33
Ayaw Ko Pang Pumasok Kuwento nina: Angelique De Vera, Arianne Therese Limonero, Nhoriel Toledo Mga litrato ni: Gia Monzales I Don’t Want to Go to School Yet

Ayaw Ko Pang Pumasok

Embed Size (px)

DESCRIPTION

digital story

Citation preview

Ayaw Ko Pang Pumasok

Ayaw Ko Pang PumasokKuwento nina: Angelique De Vera, Arianne Therese Limonero, Nhoriel Toledo

Mga litrato ni:Gia MonzalesI Dont Want to Go to School YetPara sa mga magulang, guro at tagapag-alaga:Ang kwentong ito ay tungkol sa isang batang natatakot pumasok sa unang araw ng pasukan. Makikita rito kung gaano kayaman ang imahinasyon ng mga bata pagdating sa mga bagay na hindi pa nila nasusubukan. Pero sa kabila nito, bilang mga nakatatanda, tungkulin nating palakasin ang kanilang loob para harapin ang bawat pagsubok sa kanilang buhay.

Ang aklat na ito ay para sa mga batang anim na taong gulang at pataas.

Bunso, handa ka na ba sa unang araw ng pasukan? tanong ni Ate.Are you ready to go to school? My sister asked.Anak, kompleto na ba lahat ng gamit mo? tanong naman ni tatay.

Are your things for school already complete? my father asked.Ano ang gusto mong baon bukas? dagdag ni nanay.

What do you want for snacks tomorrow? mother added.Sigurado akong marami kang makikilalang bagong kaibigan, sabi ni ate.

Im sure that youll meet a lot of friends in school., my sister added.Ngumiti lang ako at sumagot ng, Opo.

I just smiled and said, Yes.O siya, matulog ka na, anak. At maaga ka pa bukas.

You should sleep now, son. You still need to wake up early tomorrow.Dali-dali akong pumunta sa aming kwarto. Nakapikit na ang aking mga mata pero hindi pa rin ako makatulog.

I immediately went to my bedroom. My eyes were already closed but I still could not sleep.

Natatakot ako sa maaaring mangyari bukas.

I am scared of what might happen tomorrow.Paano pag bigla na lang maging halimaw yung mga taong hindi ko kilala?

What if strangers suddenly become monsters?Paano pag nangunguha pala ng baon ang ibang mga kaklase ko?

What if my classmates are bullies?Paano pag laging galit yung mapuntang titser sa klase namin?

What if the teacher assigned to our class is always mad?Anong gagawin ko pag mag-isa na ako at nakaalis na si nanay sa tabi ko?

What will I do when I am already alone and mother is already home? Nawala lahat ng nasa isip ko nang biglang pumasok si nanay sa kwarto. Napansin niya na umiiyak ako.

I forgot about the monsters and bullies when mother suddenly came to my room. She noticed that I was crying.Bakit ka umiiyak, anak? tanong ni nanay.

Why are you crying, my dear son? mother askedNanay, ayaw ko pang pumasok, sagot ko sa kaniya.

Mother, I dont want to go to school yet, I told her.Anak, huwag kang mag-alala. Magiging masaya ang pagpasok mo sa paaralan bukas, paliwanag ni nanay.

My son, dont worry. Everything will be fine. tomorrow, mother explained.Sige po. Goodnight, nanay, sabi ko. Goodnight rin, anak, bulong naman ni nanay.

Okay. Goodnight, mother, I said. Goodnight, dear, mother whispered.Kinaumagahan, naghanda na ako para sa unang araw ng pasukan.

The following morning, I prepared for our first day of school.Hinatid ako ni nanay sa school.

Mother accompanied me to school.Pero natatakot pa rin ako kaya sinubukan kong habulin si nanay. Gusto ko na umuwi.

But I was still scared so I tried to follow her. I wanted to go home.Nakita pala ako ni titser. Tapos sinamahan niya ako na pumasok sa aming silid.

My teacher saw me. Then she accompanied me to our classroom.Sinabi niya sa akin na masaya sa eskwelahan at napag-isip-isip kong tama si titser.

She told me that going to school is fun and I have realized teacher is right.Mga Tauhan Nhoriel Toledo Angelique De Vera

Arianne Therese Limonero Gia Monzales

Tungkol sa mga AwtorAngelique De VeraSi Angelique, na kung tawagin ng karamihan ay Gel, ay isang Teaching in the Early Grades (TEG) major. Mahilig siyang magbasa at mangolekta ng mga librong pambata. Isang katuparan ng isa sa kanyang mga pangarap ang maisulat ang librong ito.

Arianne Therese LimoneroSi Arianne, na mag-so-Social Studies Major sa BSed, ay tunay ngang mahilig sa performing arts at literature. Siya ay mahilig sa pagganap sa entablado. Dagdag pa rito, siya ay mahilig magsulat ng mga maiikling kwento at mga dula. Nais nyang maibahagi ang kaniyang kaalaman sa mga tuturuan niya sa darating na panahon.

Nhoriel ToledoSi Nhoriel, na kung tawagin ng karamihan ay Nhoriel, ay isang Secondary Math major. Mahilig siyang mag-solve ng mga Math problems ngunit masaya rin siyang matuto tungkol sa ibat ibang asignatura. Para sa kanya, isa ito sa mga paraan upang matuto pa ng ibang mga bagay.

Tungkol sa Kumuha ng mga LarawanGia Monzales

Mahilig si Gia na magbasa ng mga libro at magazines. Isa sa mga inspirasyon niya sa pagkuha ng mga larawan ay ang mga anggulo na madalas niyang nakikita sa kaniyang mga binabasa. Isa siyang guro mula sa English Department.

Ang mga awtor at kumuha ng mga larawan para sa librong ito ay mga estudyante sa UP Diliman. Ito ay isang proyekto para sa kursong EDUC 190. Nagkaroon ng katuparan ang proyektong ito sa tulong at gabay ni Sir Noel Feria.

Bakit kaya ayaw pumasok ng ating bida sa unang araw ng pasukan? Ano kaya ang nasa isip niya? Tara at ating alamin!