuto, magpapalit ng posisyon ang mga taya at mga umaatake.12. Kahit hindi pa tapos ang dalawang minute at may nataya na sa mga umaatake, magpapalit na ng posisyon ang taya at ang umaatake.13. Ang pagtaya ay tama kung tinamaan sa alin mang bahagi ng katawan ang naglalaro nang hindi naaalis ang paa ng taya sa guhit o hindi siya natumba sa pagtaya.14. Kahit hindi nataya ang sinuman sa mga umaatake ay magpapalipat sila ng posisyon kapag nakagawa ng pagkakamali gaya ng: a. lumabas sa dayagram b. nanulak upang makaabante o makapasok sa susunod na hati c. nag- ukol ng masamang salita sa kalaro o mga tagahatol.15. Kapag ang dalawang koponan ay pareho nang natay, tapos na ang isang inning.16. Upang tapusin ang laro, kailangang matapos ang tatlong inning.17. Bibilangin ang mga puntos na nagawa, idedeklarang panalo ang pangkat na higit na mataas ang puntos.18.Kung may patas man muling maglalaro ang dalawang koponan hanggang sa lumamang ang isa sa kanila.19. Opisyal naihahayag ng punong tagahatol ang nagwaging koponan.20. Sundin lamang lahat ang pagsasagawa upang maging maayos ang paglalaro.

VI – Spinners Pinataob ang V- Netters Namayagpag ang Spinners laban sa Netters sa larangan ng balibol. Ito ay ginanap sa ground

ng Paaralang Elementarya ng San Antonio noong Intrams, Agosto 20,Nagpakita agad ng kagila-gilalas na mga galaw ang kapitan de bola ng Netters na si Camelle.

Siyatinaguriang’ The Spiker’ dahil sa kanyang magaganda at malalakas na pag-ispayk sa bola. Pero di nagpatalo si Emily na captain ball naman ng Spinners.

Sa kalagitnaan ng unang set, hindi ininda ng Spinners ang lakas ng Netters. Inispayk ni Emily ng bigay-kaya ang bola at nadapa n’ya ang kalaban. Malaki ang lamang ng Spinners ngunit nang hinabol nilang tila hindi umuusad kaya pinilit n’yang makapaglaro. ni Emily ang bola,bigla s’yang natapilok. Dahil dito,siya ay pinagpahinga ng kanyang coach na si Sr. Anthony Diu, Ito ang naging sanhi ng kanilang pagkatalo sa unang set.

Sinamantala ng Netters ang pagkawala ni Emily sa ikalawang set. Agad nilang tinambakan ang Spinners. Hindi na natiis ni Emily ang iskor.

Pursigidong- pursigido si Camelle na sila ay manalo ngunit hindi niya kinaya ang malakidlat na bilis ni Emily kahit na mayroong ‘injury’. Sinabayan pa ito ng dalawang beses na pagpleysing ni Catherine ng Spinners.Tambak ang Netters ng matapos ang ikalawang set.

Dahil mayroong tagisang puntos ang magkalaban, nagkaroon ng 3rd set ang laro. Kayod kalabaw si Emily at hindi naman bumibigay si Camelle. Patas ang kanilang iskor sa kalahatian ng 3rd set. Ngunit hindi umabot ang serb ng Netters sa net kaya lumamang ang Spinners. Ibinuhos ni Emily ang kanyang buong lakas sa pagispayk sa bola. Hindi ito nasalo ng Netters kaya nag wagi ang Spinners. Umuwing luhaan ang kanilang katunggali.

Spinners vs. NettersUnang set= 23-25 Ikalawang set= 25-11Ikatlong set= 25- 2Bro. Armin Luistro

Page 13: Ang Gateways Final

Bro. Armin Luistro FSC natanggap na ang mga imbistasyon ng Pangulo- hinirang Noy Noy Aquino na ang top honcho ng ngayon pinagtatalunan department of Edukasyon. Ang Pangulo ng DLSU at isang De Lasalle Bro. Ay kilala upang maging tunay na malapit sa huli dating Pangulong Corazon Aquino at sa pamilya Aquino lalo na sa panahon ng oras kapag ang mga tawag para sa pagbibitiw ng mga palabas na si Pangulong Arroyo pinuno ang mga lansangan. Ang pahayag sa DLSU opisyal na nagsasabing, pagkatapos ng angkop na konsultasyon sa ibat- ibang parokyano sa Lasallian community, Bro. Armin Luistro ay tinanggap ang paanyaya ng Pangulo- hinirang Aquino na maging Department of Education (Dep- Ed) secretary or kalihim ng Edukasyon.Ang paghirang ni Bro. Armin Luistro para sa akin na ang pagpaplano sa pagbabantay pambublikong kakain ng daan na ang mga kagawaran ng Edukasyon ay pagpunta sa niyapakan sa gitna ng mga kontrobesyong problema sa pagtupad ng sex education sa mga pambublikong paaralan. Advocates ng anti- sex at mga Katoliko Obispo sa pamamagitan ng ngayon ay tiyak na nakikita tanda ng kaluwagan bilang kanilang krusada maaaring madaling makahanap ng isang defender sa mga tao ng isang relihiyon Bro. Bilang isang kalihim ng Dep Ed. Ang collaborative pagsisikap sa pagitan ng Deparment of Health at Dep Ed ay maaaring sa lalong madaling panahon hanapin ang kanyang likas na kamatayan?Ito ang appointment ng isang relihiyon kapatid ng Katoliko ganito iaangat ng isang malubhang tanong na kung ang kasalukuyang pagpapatupad ng Dep Ed’s, Pop Ed (Population Education) programa ay patuloy sa ilalim ng Bro. Armin’s watch (na kung saan ay malamang na hindi ako nag-iisip), ay natubigan doon sa isang programa na mas katanggap- tanggap sa Katoliko o ganap na itatapon sa pinakamalapit sa basurahan.Ang pinaka mabisyo kritiko ng sex edukasyon ang isyu sa korte asserting na kung ano ang kagawaran ng Edukasyonn ay kasalukuyang ginagawa ay labang sa saligang batas sa pamamagitan ng thwarting ang karapatan ng magulaqng sa pagmumulat ang kabuuang na ng kanilang mga anak higit na lalo na ang kanilang karakter na moral.Para sa kanila, sa kasalukuyan sex –ed program ang magdadala sa kanilang mga anak na mahuhumaling sa sex. Ito binulag unawa ganap pinapansin din ang pantay na karapatan ng estado sa bansa – gusali at dapat mgataguyod at mangalaga ng kanilang pisikal, moral, espiritwal, intelektwal at sosyal na kapakanan.Sa kasamaang palad, ang sex ay isang bawal kung hindi itinuturing na isang kasalanan sa lipunan na ang mga magulang bilang pag- aaral ihayag ang mga tunay ng maayos na pagtuturo sa kanilang mga anak tungkol sa mga ito ngunit ang mas malubhang problema ay ang mga magulang kahit na ang kanilang mga sarili ay hindi edukado tungkol sa mga ito. Ito lamang ay tulad ng isang bulag na giya sa hanggang kapwa bulag at sa pamamagitan ang kasalukuyamg mga palatandaan ng mga magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa, ang estado ang mas piloting gawin ang kanyang constitutional tungkulin ng pagprotekta at pagtuturo sa kanyang kabataan.Ang pagkuha mula sa mga panindigan ni Imbong at kumpanya. Kung pagtuturo tungkol sa sex- ed sa mga bata ay ang nag- iisang kaukulang karapatan ng mga magulang kung ano ang bilang ng simbahang Katoliko din ay, pagkatapos ay ang estado ay maaaring maghain ng kahilingan din at jail lahat ng magulang na hindi gawin ang kanilang constitutional duty sa lahat ang burgeoning an gating populasyon, malabata pagbubuntis at tumaas ng sexually transmited disease or nakakahawang sakit. Pero Bro. Armin, ipinagtanggol ang karapatan ng estado sa paglipas ng kanyang panata bilang isang relihiyosong Bro. Kung kailangan tungkol sa mga ito partikularna isyu? Kaya niya maging ang mga tulay sa pagitan ng mga estado at mga relihiyong sector upang dumating sa isang mas katanggap- tanggap na sex- ed na programa? O siya ay sumakabilang – buhay sa lobbying ng Simbahang Katoliko sa mga programa ng Edukasyon at mga isyu na ang huli na nahahanap ang kanyang laban sa tinatawag na moral stand?Walang tanong tungkol sa Bro. Armin’s kakayahan, siya ay isang magaling na tagapagturo sa eskwelahan, at matuwid na lalaki, ngunit kung ano ay itataas sa itaas ay ilan sa mga hula at biases isang tao malakas na kaanib sa isang relihiyon grouping nagdadala sa kanya kapag siya ay pumasok sa pamahalaan. Siya ay matindi na nakatali sa pamamagitan ng kanyang paniniwala sa relihiyon at mga panata.Ngunit sa dulo ng anumang mahabang argument at talakayan sa kung ano ang Bro. Armin Luistro gawin tungkol sa kasalukuyan sex- ed na programa ng Dep- Ed, ang lahat ang pahinga sa Pangulo hinirang NoyNoy Aquino patakaran at mga programa ‘well, maaari din naming sabihin na ang kanyang pagpili ng kalihim ng kabinete ang kanyang stand kontrobersyal na isyu ng sex- ed at ang RH bill.’

Ako ay umaasa sa marinig ni Bro. Armin Luistro FSC bilang kalihim ng Dep Ed?

Elementarya at Hayskul, Gagawing 12 TaonAgosto 11, 2010Pinoy Parazzi News Service

Page 14: Ang Gateways Final

Sa isinusulong na bagong kurikulum ng Dep Ed gagawin nang 12 taon ang kabuuan ng basic education.Ayon it okay Sec. Armin Luistro na sa ilalalim ng isunusulong na programa, hindi lng basta dagdagan ng tig- isang taon ang elementary at hayskul, kundi rerebisahin ang buong kurikulum, kung saan kahit hayskul lang ang natapos ng isang estudyante, puwede na itong makakuha ng trabaho. Ani Luistro, masyadong naka pokus sa akademiko ang kasalukuyang kurikulum. Sa bagong kurikulum, posibleng magkaroon ng mga subject o specialized school para sa ibang talent ng mga bata. Magkaibang reaksyon mula sa Senado. Ayon kay Senate Majorite Leader Vicente Titi Sotto III, sa halip na dagdagan ng dalawang taon ang basic edukasyon ipokus na lamang ng pamahalaan ang pagpapalakas sa early childhood education program tulad ng nursery at kindergarten. Sinabi naman ni Senate Pres. Juan Ponce Enrile na kailangan ito ng pamahalaan upang lalong mapaunlad ang kalidad ng sistema ng edukasyon upang makasabay ang Pilipino sa Global standards tulad ng arts, information technology, animation farming ng entrepreneurship at sports.Bagama’t unang balangkas at draft palang ng isusulong na bagong kurikulum at nilinaw ng Dep Ed na hindi agad ito ipapatupad, umani na ito ng batikos.

Page 15: Ang Gateways Final
Page 16: Ang Gateways Final
Page 17: Ang Gateways Final
Page 18: Ang Gateways Final
Page 19: Ang Gateways Final
Page 20: Ang Gateways Final
Page 21: Ang Gateways Final

Pacquiao vs Margarito ngayong Nobyembre 14 Sino kaya ang magwawagi?

Pacquiao syempre, tiyak magbibigay na naman ito ng karangalan sa ating bansa dahil sa kakaibang kilos na ipinakikita niya tuwing nag eensayo parang tigre sa bagsik kung sumuntok malamang, pagtumama sapol. Ayon kay, Christopher Mendoza

Sa tingin ko matinding bakbakan na naman an gating aabangan dahil kapwa bigatin sa larangan ng boksing ang maglalaban, ngunit panatag akong makukuha pa rin ni Pacquiao ang panalo dahil sa determinasyon at pananalig sa Diyos na siyang puhunan niya upang magtagumpay. Ayon kay, Jeleo Pullarca

Hindi nagpapakita ng kumpiyansa si Pacman sa katunayan ngayon pa lang pinaghahandaan na niya si Antonio Margarito at pinag- aaralan ang mga kilos nito, ngunit mahirap manghusga sapagkat pareho silang magaling at mabigat din kasing kalaban si Margarito.. Ayon kay, Steven Palovino

Pacquiao na naman, ang magwawagi sapagkat seryoso siya sa kanyang training kahit lagpas na sa oras hindi ito nagrereklamo, gaano man kahirap ang pinagdadaanan niya hindi makikitaan ng

Page 22: Ang Gateways Final

pagkapagod dahil pilit pa ring magpatawa at magbiro. Iba talaga angadrenalin niya di sobrang alerto at bilis, tiyak na ang panalo nito. Ayon kay, Jean Carlo Piraman

Page 23: Ang Gateways Final
Page 24: Ang Gateways Final
Page 25: Ang Gateways Final
Page 26: Ang Gateways Final