Upload
others
View
6
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
E n e r o 2 0 2 0 K7K6 K a i b i g a n
Ang iba pang mga pamilya ay nakatira sa
kanayunan. Nakatira sila sa mga tolda na
tinatawag na gers at nag- aalaga sila ng mga
hayop tulad ng mga yak, kabayo, at kamelyo.
Mayroong humigit- kumulang 3 milyong tao sa Mongolia,
at mga 12,000 miyembro ng Simbahan. Ano ang
napapansin mo sa larawang ito na katulad sa iyong
pamilya? Ano ang pagkakaiba?
Taga- Mongolia ka ba? Sulatan kami!
Masaya kaming makarinig mula sa iyo!
Ang Mongolia ay nasa Asya,
sa pagitan ng Tsina at Russia.
Naglalakbay kami sa iba’t ibang panig ng
mundo upang matuto tungkol sa mga anak ng
Diyos. Samahan kami sa pagbisita namin sa
Mongolia!
Maraming pamil-
ya sa Mongolia
ang nakatira sa
kabisera, ang
Ulaanbaatar.
Kilalanin ang ilan sa ating mga kaibigan mula sa Mongolia!
Kumusta mula sa
Mongolia!
Mas marami ang mga
kabayo sa Mongolia
kaysa sa mga tao! Ang
mga pista ng mga taga-
Mongolia ay may karera
sa kabayo, pamamana,
pakikipagbuno, sayawan,
at masasarap na pagkain.
Alam ko na si Jesucristo ay Anak ng Diyos at mahal Niya ako at ang lahat ng bata sa lahat ng lugar. Gustung- gusto kong magpunta sa simbahan at Primary, dahil kapag naro-on ako natututo ako tungkol kay Jesus.Bilegt, edad 7
Alam ko na mayroon tayong buhay na propeta, si Pangulong Russell M. Nelson. Nagtuturo siya ng mga bagay na totoo.Gerelchimeg, edad 4
Ito ang Mopmohpi Hom, ang Aklat ni Mormon.
MGA PAGLALARAWAN NI KATIE MCDEE
Ang mga yak
ay parang baka,
kaya lang mas
mabalahibo ang
mga ito!
Salamat sa pagsama sa amin sa paglalakbay sa
Mongolia. Hanggang sa muli!
Kami sina Margo at
Paolo.