8
NAT REVIEWER GRADE 3 FILIPINO READING TEST Panuto: Basahin ang mga kuwento at sagutin ang mga tanong na kasunod nito. Bakasyon sa eskuwela kaya naman masaya ang mga mag-aaral. Kung kaya ang magkapatid na Debbie at Eva ay tuwang-tuwa ng pinahintulutan sila na magbakasyon sa mga lolo at lola sa Panabo. “Wow! Makakain na naman tayo ng sariwang isda at mga gulay” ang sabi ni Debbie. “Hindi lang iyon, makakapaligo pa tayo sa dagat”. Kinaumagahan, kasama ang kanilang mga magulang, sina Debbie at Eva ay pagayak na ng probinsiya. 1. Ano ang kasalungat na kahulugan ng pinahintulutan? A. Sinabihan B. Pinayagan C. Pinagbawalan D. Sinang-ayunan 2. Alin sa mga sumusunod ang detalyeng kaugnay ng pagbabakasyon nila sa mga lolo at lola sa Panabo? A. Makapaligo sa dagat B. Makapamingwit sila ng isda C. Makapamitas sila ng prutas D. Matulog ng mahaba sa bahay ng lolo at lola 3. Ano ang maaring wakas ng kuwento? A. Sasama sila sa pamimitas. B. Naiwan si Debbie sa bahay. C. Bumalik ang magkapatid sa bahay. D. Masaya ang magkapatid sa pagbabakasyon. Pumasyal sa bahay nina Aling Digna ang nakatatanda niyang kapatid. Nadatnan niya sa bahay ang sampung taong gulang na anak ni Aling Digna na si Yolly. “Mano po Tiya Lilibeth”, ang bati ni Yolly. “Umalis po si Nanay sandali. Babalik din po agad siya”. Republika ng Pilipinas KAGAWARAN NG EDUKASYON Rehiyon XI SANGAY NG LUNGSOD NG DAVAO Lungsod ng Davao http://www.deped-davaocity.ph TEL. NOS. 224-3274/224-0100/224-3274/227-4726

Filipino 3 reviewer

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino 3 reviewer

Citation preview

Page 1: Filipino 3 reviewer

NAT REVIEWERGRADE 3

FILIPINO READING TEST

Panuto: Basahin ang mga kuwento at sagutin ang mga tanong na kasunod nito.

Bakasyon sa eskuwela kaya naman masaya ang mga mag-aaral. Kung kaya ang magkapatid na Debbie at Eva ay tuwang-tuwa ng pinahintulutan sila na magbakasyon sa mga lolo at lola sa Panabo. “Wow! Makakain na naman tayo ng sariwang isda at mga gulay” ang sabi ni Debbie. “Hindi lang iyon, makakapaligo pa tayo sa dagat”.

Kinaumagahan, kasama ang kanilang mga magulang, sina Debbie at Eva ay pagayak na ng probinsiya.

1. Ano ang kasalungat na kahulugan ng pinahintulutan?A. SinabihanB. PinayaganC. PinagbawalanD. Sinang-ayunan

2. Alin sa mga sumusunod ang detalyeng kaugnay ng pagbabakasyon nila sa mga lolo at lola sa Panabo?A. Makapaligo sa dagatB. Makapamingwit sila ng isdaC. Makapamitas sila ng prutasD. Matulog ng mahaba sa bahay ng lolo at lola

3. Ano ang maaring wakas ng kuwento?A. Sasama sila sa pamimitas.B. Naiwan si Debbie sa bahay.C. Bumalik ang magkapatid sa bahay.D. Masaya ang magkapatid sa pagbabakasyon.

Pumasyal sa bahay nina Aling Digna ang nakatatanda niyang kapatid. Nadatnan niya sa bahay ang sampung taong gulang na anak ni Aling Digna na si Yolly. “Mano po Tiya Lilibeth”, ang bati ni Yolly. “Umalis po si Nanay sandali. Babalik din po agad siya”.

Pinapasok ni Yolly ang kanyang tiya at binigyan ng meryenda. Natuwa si Aling Lilibeth sa ipinakitang pag-aasikaso ni Yolly na sa murang edad ay alam ang gagawin kapag wala ang magulang sa bahay.

4. Ang salitang pumasyal sa unang pangungusap ay nangangahulugan ng _______________.A. bumalikB. naligawC. dumalawD. pumasok

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYONRehiyon XI

SANGAY NG LUNGSOD NG DAVAOLungsod ng Davao

http://www.deped-davaocity.phTEL. NOS. 224-3274/224-0100/224-3274/227-4726

Page 2: Filipino 3 reviewer

5. Ayon sa binasang kuwento, si Yolly ay isang batang __________________.A. magalang at mabaitB. magiliw at masunurin C. masayahin at makuwentoD. mapagbigay at matulungin

6. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na pamagat ng binasa?A. Ang Matalinong BataB. Ang Masayahing BataC. Si Yolly, Ang Ulirang BataD. Si Yolly, Ang Batang Matiyaga

7. Dahil sa mga ipinakita ni Yolly, si Aling Lilibeth ay _______________.A. natuwa at humanga kay YollyB. nagulat at nagtaka kay YollyC. naawa sa kanyang pamagkinD. nalungkot dahil nag-iisa ito sa bahay

I. Si Carlos ay nasita ng kanyang guro dahil de-kulay ang kanyang sando. Nang siya ay umuwi pagkatapos ng klase, agad niyang inalam sa Ina kung tuyo na ang kanyang puting sando na gagamitin para pagpasok kinabukasan. II. Madalas ay ganito ang pangyayari sa buhay ni Carlos. Gayunpaman, ang kahirapan nila ay hindi naging dahilan upang siya ay panghinaan ng loob. Siya ay nag-aaral sa gabi at sa umaga ay nagtatrabaho. III. Sa ngayon, isa ng matagumpay na Certified Public Accountant (CPA) si Carlos sa isang kilalang bangko. Naiangat niya ang kanilang buhay sa kahirapan.

8. Ano ang kahulugan ng salitang nasita?A. InutusanB. PinarusahanC. NapagsabihanD. Napagtawanan

9. Anong katangian ang ipinakita ni Carlos sa pangalawang talata (II) ng maikling kuwento?A. MatalinoB. MasipagC. MatanongD. Masuwerte

10. Ano ang pinaka-angkop na pamagat ng kuwento?A. Ang Paghihirap ni CarlosB. Ang Batang NagtagumpayC. Ang Puting Sando ni CarlosD. Ang Isang Pangyayari sa buhay ni CarlosE.

11. Bakit nasita ng guro si Carlos? Dahil ang kanyang sando ay ____________.A. lumaB. marumiC. iba ang kulayD. puti ang kulay

Page 3: Filipino 3 reviewer

Simula ng mag-aral si Ligaya ay siya ang nangunguna sa klase. Dahil ditto binigyan siya ng gantimpala ng kanyang mga magulang, binilihan siya ng sariling kompyuter. Tuwang-tuwa si Ligaya. Walang oras na hindi niya kaharap ang kompyuter basta nasa bahay siya. Mahilig siya sa mga laro kung kaya’t madalas na nawawala siya sa oras ng pagkain at nakalilimutang mag-aral.

Pagsapit niya sa ikaanim na baitang nabawasan ang interes niya sa pag-aaral, at ng sumapit ang unang bigayan ng kard laking gulat ng kanyang mga magulang na bumaba ang mga marka ni Ligaya. Nabahala ang kanyang mga magulang. Pinilit ni Ligaya na mapataas ang kanyang grado upang manguna uli siya sa klase ngunit di na niya ito nagawa. Nang dumating ang pagtatapos di nakamit ni Ligaya ang maging valedictorian ng klase.

12. Ano ang kahulugan ng salitang di nakamit batay sa kuwento?A. Hindi nakitaB. Hindi nakuhaC. Hindi nadamaD. Hindi nanalo

13. Sa nangyari kay Ligaya, masasabi na siya ay isang batang ______________.A. palaloB. pabayaC. masipagD. matalino

14. Ano ang maaaring maging pamagat ng binasang kuwento?A. Ang Matalinong BataB. Ang Kompyuter ni LigayaC. Ang Mga Laro sa KompyuterD. Ang Mga Mababang Marka ni Ligaya

15. Ano ang naging dahilan at di naging valedictorian si Ligaya?A. Ang pagkain niya ng wala sa orasB. Ang pagiging tamad niya sa pag-aaralC. Ang pagkakaroon niya ng kompyuterD. Ang pagkahilig niya sa paglalaro ng kompyuter

I. Magpipiknik ang magkakaibigang Tony, Francis, Hansel, Bryan at Sandee. Magkakaakbay silang naglalakad ng mapadaan sa lugar na maramimg puno. Higit na nakatawag-pansin sa kanila ang puno ng bayabas. Hitik na hitik sa bunga ang punong bayabas. II. Nagyayang umakyat si Tony upang makuha ang mga hinog na bayabas. Ayaw umakyat nina Francis, Hansel at Bryan dahil sa sobrang taas ng puno. Tanging si Sandee lamang ang sumamang umakyat sa puno ng bayabas. III. Sa gawing itaas ng puno ay may mga malalaking langgam silang nakita. Natakot si Sandee na magpatuloy sa pag-akyat kaya siya ay bumaba na lamang. Si Tony ay walang takot namang umakyat sa gawing itaas ng puno at nanguha ng mga bayabas. IV. “Tony, kumapit ka ng mabuti, baka ikaw ay mahulog,” ang pag-aalala ng mga kaibigan.

“Oo, huwag kayong mag-alala. Heto, ang maraming bunga, saluhin na ninyo,”“Aray ko! Aray!... Ang sakit. Ayyy.....! Plak!

16. Sa anong talata matatagpuan ang paksang pangungusap?

Page 4: Filipino 3 reviewer

A. Una (I)B. Pangalawa (II)C. Pangatlo (III)D. Pang-apat (IV)

17. Ano ang naging wakas ng kuwento?A. Nagpatuloy din ng pag-akyat si Bryan bagamat siya ay may takot. B. Nakagat pareho ng langgam sina Tony at Sandee kaya pareho silang bumaba

ng puno. C. Nakagat ng langgam si Tony at nahulog sa puno sabay ng pagkalaglag ng mga

nakuha niyang bayabas.D. Nagpatuloy din ng pag-akyat si Sandee ang pinakamataas na bahagi ng puno

kung saan naroon ang maraming hinog na bunga ng bayabas.18. Ano ang kasalungat ng salitang hinog?

A. HitikB. HilawC. Maasim D. Matamis

19. Bakit natakot si Sandee na magpatuloy pang umakyat sa gawing itaas ng puno ng bayabas?A. Nag-alala ang kanyang mga kaibiganB. Nakita niyang bumaba na ng puno si TonyC. Nalula siya sa sobrang taas ng punong bayabasD. Nakita niya ang malalaking langgam sa itaas ng puno

Para sa bilang 20, pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa tulong ng mga larawan.

1 2

Page 5: Filipino 3 reviewer

3 420 .Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa larawan?A. 2-4-1-3B. 4-3-1-2C. 2-3-1-4D. 3-1-2-4

FILIPINO GRAMMAR TEST

1. Masarap na ulam ang ______________ ni Aling Ligaya para sa darating na kaarawan ng kanyang apo.A. inihandaB. ihahandaC. maghandaD. maghahanda

2. Ang koponang nagwagi ang siyang ____________ sa Pampurok na patimpalak.A. ipadalaB. pinadalaC. ipinadalaD. ipadadala

3. Araw – araw ______________ ng nanay ang kanyang mga halaman sa hardin.A. nagdiligB. diniliganC. nagdidiligD. dinidiligan

4. Ang aming punungguro ay ______________ dahil siya ay palaging nagbibigay ng mga kagamitan sa pag-aaral sa mga batang kapuspalad.A. malakiB. mabaitC. madamotD. maganda

5. ______________ si Rodelyn sa kambal na anak nina G. At Gng. Jose Santos.A. Maganda B. Ubod ng gandaC. Pinakamaganda

Page 6: Filipino 3 reviewer

D. Higit na maganda6. Si Bb. Aquino ay _______________ sa kanyang mga gawain sa silid-aralan.

A. masipagB. mas masipagC. pinakamasipagD. higit na masipag

7. Sobrang tuwa ang naramdaman ng batang pulubi nang matanggap niya regalo mula sa mayamang mag-asawa. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?A. SayaB. GalitC. HapisD. Lungkot

8. Ang malawak na lupain ni Gng. Santos ay tinaniman ng mga gulay at prutas. Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit?A. maikliB. malakiC. makipotD. malapad

9. Masayang namamasyal ang mag-anak na Montalban sa Peoples’ Park pagkatapos nagsimba sa San Pedro Church. Alin ang pariralang pang-abay sa pangungusap?A. sa San Pedro ChurchB. pagkatapos nagsimbaC. Masayang namamasyal D. mag-anak na Montalban

10. Ang alkalde ng Lungsod ng Davao ay masipag magtrabaho kaya maunlad ang lungsod. Alin ang pariralang pang-abay sa pangungusap?A. Lundsod ng DavaoB. alkalde ng Lungsod C. masipag magtrabahoD. maunlad ang lungsod

ANSWER KEY (NAT REVIEWER PARA SA FILIPINO)

1. C2. D3. B4. D5. A6. D7. C8. C9. B10.B11.A12.D13.A14.B15.A16.B17.A18.A

Page 7: Filipino 3 reviewer

19.D20.B21.C22.A23.D24.C25.C