AP Genyo Reviewer

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Reviewer

Citation preview

Mga Pangulo ng Pilipinas at ang kanilang Programang PangkabuhayanManuel Roxas Nanungkulan noong 1946 hanggang 1948 layunin na maitaas ang antas ng kabuhayan Mga patakaran para sa rehabilitasyon at rekonstruksyon ng bansa. Batas sa kalakalan ng Pilipinas o ang Bell Trade Act ito ang pagpapatuloy ng malayang kalakalan sa Estados Unidos ng mga produktong asukal, bigas, tabako, lubid, abono, langis ng niyog at perlas sa loob ng walo pang taon. Matapos ang walong taong kasunduan, papatawan ng limang bahagdang dagdag sa buwis ang lahat ng produktong inaangkat taon-taon, hanggang umabot ito ng 100 bahagdan. Ito ay tatagal ng 20 taon. Itinatakda rin ng batas na may kota ang mga produktong mailuluwas ng Pilipinas, samantalang wala namang takdang dami ng produkto ang mailuluwas ng Estados Unidos. Pagkakaroon ng magandang ugnayan sa ibat ibang bansa upang mapalawak ang kalakalan. Parity rights nagbibigay ito ng karapatan sa mga Amerikano sa paglinang ng likas na yaman ng Pilipinas kapantay ng tinatamasa ng mga Pilipino.-Dahil ang parity rights ay taliwas sa itinatadhana ng Saligang Batas, kailangang susugan ang Saligang Batas. Ngunit naging balakid ang presensya ni Luis Taruc at ng iba pa niyang kapanalig sa Kongreso. Batid ni Roxas na malabong maipasa sa Kongreso ang susog sa Saligang Batas kung mananatili sina Taruc at ang kaniyang mga kasama. Dahil dito, naakusahan ang grupo ni Taruc ng pandaraya sa eleksyon. Bagamat walang malinaw na resulta ang akusasyon, natanggal sa puwesto si Taruc at ang kaniyang mga kasama. Matapos nito ay tuluyang nakapaglabas ng resolusyon ang Kongreso na sumasang-ayon sa pagsusog sa Saligang Batas.-Matapos nito ay nagkaroon ng plebisito noong 1947. Batay sa mga pahayag ni Roxas, ang parity rights ay nagbibigay ng pagkakataon upang malinang ng lubusan ang ating likas na yaman. Inaasahan na ang parity rights ay maghahatid ng kaunlaran sa bansa. Sa huli ay namayani ang mga sumasang-ayon sa parity rights.-Maraming Pilipino ang tumutol sa parity rights dahil sa paniniwalang walang karapatan ang mga Amerikano na gamitin ang likas na yaman ng bansa. Ang ilan sa mga Pilipinong nagtanggol sa Saligang Batas laban sa parity rights ay sina Claro M. Recto at Jose P. Laurel.

Samantala, ipinasa naman ng Kongreso ng Estados Unidos para sa pagsasaayos ng mga industriya at programang panrehabilitasyon sa Pilipinas ang mga sumusunod:1. Philippine Rehabilitation Act naglalaan ito ng malaking halaga ng salapi upang mabayaran ang mga pribadong mamumuhunan at mga taong napinsala. Itinakda rin ng batas ang pagkakaloob ng mga Amerikano ng war surplus materials sa pamahalaang Pilipino bilang karagdagan sa bayad-pinsalang dulot ng digmaan.

Ngunit bago ito tugunan ng Estados Unidos ay kailangan munang maisakatuparan ang parity rights na magbibigay sa kanila ng pantay na karapatan gaya ng tinatamasa ng mga Pilipino na nagpa-unlad ng mga likas na yaman ng Pilipinas.2. Rehabilitation Finance Corporation (RFC) binuo ito upang matulungan ang mga mamamayan sa pagtataguyod ng kanilang tahanan at industriya. Malaking halaga ang inilaan dito. Isa itong hakbang upang mabigyang katuparan ang rehabilitasyon ng ekonomiya ng Pilipinas.3. Batas Republika Bilang 34 nagsasaad ito ng paghahati ng ani sa pagitan ng magsasaka at may-ari ng lupa70 bahagdan para sa magsasaka at 30 bahagdan sa may-ari. Ito ay isinulong upang mapabuti ang kalagayan ng magsasaka.4. Sinimulan sa panahon ni Roxas ang Tenancy Act na ipinasa ng Kongreso bilang pagbibigay-tulong sa mga nangungupahan ng lupa.5. Pagpapalaganap ng paggamit sa mga paraang siyentipiko tulad ng paggamit ng mga makinarya sa paggawa at pagsasaka

6. Pagpapaunlad ng elektripikasyon

7. Pagsasanay sa mga mamamayan ng mga gawaing bokasyonal

8. Paghihikayat sa mga mamumuhunang Amerikano na magtayo ng negosyo sa bansa

Suliranin sa KapayapaanUpang matamo naman ang kapayapaan sa bansa ay sinikap naman niya na pasukuin ang mga kasapi ng kilusang HUKBALAHAP. Nang ibalita noon ng mga pahayagan na tatakbo sa pagkapangulo ng Pilipinas si Manuel A. Roxas ay kumilos ang HUKBALAHAP. Naniniwala kasi ang mga kasapi ng Huk na si Roxas ay kolaborador ng mga Hapon kayat hindi dapat iboto. Sa kabila nito, nang manungkulan siya ay pinanawagan niya sa liderato ng mga Huk na sina Luis Taruc, Mateo del Castillo at Juan Feleo, pawang mga lider ng magsasaka sa Gitnang Luzon, na kumbinsihin ang kanilang mga kasamahan na isuko ang kanilang mga sandata. Ito ay upang maibalik muli ang kapayapaan at kaayusan. Ngunit nabigo siyang pasukuin ang mga kasapi ng kilusan.Mula noon ay nagkaroon ng masidhing kampanya laban sa mga kasapi ng kilusan ng Huk.Ang Ugnayang Pilipinas at Estados UnidosSa mga panahong nasa ilalim ng pananakop ng Espanya, Estados Unidos, at Hapon ang Pilipinas ay nalimitahan na ang pakikipag-ugnayan nito sa ibang bansa. Nawalan ng kalayaan ang mga Pilipino na magpatupad ng patakarang panlabas ayon sa kagustuhan nito. Bagamat nagkaroon ng kalayaan na magpasya simula ng 1946, ang patakaran ng bansa sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa ay naiimpluwensyahan ng kaugnayan nito sa Estados Unidos.Bago ang mga pangyayaring ito ay payapa na sana ang relasyon ng pamahalaan at ng kilusan. Sa katunayan, tumakbo at nanalo pa sa eleksyon ang mga kasapi nito Kabilang sina Luis Taruc at Jesus Lava. Subalit sinupil sila ng mga Amerikano at ibinalik sa kapangyarihan ang mga landlord partikular sa Gitnang Luzon. Dahil dito, ipinagpatuloy ng mga kasapi ng Huk ang kanilang pakikipaglaban laban sa sinasabing kawalang katarungan para sa mga pangkaraniwang mamamayan. Mula noon ay nagkaroon ng masidhing kampanya laban sa mga kasapi ng kilusan ng Huk.

Bago ang mga pangyayaring ito ay payapa na sana ang relasyon ng pamahalaan at ng kilusan. Sa katunayan, tumakbo at nanalo pa sa eleksyon ang mga kasapi nito Kabilang sina Luis Taruc at Jesus Lava. Subalit sinupil sila ng mga Amerikano at ibinalik sa kapangyarihan ang mga landlord partikular sa Gitnang Luzon. Dahil dito, ipinagpatuloy ng mga kasapi ng Huk ang kanilang pakikipaglaban laban sa sinasabing kawalang katarungan para sa mga pangkaraniwang mamamayan.

Katunayan nito, agad na idineklara ni Pangulong Manuel Roxas ang maka-Amerikano at anti-komunista na patakarang panlabas ng bansa noong 1946. Sinundan ito ng paglagda para sa isang pandaigdigang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na tumutukoy sa kalakalan at seguridad ng bansa. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang kasunduan para sa mga sobrang kagamitang pandigma, kasunduan sa base militar, at ang parity. Sa ganitong pagpasok sa mga kasunduan, pangkaraniwan nang nalalagay sa alanganin ang kalayaan ng bansa na gumawa ng malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili. Ipinapakita nito ang pagkatali ng Pilipinas sa impluwensiya ng Estados Unidos.

Pagpanaw ni Manuel RoxasHindi na nakita pa ni Pangulong Roxas ang pagpapatupad ng kaniyang mga programa dahil siya ay binawian na ng buhay matapos ang dalawang taong panunungkulan. Sa katunayan ay may naihanda pa siyang economic blueprint na isasakatuparan sa loob ng limang taon.

Layunin sana nitong makapagtayo ng mga sentrong pang-industriya sa bansa. Namatay siya noong ika-15 ng Abril 1948 pagkatapos niyang magtalumpati sa Clark Air Base.

Elpidio QuirinoNanungkulan si Elpidio Quirino bilang pangulo mula 1948,matapos ang pagpanaw ni Pangulong Roxas, hanggang 1953.

Sa kaniyang panunungkulan hanggang taong 1953, nilayon niyang maibalik ang kapayapaan, kaayusan, at ang tiwala ng bayan sa pamahalaan.layong tugunan ni Quirino ang suliranin sa kaguluhan sa Gitnang Luzon kung saan matatagpuan ang Kilusang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan, dating HUKBALAHAP noong panahon ng kolonisasyong Hapon. Naniniwala si Pangulong Quirino na ang kapayapaan at pag-unlad ay makakamit kung manunumbalik ang mga kasapi ng Huk sa lipunan. Nagpatupad siya ng batas na nagkakaloob ng kapatawaran sa mga kasapi ng kilusan at ang kalayaang lumahok sa mga gawain ng pamahalaan. Sa tulong ni Ramon Magsaysay bilang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, nagtagumpay ang pamahalaan na mapahupa ang nooy nagaganap na rebelyon ng Huk. Subalit ang kapayapaan ay hindi nagtagal. Hindi nagkasundong muli ang kilusang Huk at ang pamahalaan. Lumubha ang kalagayang pangkapayapaan sa Gitnang Luzon sa paglaganap ng kilusan sa mga lalawigan maging sa labas ng Gitnang Luzon, ang sentro ng Kilusang Huk.

Upang mabawasan ang paghihirap ng mga tao, naglunsad ng mga programa ang pamahalaan na naglalayon ng maayos na paglinang ng mga likas na yaman, wastong paggugol ng salapi ng bayan, at pagkakaroon ng teknikal na kaalaman upang matamo ang kaunlarang pangkabuhayan. Nagpatayo ng mga industriya ang pamahalaan upang magkaroon ng hanapbuhay ang maraming mamamayan.Sa loob ng kaniyang panunungkulan ay naitatag ang mga sumusunod:1. Bangkong Rural nagpapautang ito sa mga magsasaka sa mababang interes

2. Central Bank of the Philippines layunin nitong mapatatag ang pananalapi ng Pilipinas3. Agricultural Credit Cooperative Financing Administration (ACCFA) nakatutulong ito sa maayos na pagbibili ng mga produktong pansakahan 4. Presidents Action Committee on Social Amelioration(PACSA) na nang magtagal ay naging Social Welfare Administration (SWA) tungkulin nito na tulungan ang mga pamilyang naghihirap at mga biktima ng mga kalamidad. Namamahagi rin ang PACSA ng damit, pagkain, at gamot sa mga nangangailangan. Gayundin, nagbibigay ito ng trabaho sa mga walang hanapbuhay at tumutulong sa pamahalaan na pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan. Sa ngayon, ang sangay na ito ay naging Department of Social Welfare and Development(DSWD).Inaprubahan din ng pamahalaang Quirino ang Minimum Wage Law na nagtakda ng kaukulang halaga sa pang-araw-araw na sahod para sa mga manggagawa ng pampublikong sektor.

Naging abala rin ang pamahalaan sa ugnayan nito sa labas ng bansa. Lalong pinag-ibayo ni Quirino ang pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos upang mapabilis ang pag-unlad ng bansa. Ang Estados Unidos ay nagkaloob ng kaukulang pondo at nagpadala ng mga tagapayong teknikal. Sa ilalim din ng kaniyang pamamahala ay nalagdaan ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.Ramon MagsaysayNang kumandidato muli si Quirino sa pagkapangulo noong 1953, nakaharap niya si Ramon Magsaysay. Hinalal noong 1957 at nagsilbi hanggang 1957 , naglunsad ng malawakang programa si Magsaysay upang maisulong ang kapayapaan at kaunlaran ng bansa.Ang programa ni Magsaysay ay nakatuon sa mga maralita at pangkaraniwang tao. Tinawag siyang Man of the Masses. Bahagi ng kaniyang patakaran ang pagpapaunlad ng bawat baryo. Isa sa mga naunang gawain ni Magsaysay bilang pangulo ay ang suriin ang mga pangangailangan ng masa. Bumuo siya ng batas na tutugon sa pangangailangan ng mga tao upang magkaroon ng sariling lupa.

Sa ilalim din ng pamamahala ni Magsaysay dumami ang mga sa mga sentro pangkalusugan (health center) sa mga liblib na pook. Malaking tulong ito para sa mga mahihirap na hindi nakatatanggap ng mahusay na tulong pangkalusugan. Binuo ng Kongreso ang Land Tenure Reform Law bilang isang tugon ng pamunuang Magsaysay sa usapin ng reporma sa lupa. Itinadhana nito ang paghahati-hati ng mga lupaing binili ng pamahalaan upang ipamahagi sa tao. Nagpagawa rin siya ng mga tulay at daanan upang mailuwas ang mga produktong mula sa baryo patungo sa bayan. Noong 1955, tinatayang 565 kilometrong bagong daan ang binuksan at mahigit sa 80 tulay ang naipagawa. Nagpagawa rin siya ng 143 patubig sa buong bansa para sa mga magsasaka. Nagpatayo rin siya ng mga poso sa bawat baryo. May mga sangay ring nagpapautang sa mga magsasaka tulad ng Farmers Cooperative and Marketing Association (FACOMA) at ang Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration (ACCFA) na nakatulong sa maayos na pagbibili ng mga produktong pansakahan. Ang mga mamamayan naman na walang sariling tirahan ay natulungan sa pamamagitan ng National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA). Libo-libong pamilya ang nabigyan ng malilipatan sa mga pampublikong lupain.

Inaprubahan din sa panahon ng pinamunuan ni Magsaysay ang Agricultural Tenancy Act ng 1954. Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga kasama o mga magsasaka na inuupahan ang lupa na sinasaka. Sa pamamagitan ng Agricultural Tenancy Act, ang Court of Agrarian Relations ay binuo upang pangalagaan ang mga karapatan ng mga kasama at para ayusin ang anumang hindi pagkakaunawaan na kaakibat ng pagsasaka ng lupang inuupahan. Itinatag din sa panahon ng panunungkulan ni Magsaysay ang Social Security System (SSS) na nagtatakda sa mga pribadong kumpanya na bawasan ang sahod ng mga manggagawa ng ilang bahagdan para sa kapakanan na rin ng mga ito. Nagagamit ang naiaambag ng mga manggagawa sa SSS sa oras na silay magkasakit, maaksidente, o mamatay. Sa ilalim ng kaniyang panunungkulan, napagtibay rin ang Magna Carta sa Paggawa na kumikilala sa karapatan ng mga manggagawa na magtatag ng unyon o magwelga.

Sa panahon ni Magsaysay, sinimulan ng Pilipinas ang pagtatatag ng mga pandaigdigang samahan na magtataguyod ng maunlad at mapayapang ugnayan sa rehiyon. Ilan sa mga ito ay ang Southeast Asian Treaty Organization (SEATO) na itinatag noong 1954. Ang SEATO ay binuo ng mga bansang Estados Unidos, Britanya, Pransya, Australya, New Zealand, Pakistan, Thailand, at Pilipinas.

Sa panunungkulan ni Magsaysay, tuluyang napasuko si Luis Taruc at ang ibang kasama nito. Namagitan sa pagsuko ni Taruc si Benigno Ninoy Aquino Jr., isang mamamahayag ng Manila Times na naging tanyag sa kaniyang pagbabalita ng mga kaganapan tungkol sa Digmaang Koreano.

Carlos P. GarciaSa pagkamatay ni Magsaysay nang bumagsak ang eroplanong kaniyang sinasakyan, si Carlos P. Garcia ang humaliling pangulo ng Pilipinas. Nanungkulan si Garcia bilang pangulo mula 1957 hanggang 1961. Mahalagang pinagtuunan niya ang pag-unlad ng kabuhayan ng mga Pilipino.Naglunsad siya ng patakarang Pilipino Muna. Nagkaroon ng programa na humihikayat na magtipid ang mga mamamayan at tangkilikin ang mga produktong Pilipino. Hindi sinuportahan ni Pangulong Garcia ang patakarang nagbibigay sa mga dayuhan ng pantay na karapatang makinabang sa likas na yaman ng bansa (parity rights). Tinutulan din niya ang pag-aangkat ng mga produkto mula sa ibang bansa na hindi naman nakatutulong sa pagpapaunlad ng mga Pilipino. Hinikayat niya ang mga Pilipino na unahin ang pagpapaunlad ng sariling bansa sa pamamagitan ng ibayong pagsisikap, pagtitipid, matalinong pamumuhunan, at pagiging masigasig at tapat sa tungkulin. Pinagyabong din ni Pangulong Garcia ang paglinang sa kultura ng bansa. Isinulong din niya ang kampanya na lalong mapahalagan ng mga Pilipino ang sariling kultura. Dahil dito, nagkaroon ng mga pagkilala sa mga Pilipinong imbentor, artista, at mananalaysay. Pinapadala ni Pangulong Garcia ang Bayanihan Dance Troupe at iba pang mananayaw ng ating mga katutubong sayaw sa ibat ibang bansa upang ipakita sa ibang parte ng daigdig ang ganda ng ating kultura.

Pinasigla niya ang ating ugnayan sa ibang bansa. Sa panahon ni Garcia naitatag ang Association of Southeast Asia (ASA) na binubuo ng Thailand, Malaysia, at Pilipinas. Natatag ang ASA sa Bangkok noong 1961 na may layong mapabuti ang pagtutulungan sa kabuhayan at kultura sa mga bansang kasapi.Sa kanyang panunungkulan naipagtibay ang Anti-subversion Law na nagbabawal sa pagpaparusa sa sinuman na magtatag ng samahan laban sa pamahalaan. Hindi nagtagumpay si Pangulong Garcia sa kanyang muling pagtakbo sa pagkapangulo.

Diosdado MacapagalMarami sa mga suliranin ng bansa ay nagpatuloy sa panunungkulan ng ibat ibang pangulo. Ang pamunuan ni Diosdado Macapagal mula 1961 hanggang 1965 ay nagsikap upang ang mga suliraning ito ay matugunan. Nagpatupad siya ng mga programa na gagabay sa pamahalaan at sa mamamayan. Una rito ay ang mabilis na pagkilos upang tugunan ang suliraning pangkapayapaan at pangkabuhayan. Pangalawa ay ang paghahanda para sa isang masagana at matiwasay na hinaharap.

Nagkaroon ng ibat ibang programa ang pamahalaan sa larangan ng agrikultura, paggawa, at ugnayang panlabas ng bansa. Dahil sa mga makabago at siyentipikong kaalaman sa pagsasaka, lumaki ang produksyon ng mga binhi tulad ng bigas at mais.

Sa panahon ng kaniyang panunungkulan, pinagtibay rin ang Batas Republika bilang 3844 o Batas sa Reporma ng Lupang Pansakahan. Layunin nito ang matulungan ang mga magsasaka na unti-unting mapaunlad ang kanilang pamumuhay.Sa panahong ito rin itinatag ang MAPHILINDO. Ito ay nabuo sa kadahilanang hangarin ni Pangulong Macapagal na buhayin ang pangarap ng ating pambansang bayaning si Jose Rizal na magkaisa ang mga Malay. Ang MAPHILINDO ay binubuo ng mga bansang Malaysia, Pilipinas, at Indonesia. Naitatag ito dahil sa pagsisikap ni Macapagal na magkaroon ng katiwasayan at pagtutulungan sa rehiyon. Ang samahang ito ay hindi nagtagal dahil sa mga lupang pinag-aagawan na sakop ng tatlong bansa kabilang na ang Sabah at Sarawak.

Sinikap din ni Macapagal na isulong ang diwa ng pagkamakabayan sa pagpapalit ng pagdiriwang ng kalayaan ng Pilipinas.Inilipat ni Pangulong Macapagal ang araw ng pagdiriwang ng kalayaan ng bansa mula ika-4 ng Hulyo 1946 tungong ika-12 ng Hunyo 1898. Noong 1962 naganap ang unang pagdiriwang ng kalayaan ng Pilipinas sa araw ng ika-12 ng Hunyo. Ang pagdiriwang na ito ay bilang pagkilala sa mga Pilipinong magiting na nakipaglaban sa mga Espanyol.Inilipat ni Pangulong Macapagal ang araw ng pagdiriwang ng kalayaan ng bansa mula ika-4 ng Hulyo 1946 tungong ika-12 ng Hunyo 1898. Noong 1962 naganap ang unang pagdiriwang ng kalayaan ng Pilipinas sa araw ng ika-12 ng Hunyo. Ang pagdiriwang na ito ay bilang pagkilala sa mga Pilipinong magiting na nakipaglaban sa mga Espanyol.

Ferdinand E. MarcosNang muling kumandidato si Diosdado Macapagal sa halalan noong 1965, naging kalaban niya ang pangulo ng Senado na si Ferdinand E. Marcos. Nahalal bilang ikaanim na pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas si Ferdinand Marcos. Sa kaniyang inagurasyon ay buong pagmamalaking binitiwan niya ang mga katagang This nation can be great again.Nang mahalal si Marcos, inilahad niya ang mga programa ng kaniyang panunungkulan: ang pagpapasagana sa ani ng palay, ang reporma sa lupa, at ang pagpapaunlad ng pamayanan sa pagpapatibay ng kagalingang panlipunan, pampulitika, at pangkabuhayan.

Pinagtuunan din ng pansin ang pagpapaunlad ng transportasyon at komunikasyon. Sa panunungkulan ni Marcos nabigyan ng pansin ang pangangailangan sa maayos na mga imprastruktura. Nagpagawa ang pamahalaan ng mga tulay at daan sa mga lugar na nangangailangan nito. Sa ganitong paraan, napadali rin ang paghahatid ng mga produkto sa pamilihan. Sa panahon din ng panunungkulan ni Marcos naipatayo ang mga imprastraktura na mag-uugnay sa mga tao mula sa ibat ibang lugar.Isang halimbawa nito ang San Juanico Bridge na nag-uugnay sa mga pulo ng Leyte at Samar. Nagpagawa rin ng mga pampublikong gusali upang maging tanggapan ng pamahalaan at mga ospital.

Sa panahon ng panunungkulan ni Marcos, tumaas ang produksyon ng ani, bumaba ang antas ng kriminalidad, naipatupad ang reporma sa lupa sa Gitnang Luzon, at nailunsad ang Green Revolution upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain. Sa Green Revolution hinikayat at tinuruan ang mga mag-anak na magtanim sa kanilang likod-bahay at maging sa mga loteng hindi nagagamit. Naipatayo rin ang Cultural Center of the Philippines upang gawing tanghalan ng mga pangkulturang palabas.Suliraning PangkapayapaanSa mga unang taon ng panunungkulan ni Marcos ay hinarap nito ang samut saring suliranin sa kapayapaan ng bansa. Naging araw-araw na balita sa pahayagan ang mga krimeng nagaganap na sinasabing karaniwang kinasasangkutan pa ng mga alagad ng batas. Dagdag pa rito ang mga naganap na patayan na nakaapekto sa lumalalang kalagayan ng kapayapaan sa bansa. Isang halimbawa nito ang naganap na pagpatay sa pitong magsasaka sa Concepcion, Tarlac. Kabilang din dito ang pagkakapatay rin sa 32 miyembro ng Lapiang Malaya na na pinamunuan ni Valentin de los Santos.Ugnayang PanlabasAng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa Asya ay muling pinasigla ni Pangulong Marcos. Tumulong ang pamahalaang Marcos sa pagsugpo sa komunismo at nag-anyaya siya ng mga kinatawan mula sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos, Australya, Timog Korea, Thailand, at Timog Vietnam para sa isang pagpupulong upang maisakatuparan ang layuning ito. Ginanap ang Manila Summit noong ika-24 at 25 ng Oktubre 1966 sa Lungsod ng Maynila.

Nagpadala si Pangulong Marcos ng isang batalyong sundalo na hindi nakipaglaban ngunit sa halip ay tumulong sa muling pag-aayos ng mga imprastruktura na winasak ng digmaan.Ugnayang PanlabasAng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa Asya ay muling pinasigla ni Pangulong Marcos. Tumulong ang pamahalaang Marcos sa pagsugpo sa komunismo at nag-anyaya siya ng mga kinatawan mula sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos, Australya, Timog Korea, Thailand, at Timog Vietnam para sa isang pagpupulong upang maisakatuparan ang layuning ito. Ginanap ang Manila Summit noong ika-24 at 25 ng Oktubre 1966 sa Lungsod ng Maynila.

Nagpadala si Pangulong Marcos ng isang batalyong sundalo na hindi nakipaglaban ngunit sa halip ay tumulong sa muling pag-aayos ng mga imprastruktura na winasak ng digmaan.Maliban sa pagsali natin sa mga pandaigdigang samahan, mayroon ding mga pampulitikang pagkakaunawaan ang bansa sa mga usaping pangkriminalidad tulad ng palitan ng impormasyon sa mga taong pinaghahanap ng batas na nagtatago sa ibat ibang bansa.

Paglutas ng Suliraning Panlipunan Noon at NgayonMaraming suliraning kinakaharap ang pamahalaan mula pa noon hanggang ngayon. Ngunit nanatiling buo ang loob ng mga Pilipino na makamit ang kaunlaran.

Sa usaping pangkabuhayan, maraming hirap ang dinanas tulad ng kakulangan sa trabaho, mataas na presyo ng mga bilihin, at madalang na pagpasok ng puhunan mula sa mga dayuhang mangangalakal. Hindi rin naitago ang suliraning dulot ng lumalaking populasyon sa mga pook-rural at pook-urban.

Matinding paghihirap sa mga tao ang naging epekto ng mga suliraning nabanggit. Sa pagpasok ng taong 1970, ang bilang ng mga Pilipinong lumilikas mula sa probinsya patungong Maynila at iba pang lungsod ay higit na tumaas.Bilang tugon, lumikha ang pamahalaan ng mga batas na naging sensitibo sa pangangailangan at karaingan ng mga mamamayan. Karamihan ng mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan sa lipunan ay nakatuon sa mahusay at mabuting pagkakaloob ng paglilingkod sa pangangailangan ng mahihirap nating mamamayan.

Naging ugali na ng pamahalaan ang ipamahagi ang mga pampublikong lupa para sa mga magsasakang nangangailangan ng sariling lupang pagtatamnan. Halos karamihan sa mga naging pangulo ng bansa ay nagpatupad nito. Malaki ang ginugugol ng pamahalaan sa pagtatayo ng mga kalsada na magdurugtong sa mga probinsya at kalunsuran at magdadala ng mga produkto ng mga magsasaka sa mga pamilihan.Bilang tugon, lumikha ang pamahalaan ng mga batas na naging sensitibo sa pangangailangan at karaingan ng mga mamamayan. Karamihan ng mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan sa lipunan ay nakatuon sa mahusay at mabuting pagkakaloob ng paglilingkod sa pangangailangan ng mahihirap nating mamamayan.

Naging ugali na ng pamahalaan ang ipamahagi ang mga pampublikong lupa para sa mga magsasakang nangangailangan ng sariling lupang pagtatamnan. Halos karamihan sa mga naging pangulo ng bansa ay nagpatupad nito. Malaki ang ginugugol ng pamahalaan sa pagtatayo ng mga kalsada na magdurugtong sa mga probinsya at kalunsuran at magdadala ng mga produkto ng mga magsasaka sa mga pamilihan.Kaugnay nito nagtayo ng mga kooperatiba sa hanay ng mga magsasaka upang mabilis ang pagtulong ng pamahalaan at mga pribadong samahan sa kabuhayan ng mga mamamayan. Sa ngayon, patuloy ang pag-angkat ng kaalaman mula sa ibang bansa ukol sa mga makabagong paraan sa pagtatanim upang lalong tumaas ang produksyon at kalidad ng mga produktong pansakahan.

Nagkaroon ng programa sa pagpapaunlad ng mga lalawigan o pook-rural sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga mamumuhunan na magtayo ng negosyo sa mga lugar na iilang tao lamang ang may hanapbuhay. Inaasahang makatutulong ito upang mapigilan ang pag-alis ng mga tao patungo sa kalunsuran.Upang masagot ang kakulangan sa pabahay, nagpatayo ang pamahalaan ng mga proyekto para sa mga maralitang taga-lungsod. Ang mga pampublikong lupain na tinayuan ng mga bahay ng walang pahintulot ay ipinagkaloob na rin sa kanila. Maraming hakbang na isinasagawa ang pamahalaan subalit dahil sa kakulangan ng salapi ay hindi matugunan ang lahat ng pangangailangang ito.

Ang kakulangan sa enerhiya ay nagbukas ng pagkakataong magsaliksik ng mga bagong mapagkukunan ng enerhiya para sa dumaraming pangangailangan sa araw-araw.Ang pagbibigay ng libreng edukasyon sa mababa at mataas na paaralan ay kailangan upang ang tao ay makalahok sa pagsulong. Ang pagkakaroon ng pagsasanay at kaalamang teknikal ay makatutulong sa pagkakaroon ng hanapbuhay.

Ang malusog na pangangatawan at matatag na kaisipan ng mga mamamayan ay kailangan sa pagsulong ng bansa. Naglunsad din ang Kagawaran ng Kalusugan ng mga pamamaraan sa tamang pangangalaga ng mamamayan tulad ng paglilinis ng kapaligiran at ng katawan, pagkonsulta sa manggagamot, pagkakaroon ng bakuna sa mga bata, pagkain ng gulay at prutas, at iba pa.Kalagayang Panlipunan ng Pilipino sa Ikatlong Republika Masalimuot ang pinagdaanan ng mga Pilipino noong panahong katatapos lamang ng digmaan. Subalit nanatili pa rin silang matatag at naiayos pa rin nila ang sistema ng edukasyon. Marami ring Pilipinong nakilala sa ibang bansa sa larangan ng pagtaguyod ng sining Pilipino. Sa araling ito ay matututunan mo ang naging kalagayan ng paninirahan, edukasyon, at sining noong panahon ng Ikatlong Republika.

Ang Katayuan ng mga Pilipino sa LipunanMatapos ang digmaan, mabilis ang pagbabago sa katayuan ng mga tao sa lipunan. Higit na dumami ang mahirap samantalang bumaba naman ang bilang ng mga nakaaangat sa buhay. Isa sa maaaring dahilan nito ay ang pangangailangan ng mga Pilipinong propesyonal sa lumalaking industriya at komersyo. Ang mabilis na pagdami ng mga tao kaysa sa trabaho ang higit na nakaapekto sa paglaganap ng kahirapan sa bansa. Gayundin, ang maliit na kita ng mga pangkaraniwang manggagawa ay hindi naging sapat sa kanilang pangangailangan.Maraming mga gusali at kabahayan ang nagiba ng digmaan. Bumagsak ang kabuhayan sa bansa.Milyon-milyong halaga ng industriya ang nasira. Kasama na rito ang mga kagamitan at makinarya na mahalaga para sa produksyon ng bansa. Malaking bahagi ng lupa sa pagtatanim ang tuluyang napabayaan. Lalong naging mabigat ang suliraning ito sa kanayunan dahil sa paglaganap ng mga armadong kilusan na kinabibilangan ng mga magsasaka. Naging laganap din sa lungsod ang pagbagsak ng moralidad ng mga kabataan na nahikayat sumapi sa mga grupong lulong sa mga bisyo at natutong gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Sa pamahalaan naman ay laganap ang pang-aabuso at katiwalian.Ang Suliraning PangkapayapaanAng kaguluhang sanhi ng pag-aalsa ng mga rebelde laban sa pamahalaan ay isang malaking usapin na kinaharap ng pamahalaan matapos ang digmaan. Bilang tugon sa suliranin sa Huk, pinag-aralan ng pamahalaan ang pagbibigay ng amnestiya o ganap na pagpapatawad sa mga nagkasala laban sa pamahalaan dahil sa paniniwalang pulitikal. Ang amnestiya ay ipinagkaloob noong ika-21 ng Hunyo 1948 upang muling mamuhay nang tahimik at makatulong sila sa pangangalaga ng katahimikan at pagpapaunlad ng bansa. Hindi rito kabilang ang mga taong nakagawa ng krimen dahil sa pansariling kapakanan. Tuluyang humina ang samahang rebelde na Kilusang Huk nang sumuko ang isa sa mga haligi nito na si Luis Taruc sa pamahalaang Magsaysay noong 1954.

Kalagayang PangkabuhayanHindi maikakaila na ang pinakamabigat na suliraning kinaharap ng Ikatlong Republika ay ang pangkabuhayan. Labis na naapektuhan ang kabuhayan ng mga tao sa pagkawasak ng mga industriya at pagkasira ng mga tulay at daan na mahalaga para sa kalakalan. Hindi kaagad naharap ng mga magsasaka ang pagtatanim dahil malaki ang naging pinsala sa mga lupain. Wala rin silang sapat na puhunan at lupang pansakahan upang makapagsimula. Marami ang lumuwas sa lungsod upang makipagsapalaran. Dahil naman sa kawalan ng sapat na tirahan, dumami ang bilang ng iskwater sa bansa. Sila ang mga taong nagtayo ng kanilang tirahan sa mga bakanteng lupain na walang kaukulang pahintulot mula sa pagmamay-ari nito.Marami ang walang hanapbuhay at matitirahan. Sa paghina o pagbaba ng produksyon, kaunti ang mabibiling produkto at mataas pa ang halaga ng ilan sa mga ito. Dahil dito, ibayong hirap at gutom ang naramdaman ng mga tao.

Mabigat din ang naging suliranin ng pamahalaan sa kapayapaan. May mga dating kasapi ng Huk na hindi nagbalik-loob sa pamahalaan. Karamihan sa kanila ay mga magsasaka na biktima ng mapagmalabis na mga namamahala sa hacienda sa Gitnang Luzon. Sila ay nagpatuloy na nanirahan sa kabundukan at ang iba ang naglunsad ng malawakang pakikidigma sa kanayunan.Nagsagawa sila ng mga pagnanakaw at pagsasamantala sa kanilang kapwa. Nagdulot ito ng pagtaas ng krimen sa bansa. Pinag-aralan ng pamahalaan kung paano matutugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga tao.

Binigyang-pansin ng pamahalaan ang pagtatayo ng industriya at bahay-kalakalan o pabrika upang mabiyayaan ang maraming walang hanapbuhay.

Upang malutas ang suliranin sa mga maralitang tagalungsod, naatasan ang Social Welfare Administration (Department of Social Welfare and Development ngayon) na pangasiwaan ang paglilipat ng mga tirahan sa mga lugar na malayo sa lungsod.

Binalangkas ng pamahalaan ang mga proyektong pabahay upang bigyang-lunas ang suliranin sa kakulangan ng tirahan sa bansa. Binigyang-pansin muna ang mga maralitang tagalungsod. Gumugol ng malaking halaga sa pagpapatayo ng proyektong Dagat-dagatan Resettlement Sites.Pinangasiwaan naman ng Government Service Insurance System (GSIS) ang programang pabahay para sa mga kawani ng pamahalaan at Social Security System (SSS) ang para sa mga manggagawa sa pribadong sector.Muling binuksan ang mga paaralan na magsasanay sa mga mag-aaral sa mga teknikal na kaalaman upang makatulong sa pag-unlad ng bansa. Isinaayos din ang mga pagamutan upang matugunan ang suliraning pangkalusugan ng mamamayan.

Naglaan din ng pondo para sa pagpapautang ng puhunan sa mga may kaalaman sa pagnenegosyo at sa mga magsasaka para sa pagbili ng mga kagamitan sa pagtatanim. Lahat ng ito ay tungo sa industriyalisasyon at modernisasyon ng pamahalaan para sa bansa.Ang Pagtugon sa mga Pambansang Suliranin

Reporma sa LupaBinigyang-pansin ng pamahalaan ang reporma sa lupa. Ang Batas Republika Bilang 3844 ay nagsasaad ng paglilipat ng pagmamay-ari sa mga magsasaka ng mga lupang dati nilang inuupahan. Ngunit ito ay lubhang tinutulan ng mga may-ari ng malalawak na lupain. Ang programang ito ay hindi nagtagumpay dahil sa kakulangan ng sapat na suporta at tulong upang ang mga magsasaka ay makapagsimula at mapabuti ang kanilang pamumuhay.Suliraning PananalapiUpang mapabilis ang pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao, itinatag ang mga sumusunod:

1. Rehabilitation Finance Corporation (RFC) kilala ito ngayon bilang Bangko sa Pagpapaunlad ng Pilipinas o Development Bank of the Philippines (DBP). Namamahala ang bangkong ito sa pagpapautang para sa pagsasaayos ng industriya, agrikultura at komersyo ng bansa. Gayundin, namamahala ito sa paglalaan ng puhunan sa pagsasaayos ng mga nasirang gusali, daan, at tulay.2. Bangko Sentral ng Pilipinas pangunahing tungkulin nito na panatilihin ang katatagan ng piso. Layunin nitong mapangalagaan ang halaga ng piso sa ibayong dagat at mapataas ang produksyon, hanapbuhay, at kita ng bansa. Taglay ng Bangko Sentral ang kapangyarihang maglaan ng salapi at magpatupad ng regulasyon sa sistema ng pagpapatakbo ng mga bangko sa bansa.3. Agricultural Credit Cooperative Financing Administration nagpapautang ito ng puhunan na may katamtamang interes o tubo sa mga magsasaka.

Kalagayan sa EdukasyonAng edukasyon ay mahalagang sandigan para sa ikauunlad ng isang bansa. Upang malayang makalahok ang mamamayan sa pag-unlad, kailangang may sapat itong kaalaman at kasanayan.Ang sistema ng edukasyon, kahit naging malaya na ang bansa, ay nasa ilalim pa rin ng impluwensya ng mga Amerikano. Nagsimula noong 1948 ang mga paaralang pampamayanan (community school). Sa sistemang ito ng edukasyon, ang paaralan ay ginagamit bilang sentro ng mga gawaing panlipunan sa pamayanan. Malaya ang sinuman na makapag-aral maging siya man ay mayaman o mahirap. Sa ilalim ng tinatawag na co-education, nagkasama ang mga babae at lalaki sa iisang silid-aralan.

Ginamit ang wikang Ingles sa pagtuturo na tinutuligsa ng maraming mambabatas dahil sa itoy nagsisilbing balakid sa pagsulong ng diwang makabayan.Nagbigay-daan ito sa pagkakaroon ng panukalang batas na gamiting ang Pilipino sa pagtuturo. Pinalawak din ang kaalamang bokasyonal sa mababang paaralan.

Ang pag-aaral ay nahahati sa apat. Una, ang pag-aaral sa mababang paaralan na kung saan ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng kaalaman at kasanayan sa pagbasa, pagsulat, at pagbilang. Ikalawa, ang mataas na paaralan na nahahati sa dalawang kurikulumang akademya (pag-aaral na akademiko) at bokasyonal. Ang akademya ay paghahanda sa kursong nais kunin sa kolehiyo, samantala ang bokasyonal ay paghahanda sa pagkakaroon ng kaalamang teknikal upang pagkatapos ay makapaghanapbuhay na. Ikatlo, ang pag-aaral sa kolehiyo o unibersidad.Itoy paghahanda upang maging isang propesyonal. Samantala, limitado ang mga mag-aaral na tinatanggap sa mga paaralang itinayo ng pamahalaan tulad ng Unibersidad ng Pilipinas at Polytechnic University of the Philippines. Ito ay dahil na rin sa kakulangan ng pondong panustos sa maraming mag-aaral na nagnanais pumasok. Ikaapat, ang pagtatayo ng mga pampamayanang paaralan na isinagawa ng mga guro sa pampublikong paaralan. Ito ang naging kaakibat sa pagpapaunlad ng kalagayang panlipunan, kabuhayan, at kalinisan ng mga pamayanan. Ang programang ito ay kauna-unahan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig. Ito ay idineklarang modelo para sa lahat ng mga bansa sa pagpupulong ng United Nations Conference of Community Development na ginanap noong ika-29 ng Nobyembre hanggang ika-10 ng Disyembre 1954.

Ang Pag-unlad ng Sining, Panitikan, at MusikaSa Ikatlong Republika, nabigyan ng pagkakataon ang mahuhusay na Pilipinong manunulat, pintor, at kompositor na mapaunlad ang ating sining. Sila ay tunay na maipagmamalaki ng bansa dahil sa kanilang natatanging ambag sa larangan ng sining. Isa na rito si Alejandro G. Abadilla na manunulat ng maikling kwento, tula, at sanaysay.Siya rin ang sumuri at nagtipon ng mga kwentong Tagalog noong 1954 na pinamagatang, Ang Maikling Kathang Tagalog. Si Genoveva Edroza-Matute naman ang nangalap ng mga kwento at sanaysay sa aklat na pinamagatang Akoy Isang Tunig noong 1952. Si Amado V. Hernandez ay nakilala naman dahil sa kanyang mga natatanging tula tulad ng Isang Dipang Langit noong 1961 at ang Bayang Malaya noong 1969.

Sa larangan naman ng dula, nakilala bilang mahuhusay na manunulat sina Rolando Tinio, Rogelio Sicat, Domingo Landicho, Amelia Lapea-Bonifacio, at marami pang iba.Sa mga Pilipinong gumagamit ng wikang Ingles sa pagsusulat, nakilala sina Nestor Vicente Madali (N. V. M.) Gonzales na may-akda ng A Season of Grace, Bamboo Dancers, at Look, Stranger on This Island Now; Jose Garcia Villa na naging tanyag din dahil sa kanyang Footnote to Youth at Selected Poems and New; at Nick Joaquin na hinangaan sa kanyang isinulat na Prose and Poems at The Woman Who Had Two Navels.

Marami naman sa magagaling na pintor sa bansa ay nakapag-aral sa Estados Unidos. Dahil sa kanilang husay sa paglikha, nakabuo sila ng sining na maituturing na sariling atin. Naging tanyag sa larangang ito sina Fernando Amorsolo, Victorio Edades, Diosdado Lorenzo, Hernando Ocampo, Vicente Manansala, Cesar Legaspi, Romeo Tabuena, at marami pang iba.

Ang sining ng iskultura ay pinaunlad din. Naging tanyag sa larangang ito sina Guillermo Tolentino, Napoleon Abueva, at Eduardo Castrillo.

Upang pahalagahan ang mga Pilipinong may angking talino sa sining, nagpatayo ang pamahalaan ng mga gusali na maaaring pagdausan ng anumang uri ng pagtatanghal na may kaugnayan sa sining. Ang ilan sa mga ito ay ang Cultural Center of the Philippines at Folk Arts Theater.

Nilikha rin ang parangal sa Pambansang Alagad ng Sining upang pahalagahan at hikayatin ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang pagpapaunlad sa sining ng ating bansa.Bahaging Ginampanan ng mga KababaihanSa kinaharap na suliranin ng pamahalaan sa panahong ito, inaasahan ang pakikipagtulungan ng bawat isa sa mabilis na pag-unlad ng bansa.

Maging ang mga kababaihan ay binigyan ng mataas na pagpapahalaga sa lipunan. Sila ang unang naging guro ng kanilang mga anak at tagapangalaga ng tahanan. Ang patuloy nilang paggabay sa kanilang mga anak ay makatutulong upang hindi ito malulong sa masamang bisyo tulad ng bawal na gamot, krimen, at iba pa. Binigyan din sila ng pagkakataong makilahok sa gawaing pampamayanan. Sila ay naglilingkod sa kanilang kapwa at tumutulong sa pagpapatupad ng batas.Mayroon silang pantay na karapatan sa mga kalalakihan tulad ng pagboto sa halalan at maaari rin silang mahalal sa anumang katungkulan sa pamahalaan. May karapatan din silang makapag-aral sa kolehiyo o unibersidad. Inaasahang makatutulong sila sa pag-unlad ng kabuhayan ng kanilang sariling mag-anak at gayundin ng ekonomiya ng bansa. Nakapaglilingkod ang kababaihan bilang guro, kawani, abogado, dentista, nars, at iba pang propesyon.

Malaki ang ginagampanang tungkulin ng mga kababaihan. Kaakibat sila ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa nito sa ikauunlad ng bansa.

Bagong RepublikaAng Pilipinas sa Ilalim ng Batas MilitarAng Batas Militar ay itinakda sa panahon ni Pangulong Marcos. Ito ay ipinatupad na hakbang ng pamahalaan na ayon kay Marcos ay naglalayong mailigtas ang republika laban sa paglaganap ng komunismo at malutas ang kaguluhan sa lipunan. Sa araling ito ay marami ka pang matututunan tungkol sa Batas Militar.Sa pagpasok ng taong 1970, bumagsak ang kabuhayan ng bansa. Tumaas ang presyo ng bilihin at bumaba ang halaga ng ating salapi. Itoy nagdulot ng matinding paghihirap sa mga karaniwang mamamayan. Naging laganap din ang mga tiwaling pinuno ng pamahalaan at ang unti-unting pagkalat ng mga rebelde tulad ng New Peoples Army (NPA). Itoy naging malaking suliranin sa kapayapaan ng bansa. Dahil dito, nagtatag ang pamahalaan ng pangkat ng mga sundalong sibilyan upang mapigilan ang paglaganap ng mga rebelde sa kanayunan. Subalit hindi rin ito naging matagumpay.Ang kalagayan ng lipunan ay higit na kinakitaan ng paglakas ng aktibismo sa bansa.

Maraming samahang kabataan ang lumaban at tumuligsa sa pamahalaan tulad ng Kabataang Makabayan (KM), Samahang Demokratiko ng Kabataan (SDK), Malayang Pagkakaisa ng mga Kabataang Pilipino (MPKP), at iba pa. Araw-araw, nagsasagawa ng kilos-protesta ang mga ito upang tuligsain ang pamahalaan sa pagsasawalang-bahala sa kalagayan ng mahihirap.

Noong ika-30 ng Enero, 1970, naganap ang pagtatangka ng mga mag-aaral na lusubin ang Palasyo ng Malacaang. Nagbunga ito ng madugong sagupaan sa Mendiola sa pagitan ng mga magaaral at alagad ng batas. Maraming tao ang nasawi at nasugatan. Tinawag ang pangyayaring ito na Labanan sa Mendiola.

Naghudyat ito ng madugong labanan sa pagitan ng pamahalaan at mga aktibista. Naging masigasig ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng sunud-sunod na mga demonstrasyon upang tuligsain ang mga nagaganap na katiwalian sa pamahalaan. Kasama na rin dito ang mga hinaing kaugnay sa dominasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas. Ang serye ng mga demonstrasyon na naganapnoong unang kwarter ng 1970 ay kinikilala bilang Unang Sigwa o First Quarter Storm.

Ang Pagpapahayag ng Batas MilitarNoong ika-21 ng Agosto, 1971, nagkaroon ng kaguluhan sa miting de avance ng Partido Liberal sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila nang sumabog ang dalawang granada sa entablado. Marami ang nasugatan at namatay kabilang na ang mga pulitikong kasapi sa Partido Liberal na kumakalaban sa pamahalaan.Ang mga nasugatan ay sina Senador Jovito Salonga, Eddie Ilarde, Sergio Osmea Jr., at marami pang iba. Bunsod nito, marami ang naging kritikal kay Pangulong Marcos ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus. Ito ang karapatan ng mga mamamayan laban sa hindi makatarungang pagkabilanggo. Ayon kay Pangulong Marcos, ang pagsuspinde ng writ of habeas corpus ay upang pangalagaan ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan at matiyak ang kaligtasan ng mamamayan. Noong ika-11 ng Enero, 1972, ibinalik din ng pangulo ang pagpapatupad ng writ of habeas corpus.

Pagsapit ng taong 1972, lumala ang kalagayang pangkapayapaan ng bansa.

Naging marahas ang naging pagsupil sa mga demonstrasyon na lubhang nakaapekto sa kabuhayan ng mga mamamayan. Sa patuloy na paglala ng sitwasyon, ipinasailalim ni Pangulong Marcos sinuspindesa Batas Militar ang buong kapuluan noong Setyembre 1972. Nagkaroon ng pangamba ang mga mamamayan nang ideklara ang Batas Militar. Marami ang nag-alala na maaari itong magdulot ng higit na kaguluhan sa bansa.

Ang pagtatakda ng Batas Militar ay nakapaloob sa Artikulo VII Seksyon 10, Talata 2 ng Saligang Batas na nagpapahintulot sa pangulo nang ganap na kapangyarihan sa oras ng kaguluhan. Alinsunod sa nilalaman ng Saligang Batas ng 1935, ang pangulo ang siyang may kapangyarihang magsagawa ng batas at pangkalahatang kautusan.

Sa ilalim ng Batas Militar, ang pangulo ay may kapangyarihan na magpatupad ng mga batas. Siya ang nagpapalabas ng mga Atas ng Pangulo (Presidential Decree), Liham Tagubilin (Letter of Instruction), at Kautusang Tagapagpaganap (Executive Order). Ang lahat ng pagsasabatas at pagpapatupad ay kapangyarihang taglay ng Pangulo sa ilalim ng Proclamation No. 1081.

Isa sa mga halimbawa ng batas na ito ay ang Atas ng Pangulo Bilang 86, ang kautusang nagtatag ng samahan ng mamamayan sa nayon, bayan, lungsod, at distrito upang makilahok sa mga programa ng pamahalaan para sa kaunlaran. Itinakda ng Atas ng Pangulo Bilang 86-A ang pagkilala sa barangay bilang kaakibat ng pamahalaan sa pagpapairal ng mga batas at pagpapatupad ng mga proyekto nito.

Ipinatupad ni Pangulong Marcos ang Atas ng Pangulo Bilang 6 na nagsasaad ng mga alituntuning dapat sundin ng mga kawani ng pamahalaan. Isinasaad din sa batas na ito ang kaparusahang igagawad sa mga kawaning nagmamalabis at nagpapabaya sa tungkulin. Sa unang dalawang taon, nagkaroon ng pagbabago sa pamahalaan. Nang kalaunan, muling lumubha ang katiwalian ng mga kawani at pinuno ng pamahalaan.

Dahil dito, binatikos ng mamamayan ang Pangulo. Maraming tiwaling pinuno ang inalis lamang sa tungkulin subalit hindi na naparusahan sa kanilang kasalanan. Ang iba ay inilipat lamang ng tanggapan at marami ang pinanatili sa kanilang tungkulin.

Pamumuhay sa Ilalim ng Batas MilitarNaging tahimik ang lipunan sa simula ng pagpapasailalim ng batas sa Martial Law. Dahil sa ipinatutupad na curfew, naging tahimik ang mga lansangan pagsapit ng hatinggabi. May mga pamilyang natuwa dahil inasahan nila ang paghinto ng mga kaguluhan sa lipunan. Samantala, nakatulong din sa pansamantalang pananahimik ng mamamayan ang pagliit ng bilang ng mga taong walang trabaho dahil sa mga programang pangkabuhayan na itinataguyod ng pamahalaan.

Subalit hindi naglaon, nagpatuloy ang hinaing ng mga mamamayan. Ayon sa mga aktibista, lalong lumaki ang agwat ng mayayaman sa mahihirap. Dagdag pa rito, lumitaw na tanging ang mga malalaking korporasyon lamang ang nakikinabang sa kaunlaran na tinatamasa ng bansa.

Ipinatupad ni Pangulong Marcos ang Atas ng Pangulo Bilang 6 na nagsasaad ng mga alituntuning dapat sundin ng mga kawani ng pamahalaan. Isinasaad din sa batas na ito ang kaparusahang igagawad sa mga kawaning nagmamalabis at nagpapabaya sa tungkulin. Sa unang dalawang taon, nagkaroon ng pagbabago sa pamahalaan. Nang kalaunan, muling lumubha ang katiwalian ng mga kawani at pinuno ng pamahalaan.

Dahil dito, binatikos ng mamamayan ang Pangulo. Maraming tiwaling pinuno ang inalis lamang sa tungkulin subalit hindi na naparusahan sa kanilang kasalanan. Ang iba ay inilipat lamang ng tanggapan at marami ang pinanatili sa kanilang tungkulin.

Ang ipinagmamalaking kaunlaran ay hindi nadarama ng mahihirap. Lalo pang pinahirapan ang mamamayan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin habang nanatiling mababa ang kanilang sahod. Sa pagbagsak ng ekonomiya ay lalong lumaganap ang kahirapan. Naging malaking suliranin din ang paglaki ng populasyon at paglaganap ng maralitang tagalungsod.

Kasunod ng lumulubhang suliraning pang-ekonomiya ang lumalalang suliraning panlipunan at pangkapayapaan sa ilalim ng Batas Militar. Lumaganap ang krimen sa buong kapuluan. Dumami ang mga kilusang tumutuligsa sa pamamalakad ng pamahalaan. Dahil dito, sinikap magpatupad ng ibat ibang programa ang pamahalaan upang matugunan ang kahilingan ng mga mamamayan.

Mga Suliranin at Programang Panlipunan

Programa sa Lupa. Noong ika-26 ng Setyembre 1972, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng mga lupa sa ilalim ng Atas ng Pangulo Bilang 2. Layunin ng patakarang ito na maipamahagi nang pantay-pantay ang mga lupain upang lumaki ang hanay ng mga Pilipinong maykaya at mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Kaugnay nito, bumuo ang pamahalaan ng sangay na mangangalaga sa pagpaparami ng mga butil ng mais at palay. Ito ang National Grains Authority (NGA). Ang NGA ang nangasiwa sa pamamahagi ng butil upang magkaroon ng kabuhayan ang mga magsasaka at upang maiwasan ang bawal na pag-iimbak at pagtatayo ng mga bodega ng mapagsamantalang mga negosyante.

Ang Atas ng Pangulo Bilang 17 ay may layuning mapalaya ang mga magsasaka sa kanilang pagkakaalipin sa nagmamay-ari ng lupang kanilang sinasaka. Sa pamamagitan ng batas na ito, maaaring magmay-ari ng sariling lupa ang magsasaka pagkatapos nitong mabayaran ang kabuuang halaga sa loob ng 25 taon. Magkakaloob din ng tulong teknikal ang ahensya ng pamahalaan at maging tulong-pinansyal sa pamamagitan ng pagpapautang ng mga bangko rural. Inaasahang mapabubuti nito ang kalagayan ng pamumuhay ng mga magsasaka.

Pagdami ng Iskwater. Ang labis na kahirapang dinanas ng mamamayan ang nagbunsod sa karamihan na lumipat sa lungsod upang maghanapbuhay. Sa hindi inaasahang pagdami ng tao sa lungsod, nagkaroon ng kakulangan ng tirahan at dumami ang mga iskwater. Nagsilbing tahanan ng mga iskwater ang mga gilid ng riles ng tren, ilalim ng tulay, at pampubliko at pampribadong bakanteng lote.

Paglaki ng Populasyon. Noong ika-1 ng Mayo 1970 umabot sa 36 684 486 ang kabuuang populasyon ng Pilipinas na ikapito sa may pinakamalaking populasyon sa Asya at ika-16 sa buong daigdig. Umabot naman sa 48 317 000 ang populasyon ng bansa noong 1980. Isang malaking suliranin ng pamahalaan ang paglaki ng populasyon na nagiging sanhi ng pagkaubos ng mga likas na pinagkukunangyaman ng bansa.

Ang Kilusang CPP-NPA. Noong 1968, itinatag ni Jose Ma. Sison ang Communist Party of the Philippines (CPP) na may layuning agawin ang kapangyarihan sa pamahalaan sa pamamagitan ng isang pag-aalsa. Tinutulan nito ang sistema ng pamumuhunan na umiiral sa bansa at ang pagkakaroon ng ugnayan ng pamahalaan sa kapitalistang bansa tulad ng Estados Unidos.

Adhikain nito na maitaguyod ang pagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan sa mga pinagmumulan ng produksyon tulad ng malalawak na lupain.

Noong 1970, mabibilang lamang ang mga kasapi ng mga komunistang rebelde. Subalit matapos ipahayag ang Batas Militar, lumaki ang bilang ng kilusan. Upang maisagawa ang layunin ng pag-aalsa, nagsanib ang pwersa nina Jose Ma. Sison at Bernabe Buscayno (na kilala sa alyas na Kumander Dante).

Noong 1969 ay binuo nila ang New Peoples Army (NPA), ang sandatahang lakas ng CPP. Naging malawak ang samahan ng NPA sa buong kapuluan. Karamihan sa mga kasapi ay mga magsasaka na nahaharap sa malalaking suliranin sa lupa.

Nang matapos ang Batas Militar noong 1981, tinatayang umaabot sa 25 000 na ang mga kasapi ng NPA, samantalang mayroong dalawa hanggang tatlong milyon naman ang tagasunod sa mahigit na 100 baryo na nasa impluwensya ng komunismo sa buong kapuluan.

Nagpasya ang ilang mag-aaral na aktibista na umakyat ng bundok at ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa pamahalaan. Layunin ng kilusang baguhin ang sistemang pangkabuhayan sa lipunan kung saan ang pangunahing kabuhayan ng mamamayan ay nakasalalay sa pagsasaka. Tinututulan din ng kilusan ang pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga dayuhan na makialam sa usaping panlipunan ng bansa.

Ang MNLF. Sa pagkakatatag ng Batas Militar, lalong sumidhi ang layunin ng mga kilusan tulad ng NPA at MNLF na lumaban sa pamahalaan. Ang kalagayang pangkapayapaan ay naging malaking suliranin ng pamahalaan. Ang Moro National Liberation Front (MNLF) ay pinamunuan ni Nur Misuari. Layunin ng MNLF na ihiwalay ang Mindanao at Sulu sa kabuuan ng Pilipinas.

Matapos ang kasunduang tigil-putukan noong Nobyembre 1975, hiniling ng Pangulong Marcos sa mga bansang Muslim tulad ng Libya na suportahan ang programang pangkapayapaan sa Mindanao. Dahil dito, nagkasundo ang pamahalaan at MNLF na magtatag ng sariling pamahalaan ang katimugang bahagi ng Pilipinas. Ito ay ang 1976 Tripoli Agreement. Subalit sa ginawang reperendum noong 1976, dalawang rehiyon lamang ang sumang-ayon sa pagsasarili.

Pangangalaga sa Kaligtasan ng BansaAng NPA at MNLF ay patuloy na naging banta sa katahimikan ng bansa. Naging laganap ang kaguluhan sa ilang bahagi ng kapuluan, marami ang naging biktima ng karahasan at pagkawala o pagkasira ng mga ari-arian. Gumawa ang pamahalaan ng mga hakbang upang malutas ang mga kaguluhang nangyayari sa paligid ng bansa. Ipinatupad ang mga sumusunod:

1. Pagsuspinde ng writ of habeas corpus (karapatan ng tao laban sa di makatwirang pagkabilanggo)2. Pagkulong at paghuli sa mga kilalang kaaway o tumutuligsa sa pamahalaan3. Pagpairal ng curfew mula alas-dose ng gabi hanggang alas-kwatro ng umaga 4. Pagbawal sa mga welga sa mga pagawaan at rali o demonstrasyon ng mga kabataan at manggagawa5. Pagbawal sa pagmamay-ari ng armas at ang pagdala nito sa labas ng tahanan

Programang Panlipunan at Pangkabuhayan

LupaAyon sa Pampanguluhang Batas Bilang 2, ang buong bansa ay sakop ng reporma sa lupa. Itinakdang pitong ektarya lamang ang laki ng lupang maaaring panghawakan ng sinuman at ang labis ay bibilhin ng pamahalaan upang ipagbili sa mga magsasaka. Kaakibat nito ay ang programang Luntiang Rebolusyon (Green Revolution), Masagana 99, at Palayan ng Bayan.

PangkabuhayanBinuksan ang Pilipinas sa mga dayuhang kapitalista. Pumasok ang mga korporasyong mutinasyonal sa bansa na nakapagbibigay ng hanapbuhay sa maraming tao. Nagtayo rin ng mga export processing zones sa Mariveles, Bataan na gumagawa ng mga produktong iniluluwas sa ibang bansa.

Nagsagawa ng pananaliksik ukol sa pangangalap ng mga pagkukunan ng mga langis at petrolyo sa Palawan na makatutulong sa ekonomiya. Nagtayo ng mga plantang hydroelectric, heotermal, at nukleyar. Inilunsad ang Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran (KKK) na naglalayong mabigyan ng hanapbuhay ang mga tao.

EdukasyonNagsagawa ng mga pagsasanay sa mga kabataan ukol sa mga kaalaman sa paggawa sa mga industriya na itinatag ng Bagong Lipunan. Ginamit ang wikang Filipino sa pagtuturo ng ilang asignatura. Nagsimula ang pagpapatupad ng National College Entrance Examination (NCEE), isang pagsusulit bilang pagtaya sa kakayahan ng mga mag-aaral na nagnanais magpatuloy ng kolehiyo o paaralang teknikal.

Ipinakikilala rin ng pamahalaan ang Youth Civic Action Program (YCAP) magtatakda sa mga mag-aaral na magsagawa ng mga pampublikong gawain tulad ng paglilinis ng lansangan.

KalusuganNagpatupad ang pamahalaan ng programa na mangangalaga sa kalusugan ng mga anggagawa at mahihirap. Halimbawa nito ay ang Medicare na nagkakaloob ng tulong sa mga manggagawa sa pagkakataong sila ay magkasakit. Itinayo ang Philippine Heart Center, isang pagamutan para sa may sakit sa puso, National Kidney Institute para sa maysakit sa bato, at Lung Center of the Philippines para sa may sakit sa baga. Ang mga pagamutang ito ay may mga makabagong kagamitan at mga espesyalistang doktor.

PabahayUpang matugunan ang lumalalang suliranin ng mga iskwater, bumuo ng mga programang pabahay tulad ng BLISS, Dagat-Dagatan Resettlement Sites, at pabahay sa ibat ibang panig ng kapuluan.

Paggawa at Kabutihang-PantaoAng pagpapatayo ng pamahalaan ng mga daan, tulay, paliparan, at daungan ay nakatulong sa paglikha ng trabaho. Subalit hindi pa rin sapat ang mga ito upang mabigyan ng trabaho ang nangangailangan kung kaya nagtatag ang pamahalaan ng ibat ibang sangay tulad ng Overseas Employment Development Board (OEDB), Public Employment Office (PEO), National Seaman Board (NSB), National Manpower Youth Council (NMYC), at ang Bureau of Apprenticeship (BA). Ang PEO ay nangangasiwa sa paghahanap ng mapapasukan ng mga manggagawang Pilipino sa bansa, samantalang ang OEDB naman ang nangangasiwa sa paghahanap ng mapapasukan sa ibang bansa. Nagsimula ring magpadala ang pamahalaan ng mga marinong Pilipino sa ibang bansa. Dahil sa pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa, nabawasan ang kakulangan ng hanapbuhay sa Pilipinas.

Bagamat malaki ang naitulong ng overseas Filipino workers (OCWs) sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa, nagbunga rin ito ng hindi maganda. Karamihan sa mga manggagawang Pilipino na nagtutungo sa ibang bansa ay napipilitan lamang dahil sa kahirapan ng buhay. Tinitiis nilang mahiwalay sa sariling pamilya kumita lamang ng perang panustos sa kanilang pangangailangan.

Sa pagpapadala ng pamahalaan ng mga OCW, higit na lumalaki ang pagkakataon na silay maging biktima ng pang-aabuso, hindi wastong pagpapasahod, at pagsasamantala ng ibang lahi.

Ang Pagpapatatag ng Demokasya sa BansaAng mga ito ay mga eksanang naganap noong panahong muling naibalik ang demokrasya sa ating bansa. Ating gunitain ang natamo nating kalayaan at pag-asa para sa isang maunlad at mapayapang pamumuhay. Naway ang tunay na diwa ng People Power I ay manatili sa puso ng lahat ng mga Pilipino.

Pagpapalakas ng Demokrasya sa BansaMuling nabuhay sa puso at diwa ng sambayanang Pilipino ang inaasam na pagbabago at kaunlaran nang makamit ang demokrasya pagkatapos ng People Power I. Minsan pa ay nagkaroon ng dahilan ang mga Pilipino upang muling ipagmalaki ang bansa sa daigdig.

Ang ipinamalas na pagkakaisa ng mga Pilipino sa EDSA ay higit na nagpatatag sa diwa ng demokrasya. Nakatulong sa pananaw na ito ang sama-samang pagbubuklod ng mga Pilipino upang isulong ang paghahangad ng mapayapang pagbabago sa umiiral na pulitika sa bansa. Ito ay isang natatanging katangian ng mga Pilipino.