62
HEKASI 6 NAT REVIEWER PART II By JANETTE O. DIEGO

Nat reviewer part ii

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Nat  reviewer part ii

HEKASI 6

NAT REVIEWER

PART II

By

JANETTE O. DIEGO

Page 2: Nat  reviewer part ii

Panuto: Piliin ang tamang sagot. 1. Ang Ilog Pasig ang pangunahing yamang-tubig na pinagkukunan ng pangunahing pangangailangan at ugat sa pangkalahatang kalakalan sa Kalakhang Maynila. Ano naman ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas ang matatagpuan sa Lambak ng Cagayan?

A. Ilog Cagayan B. Ilog Chico C. Ilog Iligan D. Ilog Magat

Sagot: A

Page 3: Nat  reviewer part ii

• 2. Ang Palawan ay itinuring na bahagi

ng Luzon subalit ito'y binago ayon sa

mga pag-aaral at pinagtibay ng ating

batas. Saang malalaking pangkat ng

mga pulo isinama ang pulong ito?

A. Luzon

B. Mindanao

C. Panay at Leyte

D. Visayas

• Sagot: A

Page 4: Nat  reviewer part ii

• 3. Mapapansin natin na hindi lahat ng lugar

sa bansa ay naaabot ng kabihasnan.

Malalayo ang pagamutan, paaralan at iba pa.

Maging ang signal ay mahina din, na dahilan

kung bakit di lahat ay may cellphone

na. Anong rehiyon sa bansa ang itinuturing

na sentro ng transportasyon, kalakalan,

komunikasyon at edukasyon?

• A. Cebu C. Mindanao

B. Davao D. NCR

• Sagot: D

Page 5: Nat  reviewer part ii

• 4. Ang ating bansa ay biniyayaan ng

saganang likas-yaman gaya ng mga

tuna, seaweed at iba pang yamang

dagat. Anong rehiyon sa Pilipinas ang

tinaguriang Tuna Capital?

A. CALABARZON

B. CAR

C. MIMARO

D. SOCCSKSARGEN

• Sagot: D

Page 6: Nat  reviewer part ii

• 5. Ang Baguio ay itinuturing na

Summer Capital ng bansa dahil sa

kakaibang klima rito. Sa anong

rehiyon nabibilang ang lalawigang

ito?

A. CALABARZON

B. CAR

C. MIMARO

D. NCR

• Sagot: B

Page 7: Nat  reviewer part ii

• 6. Isa sa mga pinagkukunan ng bansa

ng enerhiya ay nagmumula sa lakas

ng tubig na matatagpuan sa

Mindanao. Anong enerhiya ang

tinutukoy dito?

A. Maria Cristina Hydro-electric Plant

B. Mt. Apo Geothermal

C. Tiwi Geothermal

D. Nido Oilfields

• Sagot: A

Page 8: Nat  reviewer part ii

• 7. Ang tanso ay kabilang sa yamang-

mineral na ginagawang

mahahalagang kasangkapan at

instrumentong pangmusika. Saang

lugar sa bansa may

pinakamalaking deposito ng nito?

A. Cebu

B. Leyte

C. Pampanga

D. Zambales

• Sagot: A

Page 9: Nat  reviewer part ii

• 8. Maraming magagandang

halaman ang matatagpuan sa

bansa. Alin ang kinikilalang

pinakamaganda ang orkidyas sa

mundo?

A. Catleya C. Sampaguita

B. Ilang-ilang D.Waling-waling

• Sagot: D

Page 10: Nat  reviewer part ii

• 9. Kilala ang lalawigan ng Laguna sa

mga likas na mga bukal, batis, lawa at

mga sapa. Ano namang uri ng

yamang lakas ang matatagpuan

saCaliraya, Laguna?

A. geothermal

B. hydroelectric

C. dendrothermal

D. pump storage power plant

• Sagot: A

Page 11: Nat  reviewer part ii

• 10. Maraming magagandang muebles na gawa

sa marmol ang ginagamit bilang kasangkapan

at palamuti sa bahay.

• Saan matatagpuan ang malalaking deposito

nito sa Pilipinas?

A. Bulacan at Romblon

B. Mindoro at Palawan

C. Samar at Leyte

D. Tarlac at Zambales

Sagot: A

Page 12: Nat  reviewer part ii

11. Ang mga ito ay madalas gamiting

alahas o palamuti sa katawan.Anong

yamang mineral ang mga ito ang

matatagpuan sa mga lalawigan ng

Zambales, Davao del Sur at Masbate?

A. Ginto

B. ginto at pilak

C. marmol at karbon

D. tanso

B

Page 13: Nat  reviewer part ii

• 12. Maraming uri ng lakas o enerhiya ang

maaari nating linangin at gamitin para sa

iba't-ibang pangangailangan gaya ng

lakas geothermal.Saan ito nanggagaling?

• A. enerhiya mula sa sikat ng araw

• B. enerhiya mula sa mga bukal

• C. enerhiya mula sa tubig

• D. enerhiya mula sa uling

Sagot: B

Page 14: Nat  reviewer part ii

• 13. Noong 1979, nakatuklas ng isang

malaking deposito ng langis sa may dagat ng

Palawan na tinawag na Nido Oilfields. Bakit

ito mahalaga sa bansang Pilipinas

• A. Malaking tulong ito sa ating

pangangailangan sa enerhiya

• B. May pag-asa na ang PIlipinas na maibsan

ang suliranin sa langis

• C. Mapapababa nito ang presyo ng langis sa

bansa

• D. Maaari itong makatulong sa ating

kakulangan sa pananalapi

• sagot: B

Page 15: Nat  reviewer part ii

• 14. Saan matatagpuan ang tinatawag

na Allah Valley sa bansa?

• A. gitnang Davao

• B. gitnang Mindanao

• C. hilagang Mindanao

• D. timog Zamboanga

Sagot: A

Page 16: Nat  reviewer part ii

• 15. Ang pandarayuhan ng mga taga-

probinsya mula sa kanayunan patungo

sa mga lungsod ay maiuugnay sa pagnanais

ng mga tao na:

• A. Maging bahagi ng kaunlaran ng daigdig

• B. Maging bahagi ng pag-unlad ng bansa

• C. Maiwasan ang kahirapan sa kanayunan

• D. Pagbabaka-sakali na bumuti ang buhay

sa mga lungsod

Sagot: D

Page 17: Nat  reviewer part ii

• 16. Ang ating bansa ay mayaman sa

lupang pansakahan kung kaya't

tinawag itong Rice Granary ng bansa.

Saang baahagi ng bansa ito

maaaring matagpuan?

• A. gitnang Luzon

• B. gitnang Visayas

• C. gitnang Mindanao

• D. NCR

Sagot: A

Page 18: Nat  reviewer part ii

• 17. Sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987 ay

maliwanag na itinakda ang pagkamamamayan ng mga

Pilipino. Alin dito ang hindi kasama sa panukala?

• A. Ang mga magulang ay ipinanganak sa ibang bansa

ngunit itinuturing na mga mamamayang Pilipino.

• B. Ang iyong ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas.

• C. Iyong ipinanganak bago ang Enero 17, 1973 na may

inang Pilipina na pinili ang pagkamamamayang Pilipino

sa pagsapit ng tamang gulang.

• D. yaong naging mamamayang Pilipino sa pamamagitan

ng naturalisasyon na ayon sa batas.

Sagot: A

Page 19: Nat  reviewer part ii

• 18. Si Ryan ay ipinanganak sa ibang

bansa. Pilipino ang kanyang mga

magulang. Anong batayan ang sinunod

ng kanyang pamilya para maging

Pilipino?

• A. Jus Sanguinis

• B. Jus Soli

• C. Likas na kapanganakan o Natural

Born

• D. Naturalisasyon

Sagot: A

Page 20: Nat  reviewer part ii

• 19. Ang Pilipinas ay mayaman sa mga likas

yaman, subalit kung ito ay hindi maayos na

lilinangin, ito ay maaaring maubos at mawala

dahil sa:

• A. Ito ay hindi napapalitan o replenishable

• B. Ibang bansa lamang ang makikinabang

• C. Hindi marunong magpahalaga ang mga tao

• D. Ang alam lamang ng tao ay gumamit ngunit

kulang sa paglinang

Sagot:D

Page 21: Nat  reviewer part ii

20. Ang sistemang kaingin at deforestation

ay masama sa kapaligiran sapagkat ito

ay:

A. Nakakasira sa kapaligiran

B. Pinagmumulan ng siltation

C. Pinagmumulan ng pagbaha

D. Pinagmumulan ng mga sakuna

Sagot: D

Page 22: Nat  reviewer part ii

• 21. Ang Korte Suprema ang

pinakamataas na hukuman sa bansa

na ang tungkulin ay ang:

• A. Gumawa ng mga batas

• B. Ipagtibay ang batas

• C. Pangalagaan ang batas

• D. Ipaliwanag ang batas

Sagot: B

Page 23: Nat  reviewer part ii

• 22. Mahalaga na bantayan ng mga

mamamayan ang kanilang karapatan

dahil sa:

• A. Ito ay maaaring abusuhin ng iba

• B. Ito ay ipinaglaban ng ating mga

ninuno

• C. Ito ay nakasaad sa Saligang

Batas

• D. Ito ay likas nating karapatan

Sagot: A

Page 24: Nat  reviewer part ii

• 23. Ang pagiging mamamayang Pilipino ay

maaaring mawala o bawiin ng estado kung

kinakailangan. Ang mga sumusunod ay mga

dahilan nito maliban sa isa.

• A. Pagiging naturalisadong mamamayan ng

ibang bansa

• B. Pagtalikod o pagtakwil sa pagiging

mamamayang Pilipino

• C. Panunumpa sa katapatan at pagtataguyod ng

saligang batas ng ibang bansa.

• D. Pagbabatas ng Kongreso

Sagot:D

Page 25: Nat  reviewer part ii

• 24. Ang pagkamamamayang Pilipino ay

maaaring ipagkaloob sa mga dayuhang

nagnanais na maging bahagi ng ating bansa sa

maikling panahon lamang. Ito ay ang mga

sumusunod maliban sa isa.

• A. Ipinanganak sa Pilipinas

• B. May hinahawakang pampublikong

katungkulan sa pamahalaan

• C. Nakapanirahan na sa bansa sa loob ng

sampung taon.

• D. Nakapag-asawa ng Pilipina

Sagot: C

Page 26: Nat  reviewer part ii

• 25. May mga taong nagiging mamamayang

Pilipino sa pamamagitan ng pamamaraan na

ipinagkakaloob ng pamahalaan. Ito ay ang mga

sumusunod liban sa isa.

• A. naturalisayon

• B. jus soli

• C. direct acceptance

• D. derivative acceptance

Sagot:B

Page 27: Nat  reviewer part ii

• 26. Si Ryan ay labingwalong taong gulang na. Nais niyang mag-aplay ng trabaho. Hiningan siya ng tanggapan ng katunayan na siya ay nasa wastong gulang at kasalukuyang naninirahan sa kanilang lugar. Anong katibayan ang kanyang kukunin sa pamahalaang lokal?

• A. Buwis sa Kita

• B. Buwis sa Negosyo

• C. Birth Certificate

• D. Lisensya sa pagmamaneho

Sagot: C

Page 28: Nat  reviewer part ii

• 27. Ang anumang ating natanggap mula sa

ating mga magulang o napanalunan sa

malakihang palaro ay may buwis na

binabayaran. Alin sa mga sumusunod ang

naaangkop na buwis para dito?

• A. Buwis sa Kita

• B. Buwis sa Minana o Regalo

• C. Buwis sa Negosyo

• D. Buwis sa Adwana

Sagot:B

Page 29: Nat  reviewer part ii

• 28. Ang ating bansa ay may tungkuling

ipagtanggol ang kaligtasan ng bawat

mamamayan laban sa rebelyon, kaguluhan

sa loob at labas ng bansa. Anong ahensiya

ng pamahalaan ang nangangasiwa rito?

• A. DND

• B. DILG

• C. DENR

• D. DSWD

Sagot:A

Page 30: Nat  reviewer part ii

• 29. Ang Artikulo III ng Saligang Batas ng

1987 ay pinamagatang Katipunan ng mga

Karapatan o Bill of Rights na maliwanag na

inisa-isa ang mga karapatan ng mga Pilipino.

Anong sangay ng pamahalaan ang

gumagawa ng batas na ito?

• A. Ehekutibo

• B. Hudikatura

• C. Krongreso

• D. Lehislatibo

Sagot: D

Page 31: Nat  reviewer part ii

• 30. Ang lahat ng mga karapatan ng

isang mamamayan sa isang bansang

malaya gaya ng Pilipinas ay binigyang

pansin lalo na ang isa sa mga

sumusunod.

• A. karapatang mabuhay

• B. karapatang sibil

• C. karapatan ng nasasakdal

• D. karapatang papulitikal

Sagot:C

Page 32: Nat  reviewer part ii

• 31. Ang nasasakdal ay may mga karapatang di

dapat ipagkait sa kanya maliban sa isa kung siya

ay nahatulan na.

• A. Ang nasasakdal ay hindi maaaring akusahan

nang dalawanag ulit sa isang pagkakasala.

• B. Ang karapatang writ of habeas corpus

• C. Ang nasasakdal ay may karapatang kausapin

nang harapan ang nag-akusa at kanyang mga

testigo.

• D. Ang nasasakdal ay may karapatang

ipagtanggol ang sarili sa pamamagitan ng

pagkuha ng isang abogado

Sagot: A

Page 33: Nat  reviewer part ii

• 32. Ang kalayaan at karapatan ng isang mamamayan ay isang bagay na hindi dapat sinusupil dahil sa ito ay:

• A. Likas, simula pa sa kapanganakan

• B. Itinadhana sa Saligang Batas

• C. Ipinaglaban n gating mga ninuno

• D. Binabantayan ng ating mga pinuno

Sagot: A

Page 34: Nat  reviewer part ii

• 33. Palihim na nagkaroon ng pagpupulong ang mga kasapi ng samahang tutol sa pamahalaan na pinangungunahan ni Amihan. Malaya nilang tinalakay ang mga bagay-bagay. Anong karapatan ang ipinakikita sa pangungusap?

• A. Kalayan sa Komunikasyon

• B. Kalayaan sa Pagpapahayag

• C. Kalayaan sa Pagtitipon

• D. Kalayaan sa Pagtatayo ng Samahan

Sagot: C

Page 35: Nat  reviewer part ii

• 34. Ang bansa ay uunlad kung ang mga kalsada, tulay, daan, paliparan, gusaling pambayan at mga katulad ay maayos, malawak at napangangalagaan. Anong ahensya ng pamahalaan ang gumaganap ng tungkuling ito?

• A. DPWH

• B. DSWD

• C. DOLE

• D. DOT

Sagot: A

Page 36: Nat  reviewer part ii

• 35. Kailangan ang badyet ng pamahalaan para sa mga proyektong ipinagagawa nito para sa ikauunlad ng bansa. Alin sa mga sumusunod na ahensya ang nangangasiwa tungkol dito?

• A. DOT

• B. DENR

• C. DBM

• D. DTI Sagot: C

Page 37: Nat  reviewer part ii

• 36. Ang bansang Pilipinas ay nagpahayag ng kalayaan noong Hunyo 12, 1898 at kasabay nito sa unang pagkakataon, tayo ay nagkaroon ng kasarinalan. Kailan ito maaaring nawala sa atin?

• A. Kung tayo ay sakupin ng ibang bansa

• B. Kung tayo ay papanig sa ibang bansa

• C. Kung tayo ay mawawalan ng pangulo

• D. Kung ang mga Pilipino ay hindi magkakasundo

Sagot: A

Page 38: Nat  reviewer part ii

• 37. Ang estado ay may apat na katangian

maliban sa isa.

• A. Tao o mamamayan

• B. Teritoryo o lupaing sakop

• C. Kasarinlan o lubos na kapangyarihan

ng estado

• D. Iisang partidong namamahala sa

pamahalaan

Sagot: D

Page 39: Nat  reviewer part ii

• 38. Bawat bansang malaya ay may panimula na

isinasaad sa isang saligang batas na nagsasabi ng

lubos na pagkakamit ng kalayaan. Ito ay ang mga

sumusunod maliban sa isa.

A. Ang kasarinlan na pinakamataas na kapangyarihan

ay nasa mamamayan.

B. Ang kasarinlan ay iniluklok ng Konstitusyon

C. Ipinahayag ng kasarinlan ang pinakapangunahing

layunin ng ating

pagkabansa

D. Ang kasarinlan ang nagtatakda ng uri ng

pamumuhay ng mga mamamayan

• Sagot: D

Page 40: Nat  reviewer part ii

• 39. Maraming suliraning pambansa ang kinakaharap ngayon ng Pilipinas.Kabilang na rito ang kalagayan pang-ekonomiya ng ating pamahalaan. Hindi pinapayagan ng ating pamahalaan na makialam ang ibang bansa sa usaping ito. Anong karapatan ang pinairal ng pamahalaan?

• A. Karapatan sa Pagsasarili

• B. Karapatan sa Pantay na Pagkilala

• C. Karapatan sa Pamamahala ng nasasakupan

• D. Karapatan sa Pagmamay-ari

• Sagot: A

Page 41: Nat  reviewer part ii

• 40. Ang teritoryo ay ang kabuuang sakop ng Pilipinas kasama ang mga bahagi ng tubig sa paligid at loob, at papawirin na saklaw nito. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap tungkol sa mga karapatang pambansa?

• A. Karapatan sa Pagmamay-ari

• B. Karapatan sa Pamamahala ng nasasakupan

• C. Karapatan sa Pakikipag-ugnayan

• D. Karapatan sa Pagsasarili

• Sagot: A

Page 42: Nat  reviewer part ii

• 41. Binaril at napatay ng isang sundalong Amerikano ang isang

sundalong Pilipino habang ito ay tumatawid sa tulay ng San Juan

del Monte. Ano ang naging epekto nito kay Emilio Aguinaldo?

• A. Nagpahayag si Aguinaldo ng pakikidigma sa mga Amerikano

• B. Ipinalibing na lamang ito nang maayos ni Aguinaldo at

kinalimutan na lamang ang nangyari upang maiwasan ang isang

labanan

• C. Nalungkot si Aguinaldo sa nangyari dahil sa naulila ang

pamilya ng sundalong Pilipino

• D. Ipinag-utos ni Aguinaldo na magkaroon ng pagpupulong sa

pagitan ng Amerikano at Pilipino upang pag-usapan ang mga

bagay tungkol dito

Sagot: A

Page 43: Nat  reviewer part ii

• 42. Si Heneral Gregorio del Pilar ay tinaguriang bayani

ng Pasong Tirad. Papaano niya ipinagtanggol ang

bansa?

• A. Pinangalagaan niya ang pagtakas ni Emilio

Aguinaldo sa pamamagitan ng pagharang sa mga

sundalong Amerikano

• B. Pinagpatuloy ang laban sa Pasong Tirad hanggang

napasuko ang mga sundalong Amerikano.

• C. Pinasunog niya ang mga kagamitan ng mga

sundalong Amerikano.

• D. Hinabol niya ang mga kawal na Amerikano sa

Pasong Tirad.

Sagot: A

Page 44: Nat  reviewer part ii

• 43. Paano ipinamalas ni Lapu-Lapu ang kanyang kagitingan laban sa mga mapanakop na Espanyol?

• A. Sa pamamagitan ng pakikipagsanduguan

• B. Sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga Espanyol

• C. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng kaugalian ng mga Espanyol

• D. Sa pamamagitan ng pangangalaga sa interes ng mga Espanyol

Sagot: B

Page 45: Nat  reviewer part ii

• 44. Ang Saligang Batas ng Malolos ng unang

Republika ng Pilipinas ay pinasinayaan

noong Enero 23, 1899 sa simbahan ng

Barasoain, Malolos, Bulacan. Sino ang

nahalal na pangulo ng Kongreso noong

panahong iyon?

• A. Andres Bonifacio

• B. Pedro Paterno

• C. Gregorio del Pilar

• D. Miguel Malvar

Sagot: B

Page 46: Nat  reviewer part ii

• 45. Ang pakikipaglaban sa mga Amerikano ay hindi

lamang sa Luzon at Visayas naganap. Maging ang mga

Pilipinong Muslim ay nakipaglaban din sa ngalan ng

kalayaan. Bakit nakipaglaban ang mga Muslim sa mga

Amerikano?

• A. Dahil iba ang kanilang relihiyon o paniniwala

• B. Binalak ng mga Amerikano na supilin ang kalayaan ng

mga muslim

• C. Ayaw ng mga Muslim na mapasa-ilalim sa mga

Amerikano

• D. Ang mga Muslim kalian man ay hindi nagpasakop sa

mga dayuhan

Sagot: D

Page 47: Nat  reviewer part ii

• 46. Noong Hunyo 16, 1898 nakamit ng mga

Pilipino ang kalayaan mula sa mga kamay ng

mga Espanyol. Sinong mananakop naman ang

nagbigay sa atin

ng tunay na kalayaan na naganap noong Hulyo

4, 1946?

• A. Amerikano

• B. Hapones

• C. Intsik

• D. Arabe

Sagot: A

Page 48: Nat  reviewer part ii

• 47. Ang Magdalo na pinamunuan ni Aguinaldo

ay isa lamang sa bahagi ng Katipunan. Anong

pangkat naman ang pinamunuan ni Bonifacio

sa Maynila?

• A. Magdiwang

• B. La Solidaridad

• C. La Liga Filipina

• D. Los Indios Bravos

Sagot: A

Page 49: Nat  reviewer part ii

• 48. Dahil kay Daniel Tirona, tumiwalag si

Bonifacio sa pagpupulong at tumawag ng

asembleya sa Tenejeros. Ano ang naging

epekto nito sa kanya at sa kanyang kapatid?

• A. Hinatulan sila ng kamatayan

• B. Napawalang bisa at pinalaya sila

• C. Nagtago sa sila sa kagubatan

• D. Ginawa silang alipin ni Aguinaldo

Sagot: A

Page 50: Nat  reviewer part ii

• 49. Bumuo ng pamahalaang diktatoryal si Aguinaldo ngunit ito ay di nagtagal kung kaya't pinalitan ito ng bagong pamahalaan sa pamumuno ni Apolinario Mabini. Anong uri ng pamahalaan ito?

• A. Pamahalaang Panghimagsikan

• B. Pamahalaang Pampanguluhan

• C. Pamahalaang Panlalawigan

• D. Pamahalaang Demokratiko

Sagot: A

Page 51: Nat  reviewer part ii

• 50. Ang mga mamamayan ang itinuturing na

pinakamahalagang sangkap sa pag-unlad ng

isang bansa. Alin sa mga sumusunod ang

kasama ng tao sa

pagpapaunlad ng bansa?

• A. makabagong teknolohiya

• B. mga kilala sa pulitika

• C. likas yaman ng bansa

• D. tulong-pinansyal mula sa mga dayuhang

bansa

Sagot: C

Page 52: Nat  reviewer part ii

• 51. Ang pagpapahusay sa teknikal na

edukasyon ay isinagawa ng pamahalaan sa

pamamagitan ng TESDA ay patunay ng

pagnanais ng pamahalaan na mapahusay ang

kalidad ng mga manggagawa patungo sa:

• A. Pandaigdigang Globalisasyon

• B. Pag-unlad ng Edukasyon

• C. Pagpapabuti ng Ekonomiya

• D. Pagsisiguro sa kinabukasan ng mga mga

manggagawa

Sagot: D

Page 53: Nat  reviewer part ii

• 52. Ang kaunlaran ay isang kondisyon na

mahirap bigyan ng aktwal na kahulugan. Alin sa

mga sumusunod ng nagpapahayag ng

positibong pananaw at gawain tungkol sa

kaunlaran?

• A. Maayos na mga kalsada at tulay

• B. malulusog at matatalinong mamayanan

• C. mga mamamayan na may tamang saloobin

sa buhay

• D. mga mamamayan na may hanapbuhay

Sagot: B

Page 54: Nat  reviewer part ii

• 53. Ang mga sumusunod ay

nagpapahayag ng kaunlaran maliban sa

isa.

• A. Dumarami ang mga anak

• B. Maayos at masiglang pamilya

• C. May disiplina sa lahat ng oras at lugar

• D. Nakatapos ng pag-aaral

Sagot:A

Page 55: Nat  reviewer part ii

• 54. Araw ng halalan. Hindi pumunta ang iyong itay sa presinto upang bumoto dahil nagpasiya siyang hindi na muna boboto. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap?

• A. May karapatan ang bawat isa na piliin ang sariling pasya na di dapat hadlangan ng sinuman

• B. Walang panahon sa mahalagang pakikibahagi para sa bayan

• C. Hindi pagboto dahil walang makakasama

• D. Ayaw bumoto dahil hindi kilala ang mga tumatakbo

Sagot: B

Page 56: Nat  reviewer part ii

• 55. Taun-taon ay ipinagdiriwang natin

ang ating masaganang ani gaya ng

palay. Anong uri ng kaunalaran ang

ipinahihiwatig dito?

• A. Kaunlarang pampulitika

• B. Kaunlarang pangkabuhayan

• C. Kaunlarang pangkultura

• D. Kaunlarang pangedukasyon

Sagot: C

Page 57: Nat  reviewer part ii

• 56. Ang pagkilala ng ibang bansa sa Pilipinas

ay mahalaga, sapagkat:

• A. Kailangan natin ng kaalyado sa panahon ng

kaguluhan

• B. Ito ang nagpapatunay na tayo ay may

kasarinlan

• C. Kailangan nating makipagkalakalan sa

kanila

• D. Maliliwanag nito ang kabuuan nating

teritoryo

Sagot: B

Page 58: Nat  reviewer part ii

• 57. Ang mga sumusunod ay itinuturing na

mahahalagang sangkap sa pag-unlad ng

sambayanan maliban sa isa.

• A. bagong mga gadgets gaya ng PSP at mp4

• B. bagong tuklas na mga gamot para sa mga

sakit

• C. mga bagong likha at libreng mga aklat para

sa lahat

• D. sapat na kita para sa mga mamamayan

Sagot: A

Page 59: Nat  reviewer part ii

• 58. Mabait at masunuring bata si Pirena.

Hindi niya kinalilimutan ang mga bagay na

itinuturo sa kanya ng mga taong malapit sa

kanyang puso kaya tuluy-tuloy ang pag-usad

ng kanyang buhay. Anong uri ng pag-unlad

ang ipinakikita dito?

• A. tamang pagpapahalaga

• B. tamang pag-uugali

• C. pagmamahal sa bayan

• D. pagmamahal sa mga magulang

Sagot: A

Page 60: Nat  reviewer part ii

• 59. Maraming mga Pilipino ang nagbuwis ng

buhay para makamit ng Pilipinas ang matamis

na kalayaan dahil sa:

• A. Ayaw ng mga Pilipino sa mga dayuhan

• B. Inabuso ng mga dayuhan ang ating

kabaitan

• C. Mahalaga sa sinumang mamamayan ang

kalayaan

• D. Ang kalayaan ay hindi matatamo sa

mahinahong pamamaraan

Sagot: C

Page 61: Nat  reviewer part ii

• 60. Ang libreng edukasyon sa Elementarya at Sekondarya ay ginawang batas ng Pamahalaan dahil sa:

• A. Nakita ng pamahalaan ang kahalagahan ng edukasyon para umunlad

• B. Maraming mga kabataan ang hindi makapagtapos dahil sa kahirapan

• C. Nakita ng mga mambabatas na ito ay isang paraan para sumikat

• D. Nakita ng pamahalaan na maraming Pilipino ang mangmang

Sagot: A

Page 62: Nat  reviewer part ii

GOODLUCK!